Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25


Chapter 25


Nangangatal ang mga kamay ko habang nakahawak sa aking mga bibig. Nag-uumapaw ang mga luha ko habang unti-unting lumilingon sa akin si Tristan.

He looked confused, shocked, frustrated with mixture of pain and hatred.

Hindi ko siya masisisi kung ganito ang nararamdaman niya sa akin.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya Tristan. I was too weak, ginawa ko lahat para hindi maagaw ang anak natin. I tried to fight back, I tried..alam ng diyos 'yon, alam niya kung paano ko pinaglaban ang anak natin. But they are too many, I wasn't skilled enough. I'm sorry..I'm sorry..hindi ko sinasadya..hindi ko sinasadya.."

Hindi nakahakbang patungo sa akin si Tristan, sa halip ay napaupo ito sa lupa. And he weakly bowed his head against his knee.

"FUCK!" malakas na sigaw nito.

Nangangatal na ang buong katawan ko. This is what I feared the most, this isn't the right time. Hindi ko pa kayang salubungin ang galit niya sa akin.

Natatakot akong baka hindi na niya ako magawang patawarin.

"Tristan, I'm sorry."

"Fuck! Hindi lang pala ikaw ang inagaw sa akin..even my child.." muli itong yumuko at ilang beses niyang sinabunutan ang kanyang sarili.

"Tristan, I'm sorry. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa'yo.." sinubukan kong lumapit sa kanya pero tumigil rin ako nang lumingon siya sa akin.

"Hanggang kailan mo ito itatago sa akin? Gaano katagal Lina?" I can see pain in his eyes.

"I-I...Tristan.."

"So it's fake? You're faking it, your memories.." pagak siyang tumawa.

"Life, the woman I loved the most is damn fooling me for the long time." Ilang beses akong umiling sa kanya.

"No! Hanggang ngayon ay wala pa rin akong naalala! I was not faking it Tristan!" kumunot ang noo nito sa akin.

At kita ko sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Hindi ko na alam kung paniniwalaan pa kita Lina, l never lied to you. Mahal na mahal kita, pero ito ang ginagawa mo akin. How could you? How could you do this to me?"

"Tristan please, I am not lying. Wala akong naaalala, hanggang ngayon ay malabo pa rin ang memorya ko." I am telling him the truth!

"What the—Lina!" halos mapatalon na ako nang sigawan na niya ako. He never did that to me.

"Tristan.."

"Why can't you admit it? Bakit pilit mo pa rin pinaninindigan ang kasinungalingan mo?" hindi na natapos ang pagpatak ng mga luha ko.

I can't blame him for accusing me like this. Ako mismo ang dahilan kung bakit nahihirapan na siyang pagkatiwalaan ako.

"I am not lying.."

"Then how?!" nagulat na lang ako nang makalapit siya sa akin.

Mahigpit ang hawak niya sa aking mga braso at nag-iigting ang mga bagang nito sa galit.

"Papaano mo nasabing ako ang ama ng bata?! Anong basehan mo kung wala ka pa rin naalala?!"

Hindi ako makasagot sa kanya. At ang tanging nararamdaman ko lamang ay ang higpit ng mga kamay niya sa akin braso at ang kanyang mga matang nag-aapoy na sa galit.

"Tristan..nasasaktan ako.." He never did this to me. He's always gentle and calm, but I need to accept all of this.

"Just fucking answer me, Lina!" napapikit ako sa sigaw niya sa akin. Pakiramdam ko ay mamasa ang mga braso kosa igting ng kamay niya sa akin.

"Sa ilang taon niyong magkasama, hindi ka kailanman ginalaw ni Gray?! Is it really my child?! O binibigyan mo na naman ako ng kasinungalingan?!" umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"He is yours.."

"How?! Papaano mo masasabing ako ang ama ng bata kung wala kang memorya?! At si Gray lang ang kasama mo sa loob ng ilang taon!? Baka nakalimutan mo rin na natira ka na pala ni Gray at nagkaanak kayo!?" pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa narinig ko mula sa bibig niya.

Ubod nang lakas akong nagpapalag sa kanya at dalawang kamay ko ang halinhinang sumampal sa mukha niya. Hindi tumigil sa pagsampal ang mga kamay ko hanggang hindi ito kumikirot.

"Tangina mo Tristan! I was in coma habang pinagbubuntis ang anak natin! Bago pa mawala ang memorya ko ay buntis na ako! Yes! Gray introduced himself as my husband even the father of my child! But Gisela told me the truth before she died! And god! Unang kita ko palang sa mga mata mo! 'yong anak ko agad ang naalala ko! He got your eyes.. and..and you resembles him a lot..."

Nakatitig lamang ito sa akin.

"Kung ayaw mong maniwalang ikaw ang ama, hindi ko ipagpipilitan! I'll retrieve the jewel alone! Babawiin ko ang anak ko. And don't you dare accuse me for fucking Gray, you asshole!" lumapit ako sa kanya at ilang beses kong itinuro ang sentido ko.

"I never fuck anyone else, Ferell. Ikaw lang. Kahit sabog ang memorya ko, hindi ako kailanman bumigay kay Gray, kahit halik hindi ko binigyan. Numbers of male population are willing to kneel on me, but I kneeled on you. Inihain ko ang lahat sa'yo, buong-buo. Dahil alam ng puso at katawan kong ikaw. You made me feel that I was a slut playing a game called amnesia." Marahas kong tinulak ang dibdib niya.

"Fuck you, Ferell! Hinding-hindi mo makikita ang anak mo." Tumulong muli ang luha ko at nagmadali na akong talikuran siya.

Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa makapasok na ako sa kotse.

"What happened?" tanong ni Armando.

"Let's go, umuna na daw tayo."

"Sure?" nag-aalangang tanong sa akin ni Armando.

Siguro ay narinig niya rin ang pagtatalo namin ni Tristan, kung nasa ibang pagkakataon siguro ay baka nakalapit na ito kanina pa sa amin. Alam niyang seryoso ang pinag-uusapan namin ni Tristan.

"Yes—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Tristan.

Marahas nitong hinila palabas ng kotse si Armando at mabilis itong sumakay sa driver's seat. Padabog niyang isinarado ang pintuan at pinaharurot nito ang sasakyan.

"What the hell? What about Armando?!"

Nang silipin ko si Armando ay napapadyak na lamang ito sa lupa kasama ng pagmumura niyang halata sa pagbuka ng kanyang bibig.

"Napakasama talaga nang ugali mo! You are leaving your comrades behind! Balikan natin si Armando!"

"I want you alone, makakabalik mag-isa sa hotel si Armando."

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Tristan, hihiwalay na ako." Ramdam ko na lalong bumilis ang takbo ng sasakyan sa sinabi ko.

"Itigil mo ang sasakyan, bababa na ako." Hindi ito sumagot at nagpatuloy ito sa pagmamaneho.

"Tristan, please stop the fucking car!" Hindi pa rin ito nagsasalita.

"Tatalon ako Tristan, sinasabi ko sa'yo. I'm dead serious."

"I'm sorry.."

"Itigil mo sabi ang sasakyan Tristan!"

"I said I'm sorry! I'm SORRY! I'm fucking sorry baby!"

"Ikaw Tristan, I want to ask you. I want to hear an honest answer. Sa ilang taon kong pagkawala, walang babae? Wala ka kahit isang babaeng ikinama?"

"Lina.. please I'm sorry baby. Nagulat lang ako, I'm confused..hurt..fucking jealous and felt betrayed. I didn't mean what I said."

"Why can't you answer my question now? Minsan ba tinanong kita? Minsan ba isinumbat ko sa'yo? Huwag mong ibato sa akin ang mga ginagawa mo nang wala ako!"

"I said I'M SORRY! Sorry baby.."

"Itigil mo sabi ang sasakyan!"

"No!"

"Oh fuck! Tristan!" nanlaki ang mga mata ko nang may malaking truck na babangga sa amin.

Agad kinabig pakanan ni Tristan ang sasakyan para maiwas kami pero may isa pang kotseng sasalubong sa amin.

Tumilapon ang buong katawan ko sa kanang parte ng sasakyan kasabay nang pagkabig ni Tristan sa kotse, napadaing ako sa sakit ng buong katawan ko. Pero hindi pa dito natapos, nakaramdam pa rin ako nang malakas na impact sa kanan dahilan kung bakit muling tumilapon ang katawan ko pakaliwa.

Hanggang sa magpaikot-ikot ang sasakyan namin at natagpuan ko na lamang ang sarili kong nilalamon ng tubig.

Nahulog kami sa tulay! I tried to move to save myself, but I felt so weak. Hindi ko na magalaw ang buong katawan ko.

Huli ko na lamang nakita ay si Tristan na pilit binabasag ng kanyang siko ang bintana ng sasakyan.

Buong akala ko ay tuluyan na akong mamamatay sa lunod at matinding panghihina nang katawan, pero naramdaman ko ang paulit-ulit na pwersa sa aking dibdib.

"Baby wake up! Wake up! I'm sorry.." ilang beses lumalapat ang labi ni Tristan sa akin para bigyan ako ng hangin.

He's pumping my chest and giving me air to breathe. Wala siyang tigil habang tinatawag ang pangalan ko.

"Baby, I'm sorry..I didn't mean that..I didn't..I'm sorry..wake up.." nang tuluyan na akong umubo at nagmulat nang mga mata ay agad niya akong niyakap nang mahigpit.

"Lina, I'm sorry baby.." hinawi nito ang basa kong buhok sa aking mukha.

"I was just jealous, fucking hurt and shocked. It was like a bomb, baby. And I didn't think about my words..I'm sorry. I was just jealous..hurt.." paulit-ulit na sabi nito.

"Ako dapat ang kasama mo sa pagbubuntis mo. I was not there while you labour our baby. I didn't held your hands when you needed me, it wasn't my arms who held our first baby, it wasn't my voice who welcome him in this world and it wasn't my lips who showered you for giving an angel.."

"I was so frustrated and it's killing me.."

"Tristan.." umangat ang kamay ko sa pisngi niya. Pansin ko ang pamumula ng mga mata niya. Did he cry?

"I love you..Lina, marry me.."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro