Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24


Sa kabila nang dilim na nababalot sa loob ng elevator ramdam ko ang mariing mata ni Tristan na nakatitig sa akin.

"I-I'm—"

"Come on, mamaya na 'yan. We need to move." Pagsingit ni Savannah.

"I'll climb up, Armando help me."

"Yes Cap."

Pinagsalipot ni Armando ang dalawa nitong kamay at inilahad niya ito kay Tristan. Dito tumapak si Tristan at mabilis itong tumalon, agad siyang nakahawak sa ceiling at natanggal ang pagkakatakip sa taas na parang sanay na siya sa bagay na ito.

Nakaakyat na ito sa taas habang lahat kami ay naghihintay ng tawag niya.

"You'll go first baby, everyone face wall." Mariing sabi nito para hindi ako masilipan.

Yeah, I am only wearing a t-back.

Isinabit ni Tristan ang kanyang sarili, he used his leg as a support while he's waiting to grab my hands.

Nang maghawak ang aming kamay ay inilalayan niya akong makawak sa bakal. He immediately positioned his body properly at inalalayan niya rin ako nang maayos.

Sunod niyang tinulungan si Savannah at Armando.

"How about them?" tanong ni Savannah.

"We need to move," sagot lamang ni Tristan.

Walang balak tumulong si Tristan, but Savannah is smarter. She approached the weaker one, si Armando.

"Hey honey..would you mind helping me? I'll promise, I can pay in many ways." She asked Armando seductively.

Pakinig ko ang pagmumura ni Tristan.

"Let them be, tukso talaga si Savannah. Marupok si Armando, bagay silang maglokohan."

Umakyat muli si Tristan, may bukas na dito na siyang dadaanan namin. Hindi na ako nagtanong pa at inabot ko na rin ang kamay ko sa kanya.

Pareho na kaming nasa taas nang dumungaw kami kay Armando at Savannah na may sarili nang negosasyon.

"Armando, we'll be waiting outside."

Hindi na siya hinintay ni Tristan sumagot dahil hinila na ako nito. Binuksan ko ang dala kong brief case at ibinigay ko sa kanya ang kanyang baril. May dala na rin akong akin.

Pero nauuna lagi siyang tumakbo sa akin, para kung may balang tatama siya ang unang sasalubong.

Alam kong hindi niya gusto ang sinabi ko kanina, pero may katwiran ito. He should not think about his hatred, lalo na sa ganitong sitwasyon.

"Fuck," kapwa kami sumandal sa pader nang may grupong dumaan sa kabilang hallway.

Tristan immediately used his card from his pocket, agad kaming nakapasok sa isang kwarto. Lahat kami ay may ganitong card kung sakaling magkaroon ng aberya sa mangyayari.

Mabuti na lamang at walang guests sa loob. Hindi pa rin naalarma ang buong hotel dahil hindi pa naman nagkakaputukan.

And we used silencers, walang gawa ang security system ng isang hotel sa malalaking sindikato.

"Now tell me, what is with your jewels Lina?"

Bumalik na naman kami sa tanong niyang ito. I can't still answer him about this, dahil hindi ko alam kung papaano ko sisimulan.

Not with this situation.

"Can—can we run first? Can we secure out safety for a while? Bago natin pag-usapan ang mga bagay-bagay?"

"Run? You've been running away from me! Simula nang magkita tayo, puro lihim ka na sa akin. Can't you trust me? Bakit parang mas marami pa nalalaman sa'yo si Gray kaysa sa akin?"

"Because I was with him—"

"That's it? That is your damn reason, Lina? I thought you love me? Bakit hinahayaan mo akong maging bulag sa nangyayari? Yes, I volunteered! Gusto kitang tulungan para kuhanin ang mga batong 'yan! I even dragged Sous Leau's name, because I can't let you lay your life again. Hindi ko na kakayanin..but atleast give me the reason."

"Tristan please, not now.."

"Not now? Papano kung tamaan ako ng bala mamaya? Dito? Mamamatay akong hindi nalalaman ang pinaglalaban ng babaeng mahal ko?"

"Tristan please.."

"Why can't you give me the information that I deserve? What is it, baby? You are making me feel that I only own your body. But your purpose of living isn't mine.."

"Tristan it was not like that!"

"But you are making me feel that way! Tiniis ko ang lahat ng gusto mo, nang una kitang makita pinakawalan kita. Because of your memories, ayokong mabigla ka. But I never stop chasing after you, wala na akong pakialam sa lahat basta ang mahalaga mahabol kita sa bawat misyon mo. I did my best for you to notice me. Pilit kong ginawa ang lahat ng ginawa ko noon para maalala mo ako, I did everything for you to feel how much I love you."

"Tristan.."

"But I never get tired until I finally reached you. Akala ko okay na Lina, nasa akin ka na. Wala nang makakaagaw sa'yo, but after that incident? After I saw your concern emotion towards Gray..damn I'm wrecked baby."

"Tristan, ikaw ang mahal ko.."

"But you trusting him more than me. What kind of love is that, Lina?" ibinaba nito ang baril at naupo ito sa couch.

Ipinatong niya ang kanyang ulo sa sandalan nito at mariin siyang pumikit.

"Yes, you know how much I love your lips, your whole body, your touch and even your moans baby. Pero hindi lang 'yon ang gusto ko, I want the whole you. Trust, honesty and everything. Hindi lang katawan mo ang habol ko, hindi lang 'yon ang gusto kong angkinin. Can't you understand that, Lina?"

Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya nang marinig namin ang boses ni Armando. He have his own tracking device that can locate our current spot.

"Cap, we cleared the field. Sa labas tayo inaabangan."

Tumayo na si Tristan at hindi nito sinalubong ang mga mata ko.

"Let's go, alam ko kung saan tayo dadaan."

Nakapasok kami sa pinakababa ng hotel kung saan nandito ang ilang uniform ng mga cleaning aid. Mabilis nagsuot nito si Armando at Tristan, they used mask on face.

Isinakay nila ako sa kanilang isusulong na cart na pinaglalagyan ng mga makakapal na kumot ng mga kwarto.

Nakatungo lamang si Tristan at Armando sa tuwing may naririnig akong mga yabag ng mga nagmamadaling paa.

Pakinig ko rin ang ilang crew na nag-uusap na tungkol sa elevator na nasira. I want to ask Armando about what happened with the other team, pero alam kong hindi ito magugustuhan ni Tristan.

Nakarating kami sa groundfloor, dahil may ibang dinadaanan ang mga tagapaglinis at mga janitor ang hotel ay dito kami walang kahirap-hirap na tumakas.

Tulad nang kanina ay si Armando ang nagmamaneho pero sa pagkakataong ito ay nasa unahan na nakaupo si Tristan.

"Awkward, something happened? Hindi naman siguro nahulog ang bato, hindi ba?"

"Hindi, everything is fine." Sagot ko.

"Armando, make this car run for 2-3 hours. Dalhin mo kung saan, let's just check if they are following us."

Ikinasa na ni Tristan ang kanyang baril na handa na sa kung anumang sasakyang pwedeng humarang sa amin.

"What happened with the other group?" nagulat ako sa tanong ni Tristan.

"Isa lang ang tinulungan ko at iniwan ko na sila. And I got a date this coming Sunday."

"Is it Savannah?"

"Yeah, the sexy."

"Don't trust her, she's a skilled seductress. Aasa ka lang sa kanya, Armando. Ipapakita niyang interesado siya sa'yo pero sa katotonan ay wala."

"But her words are too genuine, papano niya naman ako lolokohin?"

"Bahala ka na, how about the others?"

"You mean the two? I told you, tumulong lang ako ng isa sa kanila. Hindi ko na alam kung buhay pa ba sila "

Hindi na muli nagsalita ang mga kasama ko, ilang beses nang tumutugtog ng timber pero wala na dito ang konsentrasyon ko kundi sa lalaking nasa unahan.

Papaano ko sasabihin sa kanya ang mga bagay na di ko pa kayang sabihin sa kanya?

Kung nabubuhay lamang si Gisela, hindi ko sasapitin ang bagay na ito. Being the hummingbird gave me responsibilities and pain. Minsan ay naiisipko kung papaano natagalan ni Gisela ang ganitong trabaho.

Tumigil ang sasakyan namin sa ilalim ng malaking tulay. Talagang mapapahanga na ako kung masusundan pa kami rito.

Dahil ramdam ni Armando ang tensyon sa pagitan namin ni Tristan ay walang salita na itong lumabas at binigyan kami ng oras mag-usap.

"Tristan, I'm sorry. I'll promise, sasabihin ko ang lahat. Just give me enough time."

"Enough time? Baby, you had enough. Sobrang dami na nang pagkakataon ang binigay ko sa'yo. Papaano pa ako gagalaw sa susunod na misyon na hindi ko naman alam ang puno't dulo? You can't tell me na maaari naman akong hindi tumulong and it's just you. Sa tingin mo ba ay matitiis kita?"

Lumabas na rin ito ng sasakyan. Binuksan ko rin ang pintuan malapit sa akin at sinundan ko ito.

"Tristan.."

Nagpatuloy ito ng paglalakad at hindi ako nililingon.

"Baby... please. Ayokong makipagtalo sa'yo Tristan, we should be happy for the success of our mission together. Bakit ganito?"

Nahabol ko at dalawang kamay niya ang hinawakan ko.

"Tristan, I love you. Mahal na mahal kita.." kumirot ang dibdib ko nang tinanggal niya ang kamay ko sa kanya.

"But I can't find my worth with you, Lina. Is it just about sex? Pang kabit na lang ba talaga ako? Wala na akong karapatan sa impormasyon? Nasaan ang pagmamahal, Lina? Napapagod rin ako..nasasaktan na rin ako baby.."

"Tristan! Ano ba?! It was not just about sex!" halos sabunutan ko ang sarili ko.

"I can't argue with you anymore, Lina. Let's just rest, tell Armando that you can go with him. Umuna na kayo."

Tinangka ko siyang abutin pero iniwas niya ang kanyang braso. He turned his back on me.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko habang lumalayo siya.

"Hindi ko alam..hindi ko alam kung papaano magsisimulang magpaliwanag sa'yo Tristan, natatakot akong kamuhian mo..natatakot akong iwan mo ako.." tumigil ito sa paglalakad pero nanatili itong nakatalikod sa akin.

"I need to steal all of those jewels as a hummingbird. I am currently affiliated with one of the biggest syndicate in Europe. Kailangang isisi kay hummingbird ang pagnanakaw ng lahat ng alahas. I need to play the role, kahit labag sa loob ko."

Nangangatal ang buong katawan, maging ang boses ko habang nanlalabo ang aking mga mata sa tigil na pagpatak ng aking mga luha.

"T-They have our baby..hawak nila ang anak natin Tristan."


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro