Chapter 20
Chapter 20
"Open widely, baby. Hindi maipasok nang maayos." I rolled my eyes.
"Humiga ka nang maayos, Lina. Hindi tayo matatapos nito." He sounds annoyed.
Pero mas naiirita na ako sa kanya. I want to punch him straight to his face. Hindi magandang pakinggan ang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko alam kung sinasadya na niya ba o ano.
"Baby, open widely." Iritado ko nang itinulak ang kamay ng dentista.
"Bakit ang ingay-ingay mong lalaki ka?! Ikaw ba ang dentista?"
"Because we're here for almost an hour."
"Because that device is so sensitive, kapag nagkamali ng alis itong dentista mo malalaman ni Gray na tinatanggal natin ang transmitter. Baka magkamali-mali sa pagdikta mo, can you just sit there?" Itinuro ko ang sofa.
"Alright," naupo ito sa itinuro ko.
Pinagpatuloy ng dentista ang pagtanggal, mga kalahating oras ang lumipas bago ito natapos.
Inip na inip na si Tristan dahil nakatayo na itong nakapamaywang.
"Done?"
"Yes," sagot ko.
"Thanks doc, but that won't affect her kissing—"
"Tristan Matteo Ferell!" ngumisi ito sa akin.
"Just kidding,"
Nagpaalam na sa amin ang dentist at naiwan kaming dalawa. Sinabi nitong magswimming daw kami, pumayag naman ako.
But I can't wear my two piece, dahil marami pa siyang marka sa akin. So I end up using a one piece.
Nasa pool side ay naghihintay na si Armando, ang dalawa kong kaibigang bakla na halos bugahan ang mga babaeng nakapulupot kay Armando.
"Hi," bati ko.
"Wow, maganda ang bati ng friend natin. Nakaisa na 'yan kagabi." Umirap na lang ako.
Here we go again.
Hindi sila pinansin ni Tristan at maganda ang araw nito. Hinila niya ako sa dulong parte ng pool na malayo sa mga kasama namin.
Binuhat niya ako at tumalon kami sa pool. Dinala niya ako sa malalim na parang hindi ako marunong lumangoy.
I want to laugh.
"I can swim, you idiot."
"I know, gusto ko lang lumayo at masolo ka."
Iniyakap niya sa bewang ko ang kanyang mga braso. Habang ang mga braso ko naman ay sa batok niya.
"You look so beautiful, hindi yata ako marunong magsawa Isabella."
Hindi ako sumagot sa kanya.
"Stay with me, Lina. Huwag ka nang bumalik kay Gray. Tell me the problem."
"Hindi ba at nagpag-usapan na natin ito?"
"Tss, just trying my luck."
Kalahating oras kaming nakalayo ni Tristan sa mga kasama namin bago kami nakisali sa paglalaro nila Armando.
It was a pool wrestling. Sasakay lang kaming mga babae sa balikat ng lalaki at magtutulakan kami.
Tawa kami nang tawa ni Tristan nang magtitili ang mga bakla kong kaibigan nang sumakay sa balikat nila ang mga babae ni Armando.
"Oh my god! Oh my god, huwag mong idikit sa batok ko! Eww! Ayoko na! Sinasadya niyang idikit sa batok ko!" maarteng sabi ni Chariz.
Halos masuka naman si Winoa, hindi na makahinga ng katatawa si Armando.
"Okay lang 'yan mga pre, baka magising na kayo sa katotohanan! Masarap maging lalaki, lalo na kung magandang lalaki ka. Hindi ba Cap?"
"Maliit na bagay," tinampal ko ang dibdib ni Tristan.
"Why?" inosenteng tanong nito sa akin.
"Ang yabang mo."
"No, sadyang maganda ang lahi ko Lina. Hindi kayabangan 'yon. Come on sumakay ka na rin."
Inalalayan ako ni Tristan na sumakay sa balikat niya.
"Careful, careful virgin pa ang friend namin na 'yan." Tumalim ang mga mata ko kay Chariz at Winoa na ako naman ang pinagtitripan.
Nagsimula nang maglakad papalapit sa isa't isa ang mga lalaki.
"What will be the consequence?" tanong ko.
"Manlilibre ang mga talo, ofcourse." Sagot ni Armando.
Nang maglapitan na kami ay nagsimula na kaming magtulakan. Pero hindi ko pa man naitutulak ang babae ni Armando ay bigla na lamang nabuwal ang mga ito.
"Like-what—" lumubog na si Armando at ang babae niya.
Naitulak ko ang mga babaeng nakasakay sa dalawang bakla. We won!
"You cheated, Cap! Hindi naman tayo kasali!"
"Who told you? Weak."
Umahon na kami sa pool na nagtatawanan. Inabutan ako ng towel ni Tristan bago kami nagsimulang kumain.
I really want this day, walang luha, walang sakit, magaan lang. Masarap sa pakiramdam.
Nakakalong lang ako kay Tristan habang kumakain ako ng barbeque. Sinusubuan ko rin siya paminsan na hindi niya tinatanggihan.
Mukhang nagustuhan ng dalawang bakla sa pool kaya magkakasama sila ng mga babae. Ako lang si Tristan at Armando ang nasa cottage.
"So? Kayo na ulit? Can you remember now, Miss Lina?"
"Hindi pa," matabang na sagot ni Tristan.
"Oh, hopeless."
"Gusto mong sumabog ang bungo mo, Armando?"
"Cap, hindi ka na mabiro. So anong plano? Itumba na lang kaya natin? I've check his rats identities. Kaya na natin dalawa ang mga 'yon, Cap."
"I still don't have plans yet, nakatakas si Vicente."
"Hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon?"
"I don't know,"
"Are you dating someone, Armando?" inubo si Armando sa tanong ko.
"W-What? Why? Wala, ofcourse. I vowed to Sous L'eau, guns over girls."
"Really? What if your gun looks for a girl? I mean permanent girl, baka gumaya ka rin kay Rashido na iyak at luhod pa para makahabol sa babae."
"No way,"
"Who's Rashido?"
"Naging prinsipe na," sabay tumawa si Tristan at Armando.
Sumulyap si Tristan sa direksyon ng mga kaibigan ko.
"Let's get started, Armando. What did you find out?"
"Well, we have our trip tonight."
"Tonight?" tanong ko.
"You can stay here, it's our job."
"Mission about?"
"Why don't we join us? You need a call girl." Marahas na sinipa ni Tristan ang lamesa pero nakailag si Armando.
"What? You need a call girl, Tristan?"
"That's for our mission, ang bibig mo Armando."
"Alright, sinasabi ko lang. Syempre, bakit kailangan pa nating maghanap ng babae? Miss Lina is more ideal, besides sanay na siya sa mga misyon. Ayokong sumabit tayo dahil mali ang kasama nating babae."
"Okay, I'm in."
"W-What? No, dito ka lang." Pagtutol ni Tristan. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Okay then, pagbalik mo. Wala ka nang uuwian."
"Lina, listen to me. You can't,"
"I am the hummingbird,"
"I know!"
"So sino pa ang hahanapin mo?"
Napabuntong hininga na siya. Wala siyang magagawa sa akin.
"So what is your mission all about?" I asked Armando.
"Naunahan namin ang grupo ng asawa mo sa paghahanap ng sunod ng alahas, mukhang mauuna ang grupo ng kabit."
"Tang-ina mo Armando, umayos ka." Gigil na sabi ni Tristan.
"I am not married," iritado na rin ako dito kay Armando.
"Hey, chill. Nagbibiro lamang ako. Let's start." Kinuha ni Armando ang isang takip ng alak at inihagis niya ito sa ere.
"Blue Mckreen, 9:00 pm sharp magsisimula ang sugalan, 32nd floor, room 3208. We'll play Senator Garcia's spot, alibi is already settled. Lusot na tayo sa pagpasok, mahihirapan tayo sa paglabas." Tumango kami ni Tristan.
"I already analyzed the building capability, hindi tayo pwedeng dumaan sa bintana. We lack of resources, the shockwaves from our machines won't damage their windows or even their wall, they had high quality of materials. We'll be trapped. Mapapatay tayong tatlo."
"So we only have to exits," sagot ni Tristan.
"Bingo,"
"The door itself," pagsingit ko.
"And the ceiling,"
"Yeah, so where are we going to exit?"
"I think it is better if we take the exits."
"Uhuh? I'll take the door then." Sagot ni Armando.
"Okay, I'll be in the ceiling. Kayong dalawa sa pintuan. All we had to do is have a proper disguise in a right time."
"Yes," sagot nilang dalawa.
"I can understand now, Tristan will play as the gambling lord, me as his call girl and you, Armando as his body guard."
"Sadly, yes. I want to play as the gambling lord, but Cap is better in poker. Damn it."
Tumigil kami sa pag-uusap nang bumalik na ang mga kaibigan ko. Sinulyapan pa kami ng mga ito na parang may naamoy silang hindi tama sa amin.
"You looked suspicious guys."
"Uhuh?" natatawang sabi ni Armando.
Nag-inuman muna sila, hindi na ako pinayagan ni Tristan dahil baka daw hindi na matuloy ang misyon namin mamaya kung bigla na lang akong malasing at akit-akitan siya.
We make-out first, sleep and we get ready. Hindi na kami naligo nang sabay dahil nasa loob na ng kwarto si Armando para makasigurong hindi na magkakaroon pa ng aberya sa pagitan namin ni Tristan.
Tinatawag na ako ni Tristan sa banyo nang matapos kong ayusin ang sarili ko.
I am wearing a blond wig, black shades, silver spaghetti strap V-neck, backless sequins sheth short dress. I paired it with my silver suede stiletto heels.
I applied my bloody red lipstick and stood confidently in the front of the mirror. I grinned. Perfect.
Humming is now on the floor. Binuksan ko ang pintuan ng banyo, sumalubong sa akin si Tristna at Armando na nakaayos na rin.
Armando's wearing black fitted shirt, gloves, black pants and gun on his hand.
"Hi there, Miss hummingbird." Bati nito sa akin.
But what made my eyes turned on is the hottest gambling lord I've ever seen. Tristan's wearing a dark gray suit with a black button down and black tie that made him look so sexy.
I stepped on seductively on the metal case on the floor.
"Hi my hummingbird,"
He's not smoking, but he needs this trick to make his gambling acts more realistic. Bumuga siya ng usok kasabay nang paglanbas ng kanyang mga mata sa binti ko.
"Come here, baby." Inilahad nito ang kanyang braso sa akin.
I made a swift movement from my feet, agad tumalang sa ere ang brief case na may lamang pera at sinambot ko ito.
I went straight on his arms. Yumakap ang isang braso niya sa bewang ko, until he whispered something on my ears.
"Got the sexiest call girl."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro