Chapter 2
Chapter 2
I didn't make a fight with Gray. I knew that he's injured, but once that he insisted something with authority I've never win against him.
Gusto ko siyang pigilan sa gusto niya pero alam kung posibleng lumala lamang ang problema sa pagitan namin kapag magpumilit pa ako. Pinagtalunan na rin namin umpisa pa lamang ang misyon na ito.
Ilang beses niyang sinabi sa akin na siya na ang bahala sa pagkakataong ito, but how is that possible? His arm is not fully healed, hindi ito pwedeng mapwersa. Anong bagay ang nagtutulak sa kanya para isugal ang braso niya at tuluyan na niya itong hindi maigalaw dahil sa katigasan ng ulo niya?
I am just damn worried about him.
Hindi ko napigilan ang sarili ko, bumaba ako sa kama at nagmadali akong lumabas ng aking kwarto.
"Where is Gray?" malakas na tanong ko kay Dhaywill na kumakain ng noodles.
"Outside? He's preparing his bike. Lover's quarrel again, Cleo?" hindi ko ito pinansin at nagtuloy ako sa paglalakad sa labas.
Tama nga ang sabi ni Dhaywill, inihahanda na nga nito ang big bike nito.
"Gray, let's talk."
"Cleo, I have to go."
"You can postpone it tonight, we still have time." Mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung may oras pa nga ba kami, but I can't risk my husband's life.
"Time? May oras pa nga ba tayo Cleo?" hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Pero hindi pwedeng padalos dalos na lang kami kahit na maiksi na lamang ang panahong natitira sa amin.
"Anong gusto mo? Ipipilit mo na naman ang gusto mo? Sinabi ng doctor na kailangan mong magpahinga. Ako ang may ari ng misyon ito Gray, you can't just do it for me. You knew the rules. I am the center of all of this, I am the hummingbird. Remember?"
"But I can't just stay here and watch. Sit here safely while my wife is damn playing with bullets. How hard is that for me? I want to protect you, I never wanted to just give you commands behind the computer. I want to fight with you." Lumapit na ito sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko.
"I am doing this because I love you." Idinikit na niya ang mga noo niya sa akin.
"Gray.."
"Please, get a room people. Nasa tabi kayo ng pintuan, move." Narinig namin ang boses ni Bryce.
Kasama nito si Alexis na may hawak din ng mga pinamili nila. Agad akong humiwalay kay Gray at sumunod ako sa mga kasamahan namin. I wanted to push him, but it's too rude knowing that he's my beloved husband who's just thinking about my safety.
Sa tuwing tinatangka niyang mas lumapit sa akin, hindi ko maipaliwanag kung bakit may kung anong nagtutulak sa akin na humiwalay sa kanya.
I should be used to his touch since he's my husband. But what is wrong with me? Dapat ngayon ay may naaalala na ako sa kanya dahil lagi naman kaming magkasama.
Kailan ba ng huli akong nagpatingin sa doctor?
"Anong mga binili nyo?" tanong ni Gray.
"Foods," sagot ni Bryce.
"Some useful materials," sagot naman ni Alexis. Inilabas nito ang mga karaniwang mga piyesang ginagamit sa bawat mga misyon namin.
"Did you get the latest launch of our next target?" tanong ni Gray.
Sa grupong ito si Gray ang namumuno sa amin. He can do all, he can ambush, manipulate the control system, he can make improvised gadgets, he can do simple background research and his favorite, he can be the sniper.
He told me that he was trained since he was a kid, he's too skilled that I can't help but to admired him. Sanay na sanay na siya sa mga bagay na ito na parang hindi man lang siya nahihirapan.
Simula nang magising ako, kahit medyo pamilyar na ako sa bawat pagkilos ko, mabilis kong nakukuha ang mga ipinapaliwag at itinuturo niya sa akin malaki pa rin ang kailangan kong ipag ensayo.
I need a lot of trainings.
Isa sa pinakahinahangaan ko sa kanya ay ang galing niya sa pagbaril.
Ilang beses ko na siyang pinuri sa galing at tukoy niya sa pagbaril, bihira lamang siya magmintis. He's a good sniper, but he keeps telling me that he's always the second place in this field.
Kung pangalawa pa siya, ano pang klaseng galing ang nasa unang posisyon?
"I have a friend and he's a good sniper. Better than me, nine times."
"Mind telling me the name of this good sniper?"
"I can't tell, but he is known as 00043."
Minsan ay may mga ikinukwento pa sa akin si Gray pero kapag masyado nang lumalayo ang mga tanong ko ay iniiba na niya ang usapan. He is purposely avoiding a certain topic.
From the very start, my husband is hiding something from me.
"Alright, I started my research this morning and I found out that our next stop will be in Philippines." Masiglang sabi ni Alexis habang binubuksan ang kanyang laptop.
"What? Are you sure?" tanong ni Gray.
"Yes, ang susunod na lalabas na magandang bato ay gaganapin sa isang panibagong event. Hindi ito kasing laki katulad nang ngayong gabi pero sigurado akong alam na ng taga Sous L'eau na magpupunta tayo dito." Mahabang paliwanag nito.
"What is this event?" tanong ko.
"It is not really an event for jewels, it is just a simple gathering. Hindi ilalabas ang alahas para kumuha ng atensyon dahil simpleng suot lamang ito ng kilalang anak ng politiko." Nagpatuloy sa pagtatype sa kanyang laptop si Alexis.
"So you mean, this is a bit easy than the earlier mission?" tanong ni Dhaywill na inistraight na ang sabaw ng kanyang noodles.
"Bingo!" sagot ni Alexis.
"Sino sa inyong dalawa?" tanong naman ni Bryce.
"Ako," sabay na sabi namin ni Gray.
"Gray, let me do this. Tulad nang sinabi ni Alexis, mas madali ito."
"Let's stop fighting about this Cleo, ako naman sa pagkakataong ito."
"But security in the Philippines is too clumsy, madali ko itong malulusutan. Huwag mo nang pilitin ang sarili mo, please? Please Gray? I am worried about you." Marahan kong hinawakan ang braso niya.
"Hummingbird for the win," mahinang sabi ni Dhaywill.
Ilang segundo kaming nagkatitigan ni Gray hanggang sa mapabuntong hininga siya.
"Alright,"
"Told you so people." Pagsingit ni Dhaywill.
"Dhaywill," malamig na tawag ni Gray.
"Yes Grayson?" ngising tanong nito.
Ako na ang kumilos at pinagtulukan ko na si Gray dahil baka mag away pa silang dalawa ni Dhaywill.
"Tonight we all deserve to sleep, bukas na tayo mag usap lahat. Goodnight Gray." Tumingkayad ako at mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi.
"Goodnight wife."
"Goodnight.."
Pinanlakihan ko nang mata si Dhaywill, Bryce at Alexis nang pumasok na sa kanyang kwarto si Gray.
"Boys you need to sleep too. Just activate our security system, don't be so paranoid. Okay?"
Papasok na sana ako sa aking kwarto nang marinig kong magsalita si Bryce.
"How can you act so calm Cleo? Kung ako ang nasa posisyon mo, baka hindi ko na kayaning matulog araw araw."
"Do you think I can always sleep calmly during night? Bryce, gabi gabi akong binabangungot. But I need to help myself to sleep, dahil mas lalong wala akong magagawa kung hindi ako matutulog. I need to gain strength for me to accomplish this mission. Hindi pwedeng papatay patay ako. And being calm is the best action for any kind of problem, please remember that. Goodnight everyone."
Pumasok na ako sa loob ng aking kwarto at inisip ko ang mga sinabi ko kay Bryce. If I could just turned back time, dapat mas naging maingat ako.
Maaga akong nagising para mag jogging. Naligo at nagbihis na ako, nang lumabas ako sa kwarto ay nagkalat ang bote ng alak. Tulog pa ang tatlo, mukhang nag inom pa ang mga ito kagabi.
Kinatok ko ang kwarto ni Gray para magpaalam pero nakailang katok na ako ay hindi pa rin ako sumasagot. Tiningnan ko ang oras, hindi pwede na magtagal pa ako kaya nag message na lang ako dito na lalabas muna ako para mag jogging.
I put my earphones on to avoid any distraction. Pansin ko na may mga nag jojogging din at karamihan ay may mga dala ang mga itong aso.
May mga sumubok na makipag usap sa akin pero ngumingisi na lamang ako sa kanila. Mga kalahating oras ang lumipas nang tumawag sa akin si Gray.
"Where are you?"
"Jogging nearby."
"Susunduin kita, nasaan ka na?"
"Seriously Gray? Pabalik na rin ako."
"Hindi ka ba natatakot na baka namukhaan ka nila? Bumalik ka na dito. Kailangan na rin natin umalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon." Kumunot ang noo ko sa narinig sa kanya.
"Did they trace us already?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Not yet, kailangan pa ba natin itong hintayin?"
"Alright, pabalik na ako. But I need to go to the nearest convenience store. I need to buy something." I heard him sigh.
"Faster please, I love you."
"I will, I lo—" shit! I can't really say it.
"I need to go Gray," hindi ko na pinahaba ang usapan at pinatay ko na ito.
Ilang minuto lang ako nag jogging para makarating sa pinakamalapit na convenience store.
I want to buy my favorite energy drink, hindi pwedeng ipagpaliban dahil lagi ko itong hinahanap hanap sa tuwing nag jojogging ako.
I immediately proceeded to beverages section and when I was about to get my energy drink. Another hand from an old man with his sophisticated brown suit, a brown homburg hat, brown satchel bag and a black umbrella.
"Oh, sorry. You can have this.." inabot ko sa matanda ang energy drink. Nag iisa na ito.
Hindi ko alam kung bakit bumilis ang pintig nang puso ko nang tumama ang aking mga mata sa matangkad na matanda. Have I seen him before?
Mas lalong naagaw ang atensyon ko sa dalawang nakasabit sa bag ng matanda. Keychains.
"It's a dove and a hummingbird." Hindi ko napigilang hindi magsalita.
"If doves are good messengers? What will be the hummingbirds hija?" umawang ang bibig ko sa tanong ng matanda.
"What—?"
"Thank you for this hija," naiwan akong tulala sa matanda hanggang sa matapos siyang magbayad sa counter.
Sinubukan ko siyang habulin sa kanyang paglabas pero itim na sasakyan na lamang ang naabutan ko na kasalukuyan nang papalayo.
I am not a dove as a messenger nor a hummingbird who hums the sweetest truth, but a bird with wings with no memories and flies with no direction.
Who am I as a hummingbird?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro