Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12


Chapter 12


Agad kaming pinaghiwalay ni Tristan ng mga organizer at pinagpatuloy nila ang laro na parang walang nangyari, na parang wala silang narinig na kahit anong pagtatalo sa amin.

Everything I said was serious. It was not about this damn game.

Bakit ba mahahalay ang larong nauuso ngayon?

I want to walk out, hindi na ako natutuwa sa nangyayari. Sinubukan kong umalis pero may mga kamay na humawak sa magkabilang balikat ko para pigilan ako.

"You need to finish the game or else, we'll call the police and we'll broadcast your identity." Bulong sa akin ng isa sa dalawang babaeng tauhan ni Tristan.

I can sense the seriousness from her voice. Kung hindi ako pumayag sa kanya, posibleng mahuli ako. Hindi na ako makakilos ng maayos dahil sa dami nang nainom ko.

I want to slap myself, naalala ko na kung bakit ako nandito. I need to identify the handler of the next jewel. Gosh! Bakit ko hinayaan ang sarili kong malunod sa alak? Damn Cleo.

Wala na akong nagawa nang muli akong piringan, pero bago tuluyang natakpan ang aking mga mata ay napansin ko ang nanlilisik na mata sa ng babaeng kahalikan ni Tristan kanina.

Hindi na maganda ang pakiramdam ko dito.

Muling tumugtog ang malakas na music, sigawan, pag irit ng mga babae at ilang tulak sa aking likuran mula sa iba't ibang kamay. Halos matalisod na ako dahil sa pagtulak nila.

Everyone is damn enjoying this dirty game!

"Cap konting tiis na lang, ikaw naman!" Naging masigla na ulit ang boses ng mga babaeng alipores ni Tristan.

I heard him cursed. Maniniwala pa ba akong napilitan siya? Bakit siya nagpapauto sa mga tauhan niya? Gusto niya talagang magpasundot sa mga babae!

Manyakis na siya sa una naming pagkikita at sa tuwing nagtatagpo ang landas namin, laging namamayagpag ang pagiging manyakis niya. Bakit pa nga ba ako magugulat?

Tumigil ang tugtugan at napalitan muli ito ng sigawan. Alam kong siya na naman ang nasa harapan ko.

Buong akala ko ay maiinis lamang ako sa kanya pero nang maramdaman ko ang titig niya sa akin sa kabila ng piring ko sa aking mga mata, bigla na lamang akong nakaramdam nang panghihina. I felt something different.

Slowly, I positioned my forefinger. Hindi ko ito ibinaba sa halip ay itinaas ko ito hanggang sa alam kong tatama ito sa kanyang dibdib. Sa nangangatal kong mga kamay ay dahan dahan kong inilapat ang daliri ko sa kanya.

On his chest.

"It's my heart Lina.." mahinang sabi nito sa kabila nang nabubuong sigawan. Lalong bumilis ang pagtibook ng puso ko nang marinig ko itong sinabi niya.

"It never stops beating for you. Only for you baby.."

Ilang segundo akong natigilan dahil sa sinabi niya. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita pero muli ko itong itinikom. Mas pinili ko na lamang tumahimik.

Dahan dahan ko nang ibinababa ang daliri ko at pilit kong hindi pinapansin ang sigawan.

This time is so different, parang may sariling buhay ang aking kamay na parang pamilyar na ito sa katawang kanyang nilalakbay kahit may takip ang aking mga mata.

Habang pinaglalandas ko ang dulo ng aking daliri sa kanyang katawan, hindi ko mapigilan ang pagkirot ng puso ko, ang pag iinit ng sulok ng aking mga mata, ayoko man aminin sa aking sarili pero unti unti na akong natutunaw sa presensiya niya.

My heart can recognize him, my tears are falling for him and my whole body is arching for him. I can't damn deny it.

Gusto ko na siyang maalala, gusto ko nang malaman kung sino siya sa buhay ko. Anong bagay ang pumipigil sa kanya para sabihin niya sa akin ang mga dapat kong malaman?

Lalong bumagal ang pagbaba ng aking daliri at hinayaan ko ang sarili kong mas damhin siya sa aking nakapiring na mga mata. Kung sakaling nakamulat ako, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para salubungin ang kanyang mga mata.

I am making myself weak in front of his eyes, just like a hummingbird hopelessly surrendering to her hunter.

I can't help but to bit my lower lip, the traces of his muscles on his chest down to his abs beneath his shirt, down to his waist until to his belt.

"Down! Down!" sigawan ng mga tao.

"Oh my gosh! Tusukin mo nang tatlong beses Miss Lina!"

"Just put your—" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita dahil sinimulan ko na siyang tusukin ng daliri ko.

First try, failed. Iba na naman ang natusok ko. Matigas na.

"Lina, 'yong bote. Huwag ako, darating tayo dyan."

"Shut up and please don't move."

"Okay lang 'yan Cap, sa pang anim na tusok kilala ka na!" Malakas na sigaw ni Enna.

"Yong ano ni Cap ang nakakakilala sa daliri ni Miss Lina! Mag aalign na 'yan later. Dulo sa dulo." Sabay kaming napamura ni Tristan nang makarinig kami ng boses ng lalaki. He's too vulgar!

"What the--- what are you doing here?"

"Armando?!" I heard Enna and Hazelle's voice.

"Yeah, it's 00069 watching the scene. Sundutan mission pala Cap? I like the bottle, can I join this game?" simpleng sabi nito.

Hindi man lang kinakabahan ang mga ito sa usapan dahil halos lahat ng mga tao ay abala sa kani kanilang ginagawa.

Tuloy lang ako sa pagsundot kay Tristan na kung saan na tumatama, nawawala ang butas ng bote.

"Ang kapalit ni Rashid na madadagit na naman ng babae." Matabang na sabi ni Enna.

"Nah, no way." Eksaktong pagkasabi nito ay nakapa ko na ang nguso ng bote at wala pang ilang segundo ay ipinasok ko na ang daliri ko dito.

"Shit! I am done! Oh my gosh!" Sabay muling napasigaw si Enna at Hazelle.

"Nasundot na dito! Panalo dito!" Sigaw nang lalaking may pangalang Armando.

Tinanggal ko na ang piring sa aking mga mata, kunot noo na si Tristan sa tatlong kasamahan niya na sobrang saya na sa nangyayari.

Nang ilipat niya ang paningin niya sa akin ay agad akong nag iwas ng tingin sa kanya.

"Oh sorry, may mas nauna sa kanya. Okay na kayo? Hindi na personalan ang ganap?" tanong nang baklang lumapit sa amin.

"Yeah, she's now fine. Nakasundot na siya sa bote, kalmado na." Ngising sagot ni Tristan. Umakbay sa kanya ang lalaking kadarating pa lamang, katulad niya ay moreno din ito, matangkad at gwapo.

May koleksyon yata ng magagandang lalaking agent ang Sous L'eau. Iritadong inalis ni Tristan ang pagkakaakbay sa kanya.

"I thought we're friends Cap?"

"Ilayo niyo siya sa akin Enna, Hazelle. I thought I am done with annoying partner?" iritadong sabi ni Tristan.

"I missed Rashido," agad na sabi ni Hazelle.

"Hindi ba pa kayo kontento sa akin dalawa? Hindi kayo nakakahalik kay Rashido, sa akin araw araw kayong nakakahalik." Ang taas ng tingin ng lalaking ito sa kanyang sarili.

"Yeah, mas gusto ko itong si Armando. Rashido is gay, he's an ultimate pa 'baby' pang fairytale ang love life niya. Agent from prince charming? Real quick." Maarteng sabi ni Enna.

Sabay sabay silang nagtawanan. Kung sinumang Rashido ang pinag uusapan nila, sigurado akong hindi na siya makahinga ngayon nang maayos.

Hindi nakikipagbiruan sa kanila si Tristan sa halip ay ramdam ko ang titig niya sa akin. Dapat ay kanina pa akong humiwalay sa kanila pero ito ako ngayon at nakatayo lamang at nakikinig sa kanilang usapan.

"For our next game! The eating apple!"

"Oh! This is it! Sumali ulit kayo Cap!" pinagtutulakan na kami ng dalawang babaeng agent.

"Ayoko na!" sigaw ko.

"I hate this damn event," reklamo din ni Tristan.

"Gusto kong sumali,"

"Armando, please watch out. Anumang oras ay baka lumabas ang mga tuta ni Gray sa kanilang mga lungga." Babala ni Hazelle.

"Oh, the ex Satchel. Copy that,"

Tulad nang unang laro, hindi na rin ako nakapalag sa kanila. And this game is more than worst compared to the first game.

This is not just a simple apple eating with a partner. Para rin itong trip to Jerusalem. But with a twist.

Sa pagkakataong ito ang mga lalaki naman ang may takip sa kanilang mga mata habang kami namang mga babae ay nakaupo na siyang iikutan nila. At ang pinaka nakapagpatili sa lahat ay kung saan ilalagay ang mansanas. The host positioned the apples between our legs.

They slightly spread our legs giving the apple a small space. Malaki ang pasasalamat ko at naka ripped pants ako ngayon.

"Oh my god! Oh my god, hindi ko yata kaya ito," paulit ulit na sabi ng babaeng katabi ko.

Ilang beses akong napalunok habang pinipiringan na ang mga lalaki, saglit lang sumulyap sa posisyon ko si Tristan bago niya hinayaan ang mga organizer na takpan niya ang kanyang mata.

"Nakatusok ka nga, nakasundot ng marami, makakakagat ka naman. It's payback time Cap! Idol! Hindi dapat tayo sinusundot sundot lamang!" pang aasar ni Armando.

I saw Tristan's middle finger on air.

"Goodluck Miss Lina, nice to meet you!" kumindat pa sa akin ang pilyong agent.

"Boys! Pinapaalala lang namin, alamin muna ang dapat kagatin. Huwag basta kagat nang kagat baka iba ang makagat niyo," halos mapamura na kaming mga babaeng nakaupo. Pero karamihan sa mga kasali dito ay nahihimigan ko ang excitement.

Everyone loves dirty games. Gusto ko man sabunutan ang sarili ko, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangisi minsan at matawa sa mga larong nangyayari sa gabing ito.

"Mansanas ang kakagatin Cap! Mansanas! Saka ka na bumawi sa pagsundot sa'yo." Sigaw ulit ni Enna.

Kinabahan na ako nang nagsimula na ang tugtugan, alam kong sa pagtigil ng tugtog ay sa akin mismo siya titigil. Habang pinagmamasdan ko siyang tahimik na naglalakad habang nakapiring ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko.

Biglang tumigil ang tugtog nang hindi ko inaasahan, hindi siya sa aking tapat pero walang habas niyang itinulak ang lalaking tumapat sa akin.

"What the fvck?!" sigaw ng lalaking tinulak niya.

Tatanggalin na sana ng lalaki ang piring niya nang may humawak sa balikat nito at pilit na siyang lumuhod.

"Kneel boys! Kneel!"

Parang kalkulado na ni Tristan ang lahat dahil tamang tama ang posisyon ng pinagluhuran niya.

"Ayusin mo.." kinakabahang sabi ko.

Ngumisi ito sa akin at dahan dahan na niyang ibinaba ang ulo niya. Nag iritan na ang mga babae at nagsigawan ang mga lalaking manunuod. Sumabog ang mga alak at lalong bumilis ang sayaw ng mga ilaw.

Napahugot ako nang paghinga nang sumayad sa tungki ng ilong niya ang mansanas dahilan kung bakit gumalaw pa ito papalapit sa akin. Natatakot ako na bigla itong gumulong.

Girls can't use their hands, nasa likuran lang namin ito.

"Can you answer my question first?" tumunghay siya sa akin na parang magkasalubong ang aming mga mata.

"What—what is it?" nangangatal na pati ang boses ko.

Muling lumapad ang ngisi nito. Hindi na talaga ako natutuwa sa kalokohan niya.

Hinintay ko siyang magtanong sa akin, pero nagsisi lamang ako. He's a maniac. He's a maniac. He's a maniac.

"Baby sagutin mo ako, anong mansanas ang kinakain ni Adan?"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro