Last Chapter
"If you're going to have your first girlfriend, make sure that's Anastacia Del Mundo."
From my food, my stare went up to my dad. Kita ko rin ang pag-angat ng tingin ni Louie na nakikiramdam. "Pardon?"
"Oh, don't make me repeat it. I know you heard me clearly," he muttered with coldness.
I laughed ridiculously in my mind as I watched him sip on his coffee. "No fucking way..." I answered him with conviction.
Agad naman akong sinaway ni Mommy at pinaalalahanang nasa harap kami ng pagkain pero hindi ako natinag. Ayon na nga, eh. Payapa akong kumakain dito, sarap na sarap pa ako rito sa ngininguya ko tapos bigla na lamang magsasalita ng gan'on? Parang gago. Nakakawalang gana.
"Stop being hardheaded, young man. Iyon na lang ang gagawin mong tama sa pamilyang 'to," he strictly hissed.
Umigting ang panga ko at pabagsak na binitawan ang kutsara't tinidor. Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa habang nakatitig sa pinggan ko. Hindi ko pa man nadedepensahan ang sarili ko ay muling bumuwelta si Mommy.
Inabot niya ang aking kamay at marahang pinisil iyon. "Anak, listen to your father. Ginagawa lang naman niya kung anong makakabuti para sa iyo."
I spat. "And you think nakakabuti sa akin ang pangunguna nyong magdesisyon sa buhay ko?"
Hindi sila nakasagot. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagtuwid ng upo ni Louie at parang mas nag-enjoy pa yatang kumain ang gago habang may nagtatalo sa harapan niya.
Nagtama ang paningin naming dalawa kaya nagthumbs-up siya sa akin.
"Sige lang. Away lang kayo. Isipin nyo na lang na wala ako rito," he mouthed.
Sinaway siya ni Manang Yeta na saktong dumaan sa kaniyang likuran.
Sinamaan ko siya ng tingin pero agad din iyong napalitan ulit ng pagkairita nang magsalita muli si Daddy Carl.
"Hindi kami nangunguna, Aziel. Magulang mo kami kaya may karapatan kaming manghimasok sa buhay mo. Kung hindi dahil sa amin, wala ka rito. Baka nakakalimutan mo? 'Yang kinakain mo, mga mamahalin mong gamit, at pati 'yang marangya mong buhay... lahat 'yan ay dahil sa akin."
Mommy took a deep breath and looked at me with her pleading eyes. "Anak, please? Kahit ito lang ay ibigay mo na sa Daddy mo. Pinagbigyan ka niya sa gusto mong kurso, 'di ba? Kahit noong una pa lang alam mo nang dapat ay sa negosyo ka."
Doon na ako tuluyang naubusan ng pasensya. Tumayo ako sa kinauupuan, padabog na dinampot ang aking bag at isinukbit sa balikat.
"Papasok na 'ko," malamig kong tugon.
Natataranta namang nag-angat ng tingin sa akin si Louie at nang makita niya akong naglakad palabas ng mansion ay nagmamadali siyang sumunod.
I heard Daddy shout my name, but I didn't bother to look back. Tangina, palagi na lang gan'on. Parang kulang na lang ay pati paghinga ko ay utang na loob ko pa sa kanila, eh, kung tutuusin hindi naman ako ang may kagustuhang ipanganak sa tanginang mundong 'to!
At isa pa, alam ko ang ginagawa ko. Ba't ko ipagpipilitan ang sarili ko sa negosyo kung alam kong hindi naman iyon ang para sa akin?
"534 pesos po, Sir..."
Tamad kong inabot sa cashier ang aking credit card. Kalmado kong tinatapik-tapik ang counter bar habang pinapanood kong i-swipe iyon. Ilang beses niya ring sinubukan pero sa huli ay kinunotan niya ako ng noo.
"Uhm, Sir, wala po ba kayong ibang card? Rejected po kasi," paliwanag niya kaya napatuwid ako ng tayo.
"W-What?" I blinked my eyes.
"Hindi po gumagana, Sir," pag-uulit niya.
Nagtataka man ay ibinigay ko sa kaniya ang iba ko pang cards pero mas lalo akong nahiya sa babae nang lahat ng iniabot ko sa kaniya ay hindi gumagana. Tangina, wala akong pera! Halos mayupi ko ang cup ng kapeng hawak ko sa sobrang kahihiyan!
"It looks like someone's card got frozen ." May humalakhak mula sa likod ko.
Mas lalong uminit ang aking ulo at nang balingan ko ng tingin kung sino iyon ay halos gusto ko na lamang lumubog sa labis na kahihiyan.
It's Anastacia Del Mundo, everyone!
"Anne..." I whispered and swallowed the lump in my throat.
She just fixed her aviators and raised her brows at me. She gently pushed me away from the counter and lent a one thousand peso bill to the cashier.
She smiled sweetly at the girl before sipping coolly on her frappe. "Idamay mo na rin ang sa kaniya. Keep the change."
"N-No need, Anne. I'll just call Dewei or Louie–"
She put her index finger on my lips to shut me up. "Ssshh, okay na. I already paid na."
I wet my lower lip and brushed my hair up using my finger. "I'll just pay you then."
Sabay kaming lumabas ng coffee shop. I opened the door for her.
"Thank you, Az." She grinned sweetly at me. I only nodded my head and remained silent.
"But seriously, you don't have to pay me... or if you really insist, then I'll suggest that you be my boyfriend na lang," diretsahang wika niya at muntik ko nang maibuga ang iniinom.
"What the fuck?" I muttered slowly.
She roared with laughter. "What?! I know naman na pinipilit ka rin ng Daddy mo sa akin, 'di ba? Just like my dad..."
"If you think that relationship is just some kind of sick joke, then you're wrong, woman. It's a big thing."
"I am dead serious, Az. I want to commit to you and I know we can handle our relationship so well. Hindi naman na rin tayo mga bata. We're already nineteen... come on," pamimilit pa niya.
It didn't help that we were both in the same field, which is Architecture so we often saw each other. As much as possible, I don't want to associate myself with her because of her reputation. She was called the 'queen of all villains' and everyone hated her, mostly women... while I was just living and breathing peacefully on the other side.
I don't want to stain my reputation just because of her.
"Please, Azi? Just this one... kahit ilang buwan lang tapos magbreak na rin tayo. I really really just want to make my parents happy and proud. Kahit ito man lang..." she almost begged, but I didn't even flinch.
I shook my head firmly. "Sorry. I only date to marry, Anne."
"Try muna natin kung magwowork! If yes, then we'll get married."
Ayaw ko. Ayaw ko talaga, pero nang tanggalan ako ni Daddy ng allowance, pagbawalang gumamit ng kotse at lahat-lahat, napilitan na akong pumasok sa relasyon.
Minsan hindi ko na lang maiwasang mapamura at mapatanong sa sarili kung bakit parang wala akong kalayaan na magdesisyon para sa sarili ko? Bakit kailangan kong laging sundin ang dinidikta at inuutos ng iba?
Tangina! Paano naman ang gusto ko?
Anne and I became a couple. To be fair, I opened myself to her. I let myself see the good things about her. We tried to make our relationship work out. I guess I was successful in forcing myself to love her.
Minahal ko siya kasi wala naman akong ibang choice kundi ang gawin iyon, pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon malalim. Kaya kong lumipas ang isang araw na hindi siya nakikita o nakakausap at gan'on din naman siya sa akin. Kahit na minsan ay hindi maganda ang pagtrato niya sa akin ay nagtiis ako... kasi nangako ako sa magulang niya na hindi ko siya iiwan. Kasi kung hihiwalayan ko siya, magagalit sa akin ang magulang ko dahil masisira ang magandang samahan ng mga Navarro at Del Mundo.
Before our second anniversary, she confessed to me that she was two months pregnant. We were both turning twenty-one at that time. Dala na rin ng kapusukan noon ay hindi na namin naisip kung ano ba ang dapat sa hindi. Galit na galit ang magulang niya dahil sa nangyari dahil malaking eskandalo iyon sa pamilya kapag nagkataon. I reassured her that I would take all the responsibility. Kami ang may gumawa niyon at handa akong panindigan. Noong mga oras na iyon nasa isip ko na baka ito na talaga. Na baka kami talaga ni Anne ang para isa't isa.
Walang alam ang kahit na sino sa pamilya ko tungkol sa nangyari. Bukod sa wala namang nagtatanong, alam ko ring hindi rin naman sila interesado. Even my sister Aia who was in states that time was clueless. Only my friends Louie and Dewei knew everything. Sa kanila ako humihingi ng payo kung tama o hindi ba ang desisyon ko. Malaking tulong sila para sa akin.
"I'll continue my study on states..." Anne cried.
"I'll follow you there," agad kong sagot sa kaniya at maging ako'y nabigla rin sa desisyon kong iyon... pero hindi ko na binawi pa.
Bahala na kung paano ko gagawin iyon. Paniguradong hindi ako papayagan nina Daddy pero hindi ko rin puwedeng pabayaan si Anne at ang magiging anak namin, lalo na't nalaman namin na mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan niya.
"Are you sure with that?" may pag-aalangang tanong niya.
Hindi kaagad ako nakasagot kaya nakita ko ang pagdaan ng kaba at sakit sa kaniyang mukha. Mas lalong nangilid ang kaniyang luha.
"I-I know you don't love me as much as I love you... but I need you right now, Aziel. I-I can't do this alone..."
Agad akong umiling sa kaniya. "Anne, mahal kita–"
"Let's stop fooling ourselves, Aziel. We both know that you don't..."
Natutop ko ang aking bibig kasabay ng pag-iwas ng tingin. Suminghap ako at sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri.
"Bigyan mo lang ako ng oras para sabihin sa mga magulang ko, Anne. Hahanap ako ng magandang tiyempo. Susunod ako sa 'yo, pangako..." I reassured her.
She gave me a faint smile and nodded her head. "I know and I trust you, Azi. You never failed your promise to me."
I smiled back at her too. I'm a man of words, Anne. I valued and respected our commitment to each other. Kahit alam nating hindi buo ang puso natin sa isa't isa, handa akong panindigan ka dahil iyon naman talaga ang tamang gawin, 'di ba?
"No, Aziel. Hindi maaari."
I clenched my fists as I watched Dad shake his head firmly at me.
"Dad, this is for my future—"
"That's bullshit!" Hinampas niya ang lamesa at umalingangaw ang galit niyang boses sa hapagkainan. Halos mapatalon naman si Mommy sa sobrang takot. "Sinasabi ko naman sa iyo noon pa lang na hindi arkitektura ang para sa iyo! Negosyo! Doon tayo sa negosyo!"
"Tapos ngayon gusto mo pang mag-ibang bansa para lang doon ipagpatuloy ang pag-aaral mo? Nahihibang ka na bang bata ka? Nag-aaksaya ka ng panahon!"
"Kasama ko naman po si Anne..." I answered, getting impatient now.
"I'm into business, Dad. Kung gusto mo po ay ako na lang. Hayaan na po natin si Kuya—" naputol ang sinasabi ni Aia sa kabilang linya nang samaan siya ng tingin ni Daddy.
My sister is currently living in the States. Ipinadala siya roon ni Daddy nang matuto itong magbulakbol pero hindi rin naman magtatagal at babalik na rin dito sa Pilipinas.
"Shut up, Thamaia. Hindi ko nga ipinagkatiwala sa Mommy mo, sa iyo pa kaya?" he spat.
"Why nga kasi, Dad? Kung tutuusin, magaling naman po si Mommy Mel sa business, ah? Ayaw nyo lang siyang bigyan ng chance..." matapang na sagot ng kapatid ko.
Dad scoffed and sipped on his coffee. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa pabalik sa lamesa at marahang pinunasan ang gilid ng kaniyang labi. A smudged look was evident on his face, and if I could only punch his face right now, I definitely would.
"Just simply because you're a woman. Kayong mga babae, mabilis kayong mauto at magpadala sa emosyon ninyo kaya hindi maaari. Doon ka sa mga pambabaeng trabaho o kaya'y mag-aral ka kung paano ka magiging mabuting asawa..."
Wow, a fucking misogynist and a chauvinist.
Nakita ko ang malambot na pag-angat ng tingin ni Mommy kay Daddy at marahang hinaplos ang kamay nito sa pagbabaka-sakaling mapapaamo niya ang matandang asawa.
"Sige na, Carlito. Pagbigyan mo na ang mga anak mo..." malumanay na saad ni Mommy Mel.
"Manahimik ka, Mel. Ako ang lalaki at padre de pamilya. Ako ang nagpapalamon sa inyo kaya ako ang masusunod." Tiim-bagang siyang umiwas ng tingin sa aming lahat at bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.
Naging mahirap para sa akin ang pangungumbisi sa magulang ko. Idagdag pa na mas lalong gumulo rin ang relasyon namin ni Anne. Sa tuwing magkausap kami sa telepono ay palagi iyong humahantong sa away kaya minsan ay mas pinipili ko na lamang na umiwas at hindi siya kausapin. Kung kakausapin man ay may kinalaman lamang iyon sa pagbubuntis niya. Palagi niya rin akong tinatanong kung kailan ako susunod sa kaniya pero hindi ko iyon mabigyan ng malinaw na kasagutan.
Tangina, gustong-gusto ko na ring umalis sa pamamahay na ito. Nakakasakal. Nakakaubos. At napakahirap huminga dahil wala akong magawa kundi hayaan ang ibang taong magdesisyon para sa buhay ko.
"Aziel, I'll introduce you to my friend's daughters in Manila. Pack your things. We'll be leaving tomorrow morning..."
Hindi ko nagawang makapagreklamo pa dahil dire-diretso siyang tumungo paakyat sa kaniyang opisina. Pagak akong natawa at umiling sa kawalan. Imbis na makinig sa sinasabi niya ay napagdesisyunan kong umalis na lang ng mansion at makipeste na lang sa bahay nina Dewei. Sakto naman na nakasalubong ko si Louie na papauwi pa lang at agad ko siyang kinaladkad para hindi lang ako ang mag-isang mapapagalitan mamaya.
"Bakit hindi mo na lang kasi sabihin sa Daddy mo na nabuntis mo si Anne. Hindi ba't boto naman siya roon? Baka nga matuwa pa 'yon," suhestiyon ni Dewei bago tumungga sa hawak niyang alak.
Natutop ko ang aking labi at bumuntonghininga. "Hindi na gan'on kadali ngayon."
"Bakit naman?"
"Eh kasi nakuha na ni Tito Carl ang gusto niya sa mga Del Mundo. Tapos na niyang gamitin kaya hindi na ako magugulat kung bukas o sa ibang araw, utusan na niya si Aziel na makipaghiwalay..." si Louie na ang nagpaliwanag.
"Ay gan'on?" Napangiwi na lamang si Dewei at napakamot sa kaniyang ulo. "Ang komplikado naman ng buhay ninyong mayayaman. Kung hindi agawan ng lupa, mga paladesisyon naman sa buhay ng iba. Papangit ng trip nyo."
"Mayaman ka rin naman, ah? Palagi ngang laman ng balita ang tatay mo," ngising tugon ko, dahilan para mas lalong umasim ang kaniyang mukha.
Binato niya ako ng remote na mabilis ko namang nailagan. "Hindi ko tatay 'yon. Wala akong tatay, gago. Pero tama ka, mayaman ako... mayaman sa pagmamahal ni Mama." Proud na proud siyang tumawa.
Oh, here comes the mama's boy again.
"Ako rin mayaman. Mayaman sa alak! Laklakan na!" sigaw ni Louie nang makabalik galing kusina at may yakap-yakap na ilang bote ng hard liquor.
Sinadya ko talagang magpa-umaga ng uwi kinabukasan sa pagbabakasakaling hindi ko na maaabutan pa ang gurang kong ama. Matindi ang pagkirot ng aking ulo at pasuray-suray pa ang lakad ko. Balak kong matulog na lang sa maghapon tutal wala naman akong ibang gagawin pero napurnada ang lahat ng iyon nang makita ang maleta kong inilalagay sa compartment ng kotse.
"A-Ano 'yan? H-Hindi ako sasama!" Sinubukan ko pang agawin sa kasambahay ang mga gamit ko pero mabilis nilang inilayo iyon sa akin. "Aba't talagang—"
"You can't escape from me, young man. Let's go!"
Dahil na rin sa labis na kalasingan ay hindi na ako nakapalag pa nang sapilitan akong ipasok sa loob ng sasakyan at kapagkuwan ay naramdaman ko na ang pag-andar nito. Mura ako nang mura sa isip ko habang nasa biyahe dahil tangina, kailan ba ako magkakaroon ng kalayaan para magdesisyon para sa sarili ko? Nakakaumay na.
"I want you to be nice with their daughters, Aziel. Ambrosio has been my dearest friend since then, at nakakahiya naman kung magiging bastos ka sa mismong pamamahay nila. Huwag mo akong ipapahiya," he warned me, and I just made a face.
"This is my son, Aziel Kalen Navarro..." malawak ang ngiting pagpapakilala ng aking matandang ama sa dalawang magandang dalaga na nasa harapan ko.
Nilingon niya ako para sinyesan na ialok ang aking kamay na may kasama pang panlalaki ng mga mata na para bang nagbabanta.
Nagmano ako kay Mr. Ambrosio na abot langit din ang ngisi sa akin. Kasunod kong binalingan ng tingin ay ang panganay na anak na babae na hindi ko mawari ang ekspresyon sa mukha.
"Nice to finally meet you, Azi. Matagal ka nang ikinu-kwento sa akin ni Tito Carl." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
"Oh hi, Chantal, you're very pretty," malambing kong saad at sumulyap sa kaniyang gilid kung nasaan ang isang babae na titig na titig sa akin.
"Pero mas maganda 'tong katabi mo..." Gusto ko sanang idagdag pero pinigilan ko ang sarili dahil ayaw ko namang maging bastos at isa pa, kung hindi ako nagkakamali ay wala pa yata sa legal na edad itong bunso kaya pass malala.
"Hi, I'm Aziel—" I was about to extend my hand at her when Mr. Ambrosio stopped me.
"Oh, Azi. You don't have to know her. Mas mabuti pa kung dumiretso na lang tayo sa dining area. My head chef prepared the most delicious dishes that he could offer to the both of you..." aniya sa akin at inakbayan si Daddy.
"But who is she? Ipakilala mo rin siya sa amin dahil nakakahiya naman kung–"
"Hindi na kailangan, Carl. Anak ko lang siya sa labas. Hindi siya mahalaga," putol niya sa sinasabi ni Daddy kaya napatiim bagang ako. Loko pala 'to, eh. Ngayon ay hindi na ako nagtataka kung paano kayo naging magkaibigan niyang gurang kong ama. Parehas na parehas ang pag-uugali.
"At ikaw Chantria, bumalik ka na sa kwarto mo. We don't need you here."
"B-But... Dad..."
"Mamaya ka na lang kumain kapag nakaalis na ang mga bisita," dagdag pa nito sa may pinalidad na tono bago umalis kasama si Daddy patungo sa kusina.
Sinundan ko ng tingin si Chantal na dire-diretso lang din ang alis at parang wala man lang reaksyon sa ginawang pamamahiya sa kaniyang kapatid. So ano? Gan'on na lang 'yon?
Siguro kung si Aia iyong ginanyan ni Daddy ay talagang sisiguraduhin kong maghahalo ang balat sa tinalupan.
Imbis na sumunod ay nanatili ako sa aking kinatatayuan, nakapamewang at naghihintay na balingan niya ng tingin. And when she did, I could feel her uneasiness towards me.
Mabilis siyang umiwas ng tingin at tumikhim. "A-Ano pang ginagawa mo rito? Sumunod ka na sa kanila."
My brows furrowed playfully as if I was annoyed. "Inuutusan mo ba ako?"
Nanlaki ang kaniyang mga mata kasabay ng matunog na pagsinghap. Inangat niya ang tingin sa akin bago sunud-sunod na ikumpas ang dalawang kamay. "Huy, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang sa 'kin lang ay baka nagugutom ka na dahil sa tagal ng biyahe nyo bago makarating dito–"
Hindi ko na napigilan ang matawa nang bahagya. Kita ko ang pag-awang ng kaniyang labi. Bakas doo nang pagtataka, kaguluhan at pagkamangha.
"M-May nakakatawa ba sa sinabi ko?" mahina at buong ingat niyang tanong.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pinunasan ang luhang namuo sa gilid ng mga mata. Tila parang bulang nawala ang kalasingan at sakit ng ulo na nararamdaman ko. Marahas akong umiling at cool na cool na ipinasok ang magkabilang kamay sa bulsa ng aking maong na pantalon.
Binasa ko ang pang-ibabang labi bago umiling sa kaniya. "Hindi rin naman ako kailangan 'don."
"Huh?"
Lumakad ako patungo sa mahabang sofa at pabagsak na umupo roon. Nakabuka pa ang aking dalawang hita habang ang magkabilang braso ay isinandal sa sandalan ng upuan.
"Katulad mo, hindi rin ako kailangan 'don. For sure they'll talk about business and business and business... and it will only bore me."
Halos tumalon ang aking puso nang makita siyang mapangiti ro'n. "So, you're not into business, too?"
"Hindi. Office work is boring," I answered truthfully, at doon na nagsimula ang magandang pag-uusap sa pagitan naming dalawa.
Magaan ang loob ko kay Chantria. Ibang-iba sa pakiramdam noong nakilala ko si Anne at ibang mga babae. Pero lilinawin kong wala akong ibang espesyal na nararamdaman para sa kaniya. Sadyang naaaliw lamang ako at namamangha. Kung titingnan kasi ay mukha siyang mahinhin at seryosong tao pero marami ring kalokohang tinatago.
Marami kaming pagkakahalintulad kagaya ng pareho kaming walang choice kundi ang sumunod sa mapagdesisyon naming magulang. Tho, ako naman ay hindi natatakot sumuway kapag may pagkakataon. Mas mahirap lamang sa parte niya dahil hindi siya itinuturing bilang pamilya dahil anak 'lamang' daw siya sa labas kaya wala siyang ibang pagpipilian talaga kundi ang sumunod. At habang nakikilala ko nga siya ay hindi ko maiwasang mamiss ang kapatid kong nasa ibang bansa.
Chantria... she could pass as my younger sister. But I know and it's obvious that she was feeling differently towards me. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil bata pa siya at paniguradong magbabago pa ang nararamdaman niya.
I'm aware of how fucked up and harsh the world is on Chantria; even her own family wanted to get off her, so I made a promise to her that I would protect her the way I protected my sister, Aia. I was silently praying that the world had been gentler for her because she didn't deserve all the hate from the people surrounding her.
For our whole stay in Manila, si Chantria ang palagi kong kasama at kausap. Hinahayaan naman ako ni Daddy dahil abala rin siya sa sarili niyang lakad kasama si Tito Ambrosio.
Hindi ko rin nakakalimutan na kumustahin at tawagan si Anne pero palagi lamang iyon nauuwi sa away dahil kinukulit na niya ako kung kailan ko balak sumunod sa kaniya roon sa States. I always reassured her that na gagawan ko ng paraan para mapuntahan siya. Kung kinakailangan kong tumakas ay gagawin ko. Lagi ko ring ipinapaalala na huwag siyang masiyadong mastress dahil hindi iyon makakatulong sa pagbubuntis niya.
I couldn't risk them. After knowing that two children were inside her womb. She knew about Chantria too... and as expected, she was raging in anger. Kung ano-anong pag-aakusa na ang sinabi niya sa akin. For Pete's sake, Chantria was just seventeen! A fucking minor!
Ngunit nang magkaproblema ang plantasyon ay kinailangan naming bumalik ng probinsya. Idagdag pa biglang nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Daddy at Tito Ambrosio.
Kitang-kita ko kung paano dumaan ang lungkot sa mukha ni Chantria noong umalis kami. Nangako ako sa kaniya na wala namang magbabago at patuloy pa rin ang kumunikasyon naming dalawa. Sa umaga ay abala ako sa pagtulong sa plantasyon at pagpla-plano kung paano tatakas papuntang USA. Sa hapon o gabi naman ay tinatawagan ko si Chantria para kumustahin ang araw niya.
Habang tumatagal nga ay mas lalong lumalalim ang pagtitiwala ko sa kaniya kaya kampante rin akong nagsasabi sa kaniya ng mga pangyayari rito sa bahay kagaya ng pagtatalo namin ni Daddy dahil pinagshi-shift niya ako sa Business Administration, pati na rin ang plano kong pagsunod kay Anne sa ibang bansa. Walang ibang nakakaalam niyon kundi siya lang.
"Are you close with Chantria Saavedra, right?"
Natigilan ako sa pagkain dahil sa biglaang tanong ni Daddy. Nagtakaka man ay dahan-dahan akong tumango.
"Yes, Dad."
He nodded and smirked. "Good, then. Hindi ka na mahihirapang pakisamahan siya kapag ikinasal na kayong dalawa."
I stopped on my track as my gaze went up at him curiously. Did I hear it right?
"What do you mean, Dad? Kasal?"
Hindi siya sumagot, bagkus ay sinulyapan lamang niya si Mommy na para bang sinasabi na siya na ang bahalang magpaliwanag sa akin. Nanatili akong kunot ang noo at pabalik-balik ang paningin sa kanila.
"Uhm, ganito kasi 'yan, anak. Hindi ba nga at mayroong malaking utang sa atin ang mga Saavedra—"
"Mom, can you please get straight to the point?" I cut her off, getting impatient.
"You and Chantria are getting married. You don't need to know the whole agreement and details since hindi mo rin naman maiintindihan. What matters most is maayos na ang usapan sa pagitan namin ni Ambrosio—"
"Dad! Is this some kind of sick joke?!" I shouted. My eyes widened as I aggressively stood up from my seat. "Akala ko ba ay hindi naniniwala ang pamilya natin sa mga ganiyan?!"
Ano na naman ba itong kagaguhan na 'to?! Bakit ba kailangan na lang palaging idawit ang personal na buhay sa negosyo?
He was taken aback by my sudden outburst, but later on, he clenched his jaw.
"Aziel, your voice," saway sa akin ni Mommy pero hindi ko siya pinakinggan.
Nanatili akong nakatitig kay Daddy na prenteng sumisimsim sa kaniyang kape at parang wala nang pakialam kung magwala man ako rito sa kaniyang harapan.
"Stop with your shits, young man—"
"No, tell that to yourself! Stop with your shits. Stop deciding what to do on my life! Hindi ako robot at mas lalong hindi ako sunud-sunuran mo!" sigaw ko dahilan para matunog siyang ngumisi.
"May karapatan kaming pakialaman ang buhay dahil magulang mo kami. Look at yourself, Check your things, this house, your cars, and whatever. Sa tingin mo ba magkakaroon ka ng lahat ng mga 'yan kung hindi dahil sa akin?"
"It's your responsibility to give those things to me. Huwag mong isumbat palagi sa akin iyon," mariing tugon ko.
"At bakit hindi? Dapat lang para matauhan ka. Pinagbigyan kitang kumuha ng lintek na Architecture na 'yan kahit na dapat ay sa negosyo ka naman talaga..."
"So ano? Babalik na naman tayo sa issue na 'yan? Dad, nandiyan si Aia! Sa aming dalawa, siya ang mas interesado sa pagnenegosyo!" I pointed out, but he only shook his head.
The disappointment was clearly evident through his eyes.
"Let's stop this bullshit conversation. Nonetheless, you are still getting married to Chantria. Let's just wait until she turn eighteen—"
"I have a girlfriend!" I spat.
"Then break up with her. Hindi na natin kailangan ang mga Del Mundo," aniya kaya mas lalong nalaglag ang aking panga. "Mas kailangan natin ng mas maimpluwensyang tao ngayon at iyon ay mga Saavedra."
"Chantria will never agree to your goddamn plan—"
"She did. She already agreed, son." A smudged grin formed on his face as he arrogantly fixed his necktie. "Ikaw na lamang ang nagmamatigas."
I was left dumbfounded at that time. Nanghihina ako at hindi ko maproseso nang maayos ang mga pangyayari. Sa mga oras na ito ay gusto ko na lamang umalis at huwag nang bumalik pa. Mas lalong nanaig ang kagustuhan kong makawala sa pamamahay na ito.
And what? Chantria agree to this set-up? No, I won't believe it. Kilala ko siya. Kilalang-kilala ko siya. I know she was just forced. Maybe... maybe she was gaslighted and manipulated by her own family. They used her weakness. They took advantage of Chantria's kindness.
I wasn't mad at her. I deeply understand. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay ang mga magulang namin na walang ibang inisip kundi ang pera at kung paano mas mapapaingay ang pangalan nila sa industriya.
Simula noon ay naging magulo na ang lahat. Mas lalong naging mahirap na maisakatuparan ang mga plano kong pag-alis. I was caged inside our house. Walang puwedeng lumapit o kumausap sa akin na kahit sino. May isang beses na sinubukan kong tumakas pero nahuli lamang ako at binugbog ng mga tauhan.
But what pained me was that I knew that Chantria was there, watching me get beaten up. At hindi pa siya nakuntento dahil sinabi pa niya kay Daddy ang plano kong pag-alis. Sobrang nasaktan ako sa ginawa niya. Alam kong naiipit lang din siya but at least she could something right? Bakit parang ako lang ang lumalaban para sa kalayaan naming dalawa?
I was good to her. I treated her as my sister and as a friend. I trusted her... but in the end, she just chose to break it. She betrayed me. And since that day, I have never looked at her the same way I did before.
Mommy hides my passport and other important documents, para lang hindi ako makaalis. Kung kinakailangan na bantayan din ako ng ilang batalyong mga tauhan hanggang sa pagtulog ko ay tiyak na gagawin din niya. Sinubukan kong makiusap, lumuhod at magbaba ng pride sa pagbabakasakaling mapapakinggan ako.
Hindi ba nila alam kung gaano kasakit na kinakailangan mo pang magmakaawa para lang sa kalayaan mo?
Habang papalapit nang papalapit ang birthday ni Chantria ay unti-unti ko na ring tinanggap na wala na talagang pag-asa. Naglakas loob akong tawagan si Anne upang sabihin sa kaniya na huwag na niya akong hintayin pa dahil hindi na ako dadating at magpapakasal na ako sa iba. Hindi ko na hinintay pa ang kung anong magiging reaksyon niya at basta na lamang pinatay ang tawag.
On Chantria's 18th birthday, nagkaroon kami ng matinding sagutan ni Daddy, dahilan para atakihin siya sa puso. Agad siyang isinugod sa hospital upang maagapan. Everyone was pointing their fingers at me. They were blaming me for what happened to my father. Kung hindi lamang daw sana matigas ang ulo ko at sumunod na lang sa kagustuhan ay hindi sana hahantong sa gan'ong pangyayari ang lahat.
I was fucking guilty. Hindi ko rin naman ginustong mangyari iyon pero siguro nga'y mali ako. Siguro nga'y masiyado akong nagmatigas. Kaya noong sinabi ng doctor na hindi na puwedeng bumalik sa pagtratrabaho ang Daddy ay hindi na ako nagreklamo nang ipasa sa akin ang lahat ng responsibilidad sa negosyo.
I was getting closer to achieving my dream profession, but I needed to let it go for now. Siguro nga ay hindi pa talaga para sa akin ang Architecture. Siguro nga ay kahit anong pagtakas ang gawin ko sa pagnenegosyo ay doon pa rin ang bagsak ko.
My sister went back to the Philippines for our wedding. Buong akala ko'y kahit papaano ay magiging masaya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang isang text na galing sa magulang ni Anne na wala na ang mga batang dinadala niya at ako ang sinisisi nila sa nangyari.
Anne became depressed and her family wanted me to take all the responsibilities for what happened to their daughter because if not, they would do anything just to ruin our reputation as well as the Saavedra's... at ayaw kong mangyari iyon dahil paniguradong sa huli ay sa akin din mapupunta ang sisi.
Naghalo-halo na ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip. Gusto kong umiyak at magmukmok dahil pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak at sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari kay Anne at sa bata.
I wanted to grieve, to mourn, or even just to fucking breathe for a while, pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay agad na akong sumabak sa trabaho at pag-aaral.
However, Chantria continued her studies in college. Kung tutuusin nga ay ayaw nang pumayag ni Tito Ambrosio na bumalik pa siya sa pag-aaral dahil aksaya lamang daw iyon sa panahon at ang dapat na pinag-aaralan niya ang kung paano maging mahusay na asawa.
Tinutulan ko iyon. Gusto kong ipagpatuloy ni Chantria ang kaniyang pag-aaral at nakikita ko rin naman ang kagustuhan sa kaniya kahit hindi niya gusto ang kaniyang kurso. Noong mamatay si Tito Ambrosio ay ako na mismo ang nagsusustento sa kaniyang kolehiyo mula sa aking sweldo. Ayaw ko nang kinikontrol at sinusumbatan pa siya ng pamilya niya. She was my wife. She was married to me, so I don't mind if I take all the responsibilities.
I appreciated her effort every time she reached out to me, kahit malamig at hindi maayos ang pakikitungo ko sa kaniya. Nariyan iyong gigising akong may nakahanda nang pagkain sa lamesa. Sakto ang timplang kape na gusto ko. Maayos ang pagkakaplantsa at wala ni isang gusot ang unipormeng suot ko at kung ano-ano pa. Sa totoo lang ay hindi naman niya kailangang gawin ang mga bagay na iyon. Gusto kong sabihin sa kaniya na huwag niyang masiyadong lunurin ang kaniyang sarili sa pag-aasikaso sa akin dahil kaya ko naman. Asawa ko siya at hindi katulong. Kung gugustuhin niyang gawin ang mga bagay na nais niya, hindi ko siya pipigilan. Kung gusto niyang magtrabaho at kumita ng sariling pera ay hahayaan ko siya. Hindi niya kailangang ikulong ang sarili sa akin.
I admitted that I partly blamed her for everything. Sinisisi ko siya kung bakit nagkada-leche-leche ang buhay naming dalawa. Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya parang laging sasabog ang damdamin ko. Hindi ko siya gustong pagsalitaan ng masasama. Hindi ko nais ipamukha ang pagdisgusto sa pagiging asawa niya, pero dahil wala akong ibang masisi ay palagi iyong nababaling sa kaniya.
I know I'm an asshole. "A walking red flag," they said. I know Chantria's history. I know her story. I promised that I'd protect her, yet it turned out that I also became one of those bullshits who hurt her. I wished that her world would become gentler, yet it turned out that I was the one who would break it. I became a harsh and ruthless husband. I mistreated her. I made her feel worthless.
I became the worst version of myself I didn't imagine I would be and what made it worse was that I was aware. Alam ko sa sarili kong nasasaktan ko na siya pero ipinagpatuloy ko pa rin... kasi naiisip ko na siguro kapag ginawa ko iyon ay siya na mismo ang sumuko. Siya na mismo ang magsisi. Siya na mismo ang bumitiw sa akin dahil kung alam kong hindi ko na kayang gawin pa iyon.
Lumipas ang isa, dalawa hanggang tatlong taon... unti-unti nang nagbago ang pagtingin ko sa kaniya. Kahit hindi niya napapansin at hindi ko sinasabi, lahat ng maliliit na detalye at mahahalagang bagay ay nakatatak sa isipan ko. Lahat ng kilos at galaw niya ay alam ko dahil sa tuwing wala akong ginagawa sa opisina ay para akong siraulo at aliw na aliw na pinapanood siya sa mga CCTV. But then, there was still a limitation. I still respect and value her privacy.
She'd always think that I had a mistress, that I was still having an affair with Anne, when in fact I couldn't do that. Kung ginagabi man ako ng uwi ay dahil nilulunod ko ang sarili sa trabaho o mas pinipili kong manatali sa sementeryo kung saan inilibing ang dalawang anak ko.
Like I've said, I valued commitment very much. Kahit na hindi maayos ang pagsasama namin ay hindi ako tumingin o humawak ng iba. I just couldn't say no to Anne... because even if three years had passed, I still blamed myself for what happened. She needed validation. Hindi na kakayanin pa ng konsensya ko kung pati sa kaniya ay may mangyayaring hindi maganda.
Minsan ay naiisip ko na gusto ko nang makawala sa guilt na nararamdaman ko. Gustong-gusto ko nang makatulog nang mahimbing sa gabi at gumising nang maaliwalas sa umaga. Gusto kong gampanan ang pagiging mabuting asawa kay Chantria. Gusto kong bumawi sa mga pagkakamali at pagkukulang ko sa kaniya... pero ang hirap. Ang hirap-hirap. Pakiramdam ko'y sa tuwing nagiging masaya ako ay mali iyon. Na wala akong karapatang makaramdam ng gan'on dahil sa mga nangyari.
Anne was still battling her depression. My father was still recovering. My children... maybe they would get mad at me for being happy.
"And you're right. I'd rather choose Anne over you. She never disappoints me. She's not that stupid like you..."
This is not true, Chantria. Please don't believe me.
"Kung ako ba 'yong nasa sitwasyon ni Anne, k-kung dumating ang araw na ako naman ang mangailangan, handa mo bang iwan ang babaeng kasama mo para lamang puntahan ako? Handa bang mong takbuhin ang kilo-kilometrong layo para sa akin na mismong asawa mo?"
Tangina, oo. Kung alam kung gaano ko kagustong bitawan ang lahat para sa 'yo. Kung puwede na lang basta ko na lang iwan ang lahat ng responsibilidad, kung puwede nga lang na basta ko na lang talikuran ang mundong 'to para sa iyo, gagawin ko.
Pero hindi ko iyon nasabi sa kaniya. Natakot ako't naduwag. Kasi alam kong noong mga oras na iyon ay kahit anong sabihin ko'y hindi na niya ako paniniwalaan.
"Alam ng langit kung gaano kita kamahal, Chantria. Sa tatlong taon nating pagsasama, hindi ko itatangging minahal na kita. P-Pero hindi ko rin itatanggi na kahit gustuhin man kitang mahalin nang buo, gustuhin ko mang maging masaya kasama mo, hindi kaya ng konsensya ko..."
"I know I've broken your heart too many times. . . but I promise that this is the last. I am aware that you may hate me forever, but I couldn't stand with this marriage anymore. . . I want everything to be over."
No, I don't want this to be over. Gusto kong manatiling nakatali sa 'yo. Gusto kong maging habambuhay na pagmamay-ari mo. Gusto kitang mahalin nang walang hadlang at buo. Pero paano ko gagawin iyon kung nakatali pa rin ako sa nakaraan? Kung paulit-ulit ko pa ring sinisisi sa mga bagay na hindi ko naman ninais mangyari? Kung hanggang naiisip ko pa rin na hindi ako deserving maging masaya? Mahal kita pero ayaw ko ring maging makasarili. Maraming mas karapat-dapat para sa pagmamahal mo at alam ko sa sarili kong hindi ako iyon.
Noong nalaman niya ang lahat ng tinatago kong katotohanan ay kitang-kita ko kung paano niya sisihin ang kaniyang sarili sa lahat. Alam kong pare-pareho kaming may mali pero hindi ko maatim na makita siyang gan'on. Habang pinagmamasdan siyang umiiyak at sumisigaw sa aking harapan ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan.
Bigla akong natauhan sa lahat ng mga katarantaduhang ginawa ko sa kaniya. Hindi niya kasalanan. Wala siyang kasalanan. Hindi ko kasalanan kung bakit naging kakomplikado ang buhay namin. Pareho lang kaming pinaglaruan at tinanggalan ng kalayaan para sa sarili namin. Kung mayroon mang dapat sisihin ay walang iba kundi ang mga magulang namin na umaaktong parang sila pa ang inagrabyado.
"Isa ka pa, Chantria! Napakagaling mong magpaikot! No wonder, manang-mana ka nga sa mga Saavedra!" Akmang susugurin niya ang asawa ko pero agad kong iniharang ang sarili para protektahan siya.
"Not my wife, Mom!" may pagbabantang saad ko. "I understand your hatred but spare my wife with this. She had enough already!"
"Sige lang, Aziel! Ipagtanggol mo lang 'yang iyong asawa, hinding-hindi talaga ako magdadalawang isip na alisin sa iyo ang lahat ng mana!"
Palihim akong ngumisi at binasa ang pang-ibabang labi. Sa tingin ba niya'y madadala pa ako sa mga pananakot niya? Sa tingin ba niya ay hahayaan ko pa ring manipulahin niya kami? Hindi. Hinding-hindi na ako papayag na manghimasok pa siya sa buhay ko o sa buhay man ng asawa ko. Hinayaan ko na sila noon pero hindi na ulit mangyayari ngayon.
"Then go ahead. I've already lost everything since the day you decided on my life. Sa tingin mo ba natatakot pa ako?"
"Aziel, hindi ako nagbibiro. Binabalaan kita."
"Hindi rin ako nagbibiro. Sa oras na pagbuhatan mo ng kamay o pagsalitaan mo ng hindi maganda ang asawa ko, hindi ako magdadalawang-isip na talikuran kayo..."
Matagal kong napabayaan ang asawa ko at simula noong gabing iyon ay pinangako ko sa sariling hindi na iyon mauulit. Tangina, bahala na kung may masagasaan man ako pero sa pagkakataong ito ay uunahin ko si Chantria. Wala na akong pakialam sa iba.
Sinubukan kong bumawi at ayusin ang pagsasama namin ni Chantria. I don't want an annulment anymore. Kahit kailan ay hindi ko naman gustong humantong kami sa gan'on. Ilalaban ko 'to hanggang sa maubos ako. Pero akala ko ay magiging maayos na ang lahat pero mali pala ako. Dahil ilang araw lang ay dumating na nang tuluyan ang araw na kinatatakutan ko...
"Chantria, huwag naman ganito. Kung ano mang sinabi ko sa iyo noon, hindi na gan'on ang gusto at hinihiling ko ngayon. I want to give this marriage a chance, a better one. I want us to be fixed. I am willing to lose and surrender everything I have–"
She let out a painful chuckle. "It's too late, Azi. The time you want to give up everything for me, that's also the time that I gave up on you."
Iyon na yata ang isa sa pinakamasakit na katagang narinig ko mula sa kaniya pero hindi pa rin ako tumigil. Not now, please. Huwag sana ngayon kung kailan handa ko nang patunayan ang sarili ko.
"Chantria, please. I'll be a better husband this time. Huwag ka lang umalis, oh. Huwag mo lang akong iwan..." I never imagined that this day would come. That I would beg for my Chantria to stay. Masiyado akong naging kampante na hindi siya mapapagod sa akin.
"Promise, I'll behave. I'll do all the things to be a better husband for you. Hindi na ako magiging gago. Hindi na ako magiging sakit ng ulo mo. Aayusin ko na ang sarili ko para sa iyo. Huwag lang ganito, Chan, please..." parang batang pagsusumamo ko sa kaniya pero talagang desidido na talaga siyang umalis at hindi ako pinakinggan.
Masakit, pero naiintindihan ko naman. Sinubukan ko pa siyang habulin kinabukasan sa pag-asang baka bumalik siya sa akin pero mas lalo lamang siyang lumayo. Hindi ko na ipinagdamot pa sa kaniya kasi baka nga iyon talaga ang kailangan niya o naming dalawa. Habang malayo kami sa isa't isa ay pinilit kong ayusin ang aking sarili. Kahit para akong batang nangangapa sa dilim at umiiyak gabi-gabi sa takot na baka hindi na siya bumalik sa akin.
Sa loob ng ilang buwan ay nakuntento akong pagmasdan siya mula sa malayo. Wala akong palya sa pagpapadala ng mga regalo at computerized na sulat para hindi niya ako makilala. At oo, ako rin ang nananakot sa mga lalaking sumusubok na pumorma sa kaniya.
I started a new business venture and I even decided to seek the help of a psychologist. I was so eager to prove to myself that I could be a better version of myself.
Kaya naman noong muli niya akong binigyan ng pangalawang pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa kaniya ay wala akong inaksayang pagkakataon. Mula sa Bohol ay bumalik kami ng Maynila dala ang magandang balita.
We were planning to renew our vows... but another revelation shocked me.
"Sir, wala pong nakaregister na Aziel and Chantria Navarro sa marriage certificate."
My forehead creased in sudden confusion. "What? Check it again. That's impossible."
The lady shook her head again. "Sir, wala po talaga. If you want po, I can give you a copy of your CENOMAR," paliwanag pa niya sa akin.
Para na naman akong napunta sa isang malaking bangungungot habang binabasa ang nakasaad sa mga dokumento. Hindi kami totoong ikinasal ni Chantria. Sa mata ng batas at Diyos, hindi kami mag-asawa. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinabunutan ko ang aking buhok at ilang beses na pinagsasampal ang sarili, nakikiusap at humihiling na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.
Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Chantria pero palagi lamang akong nabibigo, lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano kumikislap ang kaniyang mata sa labis na saya. Kumikirot ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan siya.
Tangina naman, bakit baa ng damot sa amin ng mundo? Hindi na ba talaga kami puwedeng maging masaya? Talaga bang mahirap ibigay iyon sa aming dalawa?
Natatakot akong sabihin sa kaniya ang katotohanan hanggang siya na mismo ang nakadiskubre at hindi man lang hinayaan na ako'y magpaliwanag. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon upang ayusin at alamin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.
For the second time around, she left me again. And it was harder this time because she didn't leave any trace. Wala ni isang nakakaalam kung nasaan siya at alam ng nasa Itaas kung gaano ako halos mabaliw kaiisip at kahahanap sa kaniya. Lalo pa't nalaman ko kay Manang Yeta na nagdadalang-tao siya.
Gabi-gabi akong umiiyak at nagdadasal na sana'y ligtas siya at malayo sa kahit anong kapahamakan... silang dalawa ng anak namin. Hindi na kakayanin ng puso ko kung may mawawala ulit. Araw-araw akong humihiling na sana'y bumalik siya. Hindi na ako makapagfocus sa trabaho dahil para akong baliw na minu-minutong nakaabang sa may pinto at umaasa sa pagbabalik niya.
I also hired tons of men to find her. Kahit saang sulok pa 'yan ng Pilipinas o kahit sa pinakadulo pa 'yan ng mundo. Handa akong ubusin lahat ng mayroon ako para lang kay Chantria, sa asawa ko. Mapa-dyaryo man, telebisyon, o radyo. Gan'on na ako kadesperado pero masiyado siyang mailap. Hindi pa nakatulong ang biglang pag-amin sa akin ni Mommy at Daddy na sila ang may pakana ng pekeng kasal dahil sa pag-aakalang maiisahan nila ang mga Saavedra.
Galit na galit si Tita Calliana at Chantal sa mga magulang ko at naiintindihan ko naman iyon dahil miski ako'y gan'on din ang nararamdaman ko.
"Nagdadalawang-isip tuloy ako kung aalis ako o hindi."
Wala sa sarili akong napalingon kay Aia na bigla na lang pumasok sa loob ng kwarto namin ng asawa ko. Bumuntonghininga siya at binuhay ang ilaw. Napapikit ako sa liwanag na dulot n'on. Literal kasing nanatili lamang ako sa dilim.
Hindi ko kayang makitang bukas ang lahat ng ilaw sa mansion dahil sa bawat sulok ay si Chantria ang nakikita ko.
"Tama na nga 'yang kaiinom mo, Kuya." Padabog niyang inagaw sa akin ang hawak kong beer. Gusto kong magprotesta sa ginawa niya pero pinanlikhan niya ako ng mga mata kaya wala akong nagawa kundi ang mapasimangot na lang.
Umayos ako ng pagkakaupo sa carpet at sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?" namamaos kong tanong at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "At bakit bihis na bihis ka?"
"Aalis na ako, Kuya." She gave me a weary smile, but I didn't.
Marahas akong napalunok at umiwas ng tingin sa kaniya. Pati ba naman ikaw iiwan na rin ako? Sino na lang ang natira para sa akin? I wanted to voice it out, but it sounded so selfish.
"K-Kailan ka babalik? K-Kailan mo babalikan si Kuya, huh?" Pinigilan ko ang pagkabasag ng aking boses pero nainis lang ako nang wala akong nakuhang matinong sagot mula sa kaniya.
Imbis ay naramdaman ko na lamang ang mahigpit niyang yakap sa akin. Yakap na para bang iyon na ang huling pagkikita naming dalawa.
"Basta babalik din agad ako... at sana pagbalik ko ay masaya ka na kasi nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganiyan." She gasped and wiped her tears immediately.
I hugged her back and leaned on her shoulders. Doon ay para akong batang umiyak nang umiyak at nagsusumbong sa kaniya ng lahat ng nararamdaman ko. "B-Babalik ka, huh? Mag-iingat ka kasi mababaliw si Kuya kung pati ang Aia ko mawawala..."
She then chuckled. "Kuya, ano ka ba? Oa mo! Hindi pa ako mamamatay!" Muli niya akong hinapit para sa isang mainit na yakap at naramdaman ko ang pagdampi ng halik sa aking noo. Hindi niya ako binitawan hanggang sa makatulog ako.
Pero putangina... kung alam ko lang sana'y hindi na rin ako gumising lalo na noong kinaumagahan ay isang napakasamang balita ang bumungad sa akin.
"A-Aziel... w-wala na si Aia... i-iniwan na niya ako..." Louie sobbed from the other line. I could hear his cry as if he was like a broken glass at that time. "Iniwan na niya tayo... tangina."
"H-Hindi magandang biro 'yan, Jiel Louie. S-Susuntukin kita," nanginginig ang boses na pagbabanta ko pero mas lalo lamang lumakas ang hagulhol sa kabilang linya.
"S-Sana nga nagbibiro lang ako, Azi. S-Sana nga bangungot lang 'to kasi ayaw ko... hindi ko kaya." He cried.
Nanatiling awang ang labi ko at dala ng labis na panghihina ay nabitawan ko na ang cellphone ko. Tulala ako hanggang sa makarating kung saan nangyari ang plane crash. Noong una'y hindi pa ako kumbinsido na siya iyon pero nang makita ko mismo nang malapitan ang bangkay ay doon na ako tuluyang nawalan ng malay. Buong burol hanggang sa libing ay para akong baliw at hindi makausap nang matino. Gan'on di Louie.
Mabuti na lamang ay nariyan si Dewei para pansamantalang tumulong at pangunahan ang imbestigasyon ng nangyari kay Aia pati na rin ang paghahanap kay Chantria. Hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan sa lahat ng tulong na ibinigay niya kahit batid kong mayroon din siyang kinakaharap na sariling problema.
"Meron na akong nahanap na lead kung nasaan si Chantria. Pupuntahan ko agad siya," saad ko kay Chantal at kinunotan niya ako ng noo.
"Seryoso ka ba riyan? Magsama ka ng tauhan kung gan'on..."
"Hindi na—"
"Are you hearing yourself, Aziel? Baka kung ano na naman ang mangyari sa 'yo! The last time na ginawa mo 'yan, na-holdup ka lang!" sermon sa akin ni Tita Calliana.
"Hindi, hindi ka aalis. Siguraduhin muna nating si Chantria iyan," she added and I heaved a sigh.
Ilang beses na akong naloko at nauto pero hindi pa rin ako sumuko. Walang dahilan para gawin iyon lalo na't para kay Chantria at sa anak naming dalawa. Sa dinami-rami ng pinagdaanan namin, ngayon pa ako bibitiw? Ngayon pa ba ako mawawalan ng pag-asa?
Muli ko siyang nahanap. Sa isang malayong isla kung saan napakalayo sa kabihasnan, doon ko siya natagpuan. Hindi ako makapaniwalang nakaya niyang tumira roon lalo na't hindi naman gan'on ang buhay na nakagisnan niya sa Maynila. Pero kalauna'y napanatag din ang damdamin ko dahil nasa mabuti siyang kalagayan.
Noong una'y akala ko'y asawa niya iyong Elias pero hindi pala. Nagselos ako, oo, pero nakita ko namang mabuti siyang tao. Siya ang tumayong ama sa mag-ina ko, siya ang sumalo ng responsibilidad at malaking respeto ang ibinigay niya kay Chantria... kaya sino ba naman ako para magalit sa kaniya? Sino ba naman ako para magtapang-tapangan at magalit gayong wala naman siyang ginawang masama?
"Minahal ko ang mag-ina mo at itinuring ko sila na parang sa akin," saad niya habang pareho kaming nakatanaw kay Chantria at Asher na nagkukulitan sa dalampasigan.
"At nagpapasalamat ako sa 'yo sa lahat ng ginawa mo. Hindi ko alam kung paano ko susuklian ang lahat ng iyon—"
"Hindi naman na kailangan." Sumulyap siya sa akin at ngumiti. Tinapik niya ako sa balikat. "Masaya na akong malaman na hindi ka sumukong hanapin sila. Kahit imposible. Kahit mahirap."
A tiny smile escaped from my lips as I eyed them lovingly. "Mas mahirap kapag wala sila, Elias. Sila na lang ang mayroon ako."
"At sana pag-ingatan mo dahil maswerte ka sa kanila. Sa nakikita ko ngayon ay wala akong pinagsisisihan sa ginawa kong pagsasabi sa 'yo kung nasaan sila dahil ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ang totoong makakapagpasaya kay Chantria. Walang perpektong asawa o ama pero panatag ang loob ko dahil alam kong sa tamang tao siya napunta..." mahabang litanya niya sa akin kaya nangilid ang mga luha ko.
"Maraming maraming salamat sa pag-aalaga mo sa kanila, Elias. Hindi ko ipagdadamot sa 'yo si Asher, tatay ka rin niya."
"Talaga?"
"Hmm." I nodded my head and smirked. "But promise me that you'll take care of Anne the way you take care of Chantria... masama lang ang ugali niyan but she deserves the world too."
Namula ang kaniyang mukha at napatuwid ng pagkakatayo. Hindi siya sumagot, bagkus ay umiwas lamang siya ng tingin kaya mas lalo akong natawa.
Noong binigyan ako ni Chantria ng pagkakataon na bumawi sa anak namin ay talagang ginawa ko ang lahat ng makakaya kong gawin. Sa loob ng tatlong taon na pagkaligaw at pagkawala, ngayon ko na lamang ulit naramdaman na buhay ako at humihinga. Nirespeto ko ang desisyon ni Chantria na manatili muna kaming kaswal sa isa't isa hanggang sa unti-unti na naming nabalik ang aming pagsasama.
Muli kaming ikinasal at sa pagkakataong ito'y mas maayos at mas matibay na ang binubuo naming pamilya.
"I forgave you..."
Nag-angat ako ng tingin sa asawa ko na nakatingin lamang sa lapida ng kaniyang ama. I stared at her with full awe and amusement in my eyes. Kahit na malaki na ulit ang kaniyang tiyan dahil muli siyang nagdadalang-tao ay napakaganda pa rin niya sa paningin ko. Fresh na fresh, parang tomato.
"Pinapatawad kita kahit na hanggang sa huling sandali ay hindi ko naramdaman na mayroon akong ama..." she muttered and smiled painfully.
I let out a sigh and caressed her back to reassure her that I was just here. I didn't say any words. Oras niya 'to para sa tatay niya.
"Kahit na hanggang huling sandali ay si Ate Chantal lamang ang bukang bibig mo at hindi ako. Pinapatawad kita kahit na kahit kailan hindi ko naramdaman na nagpakaama ka sa akin. You only see me as a fruit of your mistake... but it's okay. Naiintindihan ko naman na mahirap para sa 'yo. Wala akong sama ng loob pero panghihinayang ay mayroon. Kasi sayang... sana man lang binigyan mo ako ng chance na mas makilala. Kung nabuhay ka lang sana nang mas matagal, siguro magiging proud ka rin sa akin kahit papaano kasi matapang kong nalampasan lahat ng mga pagsubok. Matapang kong hinarap at tinanggap lahat ng mga pagkakamali ko..." Marahan niyang pinunasan ang masagang luhang lumalandas sa kaniyang magkabilang pisngi.
"Pinapatawad kita sa lahat ng pagkukulang mo sa akin bilang ama at sana patawarin mo rin ako sa lahat ng pagkukulang ko bilang anak. Hindi man ako nabigyan ng pagkakataon na sabihin sa 'yo ito pero minahal kita, Daddy. At sana sa susunod na buhay, kung sakali mang ikaw muli ang maging ama ko, sana'y tanggap mo na ako." She sobbed like a kid and I pulled her for an embrace right away.
Nang bumitaw siya ay kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at inabot iyon sa kaniya. Sinikop ko ang kaniyang buhok para hindi iyon sumasabog sa kaniyang mukha. Matapos ng kaniyang mahabang litanya ay ako naman ang nagsalita. Wala naman akong ibang gustong sabihin pero dahil nandito na rin lang naman kami ay hindi ko na papalampasin.
"Salamat..." Bumuga ako ng hangin at kita ko ang pagbaling ng tingin sa akin ng asawa ko. "Salamat dahil sa isang gabing pagkakamali mo ay may dumating na tama sa buhay ko."
"Aziel..."
"Sa totoo lang, Tito Ambrosio, ang swerte mo kay Chantria. Masiyadong mabuti ang puso niya dahil tingnan mo oh, kahit hindi ka naman mukhang nagsisisi ay pinatawad ka pa rin niya. Sana magkasama na kayo ni Daddy kung nasaan man kayo ngayon. Sana bago kayo nawala sa mundo ay napagtanto ninyo ang mga mali ninyo. You made our life fucking miserable. Mga paladesisyon kayo. Mga matatandang pangit ang mindset... pero sige, para sa ikasasaya ng puso ko at ng babaeng mahal ko ay pinapatawad ko na rin kayo."
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chantria sa gilid ko kaya napangisi na rin ako. Nagtirik kami ng kandila sa puntod ni Tito Ambrosio at Daddy Carl. Nag-alay din kami ng kaunting dasal para sa kanila at pagkatapos n'on ay si Aia naman ang sunod naming pinuntahan at kinausap. Hindi kami masiyadong nagtagal sa puntod niya dahil masiyadong emosyonal si Chantria at natatakot ako na baka kung mapaano pa siya. Ito kasi ang unang beses na nadalaw niya ang kapatid ko kaya siguro ay gan'on na lang din ang reaksyon niya.
"Babalik na lang tayo sa susunod..." I heaved a sigh and kissed her forehead. "Natatakot ako baka bigla kang mapaanak na di oras."
Tumawa siya at hinampas ako sa balikat. "Ang oa mo talaga! I'm just seven months pregnant!"
"Kahit na, Chantria. Oa na kung oa pero basta saka na lang. Maiintindihan ka naman ni Aia. Baka nga iniirapan ka na n'on ngayon sa langit." I hissed and she just pinched me.
Inalalayan ko siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa huling dadalawin namin. Awtomatikong sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang dalawang puntod. May mga bagong bulaklak pa na naroon kaya siguro'y may dumalaw din sa kanila.
"Hey, babies..." I greeted and touched their tomb. "It's me, your daddy."
"Hi, little angels." Chantria approached them too. Inalalayan ko siyang maupo sa inilatag kong pink na tela. "Ang dami nyo namang flowers. Galing ba 'to sa Mommy Anne nyo?"
"How are you there? Sorry kung ngayon ko na lang ulit kayo nabisita ni Daddy, huh? I was a bit busy these past few months and sana huwag kayong magtampo. Don't worry, kapag nanganak na ang Mommy Chantria nyo ay dadalas na ulit ang pagpunta namin dito kasama na si baby Asher," kwento ko.
"Sorry, ha? Hindi siya nakasama ngayon. Paano ba naman kasi ay dumating sa bahay iyong crush niya. Si Kara? Ayon, ayaw nang umalis sa tabi ng dalaga at saka bagong tuli kaya tuloy kaming choice kundi ang iwan siya." My wife and I laughed as we both shook our heads.
"Naku, bata pa lang 'yang kapatid nyo pero mukhang alam ko na kung saan nagmana," dagdag pa niya at pabiro akong inirapan.
"What? I'm behave, love," agad ko namang depensa. Hinapit ko siya papalapit sa akin at pinupog ng halik ang kaniyang pisngi.
Pagkatapos ng simpleng lambingan ay nag-alay na kami ng dasal para sa kanila. Taimtim ko rin silang kinausap.
"I'm happy now. I deserve it, right? Hindi ko man kayo nahawakan o nakita pero 'yong pagmamahal ko sa inyo ay katumbas ng pagmamahal ko kay Asher at sa dalawang kambal na sa sinapupunan ng Mommy Chantria nyo. Thank you for always guiding us, my angels..." I hope in the multiuniverse I could hold the both of you.
Sunod ko namang hinarap ay ang asawa kong pinapanood lang ang bawat galaw ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay nang hindi ako kumibo at nanatili lamang na nakatitig sa kaniya.
"What's with that stare, Mr. Navarro?" she asked, chuckling.
I heaved a dreamy sigh as I reached for her forehead to gently kiss it again. "I just realized that I am always saying those three words to you, but there are still four words I haven't told you yet, my love."
"Four words?" Her brows furrowed as she looked at me curiously. "What is it?"
Naalala ko noon na madalas niyang sabihin sa akin na bunga lamang siya ng pagkakamali. Na siguro kung mawala man siya o maglaho ng parang bula ay walang makakapansin. Pero mali siya dahil nandito ako. Nandito ako na ang laging mga mata at atensyon ay nasa kaniya. Mawala lang siya saglit sa paningin, natataranta na ang aking buong sistema. Siya na itinuturing kong sa lahat ng pagkakamali ay siya lang ang bukod tanging tama. Siya na palagi kong ipinagpapasalamat sa Itaas dahil kung wala siya, para akong batang ligaw na hindi alam kung saan pupunta.
Matagal akong tumitig sa kaniya bago sumilay ang sinserong ngiti sa aking labi.
"Thank you for existing."
Without you, breathing means nothing.
Marriage was not some kind of fairytale. It wasn't as beautiful as we'd seen in the movie. It will be difficult and painful, and it will only last because two people make a choice to keep it, fight for it, and work for it.
I made unjustifiable mistakes in the past. My wife has been mistreated, neglected, and even taken for granted. But the new version of me was now ready to make her feel loved, heard, and respected. The way every person we love should be treated.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro