Nagising ako sa sunod-sunod na tapik sa aking braso. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at gan'on na lamang ang gulat ko nang tumambad ang pagmumukha ng sekretarya ng aking asawa.
"Ma'am Chantria. . ." she uttered in a low voice.
Napabalikwas ako sa sofa na aking kinahihigaan. Jusko! Sa tagal ko palang naghihintay ay hindi ko na namalayang natulog na ako! Kahit na medyo lutang pa ay inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng opisina ni Aziel ngunit bigo akong makita kahit ni anino niya.
"Si Aziel? Hindi pa ba siya bumabalik?" namamaos kong tanong sa kaniyang sekretarya.
Matagal siya bago nakasagot. Ilang beses ding bumuka ang kaniyang bibig na para bang nahihirapan kung anong dapat sabihin.
"M-Ma'am. . . ano po kasi. . ."
Tumingin ako sa glass wall at halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang makitang nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng kalangitan sa labas. Kasunod na bumaba ang mata ko sa paper bag na nakapatong lang sa pabilog na lamesa.
It was still there, untouched. "Hindi pa rin ba tapos ang meeting? Anong oras na, ah? Hindi pa rin siya bumabalik?" dagdag ko pang tanong.
"M-Ma'am, kanina pa po kasi umalis si Sir Aziel."
Kunot noo ko siyang tiningala. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi nang magtama ang paningin namin. Mababakas doon ang hiya at awa para sa akin.
"Huh? Nagjo-joke ka ba?"
She shook her head aggressively. "Hindi, Ma'am. Nagsasabi po ako ng totoo. Ten minutes lang po ang itinagal ng meeting nila kanina pagkatapos po noon ay umalis na siya kasama ng ilang board members. Nagkayayaan po kumain sa labas. . ." paliwanag niya na siyang dahilan para malaglag ang aking panga at pagbagsak ng aking parehong balikat.
Hindi ako nakapagsalita, naiwan lang akong nakatulala habang pinakikinggan siya.
"I thought you already left, Ma'am. Kung hindi pa sana ako papasok dito sa opisina ni Sir para ilagay iyong papeles, hindi ko malalamang nandito pa kayo," dugtong pa niya.
Nanikip ang aking dibdib at naramdaman ang unti-unting pagbabadya ng mga luha. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay nagmukha na naman akong tanga.
"M-Ma'am, sorry po talaga!" She bowed her head countless times, a genuine guilt was truly evident in her voice.
I forced a laugh as I shook both my hands in front of her. "No, no. It's fine. Uhm. . . don't blame yourself. I was the one who's at fault. Ngayon pa talaga ako bumisita kung kailan alam kong sobrang busy ni Azi."
"Pero-"
"Ang mas mabuti pa ay sa 'yo na lamang ito." Inabot ko sa kaniya ang paper bag na naglalaman ng sana'y lunch namin ng asawa ko. "Okay pa iyan. Medyo malamig na nga lang kaya iinit mo na lang."
"How about you, Ma'am Chantria?"
A tiny curve formed into the side of my lips. "Don't worry about me. . ." I already lost my appetite.
She swallowed hard as she accepted it.
Tumango ako at inayos na ang sarili. "I'll go now. Uwi ka na rin. Huwag kang magpagabi." Tinapik ko ang kaniyang balikat bago tuluyang umalis doon.
Gamit ang nangangatog na tuhod, hindi ko alam kung paano ako nakaalis nang matiwasay sa gusaling iyon. Marami pa akong nakasalubong na mga empleyado. Lahat ng ngiti at pagbati nila ay sinusuklian ko.
Ngunit may iba rin naman na labis na nagtataka sa aking presensya.
"Nandito pa pala si Ma'am Chantria? Eh hindi ba't kanina pa umalis si Sir Aziel?" bulong ng babae sa kaniyang kasama.
"Oo nga, eh. Ang weird!" tugon pa ng isa.
Hindi ko na iyon pinansin pa at nagkunwari na lamang na walang narinig. Pumara ako ng taxi at lugmok ang buong pagkataong umuwi.
Madilim at tahimik. Iyan ang bumungad sa akin pagdating na pagdating ko sa bahay. Pakiramdam ko tuloy ay ano mang oras ay maaari akong mabaliw sa dami ng iniisip at nararamdaman.
Kumikirot ang aking puso. Para bang pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ibang ginawa maghapon kundi ang maghintay na parang timang sa kaniya. Gusto kong umiyak sa sakit pero wala ni isang luha ang pumapatak. Na para bang sila na mismo ang naunang sumuko dahil paulit-ulit na lang.
Alam kong ako rin ang naglagay sa sarili ko sa ganitong uri ng kalagayan. Na masiyado akong makasarili noon at hindi inisip kung ano mang magiging dulot nito. I took advantage of our situation and only thought about what was good and beneficial for myself. And I couldn't blame Aziel's resentment at me.
Well then, I guess, this was my karma. Was everything backfiring to me?
Lumalim pa ang gabi. Nilibang ko na lamang ang sarili sa telebisyon para hindi naman ako mabaliw sa labis na katahimikan. At habang nasa kalagitnaan din ako ng pag-iisip kung anong kakainin sa hapunan ay marahang bumukas ang pinto.
Mula sa prenteng pagkakaupo sa couch ay agaran akong napatayo. Iniluwa noon si Aziel na mukhang stress at pagod na pagod, ngunit nang magtama ang mga mata namin ay hindi nakaligtas sa akin na nakahinga siya nang maluwag. Na para bang sa gitna ng nakakarindi niyang mundo ay muli niyang nahanap ang kapayapaan.
Or maybe I was just assuming things. . .
Tumayo ako upang salubungin siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at walang imik na kinuha ang kaniyang attache case. Hindi kagaya nitong mga nagdaang araw, hindi ako nangulit at nagbato ng kung ano-anong tanong sa kaniya.
I didn't ask his whereabouts. Alam ko rin namang wala akong makukuhang matinong sagot at baka humantong sa pag-aaway. Wala ako sa mood para roon ngayon.
"Kumain ka na?" marahan niyang tanong habang sinusundan ako paakyat sa kaniyang kwarto.
"Hindi pa." I shook my head. "Bakit? Nagugutom ka ba? Hindi ako nakapagluto ng hapunan kasi hindi ko alam na uuwi ka pala."
Ipinatong ko sa swivel chair ang attache case bago dumiretso sa walk-in closet niya at kumuha roon ng damit niyang pamalit.
"It's already late, Chan. Huwag mong sabihin na nagpapalipas ka ng gutom sa tuwing wala ako?" His voice sounded dangerous right now.
"Hindi naman, ngayon lang. Nalibang kasi ako sa pinapanood ko." Hinarap ko siya at inabot sa kaniya ang napili kong damit. "Anong gusto mong kainin? Magluluto na lang muna ako habang naliligo ka." Pinilit kong umaktong natural kahit na sa loob-loob ay isang kalabit na lamang sa akin ay mag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko.
Matagal siyang tumitig sa akin, tila tinitimbang ang emosyon ko pero wala siyang makuha. Kapagkuwan ay bumuntonghininga siya at naglakad patungo sa banyong nasa loob lang din ng silid niya.
"No need. I already bought food for the two of us. Just. . . wait me here," he muttered before finally closing the door.
My shoulder slacked as I swallowed the lump on my throat.
Extremely disappointed because he didn't bring up what happened earlier. . . like it seems he didn't really care about it. And I didn't know why that by just seeing him made my heart and soul shattered even more.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro