Chapter 7
Akala ay iyon na ang magiging una’t huling pagkikita namin ni Aziel matapos nilang bumisita sa aming bahay, ngunit ang isang beses na iyon ay nasundan pa ng marami. At sa bawat pagkikitang iyon nga ay hindi maiwasang mas lalong mahulog ang aking loob sa kaniya.
“If it is okay to ask, why are they treating you like that?” tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin ng pasalubong niyang hamburger.
“Sino?” Nilingon ko muna siya bago sumimsim sa juice na bigay din niya.
His family was here again. Sa dining area ay naroon ang mga magulang namin na abala na naman sa pag-uusap tungkol sa negosyo. Hindi naman kailangan ang presensya ko roon kaya nagpasya akong dito na lang magpalipas ng oras sa garden. . . pero ang hindi ko inaasahan ay susunod pala siya sa akin.
“Your family. Iyong Mommy at Daddy mo, isama mo na rin iyong panganay mong kapatid. Bakit gan’on sila sa ’yo? Kung i-trato ka nila ay parang hindi ka bahagi ng pamilya. . .” paliwanag niya.
Lihim akong napangiti nang mabakas ang pagkairita sa kaniyang tinig habang binibigkas niya ang mga salita. Kapagkuwan ay ngumuso ako at nagkibit balikat para itago ang bahagyang pagkirot ng aking puso.
“Hindi naman kasi talaga,” mapait kong tugon na siyang ikinakunot ng kaniyang noo.
“What do you mean by that?”
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga bago simulan ang pagpapaliwanag sa kaniya. “Anak ako sa ibang babae ni Daddy. Kagaya ng sinasabi niya ay isa lamang akong bunga ng pagkakamali. Iyong Nanay ko kasi ay nagtra-trabaho noon sa club at doon sila nagkakilala ni Daddy. Maraming beses na may nangyari sa kanila at sa kasamaang palad ay nabuo ako. . .” kwento ko kay Aziel na taimtim naman na nakikinig sa akin.
“And then?”
“And then. . . ayon, wala sanang balak si Nanay na sabihin kay Daddy na nagbunga ang kasalanang ginawa nila dahil bukod sa mayroon na itong pamilya ay wala rin naman daw siyang balak maghabol.”
But unfortunately, namatay ang Nanay ko dahil sa isang malubhang sakit na huli na rin naming nalaman. Masiyado na iyong malala at wala rin naman kaming sapat na pera para sa gamutan. Bago siya tuluyang mawala ay ipinakilala na niya ’ko kay Daddy. Noong una ay hindi siya naniniwala at hindi niya ako nagustuhan. . . lalong-lalo na ng asawa’t anak niya. Pero kalaunan ay tinanggap na rin naman niya ako sa tahanan nila kahit na para sa kanila ay isa lamang akong basura at responsibilidad na dapat gampanan.
“That’s bullshit. Nabuo ka dahil sa isang kasalanan pero hindi ikaw ang kasalanan na ’yon. I just really can’t digest how fucked up some older people’s mind.” Pinisil niya ang sariling ilong dahil sa inis. “Hindi ka ba nagsasawa sa gan’ong klaseng trato? Kung ako ’yon, matagal na akong lumayas sa pamamahay na ito.”
Matamlay akong bumuntonghininga at ngumuso. “Sanay na ako.”
Gustuhin ko mang umalis sa puder ng aking ama ay hindi ko magawa. Wala akong kakayanang gawin iyon lalo na’t hindi pa sapat ang aking pera. Kaya ayon, wala akong ibang choice kundi ang magtiis at magbingi-bingihan na lamang sa mga matatalim na salitang ibinabato nila.
Umusog si Aziel at mas lalong inilapit ang sarili sa akin. Ang isang kamay ay pinatong niya sa aking ulo upang marahang guluhin ang aking buhok. Tiningala ko muna iyon bago siya balingan ng isang inosente at naguguluhang tingin.
“Huwag kang mag-alala, Chantria. Simula ngayong araw na ito, pinapangako kong hindi ka na mag-isa. . .” His lips curved into the most bright and genuine smile he could give. “Pro-protektahan kita.”
Ginulo niya ang aking buhok at kulang na lamang ay mapigtas ang aking labi dahil sa lawak ng ngiti.
Pinanghawakan ko ang sinabi niya. Sa maikling pagkakataong nagkakilala kaming dalawa, alam kong iba siya sa mga lalaking aking nakilala. Mabait siya, maalaga at masayang kasama. Wala ring bahid ng kahit anong kayabangan ang kaniyang katauhan. Simple lang siyang makitungo sa mga taong nakapalibot sa kaniya at napakanatural kung kumilos.
Hindi na rin nakakagulat kung bakit napakaraming kababaihang nagkukumahog na mapalapit sa kaniya. At siguro nga’y isa na ako r’on.
Sa kaniya lang ako naging malapit na ganito dahil ang halos ng taong aking nakikila ay agad na lumalayo kapag nalalaman na isa akong anak sa labas ng mga Saavedra. Kaya naman abot langit ang pasasalamat ko sa Itaas na hinayaan niya akong makilala si Aziel. Na binigyan Niya ako ng isang taong kayang tanggapin kung ano man ang estado at disposisyon ko sa buhay.
“Bukas. . . babalik na ulit kami sa probinsya,” balita sa akin ni Aziel na siyang ikinabigla ko.
Natigilan ako sa pagkakabit ng seatbelt at gulantang na lumingon sa kaniyang gawi. Sumilay ang pait at lungkot sa kaniyang ngiti nang magtama ang aming mga mata.
“Bakit ang bilis naman yata? Hindi ba’t sabi mo na dalawang buwan kayo rito sa Maynila?” nanghihina kong tugon.
“Ayon nga, eh.” He heaved a drowsy suspire as his both shoulders went slack. “Nagkaroon kasi ng problema sa plantasyon kaya kinakailangan na naming bumalik sa probinsya. Hindi kasi puwedeng magpaiwan ako dahil walang aalalay kay Daddy,” malumay na paliwanag niya at labis ko namang naiintidihan iyon.
Hindi ko lang talaga maiwasang manlumo at manghinayang dahil marami pa sana akong gustong gawin habang narito pa siya sa Maynila. Inilista ko na iyon lahat sa notebook ko noong isang araw pero mukhang hindi pa yata matutuloy. Well. . . bukod lang siguro rito sa pagsundo niya sa akin sa paaralan pagkatapos kong mag-enroll dahil nag-aaya siyang kumain sa labas.
Binasa ko ang pang-ibabang labi at palihim na kumuyom ang aking dalawang palad upang pigilan ang pagtambol ng dibdib. “B-Babalik ka pa naman, ’di ba? I-I mean. . . hindi pa naman ito ang huling beses na makikita kita?”
Matunog siyang ngumisi bilang tugon at umiling-iling sa akin habang sumasaway ang pagkamangha sa kaniyang mga mata. “I’ll still come to your eighteenth birthday. Hindi ba’t nangako akong dadalhin kita sa amusement park?”
Agad na nabuhay ang aking dugo sa sinabi niya. Yes, he was right! I thought he had already forgotten about that!
“At saka, we will continue to keep in touch. . .” dagdag pa niya kaya napanguso ako para pigilan ang pagsupil ng matinding kilig at para na rin pigilan ang sarili sa pagtili.
He let out a low laugh as he reached for my hair to ruffle it. “Huwag nang malungkot, hmm? Babalik ako, pangako iyan.”
I found myself nodding and believing with his words because I know, just like what he did in the past few weeks, he never disappointed me. Not even once. Not an inch.
Muli kong sinulit ang araw na iyon na kasama siya. Sa isang bagong bukas na coffee shop niya ako dinala at hinayaan ang mga sariling mabusog sa mga masasarap na pagkain doon.
“Wala akong balak na sumunod sa kung ano mang yapak ng mga magulang ko. I already told you that, right? I’m not into office work and to talk about business for the whole damn day.”
I giggled and sipped on my coffee. “Yeah, that’s why you’re taking Architecture nga, ’di ba?”
“Yep,” he replied, “Ilang beses pa kaming nag-away ni Daddy dahil diyan. He wanted me to take a business-related course but I always refused to do so. I have my own life to live. Ayaw kong dinidiktahan ang buhay ko sa kung ano man ang dapat kong gawin o kung ano mang buhay ang dapat kong tahakin.”
A tiny grin formed in my lips, satisfied with his answers. Makikita naman talaga sa kaniyang mukha ang paninindigan at determinasyon sa mga plano niya sa buhay. And my adoration for him went higher because of that.
“I wish I could be brave like you. . .” Iyon na lamang ang tanging naisagot ko.
Marami pa kaming pinag-usapan at kung hindi pa tutunog ang cellphone niya dahil sa isang mahalagang tawag ay hindi pa namin mapapansin na lumalalim na pala ang gabi. Hindi ko naman kinakailangang mag-alala dahil paniguradong wala namang nag-aalala at naghahanap sa akin sa bahay.
“Chantria, we need to go home. . .” ani Aziel matapos ibaba ang tawag.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at gan’on na lang ang pagkunot ng aking noo nang mapansin ko ang agiging balisa niya habang isinisilid sa bulsa ng kaniyang itim na khaki shorts ang cellphone.
“May problema ba?” Tumayo na rin ako’t dinampot ang shoulder bag.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang nakikipagtitigan nang matagal sa akin. Bakas ang pag-aalinlangan at pagda-dalawang-isip sa kaniyang mga mata kung sasabihin ba niya sa akin o hindi.
“Aziel?” I urged him to speak again.
“I don’t know what exactly happened. . . but my Dad called and said na nag-away daw silang dalawa ng Daddy mo at tinatapos na rin niya ang koneksyon namin sa pamilya nyo.”
“What?!” I was stunned for a moment. Pilit kong binasa ang ekspresyon ng kaniyang mukha, iniisip na baka sakaling nagbibiro lamang siya ngunit walang mababakas doon na kahit anino ng tuwa.
He licked his lower lip as he bowed his head. “I think that involves money. . .” mahina niyang saad.
Hindi maproseso ng isip ko ang mga pangyayari. Kung anong bilis ng aming pagkakakilala gan’on din kabilis ang pagtatapos ng magandang samahan naming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro