Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

“Wait me here, Chan. This will be quick.”

Awang ang aking bibig habang pinapanood siyang isuot muli ang kaniyang grey na coat. Nirolyo niya pababa ang manggas at sinarado ang butones ng polo.

“T-Teka, hindi mo ba muna ito kakainin? Kumain muna tayo.” Itinapat ko ang paper bag sa kaniyang mukha at agad naman siyang umiling bilang pagtanggi.

He heaved a deep sigh. “Sorry, Chantria. Our time matters. Kakain ako pagbalik ko pero kung gutom ka na. . .  mauna ka na lang kumain at mas mabuti pang huwag mo na akong hintayin pa.”

“Pero–” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay muling bumukas ang pinto para paalalahanan siya ng kaniyang sekretarya na nagsisimula na ang meeting.

Hindi na nagawang makapagpaalam sa akin ni Aziel. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan siya hanggang sa makalabas na ng silid. Ilang saglit din akong natulala sa kawalan bago ibinagsak ang mga mata sa dala kong pagkain.

Kapagkuwan ay umiling-iling ako at mas piniling maging positibo. “Mabilis lang naman daw, Chantria. Hindi naman siguro agad lalamig ang pagkain.” I laughed a bit.

Nagpasya akong umupo muna sa isang medyo pabilog at itim na leather sofa at doon magpalipas ng oras. Nilibang ko ang sarili sa mga matatayog na gusali na malaya kong nakikita mula sa kinauupuan. Hindi ko maiwasang mamangha dahil tanaw na tanaw ko ang ka-Maynilaan. Siguro ay mas magandang tumambay rito sa opisina ni Aziel tuwing gabi.

I tapped my pumps on the white tiles as I watched the clock ticked every second. Lumipas pa ang ilang sandali at napagtanto kong halos sampung minuto na akong naghihintay. Gaano kaya katagal iyong meeting nila? Sobrang importante ba?

Nagdesisyon akong tumayo muli at maglibot na lang dito sa kaniyang opisina. Una kong nilapitan ang malaking bookshelves na nakakalula sa dami ng libro. Kumuha ako ng isa na agad din namang ibinalik sa dating puwesto nang makita na parang halos puro pang-Architecture iyon.

Iyon talaga ang gusto niyang trabaho, ngunit sa kasamaang palad ay rito siya bumagsak sa pagnenegosyo. Agad akong ginapang ng konsensya nang mapagtantong dahil sa akin kung bakit hindi niya natupad ang talagang pangarap niya para sa sarili.

Kasunod kong nilapitan ay iyong malawak niyang table. Tambak doon ng mga papeles na dapat niyang pag-aralin at pirmahan pero hindi iyon ang pumukaw sa aking atensyon. . .  kundi ang dalawang magkadikit na picture frame.

One the left side was our wedding picture while on the right side was our first meeting three years ago – everything was still vivid in my mind.

Dinampot ko ang frame at pinakatitigang mabuti. Mapait akong napangiti nang sa isang iglap ay rumagasa ang alaala ng mga taong nakalipas. Let’s just say that. . .  ang pagkakaibigan namin ni Aziel ay mabilis nagsimula at mabilis ding natapos.

The first time I laid my eyes on him, he got me already. With his black hooded eye, red and wide luscious lips, pointed nose, disheveled hair, chiseled jaw, and well-toned body at the age of nineteen, I must say that he could pass the hottest male model in the world.

Ni kahit saang anggulo ko siya tingnan, napapailing na lamang ako dahil isa siya sa mga halimbawa na maswerte at ni kahit kailan ay hindi pinagkaitan ng mundo.

“This is my son, Aziel Kalen Navarro. . .” Mr. Navarro happily introduced the guy beside him. Sinenyasan ng ama ang binata na i-alok ang kamay sa amin bilang pormal na pagpapakilala.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pag-ngiti nang makita ko sa mga mata nito ang pagtutol at pagkadisgusto, ngunit sa huli ay wala na siyang nagawa at magpatianod na lamang.

Nagmano ito sa aking ama na abot langit ang ngiti sa kaniya. Kasunod niyang binalingan ng tingin ang panganay kong kapatid na babae na hindi ko mawari ang ekspresyon sa mukha.

“Nice to finally meet you, Azi. Matagal ka nang ikinu-kwento sa akin ni Tito Carl,” My sister, Chantal, gave him a heart whelming smile as they shook their hands.

“Oh, hi Chantal, you’re very pretty,” malambing na tugon naman ni Aziel na siyang dahilan upang mamula ang magkabilang pisngi ng aking kapatid.

Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang bahagyang pagpisil nito sa kamay ng lalaki bago silia tuluyang magbitiw. Sa kaloob-looban ko’y gusto kong sumimangot at mag-protesta pero hindi iyon nangyari nang sunod akong binalingan ng tingin ni Aziel.

“Hi, I’m Aziel–” He was about to extend his hands at me but my father, Ambrosio, suddenly stopped him.

“Oh, Azi. You don’t have to know her. Mas mabuti pa kung dumiretso na lang tayo sa dining area. My head chef prepared the most delicious dishes that he could offer to the both of you. . .” aniya at inakbayan ang kumpadre.

“But who is she? Ipakilala mo rin siya sa amin dahil nakakahiya naman kung–”

“Hindi na kailangan, Carl. Anak ko lang siya sa labas. Hindi siya mahalaga,” muling tugon ni Daddy at nilingon ako gamit ang mga nanlilisik na mata. “At ikaw Chandria, bumalik ka na sa kwarto mo. We don’t need you here.”

“B-But. . . Dad. . .”

“Mamaya ka na lang kumain kapag nakaalis na ang mga bisita,” dagdag pa nito sa may pinalidad na tono bago umalis kasama ang kaibigan at ang kapatid kong si Ate Chantal.

Pilit akong ngumiti kay Tito Carl nang lingunin ako nito gamit ang mapagpaumanhing mga mata. Nang mawala na sila sa aking paningin ay nilingon ko si Aziel na hindi pa rin umaalis sa kaniyang kinatatayuan. Nakapamewang ito at mataman ang mga titig na iginagawad sa akin.

I immediately felt uneasy with the way he stared so I shifted my body. Mabilis akong umiwas ng tingin at tumikhim. “A-Ano pang ginagawa mo rito? Sumunod ka na sa kanila.”

His brows furrowed, annoyed. “Inuutusan mo ba ako?”

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng matunog na pagsinghap. Inangat ko ang aking tingin sa kaniya bago sunud-sunod na ikumpas ang dalawang kamay sa kaniyang harapan. “Huy, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang sa ’kin lang ay baka nagugutom ka na dahil sa tagal ng biyahe nyo bago makarating dito–”

He roared with a loud yet sexy cackle.

Umawang ang aking labi. Nagtataka, naguguluhan at namamangha. Lahat lahat na. “M-May nakakatawa ba sa sinabi ko?” mahina at buong ingat kong tanong.

Kinagat ang pang-ibabang labi at pinunasan ang luhang namuo sa gilid ng kaniyang mga mata. Marahas siyang umiling sa akin at ipinasok ang magkabilang kamay sa bulsa ng kaniyang maong na pantalon.

He licked his lip and answered, “Hindi rin naman ako kailangan ’don.”

“Huh?”

Lumakad siya patungo sa mahabang sofa at pabagsak na umupo roon. Nakabuka pa ang dalawang hita habang ang magkabilang braso ay isinandal sa sandalan ng upuan. “Katulad mo, hindi rin ako kailangan ’don. For sure they’ll talk about business and business and business. . . and it will only bore me.”

Napangiti ako ro’n. “So, you’re not into business, too?”

“Hindi. Office work is boring,” he answered, then pointed to the sofa in front of him, gesturing to me to sit down.

Nagpatianod ako sa kaniyang gusto at nilunod ang sarili sa pakikipagbatuhan ng tanong kay Aziel. Hindi naman ako nahirapang makipagpalagayan ng loob. This guy is easy to approach and fun to be with kahit na ito pa lamang ang unang beses ko siyang nakita.

Matagal ko nang naririnig ang pangalan niya kay Daddy dahil matalik nga niyang kaibigan ang mga Navarro. Tito Carl and his family were living in the province. Habang ang pamilya naman namin ay naninirahan sa siyudad dahil narito ang kaliwa’t kanang negosyo ni Daddy na ipinamana pa sa kaniya ng mga magulang.

“Office work bores me, too. But I have no choice but to take Business Management in college,” nahihiyang kwento ko sa kaniya.

Dumiin ang malambot niyang titig sa akin, kitang-kita ko ang pagiging interesado sa kaniyang mukha kaya mas lalo lamang akong ginanahang makipag-usap.

He then asked, “Ilang taon ka na ba?”

“Seventeen,”

Namilog ang kaniyang bibig sa gulat. “Seriously?!” hindi makapaniwalang usal niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “You look prettier and more mature than those girls who are just your age.”

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi sa sobrang hiya at kilig sa papuri niya sa akin.

“In fact, no offensement to your sister, but you’re prettier than her. . .” dagdag pa nito habang mayroong nakapaskil na nakakalokong ngisi sa labi.

I awkwardly laughed as I fidget my fingers in nervousness. “S-Salamat,” ani ko kahit na hindi ko naman sigurado kung seryoso ba siya o nagbibiro lamang.

With the way he uttered those flowery words and even the way he approached women, hindi na ako magugulat pa na marami na siyang pinaiyak na babae.

Natapos ang aming pag-uusap nang sumulpot sa harapan namin ang nakasimangot na si Ate Chantal. Nang magtama ang aming paningin ay inirapan niya ’ko.

“Aziel, bakit nandito ka pa? Kanina ka pa namin hinihintay sa dining table. Halika na!” Lumapit si Ate Chantal kay Aziel upang hilahin ang palapulsuhan nito patayo sa kaniyang kinauupuan.

Napangiwi si Aziel, pilit niyang binabawi ang kaniyang braso sa aking kapatid ngunit mas lalo lamang hinigpitan ni Ate Chantal ang pagkakahawak niya sa lalaki.

“H-Hey! Kayo na lang. Hindi naman ako nagugutom at isa pa, hindi naman ako kailangan doon,” reklamo ni Aziel pero hindi siya pinakinggan ni Ate.

Sa halip ay napatayo ako sa aking kinauupuan nang balingan niya ako ng nanlilisik na tingin. “At ikaw na sampid, alam mo na ang dapat mong gawin. Bumalik ka na sa kwarto mo, hindi ka kailangan dito.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro