Chapter 55
This will be Chantria's last point of view.
**
"Mimi Ganda, what time po uuwi si Papa Pogi? Hindi pa po naka-ready mga clothes niya, eh," tanong ni Asher pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng aking kwarto.
Natigilan ako sa paglalagay ng mga damit sa maleta at nagkatinginan kami ni Aziel. Nang ibalik ko ay ang tingin sa anak namin ay nakatunganga pa rin ito at nag-aabang ng sagot namin. Sinubukan kong ibuka ang bibig para magsalita pero wala akong mahanap na tamang kataga.
Paano ko ba kasi sasabihin sa kaniya? Kapag nalaman niya, tiyak na iiyak siya nang sobra. Ayaw pa naman ni Aziel na umiiyak si Asher dahil naiiyak din siya.
"Uhm..."
"Papa, call mo na siya!"
"Anak..." I called him in a low voice as I bit my lower lip. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin na siyang ginawa naman niya.
Inalalayan siya ni Aziel na umakyat sa kama at umupo sa aking kandungan. Pansamantala muna naming binitawan ang aming ginagawa at ibinigay ang buong atensyon sa anak namin. Sasabihin namin sa kaniya ang totoo na hindi namin kasama si Elias at Nanay Vicky patungong Maynila. Hindi na baleng umiyak siya at masaktan sa katotohanan kaysa naman hayaan namin siyang maging masaya sa kasinungalingan.
Ayaw namin ni Aziel na lumaki siyang iniisip na ayos lang ang hindi pagsasabi ng totoo.
"Son... your Papa Elias is not coming with us," marahang sabi ni Aziel at inabot ang pisngi ng bata.
Kumunot ang noo ni Asher sa pagtataka. "Ano po ibig sabihin n'on, Papa?"
Sinulyapan akong muli ni Aziel bago tipid na ngumiti sa anak namin. "Si Papa Elias mo... maiiwan siya rito. Hindi natin siya kasama pagbalik ng Maynila kasi nandito ang trabaho at buhay niya."
"Eh 'di bigyan natin siya ng bagong trabaho at buhay doon, Papa!" pagmamaktol ni Asher at nagsimula na ngang manubig ang mga mata.
Umawang ang labi ni Aziel. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano pero kitang-kita ko ang pagpipigil mula sa kaniya. Bago pa siya magsalita ay naunahan ko na.
"Anak, hindi gan'on kadaling gawin ang sinasabi mo," saad ko.
At hindi na nga kami nagulat nang magsimula na siyang umiyak nang umiyak at hindi na namin siya matahan. Ginawa ko na yata lahat ng pang-uuto sa kaniya pero wala pa ring epekto. Bumuntonghininga si Aziel at kinuha sa kandungan ko si Asher upang paupuin sa kaniyang hita.
Aziel hushed our son in a gentle way. Marahan niyang pinupunasan ang mga luhang lumalandas sa pisngi ng anak namin at paulit-ulit niyang hinahalikan ang bawat sulok ng mukha ng bata. Kitang-kita ko ang buong pag-iingat sa kaniyang mga mata. Maging ang lambot ng kaniyang titig na para bang anong oras ay mababasag din siya.
"Stop crying, son," he uttered, as if he was in deep pain too. Inangat ang baba ni Asher at pilit na pinagtama ang paningin nila. "Promise sa 'yo ni Mama at Papa na babalik tayo rito kapag hindi busy. Kahit every summer, christmas or new year..."
Ngumuso si Asher at mapanuring tumitig sa ama niya, sinisiguradong totoo ang sinasabi at hindi lamang siya inuuto. "P-Promise po?"
Aziel wet his lips before nodding. "Promise, anak. And you are free to do videocall when you miss them."
"Hindi mo po ako pagbawalan, Papa? Puwede ko pa rin kausapin si Papa Elias?"
"Of course, son. Puwedeng-puwede. Bakit naman kita pagbabawalan? He's your father, too."
A tiny smile formed on Asher's lips as he hugged his father. "Tenkyu po, Papa. Ashy loves you so much."
Aziel sighed dramatically as he tightened their embrace. He kissed our son's forehead, and when our gaze met, I could see the overflowing love reflecting through his dark hooded eyes.
"I love you... immensely," he muttered back to Asher, but not leaving his stare at me. My heart thumped in joy when I felt like he also said those words to me.
Ngumiti lang ako sa kaniya at muling nagpatuloy sa ginagawa.
Kaunting tiis pa, Aziel. Marami pa tayong kailangang ayusin. I know that when the right time comes for us, everything will be worth it. At sana nandiyan ka pa rin. Sana hindi ka mapagod sa akin.
Hindi rin naman nagtagal ay natapos na ang pagdra-drama ng mag-ama. Lumapit na ulit sa akin si Aziel para tulungan ako sa pag-iimpake habang si Asher naman ay nakikigulo lang. Hinayaan lang namin siya at pa-minsan minsan ay nakikipagkulitan din sa kaniya.
"Hindi ko na dadalhin lahat ng damit, Azi. Masiyado kasing madami. Mas maganda siguro kung ipamigay ko na lang?"
Tumango siya at ngumiti. Marahan niyang hinawi ang hibla ng aking buhok na humaharang sa aking mukha. "Hmm, that's a good idea. Nasa bahay pa rin naman ang mga damit mo. Walang nabawas. Walang nabago. I can buy my baby new clothes if she wants to?" he asked me, and I was about to shake my head when Asher called our attention.
"Mimi, Papa, what's this?!" Kuryoso niyang itinaas ang isang pamilyar na box at halos sabay kaming napasinghap sa gulat ni Aziel.
The dildo we bought from Kara!
Mabilis na lumapit sa kaniya si Aziel upang agawin iyon sa kamay ng anak namin. Itinago niya iyon sa kaniyang likod habang hindi alam kung paano ipapaliwanag. Pareho kaming awang ang labi at pinagpapawisan ng malamig.
"S-Son, t-that's nothing–"
"Is that a toy, Papa?" inosenteng tanong ng bata, papalit-palit ng tingin sa aming dalawa.
"Y-Yeah! Toy 'yan! Toy namin ni Papa!" I answered exaggeratedly and faked a laugh. Pinanlakihan ko ng mga mata si Aziel at nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin. Tumawa rin siya ng peke.
Nagtataka man ay tumango sa amin si Asher, pero kapagkuwan ay muli siyang nagsalita. "Can I borrow po? Gusto ko lang po magplay."
"Anak, hindi puwede-"
"At saka bakit hindi nyo po ako sinasali kapag nagple-play kayo?!" he whined, which made us more dumbfounded.
Dumating na ang araw ng pag-alis namin. Habang nakasakay sa bangka ay tahimik lang akong nakatanaw sa islang minsa'y naging tahanan namin ni Asher. Umaasa ako na kahit isang saglit lang, kahit sa malayo ay makita ko ang kaibigan ko, pero hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo ay walang Elias na nagpakita.
Malungkot ako, pero iniisip ko na lang na hindi pa naman ito ang huli. Katulad ng sinabi ni Aziel ay babalik pa rin naman kami rito kapag may libreng oras.
Bumaba kami ng bangka nang makarating na kami sa isa pang isla na mas sentrilisado. Pumasok kami sa isang private establishment na pagmamay-ari ni Anne at sa rooftop ng gusali ay naghihintay ang helicopter ni Aziel.
"Good afternoon," pormal na bati sa amin ni Anne. Seryoso lamang ang kaniyang mukha pero lumambot ang kaniyang mga mata nang titigan niya si Asher na buhat-buhat ko.
"Good afternoon, baby." She pinched my son's fluffy cheek. Medyo may kalakasan ang kaniyang boses dahil sa ingay na rin ng helicopter. Sinikop niya ang kaniyang buhok na nililipad ng malakas na hangin.
"Ganda hapon, Tita..." Asher curtsied and giggled. Kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata ng babae pati ang pigil niyang ngiti.
Ngumiti ako sa kaniya at bahagyang yumuko bilang paggalang. "Magandang hapon..."
Nilingon ko si Aziel na tumango lang kay Anne bago ibaling ang tingin sa piloto para kausapin. May tatlong lalaking sumalubong sa amin at kung hindi ako nagkakamali ay sila ang ABC!
"Albert, Bogart at Carding," I murmured their name.
They greeted and bowed their heads in unison, and I just stared at them, amazed, since it's been a long time since I saw them.
Aziel faked a cough while staring at me. Nang maagaw niya ang atensyon ko ay ngumuso siya at pinagtaasan ako ng kilay. Binalik niya ang paningin sa tatlong lalaki na kasalukuyang kinukuha ang gamit namin upang dalhin na sa loob ng helicopter.
Aziel leaned closer to my ears and whispered, "Baby, I'll just talk to the pilot."
Tumango naman ako. Hinaplos niya ang aking likod at pinisil ang ilong ng anak naming manghang-mangha sa nakikita.
"Wow! The airplane is so big but maingay so much! Wala ba siyang silent mode, Mimi?" Umakto pa siyang nagtatakip ng tainga habang nakasimangot.
Nagkatinginan kami ni Anne at sabay na natawa. "My gosh, he's so adorable and so innocent..."
"I know right!" I laughed.
Nag-usap muna kami ni Anne tungkol sa mga bagay-bagay habang hinihintay si Aziel sa pagche-check ng lahat ng parte ng helicopter, kasama pa rin niya ang piloto. He was being meticulous again. Kung marunong lamang siyang magpalipad ay malamang siya na ang gumawa para lang masigurong ligtas kami.
"Anne, salamat."
She was playing with my son, but paused for a minute and raised her brows at me. "For what?"
"Sa lahat ng payo at mga ginawa mo sa amin noong nasa isla ako," I told her softly. "All of the people, ikaw iyong hindi ko inaasahan na makakatulong sa akin."
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang mga hindi magandang pinagsamahan at nasabi namin sa isa't isa. Matunog siyang ngumisi at umiling.
"Wala 'yon. Ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ang tama," tugon niya.
I smiled at her. "Salamat pa rin. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako mamumulat. Hindi ako magkakaroon ng tapang."
"Thank yourself, then. I only gave you advice and it is still up to you if you're gonna listen or not, and fortunately, you did."
Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Pareho lang kaming nakatitig kay Asher na tumakbo na sa kaniyang ama at tinutulungan na siyang pumasok sa loob ng helicopter. Nilingon ako ni Aziel at sinenyasan na aalis na kami kaya umayos na ako ng tindig.
"I guess everything is settled now? Mauuna na akong umalis sa inyo. I have an important meeting in a few minutes," Anne said.
She stood up straight, turned her back, and was ready to leave when I called her name again. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako nilingon.
"Anne... s-si Elias," I whispered, loud enough for her to hear.
Nanatili lamang siyang nakatayo at hindi nagsasalita. Akala ko nga ay wala na siyang balak pero nagulat ako nang sumagot siya.
"Don't worry about him. He's safe with me," she answered and left.
A faint smile escaped from my lips as a heavy part of my heart vanished because of the assurance she gave me.
"Come on, baby," Aziel softly muttered, but I could see the excitement in his eyes. "They're waiting."
"A-Aziel, kinakabahan ako."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at muling bumaling sa bintana ng kotse para pasadahan ulit ng tingin ang mansyong nasa harapan namin. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim pero maayos ko pa ring nakikita ang kabuuan ng bahay. Walang nagbago at mukhang naaalagaang mabuti. Maraming kotse ang nakaparada sa labas at ang sabi ni Aziel ay sa mga kaibigan lang namin iyon kaya hindi dapat ako mag-alala.
Exclusive lang ang araw na 'to para sa mahahalang tao sa buhay naming dalawa.
"B-Baka galit sila sa akin," I muttered nervously, which made Aziel chuckle.
I glared at him, so he stopped. His lips protruded and he forced himself to look serious. "They will be happy to see you again, Chantria. Come on, please. Stop overthinking, hm?"
"Mimi, Papa, hindi pa po ba tayo bababa ng car?"
Sabay naming nilingon si Asher na hindi na mapakali sa kaniyang upuan at kanina pa hindi makapaniwala na ganito kalaking bahay ang naghihintay sa kaniya.
"Papa, sure ka po na house natin 'to? Hindi tayo caretaker?" tanong pa niyang muli.
Umawang ang labi ni Aziel at pareho kaming natawa nang malakas.
Nang nagkaroon na ako ng sapat na tapang ay bumaba na kami ng sasakyan. Mabilis naman na naalerto ang ABC at kinuha ang mga gamit namin sa compartment. Mula rito sa labas ay dinig na dinig namin ang malakas na tugtugan mula sa loob ng mansion kaya mas lalong dumoble ang kaba sa loob ng aking dibdib.
Si Aziel na ang nagbuhat kay Asher dahil alam niyang wala ako sa sarili sa mga oras na ito. Makikita ko na ulit sila. Si Mommy Calliana, Ate Chantal, Louie, Leigh, Dewei, Manang Yeta at maging ang mga magulang ni Aziel. May kaunting kirot sa puso ko nang maalala ko ang kapatid ni Aziel na matalik ko ring kaibigan.
I wish you were here, Aia. I hope you'll get the justice you deserve as soon as possible.
May tatlong katulong na sumalubong sa amin at nagulat pa nga nang makita ako. Literal silang hindi nakagalaw sa kinatatayuan at muntik pang hindi kaagad makabalik sa katinuan kung hindi lang sumigaw si Aziel.
"S-Sir, Ma'am..." sabay-sabay nilang pagbati at yumuko pa.
Gustuhin ko mang ngumiti ay hindi ko magawa dahil habang pumipitik ang segundo ay mas lalo kong nararamdaman ang matinding kaba. Nag-angat ako ng tingin kay Aziel nang hawakan niya nang mahigpit ang aking kamay.
He nodded his head at me as he flashed a grin on his face, reassuring me that I had nothing to worry about.
Naputol ang titigan naming dalawa nang bumukas na ang double doors at ang kauna-unahang sumalubong ay si Louie. He was holding a glass of wine in his right hand.
"Bro, ang tagal mo! Kanina pa—Chantria?!" His eyes widened in shock as he froze.
I was about to greet him when suddenly I heard familiar voices. Maingay silang lahat nang salubungin nila si Aziel, pero namutawi ang katahimikan nang makita kung sino ang kasama niya.
Everyone was flabbergasted when their eyes darted at me. Lahat sila ay awang ang labing nakatingin sa akin at anak kong tahimik lang din na nakamasid sa kanila, mukhang nahihiya at naninibago.
"C-Chantria..." It was Mommy Calliana who broke the deafening silence. "C-Chantria, anak ko, ikaw ba 'yan? Totoo ba 'tong nakikita ko?" hindi makapaniwalang bulong niya at nagsimula nang manubig ang mga mata.
"Nananaginip na naman ba ako? Tangina..." Ate Chantal uttered and laughed sarcastically. Sinampal-sampal pa niya ang kaniyang sarili.
Lumandas ang luha sa aking pisngi at marahas na umiling sa kanila. "M-Mommy, A-Ate..." Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang lahat. "This is me. I came back... with my son," mabagal na saad ko sa gitna ng bawat hikbi.
Dinig na dinig ko ang pagsinghap nila. Si Manang Yeta ay humahagulhol pa kaya agad siyang inalalayan ni Louie. Si Mommy Mel naman ay nakayuko lang habang umiiyak din. Buong akala ko'y makakatanggap ako ng masasakit na salita o hindi na nila ako tatanggapin, ngunit nagulat ako nang tumawa si Aziel.
"Hindi nyo ba namiss ang baby ko? Ayaw nyong i-hug?" mapaglarong tanong niya at akmang lilingunin ko siya nang sabay-sabay nila akong dambahan ng yakap.
"Chantria!" they all shouted in glee, and despite my unshed tears, I hugged them back.
That night was full of bliss. I've never felt so alive and complete again. Everleigh didn't come, as expected. I messaged her na nakabalik na ako sa mansion at nangako naman siyang bibisitahin ako sa susunod na araw kapag hindi na siya busy.
Noong ipakilala ko silang lahat kay Asher ay halos hindi na nila tinantanan pa ang anak kong bidang-bida rin sa usapan. Nagpapasalamat din ako dahil hindi nila ako pinilit na magkwento at nakuntento lamang sila kung anong kaya kong ibahagi sa kanila.
Pagkatapos ng salu-salo ay nagpasya na ring magpaalam si Dewei dahil may kailangan pa raw siyang gawin at maaga pa ang biyahe niya pabalik ng Quezon. Hinatid namin siya ni Aziel at Louie sa kaniyang kotse at naiwan naman sa loob si Ate Chantal, Mommy Calliana,
"If I have free time, I'll visit you again here," sambit niya sa akin.
"Sus kilala kita, Dewei! Sinasabi mo lang 'yan para makalimutan namin 'yong sampung libong pangako ni Allan Cayetano!" sabat naman ni Louie kaya agad siyang binatukan ni Aziel.
"Sa iyo pa talaga nanggaling 'yan, huh? Sino ba rito 'yong nakita kong nakapila sa pinapamigay na limang libong pinapamigay ng mga kandidato?" bawi naman ni Dewei.
Louie scoffed. "Oh, bakit? Biyaya 'yon, ah! Di ko naman sila iboboto!"
"Kung makaasta ka naman diyan parang gipit na gipit ka, ah! Kulang pa ba pinapasweldo ko sa 'yo?" Aziel asked.
"Oo, kulang na kulang talaga. Miss na miss na kita. Ouch, balik ka na—aray! Nagbibiro lang, eh!" nakasimangot na reklamo niya nang bigyan siya ulit ng tig-isang batok ni Aziel at Dewei.
"Hoy, Louie! Akala mo ba nakalimutan ko 'yong mga katarantaduhan na itinuro mo sa akin noong nakakaraan, huh?" Sinapak siyang muli ni Aziel at kumunot naman ang noo ng lalaki. Nagmamaang-maangan pa.
"What's that?" natatawang tanong ni Dewei.
Aziel glared at Louie first. Umiwas naman ng tingin ang huli at pasipol-sipol pa.
"That fucker taught me some millennial words. I thought it was cool and it will make my Chantria impressed... but it turned out wrong! She was fucking turned off at me!"
Natawa ako r'on at napailing. Naalala ko 'yon. That 'fr fr ngl idk idc'.
Nanlaki ang butas ng ilong ni Louie at dinuro ang kaibigan. "H-hoy, hindi totoo 'yan. Huwag mo akong mapagbintang-bintangan diyan. Never akong naging tarantado sa buong buhay ko. H'wag nyo akong igaya sa inyo," makahulugang aniya, dahilan para mawala ang ngisi ng dalawa.
Aziel shrugged his shoulders and raised his hands as if he was surrendering. "Ay sorry, I'm a changed man now. Ewan ko lang sa isa riyan." He glanced at Dewei.
"Oh? Bakit naman sa akin napunta ang usapan?" Sumimangot ang lalaki at ngumiwi. "Uuwi na nga ako."
"Ayan, duwag ka na naman. Lagi kang si-walkout kapag nasa iyo na ang usapan. Mamaga sana 'yang bayag mong hayop ka!" Louie hissed as we followed Dewei walked towards his car.
"I wanna leigh you down on a bed of roses..." pagkanta ni Louie and I stopped myself from laughing hard.
I saw Dewei freeze for a while and give Louie a deadly stare.
"Kumakanta lang pre," ani Louie and continued humming the song.
"Just gonna stand there and hear me cry? Well, that's alright because I love the way you leigh... love the way you leigh..." pagkanta rin ni Aziel kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Dewei.
Padabog niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kotse pero bago pa siya tuluyang pumasok ay pinarinig ko muna sa kaniya ang entry ko.
"Chantal ka na naman. Tinutukso-tukso ang aking puso..." I sang.
I saw Aziel let out a dreamy sigh as his lips formed into a proud smile. Maging si Louie ay ngumisi rin sa akin at kumindat.
"Ilang ulit na bang iniiwasan ka, di na natuto..." sabay-sabay na pagkanta naming tatlo.
Binaba ni Dewei ang bintana ng kaniyang kotse at gigil na ipinakita ang middle finger. "Tantanan nyo 'ko. Mga tarantado! Kumati at mamantal sana mga itlog nyo!" sigaw niya sa amin bago pinaharurot palayo ang kaniyang sasakyan.
Tawang-tawa pa rin kami hanggang sa makabalik sa loob ng mansion. Naabutan namin si Ate Chantal na nakikipaglaro kay Ashy sa living room at ang matatanda naman ay naghahanda na sa pag-alis.
"It's getting late. Bakit hindi na lang po kayo rito magpalipas ng gabi?" mahinahong tanong ko kay Mommy Calliana at Mommy Mel.
Sumang-ayon naman si Manang Yeta. "Tama si Chantria. Ihahanda ko ang tutulugan ninyo kung gusto ninyo..."
Agad na umiling si Mommy Mel. "As much as I want to, I can't. Alam nyo naman ang sitwasyon ngayon ng Daddy Carl nyo, 'di ba? He's bed ridden now. Hindi puwedeng walang magbabantay sa kaniya."
Bumuntonghininga ako at tumango. "I understand po," tugon ko at bahagyang umiwas ng tingin.
Sa totoo lang ay hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam kung paano siya pakikitunguhan lalo na't nalaman ko kay Aziel na ang mga magulang pala niya ang nagpakana ng pekeng kasal.
My daddy didn't even know that. Maging si Aziel o sino man sa paligid namin ay walang nakakaalam. Silang mag-asawa lang.
"Ikaw, Mommy? Ate Chantal?" Binaling ko ang tingin sa kanila.
Mabilis na umiling ang dalawa. "I have an important meeting tomorrow sa Cebu. Maaga akong aalis. Siguro pagbalik ko na lang? Dito kaagad ako didiretso. We'll get our girls bonding and such, huh?" Ate Chantal touched my cheeks, so I nodded my head.
"Oh, I understand, Ate..."
"Hindi ko naman kasi alam na uuwi ka. Ang sabi lang ni Aziel ay simple dinner lang. If I only knew, eh 'di sana kinancel ko ang mga appointment ko for one month!" She glared at Aziel.
Aziel sighed. "Sorry..."
"Ayan, bida-bida ka kasi!" panggagatong pa ni Louie at agad naman siyang sinaway ni Manang Yeta. Piningot siya sa tainga at hila-hila palayo sa amin. para pagsabihan.
"Babalik ako rito bukas for lunch, anak. Need ko lang munang bumisita bukas ng umaga sa dermatologist ko," maarteng wika naman ni Mommy Calliana at wala naman na akong nagawa.
"Ako! Dito ako matutulog!" Louie shouted and raised his hands.
"Walang nagtatanong." Sinimangutan siya ni Aziel.
"Eh 'di wala. Umitim sana bayag mo," ganti naman ni Louie at agad ko namang tinakpan ang tainga ng anak ko.
"Tumigil na nga kayong mga itlog! May bata rito, oh!" singhal ko sa kanila, dahilan para magtawanan sina Mommy Calliana.
Palihim na lamang akong napailing. Kung kailan tumatanda, mas lalo talaga silang kumukulit at nagiging pasaway.
Nonetheless, we ended the night with a smile on our faces. Sa masters bedroom kami lahat natulog. Napaggigitnaan naming dalawa si Asher. Malikot kaming dalawa matulog kaya minsan ay hindi namin namamalayan na nahulog na pala si Aziel sa kama. Gan'on ang naging setup sa paglipas pa ng mga araw at buwan.
Mahirap mag-adjust sa simula lalo na para kay Asher, pero nakikita kong masaya at nag-eenjoy naman siya sa bagong buhay niya rito sa Maynila. Si Aziel naman ay bumalik na sa pagtra-trabaho at mas pursigido pa nga sa pagkakataong ito. Kahit madalas siyang abala ay hindi naman niya kami pinapabayaan. Napapansin ko lahat ng effort na ginagawa niya para mas lalo pang makabawi sa amin ni Asher.
Bago pumasok sa trabaho ay mayroon nang nakahandang breakfast para sa amin. Nakahanda na rin ang tubig sa bathtub na pampaligo namin ni Asher. Hindi rin siya nakakalimot na tumawag para kumustahin kami o di kaya'y mag-update kung anong ginagawa niya, sinong kasama niya, o kung anong oras siya uuwi.
Sinisiguro niyang sapat na oras ang ibinibigay niya sa anak namin at maging na rin sa akin. Hindi naman ako naghahangad ng kahit ano sa kaniya lalo na't alam naman namin pareho kung ano ang estado ng relasyon naming dalawa. Kahit minsan, ipinagtatabuyan ko siya o hindi ko ipinapahalata sa kaniya ang nararamdaman ko, nandiyan pa rin siya. Hindi napapagod. Hindi nagsasawa.
I know for some it was just a bare minimum... totoo naman. Pero para sa akin ay malaking bagay iyon. Lahat ng ginagawa ni Aziel ay malaking bagay para sa akin. Natuto siyang makinig, umunawa nang mas malalim, at mas naging bukas ang puso't isip niya sa pagbabago.
At gan'on din naman ang ginagawa ko.
I was back from my reverie when I felt something soft touch my exposed shoulders. Mula sa wine na hawak ko ay nagbaba ako ng tingin sa aking magkabilang balikat at nakita ko ang jacket na ipinatong ni Aziel mula sa aking likuran. He covered up my white satin nightdress.
"It's late now. Why are you still here on the veranda?" he asked me in his husky voice.
He was still wearing his corporate suite. It's just that wala na ang kaniyang coat at ang puting longsleeves na lang ang natitira. Bukas ang tatlong butones niyon kaya lantad ang kaniyang matipunong dibdib. Nakarolyo rin hanggang siko ang manggas. Halos mapamura ako sa isipan kung gaano pa rin siya kagwapo kahit na magulo ang kaniyang buhok at namumungay na ang mga mata sa pagod.
I glanced at my wristwatch. Mag-aalas dose na ng gabi.
"Why are you still here? Did something happen while I'm gone?" nag-aalala niyang tanong kaya naman hinarap ko na siya nang tuluyan.
"What? Wala naman... I was just thinking of something." I gave him a reassuring smile, but he didn't buy it kaya tumawa ako. "Come on, Azi, wala nga. Kanina ka pa ba nakauwi?"
Sumandal ako sa terrace habang hawak pa rin ang baso ng wine. Medyo nagulat pa ako sa lapit ng mukha naming dalawa. Halos manuyo ang aking lalamunan nang pasadahan niya ng buong intensidad na tingin ang kabuuan ng aking mukha. I could see the adoration in his eyes, as if I was the most amazing and most unique painting he had ever seen in his whole existence.
It made my heart extremely flattered.
He took a deep breath before he pursed his lips. "See? Ni hindi mo nga alam na dumating na ako at kanina pa kita tinatawag. Come on, Chantria, you can tell me. Is there something bothering you, baby? Hmm?"
Bumuntonghininga ako hudyat ng pagsuko. Fine, mukha namang wala rin akong takas sa isang 'to.
I looked at him straight in his eyes. "I-I was just thinking if I should start working again?" Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi.
Akmang iiwas ako ng tingin pero mabilis niyang nahuli ang aking baba upang ibalik ang aking mga mata sa kaniya.
"And?" he urged me to continue working
"Wala naman. I just realized that I'm going to be thirty, but I still have no achievements on my own," I told him that making his forehead creased.
"What do you mean? Can you elaborate more, love?" he asked softly.
Muli akong bumuntonghininga at nagsimula nang nagpaliwanag sa kaniya. "It's just that... everyone's around me are already successful. Ikaw, si Ate, si Louie, si Dewei o maging si Leigh, lahat kayo ay mayroon nang pinagkakaabalahan sa buhay. Lahat kayo may sari-sariling negosyo at pinagkakakitaan... pero ako, heto, nasa bahay lang. Wala pang maipagmamalaki."
"I have nothing against if you decide to work again. Wala akong karapatan na pagbawalan ka riyan at ikaw lang ang puwedeng magdesisyon sa buhay mo, Chan. Now, what's stopping you from doing those things?"
I swallowed hard and bit my lip. "Naiisip ko kung... kung sinong mag-aalaga at magbabantay sa anak natin? Kung pareho tayong magtra-trabaho, baka mawalan tayo ng oras sa kaniya at natatakot ako, Azi. I don't want to be a failed mother. I'd rather give up my own dreams—
"Ssshh, don't say that." Aziel cut me off and shook his head. "You can still be the best mother without sacrificing your dreams, Chantria. You have me... we will compromise. We won't fail our son."
He brushed my hair up using his fingers. "But I want you to take everything slowly, Chantria. Hindi mo kailangang mapressure sa mga tao sa paligid mo. Bawat isa'y may kaniya-kaniyang kahulugan sa salitang pagiging successful and we all have a different timeline in life. It doesn't mean na marami nang na-achieve ang mga tao sa paligid mo ay nahuhuli ka na. Hindi ito karera. Hindi mo kailangan makipagpaunahan..." paliwanag niya at taimtim lamang akong nakinig.
"Some people became successful at a very young age, but died or retired early. Some people became successful in their late 40s and continue to discover other amazing opportunities. Some are still working hard, striving every day, and taking things step by step. You see, it is not about the age. It will always be the willingness to chase your dreams no matter how hard or how long the process it would be. You just have to be patient..."
Marami pa siyang pangaral pero ang pinakatumatak na sinabi niya sa akin ay mga katagang, "You should not just dream about your success, Chantria. You should work hard for it."
I was kinda pressured, that's true, pero dahil sa mga sinabi ni Aziel ay mas naliwanagan ako. Tinanong din niya kung anong plano ko at walang pagdadalawang-isip ko iyong sinabi sa kaniya.
When I said I wanted to establish my own name in the business industry, he was very happy and proud of me. Noong sinabi kong huwag sana niya akong tulungan dahil gusto kong tumayo at makilala sa sarili kong mga paa, hindi naman siya tumutol. In fact, sang-ayon siya roon. Hahayaan niya ako at hindi papakialaman, pero iga-guide pa rin niya ako kung may tama o mali sa ginagawa ko. He would just give suggestion, advice or strategy... and that's it. Hanggang doon lang at hindi siya manghihimasok.
Nabanggit din niya sa akin na balak niyang bumalik sa pag-aaral and this time, he would pursue his first love which is Architecture.
Hindi pa rin namin pinag-usapan kung anong estado ng relasyon naming dalawa pero nakakataba ng puso dahil ipinapakilala niya ako sa iba bilang kaniyang asawa. Nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako pinipilit. Hindi niya ako kinukulit tungkol sa bagay na iyon.
Nanatili kami sa bawat tabi ng isa't isa. Ginawa namin ang parte namin bilang magulang ni Asher at siniguro naming hindi kami magkukulang sa kaniya. Ginawa namin iyon habang sabay naming inaabot ang pangarap naming dalawa.
Hindi madali, pero kinaya. Mabagal ang proseso, pero umuusad. Nakakapagod, pero masaya. Iyon naman ang mahalaga, 'di ba?
I came from a point in my life where I was already asking myself, why am I still here? Why am I still existing though I can't see the purpose of living anymore? Why am I still breathing even if the air feels suffocating? Why am I still fighting when most people didn't fight or have already given up on me?
Isn't it unfair on my part?
Ako na lang palagi ang naghahangad ng pagmamahal mula sa iba. Ako na lang palagi ang lumalaban at nagpapahalaga. Ako na lang palagi ang kailangang magmakaawa na huwag silang mawala... pero ni minsan sa buong buhay ko'y wala akong narinig na pasasalamat na dumating ako sa buhay nila.
Hindi ako perpekto. Aaminin ko, marami rin akong kamaliang nagawa. Nasaktan ako at may nasaktan din ako. Nagdusa ako at may nagdusa rin dahil sa maling desisyon ko.
Hindi naging maganda ang simula ng pagsasama namin ni Aziel. Malalim ang sugat na iniwan namin sa isa't isa. Mga salitang hindi maganda at mga pangyayaring hindi kaaya-aya. Mga alaalang kung puwede lang ay ayaw ko nang balikan pa.
Hindi ko pinilit ang sariling kalimutan ang lahat ng iyon. Hindi ko pinilit ang sariling balikan si Aziel dahil lang sa mahal ko siya at gusto kong maging maayos ulit kaming dalawa. Bagkus ang lahat ng iyon ay ipinaubaya ko na sa tamang panahon at sa Kaniya.
Another two years have passed in our lives and I can finally say that I am finally healed. As I looked back on the past, I realized how traumas and pains encouraged me to become something I didn't expect I would be.
Pareho kaming nagkamali ni Aziel. Hindi naging maayos ang simula at daloy ng pagsasama naming dalawa. Hindi rin naging madali ang mga dagok at pagsubok na ibinato sa amin ng tadhana. Pero sabay kaming nagsisi, natuto, bumangon, at nagsimula muli sa mas tamang paraan. Sa matatag na samahan. Sa mas malalim na pagmamahalan.
Ilang beses kaming nagkahiwalay pero kagaya ng isang alon na kahit anong pag-alis, sa huli ay babalik at babalik pa rin kami sa isa't isa. Kagaya ng paglubog ng araw na hindi lamang nangunguhulugan ng pagtatapos kundi pati na rin ng bagong simula. At tila sa malalim na pagkakalunod sa sakit, pait, at pagkadismaya, ngayon ako'y nakaahon na. Hindi ko rin alam kung paano ko nakaya, ngunit ipinagmamalaki kong ngayo'y nasa pampang na at maayos nang nakakahinga.
"Cheers for your another successful business!" masayang sigaw ni Ate Chantal at agad pinagbangga namin ang aming mga baso.
Nakangisi akong tumungga sa wine habang sumasayaw sa saliw ng nakakaindak na musika.
"Congrats, Chantria! Grabe ha?! Ang bigatin mo na talaga! Hindi na kita mareach!" Leigh cheered and so I laughed.
"Ano ka ba? Ako pa rin 'to, oh!" I said.
She was about to answer when the two eggs approached me – Jiel Louie and Dewei – and she immediately excused herself. Nilapitan niya si Anne at Kara na nasa kabilang table lang.
"Congrats, Tria! Magbago ka na and stay what you are!" parang tangang sabi sa akin ni Louie at pabiro ko siyang inirapan.
"Branch opening 'to. Hindi ko birthday."
Louie raised his both arms as if he was surrendering. "Sorry, bobo lang."
Dewei smacked his nape, chuckling. "Buti alam mo."
"Ay wow! Nagsalita ang matalino pero bobo naman sa pag-ibig."
Umingos si Dewei at sumimangot. "Bakit ba ako na lang palagi ang tinitira mong gago ka?"
Eksaheradang suminghap si Louie at inilagay ang palad sa tapat ng kaniyang dibdib. "Ay, dodong, ba't naman kita titirahin? Hindi tayo talo..."
At doon na nga nagsimula ang rambulan ng dalawa. Naiiling na lamang ako habang natatawa. Iniwan ko na sila roon at lumapit sa iba pang bisita.
Ngayon ang soft opening ng pangalawang branch ng aking resto. I named it The Flavors of Home since I wanted to give the customers something that would feel like home. From the exterior and interior design, the furniture and fixtures, and even its ambiance. Bukod dito ay sa akin na rin ibinigay ni Ate Chantal ang pangangalaga sa BTB sa Bohol dahil mas pinili niyang magfocus sa fashion designing and modeling.
"Sige, enjoy kayo, huh? Marami pang foods doon, puwede kayong bumalik anytime. Sulitin nyo na kasi bukas may bayad na 'yan..." pagbibiro ko sa mga bisita at nagtawanan naman sila.
"Ay, Chantria! Tingnan mo, oh! Si Dewei may dalang mga plastic, balak pa yatang magbalot pauwi–"
"Hoy, siraulo ka! Hindi sa akin 'yan!" Mabilis na pagtanggi naman ng lalaki at ibinalik ang plastic kay Louie.
Sinakyan ko lang ang trip nila. "Okay lang, Dewei. Kuha ka lang 'don."
"Ako rin, Tria, ah? Para sa mga pusa ko," ngising sabat naman ni Louie.
"Wala ka namang pusa!"
"Ssshh! Tangina mo, panira ka ng diskarte!"
I shook my head again and looked around. Kanina pa mayroong hinahanap ang mga mata ko. Bigla na lang kasing nawala si Aziel at Asher at hanggang ngayon at hindi pa rin sila bumabalik. Madilim na sa labas at hindi ko maiwasang mag-alala.
"Baka nandiyan lang 'yon sa labas," kibit balikat na tugon sa akin ni Ate Chantal nang tanungin ko siya.
"Puntahan mo r'on sa katapat na convience store. Doon ko sila nakita kanina... basta nariyan lang 'yon sa tabi-tabi," turo naman ni Mommy Calliana na sinegundahan ni Mommy Mel.
"Samahan kita?" alok ni Leigh at hindi na ako tumanggi.
Sa lahat ng naririto ay siya lang ang bukod tanging nakaagapay sa akin. Ang halos lahat ng mga kaibigan namin ay abala at tila walang pakialam kung saang lupalop sumuot ang mag-ama ko.
I was biting my lips nervously as we went to the convenience store. Palinga-linga pa ako sa paligid sa pagbabaka-sakaling mahagip sila ng paningin pero wala. Nang pumasok kami sa loob ay wala rin ni isang taong naroon, bukod sa cashier na abala sa pag-aayos ng paninda.
"Uhm... try natin sa iba? Magtanong tayo?" Leigh suggested, and I absentmindedly nodded my head. "Natawagan mo na ba?"
"Hindi sinasagot, eh." Bumuntonghininga ako.
Kung saan-saan na kami pumunta pero wala ni isang anino ni Aziel o Asher kaming nakita. Kapag nahanap ko talaga kayong dalawa, makikita nyo ang hinahanap nyo!
Sa kabilang banda ay naging abala naman si Leigh sa pagtitipa sa kaniyang cellphone at tila ba naging balisa na rin.
"You okay?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
Mukhang nagulat pa siya roon pero kalauna'y tumango sa akin. "O-Oo... uhm, what if bumalik na lang tayo sa resto? M-Medyo masakit na rin kasi ang paa ko."
Suddenly, I felt bad for her. "S-Sige, pasensiya na."
She gave me a faint smile. "Okay lang 'yan, ano ka ba? Hindi mo naman kasalanan na may surprise sa 'yo ang mag-ama mo at may balak na magpropose ulit sa 'yo si—ohmygosh!" Nanlalaki ang mga mata niyang napatakip sa kaniyang bibig.
Natigilan naman ako sa paglalakad at nagtatakang bumaling sa kaniya. "What did you say?"
She froze, as if she had been caught off guard. "W-Wala. Wala 'yon." Sunod-sunod siyang umiling pero hindi makatingin nang tuwid sa akin. Idagdag pa na halatang-halata ko ang pamumula ng kaniyang buong mukha at ang panginginig sa kaniyang boses.
Naningkit ang aking mga mata kaya mas lalo kong nabakas ang pagkataranta sa kaniya. Kung kinakailangang tumakbo palayo, malamang ay ginawa na niya.
"Everleigh..." I called her using my warning tone.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at kinagat ang pang-ibabang labi. "S-Sorry, nadulas ako. Y-you heard it right."
I gasped and my knees started to tremble when her words hit me. Magpro-propose sa akin si Aziel?! Ang bilis! Hindi pa naman kami nagkakabalikan, ah!
Pinagsalikop ni Leigh ang kaniyang mga kamay at halos lumuhod na sa aking harapan. "Please... please... don't tell them na nasabi ko. K-Kung puwede ay magpanggap ka na lang na kunwari nagulat ka gan'on. Malalagot ako sa asawa mo."
I chuckled and wet my lower lips. "I got you, Leigh. Buti sinabi mo rin kaagad kasi ayaw ko namang humarap sa mga tao na haggard ako. May dala ka bang makeup kit diyan?"
Tumango siya at ngumisi. "Nandito sa shoulder bag. Tara rito, ayusan muna kita."
"Iyong mild lang ha? Baka isipin ni Aziel pinaghandaan ko."
Iyon nga nangyari. Mukha kaming tangang nagreretouch sa gilid ng kalsada pero wala naman akong pakialam. Mas nangingibabaw ang saya at kaba sa dibdib ko. Dalawang taon na rin naman ang nakakalipas at sa tingin ko naman ay handa na ulit ako.
Nitong mga nagdaang taon ay hindi rin naman nagkulang si Aziel na iparamdam ang kaniyang sarili sa akin at sa anak namin. Kung anong sinasabi niya ay siyang ginagawa niya.
He knew how to balance his words and actions. He respected the boundaries I provided between us. In short, he became the man I deserve.
Bumalik kami ni Leigh sa resto na parang wala akong alam. Nasa labas ng resto ang lahat ng mga bisita at kunwari ay aligaga na animo'y may kung anong nangyayari mula sa loob. Madilim ang buong resto at walang maaninag na kung ano sa loob.
"Chantria, buti naman bumalik ka na!" sambit ni Kara na bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Wow, best actress ang loka! Naramdaman ko ang pasimpleng kurot ni Leigh sa aking tagiliran.
"B-Bakit? Anong nangyari? Bakit nandito kayong lahat sa labas? A-At saka, bakit patay ang ilaw sa loob?"
"Pumutok 'yong chandelier,"
"Nagsuntukan si Aziel at Asher,"
Kumunot ang noo ko sa magkaibang paliwanag ni Dewei at Louie. Kahit kailan talaga 'tong dalawang 'to. Wala ba silang groupchat?
Nagkatinginan sila nang masama at pinigilan ko naman ang sariling matawa.
"Maybe you wanna check it. See it for yourself." Mommy Calliana uttered.
Tumango ako at nagpanggap na naguguluhan pa rin sa nangyayari. Unti-unti akong lumapit sa glass door para buksan iyon at kahit alam ko naman na ay hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Halos manlamig ang buong katawan ko nang paghakbang ko sa loob ay awtomatikong bumukas ang ilaw...
At halos bumunghalit ako ng tawa nang makita ang itsura ng mag-ama.
"Anong pakulo 'to? Ba't ganiyan ang itsura ninyo?" natatawang tanong ko.
"Just watch, Mimi!" Asher shouted and gave me a thumbs up.
For heaven's sake, they were both wearing a jeje outfit, pati na rin si Elias na nasa likod, nakasimangot at mukhang napipilitan lang sa ginagawa. Nagulat pa ako nang mula sa labas ay pumasok sina Dewei at Louie at sumama rin kung nasaan sina Aziel. Ngayon ay nakapyramid na ang formation nila. Magkasalikop ang kamay sa harapan at nakayuko ang ulo.
"Music please!" Aziel snapped his finger and the music immediately played.
"Sayo ang pag-ibig na 'di mababali
Kailan man ay 'di ko kayang sabihin
Ayoko sayo itaga sa bato
Ang pangako sayo ay hindi magbabago..."
Hindi ko na mapigilan pa ang tawa ko nang magsimula nang kumanta si Aziel at gumalaw na rin ang mga backup dancer niya na sina Elias.
"Tara sama ka, ililibot kita sa palasyo ng pusong ikaw ang prinsesa
Ako ang alipin handang sundin ang lahat ng 'yong utos kahit na mahirap.
Nasan ka na ba mahal ko?
Namimiss kita pag di ka nakikita
Ano ang dapat kong gawin
Para lang malaman mong ikaw ang mahal..."
Even though the song choice was very... well, I couldn't say that it was jeje but nostalgic. Nangingibabaw din ang boses ni Asher kahit na mali-mali ang lyrics at steps niya. Sa buong performance nila ay nakangiti lang ako at pinipigilang mangilid ang luha.
Hindi ko maimagine na ang isang prehistiyoso at nirerespetong CEO ay nagpapakacorny at nagmumukhang tanga rito sa harapan ko. Nandamay pa ng anak, assistant, politiko at nurse.
"Chantria.." he called my attention.
My gaze went up to him. Ngayon ko lang napansin na wala na ang mga itlog sa likuran niya. Tanging siya at ang kinikilig na si Asher na lamang ang natitira sa gitna. Ewan ko ba pero noong nagsimula na siyang humakbang papalapit sa akin ay pakiramdam ko'y tumigil ang pag-ikot ng aking mundo kasabay ng pagkalaho ng ingay sa paligid ko.
Sa mga sandaling ito ay wala akong ibang maisip kundi kaming dalawa lang. Na sa amin ang oras na ito. Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay ngumiti siya. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya sa kabila ng pangingilid ng luha.
"Advance mo naman, Auntie. Wala pa nga," he joked.
Natawa ako at hinampas siya sa balikat. "Ano ba? Parang tanga..."
"Biro lang." He chuckled. Marahan niyang hinawakan ang kamay kong pinanghampas sa kaniya.
Hinaplos niya iyon nang buong ingat bago hawakan ang baba ko para magtama ang paningin naming dalawa.
"Baby, look at me..."
I obliged without hesitation.
"I-I just want to take this opportunity to say sorry."
"Sorry saan?" bulong ko dahil nagbabara na ang aking lalamunan.
"Sorry if I failed my promise to you. Ang sabi ko sa 'yo noon proprotektahan kita pero hindi ko ginawa. Sa halip ay sinaktan din kita. I did bad things to you, Chantria. I said a lot of unforgiveable words. I made you question your worth or if somehow you felt like I objectified you... at hindi ako naging mabuting asawa sa 'yo. Paulit-ulit kitang ginago sa kabila ng pagmamahal at pag-aarugang binigay mo."
"A-Aziel..."
"And it haunted me every night, baby. Sa tuwing nasasaktan kita, parang gusto ko ring saktan ang sarili ko. Sa tuwing umiiyak ka, naninikip ang puso ko. At sa tuwing naiisip mong mayroon akong iba, gustong-gusto kong ipagsigawan na simula noong ikasal tayo, hindi ako naging interesado sa kahit sinong babae sa paligid ko..."
"I know my fault and I won't try to justify it, Chantria. My reasons will never be valid for hurting you... my wife."
"But I-I am not your wife. You know that," I whispered between my sobs.
"You are my wife. My heart has been tied to you eversince," he told me. "Now that I'm standing in front of you, I want to take another shot of us again, Chantria. I can't guarantee that our relationship will always be smooth and calm. For sure it will be shaky and rigid sometimes, but rest assured that no matter what happens, I'll forever hold your hand. I could watch you for a single minute and find thousands of things that I love from you..."
"You motivate me to be better, to be more of me, to not feel worried about small things, and to experience life to its fullest. I have become the best version of myself because of you. I have become a bigger person because of you, and I have become a great father because you guide me through..."
"And so I promise to always compromise and communicate with you. I want to experience new and exciting things together. Remember 'yong sex toy na binili natin kay Kara hindi pa natin nagagamit?"
We both laughed despite the tears.
"Kidding... but yeah, I promise to inspire you the way you have always inspired me, to lift you up when you fall, to kiss your cheeks when they are stained with tears of hardship and even happiness..." He kneeled in front of me as he opened the small box of the most expensive ring in the world, the pink diamond ring.
I felt like I was struggling for some air for a moment, and I couldn't move my body.
"Chantria, please let me do the immense honor of becoming my wife..."
Matagal akong tumitig sa kaniya habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha sa mata. Kitang-kita sa kaniyang mukha kung gaano siya kakabado dahil nanginginig din ang kaniyang kamay. Sunod na dumako ang aking paningin sa anak naming nasa kandungan ni Elias at masayang pinapanood kami.
Lahat ng mahahalagang parte ng buhay namin ay narito pero hindi ako nakakaramdam ng kahit anong pressure at alam ko rin namang kung anong maging desisyon ko ay magaan nilang tatanggapin iyon.
Muli akong nagbaba ng tingin kay Aziel at mapait siyang nginitian. "P-Paano kung ayaw ko pa rin?"
Dumaan ang kirot sa kaniyang mga mata pero agad din iyong napalitan ng pagpupursigi. "I'll try again. I'll prove myself again. I won't get tired. Kahit paulit-ulit pa..."
I can see the conviction in his voice, but I still did my best to hide my smile. I extended my hand to him.
"Sige na, isuot mo na. Baka magbago pa ang isip ko," I gently said.
Umawang ang kaniyang labi kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Nanginginig at nanlalamig ang kaniyang kamay nang isuot ang singsing sa aking daliri, kinailangan ko pa siyang gabayan. Matapos n'on ay agad siyang tumayo at agad akong hinapit para sa isang yakap na napakahigpit.
People cheered and rejoice. Nakita ko pa si Ate Chantal na pasimpleng nagpupunas ng kaniyang luha at si Mommy Calliana na humahagulhol ng iyak sa balikat ni Dewei. Siningahan pa niya ang tshirt ng lalaki.
I hugged Aziel tighter when I heard his soft sobs. Nakabaon ang kaniyang mukha sa aking leeg at doon siya umiyak nang umiyak. Lumapit din sa amin si Asher upang yumakap din.
"Ano pang hinihintay nyo? Tara na sa simbahan! Kasalan na!" sigaw ni Louie at nagsipagsunuran naman ang lahat ng mga bisita.
Nagmamadali silang sumakay sa kaniya-kaniyang sasakyan kaya may pagtataka ko silang sinundan ng tingin palabas.
Kumunot ang aking noo at marahang kumalas mula sa yakap ni Aziel. Tiningala ko siya at pinunasan ko ang kaniyang basang pisngi.
"Where are they going?" tanong ko kay Aziel.
He smirked at me. "Simbahan."
I stopped at my track and stared at him, confused. "Bakit?"
"Uh... kasi ikakasal na tayo?"
My eyes widened as my jaw fell. "Ngayon?!"
"Yes, baby. Ngayon din." He nodded proudly at me. "Ready na talaga ang lahat, ikaw na bride na lang ang kulang."
Nablangko na ang utak ko at pakiramdam ko'y lumulutang ako sa alapaap. Ilang beses ko pang sinampal ang sarili sa pag-aakalang nananaginip lamang ako pero hindi. Totoong-totoo siya!
And I didn't know how it happened so quickly... but yes, the same day he proposed to me was the same day he married me.
This time, genuine and for real. And I can finally say that...
I am his wife, and being married to him was the biggest decision I would never ever regret in my whole damn life.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro