Chapter 52
I just stood in front of him. I didn't confirm nor deny. His eyes were on the verge of crying and almost begging for an answer. Kaunting-kaunti na lang ay babagsak na ang kaniyang mga luha at hindi na rin niya maitago ang emosyong dumadaan sa kaniyang mga mata.
Awang ang kaniyang labi habang papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ng anak kong mahigpit lang na nakayakap sa akin at tila wala pang alam na nasa harapan na niya ang kaniyang tunay na ama. Matindi ang pagkakalingkis ng maliliit niyang mga braso sa aking batok habang nakabaon ang mukha sa aking balikat.
"Sumagot ka naman, Chantria, please..." Aziel's voice cracked and his hope was evident in his eyes.
Nakakuyom ang kaniyang kamao at bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-asa at panghihina.
"Oo o hindi lang. Huwag mo naman akong baliwin ng ganito," dagdag na pagmamakaawa pa niya at sinubukan pang humakbang papalapit sa amin.
My heart was thumping exaggeratedly inside of my chest. For a moment, everything surrounding us stopped and seems like a blur. Nawalan na ako ng pakialam kung marami mang taong nakakakikita, nag-aabang at nanonood sa amin. Mula sa peripheral vision ay nakita ko rin si Anne at iba pang kasamahan na tinatanaw kami mula sa loob ng restobar. Batid kong naguguluhan sila sa nangyayari pero hindi naman nila magawang makapagtanong.
Unti-unting lumuwag ang yakap ko sa aking anak. Muli kong ibinalik ang paningin kay Aziel at pinantayan ang lebel ng intesidad sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin.
This is it. There was no point of hiding my son anymore. Sana lang hindi niya tanggihan ang anak ko. Sana lang hindi siya matulad sa nangyari sa akin na tinanggap lang dahil nariyan na at wala nang magagawa.
My eyes watered. I pursed my lip as I took a deep breath out of my lungs to gather all my strength.
I was ready to tell him the truth, and I was about to open my mouth when I heard a familiar voice of a man behind my back.
"Tria..."
"Papa pogi!" My son cheered happily. Agad siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at nagmamadaling bumaba upang salubungin ang lalaki.
Wala akong nagawa at umawang ang labi. Unti-unti kong ibinaling ang tingin sa aking likuran at ang bumungad sa akin si Elias na kasakuluyang nakikipagtagisan ng titig kay Aziel. Parehong umiigting ang kanilang bagang at tila ba mayroong apoy na nagdudugtong sa pagitan nilang dalawa, nagpapakiramdaman sa isa't isa.
"Papa pogi! Sundo mo na po kami?"
Naputol ang mabigat na tensyon nang tuluyan nang makalapit si Asher kay Elias. Yumakap siya sa hita ng lalaki habang inosenteng nakatingala sa kaniya.
Elias then forced a smile and shook his head. "Hindi, may iaabot lang ako kay Mimi mo."
Nag-angat siya ng malamig na tingin sa akin.
"Elias..." bulong ko.
Gustuhin ko mang lumapit sa kaniya ay hindi ko maikilos ang mga paa ko lalo pa't mula sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang mariing titig sa akin ni Aziel. Wala naman siyang sinasabi, hindi naman niya ako pinapapili, pero gan'on ang nararamdaman ko.
I don't want him to misinterpret this. Not when now I am trying to fix everything.
"Idinaan ko lang sa 'yo itong extrang damit ni Asher. Naiwan mo sa sofa." Siya na mismo ang lumapit sa akin at inabot ang paperbag.
Bumuntonghininga ako at tinanggap iyon. "Salamat, sana tinext mo na lang ako para ako na ang kumuha. Baka ma-late ka sa trabaho."
Umarko ang kaniyang kilay at sarkastikong ngumisi. Para bang may gusto siyang isagot pero pinigilan lang ang sarili. "Hindi rin naman ako magtatagal dito. Mauuna na ako... mukhang may mahalaga kang bisita na hindi mo sinasabi sa 'kin. Mag-usap na lang tayo pag-uwi mo sa bahay natin."
And this fucking asshole indeed emphasized the word last two words.
"Elias!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.
Ang epal talaga! At ang siraulo, imbis na matinag sa suway ko ay mas lalo pa talagang nang-asar. Huli na para makaiwas pa nang kinantilan niya ako ng mabilis na halik sa aking noo bago nagbaba ng tingin kay Asher. Masamang tingin ang ibinigay ko sa lalaki pero hindi niya iyon pinansin.
I felt uncomfortable. Shivers went down my spine as I noticed Aziel's deadly glare at the man in front of me. His fists turned into balls as if he was ready to wreck my friend's face. Parang gusto kong sakalin bigla si Elias dahil sa ginawa niya.
"Baby, pasok na sa work si papa. Kita na lang tayo mamayang gabi sa bahay, hmm?" He also kissed Asher's forehead.
"Oki, papa! Labyu!" My son giggled cutely at nagfinger heart pa nga.
Elias laughed and hugged Asher tightly again. Wala sa sarili akong napalingon kay Aziel na tulala lamang sa anak ko. Bakas ang kalituhan, inggit at matinding sakit sa kaniyang mukha. Kumikirot ang puso ko habang pinagmamasdan siya. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay nagawa pa niyang ngumiti sa kabila ng panginginig ng kaniyang labi.
Akmang lalapitan ko siya nang bigla namang magsalita si Asher habang hinihila ang dulo ng aking damit. "Mimi ganda, umalis na si papa!"
I looked down at him. "Hayaan mo siya, anak," I absentmindly answered.
Nang lingunin ko muli si Aziel ay wala na siya sa kaniyang kinatatayuan. Tahimik at walang gana siyang naglalakad papasok sa loob ng hotel na tinutuluyan niya. Inilibot ko ang aking paningin at sinenyasan si Anne na kunin muna niya sa akin ang anak ko.
Agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin. Lumabas siya ng restobar at habang papalapit siya sa amin ay kinausap ko naman si Asher.
"Anak, si Tita Anne mo na muna ang bahala sa 'yo, ah. Saglit lang 'to. May kakausapin lang si Mama,"
His forehead knotted. "Sino, Mimi? Bawal sama si Ashy?"
Matagal akong tumitig sa kaniya at pagod na hinaplos ang kaniyang matambok na pisngi. "I'll just talk to your real papa."
"Huh?" Mas lalong nangunot ang kaniyang noo dahil sa labis na kaguluhan. "Mimi, no english me, please..."
I chuckled a bit and bit my lip. God, I don't know what to do without my son. Sa kabila ng bigat ng nararamdaman ko, siya lang ang bukod tanging may kayang pumawi nito. He didn't deserve my selfishness. He didn't deserve a mother someone like me. He didn't deserve to be in this broken family.
Muling nagbadya ang aking mga luha. I'm sorry, baby. Babawi si Mimi.
"Ang sabi ko kakausapin ko lang ang real papa mo. Nandito siya, anak. Nakita ka na niya at mamaya pagbalik ko, makikilala mo na rin siya."
Sumighap siya at namilog pa ang bibig. Malinaw na malinaw sa akin kung paano kuminang ang kaniyang mga mata nang banggitin ko ang kaniyang tunay na ama.
"Yey! Makikita ko na totoong papa!" Tumalon-talon pa siya sa sobrang tuwa.
Hindi na nga niya ako pinigilan nang muli akong magpaalam sa kaniya. Halos ipagtabuyan pa nga niya ako paalis. Wala akong inaksayang oras at agad na nagtungo papasok sa loob ng hotel para sundan si Aziel.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siyang nasa lobby pa habang may seryosong kausap sa telepono. Nakatalikod siya sa aking direksyon. Nang bigla siyang humarap sa akin ay bahagya pa siyang natigilan at umawang ang labi. Sumulyap siya sa likuran ko na parang may hinahanap at nang wala siyang nakita ay tinapos niya ang tawag upang ibigay ang buong atensyon sa akin.
Sinarado ko ang distansya sa pagitan naming dalawa at wala nang inaksayang oras pa. "Aziel, puwede ba tayong mag-usap?" marahan kong tanong.
Nanatiling blangko ang kaniyang mukha, wala akong mabasang kahit anong ekspresyon na mas lalong nagpakaba sa akin. Nakatingala lamang ako sa kaniya habang naghihintay ng sagot.
"Talk about what?" he asked in a plain tone.
"I-I'm sorry..." I muttered and his brows furrowed but didn't speak. "I'm sorry if you have to witness that. Hindi ko alam na hahalikan ako ni Elias sa noo."
Dumilim ang kaniyang mga mata kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga. "Why are you saying sorry? He's your husband–"
"He's not my husband!" Agad kong depensa at kitang-kita ko kung paano umusbong ang pag-asa sa kaniyang mukha.
"Then tell me who is he? Who is he into your life? Bakit kung umasta siya ay parang asawa ka niya?" may paghahamong tanong niya ulit.
"He's just a friend! Walang malisya iyon. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya," paliwanag ko pero halatang hindi pa rin siya kumbinsido.
He licked his lower lip as he clenched his jaw. "How about your son? How would explain that to me?"
I fought the urge to roll my eyes. Obvious na obvious naman na kamukha niya iyong bata. Siya na rin mismo ang nagsabi. Alam ko namang may ideya na siya na sa kaniya talaga ang bata, marahil ay gusto niya lang na sa akin mismo manggaling ang kumpirmasyon.
Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago muling ibuka ang bibig para magsalita.
"Ang gago mo 'no? Kita mo namang ikaw ang kamukha tapos pagdududahan mo..." I snapped at him, which made his brows furrowed in unexplainable emotion.
"Kung iniisip mong anak mo si Asher, pwes, tama ka. Sa 'yo ang bata. Galing dyan sa dalawang itlog mo," dagdag ko pa.
He gasped as his jaw tightened because of my words. Naghalo-halo na ang emosyon sa kaniyang mukha. Naroon ang pagkagulat, pagkainis, sakit at pangungulila. Ang hirap nang pangalan kung ano ba talaga ang mas nangingibabaw kaya nakaramdam ako ng takot.
Muling sumagi sa utak ko ang reaksyon ng ama ko noong ipakilala ako sa kaniya ng ina ko. Malinaw na malinaw pa rin sa akin ang mga katagang binitawan niya.
"Hindi ko kayang tanggapin ang batang iyan. Sigurado ka bang ako ang tatay niyan? Sigurado ka bang ibibigay mo iyan sa akin? Wala na bang ibang paraan?"
Those were the exact words my father uttered the day we were introduced to each other. Ganoon din kaya ang nararamdaman ngayon ni Aziel sa anak namin?
Matagal siyang natulala sa kawalan. Mas lalo akong nababaliw sa mga naiisip. Ilang beses umawang ang kaniyang labi para magsalita ngunit wala ni isang lumabas na kataga.
Hinanda ko na ang sarili kung sakaling sa pagkakataong ito'y siya naman ang magalit sa akin. Maiintindihan ko naman. Itinago ko ang anak namin. Ipinagdamot ko sa kaniya ang tatlong taong buhay ni Asher, ang mga responsibilidad, at mas lalo na ang pagiging ama.
Kaya kung sumama man ang loob niya, naiintindihan ko. Maiintindihan ko.
"Chantria..." I felt his callous hand touch mine.
Dahil sa paglipad ng isip ay hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Malamig ang kaniyang palad sa kabila ng panginginig.
Tiningala ko siya pero hindi ako nagsalita. Tumitig lang ako sa kaniyang mga mata at halos madurog ako nang sobra kung paano mababakas ang bigat at pangungulila sa kaniya.
"By any chance... can you bring me to him? Would you let me touch or hug him?" His voice was trembling, but there was a glimpse of hope in his eyes.
"What kind of question is that, Aziel?" Nangunot ang aking noo at nangilid ang luha sa parehong sulok ng aking mga mata. "Kaya ko nga ipinagtatapat sa iyo ang totoo dahil gusto ko nang magkakilala kayong dalawa. Ayaw ko na siyang ipagkait sa 'yo. Ayaw ko nang ipagkait kayo sa isa't-isa..."
"Pero ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan, Azi." Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang munting hikbing kumakawala. "Tanggap mo ba siya bilang anak mo? Hindi ka ba napipilitan lang? Handa mo ba siyang panindigan at mahalin?"
Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at nang muling magmulat ay tahimik nang lumalandas ang luha sa kaniyang pisngi.
"I love him more than anything in this world, Chantria..." tugon niya at marahang hinawakan ang baba ko para matingnang mabuti ang kaniyang mata.
Halos tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang makita ang lalim at sensiridad sa paraan ng pagtingin niya.
"Bukod sa 'yo, ang anak lang natin ang bukod tanging minamahal ko ng ganito," mahinang aniya ngunit sapat na para marinig ko at maging dahilan upang magwala ang aking buong sistema.
"Hayaan mo akong bawiin ang mga taong hindi ko siya kasama, Chantria. Hayaan mo akong patunayan ang sarili kong karapat-dapat ako sa buhay ninyong dalawa..."
Nanghihina akong tumango at suminghap. "Sige, sumama ka sa akin. Ipapakilala kita sa kaniya."
Sa kabila ng natuyong luha, kitang-kita ko kung paano nagliwanag ang kaniyang mukha. Bumitiw ako sa pagkakakapit sa kaniya at tumalikod na. Nauna akong lumabas ng hotel at tahimik lang siyang nakasunod sa akin. Mabigat at mabilis ang kaniyang paghinga. Randam na ramdam ko ang pagiging tensyonado niya.
Kaya naman bumuntonghininga ako, tumigil sa paglalakad at hinarap siya. Ganoon din siya. Kumunot pa nga ang kaniyang noo, animo'y nagtataka. Hinawakan ko nang mahigpit ang kaniyang kamay at binigyan ng isang matipid na ngiti.
"Breathe, Mr. Navarro. I know that this is the first time that you'll meet each other, but also I know that he loves you like how much you love him..." litanya ko sa kaniya at mukhang epektibo naman iyon dahil naramdaman ko ang unti-unting pagkalma niya.
A genuine smile plastered in my mind as we continue to walk toward our son. Ito na 'yon, Chantria. Ito na ang tamang panahon para gawin kung anong sa tingin mo ang tama. Hangga't maaga pa, hangga't may oras pang natitira.
***
hi, it's been a while. sobrang na-busy lang sa thesis at ibang reqs sa school. namiss ko kayo so much <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro