Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

"Papasok ka na? Maaga pa, ah?" bungad sa akin ni Elias pagkalabas na paglakabas ko sa kwarto. Naabutan ko siyang umiinom ng kape sa kusina habang nagbabasa ng diyaryo.

Naniningkit ang kaniyang mga matang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot na kasi ako ng uniporme at handan nang pumasok kahit medyo basa pa ang aking buhok.

Pinigilan ko ang sariling mapatawa. "Seriously, Elias? Nagbabasa ka pa rin ng diyaryo?"

"Eh ano naman?" Simangot niya. "Mas mabuti na 'to. Masiyadong masakit sa mata ang paggamit ng cellphone."

I sheepishly laughed and shook my shoulders. May pagka-old fashioned talaga si Elias kahit kailan. Sabagay, understandable naman. Maybe because he's already thirty-two kaya mas prefer niya talaga ang nakasanayang pagbabasa ng mga ganito kaysa sa kung ano mang teknolohiyang nauuso ngayon.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Tria. Anong nakain mo't maaga kang pumapasok ngayon? Ilang araw ko nang napapansin iyan," istriktong tanong pa niya.

Tumalikod ako at dumiretso sa sala para magsuot ng sapatos. Palihim din akong napairap dahil para na naman siyang tatay kung umasta.

"Anong maaga pa? Mag-aalas sais na kaya..."

"Iyon nga ang punto ko. Mag-aalas sais pa lang at kung hindi ako nagkakamali ay mamayang alas diyes pa ang pasok mo," may bahid ng tigas ang kaniyang boses at napakamot naman ako sa ulo.

"Parang noong nagsisimula ka pa lang ay gusto mo na agad magresign, ah. Tapos ngayon, masiyado ka nang dedicated sa trabaho..." dagdag pa niya.

Tamad akong umupo sa harapan niya at kumagat nang malaki sa pandesal. Binitawan naman niya ang diyaryo at kumuha ng tasa para ipagtimpla ako ng kape.

"Nagbago na ang isip ko," tanging sagot ko na lang. Muli niya akong binalingan ng mabigat na titig at nagpanggap na hindi iyon napapansin. "Sungit mo ngayon, ah? Brokenhearted ka ba?" pagbibiro ko pa pero mukhang hindi siya natuwa roon.

Umigting ang kaniyang panga at kunot na kunot ang noong binalingan ako ng tingin. "Paano mo naman nalaman?"

Umawang ang aking labi pero kaagad ding napalitan ng impit na tili. Tumayo ako sa kinauupuan at nilapitan siya para yugyugin ang pareho niyang balikat.

"So totoo ngang brokenhearted ka?! Inlove ka?!" I squeeled. "Oh my gosh! Congrats! Binata ka na!"

Umingos siya at pinalis ang mga kamay kong nakahawak sa kaniya. "Kumain ka na lang, Tria." Ikinumpas niya ang kaniyang kamay.

"Sasagutin mo lang, eh." Padabog akong bumalik sa aking kinauupuan, hindi pa rin inaalis ang matalim na titig sa kaniya.

Matunog siyang ngumisi pero itinago niya iyon gamit ang pagsimsim ng kape. "Bakit ko sasabihin sa 'yo, eh, ikaw nga itong may mukhang nililihim sa ating dalawa."

Sunod-sunod ang ginawa kong pagkagat sa tinapay kahit medyo nabubulunan na ako. Nagpanggap akong abala at hindi siya naririnig, dahilan para matawa siya.

Ilang araw na rin ang nakakalipas magmula nang muling magkrus ang landas namin ni Aziel at simula nga noong ipinangako kay Asher na malapit na niyang makasama ang papa niya ay walang oras na hindi ko sinubukang sabihin sa lalaki ang tungkol sa anak namin... pero ewan ko ba kung anong kamalasan ang aking dala-dala dahil sa tuwing sinusubukan ko ay palagi na lang naantala.

Nandyan iyong biglang susulpot si Kara, si Anne o biglang tutunog ang telepono niya para mahalagang tawag at iba pa. And it indeed made me frustrated. Hindi ko alam kung hindi pa ba ito ang tamang oras o sandyang pinipikon lang ako ng tadhana.

At sa bawat araw nga na lumilipas ay mas lalo ring tumitindi ang pangungulit sa akin ni Asher tungkol sa papa niya. Nariyan iyong maya't maya siyang tanong nang tanong kung ilang tulog na lang ang kailangan niyang gawin bago makita si Aziel... at hindi ko naman siya masisisi sa bagay na iyon.

"Sure ka bang isasama mo si Asher sa trabaho mo? Hindi ba siya makakaabala r'on?" may pagdadalawang-isip na tanong ni Elias habang inihahanda ko ang bag ng anak ko.

Mula sa peripheral vision ay kitang-kita ko ang pagsimangot ni Asher dahil sa sinabi ng papa pogi niya. "Hindi naman kulit si Ashy, ah!" nakangusong sagot nito habang masama ang tingin sa lalaki.

Natawa ako sa ka-cute-tan niya. "Huwag ka ngang ganiyan sa anak ko. Hindi naman 'yan sakit ng ulo 'noh." Isinara ko na ang zipper ng bag at isnukbit iyon sa aking isang balikat. Inalalayan ko pababa ng sofa si Asher at hawak kamay kaming lumabas ng bahay.

Nakasunod lang sa amin si Elias. Muli ko siyang hinarap para magpaalam na. "Papasok na kami, Elias. Balitaan mo na lang ako kung kumusta na ang lagay ni Nanay Vicky. Bukas, ako naman ang magbabantay sa kaniya. Off ko naman sa trabaho."

"Hmm." Tanging tango lang ang isinagot niya sa akin. "Susunduin ko na lang kayo mamaya."

Agad akong umiling. "Naku, huwag na! Magiging doble pa ang pagod mo."

Matagal siyang tumitig sa akin bago nagpakawala ng buntonghininga at tumango. "Oh siya, sige, mag-iingat kayo." Tipid siyang ngumiti at ginulo ang buhok namin ni Asher.

Malakas ang tambol ng dibdib ko habang naglalakad kami papasok ng hotel. Tumatagaktak ang butil-butil na pawis sa aking noo na sinabayan pa ng nanlalamig ng aking mga kamay. The fact na iisang hangin na lang ang nalalanghap nila at sa isang pitik lang ay maaari na silang magkitang dalawa.

Sa totoo lang, wala na akong pakialam kung makilala man ni Aziel si Asher. Mas natatakot ako sa kung ano mang magiging reaksyon niya. Matatanggap kaya niya? Magagalit ba siya? Maiiyak sa tuwa? I hope it was the latter dahil ayaw kong maranasan ng anak ko ang naranasan ko noong bata pa lang ako.

"Good morning, Tria!" bati sa akin ng dalawang babaeng nasa frontdesk.

"Good morning din sa inyo..." Kahit sa kabila ng hindi maipaliwanag na emosyon ay pinilit ko ring bumati at ngumiti pabalik sa kanila pero nagmukha lang akong constipated.

Mabuti na lang ay hindi nila iyon napansin dahil sabay na bumaba ang tingin nila sa aking anak na manghang-mangha sa nakikita sa paligid. Kanina pa pumipilipit ang ulo niya kalilingon kung saan-saan.

"Wow! Iyan ba ang anak mo, Tria?!" tanong ni Kara na bigla-bigla na lang sumusulpot.

Nilingon ko siya at nginisian. "Oo, ang guwapo 'di ba?" Bumaba ang tingin ko kay Asher na ngayo'y nakatingin na rin sa babae.

"Wow, chix!" sigaw ng anak ko habang nakaturo kay Kara na siyang dahilan para mapasinghap ako at labis na pamulahan ng mukha dahil sa gulat.

"Asher!" mariing saway ko at bahagyang nakonsumisyon sa kaniya.

Saan kaya niya natutuhan ang gan'ong salita?!

Mukhang nagulat din si Kara pero kapagkuwan ay humalakhak ng tawa. Mahina at pabiro niyang hinampas ang braso ko. "Mukhang lalaking bolero ang anak mo, ah, pero hindi bale na't guwapo naman. Guwapo rin siguro ang tatay no?"

This time, ako naman ang mayabang na ngumisi. "Obvious ba?" Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya muli siyang natawa.

Kung mayroon man siguro akong dapat ipagpasalamat kay Aziel ay iyon ay ang maganda niyang genes.

"May kamukha ang anak mo, Tria, hindi ko lang mapinpoint kung sino... pero basta pamilyar," aniya at napakurap-kurap ako.

"Aliel! Papa!"

Nagbaba ng tingin si Kara sa anak ko. "Ano 'yon, baby?" masuyo nitong tanong, dahilan para mamula ang mukha ng anak ko.

"Wala, bibi..." He shook his head like a puppy.

Napasinghap ako. Umawang ang labi namin ni Kara, nagkatinginan at sabay na natawa. Gosh, he freaking called her baby! Aziel, look what your son's saying! Huwag sanang lumaki si Asher kagaya ng ama niyang mahilig magpaiyak ng babae!

Sabay kaming naglakad patungo sa locker room na nasa ikaapat na palapag nitong hotel. Nandon kasi ang opisina ni Anne at mga kwarto na exclusive lang para sa mga staff.

Hawak ko pa rin si Asher na titig na titig pa rin kay Kara at kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata. Palihim akong umismid. Jusko, anak ka nga ng tatay mo.

"Kapag may boyfriend na ako, hihingi ako ng tips sa 'yo kung paano makabuo ng ganiyang kagwapong anak, ha?" biro pa ni Kara at sinakyan ko naman.

"Oo naman. Ishe-share ko sa iyo kung mga tips na dati kong hiningi sa nanay-nanayan ko!" I was pertaining to my Manang Yeta. God, I missed her so damn much!

Kara giggled and clapped her hands excitingly. "Ayan, gusto ko 'yan!"

Naghiwalay na rin kami dahil sa makaibang trabaho kami naka-assign. Matapos naming manggaling sa locker room ay sumakay na kami ng elevator patungo ulit sa groud floor.

"Saan mo ako iwan, Mimi?" Tiningala ako ni Ashy at tinitigan gamit ang inosente at maamo niyang mga mata.

"Huh? Hindi kita iiwan sa iba, anak." Sa restobar ako naka-assign kaya malaya ko siyang mababantayan. Puwede ko siyang iupo sa malapit na table. May dala naman akong mga laruan niya.

My heart melted when our gaze locked. Unfair, he got his black hooded eyes from his father and even all of his features and gestures. Ako 'tong nagdala ng siyam na buwan sa aking sinapupunan pero wala man lang nakuha ni isa sa akin.

"I love you, Mimi..." he blurted out of nowhere and it made me speechless for a second.

I blinked my eyes tenderly as a heartfelt smile formed my lips. "I love you too, baby. More than anything."

Naputol ang titigan naming dalawa nang bumukas ang elavator at bumungad si Anne na akmang sasakay pero natigilan nang makita ako. Unti-unting bumaba ang tingin niya sa magkasalikop naming kamay ng anak ko, papunta mismo kay Asher.

Suminghap siya at nanlaki ang mga mata. Nagmamadali siyang pumasok sa elevator kung nasaan kami.

"Oh my God! Is that Aziel's son?!" she exclaimed, bakas pa rin ang pagkamangha niya habang nakatitig sa bata.

I glanced at Asher before nodding my head at her. "Yes..."

Mas lalong nagliwanag ang kaniyang mukha at yumuko pa para mapantayan ang anak kong inosenteng nakatitig sa kaniya.

"Hi, I'm your Tita Anne. What's your name, baby?" malambing niyang tanong at kitang-kita ko ang pagpipigil niyang panggigilan ang anak ko.

"Ashy po..." maliit na boses na tugon ni Asher. "Friend po ikaw ni Mimi po?"

Natigilan si Anne at nagkatinginan kaming dalawa. Nawala ang ngiti sa kaniyang labi pero pinilit niyang ibalik iyon nang balingan ulit ang bata. "Boss niya ako, baby. Ako ang may-ari nitong hotel."

"Wow!" Amusement filled in Asher's voice.

Naputol lang ang pag-uusap nang dalawa nang bumukas ang elevator. Magalang akong nagpaalam kay Anne pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay narinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko.

"Chantria, wait!"

Tumigil ako sa paglalakad at maging si Asher ay napalingon din sa kaniya. Kunot noo ko siyang tinitigan. "Bakit?"

"C-Can I borrow your son?" Bakas ang pag-aalangan sa kaniyang ngiti.

"Buy mo po ako maraming toys?" singit ni Asher sa usapan kaya natawa muli si Anne.

"Yes, buy kitang maraming toys. Kahit anong gusto mo. Kahit ilan..." She genuinely smiled at my son. She then faced me again. "Chantria, please? I'll take care of him. I promise that."

Hindi ako nakasagot agad at ilang sandali pa siyang tinitigan. Nang si Asher na mismo ang nangulit sa akin ay wala na akong nagawa pa. Bumuntonghininga ako at hinayaan siyang sumama kay Anne.

That woman has a soft spot when it comes to kids. Wala akong nararamdamang pag-aalinlangan o pangambang ilalagay niya sa kapahamakan ang aking anak.

Dumiretso na ako sa restobar. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ay natanaw ko na agad si Aziel na abala sa ginagawa. Nakatalikod siya sa aking gawi kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. Nakaupo siya sa paborito niyang puwesto, iyong malapit sa glasswall. May kaharap siyang laptop at mga papeles. Seryoso rin ang kaniyang mukha habang may kausap sa telepono.

Palihim na lamang akong napailing. Palagi pa rin niyang naisisingit ang trabaho kahit na nasa gitna siya ng bakasyon.

Habang nagsusuot ng apron ay nilapitan ko ang isa kong kasamahan para tanungin. "Umorder na ba siya?" Nginuso ko ang direksyon ni Aziel.

"Hindi pa, eh. Hihintayin ka raw. Alam mo naman 'yang si Sir, ayaw uminom ng kape na hindi mo timpla," nakangiwing tugon niya sa akin.

I laughed and shook my head. "Taray! Kabisado na niya!"

"Siyempre, sino ba namang hindi? Eh simula noong dumating 'yan dito, wala nang ibang ginawa kundi sundan ka. Kung saan ka naka-assign, nandoon din siya hangga't di natatapos ang duty mo. Mukhang tinamaan talaga ng malakas sa 'yo..." litanya pa niya.

Natatawa akong lumapit sa coffee maker at sinimulang gawin ang para kay Aziel. Muli kong nilingon ang kaniyang gawin at lihim akong napangisi kung gaano siya kaabala at kaseryoso sa kaniyang ginagawa. Naka-sideview siya kaya malaya kong nakikita kung gaano katangos ang kaniyang ilong.

I pouted my lips as I ogle fixedly at him, silently praising every inch of his features. Those black hooded eyes were screaming danger and ruthlessness. Each day that passed by, his stubbles grew shaggy than usual. And oh his body... it felt like in just one touch, it would gonna wreck you extremely bad.

Nang maramdaman niya sigurong mayroong nagmamasid sa kaniya ay salubong ang kilay niyang inilibot ang tingin sa kabuuan ng restobar. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay awtomatikong nawala ang kunot ng kaniyang noo at napalitan iyon ng pagliliwanag ng kaniyang mga mata.

Tipid akong ngumiti kahit sa kaloob-looban ko'y tumatambol ang aking puso sa matinding kaba. Sakto namang natapos ko nang gawin ang kaniyang kape at dinala ko na iyon sa kaniya.

"Chantria..." he mumbled my name softly.

Malamyos ang paraan ng pagtitig niya sa akin, malayong-malayo sa kung paano siya makipag-usap kanina sa telepono.

"Have you eaten?" tanong pa niya at tumango ako.

"Tapos na."

"Do you want to eat again? I'll order some food. Sabay na tayo..." dagdag pa niya.

Tumayo ako nang matuwid bago siya inilingan. "Busog pa ako and I'm here to work. Baka mamaya makita pa ako ng boss ko at mapagalitan pa ako."

"But–"

"Balik na ako sa trabaho." Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi niya at tumalikod na dahil mas lalo lang hahaba ang usapan. Paniguradong kukulit-kulitin na naman niya ako.

Naging busy na ako sa mga sumunod na oras dahil dumagsa na ang mga turistang kakain ng lunch. Pansin ko rin ang ibang kababaihang naka-two piece lang na napapatingin sa kaniyang gawi at tila ba nagpapapansin.

Pero ang gagong Aziel ay wala yatang pakialam sa kaniyang paligid. Lantaran ang ginagawa niyang pagtitig sa akin at sinusundan talaga ang bawat kilos ko. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan, magkadekwatro ang mga binti at magkakrus ang mga braso habang ang pinaglalaruan ang labi gamit ang isang daliri.

Sinamaan ko siya ng tingin at inismiran pero tinawanan lang niya ako. Bumalik ako sa pagseserve ng pagkain at hindi ko namalayan na lumabas na pala siya ng restobar. Nang lingunin ko ang kaniyang lamesa ay naroon pa rin naman ang gamit niya. Inilibot ko ang aking paningin. Bahagya akong natigilan nang makita siyang nasa labas at tila problemado dahil hindi siya makakuha ng tamang anggulo sa pagseselfie.

"Tulungan mo na ang matanda. Mukhang nahihirapan na eh,"

Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan nang may biglang umagaw sa tray na hawak ko. It was Anne. Nanlaki ang aking mga mata at agad na inilibot ang tingin sa paligid para hanapin ang anak ko.

"Nasa room ko si Asher, nakatulog na, kaya hinayaan ko muna..." she stated again. "Kailan mo ba talaga balak ipakilala sa kaniya ang bata?"

Nagulat ako sa tanong niya pero mabilis akong nakabawi. Mula sa loob ng restobar ay parehong tumatagos sa labas ang tingin namin kung nasaan ang lalaki.

I heaved a sigh. "Sa birthday ni Aziel..." and it was two days from now.

She grinned weakly at me and nodded. "Mabuti naman. Oh siya, sige na tulungan mo na ang tandang Aziel sa pagseselfie niya. Minsan lang 'yan..." Tinulak niya ako palabas at wala na akong nagawa kundi ang tumalima.

Nilapitan ko si Aziel at ako na mismo ang nagpresinta na kuhanan siya ng litrato. Medyo awkward pa siya noong una sa camera pero kapagkuwan ay naging komportable naman na.

He looked so damn hot with his bohemian beach outfit with aviators on.

"Mas maganda siguro kung alisin mo na 'yang shirt mo," I suggested while scrolling his pictures through his phone.

I heard him gasped kaya naman taka kong binaling ang tingin sa kaniya. "Bakit?"

Malisyoso niyang niyakap ang sarili na para bang pinoprotektahan ang sarili. "H'wag po, Ate. Hindi po ako lalaban..." he muttered as if I'd do something nasty to his body!

My cheeks flushed. "A-Ang kapal ng mukha mo!" Padabog kong ibinalik sa kaniya ang kaniyang cellphone at akmang babalik na sa loob pero mabilis niya akong nahila pabalik sa kaniya. Nawalan ako ng pwersa, dahilan para tumama ang aking mukha sa matigas niyang dibdib. Naramdaman ko ang agad na pagpulupot ng kaniyang braso sa aking baywang na marahan pa niyang pinisil.

Suminghap ako at nanlalaki ang mga matang nag-angat ng tingin kay Aziel, pero sana'y hindi ko na lang ginawa dahil ga-hibla na lang ang distansya ng aming mukha at halos nalalanghap ko na ang init ng kaniyang hininga.

Tila pansamantalang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang magtama ang paningin naming dalawa na sinabayan pa ng mabilis na pagtambol ng aking puso. Naging malabo ang mga nagyayari sa paligid ko at ang lahat ng ingay sa paligid ay biglang naglaho.

I saw how his adam's apple moved up and down as he scanned every detail of my face with love and longingness. Gusto kong mainis sa sarili. Gusto kong sumabog at magsabi ng masasamang words. Kasi putangina, lumipas na ang mahabang taon at sa dinami-rami ng hindi magagandang pangyayari sa pagitan ng isa't isa, heto ako, isang haplos lang bumabalik at bumabalik pa rin sa kaniya. Isang titig lang, nalulunod na naman ako sa kaniya.

I frustratedly shut my eyes.

"Chantria..." he softly mumbled and was about to my cheeks but I immediately pushed him away.

Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig at napagtantong hindi dapat ganito kabilis. Itinagilid ko ang aking ulo at mariing ipinikit ang mga mata, pilit na pinapaalala sa sarili na ginagawa ko lang ang lahat ng ito para kay Asher. Para magkakilala na sila.

"Chantria..." Aziel called me again in a low tone. He seems taken aback by what I did.

Akmang hahawakan niya akong muli pero mas mabilis pa sa alas-kwatro akong umiwas na para bang mayroon siyang malubhang karamdaman o may kung anong nakakapaso sa kaniya.

He was about to say something when I heard a tiny voice called my name.

"Mimi Ganda!"

Natuod ako sa kinatatayuan pero agad ding lumingon sa aking likuran. And from afar, I saw my son approaching towards my direction. Nakalahad ang kaniyang dalawang brasong tumakbo papalapit sa akin upang magpabuhat na ginawa ko naman. Agad siyang yumakap sa akin at ibinaon ang mukha sa aking leeg.

For a moment, I forget Aziel's presence, not until I heard him clear his throat and asked me a question using his shaking voice.

"H-He looks so much like me, Chantria..." he muttered and trailed off. His breathing became heavy and fast. "By any chance, i-is that your son? Our son?"

Our gaze locked and I could see the extreme hope in his face. I closed my eyes and hugged Asher tightly. This was not the interaction that I wanted. My plan was to surprise him on his birthday, but maybe this was the right time to meet each other.

"Answer me, Chantria. Damn! Is he my son?!" His voice thundered.

Their resemblance was very evident so there was no point in denying the truth anyway. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro