Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50

Nang masiguro ko nang maayos ang kalagayan ni Asher ay iniwan ko na ulit siya kay Aling Naneth. Sunod kong pinuntahan si Nanay Vicky na sa awa naman ng Diyos ay maayos na ang kalagayan. Iyon nga lang ay mayroon siyang tahi sa kaniyang bandang noo at may mga gamot din siyang kailangang inumin para sa kirot niyon.

"Pero kailangan muna niyang manatili rito sa hospital, Tria, dahil marami pang test ang kailangang gawin sa kaniya," sabi sa akin ni Elias at matamlay akong tumango, hindi ko inaalis ang titig sa ginang na payapang natutulog sa hospital bed.

I glanced at him and gave him a faint smile. "Kampante naman ako kasi nandito ka. Alam kong hindi mo papabayaan si Nanay Vicky."

"Iniisip ko lang kung paano si Asher? Sinong magbabantay at mag-aalalaga sa kaniya?" He heaved a sigh. "Hindi naman din palaging puwede sina Aling Naneth o Jojo kasi may trabaho rin sila..."

"Huwag mo nang isipin iyon, Elias, ako na ang bahala sa anak ko," paninigurado ko sa kaniya, dahilan para ibaling niya ang buong atensyon sa akin at pagtaasan ako ng kilay.

"Anong ibig mong sabihin? Isasama mo siya sa trabaho mo?" tanong niya.

Marahan akong tumango. "Hm, puwede naman siguro iyon. Magpapaalam na lang ako sa boss ko. At saka, hindi rin ako mapapalagay kung basta ko na lang siya iiwan sa mga kapitbahay." Not now that I found out na mayroon palang mga batang umaaway sa kaniya.

Hindi ko na sinabi pa iyon kay Elias dahil ayaw kong madagdagan pa ang kaniyang mga problema. Pati nga ang muling pagkikita namin ni Aziel ay hindi ko na rin binanggit pa. Either he would worry about us or we would lead in another argument. Ayaw ko na muna niyon.

"Magpapalit muna ako ng damit, Tria. Hintayin mo na lang ako rito." Itinuro niya ang isang bakanteng bench nang makababa kami sa ground floor ng hospital.

Madilim na sa labas at sakto namang tapos na rin ang duty niya. Sabay kaming uuwi sa bahay pero babalik din siya kaagad dito dahil walang magbabantay kay Nanay Vicky. Kukuha lang siya ng ilang damit at mahahalagang bagay.

Umiling ako bilang pagtanggi. "Hindi na. Babayaran ko na muna ang bill ni Nanay at bibili na rin akong gamot sa botika."

"Ako na'ng bahala r'on. Itabi mo na lang iyang pera mo."

"I insist. Nakapagwithdraw na ako," I told to him. Mayroon kasi talaga akong savings para sa emergency. Para iyon sa aming dalawa ni Asher pero wala namang masama kung babawasan ko para kay Nanay Vicky. Hindi na siya iba sa akin.

Matagal kaming nagtitigang dalawa hanggang sa siya na rin ang naunang sumuko. Akmang ibubuka niya ang labi para magsalita nang marinig akong pamilyar na tinig ng babae.

"Chantria?"

Sabay kaming napalingon ni Elias sa kaniya at mula sa peripheral vision ay kitang-kita ko kung paano nanigas ang lalaki sa kinatatayuan niya. Bahagya pang umawang ang labi na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Anne? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko at humakbang papalapit sa kaniya.

"I was the one who's asking you that..." She raised her brows at me. "What are you doing here? Bigla ka na lang nawala sa trabaho."

"Sorry, nagka-emergency lang. Si Nanay Vicky kasi..."

Her face softened as she stared at me with wide eyes open. "Why? What happened to her?" Tumaas ang boses niya at mahahalata roon ang pag-aalala kaya lumalim ang gatla sa aking noo.

Napansin niya iyon kaya tumikhim siya't tumuwid ng tayo.

"I-I mean, it's okay, understandable naman, pero sana nagpaalam ka pa rin nang maayos. It's part of professionalism, you know?"

I bit my lower lip and nodded. "I'm sorry. Nawala lang talaga sa isip ko pero hindi na mauulit."

Tumango lang siya sa akin at muling dumako ang tingin sa lalaking nasa tabi ko. Kitang-kita ko ang pagtiim ng kaniyang bagang pati na rin ang kakaibang ekspresyon na hindi ko mapangalanan sa kaniyang mukha. Nang mag-angat naman ako ng tingin kay Elias ay malamig at may bahid ng pagkasuplado ang tinging iginagawad niya sa babae.

I didn't know but the deafening silence between us three somehow made me feel so uneasy. Parang bang mayroong matinding kuryenteng dumadaloy sa gitna nilang dalawa o bomba na animo'y ano mang oras ay maaaring sumabog.

I shifted my weight and cleared my throat to get their attention. Hindi naman ako nabigo dahil sabay silang napalingon sa akin.

"U-Uhm..." Sinubukan ko pang tumawa nang peke para mabawasan nang kaunti ang mabigat na hanging pumapalibot sa amin. "Bakit ganiyan kayo magtinginan? Magkakilala ba kayong dalawa?" maingat kong tanong habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.

"Hindi!"

"Oo..."

Sabay nilang tugon na mas lalong nagpagulo sa akin. Tumikhim si Elias at binasa ang pang-ibabang labi. Inayos niya ang pagkakasukbit ng strap ng kaniyang bagpack sa kaniyang balikat.

"Ang ibig kong sabihin... kilala ko siya dahil madalas mo siyang ikwento sa akin noon, 'di ba?" paliwanag niya kaya napanganga ako't tumango-tango.

Yeah, oo nga pala!

"Well, I hope it's a good story?" Anne flashed a tiny grin on her face, but this man beside me remained stoic.

"Hulaan mo..." medyo sarkastikong sagot ni Elias bago nagbaba ng tingin sa akin. "CR lang ako, Tria. Bilisan mo na rin para makauwi na tayo," aniya bago tumalikod at maglakad palayo.

"I'll go now, Chantria. Bukas na lang tayo mag-usap," matabang na paalam din sa akin ni Anne at hindi na ako hinintay pang sumagot.

Hindi ko na siya natanong kung anong ginagawa niya rito at kunot noo ko na lang na pinagmasdan ang dalawang magkahiwalay na bultong naglalakad palayo sa akin.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Tulog pa si Asher kaya hindi ko na muna siya isinama. Naroon ulit si Aling Naneth na nagpresintang siya na muna ang bahala sa anak ko habang dayoff pa niya.

Pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa lobby ng hotel ay sinalubong kaagad ako ni Aziel gamit ang kaniyang nag-aalalang mga mata. Hinawakan niya ang magkabilang braso at sinipat-sipat din ng tingin ang buo kong katawan.

"Damn, baby, are you okay? May masakit ba sa 'yo? May nararamdaman ka ba? May sugat ka ba–"

Umatras ako at salubong na salubong ang kilay na kumalawa sa mga hawak niya. "What the heck are you doing, Aziel? Ano na naman bang pakulo mo?" mahina ngunit mariin kong usal.

Mababakas ang labis na takot at pag-aalala sa kaniyang mukha. "I was just checking out on you. I overheard with Anne and Mrs. Lopez na nasa hospital ka raw kagabi. What happened to you, baby, hm? I was so damn worried!" sunod-sunod na litanya niya at kulang na lang ay umiyak siya sa harapan ko ngayon.

Pagod akong bumuntonghininga habang pinipigilan ang sariling sigawan o sungitan siya. "Can you please calm down? Walang nangyaring masama sa akin. Kung makareact ka naman diyan, uso kasing magtanong muna." Umirap ako at luminga-linga sa paligid.

Lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha bago nahihiyang yumuko. "S-Sorry for overreacting. Nag-alala lang talaga ako nang sobra," wika niya sa maliit na boses.

Bigla akong dinapuan ng konsensya dahil sa aking inasta. Sumagi rin sa isipan ko ang pinangako ko sa aking anak na malapit na niyang makita ang kaniyang tunay na ama. At tutal na nandito na rin naman siya, mas mabuti siguro kung sabihin ko na kaagad sa kaniya.

Sumulyap ako sa relong pambisig. Mahaba pa naman ang oras at sapat na siguro iyon para masabi sa kaniya ang lahat. Tiningala ko siya at halos tumalon ang aking puso nang makita ang tahasan niyang pagtitig sa akin. Titig na hindi man lamang kumukurap at para bang natatakot na kapag ginawa niya iyon ay maaari akong mawala.

"Aziel..."

I saw how his body tensed up and his breathing hitched by the way I called his name softly.

"P-Po?" he muttered in a small voice as he blinked relentlessly.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pag-ukit ng ngiti. Gusto kong matawa habang iniisip kung gaano kalamig at kalupit ang pakikitungo niya sa iba, pero heto siya ngayon sa aking harapan na para siyang maamong tupa kung umasta.

"Can we talk?"

Nagningning ang kaniyang mga mata at mabilis na sumang-ayon sa gusto ko. "Yeah, of course."

Binasa ko ang pang-ibabang labi at inilibot ang tingin sa paligid. Wala pa namang masiyadong taong nagkalat bukod sa dalawang babaeng nasa frontdesk at pasimpleng tumitingin sa aming gawi. Hindi ako komportable sa mga matang nakukuha namin at sa tingin ko'y hindi ito ang tamang lugar kaya nagpasya akong sa labas na lang kami mag-usap.

Again, everyone knew here that I'm married to Elias and Asher was our son. Gusto ko tuloy pagsisihan na hinayaan kong gan'on ang isipin ng mga tao at hindi ko man lang sila itinama. Ayan tuloy, sa paraan ng pagtingin sa amin ng iba, para bang kasalanan pang kaharap at kinakausap ko ang tunay na ama ng anak ko.

Hinawakan ko siya sa kamay at hinila patungo sa parteng hindi masiyadong matao, hindi naman kami lumayo, sapat lang para hindi kami makahakot ng labis na atensyon. Nang lingunin ko si Aziel ay nakita ko ang nakaawang nitong labi at wala sa sariling nakatitig sa magkasalikop naming palad. Ramdam ko pa nga ang bahagya niyang panginginig at panlalamig kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

"Okay ka lang ba, Aziel?" I asked him, concern was evident in my voice.

He didn't answer and just bit his lips as if he was suppressing a smile. He then looked away. "A-Ano bang gusto mong pag-usapan natin?"

"Ano ba sa tingin mo?" masungit kong balik sa kaniya.

Nilingon niya ako gamit ang malalamlam niyang mata, nagkibit balikat at matunog na ngumisi. "Kahit ano. Ang sa akin lang naman, masaya na akong kausap ka."

Pagak akong tumawa at pinagtaasan siya ng kilay. "Seryoso ka? Kahit walang kwenta 'tong sasabihin ko sa 'yo?"

Matagal siyang tumitig sa akin bago sunod-sunod na tumango na parang bata. "I won't mind... at least you talked to me," he uttered and there was a ghost of smile in his lips.

Umingos ako at binitawan ang kamay niyang hindi ko napapansin na hawak ko pa pala. Kita ko ang pagbaba ng tingin niya roon at pati na rin ang kaniyang pagsimangot.

"Why did you let me go?" he questioned me, still frowning.

My eyes automatically rolled heavenwards.

"Hindi naman required na maghawak kamay habang magkausap," I answered. "At isa pa, baka kung anong isipin ng ibang taong makakita sa atin."

His brows furrowed as if he was not getting my whole damn point. "And so?"

Hindi ako sumagot at nagtiim bagang lang na tumitig sa kaniya. Bumuntonghininga siya.

"I see. Baka magalit ang asawa mo..." Tipid siyang ngumiti ngunit mababakas ang pait sa kaniyang tinig.

Saglit akong natigilan. So he really believed that I have a husband, huh? Muntik na akong matawa pero nagawa ko pa ring panatilihing walang emosyon ang aking mukha, bagkus ay dumiretso na ako sa tunay kong pakay.

"How did you find me here?" walang preno kong tanong at ngayon ay siya naman ang hindi nakapagsalita. "Did Anne tell you that I'm here?"

His forehead creased as he shook his head. "No, we've never talked."

"Then who?"

"I don't know..." panimula niya, "but these past few days may nagpapadala sa akin sa email at sinasabing narito ka raw. Wala akong balak maniwala since ilang beses na akong naloko. May mga nagpapanggap na nakita ka nila at papupuntahin ako sa isang lugar, but in the end, hohold-up-in lang pala ako," natatawang paliwanag kaya umusbong ang inis sa dibdib ko.

"May nakakatawa ba r'on?" I snapped at him and crossed my arms.

His smile fell and clenched his jaw. "W-Wala po..."

I smirked in my mind. Takot naman pala agad.

"So you were saying that hindi mo kilala ang nagsabi sa iyo kung nasaan ako?" pagkumpirma ko at agad naman siyang tumango.

"Yeah," he answered huskily.

"Ngayon ko lang nalaman na may pagkauto-uto ka rin pala, Aziel. What if hindi lang hold-up ang inabot mo?" naiirita kong sabi sa kaniya, dahilan para maningkit ang kaniyang mga mata na sinabayan pa ng pagsilay ng ngisi sa labi.

Awtomatiko akong napaatras nang humakbang siya papalapit sa akin at marahang umangat ang kaniyang isang kamay para suklayin ang aking buhok gamit ang kaniyang mga daliri. "Why are you reacting that way, wife. Are you concern to me?" may bahid ng kilig at pang-aasar ang kaniyang boses.

Nanlaki ang aking mga mata at ramdam ko ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Tinabig ko ang kaniyang kamay dahil sa kakaibang nararamdamang dumaloy sa aking sistema nang maglapit kaming dalawa.

"H-Hindi ako concern sa 'yo! Natatangahan lang ako kasi naturingan kang isa sa pinakamagaling na businessman pero mabilis kang nauuto ng mga hindi mo naman kakilala!" depensa ko pa.

He pressed his tongue against the inside of his cheeks as he listened to me. His brows even moved upward as if he was not buying my explanation. "Uh-huh? Try harder, baby..."

Sinamaan ko siya ng tingin. Masiyado naman yatang mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili. Akala ka ba niya'y ako pa rin iyong Chantria na baliw na baliw at halos sambahin siya? Pwes, diyan siya nagkakamali!

I've moved on already! Kung hindi lang dahil talaga sa anak ko'y hindi ko na siya kakausapin o kikibuin pa.

"Gan'on ako kadesperadong mahanap ka..." A painful and longing smile reflected in his black hooded eye. "Hindi mo ako masisisi kung araw-araw akong nangungulila sa 'yo. Hindi mo ako masisisi kung bakit palagi akong sabik na sabik sa pagbabaka sakaling bumalik ka sa piling ko."

"At hindi mo rin ako masisisi kung bakit umalis ako," sabat ko sa matigas na boses.

Bago pa lang kaming nagsisimula ulit noon.

Bago pa lang naming inaayos ang lahat at kahit may kaunting hirap pa rin sa parte ko, tinanggap ko ulit siya sa pangangalawang pagkakataon dahil mahal ko siya, eh, at ramdam na ramdam ko naman ang sensiridad niya sa tuwing sinasabi niyang mahal niya rin ako. Nakita ko ang malaking pagbabago sa kaniya. Mula sa pagiging gago hanggang sa pagiging mabuti at responsableng asawa.

God knows how much I wanted to save our marriage kasi iyon lang ang pinanghahawakan ko, na kumbaga sa isang giyera, iyon lang ang bukod tanging armas na mayroon ako. Pero ibang klase iyong sakit at pagkadurog na naramdaman ko noong malaman na iyong bagay na pinaniniwalaan at pinaghahawakan mo ay hindi pala totoo.

Iyon na nga lang ang mayroon ka, nawala pa.

"Alam ko. Naiintindihan ko..." Yumuko siya at tumango-tango. "Pero sana hindi ka muna sumuko at umalis agad, 'di ba? Sana sabay muna nating inalam iyong totoo at kung sinong nasa likod niyon, kasi sa totoo lang, Chantria, nasaktan din ako."

"Nakakalungkot lang dahil buong akala ko'y ikaw ang magiging kakampi ko, pero sa huli'y tinalikuran mo rin ako."

Sa bawat katagang lumalabas sa dibdib niya'y ramdam ko ang sakit at pangungulila. Nagbaba ako ng tingin sa puti at pinong buhangin dahil patagal nang patagal ay hindi ko na makayanang suklian ang bigat ng titig niya dahil sa nararamdamang konsensya. Tila tinutusok ng libo-libong karayom ang aking puso pero wala na akong mailuha pa. Ubos na ubos na.

"Kung ganiyan pala ang nararamdaman mo, bakit hinahanap mo pa rin ako?" mahinang tanong ko ngunit sapat na marinig niya.

Bagama't mayroong malaking distansya sa pagitan naming dalawa, ramdam ko ang pagtagos ng titig niya sa aking kaluluwa. Kung tutuusin, malaya na siyang humanap ng iba. Hindi na niya kailangan pang mag-aksaya ng pagod, oras at pera.

Nang hindi siya sumagot ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya at muli nagsalita. "Aziel, hindi ba sumagi sa isip mo na sa dinami-rami nating pinagdaan, senyales na iyon na hindi talaga tayo para isa't isa? Na baka kaya nangyari iyon kasi nakalaan tayo sa iba?" litanya ko pa.

Tila hindi niya nagustuhan ang sinabi kong iyon dahil dumilim ang kaniyang mga mata kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga. Bumuga siya ng hangin at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Exactly my thought, Chantria, ang dami dami na nating pinagdaanan, ngayon pa ba kita bibitawan?" Sinuklian niya ng pantay na intesidad ang titig ko.

Nalaglag ang aking panga at bumigat ang bawat paghinga.

"Nakaya mo ngang pagtiisan ng tatlong taon ang kagaguhan ko, eh." Pagak siyang natawa at napailing sa kawalan. "Putangina, gan'on din ako. Kahit paulit-ulit ka pang umalis, paulit-ulit din kitang hahanapin. Kahit ilang beses ka pang tumakbo palayo, hahabulin pa rin kita kahit gaano kalayo..."

"Aziel–"

"Kung iniisip mong mababaw lang ang pagmamahal ko sa 'yo, pwes, nagkakamali ka, Chantria," tiim bagang na aniya habang hindi pa rin namin inaalis ang malalim na tingin sa isa't isa.

"Hindi bale nang maubos ako, basta nandito ka lang sa tabi ko, kontento na ako..."

Nanginig ang aking sistema at naramdaman ko rin ang unti-unting paglalambot ng mga tuhod ko. Na para bang ano mang oras o isang salita pa niya ay tuluyan nang bibigay ang mga ito.

Mahirap mang aminin pero may malaking epekto pa rin siya sa akin. Epektong siya lang ang kayang pumatay at muling bumuhay. Epektong kahit ilang beses nang tinangay palayo ng hangin, bumabalik at bumabalik pa rin. At kahit gaano kadelikado at kasakit, patuloy na hahanap-hanapin.

Siya lang ang bukod tanging kayang magparamdam sa akin ng ganito. Siya lang ang nag-iisang kayang dumurog ng aking puso at muling bumuo nito. Siya lang, wala nang iba.

Putangina, palibhasa alam na alam niya kung paano ako kunin. Alam na alam niya kung paano ako bibigay at papalambutin.

At kahit sa gitna ng unti-unting pagtindi ng tirik ng araw, wala pa ring bumitaw sa titigan namin. Kahit may ilang distansya mula sa kaniya, ramdam na ramdam ko ang iba't ibang emosyong pumapalibot sa pagitan naming dalawa. Kahit masakit sa balat ang init, hindi namin iyon inalintana. Para bang kahit hindi kami nagsasalita, naiintindihan namin ang isa't isa.

Naputol lang ang lahat ng iyon nang makarinig kami ng isang tikhim.

"Uhm, excuse me?"

Naputol ang titigan namin ni Aziel at sabay kaming napalingon kay Kara na may alanganing ngiti sa labi. Itinaas niya ang kamay para kumaway sa amin na sinundan pa ng nahihiyang pagkamot sa batok.

"A-Ano 'yon, Kara?" tinanong ko na dahil mukha namang walang balak magsalita si Aziel. Nang sulyapan ko siya ay muli na namang bumalik sa pagiging suplado ang kaniyang mukha.

Tingnan mo nga naman 'tong isang 'to!

Paulit-ulit na sinulyapan ni Kara si Aziel na parang nag-aalangan pa siya kung sasabihin niya o hindi. Kinumpasan ko siya na magpatuloy lang.

"Ano kasi, Chantria, naalala mo ba 'yong inooffer ko sa iyo kahapon? Ay wait lang!" Kumunot ang aking noo habang pinapanood siyang kinukuha ang cellphone sa bulsa ng kaniyang itim na slacks.

"Offer? May inooffer ka ba sa akin?" takang tanong ko pa dahil wala naman akong maalala.

Hinampas niya ako sa braso at inismiran. "Ito naman! Masiyado kang makakalimutin! Iyong dildo at vibrator, teh!" dire-diretsong wika niya kaya nanlaki ang aking mga mata.

Maging si Aziel ay napasinghap at tila naging interasado sa pagbaling ng buong atensyon kay Kara.

Oh my God!

"Hindi ko kasi naisend sa messenger kasi wala ka palang facebook o kahit anong social media accounts!"

"Kara, hindi ko kailangan niyan–"

Hindi niya pinansin ang sinasabi ko at nagawa pang itapat ng walang hiya ang screen ng cellphone sa aking mukha. "Tingnan mo lang 'to. Ayan, may iba't ibang kulay at sizes 'yan. Maganda rin ang quality pero mura lang..."

Para akong tinatakasan ng dugo habang ini-scroll ni Kara ang mga picture sa harapan ko. Hiyang-hiya ako! Pasimple akong nag-angat ng tingin kay Aziel at ang gago'y nakasilip din sa screen at tumango-tango pa sa paliwanag ng babae! Tangina!

"K-Kara, hindi ako bibili niyan..." Nanginig ang boses ko at kulang na lang ay maiyak na ako sa sobrang kahihiyan.

Pero hindi talaga ako pinapakinggan. Tuloy-tuloy lang siya sa pagsa-salestalk. "At eto pa, makinig kayong dalawa ha. Ipapakita ko sa inyo iyong ilan sa mga review ng mga naging customer..."

Napapikit ako at problemadong humilot sa sentido. Gusto ko na lang tumakbo palayo o hindi kaya'y magpakain sa lupa.

"Ito, ito. Wait basahin ko..." ani Kara at atentibo namang nakinig si Aziel. Sumilipd din ako sa screen at nakibasa kahit labag sa loob ko.

Sapphire_fire -

5 stars

Wala akong masabi kundi, ang laki!! Lol first time buying this kind of product, maybe I should've sized down. Pero anyway, we can experiment w/ it naman so ayun, thank you sa seller for the discreet package!! Mabilis din siyang maship & maideliver. Tnx din sa rider!

Update: nagkasya siya sizt lol

r****0

5 stars

Excellent quality 😍

Sanitize muna 💕

OMG 😅😂😂 first time ko mag order ng mga ganito haha kaka shokkkt sya haha ang taba pala ok lang kinaya nman 😂😂

Mabilis akong umiwas ng tingin matapos iyong basahin. Mga limang reviews pa ang binasa niya bago niya patayin ang kaniyang phone.

"Okay ba, Chantria? Sir?" Nagawa pang magthumbs up ng gaga.

Tumango ulit si Aziel. "Ganda, ganda. I like it..." komento pa niya at mukhang impressed na impressed pa nga. Binasa niya ang pang-ibabang labi bago ako balingan ng tingin at pagtaasan ng isang kilay. "Gusto mo ba, babe?"

Umawang ang aking labi at hindi makapaniwalang kumurap-kurap sa kaniya. Nagbabakasakaling babawiin niya iyong sinabi niya o baka inaasar lang ako pero gago, seryoso talaga siya.

Hindi ko na magawang makapagsalita pa. Basta ang alam ko lang, pag-uwi ko sa bahay ay may dala akong dalawang paperbag na naglalaman niyon, napapakamot sa ulo at problemado kung paano ko itatago sa mga tao sa bahay lalo na kay Asher.

And you know what's worse? Aziel was the one who chose the color and bought it for me. Fuck that. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro