Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Ang kaninang ngiti sa labi ng mga kasamahan ko sa trabaho ay unti-unting napalitan ng pagkalito at pagtataka. Palipat-lipat ang tinging iginawad nila sa amin ni Aziel habang may malaking question mark sa kanilang utak.

I chewed the bottom of my lips and hide my shaking hands behind my back. Mas lalo pang naging triple ang kalabog ng dibdib ko nang dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Ni hindi siya kumukurap na para bang kapag ginagawa niya iyon ay maglalaho ako.

"Chantria..." he murmured again and gasped. "Is this real? Is this fucking real?" Halos mapatalon ako nang maramdaman ang masuyong pagdampi ng parehong palad niya sa aking pisngi, sinusuri ang bawat sulok ng aking katawan at mukha.

I was given a chance to examine his physical changes. Wala namang masiyadong nagbago sa kaniya bukod sa mas naging mature ang dating at pangangatawan niya. His hair was a bit longer than before. His face also grew some stubbles and his eyes seems so weary. Para bang hindi siya nagkakaroon ng maayos na pahinga. Mas lalong naging matikas ang kaniyang katawan na para bang isang hawak lang niya sa iyo ay madudurog ka.

Mrs. Lopez tried to stopped him, but she failed. "S-Sir, mawalang galang na po pero baka nagkakamali lang kayo? May asawa na po si Tria–"

"Let them. Just watch and enjoy the drama, Mrs. Lopez, would you?" masungit na sabat pa ni Anne at natutop ng ginang ang kaniyang boses.

Nang lingunin ko si Anne ay nagkibit balikat lang siya sa akin bago umiwas ng tingin. Muli kong ibinalik ang tingin kay Aziel na ngayo'y parang batang humihikbi na sa aking harapan.

"Y-You made me worried for years. Ang tagal-tagal kitang hinanap, Chantria..." he said between his sobs. "Fuck, n-nandito ka lang pala."

Akmang susunggaban niya ako ng mahigpit na yakap, ngunit mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para gawin iyon o siguro masiyado lang siyang mahina ngayon sa kaniyang estado.

"H-Hindi kita kilala!" I shouted at him using my trembling voice.

His jaw dropped, flabbergasted with what I've said. Kitang-kita ko ang pagguhit ng matinding kirot sa kaniyang mukha pero agad din iyong naglaho at napalitan ng matinding pagsusumamo at pag-asa.

He laughed, but it has no humor.

"W-What are you saying, baby? Please, you can't fool me," may pagsusumamong aniya at muli akong sinubukang hawakan pero tinabig ko ang kaniyang kamay.

"B-Baliw ka na... nababaliw ka na. Hindi ko alam iyang mga sinasabi mo. Hindi kita kilala!" asik ko habang paunti-unting dumidistansya sa kaniya pero patuloy pa rin ang kaniyang paglapit at pilit pa rin akong inaabot. Mukha na kaming tanga rito.

"Don't come near me! Stop making a scene!" dagdag na sigaw ko pa at kahit hilam ang mga luha sa kaniyang mata ay luminga-linga sa paligid.

Siguro ay napansin niya ring maraming pares ng paningin ang nanonood sa amin. Marahil ay nakaramdam din siya ng hiya kaya sa huli ay mariin niyang ipinikit ang mga mata at marahas na napalunok.

"Alright, alright. I'm sorry. Nababaliw nga lang siguro ako..." Tila napapaso siyang lumayo at pagak na natawa. "I'm sorry again, M-Miss."

Hindi ako sumagot at tiim bagang lang siyang tinitigan. Inilibot ko ulit ang aking mga mata sa paligid at nagsisimula na silang magbulungan sa isa't isa. Maging si Kara nga nakasilip mula sa loob ng kitchen ay takang-taka sa mga nangyayari. Hindi sinasadyang dumako ang tingin ko kay Anne na magkakrus ang mga braso sa ilalim ng dibdib habang dismayadong umiiling sa akin.

Marahas akong napalunok at kumurap-kurap. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para lumabas ng restobar at tumakbo palayo. Dinig ko pa ang pagtawag ni Mrs. Lopez sa aking pangalan pero hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Tumakbo lang ako nang tumakbo at tumigil lang masigurong nakalayo na ako.

Mabilis ang aking bawat paghinga. Luminga-linga ako sa buong paligid at nang mapagtantong malayo na ako sa mga tao ay saka lang ako nanghihinang umupo sa buhangin.

"Ang tanga tanga mo, Chantria. Ang tanga tanga mo!" Ilang beses ko pang sinampal at sinabunutan ang sarili dahil sa labis na inis na nararamdaman.

I know what I did was wrong and my reason was fucking lame. "Hindi kilala? Do you think Aziel would buy that?" I laughed sarcastically as I continued talking to myself.

I know Aziel too damn well at alam pinakawalan lang niya ako dahil ramdam niyang hindi ako komportableng humahakot kami ng maraming atensyon. Alam ko ring hindi ako dapat nagreact ng gan'on pero anong magagawa ko? Nagulat ako at natakot. Bago ko pa lang binubuksan at inihahanda ang sarili ko sa posibilidad na magkikita kaming dalawa pero sa isang pitik lang ay heto na siya kaagad sa harapan ko.

"Kahit kailan ay napakaduwag mo, Chantria. Hindi ka pa ba napapagod sa katangahan mo?" naiinis na bulong ko pa. Siguro kung may ibang taong nakakakita sa akin ngayon, iisipin nilang nababaliw na ako... pero totoo naman. Kaunting-kaunti na lang mababaliw na ako.

Natigil ako sa panenermon sa sarili nang tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Dali-dali ko iyong kinuha sa aking bulsa at napakunot pa ang noo nang makita ang pangalan ng kaibigan ni Elias na Jojo sa screen.

Hindi naman siya tumatawag o nagtetext sa akin. Nakasave lang talaga ang number niya dahil incase na magkaroon ng emergency sa bahay at wala si Elias ay siya ang tatawagan ko.

Suminghap ako. Emergency!

Agad kong pinindot ang answer button at itinapat sa tainga ang telepono. "Hello, Jojo?"

"Tria!" Dinig ko ang malalim niyang pagbuntonghininga sa kabilang linya. "Buti naman sumagot ka na. Kanina pa kita tinatawagan!"

I nibbled my lips as I answered, "B-Bakit? May nangyari ba?"

"Oo, eh. Si Nanay Vicky isinugod namin sa hospital dahil biglang nahimatay sa loob ng cr nyo kaya nabagok ang ulo–"

"Ano?!" Mabilis akong napatayo dahil sa matinding gulat at pagkataranta. "Papunta na ako riyan! Nasaan si Asher? Kasama nyo ba?! Ano na'ng balita kay Nanay? Okay na ba siya o malala ang pagkakabagok niya?!" sunod-sunod kong tanong habang tinatahak ang palabas ng resort.

I even saw Aziel running toward me and calling my name again, but I was too busy to give him the attention he wanted.

"Tria, kumalma ka, puwede? Okay na si Nanay Vicky. Huwag kang mag-alala dahil inaasikaso na siya ngayon ni Elias. Si Asher naman iniwan ko r'on kina Aling Naneth." Pagtukoy niya sa kapitbahay namin. "Siya na muna ang puntahan mo dahil kanina pa umiiyak. May nakaaway yatang mga kalaro niya..."

My forehead knotted with what he'd said. Si Asher? Nakipag-away? Imposible naman, hindi gawain iyon ng anak ko!

"Sige, salamat, Jojo. Pauwi na ako," tanginang nasabi ko na lang bago pinatay ang tawag.

Akmang sasakay na ako ng tricycle nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko iyon at nakita ko si Aziel na tumatakbo papalapit sa akin.

"Chantria, wait!"

I groaned exhaustedly and massaged my temple. Muli kong hinarap ang driver na naghihintay na sa akin. "Kuya, wait lang, ah? Saglit lang po ito."

Tumango siya. "Sige lang, Neng."

"Chantria..."

Binaling ko ulit ang tingin sa lalaking ngayo'y nakatayo at humahangos sa aking harapan. May namumuong pawis pa sa kaniyang noo pero hindi niya iyon alintana.

Tiim bagang kong pinantayan ang titig niya. "What is it this time, Aziel?"

I saw him stunned on his position when I mentioned his name. Umawang ang kaniyang labi at nakatungangang kumurap-kurap sa akin.

I raised my brows, getting impatient. "Kung wala kang sasabihin, aalis na ako. Sa ibang panahon na lang tayo mag-usap–"

He cut me off, "I'll come with you, then."

"No," I answered using my stern voice but my heart was thumping wildly. You cannot see your son, Aziel, please, Not right now. Hindi ko na siya ipagdadamot sa 'yo pero bigyan mo muna ako ng pagkakataon para ihanda siya... pati na rin ako.

"W-Why? Please, hindi ako manggugulo. Kahit hindi mo ako kausapin, sasamahan lang kita."

"I said no!" Napaatras siya sa laki ng boses ko. "This is a family matter only and I don't need you to be there! Stop... stop pestering me!" Tinulak ko pa siya palayo sa akin bago nagmamadaling sumakay ng tricycle.

'Chantria..." he called me again using his low tone pero hindi ko na siya pinansin pa.

"Alis na po tayo, Manong," walang ganang saad ko sa driver at agad naman siyang tumalima.

Nang medyo makalayo na kami ay saka ko lang siya nilingon at napabuntonghinga na lang ako nang makitang naroon pa rin si Aziel. Tulala at halos hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"Mabuti naman dumating ka na, Tria. Kanina pa umiiyak 'yang anak mo, hindi ko na alam kung paano ko pa patatahanin," kamot ulong sumbong sa akin ni Aling Naneth.

"Nasaan po ba siya?" tanong ko sa ginang.

"Nandoon na siya sa kwarto nyo. Puntahan mo na," aniya at tinapik ang aking balikat.

"Salamat po..." Yumuko ako sa kaniya bilang pasasalamat bago tinahak ang kwarto.

Hinawi ko ang kurtina at halos tumigil ang tibok ng aking puso nang makita ang anak kong nakaupo sa kama at humahagulhol ng iyak.

"Anak..." mahinahong pagtawag ko sa kaniya at agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"M-Mimi ko..." Nanginginig ang kaniyang boses at puno pa ng luha ang kaniyang buong mukha. Namumula na rin ang kaniyang ilong, senyales na kanina pa siya nasa ganitong sitwasyon.

Parang dinudurog ang aking puso at para akong tinatakasan ng lakas habang pinagmamasdan siya. Marahan akong umupo sa kama at binuhat siya paupo sa aking mga hita.

"M-Mimi..." he called me again using his tiny voice and clung his arms behind my neck. Nagsumiksik siya sa pagitan ng aking leeg at balikat habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Tears formed into the side of my eyes while listening to his sobs. My son was my weakness and hearing his cries was the last thing I wanna hear. For fuck sake's, I'd rather die than see him in this kind of situation.

"Bakit umiiyak ang baby ko, hmm? May masakit ba sa 'yo? May umaway ba sa 'yo? Sabihin mo kay Mimi..." I urged him to speak. Sinubukan kong kalasin ang pagkakayakap siya sa batok ko pero nagmatigas siya na sinundan ng maraming iling.

"Baby, c'mon, tell me. Mimi's hurting so much when you cry." Nanginig ang aking boses dahil sa labis na pag-aalala. Wala pa man siyang sinasabi, nasasaktan na ako.

Umayos siya ng pagkakaupo sa aking kandungan at nagpipigil ng mga luhang tumitig sa akin. Aziel's face earlier registered in my mind. He looked like his father very much. Mula sa pagngiti, pagtawa hanggang sa pag-iyak.

"M-Mimi, totoo po ba na hindi ako love ng real papa ko?" tanong niya kaya natigilan ako.

Awang ang mga labi kong tumitig sa kaniya. Ilang beses kong sinubukang ibuka ang aking labi pero mga kataga na mismo ang bumigo sa akin. Nang wala siyang makuhang sagot ay kinagat niya ang pang-ibabang labi at muling umiyak.

"Masakit ang heart ko, Mimi. Sinabi ko po sa mga kararo ko na hindi ko po totoong papa si Papa Pogi tapos pinagtawanan nila si Ashy. Sabi pa nila, kaya raw po ako iniwan ng totoo kong papa kasi ayaw niya kay Ashy. 'Di niya po love si Ashy, pero bakit po si Papa Elias love po ako?" sunod-sunod niyang tanong habang nakatingala sa akin.

Suminghap ako at mabilis na pinahid ang luhang lumandas patungo sa aking pisngi. Umiling ako sa kaniya. "A-Anak, hindi totoo 'yan. Love na love ka ng totoong papa mo..."

"Pero nasa'n po siya? K-Kung love niya ako Mimi, bakit po hindi natin siya kasama?" he asked again in between his sobs. "Inggit si Ashy sa mga kalaro niya kasi sila kasama totoong papa. Love sila totoong papa nila. Di sila niaaway..."

"Love ko si Papa Pogi pero gusto ko ng totoong papa, Mimi. L-Love ba niya tayo?" he cried harder.

My lips quivered as a my eyes was shred again with tears. My heart broke into a million pieces, but still managed to hug him tightly. "Love tayo ni Papa, anak. Love na love ka niya. Huwag kang mag-alala, promise sa 'yo ni Mimi na malapit mo nang makasama si Papa..."

"Ilang sleep pa, Mimi?" inosente at nakanguso niyang tanong.

Kahit sa gitna ng pag-iyak ay nagawa ko pang matawa nang bahagya. "Kaunti na lang, anak."

Mariin kong ipinikit ang aking mata at pinaulanan siya ng halik sa kaniyang malambot na buhok. "I'm sorry, anak, kasalanan ni Mimi kung bakit hindi mo kasama si Papa, pero pangako ko sa 'yo na makakasama mo na siya at hindi mo na kailangang mainggit sa iba."

He nodded and held my both cheeks. "Huwag ka na rin cry, Mimi. Nahuhurt si Ashy kapag nakita kang nagcra-cry, eh." Hinawakan pa niya ang kaniyang dibdib na para bang nasasaktan kasabay ng muling pamumuo ng kaniyang luha.

Ngumisi ako at hinalikan siya sa labi. "Hindi na, baby."

Ilang minuto kaming nanatili sa gan'ong posisyon hanggang sa naramdaman ko na lang na nakatulog na siya sa dibdib ko. Buong ingat ko siyang inihiga sa kama at kinumutan. Humiga rin ako sa kaniyang tabi habang pinagmamasdan siya ng buong pagmamahal. Umangat ang aking isang kamay para haplusin ang kaniyang maamong mukha.

Sometimes, I think that he doesn't deserve me to his mother. Hindi ako perpekto at hindi ko kayang ibigay sa kaniya ang lahat ng gusto't hinihiling niya. Minsan, pakiramdam ko, hindi pa ako sapat para matawag bilang isang mabuting ina. Akala ko noong una na okay lang kahit hindi na niya makilala ang tunay niyang ama, kasi para sa akin, iyong ang mas mabuti. Iyon ang tama. Pero hindi pala.

Lumaki akong hindi nakasama nang matagal ang aking ina at kulang pa sa pagmamahal ng ama. Kahit kailan ay hindi ko naramdamang tanggap niya ako bilang anak niya. Na kinupkop lang niya ako kasi nandiyan na eh, wala na siyang magagawa.

Kanina habang nakikita kong umiiyak ang anak ko at hinahanap ang totoo niyang papa ay para akong binuhusan ng malamig na tubig Para akong sinampal ng reyalidad nang paulit-ulit. Para akong nagising mula sa napakalalim na panaginip.

Bigla akong napaisip...

Hahayaan ko bang maranasan ng anak kong lumaki na hindi kinikilala ang tunay niyang ama? Bakit ko nga ipinagkakait kay Asher ang mga bagay na iyon kung puwede at may kakayahan naman akong ibigay iyon sa kaniya? Na sa puntong ito, hindi na ako ang kawawa at dehado, kundi ang anak ko.

"I love you, Mimi. Love na love ka ni Ashy..." wika ng aking anak habang nasa gitna ng mahimbing na pagtulog.

Napakurap-kurap ako at natulala pero kapagkuwan ay napangiti na rin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro