Chapter 48
"There were so many things happened while you're gone... but hanggang dito lang ang puwede kong sabihin sa 'yo. Actually, this is not my story to tell nga, eh, pero I just couldn't help myself." She sipped on her coffee and placed it again on the table elegantly. "Kapag nakikita kitang masaya, kumukulo ang dugo ko sa 'yo kasi how the fuck can you peacefully sleep at night knowing that are so many persons longing for you?" tuloy-tuloy na litanya niya.
"Anne–" I was about to speak when her phone rang.
"I'll just take this call." She excused herself and went outside.
I heaved a heavy sigh as I followed her with my weary gaze. Hindi rin iyon nagtagal at muli kong ibinaling ang tingin sa lamesang nasa aking harapan. Napatulala na lang ako r'on habang ina-absorb ang mga nalaman ko sa kaniya.
"I have an emergency. I need to go," wika ni Anne nang makabalik at dinampot niya ang bag na nasa kaniyang upuan.
Awang ang labi ko siyang tiningala at kapagkuwan ay tumayo na rin. "O-Okay."
She gave me a tiny smile. "Thanks for your time. Let's just see each other at work."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumango. "S-Sige, ingat ka."
Hindi na niya ako sinagot at dali-dali siyang naglakad patungo sa exit ng coffee shop, pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay tinawag ko siya ulit at mabilis naman niya akong nilingon.
"Yes?" She raised her brows at me.
I cleared my throat as I stared at her meaningfully. "Please don't tell Aziel where I am..." mababakas ang pagmamakaawa sa aking boses.
Matagal niya akong tinitigan. Kung uutusan niya akong lumuhod ngayon sa harapan niya, walang pagdadalawalang isip na gagawin ko. Kahit anong iutos niya, susundin ko.
Bahagya siyang natawa at nagkibit balikat. "Hindi ko maipapangako."
Iyon ang huling kataga niya bago tuluyang tumalikod at maglakad palayo. Bagsak ang balikat kong pinagmasdan ang papalayo niyang bulto. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo at inihilamos ang parehong palad sa aking mukha.
Hindi ko maproseso nang maayos ang lahat ng nalaman ko kay Anne. May parte sa aking gustong paniwalaan siya, ngunit mas malaking bahagi ang nagsasabi na may punto ang lahat ng sinasabi niya.
Naiwan akong tulala at lumilipad ang isip matapos ng pag-uusap naming dalawa. Hindi na malinaw sa akin kung paano ako nakalabas ng coffee shop at nakauwi sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa pinto ay agad na akong sinalubong ni Asher na mayroong malawak na ngiti sa labi habang nakatingala sa akin at nakalahad ang maliit niyang palad.
"Mimi! Pasayubong!" Tumalon-talon pa siya sa sobrang pagka-excited kaya bigla akong dinapuan ng pagka-guilty.
Shit! I forgot! Nangako nga pala ako sa kaniya.
I lowered myself, caressed his fluffy cheeks and forced a smile. "I'm sorry, baby. H-Hindi nakabili si Mimi."
His smile fell and his excitement vanished, but then, he still managed to nod his head slowly. "Oki lang. Ashy understands Mimi Ganda." Nagthumbs-up pa siya sa akin at muling ngumiti.
Bahagyang nabawasan ang bigat ng aking nararamdaman habang pinagmamasadan ang aking anak. Nagbago ang buhay ko nang dumating siya. Sa lahat ng mali, siya lang ang bukod tanging tama. Dahil sa kaniya, nagkaroon ako ng dahilang bumangon mula sa matinding pagkakadapa... pero tama si Anne, siguro nga napakamakasarili ng desisyon kong ito. Siguro nga sarili at kapakanan ko lang ang iniisip ko.
"Mimi Ganda?" I went back to my reverie when I heard Asher's tiny voice. Kanina pa pala ako nakatulala sa kaniya nang hindi ko namamalayan.
Tumikhim ako at tumuwid ng pagkakatayo. "Sorry, baby. Kumain ka na ba? Sabay na tayo?" Pilit akong ngumiti at inilahad ang palad sa kaniya.
Masaya naman siyang humawak sa aking kamay at tumatalon-talon pa habang naglalakad kami patungong kusina.
"Magandang gabi, Nay." Humalik ako sa pisngi ni Nanay Vicky na abala sa ginagawa.
Inalalayan ko si Asher na maupo sa silya at siniguradong hindi siya mahuhulog dahil sa kakulitan niya. Pagkatapos niyon ay si Nanay Vicky naman ang tinulungan ko sa paghahanda ng mga pinggan sa lamesa habang siya'y iniaahon sa kawali ang niluto niyang ulam.
"Ako na rito, Tria. Maupo ka na lang," saway niya sa akin pero agad akong tumanggi.
"Okay lang, Nay. Kaya ko na 'to." Tumawa ako nang bahagya at bumuntonghininga naman siya.
"Sige, ikaw ang bahala. Kumusta naman pala ang lakad mo? Nagkausap ba kayo nang maayos?" Nakatalikod siya sa aking gawi kaya hindi niya napansin na medyo natigilan ako roon sa kaniyang tanong.
Mabilis din naman akong nakabawi at nagplaster ng pilit na ngisi sa labi nang sulyapan niya ako.
"Okay naman po. Uhm... nagkwentuhan lang," pagsisinungaling ko. Akmang ibubuka niya ang labi para muling magsalita nang unahan ko na siya para ibahin agad ang usapan. "Si Elias nga po pala? Anong oras ang uwi?"
"Pauwi na rin iyon ngayon. Hintayin na ba natin siya?"
"Sige po, Nay."
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Elias at sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Tahimik lang ako habang sinusubuan si Asher.
Sumasali lang ako sa usapan nilang mag-ina kapag mayroong tinatanong sa akin si Nanay Vicky. Kagaya ng mga nagdaang araw, hindi pa rin ako kinikibo ng lalaki. Kinakausap lang niya ako kapag may mahalaga siyang sasabihin ko o kung tungkol iyon kay Asher.
Ako na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan namin. Si Nanay Vicky ay nauna nang magpahinga at si Elias naman ay inaasikaso ang anak ko sa pagtulog nito. Matapos ko sa gawain ay kumuha ako ng beer sa loob ng fridge. Alam ko sa sarili kong hindi kaagad ako dadalawin ng antok sa dami ng gumugulo sa isipan ko.
Preoccupied ako habang binubuksan ang bote kaya nang bumaling na ako palabas ng bahay ay halos mapatalon ako sa gulat sa presensya ni Elias. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan ng kwarto, magkakrus ang mga braso sa ilalim ng dibdib at malamig akong pinagmamasdan. Bumaba ang hawak niya sa dala kong alak.
"Iinom ka na naman?" Salubong ang kaniyang kilay habang pinagmamasdan ako.
Tumikhim ako't matamlay na nagbaba ng tingin sa sahig. Pinipigilan ko ang namumuong panunubig ng aking mga mata. Ito na lang ulit ang unang beses na kinausap niya ako magmula noong magtalo kaming dalawa.
"P-Pampaantok lang," mahina kong tugon, pero sapat na para marinig niya.
"Lalabas ka ba?"
"Hmm..." Tumango-tango ako. "Diyan lang sa dalampasigan. Hindi naman ako lalayo."
Mataman niya akong tinitigan bago nagpakawala ng buntonghininga. Binasa niya ang pang-ibabang labi bago ibinato ang isang itim na hoodie na mabilis ko namang nasalo. "Isuot mo 'yan dahil malamig sa labas. Hindi kita masasamahan dahil walang magbabantay kay Asher... pero huwag kang magtatagal doon, Tria."
I nodded weakly at him. "Oo, s-salamat."
Lumabas na ako at umupo sa buhanginan. Agad kong tinungga ang bote ng beer hanggang sa mangalahati iyon. Wala nang tao sa buong paligid. Tumingala ako at matamlay na napangiti nang makita na ang napakaraming bituin pati na rin ang bilog na bilog na buwan. Kalmado ang bawat paghampas ng alon sa dagat, kabaliktaran sa kung anong nilalaman ng isipan ko.
I suddenly remembered Aia and her death again. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap. Walang malinaw na dahilan sa kaniyang pagkamatay dahil hindi sinabi sa akin ni Anne. Sinubukan kong i-search sa internet kanina pero bukod sa plane crash, wala nang ibang impormasyon pa ang mahahanap doon.
Niyakap ko ang aking parehong tuhod at sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang bumuhos ang masasaganang luha. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman. Hanggang kailan ba ako hahabulin ng anino ng nakaraan? Hanggang kailan ko pa dadanasin ang hirap at bigat ng puso? Mahirap ba talagang ibigay ang kapayapaan at simpleng buhay na hinihingi ko?
Ang dami kong pinangako kay Aia noon. Sinabi kong hindi ko pababayaan ang Kuya niya. Na iintindihin ko siya hanggang sa abot ng aking makakaya at marami pang iba.
My heart sank when I realized that I broke all those promises.
Itinakip ko ang aking palad sa bibig upang pigilan ang pagkawala ng malalakas na hikbi. "I'm sorry, Aia. I'm sorry. Minahal ko naman siya, napagod lang ako..." I murmured as if that was an enough reason for failing to fulfil all my promises.
But that was also the truth. I got tired. Napagod ako hanggang umabot sa puntong naging sarado na ang isip at mata ko na alamin pa ang dahilan ng mga taong nasa paligid ko. Napagod ako sa puntong pakiramdam ko'y paulit-ulit na lang akong ginagago.
At kung hindi pa dahil sa naging pag-uusap namin ni Anne, hindi pa ako maliliwanagan. May pagkakamali rin ako. Masiyado akong naging padalos-dalos sa mga naging desisyon ko. Na imbis na harapin ang problema, tumakbo ako palayo.
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang maramdamang tila ba mayroong nagmamasid sa akin sa 'di kalayuan. Kumunot ang aking noo at kahit buwan lang ang siyang nagtatanglaw liwanag sa kabuuan ng lugar ay luminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong nakita na kahit na sinong tao.
Ngumuso ako at pinahid ang mga luha gamit palad. Suminghot ako at tumayo na nang marinig ko ang pagtawag ni Elias sa aking pangalan at pinapapasok na ako sa loob. Ipinagkibit balikat ko na lang, baka epekto lang ng pagod.
Ang mga sumunod na araw ay iginugol ko sa pagtra-trabaho. Good thing, Anne didn't bother me anymore. Araw-araw kaming nagkikita since basically she was my boss, but then, she was ignoring me. Kinakausap lang niya ako kapag mayroon siyang iuutos pero higit pa r'on ay wala na kaming ibang interaksyon na siyang ipinagpapasalamat ko naman.
"Tria, saan ka naka-assign ngayon?" tanong ng isa sa kasamahan ko sa trabaho.
"Third floor, left wing sana, kaso pinapalipat ako ni Mrs. Lopez sa restobar. Kulang daw kasi sa tao, eh."
"Ayos pala! Doon din ako. Sabay na tayo?" she offered and I immediately agreed with that.
Wala naman akong choice dahil siya lang naman ang nag-iisang kasundo ko sa trabaho. Iyong iba kasi ay masiyadong mainit ang dugo sa akin. Either nagagandahan sila sa akin o kilala nila ako bilang asawa ni Elias. Crush ng bayan iyong lalaking iyon, eh, pero masiyadong suplado at focus sa trabaho. Minsan nga naiisip ko na lang na baka lalaki rin ang hanap ng isang 'yon? Okay lang naman.
Naglakad kami patungong restobar na nasa likod lang ng hotel. Maraming tao ngayon sa buong paligid. May mangilan-ngilang mga turista at mga staff na abalang-abala sa kani-kanilang trabaho. Nakakatuwa dahil unti-unti nang nadidiskubre ang lugar na ito. Kumpara noong bagong bukas pa lang itong hotel and resort, sobrang kaunti lang ng mga taong pumupunta dahil na rin siguro malayo sa sibilisasyon ang isla. Matagal pa ang biyahe tapos kailangan pang mamangka.
Tandang-tanda ko pa noong una akong makatapak dito. Hindi pa gan'on karami ang tao at magkakahiwalay-hiwalay ang bahay. Tanging habal-habal lang ang transportasyon pero ngayon ay may mga tricycle na. Marami na rin ang nagtatayo ng mga negosyo kaya naman hindi na kailangan pang lumuwas ng siyudad o mangibang-bansa ng mga tao dahil sa maraming oportunidad na nagbubukas dito.
"Sabi pa ni Mrs. Lopez, mga bigatin daw iyong mga guest na dadating mamaya. Excited na 'ko! May pogi kaya?!" Kara giggled in excitement.
"Talaga? Naku, huwag kang umasa. Malay mo matatanda na pala?" pagbibiro kaya napaisip siya.
"Ay okay lang. Basta magaling pa rin sa kama at hindi pa nirarayuma!"
Namilog ang bibig ko at hinampas siya sa braso. "Iyang bunganga mo, Kara!"
"Bakit? Gusto ko na ngang madiligan! Ano bang feeling n'on?" inosenteng dagdag na tanong pa niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o susuwayin siya pero kasi kitang-kita ko na curious talaga siya.
"Bakit sa akin mo tinatanong?" I laughed a bit.
"Kasi may asawa ka na! Araw-araw ka sigurong nadidiligan 'no?!"
Napakurap-kurap ako kasabay ng pagkalaglag ng aking panga. Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Kara. I never imagined myself doing that thing with another man lalo na kay Elias. Like what the fuck?
"Ako kasi never ko pang na-experience 'yon, eh. Sawang-sawa na akong paligayahin ang sarili ko. Nabili ko na nga yata lahat ng designs ng dildo–"
"Tangina?" I cursed with her bluntness and roared with laughter afterwards.
Sinimangutan niya ako. "OA kung makareact ha?! As if naman na never ka pa nakakita ng etits!"
"Siyempre, nakakita na! Malaki nga–" I stopped talking when I realized what I'm saying.
Shit! Ngayon naman ay siya na ang humagalpak ng tawa at ako nama'y nahihiyang humilot sa aking sentido. Hanggang sa resto ay panay ang pang-aasar niya sa akin at laking pasasalamat ko nga na sa magkaibang area kami in-assign. Hindi ko kayang tagalan pa ang kakulitan niya. Sa kitchen siya at ako naman ang magseserve.
Pero bago kami magkahiwalay dalawa ay mayroon pa siyang binulong sa akin, "Reseller din ako ng dildo. Ise-send ko sa iyo mamaya sa messenger iyong mga picture and price. Bibigyan pa kitang discount kapag bumili ka."
Tinapik niya ang balikat ko at ngingisi-ngising pumasok sa kitchen. Natawa ako at napailing na lamang sa kalokohan niya. I suddenly missed Leigh and Ate Chantal. Ganiyan din kami kung mag-asaran noon.
Hindi pa gan'on ka-busy rito sa resto dahil kakaunti pa lang ang kumakain pero nang sumapit ang lunch ay saka dumagsa ang mga turistang magsisikain na. Idagdag pa na kanina pa tili nang tili ang dalawang cashier dahil dumating na raw iyong bigating guest.
"Sobrang pogi beh. Jusko, muntik na ngang ma-loose thread itong panty ko! Amoy mabango, amoy mayaman at alam mo 'yong tipong kayang-kaya ka niyang wasakin sa kama, ga'non na ga'non!" hagikhik ng isang babae.
Palihim naman akong napairap habang nagpupunas ng lamesa. Sana dumating si Anne at maabutan silang nagkwe-kwentuhan sa gitna ng trabaho.
"Parang gulat na gulat pa nga si Ma'am Anne n'ong nakita iyong lalaki, eh. Mukhang wala ring idea na may bigating guest ang pupunta kasi Mrs. Lopez yata ang nakausap."
"Talaga ba? Hanggang kailan siya nakacheck-in dito?" intriga pa ng kausap niya.
Pati ba naman iyon tatanungin pa? Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Bakit kaya hindi na lang din sila magtrabaho, ano?
"Hindi ko alam pero sana magtagal siya rito–oh my gosh! Nandiyan na siya!" They both shierked and jump in excitement. Pati tuloy ang ibang customers ay napapalingon din sa kanila.
I groaned and rolled my eyes again heavenwards. Mas binilisan ko ang ginagawang pagliligpit ng mga kalat sa lamesa at pati pagpupunas. Hindi ako lumingon kahit na narinig ko ang pagbukas ng glass door at maging ang singhapan ng mga tao sa paligid ko.
Akmang babalik ako sa kitchen para ihatid doon ang mga hawak kong babasaging pinggan nang marinig ko ang pagkuha ni Mrs. Lopez ng atensyon ng lahat at maging na rin ang kaniyang pagsasalita.
"Ladies and gentleman, let's give our biggest guest a warm welcome! The CEO of S&N Enterprises and the owner of the one of successful architecture firms here in the Philippines – Reflex Structures, Mr. Aziel Navarro!"
Tila literal na tumigil ang pag-ikot ng aking mundo kasabay ng pagbagal ng bawat paghinga ko. Para bang bigla akong nabingi at kulang na lang ay mag-ugat ako sa aking kinatatayuan. Gusto kong tumakbo palayo. Gusto kong maglaho. Gusto kong kurutin at sampalin ang sarili sa pagbabaka sakaling nananaginip lang ako.
"No, this cannot be..." I whispered to myself as I felt my tears on verge of crying.
My chest tightened even more when after for so many years, I heard his voice again...
"Good morning," he greeted using his familiar stern and husky tone.
"Mr. Navarro, pili na lang po kayo kung saan nyo gustong pumuwesto,"
"N-No need! I-I think mas mabuti kung bumalik ka na lang sa kwarto mo at doon ka na lang kumain!" dinig ko ang natatarantang pagpigil ni Anne pero hindi siya pinakinggan ni Aziel.
"Why? I like it here, Anne," he uttered, annoyance was evident in his voice.
"B-Basta! Doon ka na lang kumain sa suite mo–"
"Huwag ka ngang paladesisyon. Gusto ko rito," Aziel cut him off and I heard some laughters from other customers.
Gago!
Kahit nanginginig ako sa labis na kaba at tindi ng emosyon, sinubukan ko pa ring lumakad nang walang ingay ang mga paa papasok sa loob ng kitchen... pero hindi ko pa man iyon tuluyang naihahakbang palayo ay natigilan muli ako nang sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa naisipang tawagin ni Mrs. Lopez ang pangalan ko.
"Tria, pakilinis naman nitong table rito sa may tabi ng glass wall," utos niya.
"T-Tria?" I heard Aziel's asked as if he heard it wrong.
"Oo, si Chantria po, Sir. Bago lang siya rito pero siya ang pinakamagaling at magandang employee namin. Bagay po sana kayo, Sir, kaso may asawa na..." daldal ni Mrs. Lopez at nagawa pang tumawa ng bruha.
Matagal akong natulala at natuod sa kinatatayuan. Ilang beses pa akong tinawag ni Mrs. Lopez at ibang kasamahan. Maging si Kara na nakasilip mula sa kitchen ay nakakunot ang noo sa akin at tila naguguluhan sa inaasta ko. Bumagsak ang aking balikat at napalunok nang marahas bilang hudyat ng pagsuko. Bumuga ako ng hangin bago dahan-dahang humarap sa direksyon niya.
His eyes widened as his mouth fell opened. I clearly saw how his hot tears escape from him when our gaze locked. The coldness in his eyes immediately melted and his ruthless aura turned soft as he stared at me with longingness.
"My wife..." he whispered, crying, but enough for me to hear.
I guess this was the end of my hiding journey from him. Because since then, I knew that once he found me, he wouldn't let me escape again.
***
note: hi guys, sorry kung medyo bumabagal ang uds nitong mga nakaraang linggo. h'wag po sana kayong mainis or magalit since super busy lang po sa school and other responsibilites lalo na po sa thesis. may mga times na gustuhin ko mang magsulat kaso hindi kaya ng oras since minsan pagod na rin talaga lalo kapag pumupunta akong school at inaabot din ng almost three hours ang biyahe papunta ron at pauwi (i'm from quezon and sa laguna ang school ko, nagbabalikan lang ako haha) btw, last 7 chapters for mistreated wife! <33
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro