Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

"Okay ka lang, Tria?" Umupo sa aking tabi si Elias at inakbayan ako.

Malalim na ang gabi pero nandito pa rin ako sa labas ng bahay. Pinapanood ko ang kalmadong pag-alon ng dagat pati na rin ang liwanag ng bilog na buwan habang nakaupo sa buhanginan at may hawak na isang bote ng beer.

Hilaw akong ngumisi sa kaniya. "Oo naman." Matagal siyang tumitig sa akin, tila hindi kumbinsido, kaya naman bahagya akong natawa. "Okay nga lang ako."

Umingos siya na may halos pagkasarkastiko. "Kilalang-kilala kita, Tria. Alam na alam ko kung kailan ka masaya, malungkot o may problema kaya sinong niloko mo?"

Unti-unting nabura ang hilam na ngiti sa aking mukha kasabay ng pag-iwas ng tingin sa kaniya. Para akong napipi at naubusan ng mga salita bilang depensa.

Gan'on ba talaga ako kadaling basahin? Gan'on ba ako kahalata?

"Kanina ka pa namin napapansin ni Nanay na parang wala ka sa sarili. Mabuti na lang hindi iyon napansin ni Asher dahil masiyadong libang sa binili mong laruan," wika niya.

Umihip ang malakas at malamig na hangin, dahilan para sumabog ang aking buhok sa aking mukha. Inayos ko iyon at sinikop gamit lang ang isang palad bago nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga.

Nanatiling nasa malalim ang aking isipan at hindi masagot ang kaniyang tanong pero talagang hindi niya ako tinitigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya.

"So ano nga, Tria? May nangyari bang hindi maganda sa unang araw ng trabaho mo?" Umarko ang kaniyang kilay at sumimsim naman ako sa bote ng beer na hawak ko.

Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kaniya ang problema ko, 'di ba? Nahihiya kasi ako na baka lalo pa akong makadagdag sa mga isipin niya pero sobrang bigat din ng dibdib ko ngayon at pakiramdam ko'y hindi ko na kinakaya.

Humigpit ang hawak ko sa inumin nang simulan kong ibuka ang labi para magsalita. "Si A-Anne... she's here."

Kumunot ang kaniyang noo sa kawalan na para bang iniisip pa niya kung sino iyong tinutukoy ko.

"Anne?" tanong pa niya ulit. "Kung hindi ako nagkakamali, siya ba 'yong ex girlfriend ni Aziel?" he asked me.

My lips pressed together as I nodded my head weakly. "Siya nga."

Suminghap siya at rumehistro ang gulat sa kaniyang mga mata. Agad ko ring nabasa ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Anong nangyari? Nilapitan ka ba niya? S-Sinaktan ka?" Marahan niyang hinawakan ang aking braso at tiningnan kung may galos ba ako o ano.

"Wala, baliw." Mabilis kong binawi iyon sa kaniya at umiling. "Hindi naman niya ako nalapitan at mas lalong hindi niya ako nasaktan... but, guess what?"

"Ano?"

"Siya ang boss ko sa trabaho." I laughed bitterly and drank the beer straight until the last drop of it.

Nanatiling awang ang kaniyang labi habang nakatulala sa kung saan. Sinubukan niyang magsalita pero mismong kataga na ang bumigo sa kaniya.

"Bigla akong nagdalawang-isip kung itutuloy ko pa ba ang pagtratrabaho roon kasi alam mo, Elias, natatakot akong sabihin niya kay Aziel–"

"Hindi ba't mas mabuti iyon?" he cut me off and my forehead creased with his question.

"Anong ibig mong sabihin?"

Marahas siyang lumunok bago pilit na ngumiti sa akin. "K-Kasi tatlong taon na rin, Tria, at hindi tamang habambuhay ay ganito ka. Umiiwas, nagtatago at natatakot..."

Sarkastiko akong natawa bago nagtiim bagang. "Hindi kita maintindihan, Elias." Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling dahil hindi matanggap ng kalooban ko ang mga nais niyang iparating.

"Na baka ito na 'yong tamang panahon para harapin ulit sila lalo na ang asawa mo? Hindi na bumabata si Asher. Alam niyang hindi ako ang tunay niyang papa. Siguro hindi pa niya masiyadong naiintindihan iyon ngayon pero dadating at dadating ang araw na hahanapin pa rin niya ang totoo niyang ama,"

"So sinasabi mo bang bumalik na kami sa kaniya?" matigas kong tanong.

He froze but then still managed to give me a smile. "Hindi ba iyon naman ang tama, Tria?"

"Are you hearing yourself, Elias? How can you say that to me? All of the people, bakit sa iyo ko pa maririnig iyan? Akala ko pa naman ay naiintindihan mo ako?" panunumbat ko sa kaniya at dala ng sobrang inis ay tumayo na ako.

Tumingin ako sa malayo, salubong ang aking kilay at magkakrus pa ang mga braso. Wala pa man si Asher, buo na ang desisyon kong huwag ipaalam kay Aziel na nagkaroon kami ng anak dahil hindi ko maatim na araw-araw siyang makita o makasama. Masiyadong malalim ang ibinigay niyang sugat sa puso ko at aaminin kong hanggang ngayon, hindi pa rin lubusang naghihilom ito.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang pagtulo ng nagbabadyang luha. "Wala akong planong ipakilala si Asher sa tatay niya. Hindi bukas, hindi ngayon at hindi kahit kailan. He don't deserve my child–"

"Seryoso ka pala talaga riyan?" Tumayo na rin siya kaya napalingon ako sa kaniya. Nagtagisan kami ng matapang na tingin sa isa't isa. Nagpupuyos sa sama ng loob ang dibdib ko at kitang-kita ko naman ang pagkairita sa kaniyang mga mata. "Tria, ganiyan ba talaga katigas ang puso mo na kaya mong ipagkait ang totoong pamilya para sa anak mo? At para na rin sa totoong kaligayahan mo?"

"Hindi mo ako naiintindihan, Elias!" sigaw ko sa kaniya.

"Oo tama ka, hindi na nga kita maintindihan," pagsang-ayon niya pero sa kalmadong boses pa rin.

Nanlabo ang mga mata ko nang magsimula nang mag-unahan sa pagbagsak ang aking mga luha. Sinapo ko ang aking labi para pigilan ang bawat hikbi. "Sabihin mo na lang kung ayaw mo sa amin, Elias. Sabihin mo na lang kung nauumay ka na sa pagsalo mo ng mga responsibilidad. Maiintindihan ko naman basta huwag mo lang kaming ipagtabuyan pabalik sa kaniya..."

Bumuga siya ng hangin at inihilamos ang parehong palad sa kaniyang mukha. Tila na nabibigo na siyang may maayos na kahahantungan pa ang pag-uusap naming dalawa.

"Tria, hindi ko kayo ipinagtatabuyan dahil alam nating sa simula pa lang ay hindi ka na para sa ganitong klaseng pamumuhay. Masaya akong dumating kayo ni Asher sa buhay ko pero alam kong may hangganan din ang lahat ng ito. Hindi kita isasauli sa kaniya kasi alam kong sa una pa lang..." Tumigil siya sa pagsasalita at nanatiling awang ang labing tumingala upang pigilan din ang pagluha.

Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay halos tumagos sa kaluluwa ko ang nakikita kong lungkot sa kaniyang mga mata. "A-Alam kong una pa lang ay hindi kayo para sa 'kin at sa totoo lang ay nasasaktan ako para sa asawa mo kasi pinagkakaitan mo siya ng karapatang dapat sa simula pa lang ay siya na ang sumasalo..."

"Pinagkakaitan mo siyang maging ama. Pinagkakaitan mo si Asher ng buong pamilya at pinagkakaitan mo ang sarili mong maging tunay na masaya. Hanggang kailan, Tria? Hanggang kailan pa?"

Iyon ang mga huling katagang sinabi niya bago ako talikuran at walang lingon-lingong pumasok sa loob ng bahay. Matagal akong natulala habang pinoproseso ang mga sinabi niya. Dahan-dahan akong napaupo ulit dahil sa labis na panghihina. Niyakap ko ang aking mga tuhod bago humagulhol ng iyak.

Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa akin pero talagang gulong-gulo ang isip ko. Bakit parang ngayon ay ako na ang masama? Ginagawa ko lang naman 'yong sa tingin ko ay tama dahil hindi lang ito para protektahan ang aking sarili pero para na rin sa anak ko.

Kayang-kaya kong tumayo kapag nadapa ako. Kaya kong tiisin lahat ng sakit, kasinungalingan at maging ang lahat ng panggagago pero hindi ko makakaya kung anak ko na ang madadamay rito. Oo na, makasarili na kung makasarili pero proprotekahan ko siya sa paraang alam ko.

I will protect him even if it means taking him away from his father. I know what would be the best for my child and I would stick to that. No one was gonna ever change my mind.

Wala kaming imikan ni Elias sa mga sumunod na araw. Malamig ang pakikitungong ibinibigay niya sa akin. Ito ang unang beses na nagkaroon ng tampuhan sa pagitan naming dalawa. Nalulungkot ako pero nagpapasalamat pa rin dahil hindi iyon napapansin ni Asher.

Sa trabaho naman ay palagi kong nakikita si Anne. Hindi naman niya ako nilalapitan pero nahuhuli kong palagi siyang nakatingin sa akin. Kung saan ako naka-assign ay naroon din siya. Hindi ko alam kung coincidence lang o sadyang nagmamatyag siya sa bawat galaw ko.

May isang beses pa ngang naabutan ko siya sa sun lounger at kaharap ang laptop niya. Habang naglilinis ako ay nahuli ko siyang kinukuhanan ako ng picture. Kumunot ang aking noo sa kaniya pero ang loka ay nagawa pang ngumiti sa akin. Ibinaba niya ang cellphone at bumalik sa ginagawa.

Dala na rin siguro ng labis na pagkairita ay hindi na ako nagdalawang isip pang lapitan siya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.

"Yes? What do you need?" kunwaring inosenteng tanong niya dahilan para mas lalo akong magngitngit sa galit.

Tumiim ang aking bagang at pilit na kinalma ang sarili. "Why are you taking pictures of me without my permission?" walang patumpik-tumpik kong tanong.

Umawang ang kaniyang labi pero kapagkuwan ay pagak na natawa. Isinara niya ang laptop na nakapatong sa kaniyang hita at inilagay iyon sa pabilog na lamesang malapit lang sa kaniya.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin at mababakas ang pang-uuyam sa kaniyang mukha. "Excuse me? What makes you think na kinukuhanan nga kita ng pictures? Bakit ang assumera mo?"

"Hindi ako tanga, Ma'am." I emphasized the last word as I stared coldly at her. Inilahad ko ang isang palad ko sa kaniya.

"Hindi ka tanga? Sure ka riyan?" Humalakhak siya at inipit sa likod ng tainga ang takas niyang buhok.

Wala pa rin yatang pinagbago ang gaga. Mariing kumuyom ang aking kamao, ipinikit ko ang aking mga mata at ipinilig ang ulo para pakalmahin ang naghuhurumentado kong damdamin.

"Just... delete that," pakiusap ko pa.

Walang silbi kung makikipag-argumento pa ako sa kaniya pero hindi ako komportable sa ginawa niyang pagkuha ng litrato sa akin nang walang permiso. Nagtratrabaho ako nang maayos dito, oh.

Ngumuso siya at umiling. "I won't. "

"Please, Anne. Delete that."

"I said no. Sino ka ba para utusan ako? You're just my employee here..." she stated, annoyance was evident in her voice.

"Exactly my point! I'm just an employee here kaya sinong matinong boss ang kukuhanan ng litrato ang empleyado niya out of nowhere?" I brawled at her and she just laughed mockingly as she raised her brows at me.

"Why is this a big deal to you, hmm? May ikinatatakot ka ba?" tanong niya at mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti sa labi nang makita niyang natigilan ako r'on.

"I-delete mo na lang. Wala akong kinatatakutan, i-it's just making me uncomfortable." Naging malumanay ang tono ng aking pananalita sa pagbabakasakaling madadaan siya sa maayos na pakikiusap.

Tinitigan niya lamang ako mula ulo hanggang paa. Matagal siya bago nakasagot. "You know, I also have a picture of your son and I know where you live here."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "H-How..."

She just shrugged and grinned wickedly at me. "But sure, I'll delete this, in just one condition."

Hindi ako sumagot. Binigyan ko lamang siya ng matalim na tingin na parang hindi ako natatakot kahit na sa loob-loob ko'y nanginginig na ako... pero hinding-hindi ako magpapauto sa kaniya. Hinding-hindi ako papayag na manipulahin niya ako.

"Okay, madali lang naman akong kausap, eh. Aziel and I are not in good terms pero puwede ko siyang tawagan ngayon din at sabihing nandito ka." Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang phone at may tinipa-tipa roon.

Nataranta ang buong sistema ko pero ayaw ko pa ring magpadala sa kaniya. She's good at taking baits but I knew better. She couldn't fool me.

"Sa tingin mo natatakot ako? Go, tell him. As if he still cares about me," paghahamon ko kaya natawa siya.

"Sasabihin ko talaga. Sayang din ang 250 million na inooffer niya para sa taong makakahanap sa 'yo." Hinawi niya ang kaniyang buhok at ipinakita sa akin ang screen ng kaniyang cellphone.

She was really calling Aziel!

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagkalaglag ng aking panga. Ngingisi-ngisi siyang itinapat sa kaniyang tainga ang telepono at para bang aliw na aliw pa habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.

"A-Anne, huwag!" Dala na rin ng adrenaline rush ay dali-dali kong inagaw sa kaniya ang cellphone at pinatay ang tawag.

Humalakhak siya ng tawa. "Oh, scared much?"

Umigting ang aking panga kasabay paghigpit ng hawak ko sa kaniyang cellphone. At bago ko pa nga madurog iyon ay inagawa na niya sa akin.

"Just agree with my condition and promise, I'll delete on this phone all the information and pictures of you and your kid..."

Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinilot ang kumikirot na sentido. "What condition?"

"I just want us to talk."

"Nag-uusap na tayo," I sarcastically uttered.

She licked her lips and rolled her eyes. "I mean... privately."

"Ano namang pag-uusapan natin at kailangang pribado pa?" Nagsalubong ang aking kilay.

"Bakit ang dami mong tanong? Kung sasagutin ko 'yan ngayon, wala na tayong pag-uusapan pa." Pagsusungit niya sa akin. Hindi na niya ako hinintay pang sumagot at muli siyang nagsalita. "I'll just text you the date, time and when we'll meet."

Anne gave me one last fake smile before turning her back to me. Pinanood ko ang unti-unting paglayo ng kaniyang bulto sa akin at nang tuluyan na siyang mawala sa aking paningin ay nanghihinga akong umupo sa sun lounger.

"Fuckshit!" Mariin kong ipinikit ang aking mata at sinabunutan ang sarili. Nagpapadyak at nagsisisigaw ako sa sobrang pagkairita.

Kasasabi ko lang na hindi ako magpapamanipula sa mga pananakot niya pero anong nangyari? Sa huli ay bumagsak pa rin ako sa pang-uuto niya.

I gasped and felt my phone vibrate. I took it out from my pocket and saw a text from an unknown number.

Saturday, 3 pm. In the nearby coffee shop. Iyon ang nilalaman ng text. Umirap ako't hindi na nag-abala pang magreply. Isa lang namang coffee shop ang mayroon dito sa lugar namin kaya mabilis kong natukoy ang sinasabi niya.

Naging mabagal ang bawat paglipas ng mga araw pero gan'on pa rin kami ni Elias. Hindi niya ako kinikibo at malamig pa rin ang pakikitungo. Umuuwi siya kapag nasa trabaho ako at umaalis din kapag pauwi na ako.

Hindi ko na kailangan pang tanungin kung iniiwasan niya ako kasi obvious naman na. Wala akong ideya kung saan niya hinuhugot ang sama ng loob niya para sa akin. Nagsabi lang naman ako ng problema, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana'y hindi na lang pala.

"Saan punta, Mimi Ganda?" inosenteng tanong ni Asher habang nakaupo sa kama, nakatingala sa akin at pinapanood akong magsuklay. Bahagya pang nakaawang ang kaniyang maliliit at namumulang labi.

I smiled and I couldn't stop myself from pinching his cheeks. "May mahalaga lang na kakausapin si Mimi. Mabilis lang ako, anak. Dito ka muna ulit kay Lola, ah?"

"Ay!" His face saddened as he pouted his lips. "Hindi mo po sama Ashy?"

Binaba ko ang hawak kong suklay at inilebel ko ang aking sarili sa kaniya para magpantay ang aming tingin. "Hindi, baby, eh. Next time na lang, hmm? Dadalhan ka na lang ulit ni Mimi ng pasalubong."

Ipinikit niya ang mga mata nang marahan kong pasadahan ng mga daliri ang kaniyang malambot na buhok. "Oki, Mimi. Wait na lang ikaw ni Ashy dito sa house."

Hinapit ko siya papalapit sa akin upang yakapin nang mahigpit. At kagaya naman ng hilig niyang gawin sa akin, bago ako umalis ng bahay ay pinupog niya ng napakaraming maliliit na halik ang aking pisngi.

"Tria, magtext ka kung gagabihin ka. Uuwi na rin maya-maya si Elias, ipapasundo kita," bilin sa akin ni Nanay Vicky na kaagad kong tinanggihan.

"Hindi na po, Nay. Hindi rin naman po ako magtatagal." Kumaway ako sa kaniya at naglakad hanggang sa makarating sa sakayan ng tricycle.

Hindi naman iyon malayo kaya mabilis akong nakarating. Sa labas pa lang ay tanaw na tanaw ko na si Anne sa dingding na salamin. Nakatulala lang siya sa kapeng nasa kaniyang harapan. Nang makuha ko ang sukli sa driver ay pumasok na ako sa loob.

Tumunog ang chime dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin. Ngumiti ako sa staff na bumati sa akin pero nang magtama ang paningin namin ni Anne ay naglaho iyon.

"Good evening," she greeted me with a faint smile, but I didn't give her any in return. She stared at me for a second before she spoke again. "Uhm... do you want to order–"

I shook my head as I cut her off. "Nah, let's get straight to the point, Anne. Sabihin mo na kung anong dahilan kung bakit tayo nandito. Ayaw kong magtagal dahil hinihintay ako ng anak ko," malamig kong saad kaya natigilan siya.

Hindi makapaniwalang titig ang ibinigay sa akin bago pagak na natawa. Itinaas pa niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Okay, fine. It's not like I want to be with you rin 'no?"

I arched my brows, clenched my jaw and urged her to talk. Ang dami-dami pang pasakalye.

Umayos siya ng pagkakasandal sa upuan at pinagkrus ang dalawang braso sa ilalim ng dibdib. "I-I just want to say sorry," mahinang aniya pero sapat na para marinig ko. Lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha pero hindi rin iyon nagtagal at bumalik na ulit sa pagiging maldita.

My eyes widened a bit, but I didn't answer. She looked at me straight into my eyes.

"Gusto kong humingi ng tawad sa mga ginawa ko noon. Sa pagsadyang panghihimasok ko sa relasyon nyo ni Aziel..." Bumaba ang tingin niya sa tasa ng kapeng nasa kaniyang harapan. "At sa parteng kung saan sa tingin mo'y nagkamali ako."

"I'm saying sorry, not because I'm not mad at youanymore, but because this is the way I know to start forgiving myself too. Aaminin ko, may sama ng loob pa rin sa dibdib ko. Hindi madaling kalimutan ang pagkawala ng anak ko pero... kailangan ko nang umusad, eh. Hindi puwedeng habambuhay ay nasa ganitong sitwasyon ako." Suminghap at pasimpleng pinunasan ang lumandas na luha sa kaniyang pisngi.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at umiwas ng tingin sa kaniya. Noon, hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman niya. I used to invalidate her feelings pero ngayong may anak na ako, naiintindihan ko na. Iyong makita ko lang na masugatan o masaktan si Asher, parang mamamatay na ako sa sakit, paano pa kaya iyong pinagdaanan niya?

Tila muling nanariwa ang sugat sa aking puso nang maalala ang mga nangyari sa pagitan namin noon. Kung paano ako naging makasarili para sa sariling kagustuhan at kung paanong ngayon ay bumalik sa akin ang karma.

"I-I'm sorry, too, Anne." I shifted my gaze at her as I muttered those words sincerely. "Kung hindi dahil sa akin, wala ka sa sitwasyon na ito ngayon."

"If those things didn't happen, I would not be strong like this... that's why I'm still thankful. Siguro hindi pa lang para sa akin ang pagkakaroon ng anak." Matamlay siyang ngumiti sa kawalan.

Umawang ang aking bibig para magsalita pero masiyadong marami ang tumatakbo sa isip ko kaya bigo ako. Bumaba ang tingin ko sa aking palad na nanginginig dahil sa samo't saring emosyong hindi ko mapangalanan. Nasasaktan ako at nahihiya.

"Aziel loves you so much, Chantria,"

I stopped from my track as I heard her saying that statement. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakatingin din siya sa akin. Wala akong mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha.

"He may not be showy, he may be an asshole, but he's really trying to be a better person for you. He's really willing to give up anything without thinking twice just for you."

Doon na tuluyang napigil ang paghinga ko. Hindi ko alam kung anong dapat na ireact ko sa sasabihin niya. Umiling ako't pekeng tumawa.

"Bakit ba natin pinag-uusapan ang lalaking iyon–"

"Because like what I've said, we're not on good terms but I'm hurting for him," she uttered, which made me freeze from my seat again. "Noong nawala ka, sumabog ang balitang willing siyang ubusin ang lahat ng pera at yaman na mayroon siya para lang makita ka..."

"Alam ng lahat kung gaano siya naging miserable noong umalis ka. Kung paano siya lumuhod at magkaawa sa kapatid at stepmother mo. Kung paano siya palaging nagluluto ng paborito mong ulam at nag-aabang sa pinto ng bahay nyo sa pagbabaka sakaling umuwi ka." Nabasag ang kaniyang boses at iyon din ang hudyat para maiyak na ako nang tuluyan.

Bumagsak ang aking ulo at kinurot ang mga daliri dahil baka nananaginip lang ako. Na baka guni-guni ko itong mga naririnig ko pero hindi... totoong-totoo.

"I-I didn't know..." Iyon lang ang bukod tanging nasabi ko.

Despite her tears, she still managed to give me a satirical smile. "Of course you didn't. You only care about yourself, right?"

"Hindi 'yan totoo."

"No, that's the truth. Imbis na tanungin at kausapin mo siya, mas pinili mong kumalawa. Kaya hanggang ngayon galit na galit pa rin ako sa iyo kasi tangina ka... paano mo pa nagagawang maging masaya habang may mga taong nangungulila at araw-araw na nagdadasal na bumalik ka?"

"I was hurt! Hindi madali ang pinagdaanan ko at hindi mo ako masisisi kung mas pinili ko na lang na umalis dahil pagod na pagod na ako! Naduwag na akong tanungin at harapin pa si Aziel dahil pakiramdam ko hindi ko kayang tanggapin ang mga paliwanag niya at lahat ng lalabas sa bibig niya ay hindi totoo!" dire-diretso kong salita sa pagitan ng bawat hikbi.

Wala na akong pakialam kung pagtinginan man kami ng ibang tao rito dahil sa loob ng mahabang panahon ay muling nabuhay ang sama ng loob na kinikimkim ko.

"Hindi mo ako masisisi sa naging desisyon ko. Pinili ko lang kung anong makakabuti sa akin noong mga panahon na iyon. Pinili ko lang iyong sarili ko bago pa ako tuluyang maubos ulit." I shouted, crying.

Her face remained stoic as she listened to me. "Bakit hindi mo na lang aminin sa sarili mong nagiging makasarili ka na naman ulit? Na you always think what's convenient for you. Sige, maiintidihan ko kung hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa kaniya pero, Chantria, nakikiusap ako na huwag mong ipagkait sa kaniya ang bata... ang anak ninyong dalawa."

"He already lost himself when he lost you. He already lost his family and even Aia..."

My forehead creased as she mentioned Aziel's sister. "W-What do you mean he lost Aia?"

As far as I remember, their relationship were fine. Para man silang aso't pusa, alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Mahal na mahal ni Aia ang kuya niya.

Pero lahat ng tanong at kaguluhan sa aking isip ay natigil nang masagot ni Anne ang tanong ko at ang mga katagang binitawan niya ay siyang literal na nagpagimbal ng aking mundo.

"Aia died two years after you left, Chantria."

Literal na nalaglag ang aking panga at labis akong tinamaan ng panghihina. Her words couldn't function properly in my mind. I waited for her to take it back but she didn't.

"W-What..." Hindi ko natuloy ang sasabihin at lumipad ang aking palad sa sarili kong bibig.

"So please, Chantria, hindi na rin iba sa akin si Aziel kaya ako na ang magkakaawa. Just this one, ibigay mo na sa kaniya. Don't let him lose his chance to be a father..." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro