Chapter 45
April 30 when I gave birth with my child. Elias didn't leave my side all throughout the time. He was there beside me, holding my hand, cheering and telling me how strong I am.
"Kaya mo 'yan, Tria. Nandito lang ako," he gently whispered to my ears. I could feel his system shaking in nervousness and how his body tensed up.
Panay naman ang salita ng doctor na kaunting iri na lang ay lalabas na si baby kaya ibinuhos ko na ang aking buong lakas. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon. Tumatagaktak ang butil-butil na pawis sa aking noo kasabay ng tahimik na pagtulo ng aking mga luha dahil sa matinding pagkirot ng aking puso.
Malaking bagay itong pagpapalakas ng loob sa akin ni Elias, pero ano kayang pakiramdam kung mismong si Aziel ang narito ngayon sa tabi ko at sinasabi ang mga katagang iyon?
Ano kayang magiging reaksyon niya sa oras na unang beses niyang masilayan ang anak namin? Matutuwa kaya siya? Maiiyak? Tatalon sa saya?
"Malapit na, Tria. Kaunti na lang," muling bulong ni Elias at mas lalong humigpit ang kapit niya sa aking palad.
"Isang iri pa, Misis," matigas na wika naman ng doctor at agad ko iyong sinunod.
Lahat ng katanungan sa aking isip ay nilipad na lang ng hangin. May parte sa aking hinahanap siya pero mas malaking bahagi ang nagsasabi na hindi namin siya kailangan ng bata.
Sa tuwing naiisip kong nagiging makasarili ako sa desisyon kong ito, binabalikan ko lang ang mga dahilan kung bakit kami humantong sa ganito. Kung bakit ko siya kinasusuklaman na tagos hanggang sa aking buto.
Matapos manganak ay nawalan na ako ng malay dala na rin ng sobrang pagod. Nagising na lamang ako dahil sa iyak ng isang sanggol. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang tumambad sa akin ay ang puting kisame. Ramdam ko ang sakit ng aking katawan lalo na sa pang-ibabang bahagi.
"Gutom na ba ang baby namin? Tulog pa si mimi, eh," malambing na tinig ni Elias ang namayani sa aking tainga.
Unti-unti akong nagbaling ng tingin sa kaniyang gawi. Halos maiyak ako nang makita siyang kalong ang anak ko, malambing na kinakausap at marahang dinuduyan sa kaniyang mga braso.
Natatamaan ng sinag ng araw ang kaniyang mukha. Abot-langit ang kaniyang ngiti at sa sobrang tuwa siguro ay hindi niya napapansin na nagising na ako. Hindi naman ako nagsalita at hinayaan ang sariling panoorin lang siya habang kinakausap ang anak ko.
Ewan ko ba. Siguro nga ay nababaliw na ako dahil mukha ni Aziel ang nakikita ko sa kaniya. Na para bang siya iyong kaharap at kasama ko ngayon.
Mariin kong ipinikit ang mga mata para pigilan ang kahibangang ito.
"Elias is here. He's so much better than Aziel. Handa siyang akuin ang responsibilidad na pagiging ama. Kampante akong hindi niya kami sasaktan at papabayaan..." I reminded myself in my mind.
Why would I settle for less if there was someone who has something better to offer?
Why would I choose danger if there was a place who could offer peace?
And no doubt, it was Elias. No other than him.
"Ano hong ipapangalan nyo sa bata?" tanong ng nurse sa akin.
Sandali akong napaisip at nagbaba ng tingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa aking mga braso. Bukod tanging ako at si Nanay Vicky lang nandito sa kwarto. Pansamantalang lumabas si Elias para bumili ng pagkain.
"Tria? Ano raw ipapangalan mo sa bata? May naisip ka na ba?" mahinahong pag-uulit ni Nanay Vicky kaya napakurap-kurap ako.
Marahas akong lumunok bago buong tapang na nag-angat ng tingin sa nurse na kanina pa nakaabang. "Asher. Asher Liam Saavedra."
"Ang gandang pangalan, Tria," nakangiting komento ni Nanay Vicky at namamaghang sinulyapan ang anak ko. "Bagay na bagay sa kaniya."
Sinsero akong ngumiti. Hindi ko napigilan ang sariling maluha dahil sa labis na tuwa. Ibang klaseng saya ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan siya.
"Asher means happiness and Liam means protector," sabi ko kay Nanay Vicky kahit hindi naman niya tinatanong.
"Ang ganda rin pala ng kahulugan," tugon niya sa akin.
"Hmm..." Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.
Kahit narinig kong bumukas ang pinto ay hind ko pa rin maalis ang mga mata ko sa aking anghel. Siya ang tunay na kahulugan ng kaligayahan. Malupit ang mundo pero gagawin ko ang lahat para siya'y protektahan. Pinapangako kong hinding-hindi niya mararanasan lahat ng naranasan ko at hinding-hindi ko ipagkakait sa kaniya ang mga bagay na hindi ko natamasa noong bata pa lamang ako.
Pagmamahal.
Ngayong nandito na siya, wala nang dahilan pa para mangamba. Simula ngayong araw na ito, handa ko nang ibaon ang nakaraan sa limot at magsimula ng panibagong alaala kasama siya.
Lumipas ang araw at pinayagan na akong umuwi ng doctor pero pinaaalalahanan niya akong limitado lang ang puwede kong gawin. Kaya naman pag-uwi sa bahay ay si Elias lahat ang tumataguyod sa amin. Siya ang nagtra-trabaho, nagluluto ng pagkain, naglilinis ng bahay at pati na rin ang pag-aalaga sa amin ni Asher.
Nahihiya na rin ako minsan dahil pakiramdam ko'y nagiging pabigat na ako kahit na hindi siya nagrereklamo o ni minsa'y hindi niya iyon ipinaramdam sa akin.
Sinabi ko na lang sa sarili ko na kapag okay na ako ay babawi ako sa kaniya. Hindi puwedeng habambuhay lang akong nakaasa.
"Huwag kang mag-alala, Tria. Hindi ka naman mag-isa. Papalakihan natin siya nang magkasama," Elias reassured me.
Ngumuso ako at sumimangot. "Pero paano ka makakapag-asawa niyan?"
"Hindi ko na kailangan noon." Ngumiwi siya at umiling-iling.
"Bakit naman? Hindi ka na bumabata, ah! Puwedeng-puwede ka nang bumuo ng sariling pamilya," pilit ko sa kaniya at nagbaba ng tingin sa anak kong hinehele ko sa pagtulog.
I heard him tsked. "Kayo na ang pamilya ko."
"What?" I stared at him with disbelief and chuckled a bit.
"Si Nanay, ikaw at si Asher. Kayo ang pamilya ko. Hindi ko na kailangan pang humanap ng iba," he repeated bluntly.
Natutop ko ang aking bibig kasabay ng pagliliyab sa init ng aking magkabilang pisngi. Nagbaba ako ng tingin sa aking anak dahil hindi ko makayanan ang titig na ibinibigay sa akin ni Elias.
Kapagkuwan ay pilit akong tumawa at nagkibit balikat. "Sige, sabi mo, eh. Basta huwag kang mahuhulog sa akin. Hindi kita kayang saluhin," pagbibiro ko pa... pero may bahid iyon ng katotohanan.
May dumaang hindi maipaliwanag na emosyon sa kaniyang mukha pero agad din naman iyong nawala.
"Huli ka na. Nahulog na..." bulong niya sa sarili kaya hindi ko naintindihan.
Nagsalubong ang aking kilay. "Huh? Ano 'yon?"
Tipid siyang ngumiti na sinundan ng marahas at sunod-sunod na pag-iling. "Wala. Ang sabi ko, magpahinga ka na. Ako na ang bahalang magbantay kay Asher."
Maingat niyang kinuha sa akin ang anak ko, nag-iingat na hindi magising. Pinanood ko siyang ilipat sa crib si Asher. Kasunod niyon ay ako naman ang inasikaso niya. Pinainom niya ako ng gatas at inalalayang humiga.
"Ang OA mo. Okay naman ako pero kung makaasikaso ka sa akin ay para ba akong lumpo," natatawa't naiiling kong saway sa kaniya habang kinukumutan niya ako.
"Mas mainam nang sigurado," simpleng tugon niya kaya napairap ako.
Umayos ako ng higa at mariing ipinikit ang mata. Naramdaman ko ang marahan niyang pagsuklay sa aking buhok gamit ang kaniyang kamay.
"Matulog ka nang mahimbing, Tria. Ako na ang bahala kay Asher."
I kept my eyes closed and hummed. Dala na rin ng sobrang pagod sa maghapong pag-aalalaga kay Asher ay mabilis akong dinalaw ng antok pero bago pa man ako tuluyang mahimbing ay narinig ko pa ang mga binitawan niyang kataga...
"Kung hindi man ako puwedeng mahulog sa 'yo, hayaan mo na lang akong alagaan kayo hanggang sa abot ng makakaya ko. Hangga't nandito pa kayo. Hangga't hindi pa kayo binabawi sa akin ng asawa mo..."
And Elias was being Elias. When he says it, he will fulfil it no matter what it takes.
Mas naging makulay ang buhay ko simula nang dumating si Asher. Sa sobrang saya at kontento ay hindi ko na namamalayan ang mabilis na pag-usad ng bawat araw, buwan at taon.
Magkasama naming nasubaybayan ang bawat mahahalagang pangyayari kay Asher. Unang ngiti. Unang tawa. Unang pagbigkas ng kataga kahit hindi malinaw. Unang paglakad. Unang pagkadapa, unang sugat, unang kaarawan at marami pang iba.
Lahat iyon ay nasaksihan ng aming mga mata at wala kaming pinalampas na kahit isa.
Tatlong taon. Sa loob ng tatlong taon ay sinikap naming maging mabuting magulang sa kaniya. Si Elias bilang kaniyang ama at ako bilang kaniyang ina.
"Mimi ganda, mewon po ba ako party para sa bukas sa third birthday ko po?" tanong ni Asher habang nasa naglalakad kami palabas ng palengke. Hawak ko ang basket sa isang kamay at ang kabila naman ay mahigpit na nakakapit sa maliit niyang palad.
Nagbaba ako ng tingin sa kaniya at halos tumalon ang puso ko sa tuwa nang magtama ang mga mata namin kahit saglit lang.
"Mayroon, anak, pero hindi kasing enggrande ng birthday ng mga kaibigan mo," I told him and he cheered happily.
Tumalon-talon siya sa tuwa. "Okay lang, Mimi! Kahit po hotdog na may marshmallow lang po, happy na si Ashy!" Bumitiw pa siya sa pagkakahawak ko sa kaniya para pumalakpak.
He let out a tiny and cute giggle.
"Talaga? Marshmallow lang? Ayaw mo ng spaghetti? Hindi ba't favorite mo 'yon?" udyok ko pa.
Inosente siyang tumingala sa itaas at inilagay ang hintuturo sa kaniyang baba na tila nag-iisip. "Hmm... puwede, Mimi, kung may money po tayo?"
I gave him a reassuring smile. "Oo naman, anak. Sasabihin ko sa papa pogi mo para ipagluto niya tayo."
Tumigil kami sa paglalakad nang tuluyan na kaming makalabas ng pamilihan. Nag-abang kami ng tricycle at hindi naman nagtagal ay may tumigil sa aming harapan at agad kaming sumakay roon. Sinabi ko ang lugar sa driver at muli kong binalingan ng tingin si Asher na libang na libang sa mga nakikita sa paligid.
Madalang kasi kaming lumabas o pumuntang bayan. Madalas ay naroon lang siya sa bahay o di kaya’y naglalaro sa dalampasigan.
Sinuklay ko ang malambot niyang buhok. "Ano pang gusto mo, anak?"
Sunod-sunod siyang umiling at malawak na ngumiti. Kitang-kita ko tuloy ang bungi-bungi niyang ngipin. "Toy po kahit one lang..."
"Sige, bibili tayo bukas na bukas din," paninigurado ko sa kaniya, dahilan para sobra siyang magalak at halos hindi na nga mawala ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.
Sa totoo lang ay medyo gipit kami ngayon dahil kalalabas lang ng hospital ni Nanay Vicky dahil pabalik-balik ang sakit niya. Gusto ko mang bigyan ng enggradeng birthday ang anak ko ay hindi ko pa kaya. Gusto ko rin siyang bilhan ng mamamahaling laruan o damit kaso sapat lang ang budget na mayroon kami.
Mabuti na lang ay mayroon akong naipong pera mula sa kung ano-anong sideline na pinapasukan ko. Si Elias naman ay tumigil na pangingisda at bumalik na ulit sa talagang propesyon niya na pagiging nurse. Mayroon kasing nagtayo ng maliit na hospital dito sa isla noong nakaraang taon tapos sa susunod na linggo naman ay magsisimula na rin ang trabaho ko sa isang bagong tayong hotel na malapit lang sa bahay namin. Malaking tulong na rin ang swe-swelduhin ko para sa lumalaking gastusin.
At nakakatuwa rin dahil unti-unti nang lumalaki ang sibilisasyon dito sa isla. Dumadami na ang mga oportunidad dahil sa mga nagtatayo ng negosyo.
Mula sa malalim na pag-iisip ay bumalik ako sa ulirat nang marinig ang tili ng anak ko nang tila mayroong bumangga sa likod ng sinasakyan naming tricycle. Hindi naman gan'on kalakas pero sapat na para medyo maalog kami sa loob.
Tumigil ang tricycle sa gitnang kalsada at rinig na rinig ko ang pagmumura ng driver.
"Mimi! Bangga tayo!" naiiyak na sigaw ni Asher.
"Anak, okay ka lang? Nasaktan ka ba?" Hinarap ko siya at sinipat nang mabuti ang bawat sulok ng kaniyang katawan.
Humahagulhol siya ng iyak at nanginginig pa dahil sa labis na takot. Hinaplos ko ang kaniyang likod para patahanin. Natataranta na rin ako't hindi malaman ang gagawin.
Hindi ko talaga alam ang mangyayari kung sakaling nasaktan nga ang anak ko! Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan! Idadamay pa kami sa pagiging balahura niya sa pagmamaneho!
Nilingon ko naman ang driver na bumaba ng tricycle at tumungo sa likod para silipin ang parteng binangga.
Marami ring nakikiusyo sa nangyari.
"Tahan na, anak. Nasaktan ka ba? May masakit ba sa 'yo? Gusto mo dalhin kita sa hospital–"
"H-Hindi, Mimi. Takot lang si Ashy pero di naman nahurt..." sagot niya sa pamamagitan ng bawat hikbi.
Medyo nakahinga ako nang maluwag pero naroon pa rin ang pangamba. Luminga-linga ako sa paligid, nag-iisip kung anong dapat gawin. Dinig na dinig ko ang maanghang na sagutan ng dalawang driver. Kumunot ang aking noo dahil parang pamilyar ang boses.
Mukhang mahabang usapan pa iyon at walang nais magpatalo. Nagsisimula na ring magtraffic dahil sa kanila.
Bumuntonghininga ako at sinulyapan ang anak kong umiiyak pa rin. "Asher, anak, baba na tayo. Lakad na lang tayo pauwi. Malapit na lang naman, eh. Ayos lang ba sa 'yo?"
Gamit ang isang kamay ay marahan kong pinunasan ang luhang natutuyo na sa kaniyang pisngi. Tumango lang siya sa akin habang sinisinok.
Dinampot ko ang basket at dali-dali kaming bumaba ng tricycle... na sana'y hindi ko na lang ginawa dahil isang hindi inaasahang pagmumukha ang bumungad sa akin.
Natuod ako sa kinatatayuan at hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Umawang ang aking labi kasabay ng labis na panlalaki ng aking mga mata lalo na nang magtama ang paningin naming dalawa.
Malinaw na malinaw sa akin kung paano rumehistro ang gulat sa kaniya. Katulad ng reaksyon ko ay gan'on din ang reaksyon niya. Natigil siya sa pakikipagtalo sa driver at matamang sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Mimi? Mimi?" untag sa akin ni Asher pero hindi pa rin ako gumagalaw.
"C-Chantria, is that you?" Kumurap-kurap siya at bumaba ang tingin niya sa anak ko.
Matagal ang ginawa niyang pagtitig dito. Ipinilig niya ang ulo marahil ay sa pag-aakalang namamalikmata lang siya.
Akmang lalapitan niya ako pero mabilis kong binuhat si Asher at tumakbo kami palayo.
"Chantria, wait!" sigaw pa niya at sinubukan akong habulin pero mabuti na lang ay hinarangan siya ng driver.
"Hoy! Hoy! Saan ka pupunta? Bayaran mo 'tong abala na dinulot mo sa pamamasada ko pati na rin itong sira sa tricycle ko! Akala mo makakatakas ka, ah!" Bakas ang kaguluhan sa itsura ng anak ko pero imbis na magtanong ay kumapit lang siya sa aking mabuti.
Literal na nanginginig ang aking tuhod kasabay ng pangingilid ng aking mga luha.
"Tangina! Sa dinami-rami ng tao, bakit siya pa?!" paulit-ulit akong nagmumura sa aking utak.
Bakit sa dinami-rami ng lugar ay dito pa kami magkikita? Anong ginagawa ni Anne rito sa isla at paano ko itatago si Asher ngayong nakita na niya?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro