Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Masasabi kong sobrang bait ni Nanay Vicky dahil tinanggap at pinatuloy niya ako sa bahay nila na walang halong pag-aalinlangan. Sa loob ng tatlong araw na pananatili ay sobra-sobra ang pag-aalagang ibinigay niya sa akin lalo pa't buntis ako.

Sinamahan niya akong magpacheck-up kahapon sa isang center. Libre lamang iyon pero may bayad ang mga vitamins na ibinigay sa akin. Ako na ang bumili niyon dahil nakakahiya naman kung iaasa ko pa kay Nanay Vicky ang bagay na iyon.

"Ito, bumili ako ng prutas sa palengke kanina. Kainin mo dahil makakatulong sa iyo iyan." Inilapag niya sa lamesa ang isang plastic bag na punong-puno ng samo't saring masustansyang pagkain.

Gabi na at kauuwi lamang niya galing sa pagtitinda sa bayan. Mabuti na lang ay nakapaghanda na ako ng pagkain para sa aming dalawa.

Napakamot ako sa ulo dahil sa labis na hiya. "Nay, ang dami po nito. Baka po wala na kayong tinutubo sa mga paninda nyo," nahihiya kong saad at hindi makatingin sa kaniya.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga na parang napapagod na siya sa paulit-ulit kong sinasabi. "Hindi naman, Tria. Huwag mo akong intindihin dahil binigyan ako ni Elias pambili ng mga iyan para sa iyo."

Napigil ko ang aking hininga at hindi makapaniwalang tumitig sa matanda. "Si Elias po?"

"Hmm." Nakangiting tumango-tango siya at umupo na sa hapagkainan.

"Sa susunod na sweldo niya, dadalhin ka raw niya sa kilalang OB-Gyne para mas sigurado ang check-up mo," dagdag pa niya.

Sinubukan kong ibuka ang bibig pero tila naubusan ako ng mga salitang sasabihin. Ayaw magsink-in nang maayos sa utak ko. Sa unang tingin pa lang ay alam ko nang mabait si Elias. Walang pagdadalawang-isip niya akong pinatulog sa kaniyang kama at siya'y nagtiis sa matigas na upuan. Hindi ko siya nakakausap magmula noong nanatili ako rito dahil sabi ni Nanay Vicky ay straight 36 hours daw ang duty nito sa hospital.

Pagkatapos kumain ay ako na ang nagpresintang maghugas ng aming pinagkainan pero hindi ako hinayaan ni Nanay Vicky. Pinilit niya akong magpahinga na kaya sinunod ko na lang.

Ilang oras na akong nakahiga sa kama at nagawa ko na rin ang lahat ng posisyon pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Maraming bagay na bumabagabag sa isip ko, kabilang na roon si Aziel at ang pamilyang naiwan ko.

Nagu-guilty ako at aaminin kong pilit ko lang pinapatatag ang aking sarili. Desidido akong magsimula ng panibagong buhay na wala siya. Na hindi siya kasama. At paunti-unti sisimulan ko nang tuluyang kalimutan siya.

"Magandang umaga," walang emosyong bati sa akin ni Elias.

Tanghali na ako nagising at naabutan ko siyang umiinom ng kape sa mahabang lamesa. Nasa harapan ay isang dyaryo na kasalukuyan niyang binabasa.

"M-Magandang umaga," mahinang tugon ko.

Luminga-linga ako sa paligid na parang may hinahanap at siguro'y napansin niya kaagad iyon.

"Umalis na si Nanay..." aniya at sumimsim sa kape. Pagkatapos noon ay tiningala niya ako at inilahad ang bakanteng upuang kahoy sa kaniyang harapan. "Nagluto ako ng almusal. Kumain ka na."

Matagal kaming nagtitigan bago ako dahan-dahang tumango. Siyang pag-upo ko ay iyon naman ang pagtayo niya. Buong akala ko'y aalis na siya pero tumungo siya sa kusina para magtimpla ng gatas. Inabot niya iyon sa akin.

"Salamat, Elias." Napalunok ako dahil talagang nai-intimidate ako sa presensya niya.

Hindi siya sumagot at bumalik sa kaniyang kinauupuan. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa ng dyaryo habang ako nama'y abala sa pagkain. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng kutsara na tumatama sa plastic na pinggan.

Sobrang nakakabingi pala ang ganitong klaseng buhay. Nakakabaliw. Walang signal. Walang kahit anong sasakyan ang dumadaan. Sira ang telebisyon at malayong-malayo sa kabihasnan. Malayong-malayo sa nakagisnan kong buhay sa Maynila at sa Anda. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalo akong mababaliw dahil kung ano-ano na lang ang sumasagi sa utak ko.

"Paano ka nga ulit kayo nagkakilala ni Nanay?"

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan nang biglang magsalita si Elias. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan, matamang nakatingin sa akin habang magkakrus ang dalawang braso.

Tinapos ko muna ang pagnguya bago sumagot sa kaniya. "Sa bus. Magkatabi kami sa upuan tapos tinanong niya ako."

Marahan siyang tumango at binasa ang pang-ibabang labi, hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin. "Bakit ka naman napadpad dito sa Bataan?"

I stopped on my track as my breath hitched with his questions. Sa tono ng kaniyang pananalita ay tila ba sinusuri niya akong mabuti. Na para bang mayroon siyang alam at kinukumpirma lang niya iyon sa akin.

"Lumayas ako," I answered without stuttering.

"Bakit?" tanong pa niya ulit kaya medyo nairita na ako.

Saan ba papunta itong usapan na 'to? Bakit siya interesado?

"You don't have to know my reasons." Inirapan ko siya at muling nagbaba ng tingin sa pagkain.

Umigting ang kaniyang panga at umayos ng pagkakaupo. "May karapatan ako dahil nandito ka sa pamamahay ko," matigas niyang usal at itinulak papalapit sa akin ang isang dyaryong nakapatong sa lamesa.

Dinampot ko iyon at ganoon na lamang ang pagsinghap ko nang makita ang aking mukha sa headline ng dyaryo!

"Chantria. Chantria Saavedra? Anak ng isang mayaman at sikat na negosyante at asawa rin–"

"Wala akong asawa," agad kong putol sa sinasabi niya. Hindi nakatakas ang pait sa tono ng aking pananalita. Tila mayroong matalas na kutsilyong humihiwa sa aking puso habang binabanggit ang mga kataga.

Kumunot naman ang kaniyang noo at nagsalubong pa ang makakapal na kilay. "Kahit saan ay laman ang mukha mo. Dyaryo, telebisyon, radyo at social media. Hinahanap ka ng pamilya mo at handang magbigay ng malaking pabuya ang asawa mo. 50 million at araw-araw pang tumataas 'yon."

Umawang ang aking labi at napatulala sa kawalan. Matagal bago naproseso sa isip ko ang sinabi niya.

Fuck, sinasabi ko na nga ba! Kilala ko si Aziel. Mukha lang siyang simple pero alam ko kung gaano kalakas ang kapangyarihan niya. Alam ko kung gaano siya karaming tauhan at alam kong handa siyang magsunog ng pera para mahanap lang ako.

Mabilis na nangilid ang aking luha at bigla akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko. Ayaw ko nang bumalik sa kaniya. Ayaw ko na siyang makita o makasama pero alam kong sa oras na matagpuan niya kung nasaan ako, wala na akong kawala.

"Hindi kita kilala pero malugod kitang tinanggap sa pamamahay ko. Maayos ang pagtrato namin sa iyo magmula nang dumating ka rito..."

"E-Elias..." Mariin kong ipinikit ang mga mata at marahas na umiling.

Dinig ko ang malalim niyang buntonghininga. "Magsabi ka sa akin ng totoo. Iyon lang ang gusto ko. Sobrang maimpluwensya ng pamilya mo, Tria, at natatakot ako para kaligtasan ng Nanay ko."

"I-I'm sorry." Iyon lang ang bukod tanging nasabi ko habang humahagulhol ng iyak.

Mas mabuti ba kung umalis na lang ako rito para hindi na sila madamay? Paano kung may makakita sa akin dito at sapilitan akong kunin kapalit ng malaking halaga na inaalok ni Aziel?

Masiyadong mabuti si Elias at Nanay Vicky para madamay sa gulo at problema kong ito.

"Wala akong sinasabi na umalis ka rito, ah. Ang sa akin lang, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ka umalis sa inyo para alam ko rin kung paano ko kayo proprotektahan ng anak mo."

Puno ng luha ang aking mata ay nagtataka akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Umiwas lang siya ng tingin sa akin at nakita ko kung paanong marahas na gumalaw ang adam's apple niya.

"Anong ibig mong sabihin?" pabulong kong tanong.

Lumingon siya ulit sa akin at pinukulan ako ng medyo matalim na tingin. "Puwede kitang tulungan na mas lumayo pa kung iyon ang gusto mo. Hindi ka puwedeng manatili rito nang matagal."

"Gagawin mo iyon?" Nanlaki ang mga mata ko.

Nagtama ang paningin namin pero agad din siyang umiwas. "Kung iyon ang iyong gusto. Kung ayaw mo pang bumalik sa asawa mo, ako na muna ang bahala sa inyo."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Akala ko noong una ay nabibingi o nananaginip lang ako pero hindi pala.

Seryoso pala talaga siya roon dahil nang lumipas pa ang isang linggo ay nagpasya siyang umalis kami ng Bataan.

Nagresign siya sa trabaho at si Nanay Vicky naman ay tumigil din sa pagtitinda. Matapos kong isiwalat sa kanilang lahat ang buong kwento at ang totoong dahilan ng pag-alis ko ay walang pagdadalawang-isip silang sumama sa akin. Ayaw nila akong umalis nang mag-isa. Ayaw nila akong pabayaan na lang basta.

Sa isang liblib at tawid dagat na isla kami nanatili. Malayo rin sa sibilisasyon at kakaunti lang din ang mga tao. Dito raw noon sila nakatira at umalis lang noong namatay ang tatay ni Elias. Nagrenta kami ng maliit na bahay kung saan sapat lang para sa aming tatlo.

Gamit ang naipon kong pera, tinulungan ko si Nanay Vicky na magkaroon ng puwesto sa palengke kung saan siya nagtitinda ng mga damit. At dahil walang hospital dito, mas pinili ni Elias ang ibang trabaho. Pumapalaot siya tuwing madaling araw kasama ang ilang mangingisda at sa pagbalik ay ibinebenta ang nahuli sa palengke o di kaya'y inililibot niya sa bawat bahay.

"Hindi muna ako papalaot bukas," saad niya sa akin habang naglalakad kami pauwi sa tinutuluyan.

"Bakit naman?" Kunot noo ko siyang tiningala.

Linggo ngayon. Katatapos lang namin magsimba at kumain diyan sa karinderya. May dala pa akong isang plastic bag ng pagkain na para kay Nanay Vicky. Hindi kasi siya sumama dahil tinatamad daw siya.

Medyo dumidilim na ang mga ulap habang naglalakad kami pabalik sa bahay. Nagkukulay kahel na ang langit na sinasabayan pa ng kalmadong alon ng dagat.

"Anong bakit? Check-up mo bukas, 'di ba?" salubong ang kilay na tanong niya.

"Oo..." I answered and trailed off. "Puwede naman akong pumunta mag-isa riyan sa barangay. Malapit lang naman."

Mabilis siyang tumutol sa aking suhestiyon. "Sasamahan kita para mas sigurado."

"Pero–"

"Huwag ka na ngang magreklamo, Tria," asik pa niya at naiinis na inirapan ako.

Bahagya akong natawa at umiling. Para naman siyang asawa kung makapagreact! Kaunting lakad lang naman ang gagawin para marating ang barangay kung saan may libreng check-up para sa mga buntis tuwing lunes at bukas din ang schedule ko.

Ngumiwi ako at napakamot sa ulo. "Sayang din kasi ang kikitain mo kung hindi ka papalaot bukas."

He hissed and rolled his eyes again. "May inipon akong pera. Bibili rin tayo ng vitamins, grocery at mga bagong damit mo kasi ilang buwan na lang magiging butete ka na."

Hinampas ko siya sa braso, dahilan para matawa siya nang malakas. "Ang bastos ng bunganga mo, Elias!" Ngumuso ako at hinimas ang aking tiyan.

Patatlong buwan na ito sa susunod na linggo. Ganoon kabilis ang araw na hindi ko namamalayang lumilipas. Sa wakas ay malalampasan ko na rin ang mga cravings at moodswings na siyang nagpapahirap sa akin. Mabuti na lang ay matiyaga si Elias sa pag-aalaga at pag-unawa.

Gwapo si Elias. Kung tutuusin ay simple lang siya pero malakas ang dating. Kulay abo ang kaniyang mata at natural na bagsak ang kaniyang hanggang balikat na buhok. Napapanatili niya rin ang tikas ng kaniyang katawan.

Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit hanggang dito sa isla ay pinagkakaguluhan siya ng mga babae at kulang na lang ay lumuhod sa kaniyang harapan para mapansin lang.

"Hindi, biro lang. Pero sinasabi ko sa 'yo, Tria, hindi ako papayag na lumalabas ka rito nang mag-isa. Alam mo namana ng sitwasyon mo, 'di ba?"

Hanggang sa makauwi sa bahay ay ipinagpipilitan pa rin niya ang pagsama sa akin.

"Oo nga naman, anak. Mas kampante ako kung kasama mo si Elias sa tuwing lumalabas ka ng bahay..." panggagatong pa ni Nanay Vicky.

Talagang pinagtulungan nila akong dalawa hanggang sa pumayag na ako. Wala naman akong choice, eh. At mas okay na rin talaga kung nandiyan si Elias para hindi ko na kailangan pang pumila. Gustong-gusto siya niyong OB-Gyne na naka-assign dito sa isla, eh.

"Ang overprotective mo, Elias. Tinalo mo pang tunay na tatay nitong anak ko," natatawang sabi ko sa kaniya habang pinapanood ko siyang maghugas ng pinagkainan.

Nakaupo lang ako at hinihimas ang aking tiyan.

Sumulyap siya sa akin at ngumisi. "Sana nga ako na lang," saad niya na siya lamang ang nakarinig. Hindi ko naintindihan dahil masiyadong mahina ang kaniyang boses.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ha? Ano 'yon?"

Umiling siya at humalakhak. "Wala. Sa akin na lang iyon. Magpahinga ka na."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro