Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

I felt betrayed. I felt fucking betrayed for the second time around.

Maraming tanong na gumugulo sa aking isipan pero hindi ako handa sa maaaring maging paliwanag niya. Pilit kong pinipigilan ang pagpupumiglas ng mga masasakit na salita. Gustuhin ko mang lumuha, pakiramdam ko'y hindi ko na magagawa pa.

Ubos na ubos na. Sagad na sagad na. Pagod na pagod na. Gusto ko na lang maglaho na parang bula at kailanman ay hindi na magpakita.

Kahit na nanginginig ang aking sistema, pinilit ko pa ring tumayo at maglakad pabalik sa kwarto kung nasaan ang mga gamit ko.

Sa totoo lang ay blangko ang aking isip sa mga oras na ito pero isang bagay lang ang malinaw sa akin, ayaw ko nang makita pa si Aziel o manatili pa rito.

Mabilis kong dinampot ang aking maleta at sinikop lahat ng gamit sa loob niyon. Wala na akong panahon para ayusin pa dahil alam kong anumang oras ay dadating na si Aziel.

Hindi ko na nadala pa ang ilang gamit. Mabuti na lang ay may pera rin akong inipon kaya hindi ko na kailangan pang problemahin kung paano ako makakaalis sa lintik na pamamahay na ito.

Mabuti na lang ay abala si Manang Yeta sa ginagawa sa kusina at wala ring bantay sa labas ng mansion kaya hindi naging mahirap sa akin ang pag-alis.

Isang hakbang palabas ng bahay ay tumigil ako at mariing ipinikit ang mga mata. Tila mayroong pumipigil sa akin sa desisyon kong ito. Parang sirang-plaka na rumirehistro sa aking isip ang nasasaktan at nagmamakaawang mukha ni Aziel...

"Tangina naman, Chantria. Huwag kang maaawa. Huwag kang bibigay. Matuto ka na," pagkumbinsi ko sa aking sarili at sapilitang inihakbang ang aking mga paa palayo.

Ayaw kong umalis. Gusto ko ng kumpletong pamilya para sa aming dalawa pero paano naman ako?

Paano naman ako na matapos buuin ulit ang tiwala, muli na naman akong ginago?

Paano naman ako na pinaniwala na may karapatan ako sa kaniya na siyang buong buhay na pinanghahawakan ko?

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na may naligaw na taxi sa loob ng subdivision. Pinara ko iyon at agad na pumasok sa loob.

"Saan po tayo, Ma'am?" tanong ng driver mula sa rear mirror.

Natigilan ako't napaisip sandali kung saan nga ba ako pupunta ngayon.

"Ma'am? Ano? Bumaba na lang po kayo kasi sayang ang oras–"

"Sa terminal ng bus, Kuya. Kahit saan basta terminal."

May pag-aalangan niya akong tiningnan sa salamin kaya nagtiim bagang ako.

"May pambayad ho ako. Huwag kayong mag-alala," paninigurado ko pa kaya naman napakamot na lang siya sa ulo.

Abot-langit ang tahip ng aking puso nang makasalubong pa namin ang kotse ni Aziel na papasok ng subdivision. Yumuko ako at pilit na itinago ang sarili sa lapag ng taxi dahil hindi tinted ang sasakyan.

"Okay ka lang ba, Ma'am?" Nilingon ako ng driver.

Dinig ko ang pagbusina ni Aziel pati na rin ang masayang pagbati niya sa security guard.

Shit!

Tumatagaktak ang pawis sa aking noo dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Sinenyasan ko siyang magpatuloy sa pagmamaneho.

"Bilisan mo na lang po, Kuya, please..." pakiusap ko at laking pasasalamat ko nang sundin niya iyon. Hindi na nagtanong pa.

Ilang minuto rin ang itinagal ng biyahe bago narating ang terminal. Nagmamadali akong bumaba dala-dala ang aking maleta. Kumuha ako ng tatlong libo sa wallet at inabot iyon sa driver.

"Ang laki naman nito! Wala pang isang libo ang babayaran mo!" Akmang ibabalik niya sa akin ang sobra pero tinanggihan ko siya.

"That's for you, Manong. Basta kapag may nagtanong sa iyo kung naging pasahero mo ako, itanggi mo. Huwag mong sasabihin kung saan ako pupunta." Iyon ang huling kataga bago tumalikod at maglakad patungo sa bus na paalis na.

"Oh, Miss, sakay ka na! Aalis na, aalis na!" anyaya sa akin ng kundoktor.

Marahas akong napalunok bago humugot ng malalim na buntonghininga. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na. Kung saan man ako dalhin ng apat na gulong ng sasakyan na ito, sasabay na lang ako. Basta isa lang ang gusto kong mangyari sa mga oras na ito... ang makalayo.

Inilagay ko sa taas ng upuan ang aking maleta at umupo sa tabi ng bintana. Habang hinihintay ang pag-andar ng bus ay bigla akong napatulala. Tila nabingi ako sa ingay ng aking paligid at bukod tanging malakas na kalabog lang ng puso ang naririnig.

Wala sa sariling dumako ang palad ko sa aking tiyan.

"Anak, I'm sorry..." I shut my eyes tightly as I felt myself on the verge of crying. "I'm sorry kung magiging makasarili na naman ulit si Mommy."

Sana maintindihan mo ako. Hindi rin madali para sa akin ang gawin ito. Sa pangalawang pagkakataon, pakiramdam ko'y muli na naman akong pinagtaksilan ng mundo.

Umigting ang aking panga dahil sa pagpupuyos ng galit sa aking dibdib. Mabilis ang pagtaas-baba nito kasabay ng pagkuyom ng aking kamao.

You don't deserve this child, Aziel. Itataga ko sa bato na kahit kailan ay hinding-hindi kita hahayaang makita o makilala man lang ang anak mo.

"Ija, gising na."

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at ang unang tumambad sa akin ay mukha ng isang matandang babae. Agad akong napabalikwas sa aking kinauupuan at luminga-linga sa paligid. Wala nang ibang tao, kundi kaming dalawa na lang at ang driver na pababa na rin ng bus.

"N-Nasaan na po tayo?"

Shit! Masiyadong napahimbing ang tulog ko kaya hindi ko na namalayan.

"Nasa Bataan na tayo, ineng," tugon sa akin ng matanda na siyang ikinalaglag ng aking panga.

Bataan? Anong gagawin ko rito sa Bataan?!

Napatitig ako sa ginang habang pinapanood siyang ayusin ang mga dala niyang panindang damit. Napahawak din ako sa sikmura nang maramdaman ang pagkalam niyon. Sumilip ako sa bintana at halos mapasabunot ako sa sariling buhok nang mapagtantong malalim na ang gabi.

Saan kaya ako maaaring tumuloy? Mayroon kayang malapit na hotel dito?

"Saan ka ba, ineng? Taga rito ka ba?" untag pa sa akin ng babae.

Nanghihina akong umiling. "H-Hindi po. Actually, it's my first time here," nahihiya kong sagot.

Inaya niya akong tumayo. Tinulungan rin niya akong kunin ang aking maleta at sabay kaming bumaba ng bus. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya bigla akong nakaramdam ng takot.

"Gusto mo bang sumama sa akin, ineng? Maliit lang ang bahay ko pero pupuwede ka roon..."

Napatingin ako sa ginang dahil sa alok niya. Nakakatempt iyon pero nakakatakot din dahil hindi ko naman siya kilala. Though, nakikita ko naman na mukha siyang mabait at mabuting tao.

"Iyon ay kung may tiwala ka sa akin." Tila mayroong humaplos sa aking puso nang ngitian niya ako.

Kayumanggi ang kulay ng kaniyang kulubot na balat at halos kulay puti na rin ang kaniyang mahabang buhok. Mahahalata rin ang pagod sa kaniyang mukha na para bang maghapon siyang abala sa pagbabanat ng buto pero kahit gan'on, mainit na pagtanggap ang nararamdam ko mula sa kaniya.

Bigla kong naalala si Manang Yeta. Ano na kayang ginagawa niya? Nag-aalala kaya siya sa akin? Alam na kaya niya hindi talaga kami mag-asawa at niloko na naman ako ng alaga niya?

Sa totoo lang ay hanggang ngayo'y magulo pa rin ang isip ko. Parang kahapon lang ay halos perpekto pa ang lahat sa amin ni Aziel. Kanina lang ay nalaman kong buntis ako... at kanina lang din noong malaman ko na peke pala ang mga karapatang pinanghahawakan ko.

Hindi ko alam kung tamang desisyon ba itong ginagawa ko. Umalis ako na hindi nalalaman ng kahit na sino... pero nandito na ako. Wala nang atrasan ito.

"S-Sasama po ako sa inyo," I answered using a small voice.

Muling umukit ang matamis na ngiti sa labi ng ginang bago ako ayain patungo sa sakayan ng tricycle. Habang nasa biyahe ay narinig niyang muli ang pagkalam ng aking sikmura.

"Hindi ka pa kumakain ng hapunan?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa po." Umiling ako.

"Hayaan mo pagdating sa bahay, ipaghahanda kita. Sigurado akong gutom na gutom ka na."

Sumilay ang sinserong ngiti sa aking labi. "Sobrang bait nyo po, Nay. Maraming salamat po."

Matunog siyang ngumisi bago ikumpas ang isang kamay sa ere. "Tawagin mo na lang akong Victorina o puwede ring Vicky. At saka, wala iyon, ija. Puwede kang manatili sa bahay kahit gaano katagal o kung hanggang kailan mo gusto."

Napakamot ako sa batok. "Ay nakakahiya naman po iyon!"

"Hindi, ano ka ba? Dalawa lang naman kami ng anak kong magkasama sa bahay. Madalas din siyang wala dahil sa trabaho kaya mag-isa lang ako," paliwanag niya.

"Hindi po ba nakakahiya naman iyon sa anak nyo?"

"Mabait iyon, ija. Huwag kang mag-alala," paninigurado niya at unti-unti namang kumalma ang sistema ko. "Ano nga palang pangalan mo?"

Saglit akong natigilan at malalim na napaisip. Hindi ko alam kung sasabihin ang totoo pero sa huli ay bibig ko na ang kusang nagdesisyon sa sasabihin ko.

"Ako po si Tria."

"Tria..." pag-uulit niya sa mababang boses at napangiti. "Ibang klase na talaga ang panahon ngayon. Napakagaganda na ng pangalan."

Tumawa ako pero hindi na nagsalita pa dahil tahimik na ang paligid at nilalamon na ng ingay ng tricycle ang mga boses namin. Maliit at mababa lang ang sinasakyan namin at nagdidikit na ang balat naming dalawa. Wala namang problema sa akin, naninibago lang ako at hindi ako sanay sa ganito.

Medyo malamig ang simoy ng hangin na humahampas sa amin. Ang kaninang bayan na punong-puno ng mga kabahayan ay napalitan ng mga kakahuyan. Ang kaninang ingay ng mga tao at sasakyan ay napalitan na ng tunog ng kuliglig. Malayo ang agwat ng mga bahay sa isa't isa. Hindi ko masiyadong mabigyang pansin ang mga detalye dahil madilim na at ang paminsan-minsang ilaw mula sa poste ang nagsisilbing liwanag.

Tumigil ang tricycle sa tabing kalsada at doon kami bumaba. Si Nanay Vicky ang nagpumilit magbayad ng pamasahe. Iginiya ako patungo sa bahay na gawa sa kahoy at plywood.

Hindi iyon malaki, sakto lang. Simpleng tahanan at halatang normal ang pamumuhay. Dala ko ang aking maleta, sumunod ako sa kaniya. Ibinaba muna niya sa lapag ang mga panindang labit niya at kinuha sa bulsa ang susi. Binuksan niya ang pinto at kinapa ang switch ng ilaw.

"Halika, Tria. Tuloy ka," anyaya niya sa akin.

Tumango ako at abalang inilibot ng tingin sa buong paligid. Pagpasok pa lang sa pinto ay naroon na agad ang tanggapan. May maliit na telebisyon at mga picture frame. May mga bangkong gawa rin sa kawayan. Mula rito ay matatanaw na rin ang hapagkainan at kusina. Kagaya nga ng sinabi ko ay hindi ito malaki pero kakaibang aliwalas ang hatid. Mayroong dalawang kwarto at isang banyo sa dulo.

"Pasensya ka na kung makalat. Wala kasi akong panahong maglinis sa umaga. Ngayon ko pa lang magagawa," aniya habang nagsisimulang maghain ng dalawang pinggan sa lamesa.

"Okay lang po, Nay Vicky. Tulungan ko na po kayo riyan." Akmang lalapit na ako sa kaniya nang pigilan niya ako.

"Ay naku, huwag na, Ija. Maupo ka na lang dito dahil alam kong pagod ka sa biyahe."

Nakakahiya man ay tumalima ako sa kaniyang gusto. Habang kumakain ay marami kaming pinag-usapan. Tinanong niya ako kung bakit ako napadpad dito sa Bataan. Tipid na sagot lang ang naibigay ko. Basta ang sabi ko lang, naghiwalay kami ng asawa ko at gusto kong magpakalayo-layo.

Siguro nga... simula ngayon ay sa gan'ong dahilan ko na lang papaniwalain ang sarili ko. Na naghiwalay kami dahil hindi talaga namin mahal ang isa't isa kaysa sa katotohanang hindi naman kami naghiwalay dahil sa simula pa lang ay hindi pala talaga kami totoong mag-asawa.

Nabanggit ko rin sa kaniya na buntis ako kaya mas lalong dumoble ang kaniyang pag-aalala sa akin.

"Bukas na bukas ay sasamahan kita sa bayan para magpacheck-up. Bilisan mo na riyan ang pagkain dahil bawal kang magpuyat!" aligagang wika niya. "Kung may nais kang kainin, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin."

"Nay Vicky, nakakahiya na po. Sobra-sobra na po ito." Umiling-iling ako sa kaniya. Nagbabara ang aking lalamunan at tila ba mayroong malaking bagay na kay hirap lunukin. Unti-unti na ring nanubig ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung para saan itong emosyong nararamdaman ko. Siguro naghalo-halo na ang lahat.

"Sinabi ko sa iyong huwag mo nang isipin iyon. Mahalaga ay ikaw at ang anak mo, Tria," paninigurado niya.

Nagpaalam siya na magbabanyo lang saglit. Sakto namang pag-alis niya sa hapag ay siyang pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon ang isang matangkad, kayumanggi at matikas na lalaki.

Bakas ang kalituhan at pagtataka sa kaniyang mukha. Sinubukan pa niyang kusutin ang mga mata at siniguro kung tamang bahay ba ang pinasukan niya.

"T-Tama naman. Bahay namin 'to," dinig kong usal niya sa sarili habang palipat-lipat ang turo ng daliri.

Tumayo ako sa kinauupuan at bahagyang yumuko bilang pagbati. "M-Magandang gabi po."

"Oh, anak! Nandito ka na pala." Lumabas na mula sa banyo si Nanay Vicky at dumiretso sa kaniyang anak.

Sinenyasan niya akong lumapit din. "Halika, ipapakilala ko kayo sa isa't isa."

Marahan lang ang ginawa kong paglapit. Hindi ko kasi alam kung ngingiti ba ako o ano dahil naiilang ako sa titig na ibinibigay sa akin ng anak ni Nanay Vicky.

I couldn't read if he despised me being here or what. He was just staring curiously at me.

"Ito nga pala ang nag-iisang anak ko, si Elias," nakangiting wika niya.

Magalang ko namang inabot ang kamay sa lalaki. "Hi, I-I'm Tria. Nice meeting you."

Walang salita niyang inabot ang nakalahad kong palad pero mabilis niya ring binitawan. He has calloused big hands and long fingers similar to Azi.

"Dito muna siya mananatili sa atin. Ayos lang ba?" tanong pa ng ina at kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga na siyang ikinatakot ko.

"Ayos lang, Nay. Ikaw po ang bahala," sambit ng lalaki.

Napaawang pa ang labi ko sa lagong at lalim ng kaniyang boses. Lalaking-lalaki. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at ngayon ko lang napansin na puting-puti ang suot niyang damit. Isa siyang nurse. Malaki ang kaniyang katawan at hindi maitatangging may itsura. Sa unang tingin pa lang, alam ko na agad na isa siya sa mga kalalakihang hinahabol at tipong iniiyakan... kagaya ni Aziel.

Bakit ba palagi ko siyang ikinukumpara?

Napakurap-kurap ako at ipinilig ang ulo. Inayos ng lalaki ang strap ng bag sa kaniyang balikat.

"Magpapahinga na 'ko, Nay," paalam niya at matipid na ngumiti sa akin. "Mauna na ako."

Tanging tango lamang ang isinukli ko. Pinagmasdan ko siyang pumasok sa isang maliit na kwarto na tanging kurtina lang ang nagsisilbing tabing. Akala ko'y doon na magtatapos iyon, ngunit laking gulat ko nang muli siyang lumabas ng kwarto.

Nakaitim na t-shirt na ito at panjama. May dala rin siyang unan at kumot. Kukunin ko sana iyon sa kaniya nang kunutan niya ako ng noo.

"Para sa akin ito," aniya sa matigas na salita.

"Huh?" Kumurap-kurap ako at tiningala siya nang may pagtataka.

"Dito ako sa sala. Doon ka sa kama..."

Hindi na niya ako hinintay na sumagot pa at nilampasan na. Ipinatong niya sa kawayang bangko ang unan bago humiga roon. Naiwan naman akong naguguluhan at tulala sa kaniya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro