Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Naging maayos na ang panahon sa mga sumunod na araw at kinailangan niyang lumuwas ng Maynila para sa trabaho. Kinumbinsi niya akong sumama at hindi naman ako tumanggi.

Naisip ko rin na gusto kong bisitahin ang mansion at si Manang Yeta. Gusto ko siyang personal na imbitahin para sa kasal namin ni Aziel at marami rin akong gustong ikwento sa kaniya. Bigla ko siyang namiss! Bigla kong namiss ang ingay ng Maynila!

Sobrang excited ako kaso masama ang pakiramdam ko habang nasa biyahe kami. Hindi rin ako makausap nang maayos ni Aziel dahil palagi akong tulog. Sobrang selan din ng pang-amoy ko at naiirita ako sa tapang ng pabango niya.

Grabe ang pagtitiis ko sa loob ng eroplano. Pigil na pigil ako sa pagbaliktad ng aking sikmura. Nang makababa kami sa airport ay nakaabang na roon ang isang itim na BMW ni Aziel. Naroon din sa likod ang isang SUV kung saan nag-aabang ang mga bodyguard niya na ABC.

Yumuko sila sa amin para magbigay-galang at sila na rin ang nagpasok ng mga gamit sa sasakyan. Mayroon ding media na nagkukumahog na lumapit sa amin pero hindi magawa dahil sa higpit ng security.

"Get inside the car," Aziel commanded me using his soft voice yet a stern look on his face.

Inalayayan niya akong pumasok sa front seat at siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt sa akin. Siniguro muna niyang maayos at komportable ang lagay ko bago humalik sa aking noo.

"I'll just talk to them." Pertaining to his bodyguards.

"Hmm..." I hummed as an answer and rested my head.

Kagigising ko lang pero inaantok na naman ako! Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago isarado ang pinto ng kotse. Nanatili lamang na pikit ang aking mga mata habang minamanduhan niya ang kaniyang mga tauhan, hindi rin naman nagtagal ay pumasok na siya sa driver's seat, binuksan ang makina at sinimulang maniobrahin ang kaniyang BMW. Ang ABC ay nakasunod pa rin sa likod namin.

"Aren't you hungry, baby? Gusto mo bang dumaan tayo sa drive thru?" he asked me as I felt his one callous hand squeezed my thigh.

"I'm fine, hindi ako gutom," tugon ko.

Sakto namang nagkulay pula ang stoplight kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ako nang matagal. Kunot ang kaniyang noo at tila nagtataka sa inaasta ko.

Sa buong biyahe pauwi sa mansion ay siya lamang ang nagsasalita at nagkwe-kwento. Tipid na sagot lang ang ginagawa ko pero hindi naman siya nagrereklamo. Nagkalikot na lang din ako ng kung ano-ano sa cellphone ko at nag-online shopping na rin. Bumili ako ng bagong pabango niya, iyong strawberry scent. Mamaya'y itatapon ko na lahat ng nasa walk-in closet niya.

"We're home!" Aziel announced happily. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa aming bahay. Mula pa lang sa gate ay natatanaw ko na si Manang Yeta na nagniningning ang mata at bakas ang pananabik sa mukha.

Hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan at napansin iyon ni Aziel. Napangisi tuloy siya. Bumusina siya sa guard at diniretso ang kotse sa parking lot.

"Chantria, relax," he said to me, laughing.

"I missed Manang Yeta." I pouted my lips as I excitedly took off my seatbelt.

Muli siyang humalakhak nang makitang nanginginig ang kamay ko at hindi ko iyon matanggal nang maayos. Inilapit niya ang sarili sa akin at siya na mismo ang nagtanggal. Ginulo pa niya ang aking buhok at nanggigigil na kinagat ang aking pisngi.

"Aray ko naman!" nakasimangot kong reklamo at bahagya siyang itinulak.

"Ganda mo," pambobobola niya.

Muli ko na namang naamoy ang kaniyang pabango at pakiramdam ko'y tuluyan nang bumaliktad ang aking sikmura. Nagmamadali akong lumabas at tumakbo sa may garden para sumuka.

May bahid ng pag-aalalang tinawag ni Aziel at Manang Yeta ang pangalan ko. Agad kong narinig ang mabibigat nilang yapak patungo sa akin.

"Susko! Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Manang.

"Baby, what's happening?" Agad niyang sinikop ang aking buhok gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay humihimas sa aking likuran.

Umiling ako't kumumpas.

"Manang Yeta, pakikuha po ako ng tubig. Kung puwede rin po ay tumawag na rin kayo ng doctor–"

"Aziel, I'm fine."

"No, you're not," matigas na aniya.

"I said I'm okay. Hindi lang talaga ako sanay magbiyahe," pagpupumilit ko.

"Chantria–"

I stomped my feet angrily and cut him off. "Ang kulit mo naman! Sinabi ko na ngang okay lang ako! Masiyado kang praning, Az! Baka ikaw ang may kailangan ng doctor," naiinis kong sagot at padabog na pumasok sa loob ng mansion.

I heard him groan frustratedly before he followed me inside.

"Namiss kita, Ija." Isang mainit na yakap ang ibinigay sa akin ng matandang ginang.

"Namiss din kita, Manang Yeta. Sobra po." Niyakap ko siya pabalik at dinama iyon.

Narito na kami ngayon sa master's bedroom. Katatapos lang namin kumain ng hapunan. Para ngang fiesta ang lamesa dahil sa dami ng pagkaing inihanda niya para sa akin. Lahat iyon ay puro paborito ko pa pero ewan ko ba, alam kong masarap siya magluto pero hindi ko talaga trip kainin. May iba akong hinahanap pero nahihiya naman akong magsabi.

"Araw-araw ko pa ring binibisita itong mansion kahit wala kayo. Noong umalis ka, umalis na rin dito si Aziel. Wala siyang sinabi sa akin kung ipagpapatuloy ko pa ang serbisyo sa inyo pero ginawa ko kasi alam kong babalik kayo na magkasama..." she stopped talking and looked at me using her teary-eyes. "At nangyari nga."

Muli ko siyang niyakap. Ngumuso ako upang pigilan ang sarili sa pagiging emosyonal. "Bumisita lang talaga ako rito, Manang. Ilang araw lang po ako rito tapos babalik na rin po kami ng Bohol dahil mayroon pong trabahong naghihintay sa akin. At saka para na rin po personal kayong imbitahan sa renewal of vows po namin."

Suminghap siya at bumitiw mula sa yakap. Nanlalaki ang mga matang tumitig sa akin.

"I-Ikakasal kayo ulit?"

Masaya akong tumango-tango at ipinakita ang singsing na nasa aking daliri. "Yes, Manang!"

Napatakip siya sa kaniyang bibig at doon na nagsimulang tumulo ang kaniyang mga luha. Hindi ko rin tuloy napigilan ang sarili kong maiyak din. Naabutan kami ni Aziel sa gan'ong sitwasyon. Hindi naman siya nagsalita at pinanood lang kami. Napapailing pa sa amin.

"Masaya ako para sa inyo mga anak. Masaya akong sa kabila ng lahat, hindi ninyo sinukuan ang isa't isa," umiiyak na sabi sa amin ni Manang.

Napalunok si Aziel at kumurap-kurap. Kitang-kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Mukhang naiiyak din pero pinipigilan lang.

Hanggang sa huminahon na si Manang at nagpasya na siyang lumabas ng silid. Si Aziel naman ay dumiretso sa bathroom para ihanda ang pampaligo ko.

Nakaupo lang ako sa kama nang makatanggap ako ng mahalagang text mula sa kapatid ko.

From: Ate Chantal

Send me a copy of your Certificate of Marriage. Need ko na ASAP.

Sandali akong napatulala sa kawalan habang iniisip kung saan ko nga ba iyon inilagay pero wala akong maalala na may natanggap akong gan'on noong ikasal kami.

Ipinagkibit balikat ko. Sabagay, hindi nga pala ako ang humahawak ng mahahalagang papeles. Miski nga identification card ko ay siya o sina Mommy Mel ang nag-aasikaso.

To: Ate Chantal

Okay. I'll send it to you tomorrow.

Hindi na siya nagreply. Binitiwan ko na rin ang phone ko nang lumabas si Aziel sa banyo at sinabing handa na ang pampaligo ko.

Natapos ang mapayapang gabi na iyon. Kung sa normal na araw ay malamang na may nangyari pa sa amin ni Aziel pero dala na rin ng pagod sa biyahe, nakatulog na kami agad.

The next few days were hella difficult for me. I was waking up feeling dizzy and craving a weird combination of food.

Ayaw ko ring nawawala sa paningin si Aziel kaya sa lahat ng meetings at kahit saan siya magpunta ay kasa-kasama niya ako. Hindi ko naman siya ginugulo at hindi rin naman ako nakakaabala sa kaniya. Basta, nakikita ko siya, okay na ako r'on.

"What the fucking kind of food is this Chantria? Are you sure you're gonna eat this? Baka sumakit ang tiyan mo?" Sinulyapan niya ako gamit ang nangangasim na mukha habang nagluluto ng sinigang na mangga.

Nakatalikod siya sa akin. Malaya kong napagmamasdan ang kaniyang matikas at malapad na likod. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging boxer lang ang bilang pambaba. Magulo ang kaniyang buhok na halatang inabala lang mula sa malalim na pagtulog.

Umirap ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Who said I'm gonna eat that? Ikaw ang kakain niyan, papanoorin lang kita."

His eyes turned wide as he let out an exaggerated gasp. "Tell me you're kidding, wife!"

"I'm not! Ito lang ang kakainin ko 'no!" Nagbaba ako ng tingin sa sandwich na may bagoong na palaman kasama na rin ang gatas na nasa harapan ko.

Ako mismo ang gumawa nito. Diring-diri pa nga si Aziel at panay ang reklamo sa akin pero pakialam ba niya! Hindi naman siya ang kakain!

Alas dos pa lang ng madaling araw pero ginising ko siya dahil sa matinding pagkalam ng tiyan ko. Marami naman akong kinain kanina bago matulog kaso nagugutom pa rin ako. Alam kong pagod si Aziel mula sa trabaho pero wala naman akong choice kundi gisingin siya.

"Ano bang trip mo sa buhay, Chan? Ang weird ng cravings mo these past few days," puna niya habang inihahanda sa lamesa ang sinigang na mangga.

"Hindi ko alam." Ipinikit ko ang aking mga mata at eksaheradang nilanghap ang amoy niyon. Grabe, ang sarap!

Nang lingunin ko si Aziel ay nakatingin lang siya sa akin na para bang ako na ang pinakaweirdong tao sa buong mundo. Ngumisi ako sa kaniya at inilahad ang bangkong nasa harapan ko.

"Umupo ka na. Kainin mo na 'yan habang mainit pa." I smiled cutely at him.

"No fucking way!" He shook his head absurdly and clenched his jaw.

"Yes way!"

"Chantria, I said no. There's no way I would fucking eat that–"

"Eh 'di sige. Huwag na lang natin ituloy ang kasal. Ayaw mo akong pagbigyan kasi sino ba naman ako, 'di ba?" putol ko sa kaniya at tumayo na.

Naalarma naman siya. Ayan, ganiyan nga. Makonsensiya ka.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Hindi mo siguro ako mahal. Simpleng bagay lang ay hindi mo na ako mapagbigyan–"

"Damn, sige na! Sige na! Kakainin ko na!" Nakasimangot at padabog siyang umupo sa upuan at nagsandok ng kanin.

Agad naman na sumupil ang malawak na ngisi sa aking labi at bumalik sa pagkakaupo. Hindi ko inalis ang paningin sa kaniya habang nagsasandok siya sa sinigang na mangga. Puro sabaw lang ang kinukuha niya kaya inutusan ko siyang dagdagan pa iyon.

"Bakit nanginginig 'yang kamay mo at saka pinagpapawisan ka? Wala ka bang tiwala sa niluto mo?" nagtataka at inosente kong tanong sa kaniya.

Marahas siyang lumunok at umiling. "H-Hindi, this is nothing. Guni-guni mo lang 'yan."

Pigil ang ngiti akong tumango. Sinenyasan ko siyang magsimula nang kumain na ginawa naman niya. Hindi ko maipaliwanag ang kaniyang itsura habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o ano. Naaaliw akong kumagat sa sandwich.

Ngumiwi siya sa akin. "Pasalamat ka talaga't mahal kita."

Bumalik kami sa pagtulog at tanghali na nang magising ako. Wala na si Aziel sa aking tabi. Malamang ay pumasok na sa trabaho. Muli akong nakatanggap ng mensahe mula kay Ate Chantal. Pinapaalala iyong Certificate of Marriage.

"Puwede ka namang magrequest ng copy, anak. Mabilis lang ang process n'on," suhestiyon sa akin ni Manang Yeta.

Bumuntonghininga ako at tumango sa kaniya. "Tinatamad akong lumabas, Manang. Ang init! Ite-text ko na lang po si Aziel."

"Oh sige. Ikaw ang bahala." Ngakibit balikat siya at akmang lalabas na ng silid nang pigilan ko siya.

"Manang, puwede mo po ba akong igawa ng sandwich?" Nagpacute ako kaya natawa siya.

"Ano bang palaman ang gusto mo?"

"Bagoong po,"

Her smile fell as she looked so puzzled by my request. "A-Ano?"

"Bagoong po. Pakiramihan po sana, ah." Tipid akong ngumiti at nagtipa na ng mensahe para kay Aziel.

Lumipas pa ang ilang araw na pananatili ay napapansin ko rin iyong pagiging disoriented at paminsan-minsa'y pagiging tulala niya na para bang may malalim na iniisip. Naging extra sweet din siya sa akin kaya minsan napapatanong na lang ako kung mayroon ba siyang ginawang kasalanan sa akin pero wala naman daw.

I just shrugged that idea away. Maybe he was just tired. But then, our stay here in Manila was enjoyable. Tuwing gabi, matapos nang trabaho ni Aziel ay lumalabas kaming dalawa at pinapasyal niya ako kung saan-saan.

Never namin itong nagawa noon kaya naman kakaibang saya ang nararamdaman ng puso ko at mas lalo pang nadagdagan iyon nang magkaroon ako ng hint na baka nagdadalang tao ako...

Iyong mood swings, cravings at ilang buwan na rin akong delayed, kaya naiisip kong malaki ang posibilidad na iyon. Mas lalo ko pang napatunayan nang palihim akong ibili ni Manang Yeta ng pregnancy test at nagpositive iyon.

Pareho kaming humagulhol ng iyak dahil sa saya. Halo-halong emosyon ang nararamdam ko kasabay ng panginginig ng aking buong sistema. Mabuti na lang ay wala pa si Aziel kaya may panahon pa ako para surpresahin siya.

"Kailan mo balak sabihin, nak?" tanong ni Manang Yeta habang marahan niyang sinusuklay ang aking buhok.

Nasa garden kami ngayon para magpahangin. Doble-doble ang pag-iingat niya sa akin at para bang takot na takot sa tuwing gumagalaw ako.

"Pagbalik po namin sa Bohol." Ngumisi ako sa kaniya.

Kumunot ang noo niya sa akin. "Bakit hindi pa ngayon?"

Nagpakawala ako ng mahinang buntonghininga bago sumagot. "Alam ko kasing magiging praning din ang isang 'yon, Manang. Baka hindi niya ako payagang magbiyahe..."

"Sabagay." Natawa siya't nagkibit balikat.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Mabuti na lang ay hindi gan'on katirik ang haring araw ngayong tanghali para makatambay kami rito. Hinihintay ko rin kasi si Aziel kasi sabi niya ay dito rin daw siya kakain ng taghalian at mayroon siyang biniling pasalubong para sa akin.

Maraming ipinayo sa akin si Manang Yeta tungkol sa pagbubuntis hanggang sa pagiging isang ina. Natigil lang kami sa pag-uusap nang tumunog ang aking cellphone. Si Ate Chantal ulit. Halos araw-araw niya akong kinukulit.

From: Ate Chantal

How are you there? Ipapaalala ko lang iyong certificate of marriage. Hinahanap na sa akin ng staff ng simbahan.

Napahugot ako ng hininga. Oo nga pala! Sinabi ko na iyon noong minsan kay Aziel, naasikaso na kaya niya?

"Ang alam ko may dala siyang envelope noong isang araw. Dinala niya riyan sa opisina niya sa itaas. Baka nakalimutan lang ibigay sa iyo sa dami ng ginagawa."

"Gan'on po ba? Sige, hanapin ko na lang doon." Tumayo na ako at pinagpagan ang suot kong dress.

Tumango sa akin si Manang at bumuhat na rin sa upuan. "Oh siya, sige. Doon na ako sa kusina at ihahanda ko na ang tanghalian nyo. Pauwi na rin siguro iyon."

Magkasabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Umakyat ako sa second floor kung nasaan ang kaniyang malaking opisina. Muli lang akong bumalik sa kwarto namin para kunin ang susi nang mapagtantong nakalock iyon.

Pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang sandamakmak na libro sa bookshelves. Maayos ang pagkakahanay. Halos puro karamihan ay tungkol sa negosyo at pang-arkitektura. Mayroon ding maliit na bahagi para sa tanggapan, may flat screen tv at refrigerator. May dalawang computer at malaking projector.

Kumurap-kurap ako nang masiyado akong nalunod sa pagkamangha. Mabibilang lang kasi sa daliri kung ilang beses akong pumasok dito at sobrang tagal na n'on.

Dumiretso ako sa kaniyang table. Maayos na magkakasalansan ang mga papel at folders. Sa gilid niyon ay may picture naming dalawa noong kasal. Isa-isa kong hinalungkat ang lahat ng gamit niya, nag-iingat na hindi iyon magulo.

"Nasaan na ba 'yon? Sure kaya si Manang?" bulong ko sa sarili.

Iniisa-isa ko ang bawat papeles hanggang sa makita ko na ang pakay ko. Isa iyong brown envelope na may tatak mula sa PSA.

"Ito na siguro 'yon?" tanong ko ulit at ngumuso.

Buong ingat ko iyong binuksan. Dalawang kopya ang nasa loob na siyang ipinagtaka ko. Isa lang iyon dapat, 'di ba?

Dala na rin ng labis na pagtataka ay binasa ko ang laman ng isa at halos manlaki ang mga mata ko sa nakita. Kinusot ko pa ang mga mata dahil baka namamalikmata lang ako pero hindi pala.

"Office of the Civil Registrar General," I read the header slowly as my lips trembled with so much emotion.

My chest was thumping extremely quickly and my eyes started to watered as I continued reading the body of the letter.

OFFICE OF THE CIVIL REGISTRAR GENERAL

May 15, 20xx

TO WHOM IT MAY CONCERN:

We certify that Chantria A. Saavedra who is alleged to have been born on August 19, 19xx in Makati City, Metro Manila to Kristina Abrenica and Ambrocio Navarro does not appear in our National Indices of Marriages.

This certification is based on the records of 19xx-20xx marriages enrolled in the database as of April 29, 20xx.

Issued upon request of Aziel Navarro for Marriage.

Laglag ang aking panga habang pilit na pinoproseso sa utak ang nabasang sulat. Nanginginig ang aking buong katawan at patuloy sa pag-agos ang aking luha. Paulit-ulit ko pa iyong binasa, nagbabaka-sakali na mali lamang ako pero hindi.

Tangina, hindi.

Sinubukan ko pang basahin iyong isa na para kay Aziel pero gan'on din ang nilalaman ng sulat. Doon na ako tuluyang humagulhol ng iyak. Nabitawan ko ang papeles at napaluhod ako sa sahig dala sa labis na panghihina.

Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Hindi ko maipaliwanag ang emosyong aking nararamdaman pero ilang bagay lang ang sigurado – ang apat na taon na pagsasama namin bilang mag-asawa ni Aziel ay walang bisa at hindi totoo...

At sa pangalawang pagkakataon, naloko na naman niya ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro