Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Unti-unti na kaming naghahanda para sa pangalawang kasal namin ni Aziel. Hindi naman ako nagmamadali pero siya itong atat na atat excited na pagpre-prepare dahil hindi pa man siya sigurado kung tatanggapin ko ang proposal niya ay mayroon na pala siyang nacontact na wedding coordinator.

Gan'on siya ka-OA.

Balak naming ganapin ang kasal sa mismong fifth wedding anniversary namin. Sinabi niya ring gusto niyang gawing enggrande iyon pero tinutulan ko agad. Nais kong maging exclusive lang iyon sa mga malalapit at mahal namin sa buhay. Hindi na naman kailangan ng media o sino-sino pang tao.

"Fine, baby. I'll let you decide on everything. Go whatever you want," he told me so my smile grew bigger.

I clapped my hands happily as I giggled. Amusement danced in his eyes while staring at me lovingly.

"I love the childish and soft side of yours. Damn, it made me fall deeper to you," he whispered to my ears and tucked the strand of my hair behind my ears.

"Siguro sinasabi mo lang 'yan pero deep inside naiirita ka na sa akin." I playfully rolled my eyes.

Of course, I was joking, but my mouth fell open when he agreed. He fucking shamelessly agreed to what I've said!

He nodded his head. "Yeah, right."

"Aziel!" Bumilis ang aking paghinga. Tumayo ako sa kama at nagpapadyak ng paa. Hinampas ko siya ng unan pero nagawa niya iyong iwasan kahit na nakatalikod siya.

What the heck?! May mata ba siya sa likod?

Nakangisi niyang inikot ang swivel chair paharap sa akin habang pinaglalaruan ng daliri ang pang-ibabang labi. Para bang masaya pa ang loko na umuusok ang ilong ko at masamang-masama ang loob sa kaniya.

"Hmm, why is my baby so mad?" Umarko ang kaniyang kilay at mahihimigan pa ang pang-aasar sa kaniyang boses.

"Because you agree na nakakairita nga ako!" I spatted.

Tila pinagsakluban naman ako ng langit at lupa. Nangingilid ang luha kong umupo muli sa kama. Kumibot-kibot pa ang aking labi at parang dinudurog ang aking puso.

I didn't know why I am hella emotional these past few days. Kahit simpleng bagay lang ay napakabigdeal sa akin lahat. Minsan masaya ako tapos bigla na lang akong maiirita. May mga oras na ayaw kong nahihiwalay sa tabi ko si Aziel pero mas madalas na ayaw ko siyang makita. Nakakabadtrip ang mukha niya.

"I'm not yet done talking, my wife. Inunahan mo lang ako magsalita," pagdadahilan niya kaya mas lalong umasim ang ekspresyon ko. "What I was trying to say is nakakairita na kahit wala kang ginagawa ay ang ganda-ganda mo."

"Lulusot ka pang gunggong ka..." bulong ko sa sarili.

"G-gunggong... what?" His manly and raspy laugh echoed the whole room.

I found it extremely sexy pero naiirita rin talaga ako. Gusto ko siyang suntukin. Ang sarap tabunan ng unan ang kaniyang mukha hanggang sa hindi na siya makahinga.

I blinked my eyes as my jaw dropped.

What the hell are you thinking, Chantria?

Nang makita niyang hindi talaga ako natutuwa ay tumigil siya sa katatawa at kinagat ang pang-ibabang labi. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya pero hindi ako gumalaw sa kinauupuan. Inirapan ko ulit siya at pinagkaabalahan na lang ang aking mga daliri na kalalagay lang niya ng nail polish kani-kanina lang.

It was raining cats and dogs outside. According to the news, there was a typhoon today. I could hear the waves violently hit the seashore. I didn't know... but for me it was eargasm. So calming to hear. This was perfect weather to drink coffee while staring outside the window, read books or simply cuddle and have a casual talk with someone you love.

Gusto ko nga sanang magswimming kaso ayaw akong payagang lumabas ni Aziel. Delikado raw dahil baka matangay ako ng alon o kaya mabagsakan ako ng puno. Napakaoverreacting talaga.

Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at marahang umupo sa dulo ng kama. Akmang lalayo ako sa kaniya nang hulihin niya ang aking baywang at sapilitan akong iniupo sa kaniyang hita.

Tumili ako at sinubukang kumawala pero pinirmi niya ako. "Stop moving or else you want my dick to be hard as wood," walang preno niyang sabi.

Nanigas ako at agad na pinamulahan ng mukha. Sinilip niya ako kaya kitang-kita niya ang reaksyon ko kaya muli na naman siyang humalakhak.

"Stop laughing, Aziel. Your voice irritates me!" reklamo ko.

Tumikhim siya at binasa ang pang-ibabang labi. "You look ten times hotter when you're grumpy."

Halos mapaiktad ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa likod ng aking tainga. Nagsisimula na rin siyang patakan ng maliliit na halik ang aking leeg.

Ewan ko pero sa mga salita niya'y tila unti-unting napawi ang pagkairitang nararamdaman ko sa kaniya. Muling lumambot ang aking puso at kapagkuwan ay tumagilid ako ng upo sa kaniyang hita para iyapos ang parehong braso sa kaniyang batok.

Nagningning ang mga mata niya sa ginawa ko.

"I love you," he murmured and I heartily smiled at him.

"I love you and thank you for giving me another chance to fulfill my dream wedding," I mumbled and I felt his one hand caressing my waist.

Muling nanikip ang aking dibdib at ayan na naman ang nagbabadyang luha. Lumambot ang kaniyang ekspresyon at nagsimula nang magpanic nang humagulhol ako ng iyak.

"Oh, fuck! Baby, why are you crying? May nasabi ba akong hindi mo gusto? May masakit ba sa 'yo?" natataranta at nag-aalala niyang tanong.

Itinayo pa niya ako para suriin ang bawat parte ng katawan ko. Kunot na kunot ang kaniyang noo nang ibalik niya ang tingin sa akin.

"Baby..." he called me softly, but his gaze sent shivers down my spine. "Tell me what's wrong."

Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. Suminghot ako't pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad.

"M-Masaya lang ako," tugon ko at halos mag-isang linya ang kaniyang kilay.

"If you're happy, why are you crying?" naguguluhang tugon niya.

Napakakulit naman talaga aba!

"Masaya nga kasi ako."

"Then you should be laughing!" he hissed and hugged me tight. "Damn, wife. You're confusing."

I cried again. My shoulders were moving up and down as my visions became blurry because of my hot tears.

Inalo niya ako nang inalo. Panay pa ang pagbulong niya ng matatamis na kataga. Hindi na niya alam kung paanong pagsuyo pa ang gagawin niya kaya natatawa na rin ako.

Hindi ko lang talaga maiwasan ang maging emosyonal. Ni kahit sa hinuha kasi ay hindi ko naiisip na posible pa pala itong mangyari. Buong akala ko'y wala na kaming pag-asa. Na malabo nang maging maayos pa kaming dalawa. Na hanggang sa papel lang talaga kami magiging mag-asawa.

Hindi madali ang pinagdaanan ko. Mahirap lunukin ang mga salitang narinig ko. Kaya akala ko hindi na kami aabot pa sa dulo pero mali ako... kasi heto kami. Sa kabila ng lahat, sa kaniya at sa kaniya pa rin pala ako babalik.

This has been my dream ever since. Organizing and being hands-on for my own wedding. Iyong hindi ako didiktahan sa kung ano mang dapat na maging desisyon ko. Ibang-iba iyong excitement na nararamdaman ko ngayon kumpara noong unang kasal namin. Siguro kasi... hindi na labag sa loob niya? Na mutual decisions na ito hindi kagaya noong una para lamang sa negosyo at pansariling kagustuhan.

"So far, ano pa lang ang nafa-finalize? Hmm?" he asked while gently combing my hair.

Nakahiga siya sa kama habang ako nama'y nakadapa sa kaniyang dibdib. Malaya kong napakikinggan ang bilis ng pintig ng kaniyang puso. Natutuwa rin ako dahil sa tuwing nagsasalita siya ay parang nagvava-vibrate iyon.

"Date pa lang. Sa next month pa iyong sched natin with wedding organizers pati na rin iyong cake testing," nakapikit kong sagot.

"What about your gowns and my tuxedo? Saang bansa mo gustong magpagawa?"

Umiling agad ako. "Hindi na. Si Ate Chantal na ang bahala riyan. Sabi niya na siya ang magde-design at gagawa ng lahat ng damit. Sabihan na lang daw natin siya kung kailan natin tayo may free time para magpasukat."

Mas lalo pang lumakas ang hangin at ulan. Nawalan na rin ng kuryente kaya madilim na. Mayroon namang generator pero hindi na rin naman namin kailangan iyon dahil wala naman na kaming ibang ginagawa.

Nagcu-cuddle lang kami habang pinag-uusapan ang mga ganap sa wedding hanggang sa dumako na nga kung saan-saan ang topic namin.

"Alam mo ba kung nasaan ngayon si Anne?" I suddenly asked out of the blue.

Bumaba ang tingin niya sa akin. Dumilim ang kaniyang mga mata kasabay ng pagtitiim bagang.

"I don't know where she is."

"Weh?"

He lazily groaned. "I'm telling the truth."

"Hindi mo na ba siya nakakausap?"

"No, why would I talk to her?" balik niyang tanong.

Napabuntonghininga naman ako at mas ibinaon ang mukha sa kaniyang leeg. Sa totoo lang ay hanggang ngayon ay may parte pa rin sa akin na nagu-guilty sa nangyari sa kaniya pero may bahagi ring nagsasabi na hindi ko ginusto ang nangyari lalo na ang pagkawala ng anak nila ni Aziel.

Totoo naman iyon. Hindi ko talaga ginusto at ni sa panaginip ay hindi ko inisip na mangyayari iyon. Kung kaya ko lang ibalik ang panahon, pipiliin ko kung ano ang tama. Hindi ako magiging makasarili.

Gusto ko siyang makausap para makahingi rin ako ng tawad sa lahat ng pagkakamali lalo na sa parte kung saan alam kong may relasyon sila pero sumang-ayon pa rin ako sa gusto ni Daddy. May mga gabing binabagabag pa rin ako ng konsensya lalo na sa mga panahon na sobrang saya namin ni Aziel.

Kung bibigyan man ako ng tiyansang makaharap siya, hindi ko alam kung may kapal ng mukha pa akong ihaharap sa kaniya.

She wasn't good to me. She somehow made me feel so less, so unworthy, but I believed that no woman deserves to lose her own child. No matter how bad a person you were. We were both wrong in our own ways. That was I believe. No need to justify our mistakes.

"Totoo bang parang nakababatang kapatid lang ang turing mo sa akin noon?" Hindi ko mapigilan ang bahagyang matawa.

Matagal siya bago sumagot at medyo may pag-aalangan pa sa boses niya. "Would you be mad if I said yes?"

Mababakas ang kaba sa tono ng kaniyang pananalita. Matunog akong ngumisi at umiling.

"Hindi 'no! Sira!" I giggled. "But I'm curious how you developed your feelings for me..."

Nakahinga siya nang maluwag at mas humigpit pa ang yakap sa akin. "I'll tell you the story."

Umayos ako ng pagkakahiga sa kaniyang dibdib at hinanda ang sariling makinig.

"So basically, Aia was still living abroad when we met. I miss her badly. I miss spending quality time with a sister and spoiling her so much..." panimula niya.

"Then?"

"My relationship with Anne was also on the rocks at that time. We've been on and off since my parents didn't allow me to follow her there. Instead, they were insisting that I shift and focus on a business-related course..."

"Dahil 'don mas lalong lumala ang away naming dalawa. We were both toxic since I guess that we weren't mature enough that time... and the truth is hindi gan'on kalalim ang pagmamahal namin sa isa't isa."

My forehead creased as I gave him a questioned look. "What do you mean?"

"We were forced to be together since our family was good friends and partners in business too. We loved each other, but not deeply. We just have no choice."

I let out a deep sigh. Parang ang sakit naman n'on. Minahal ka lang kasi ikaw 'yong nariyan. Minahal ka lang kasi walang pagpipilian.

Parang mayroong sumuntok sa aking dibdib. Ibig sabihin ba niyon ay gan'on din ang nararamdaman niya para sa akin? Dahil nakatali na kami sa isa't isa, wala na rin siyang choice kundi ang ipagpatuloy na lang lahat ito?

"Stop overthinking. Hindi gan'on ang nararamdaman ko para sa 'yo," agad niyang depensa.

"Eh ano pala?"

"I have found you attractive since I've met you, Chan, but I didn't entertain those feelings because it's nothing for me, just a normal reaction and you're a minor for heaven's sake." He chuckled a bit. "My feelings for you developed when we got married and started to live together."

Hindi makapaniwalang nag-angat ako ng tingin sa kaniya, medyo natatawa pa. "Paano mangyayari 'yon eh palagi ka ngang wala?"

"I'm watching you..." He smirked and so my brows furrowed at him. "Through our CCTV."

Napaawang ang aking labi at magrereact sana nang malala nang muli siyang magsalita.

"Every move, actions and emotions me amazed me. So effortless but can make any single guy so smitten. Palagi mo lang nakikitang galit ako sa 'yo pero ang totoo, walang oras na hindi kita pinagmamasdan at pinuri sa isipan ko. Segu-segundo, minu-minuto, walang araw na hindi ikaw ang laman nito..." He pointed his heart and smiled heartily at me.

"I was a scared dick, I'll admit. I was blinded by my own pain. I didn't treat you right because I let my anger consume me... and I am sorry for that, baby. You don't deserve it."

I could feel the sincerity in his words. I didn't speak because I know he has a lot to say.

"I'm sorry for the treatment that made you feel not enough as a woman, as a person, and as a wife. I'm sorry if you felt like I objectified you in any way..." He kissed my forehead and when he heard my tiny sobs.

I buried my face in his chest and cried harder. "A-Aziel," I murmured.

"As we renew our vows, I promise to do my best as a husband. I'd choose you in a hundred lifetimes, in a hundred worlds, and in any versions of reality."

Inaya niya akong bumangon at tumayo. Lumapit siya sa bintana at binuksan iyon, dahilan para may pumasok na katiting na liwanag sa loob ng cabin. Malakas pa rin ang hangin at ulan. Dinig na dinig ang bawat mararahas na pag-ihip at pagpatak.

"Aziel, anong ginagawa mo?" Nagtataka ko siyang pinapanood sa ginagawa.

Hindi niya ako sinagot, sinulyapan lang. Dumiretso siya sa side table at kinuha ang kaniyang cellphone. Ilang saglit pa'y namutawi na ang isang magandang tugtugin na perpekto para sa ganitong klaseng panahon.

Overnight scenes, dinner and wine

Saturdays girls

I was never in love, never had the time

In my hustle and hurry world

Laughing myself to sleep

Waking up lonely

I needed someone to hold me, oh

Bumalik siya sa may bintana at inabot ang isang palad sa akin. Ngumisi siya nang napakatamis at pinagtaasan ako ng kilay.

It's such a crazy old town

It can drag you down

'Til you run out of dreams

So you party all night to the music and lights

"Dance with me," wika niya sa akin.

Agad kong nakuha ang gusto niyang sabihin. Bahagya akong natawa at tinanggap ang nakalahad niyang palad. Hinapit niya ako sa baywang at niyakap ako nang mahigpit.

Ibinaon ang kaniyang ulo sa aking leeg at hindi naman ako naging madamot na bigyan siya ng sapat na espasyo.

But you don't what happiness means

I was dancing in the dark with strangers

No love around me

When suddenly you found me, oh

"Girl, you're every woman in the world to me. You're my fantasy, you're my reality. Girl, you're every woman in the world to me. You're everything I need, you're everything to me..." he suddenly sang in a low tone, but enough for me to hear.

I bit my lower lip to suppress my overflowing emotions as we continued to sway our bodies with the music. 

Under the gloomy weather, my heart and soul felt so light.

Just a perfect moment to end the night...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro