Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Matapos kumain ng tanghalian ay muli akong nagpahinga. Si Aziel naman ay bumalik sa kaniyang cabin dahil mayroon siyang nakaschedule na meeting sa trabaho.

Hapon na nang nagising ako at nakabalik na siya sa aking kwarto. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang tumambad sa akin ang matikas niyang likod dahil wala siyang saplot na pang-itaas at nakadenim pants bilang pang-ibaba. Ang Nakatalikod siya sa aking gawi at nakaharap siya sa bintana habang may kausap sa telepono.

I didn't move or make any noise and just eavesdropped on their conversation.

"Hindi ka na ba makapaghintay na makita ako kaya minamadali mo na agad mga trabaho mo?" malambing na aniya sa kausap, dahilan para kumunot ang aking noo.

Sino na namang kausap niya?

"Of course, I can't wait to see you too, baby..." he trailed off as he heaved a sigh. "But Chantria is still resting. I can't leave her here alone."

Napangiwi siya at bahagyang inilayo ang cellphone sa kaniyang tainga na para bang nabibingi siya. Naninikip ang dibdib ko at tila mayroong nakabarang bagay sa aking lalamunan.

Baby? Sino ba iyang kausap niya? Bakit gan'on na lamang kalambing ang paraan ng kaniyang pagsasalita?

May ibang babae ba siya? Was it Anne? Larisa? Or maybe another girl he met while we were apart?

Napakurap-kurap ako nang maramdaman ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng aking mata.

Mali bang binigyan ko siya ng panibagong tiyansa?

"Stop shouting at me. I'm your brother, Aia. Baka nakakalimutan mo," he uttered, annoyed and with a hint of warning in his tone.

My breath hitched as I blinked my eyes terderly.

Gaga, Chantria. Si Aia lang pala.

"Fine, fine! Susunduin ka na namin! Just stop cursing me, you brat!" inis na singhal ni Azi at nakasimangot na pinatay ang telepono.

Humarap ito sa aking direksyon at halos mapatalon pa siya sa gulat nang magtama ang aming paningin.

He held his chest and sighed nervously.

"You startled me." Lumakad siya sa patungo sa akin, yumuko at masuyong pinupog ako ng halik sa aking pisngi.

"Kanina ka pa gising?" mahinahong tanong niya habang sinusuot ang kaniyang t-shirt.

"Hmm..." Bumangon ako pero hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin.

Matapos isuot ang kaniyang damit ay lumapit ulit siya sa kama at humiga sa tabi ko. Hinila niya ulit ako at ipinagsiksikan ang sa sarili sa akin. Pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking baywang at idinantay ang hita sa aking hita.

Napaungol ako dahil sa bigat niya.

"Is that Aia?" I asked.

He lazily nodded his head as I felt his hug tightened even more. "Yeah."

"Parating na raw ba siya?"

Napapikit ako sa marahang pagsuklay niya sa aking buhok. Nararamdaman ko rin ang marahang paghalik niya rito. "She's still in the airport in Manila, waiting for her flight."

He groaned and continued speaking. "Wife, is it okay kung tayo ang susundo sa kaniya sa airport?"

"I thought Louie would fetch her?" Nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka.

"Ayaw niya raw, eh. Galit na galit sa akin noong sinabi kong si Louie ang susundo sa kaniya," tugon niya at mataman akong tinitigan. "Okay lang ba? I know you're still sore but–"

"Okay lang, Azi. Hindi naman na masiyadong masakit ang katawan ko."

Nagliwanag ang kaniyang mga mata kasabay ng pagsibol ng pilyong ngiti sa labi. "Talaga? Eh 'di ibig sabihin ba niyan puwede na ulit–"

Bumangon ako't hinampas siya ng unan. Tawang-tawa ang loko habang ako nama'y asar na asar sa kaniya. Kung puwede ko lang siyang tadyakan palabas ng cabin ay ginawa ko na.

Hanggang sa utusan ko siyang gumayak na para sa pag-alis namin ay patuloy pa rin siya sa pagpupumilit niya. Para siyang bata na hangga't hindi mo pagbibigyan, hindi ka rin titigilan.

"Bakit ayaw mong sabay tayong magshower? Wala naman akong gagawing masama sa 'yo..." nakangusong pagmamaktol niya habang nakaupo sa kama.

Abala ako sa pagpili ng isusuot kong damit pero nagawa ko pa rin siyang lingunin nang may pagbabanta. "Tigilan mo ako, Aziel Navarro. Kilala kita."

Humagikhik siya. "Shower lang talaga promise. Wala akong gagawing masama. Masarap lang puwede pa."

"Manahimik ka riyan! Isa pang pangungulit mo, sasabunutan na kita!"

Pumasok na ako sa banyo samantalang si Aziel naman ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang kaniyang mukha. Hanggang sa pareho na kaming nakapagbihis at handa nang umalis.

I just wore black tube bralette crop top and white denim short shorts. My clothes were a bit revealing but he didn't give any negative comments. Instead, he complimented me on how I can be effortlessly beautiful.

Ang bolero talaga ng loko... pero at least, it somehow made boost my confidence. Kahit noon pa man, mga panahong hindi pa kami okay, hindi niya ako hinahadlangan sa gusto kong isuot na damit. Palagi niyang sinasabi na kung saan ako komportable, doon ako.

He just reminded me to wear clothes appropriately based on the occasion.

But anyway, my husband looked so clean and undeniably handsome with his just simple outfit. Nakaputing v-neck shirt siya, denim pants at sneakers.

Kaya naman napapairap na lamang ako sa kawalan nang makita kung paano lantarang maiwan ang tingin ng mga kababaihan sa kaniya habang naglalakad patungong parking lot.

Nakasalubong pa namin si Louie na pasipo-sipol at pinaglalaruan ang susi ng kaniyang kotse. Tumigil siya sa paglalakad nang makita kami.

"Where are you going?" Aziel asked coldly at him.

Ngumisi si Louie at pinasadahan ng daliri ang kaniyang buhok. "Have you forgotten, dude? I'll fetch Aia." Mahihimigan ang saya at excitement sa kaniyang boses.

Namilog ang bibig ko at takang nag-angat ng tingin kay Azi. Sumulyap siya sa akin, mahigpit na hinawakan ang aking kamay at hinapit papalapit sa kaniya.

He then went back his gaze to his friend. "Kami na ang susundo sa kaniya. Papunta na kaming airport."

"Huh?" Umawang ang labi ni Louie, papalit-palit ang tingin sa amin. "A-Ako na lang–"

"Si Aia na mismo ang nagsabi na sunduin ko siya," my husband cut him off.

Marahas na napalunok si Louie. Bumagsak din ang kaniyang balikat bago dahan-dahang tumango sa amin. "Fine. I-I'll go back to my cabin, then." Lumingon siya sa akin at tumango. "Ingat kayo, ah."

Hindi na niya kami hinintay pang makasagot at agad nang tumalikod para maglakad palayo. Kunot lamang ang aking noo, nagtataka sa kung anong inaasta ng lalaki. Hanggang nasa biyahe na kami papuntang airport ay hindi pa rin ako mapakali. Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang reaksyon ni Louie.

He suddenly looked so devastated.

On the other hand, Aziel was banging his head while listening to the stereo. The genuine and large smile didn't leave his face as he smoothly moved the steering wheel.

Pasimple ko lang na pinapanood ang bawat galaw niya. Kung paano tamad na nakapatong sa bintana ang kaniyang siko habang ang isang kamay ay nagmamaneho. Bahagyang nililipad ng hangin ang kaniyang buhok pero hindi naman iyon naging kabawasan sa kagwapuhan niya.

In fact, he became ten times hotter with it. Parang ang sarap tuloy niyang sakyan.

I laughed with my own playful thoughts. His curious gaze went at me.

"Are you okay, wife? Why are you laughing alone?" he asked with brows furrowed.

Natutop ko ang aking dibdib at umiling bilang tugon. Nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan. Tiyak na aasarin niya ako kapag nalaman niya kung anong nilalaman ng aking utak ngayon.

"W-Wala. May naalala lang ako." Umayos ako ng upo at ibinaling ang tingin sa bintana.

Mula sa aking peripheral vision ay nakita ko kung paano kumunot ang noo at nagtiim bagang ang asawa ko.

"What? Who? Is that a guy you're thinking of?" may pag-aakusa niya at matalim akong tinitigan.

Agad namang lumipad ang palad ko sa kaniyang braso at hinampas. "Eyes on the road, Aziel!"

He roared with laughter and caressed my thighs. "Sorry, baby."

Pabiro akong umirap at pinagkrus ang braso sa ilalim ng dibdib. Forty-five minutes ang biyahe from Manila to Bohol. Malapit lang naman ang airport kaya mabilis kaming nakarating pero wala pa si Aia. Tumawag siya kani-kanina lang na medyo delayed ang flight niya.

Hindi muna kami bumaba ng kotse dahil sa kalokohan ni Aziel. We just freaking had a quickie inside of his car! Marami pa namang tao ang dumadaan kaya kinakabahan ako pero exciting din naman pala. Mabuti na lang ay heavy tinted ang sasakyan. Pareho kaming pawisan nang matapos at sakto rin naman ang paglanding ng eroplano ni Aia.

"Maybe we should try it also on the seashore, isn't it romantic? And inside our cabinet and in the terrace maybe–"

Hinampas ko siya at pinaningkitan ng mga mata. Mga buwis buhay pa ang gusto! "Tigil-tigilan mo nga ako, Aziel. Kung ano-anong naiisip mo riyan."

Muli kong ibinalik ang tingin sa aking unahan. Humahaba ang aking leeg habang tinatanaw ang kaniyang kapatid. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na si Aia na paparating. Sa likod niya ang isang staff na nagtutulak sa cart na naglalaman ng mga gamit niya.

She was wearing a bohemian dress. Itinaas niya sa ulo ang suot niyang aviators habang walang emosyong naglalakad papalapit sa amin.

Halos mapanganga pa ako dahil hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng pinagbago niya. Mas lalo siyang gumanda at naging demure rin ang kaniyang kilos. Ibang-iba sa Aia na kilala ko. Nawala rin ang friendly aura niya at naging intimidating ang presensya.

In short, she became the female version of his brother, Aziel.

Naghesitant pa akong salubungin siya dahil hindi ko alam kung paanong approach ba ang dapat kong gawin. Pero nang tuluyan siyang makalapit sa amin ay siya rin ang naunang ngumiti sa akin.

"Hi, nice to see you again, Chantria." She kissed my cheek.

"A-Aia, good to see you too," I answered and smiled at her.

Ngumiti siya pabalik pero hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. Kasunod niyang binalingan ang kaniyang kuya na salubong na salubong ang kilay habang pinagmamasdan ang dala niyang gamit.

"Kuya," she called softly and touched Aziel's shoulder.

May halong pagtataka at pagkainis ang mukha ni Aziel nang lingunin ang kapatid. "What the fuck is this, Aia? Bakit ang dami mo namang dala? Are you gonna live here?" sarkastikong tanong nito.

Umirap si Aia at bahagyang lumayo sa kapatid. "Stop overreacting, Kuya. Mga damit at mahahalagang gamit lang ang laman niyan. I also bring some paperworks na hindi ko natapos."

"I thought you're going to unwind? Bakit ka nagdala ng trabaho rito?" tanong pa ni Aziel.

"Hindi ko nga natapos!" Aia uttered irritatedly.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Aziel at inilingan siya bilang babala. Bumuntonghininga siya at unti-unting lumambot ang ekspresyon.

"Fine, I'm sorry for overreacting." He gave up easily.

Nang lingunin ko si Aia ay kitang-kita ko kung paano dumaan ang pagkamangha sa kaniyang mga mata pero hindi siya nagsalita.

Nagbiyahe na kami pabalik sa resort at nagkaroon din ng simpleng salu-salo na ipinahanda ni Aziel para kay Aia. Hindi naman din iyon nagtagal dahil alam naming pagod din siya sa biyahe at kailangan na niyang magpahinga.

Kinuha lahat ni Aziel ang paperworks na dala ni Aia at siya na ang tumapos niyon para wala nang iba pang iisiping nakabinbin na trabaho ang kapatid niya.

Little by little, I got to know him deeper and made me love him even more.

Masasabi kong sobrang laki na talaga ng pinagbago ni Aziel kumpara noon. Mas naging open kami sa isa't isa kaya naman naiiwasan namin ang pagtatalo at hindi pagkakaintindihan sa pagitan naming dalawa.

We always listened and compromised with each other. We respect and understand my decision or if ever we want to have our 'me time.'

"It's a good thing na nakaya nyong ayusin ang relasyon ni Kuya." Aia smiled faintly as she looked up at the sky. "And to clear things up, Anne told me that he didn't cheat. She's not a mistress..."

Nanigas ako sa aking kinauupuan at nahigit ko ang aking hininga.

"Anne was depressed and she always needed validation. Her parents requested Kuya to guide her or ipapabagsak nila ang lahat ng negosyo ng Navarro at Saavedra. They put all the blame on Kuya Azi. And Kuya was guilty too so he agreed. He felt like kaya nangyari iyon kay Anne ay dahil na rin sa kapabayaan niya..."

I don't know why she was explaining this to me. Hindi ko ito tinanong kay Aziel kailanman dahil natatakot akong aminin niya na nagloko siya habang kasal kami. Pero magaan sa dibdib na malamang hindi pala.

Naiintindihan ko na ngayon ang galit sa akin ni Anne at wala akong karapatang kwestyunin iyon. Lahat kami ay nahirapan. Lahat kami ay may parte sa pagkakamali. Ang tanging hinihiling at ipinagdarasal ko lang tuwing gabi ay sana'y tuluyan na siyang gumaling. Na sana dumating ang araw na mapatawad niya rin ako.

"My brother was an asshole, but believe me, he loves you so much that he could trade everything for you."

Napayuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng konsensya dahil sa sinabi niya. Tila isa iyong bato na kahit anong iwas ang gawin ko para hindi matamaan, matatamaan at matatamaan pa rin ako.

Good thing he wasn't around here. Nasa cabin siya at nagtra-trabaho kahit gabi na. Hinayaan niya akong lumabas dahil kasama ko naman si Aia.

"I-I'm sorry..." mahinang saad ko at suminghap siya.

"You don't have to say sorry. It's Kuya's decision and not your fault," aniya at bumuntonghininga.

"Actually, aamin na ako, Chan. Pumunta talaga ako rito para sana kumbinsihin si Kuya na bumalik na kompanya. Hinahanap na rin siya nina Mommy and Daddy..." she trailed off and looked at me.

Ngumiti siya sa akin pero hindi ko iyon nasuklian pabalik. Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya kasabay ng pagtambol nang malakas ang aking dibdib.

"But seeing him genuinely happy and free here... it makes me think twice, Chantria, because I already know what will be his answer."

Lumunok ako nang marahas bago sumagot. "Do you want me to ask him? I'll try my best to pursue–"

She shook her hands at me. "No, please..."

"But you said you need them there?"

"His happiness is the most crucial for me. Matagal niya iyong ipinagkait sa sarili niya. You've both been through a lot and now that you're both doing okay, I don't want to take it away."

Tumango ako pero hindi pa rin ako kontento roon. Tinanong ko rin kay Aia kung kumusta na ang kalagayan ngayon ni Daddy Carl dahil nasa hospital pa ito noong huling pagkikita namin.

"He's fine now. Triple nga lang ang pag-iingat namin sa kaniya dahil anytime ay puwede siyang atakihin at baka hindi na raw makarecover pa," malungkot na sambit niya sa akin.

I felt sad, too. Kahit na mayroon akong kaunting pagtatampo sa kanila, hindi ko pa rin maiaalis na isa siya sa nagparamdam sa akin ng kalinga na kahit kailan ay hindi ko naramdaman sa aking ama.

Hindi na rin kami nagtagal sa pagkwe-kwentuhan at nag-aya na siyang umalis nang makita niya si Louie na papalapit sa direksyon namin. I didn't ask question why she was avoiding him. Nasabi na sa akin ang lahat kanina ng dakilang chismoso na si Aziel.

Pagbalik ko sa cabin ay sinubukan kong buksan ang usapang panunumbalik niya sa Maynila at sa kompanya. Sinubukan ko siyang kumbinsihin at ginamit ko na ang lahat ng alas pero sa huli, wala rin akong napala. Desidido talaga siyang manatali rito.

"You know how much I love you and how much I'm willing to give you everything... but not this, baby. I won't go back to Manila, not unless you come with me too," tiim bagang ngunit may lambing pa ring wika niya.

"Kahit na... ako na ang magtop at ikaw sa bottom, hindi ka pa rin papayag?" nakanguso kong tanong pero siyempre nagbibiro lang.

Baka sakali lang na kagatin niya ang pagpapaawa ko. Natigilan siya sa pagbabasa ng hawak niyang papeles. Kumislap ang kaniyang mata at awang ang labing tumingin sa akin. Matunog akong ngumisi kaya kumurap-kurap siya at tila ba biglang natauhan.

Pilit niyang ginawang istrikto ang kaniyang emosyon at inayos ang suot niyang reading glasses.

"Where the hell did you learn those words?" he questioned me, a bit frustrated and displeased.

I shrugged my shoulders and grinned cutely at him. "Wala, narinig ko sa tabi-tabi at saka nakita ko sa internet."

Ngumiwi siya at umiiling na bumalik sa ginagawa. "Kung ano-ano na ang natututuhan mo, Chantria," parang tatay na saway niya sa akin.

At hindi ko magets kung bakit sa akin na napunta ang usapan at nakatikim ako ng matinding sermon mula sa kaniya. Kung kanina'y ako ang nang-aasar at nanggugulo, ngayon naman ay nagmukha na akong maamong tupa.

Days had passed and everything became better. We found peace and calmness here. Sa iisang cabin na kami tumutuloy ni Aziel at balak pa niya iyong iparenovate para mas palakihin pa.

Simple lang ang buhay namin dito. Walang karangyaan pero kuntento at masayang-masaya na. Kaligayahan na minsan ay hinding-hindi kayang bilhin at tumbasan ng pera.

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan na hindi namin namamalayan. Nagcelebrate kami ng pasko at bagong taon na magkasama.

At eksaktong pagpatak ng alas dose ng gabi ay lumuhod siya sa aking harapan para muli akong ayain magpakasal sa pangalawang pagkakataon. Sa tamang paraan. Sa walang halong pamimilit na nararamdaman. Sa magaan na kalooban at walang ibang taong tinatapakan...

Pero kagaya ng sinasabi ng iba, lahat ng saya ay mayroon ding hangganan. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro