Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

Desidido talaga si Aziel na samahan ako rito. Hindi ko siya pinigilan sa kagustuhan niya dahil aniya'y sa susunod na araw ay may plano si Aia na sumunod dito. Parang tumalon ang puso ko sa excitement at tuwa!

Pero ang medyo ikinagulat ko pa ay ang sabihin ni Louie na mag-e-extend din daw siya ng vacation.

"Boss ko si Aziel. Boss ko rin si Aia. Kung uuwi ako sa Manila, wala naman akong trabahong gagawin 'don dahil nandito sila..." paliwanag pa niya but of course I knew better.

Nagsalita siya ulit. "Oh, nagreply na si Dewei! Extend din daw siya!"

Napairap ako sa kawalan. Ewan ko ba sa mga ito! Kung makapagliwaliw ay para bang hindi sila mga abalang tao.

Patapos na kaming kumain nang makita namin si Everleigh na pumasok sa resto at balisang inilibot ang tingin sa kabuuan ng lugar.

Itinaas ko ang aking kamay para kunin ang kaniyang atensyon. Agad naman niya akong napansin at lumapit siya sa akin. Tinanguan niya ang ibang nasa mesa at tipid pang nginitian si Aziel.

"Leigh, may problema ba?" salubong ang kilay kong tanong sa kaniya, hindi na nagpatumpik-tumpik pa.

Marahas siyang lumunok. Namumuo ang pawis sa gilid ng kaniyang noo habang patuloy pa rin ang paglilibot ng kaniyang mata sa bawat sulok ng resto.

Napatingin ako kay Aziel dahil sa weirdong ikinikilos ng babae sa harapan ko. Nanatili namang tahimik ang lalaki at hindi nagbibigay komento.

"Everleigh? You look constipated. Water?" Inalok siya ni Louie na nag-aalala na rin.

"Nagpapapansin lang siguro 'yan," Larisa stated and laughed.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Will you shut the fuck up?" matigas kong saway na siyang ikinagulat niya.

Namilog pa ang bibig ni Louie ngunit mabilis din niyang itinikom at umayos ng pagkakaupo. Nilingon ko si Aziel. Medyo kinabahan pa ako dahil akala ko'y magagalit siya pero ang loko, pangisi-ngisi lang na para bang proud na proud pa.

"Leigh?!" untag ko at muli siyang bumalik sa katinuan.

"Uhm..." She then cleared her throat. "By any chance, nakita nyo na bang bumalik si Chantal at S-Sir Dewei?" mabagal niyang usal.

Kumunot ang aking noo at dahan-dahang umiling sa kaniya. "Hindi pa sila bumabalik, eh."

Nilingon ko si Az na nakatitig lang sa akin. Siniko ko siya sa abs. Ang tigas talaga.

"Nakabalik na ba sila?"

He shook his head, still not leaving his gaze at me. Mas lalong lumalim ang gatla sa pagitan ng aking noo. Anong trip ng lokong ito?

"Ang alam ko hindi sila babalik ngayon dito sa resort. Nagkaroon ng emergency sa OVM kaya kinailangang umalis ni Wei," chika ni Louie kaya napatingin kami sa kaniya.

Nanginig ang labi ni Leigh at para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa kaniyang hitsura.

"Yeah, and if I'm not mistaken, I overheard their conversation na ipapakilala raw ni Dewei si Chantal sa parents niya," Larisa added.

"Why would I believe you?" matigas na tugon ni Leigh na siyang ikinagulat ko.

Pati si Aziel ay napalingon na rin sa kaniya. Si Louie naman ay tuwang-tuwang umayos ng upo at pinagkrus pa ang mga braso na para bang nanonood ng paborito niyang teleserye.

Larisa gave Leigh a dead glare. "Then ask them! I said I just overheard their conversation!"

Padabog siyang tumayo at walang pasabing lumabas ng resto. Nanghihina namang kumapit si Everleigh sa lamesa. Namumula ang kaniyang mukha at tila ba isang kalabit na lang ay tutulo na ang luha.

Gulong-gulo ako sa inaasta niya. Wala akong maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Bago ko pa lang ibubuka ang labi para magsalita ay umayos ng tindig si Leigh at yumuko sa amin bilang pamamaalam.

"S-Salamat sa inyo. Mauna na 'ko." Her voice was trembling.

Hindi ko na naitago pa ang pag-aalala. Napatayo ako sa kinauupuan para sundan siya. Nilingon ko muna si Aziel na tila ba nagpapaalam at walang pagdadalawang-isip naman siyang tumango sa akin.

"Go, follow her. I think she's not okay," Iyon lang ang sinabi niya. Hindi na ako sumagot pa at mabilis na tinahak ang daan palabas ng restaurant.

Narinig ko pa siyang sumigaw na huwag ako tumakbo dahil baka madapa ako. Praning!

Luminga-linga ako sa paligid. Gabi na, maaliwalas ang panahon kaya maraming turista ang lumabas mula sa kani-kanilang lungga. Nakakahilo ang ingay pero hindi pa rin ako sumukong hanapin si Leigh gamit ang aking mga mata.

My eyes stopped searching when I found her crying her heart out near the seashore. Hindi na ako nag-isip pa nang matagal at agad na tinakbo ang kaniyang distanya. Hindi niya ako napapansin dahil nakatalikod siya sa aking gawi.

"Everleigh..." tawag ko sa kaniya sa mababang boses.

Tumigil sa pagtaas-baba ang kaniyang balikat pero hindi ako nilingon. Nagsalita ako ulit.

"Everleigh, what's your problem? Sabihin mo sa akin, b-baka may maitulong ako," saad ko at marahang umangat ang kamay para hagurin ang kaniyang likod.

Suminghot siya at pinunasan ang mga luha sa pisngi. May pekeng ngiti siyang humarap sa akin.

"W-Wala, Chan. I just miss my son," she answered, but I didn't buy it.

Mataman ko lang siyang tinitigan para basahin ang emosyon sa kaniyang mukha pero magaling talaga siyang magtago. Ito ang isang mahirap na bagay kay Leigh. Kahit na magkaibigan kami, napakamisteryoso pa rin niya para sa akin. Kakaunting detalye lang ang alam ko sa kaniya. Bukod sa hiwalay siya sa kaniyang asawa at mayroon siyang isang anak na iniwan niya sa kaniyang magulang, wala na akong ibang nalalaman pa.

She chuckled wearily. "Really, Chantria. I just suddenly missed my son."

"Eh, bakit mo hinahanap si Ate at Sir Dewei?"

Natigilan siya at dagling napakurap-kurap bago sumagot. "W-Wala. Gusto ko sanang magpaalam kay Chantal kaya ko siya hinahanap. I want to take a leave sana. Bibisitahin ko ang anak ko."

Kahit na hindi pa rin ako ganoong kumbinsido, dahan-dahan akong tumango sa kaniya. "Well, puwede naman, Everleigh. Gawa ka lang ng letter at ako na ang pipirma agad-agad."

Her face lit up with what I've said. "H-Hanggang kailan ako puwedeng magleave?"

"Huwag mo munang isipin 'yon. Basta bumalik ka kung kailan mo gusto,"

Sumilay ang malawak na ngiti sa kaniyang labi at dinambahan ako ng yakap. Umangat ang aking mga braso at sinuklian iyon nang mas mahigpit.

Alam kong bukod doon ay mayroon pa siyang pinagdadaanan at naiintindihan ko kung hindi man siya komportableng magsabi sa akin. Pero sana sa pamamagitan ng yakap ay maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

"Wear this,"

Pinanood ko si Aziel na hubarin ang suot niyang puting hoodie at siya na mismo ang nagsuot niyon sa akin. Matapos naming mag-usap ni Leigh ay sakto naman ang pagsunod sa akin ni Aziel.

May dala siyang snacks at beer para sa sarili niya nang ayain niya akong tumambay muna sa dalampasigan. Si Louie ay bumalik na raw sa cabin.

"Hindi naman ako nilalamig," asik ko sa kaniya.

"Kahit na." Walang paghihirap niyang binuksan ang lata ng beer. Pagkatapos n'on ay sunod niyang itinusok ang straw sa sterilized milk bago iyon iabot sa akin. "No liquors for you. Mahirap kang malasing."

Agad ko namang dinepensahan ang sarili sa pag-aakusa niya. "Hindi, ah! High tolerance kaya ako!"

"Hm, yeah?" He let out a raspy chuckle. "Kaya pala wala kang ibang maalala the last time na nalasing ka."

Kumunot ang aking noo nang maalala ang pangyayaring iyon. Bigla kong naalala. "Bakit? Ano bang ginawa ko? Kahiya-hiya ba?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi, nagpipigil ng ngiti. "Hindi naman."

Sumulyap siya sa akin bago lumagok sa hawak niyang beer. Bahagyang nililipad ng hangin ang kaniyang buhok. Ang buwan na siyang nagbibigaw tanglaw ay tumatama sa kaniyang mukha, dahilan para mas lalo ko pang makita ang bawat detalye. Nakapatong ang magkabilang braso niya sa kaniyang tuhod samantalang ako nama'y naka-indian seat lang.

Nakaharap kami sa dagat na malakas na humahampas ang alon sa dalampasigan. Bilog na bilog din ang buwan at kung titingnan mula sa aming kinauupuan, tila ba nagtagpo ang dalawa sa pinakahangganan.

"Eh, ano ngang ginawa ko?" pangungulit ko pa.

"Naglapdance ka lang naman," nakangising kibit balikat niya at lumagok sa beer.

Wala sa sarili akong tumango-tango sa kaniya. "Ay lapdance lang pala–" Tumigil ako nang may mapagtanto.

Nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong kong humarap sa asawa kong ngayo'y tawang-tawa na nang malakas. "Naglapdance ako?!" Tinuro ko ang sarili.

"Y-Yeah, you want to know more happened?" pang-aasar pa niya.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya o ano, pero ngayon pa lang, labis nang nag-iinit ang aking mukha dahil sa matinding hiya. Tila tinakasan ako ng dugo. Kung totoo mang ginawa ko iyon, gusto kong sampalin ang sarili.

Napahilot ako sa aking sentido. "Tell me you're kidding." Hindi pa rin ako kumbinsido. Imposible ang sinasabi niya. Kahit lasing ako, hinding-hindi ko gagawin iyon...

"I'm not, baby. Do you want some proof?" he teased me with a mischievous grin on his face.

"A-Anong proof?!" Naalarma ang aking buong sistema.

Imbis na sumagot, dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng kaniyang board shorts. Binuhay niya iyon at tinipa ang anniversary namin bilang password. Unang tumambad sa akin ang picture ko bilang wallpaper.

Stolen ang kuhang iyon. Nakatalikod ako sa larawan. Bahagyang nililipad ng hangin ang suot kong bestida pati na rin ang aking buhok. Malayo ang nililipad ng aking isipan doon. Nakaharap ako sa kalmadong karagatan habang naghahalo na ang dilim at liwanag, papalubog na ang ginintuang araw.

Wala akong maalalang may gan'on akong picture. Gusto ko sanang itanong kung kailan iyon at paano niya ako nakuhanan ng litrato gayong hindi naman kami magkasama nitong mga nagdaang buwan pero mas pinili kong itikom ang bibig dahil mas pinapangunahan ako ng malakas na kalabog sa aking dibdib.

"Look at this, wife." Inabot niya sa akin ang kaniyang cellphone bago i-play ang video.

At habang pinapanood ko iyon ay halos hilingin ko sa dagat na tangayin na lang ako bigla at huwag nang ibalik pa. Awang ang aking labi at hindi rin makatingin nang tuwid sa aking asawa.

I looked so horrible there. Damn!

Ako ang mismong nag-request na i-video iyon bilang remembrance. Dinig na dinig ko ang mahihinang mura ni Aziel lalo na nang itinulak ko siya sa pahiga sa kama at para akong timang na sumayaw-sayaw nang mabagal sa harapan niya. Ako na rin ang kumakanta kahit sintunado ako. Bukod sa medyo madilim, malikot din ang pagkakakuha niyon.

Hindi ko tuloy alam kung mao-offend ba ako dahil imbis na maakit sa akin si Aziel, malulutong na tawa niya ang naririnig ko. Aliw na aliw sa katangahang ginagawa ko.

Napatakip na lamang ako ng aking mukha at nagpapadyak dahil sa inis ko sa sarili. Nakakahiya!

"It's totally fine with me, Chan. You don't have to be shy." Sinarado niya ang natitirang espasyo sa pagitan namin. Binuhat niya ako at inupo sa pagitan ng nakabuka niyang hita.

Bahagya pa akong natigilan dahil sa lapit namin sa isa't isa. Isinandal niya ako sa kaniyang matikas at matigas na dibdib. Damang-dama ko ang mabilis na pintig ng kaniyang puso ngunit kalmadong paghinga. Samantalang ako'y hindi makagalaw at kulang na lang ay magwala na ang buong sistema.

"Actually, I'm happy. I am more than happy to discover a different side of you, Chantria." His arms possessively snaked around my petite waits as I felt him pour soft kisses on my left cheek.

"Az," mahina at malumanay kong sambit.

Hindi siya nagsalita ngunit ramdam ko ang paghigpit pa ng yakap nito sa akin mula sa likod. Yakap na tila ayaw akong makawala. Yakap na tila akala ba'y maglalaho ako at unti-unting nababawasan ang minuto para sa aming dalawa.

Kumurap-kurap ako nang maramdaman ang pagningning ng mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Pinigilan ko iyon at kinalma ang sarili. Hinayaan kong damhin ang init na ibinabahagi niya. Sa loob ng ilang buwan kong pananatili rito, ngayon ko lang naramdaman ang kakuntentuhan at wala nang ibang hahanapin pa.

Tila nabura ang ingay na nagmumula sa mga tao sa paligid. Walang ibang naririnig kundi ang paghampas ng alon at maging ang malalim na paghinga naming dalawa. Kaugnay ng aming katahimikan ay ang kapayapaan.

Tumingala ako sa kalangitan at matipid na nagdasal na sana ganito na lang palagi. Na kung isa man itong panaginip, makikiusap akong huwag nang magising. Dahil isa sa mga bagay na ito ang matagal ko nang hinihiling.

Na sana hayaan Niya kaming sumubok at sumugal muli sa pangalawang pagkakataon. Na sana'y hindi pa huli para muli kaming magsimula sa mas maayos na umpisa. Ipinapangako kong itatama namin ang lahat. Paunti-unti, aayusin namin ang mga dapat.

"Good night, gorgeous. Have beautiful dreams tonight." Inayos ni Aziel ang kumot ko hanggang balikat bago hinalikan ang aking noo.

Hindi na ako sumagot pa dahil sa sobrang antok. Pero sa unang pagkakataon, mahimbing akong nakatulog na walang iniisip na kung ano at mayroong magaan na puso.

Masayang-masaya ako sa paglipas pa ng ilang araw. Malinaw kong nakikita ang mga pagbabago ni Aziel. Mas dumoble pa ang effort at pagtitiyaga niya. Kung noon ay ako itong todo alaga at pagpapasensiya sa kaniya, ngayon ay siya naman gan'on sa akin. Sobra sobra pa nga.

"Good morning madlang people!" Ate Chantal exclaimed as she barged inside my office without any notice.

Kagaya ng dati, bago pumasok sa kaniyang opisina ay dumaan muna siya sa akin para makipagkwentuhan kahit na ang aga-aga pa.

"Ang taas naman ng engergy mo at himala, hindi ka rin bugnutin ngayon," natatawang puna ko.

Mas lalo lang lumawak ang kaniyang ngisi at umupo sa silyang nasa harapan lang ng aking lamesa. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Inalok ko pa siya ng breakfast na niluto ni Aziel na agad din niyang tinanggihan.

"Bakit, Chantria? Ikaw lang ba may karapatang maging masaya?" sarkastikong tugon niya kaya napairap ako.

"Ang OA mo,"

Mayabang lang siyang ngumisi ulit at inilabas ang phone niya. Mas lalong lumalala ang simangot ko dahil mukhang wala talagang balak magkwento ang loka!

Sinipa ko siya mula sa ilalim ng lamesa.

"What?!" singhal niya sa akin.

"Anong what?! Magkwento ka, Ate!"

Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko ang pagiging mas malapit nila ni Dewei sa isa't isa. Sayang lang dahil nagkaroon ulit ng emergency sa OVM at kinailangan niyang umalis... pero nakikita ko naman ay tuloy pa rin ang communication nilang dalawa.

She raised her brows at me, still smirking arrogantly. "Kailan ka pa naging chismosa? At saka, ano bang gusto mong malaman?"

"Ikaw... kung anong gusto mong ikwento. Kung ba't sobrang saya mo ngayon," wika ko, "Akala ko ba ayaw mo munang magtake risk riyan kay Dewei hangga't hindi pa siya annulled?"

Eksaherada niyang pinitik ang kaniyang daliri sa harap ng aking mukha at tumayo pa. "Exactly! Iyan ang dahilan kung ba't ako masaya, eh!"

Namilog ang aking labi sa gulat. "A-Annulled na siya?"

"Na-ah!" Umiling siya sa akin at muling bumalik sa pagkakaupo. Kinikilig pa ang loka na akala mo'y bulateng nilagyan ng asin. "Pero malapit na raw. May tumawag sa kaniya n'ong isang araw. His attorney. Pinapaalala sa kaniya na sa next next month na ang huling hearing at 'don na rin finally masa-sign ang mga annulment paper both sides."

"So that means..." I trailed off and she was the one who continued it.

"So that means puwede na magstep to the next level ang relationship namin!" she giggled.

I couldn't help myself but to smile while staring at her. Maybe she really likes Dewei very much... and I wouldn't mind it. This was the first time I saw her genuinely fall in love with someone.

Nasa tamang edad na rin naman siya at sino ba naman ako para pigilan iyon?

Hindi na nga siya umalis ng opisina. Wala na rin akong natapos na trabaho dahil sa dami ng kwento niya... hanggang sa dumako nga ang usapan namin kay Leigh na nagleave at apat na araw nang walang paramdam.

"I miss Leigh na but let her be. Mukhang problemado siya at wala sa sarili nitong mga nakaraang linggo kaya hayaan mo muna siyang mag-enjoy kasama ang anak niya ngayon," Ate Chantal commented before leaving.

A tiny yet sympathetic smile formed on my lips. Well, I guess everything was slowly and perfectly falling into pieces.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro