Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Naulit nang naulit pa ang mga pangyayaring iyon. Dala na rin ng labis na pagkaabala sa trabaho ay minsa'y nakakaligtaan ko nang kainin ang ipinapadala ni Aziel na pagkain.

At minsan, dahil na rin palagi siyang nakabuntot sa akin ay sa kaniya ko na nababaling ang init ng ulo at frustration ko sa ibang bagay. Kung ano-anong mga salita ang nabibitiwan ko sa kaniya.

Unconsciously ko siyang napapahiya sa harap ng maraming tao. Sa gan'on umiikot ang halos dalawang linggo niyang pamemeste sa akin.

May ilang beses na rin niya akong inayang mamasyal sa ibang lugar. Umu-oo ako pero nagba-backout din due to sudden conflict of my schedules. Hinahayaan ko siyang maghintay nang matagal saka ko sasabihin na hindi na ako sisipot.

At oo, sige, aaminin ko na. Sinasadya ko talaga. Hindi naman sa nag-e-enjoy akong pahirapan siya, gusto ko lang malaman kung hanggang saan at hanggang kailan niya kakayanin ang lahat. Kung talaga bang sinsero siya sa panunuyo o ginagawa niya lang 'to para sa huli ay muling saktan ako.

"Hindi mo ako masisisi, Leigh. I'm scared. I have too many 'what ifs' for now." I massaged my temple as I watched Aziel tapping his foot on the floor while patiently waiting for me outside of my cabin.

Nakasilip din si Everleigh sa maliit na siwang na ginawa ko sa bintana. Gabi na pero nandito pa rin siya kasama ko. Malamig na sa labas kaya alam kong giniginaw na rin doon si Aziel.

"Puwede mo naman sigurong sabihin iyon sa kaniya, Chantria. Sabihin mo kung hindi ka pa handa o kung hindi mo na talaga kayang balikan siya–"

"Wala akong sinabing ayaw ko nang balikan siya," I cut her off irritatedly. "Ang sa akin lang, natatakot pa rin ako. Paano kung sa oras na tanggapin ko siya ulit ay bumalik na naman siya sa dati? Paano kung ngayon maayos ang pakikitungo niya pero paglipas ng araw, itra-trato na naman niya akong parang basura? Don't you get me?"

Tumango-tango siya sa akin at matamlay na bumuntonghininga. "Naiintindihan kita, pero kung gagawin mo rin ang mga ginagawa niya noon sa 'yo, anong pinagkaiba mo sa kaniya?"

Natigilan ako at napakurap-kurap. Tila may isang malaking bato ang tumama sa aking ulo at hindi ko man lang nagawang makailag.

Bumaba ang tingin ko sa aking mga kamay.

Gusto ko lang namang ipakita kay Aziel na hindi ako marupok. Na hindi niya kaagad ako mapapalambot.

"Pinapaalalahanan lang kita pero ikaw pa rin ang bahala sa kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo, Chantria," dagdag pa ni Leigh.

Sabay muli naming nilingon ang bintana at kahit ang bilog na buwan lang ang tanging nagsisilbing liwanag, kitang-kita ko kung paano yakapin ni Aziel ang kaniyang sarili.

Nangangaligkig na siya sa lamig. Dinukot na niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at nagtipa ng mensahe. Hindi rin naman nagtagal ay tumunog ang telepeno ko.

From: Aziel

Chan, you good? Halika na. Baka lumamig na itong niluto kong dinner.

Ang sabi niya kanina, nagprepare raw siya ng simpleng candle light dinner sa dalampasigan para sa aming dalawa. Ang sabi ko'y babalik lang ako sa cabin para magbihis pero ang totoo niyan ay wala talaga akong balak pumunta.

I already ate my early dinner with Mr. Dino. Hanggang ngayon ay busog pa rin ako at tiyak na hindi na rin tatanggapin ng aking sikmura kung kakain pa ulit ako.

Tahimik na nakikiusyoso si Leigh sa aking tabi. Ngumuso siya at umiling pero hindi na nagkomento pa. Bumuga ako ng hangin bago nagtype ng reply.

To: Aziel

Sorry, Az. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Hindi na ako makakasama sa 'yo.

I hit the send button. Muli ko siyang sinilip sa bintana at malinaw na malinaw sa aking mga mata kung paano kumunot ang kaniyang noo at kung paano bumakas ang matinding pag-aalala sa kaniyang mukha.

Nilingon niya ang cabin ko kaya mabilis akong nagtago. Ilang sandali pa ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga mensahe.

From: Aziel

Anong masakit sa 'yo?

I'll bring you medicine.

Or wait, I'll just call a doctor.

Nataranta ako at nanlaki ang mga mata. Ang overreacting!

To: Aziel

Hindi na, I'll just rest. No need to bother.

Sinarado ko na ang bintana at pabagak na humiga sa kama. Tumunog muli ang cellphone ko pero hindi na akong nag-abala pang basahin ang reply niya. Hindi na rin naman nagtagal ay umalis na rin si Leigh.

Naiwan akong mag-isa. Pinatay ko na ang lahat ng ilaw at nakailang beses na rin akong bumiling-biling sa aking higaan pero hindi talaga ako mapakali at makatulog.

Bumangon ako at sinabunutan ang sarili. Pagkatapos ay muling humiga at natulala habang nakatitig sa puting kisame. Naging matinding palaisipan sa akin ang kawawang itsura kanina ni Aziel at pati na rin ang mga naging pagtrato ko sa kaniya nitong nagdaang araw.

Am I really wrong with the way I treated him? Am I being too much? But I'm just scared that was why I did it.

Gusto kong malaman kung hanggang kailan niya kayang magtiis. Kung madali lang ba siyang susuko at kung talaga bang seryosong hindi na siya tulad noon.

Hindi ko alam kung anong oras na ako tuluyang nilamon ng antok. Basta naramdaman ko lang ang marahang pagbukas ng pinto na tila ba mayroong pumasok.

Dumaloy ang takot sa aking katawan, lalo na nang marinig ang muling paglapat at paglock niyon. Nagising ang aking diwa at aligagang bumangon.

"S-Sino ka?" I asked slowly using my trembling voice.

"Baby, it's me..." mahina at namamaos na tugon ni Aziel.

Kinapa niya ang switch ng ilaw. Napapikit ako dahil matinding pagkasilaw. Ang takot at kabang aking nararamdaman ay agad na nalusaw nang makita ang kaniyang gwapong mukha.

He was just wearing his white basic tee and boxers. I could clearly see his well-toned biceps and a body figure that made me crave for more. His hair was a bit dishevelled yet it made him hotter than usual.

Ipinilig ko ulo upang tigilan ang pagpapaulan ng papuri at paghanga sa kaniya. Mas nangibabaw ang inis na aking nararamdaman.

"Bakit ba bigla-bigla ka na lang pumapasok?!" singhal ko.

Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. Namungay ang kaniyang mga mata at binasa ang pang-ibabang labi.

"I was knocking and calling you too many times, but you're not answering," he told me like a frightened puppy.

"Eh malamang tulog ako!" asik ko.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at halos mapasabunot ako nang makitang mag-alas tres pa lang ng madaling araw.

"Sorry, I just can't sleep.I'm worried about you," usal pa niya at sinubukang lumapit sa akin.

Tumayo ako sa kama at inayos ang manipis na strap ng aking itim na nighties. Sinundan niya iyon ng tingin at marahas na napalunok. Inirapan ko siya at nilampasan. Dumiretso ako sa fridge at yumuko para kumuha ng pitsel ng tubig.

My clothes were too revealing. My cleavage was a bit exposed and nipples were visible, but I wouldn't mind if he saw me like this. Ngayon pa ba ako magpapabebe? As if naman na never pa niyang nakita ang katawan ko at as if din na mayroon pa akong itatago sa kaniya.

I heard him coughing aggressively behind me. "I brought you medicine. Masakit ba ang ulo mo?" Sinalat niya ang aking noo para alamin kung mainit. "Wala ka namang lagnat."

Nagsalin muna ako ng tubig sa baso at nilagok ang laman niyon bago sumagot. "I told you I'm fine. Kailangan ko lang talagang magpahinga."

Ibinalik ko sa fridge ang tubig at nakapamewang na hinarap siya. Tiningala ko si Aziel at pinanlisikan ng tingin. Ni hindi man lang siya natinag at inosente lang akong tinitigan.

"How did you get here inside my cabin?" kuryosong tanong ko.

Muli siyang dumausdos ang kaniyang paningin sa aking dibdib at tumikhim. Ibinalik niya ang mga mata sa akin. "U-Uh, may susi ako."

I groaned disenchatedly. Alright, alam ko na. Halata namang may kinalaman si Ate Chantal dito.

"Give me the keys, then." Inilahad ko sa kaniya ang aking palad at kunot noo niya iyong tiningnan.

"Huh?" he muttered, a little distracted by something. "Bakit?"

Nagpapadyak ako dahilan para mahulog ulit ang isang strap ng aking nighties. "Basta ibigay mo na lang sa akin! You can't just enter without any permission!"

"Give me the keys!" untag ko ulit sa kaniya.

Kumurap-kurap naman siya kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga. Walang ano-ano niya akong kinabig papalapit sa kaniya, hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at siniil ako ng halik.

Nanlaki ang aking mga mata at tila nahugot ko ang aking hininga.

I felt his lips gently moving and biting my lower lip as he howled hoarsely. I tried to push him away, but my strength wasn't enough to stop him. Instead, he immediately held my both arms and clung it to his nape. His kisses were making a tiny yet arousing sound and I couldn't help but to overthink that it could be heard outside. Fuck!

"A-Aziel..." suway ko pero nagtunog ungol iyon.

Naging mas naging mariin at agresibo pa ang paghalik niya sa akin. Hinagod niya ang aking likod, pababa sa aking pwetan at muling tumaas bago pumirmi sa aking baywang. Nanggigil niya iyong pinisil.

Nanlalambot ang aking mga tuhod at namumuo rin ang pawis sa aking noo kahit na may aircon naman. Ginantihan ko ang halik sa mas sabik na paraan, dahilan para mapamura siya.

"Tangina..." he cursed under his breath.

Bumaba muli ang kaniyang kamay sa aking hita at hinaplos iyon. Naramdaman kong unti-unti na iyong gumapang sa loob ng aking suot na nighties.

"A-Ahh, Aziel," ungol ko at mas lalo pang humigpit ang kapit sa kaniyang leeg.

Ngayon ko lang din namalayan na nakatiptoe na ako dahil sobrang tangkad niya.

Kasasabi ko lang na ayaw kong maging marupok pero bakit nandito na ako sa sitwasyon na 'to? Bakit ako nanghihina at nababaliw sa pagdampi ng kaniyang labi sa akin?

Dala rin ng labis na pananabik ay alam ko na kung saan ito patungo. Oh my gosh! I could feel his shaft erecting and mine started to get wet. Mabuti nag-shave ako!

I was so ready to give in when he suddenly stopped and held my shoulders. Awang pa rin ang aking labi nang tingalain ko siya. Mabilis ang kaniyang paghinga at naroon pa rin ang pagnanasa sa kaniyang mga mata.

"W-Why did you stop?" nanghihina at dismayado kong tanong.

Tila mayroong karayom na tumusok sa aking puso at gusto kong maiyak. Hindi na niya nagustuhan? Hindi ba ako magaling? Hindi ba siya naturn-on sa akin? May iba ba siyang gusto–

"Baby, stop overthinking. You're only asking for a kiss," he answered me in a low tone.

I creased my forehead, wondering of what he had said. Ako? Humingi ng halik? Kailan?

"You're the one who kissed me!" Nanlalaki ang mga matang dinuro ko siya.

Umangat ang sulok ng kaniyang namumula at basang labi. Pinasadahan niya iyon ng dila. "Because you requested to give you a kiss."

Nalaglag ang aking panga nang mapagtanto ang sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya at hinampas siya sa dibdib. Ay wow, ang tigas. "What I mean is keys! Susi!"

Mababa siyang natawa, tuwang-tuwa sa kalokohan niya. Hinawakan niya ang aking nakakuyom na kamay. Umupo siya sa dulong bahagi ng aking kama at hinila ako paupo sa kaniyang isang hita. Patagilid ang aking posisyon. Nakayuko ako at hindi makatingin nang tuwid sa kaniya.

He then combed my hair while showering tender kisses on my cheeks.

"I know. I was just messing around with you, my wife," he uttered and snake his other free hand on my waist.

"But w-why did you stop? Didn't you miss my kisses? Hindi mo na nagustuhan–"

He put his index finger to my lips and hushed me. "Baby, like is underestimated. You're so addicting and God knows how much I couldn't get enough of you."

"But why did you stop?!" naiirita kong tanong at pinagpapadyak pa ang paa kahit na hindi ko naman abot ang sahig. Nagmukha tuloy akong batang nagta-tantrums!

He roared with laughter and his eyes danced with so much amusement. Mas hinapit pa niya ako papalapit, nanggigigil na niyakap at pinupog ng halik ang pisngi.

"We're taking everything slow, baby. Once you accept me again in your arms and everything's clear to your part, hindi lang ang kiss ang ibibigay ko sa iyo, hmm?" he playfully stated.

Umirap ako nang wagas at pinagkrus ang mga braso sa ilalim ng dibdib.

He made me drink milk first before tucked me into the bed. Hindi siya umalis hangga't hindi ako nakakatulog.

Kinabukasan, wala na siya sa cabin nang magising ako. Hindi ko tuloy maestima ang mood sa buong maghapon. Magaan ang dibdib ko dahil sa nakikita kong pagbabago ni Aziel. He treated me like a baby and I would be hypocritical if I said that I didn't like it. Pero mainit din ang ulo ko dahil nabitin ako! Hindi ako nadiligan! Nawisikan lang!

Buong maghapon ay hindi mahiwalay sa tabi ko si Aziel. Sobrang clingy niya. Parang pusa kung maglambing at magpapansin hanggang sa matapos ako sa trabaho.

"So far, I'm enjoying my vacation here. Para ngang ayaw ko nang bumalik sa Manila." Larisa pouted her lips and glanced at my husband who was sitting closely beside me.

"How 'bout you, Aziel? Are you having a great time here?" she asked flirtatious tone kaya naman umarko ang aking kilay.

Mula sa pag-aasikaso sa aking pagkain ay wala sa sariling sinulyapan ni Azi ang babae. "Pardon, Lars?"

Larisa groaned and rolled her eyes heavenwards. "Kaasar ka! You're not listening!" She even stump her feet.

Napairap naman ako't pinigilan ang sariling pagtawanan nang sobra ang kaartehan niya. Kumunot din ang noo ni Aziel, tila naguguluhan sa inaasta ng babae. Wala naman kasi siyang pakialam sa mga sinasabi ni Larisa. Kanina pa siya abala sa paghihimay ng isda, pagbabalat ng hipon at pag-aalis ng carrots sa chopsuey bago ilagay iyon sa pinggan ko.

"I'm not paying attention to you, sorry. I'm busy serving my wife," he emphasized the last word.

Natutop naman ni Larisa ang kaniyang bibig bago bigong tumango-tango.

"Ako na lang ang kausapin mo. Gusto kitang kausap," pabirong sabi ni Louie para isalba ang babae sa pagkapahiya.

Mababa akong natawa at inilingan siya sa kalokohan niya at gan'on nga ang nangyari, dahil siguro may sariling mundo kami ni Aziel ay napilitan silang dalawa na lang ang mag-usap.

Ako lang mag-isa ang may balak na kumain dito ng dinner pero dahil may sa lahing aso si Aziel ay hindi na ako nagtaka na nakabuntot siya sa akin. Natyempuhan ding nandito si Louie na tulala sa isang sulok ng lamesa kaya sinamahan na namin. Bigla na lang sumulpot si Larisa.

Ate Chantal and Dewei were nowhere to be found... again. Wala kasi ang kotse ni Ate sa parking lot at sabi pa ni Leigh ay nakita raw niyang magkasamang umalis ang dalawang iyon kanina pang umaga. Ngayong malalim na ang gabi, hindi pa rin bumabalik.

"Kailan ka aalis?" tanong ko kay Aziel habang nasa gitna kami ng mapayapang pagkain.

Natigilan siya sa pagnguya at matamang nag-angat ng tingin sa akin. Nagtiim bagang siya at para bang hindi nagustuhan ang tanong. Malalim siyang bumuntonghininga at ibinaba ulit ang paningin sa kaniyang pinggan.

Wala akong nakuhang sagot kaya muli akong nagsalita. "Last day na ng vacation nyo, 'di ba? So ano? Babalik ka na ng Manila–"

"I'm extending my stay here," putol niya sa sinasabi ko.

Napaawang ang aking labi. "Bakit?"

Bumuntonghininga siya ulit bago tumugon. "Hindi ako aalis dito hangga't di ka kasama, Chan."

"B-But I don't have plans on going back to the city. T-This is my home." wika ko sa maliit na tinig.

Bukod sa nahihiya na akong magpakita sa magulang niya, mas nahanap ko rin ang kalayaan ko rito. Mas mapayapa. Malayo sa samu't saring gulo.

Bumalatay ang pagkadismaya sa kaniyang mukha na agad ding nawala. Mas inilapit niya ang sarili sa akin hanggang sa wala nang natirang espasyo sa pagitan natin. Bahagya siyang yumuko para mapantayan ako at hinawakan ang aking baba para sapilitan akong iharap sa kaniya.

"Then, I'll stay here too," sambit niya habang titig na titig sa aking mga mata.

Sinubukan ko siyang basahin. Nagba-baka sakaling may mababakas na napipilitan lamang siya pero wala. Wala akong ibang nakita kundi ang pagpupursigi, sinseridad at kasiguraduhan sa bawat titig niya.

Umawang ang aking labi at bahagya siyang hinampas sa balikat. "Nasisiraan ka na ba, Az? Paano ang trabaho mo? Hindi ba't bago ka pa lang nagsisimula? Ang pamilya mo?"

"Don't worry about my job. I can handle things." Nagkibit balikat siya at dinampian ng halik ang tungki ng aking ilong.

"Paano ang pamilya mo?" bulong ko pa.

His lips formed into a smile. "Aia and you are my only family. But my baby sister wants to live independently now. Kaya kung saan ka, doon din ako, Chantria."

Nanatiling laglag ang aking panga, hindi pa rin maproseso nang maayos ang kaniyang sinabi. Bahagya siyang natawa sa aking reaksyon at pinisil ang aking magkabilang pisngi.

"You're my home and only in your arms where I belong."  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro