Chapter 35
My daily routine continued after my short day-off. Buong araw akong nagkukulong sa aking opisina, nilulunod ang sarili sa dami ng trabaho. Kung hindi man, nasa loob lang ako ng aking cabin.
Good thing, kasama ko muna ngayon si Everleigh sa opisina kaya hindi ako masiyadong naiinip. Kanang-kamay siya si Ate pero pansamantala munang lumipat sa akin dahil naiirita ang kapatid ko sa kalutangan niya nitong mga nagdaang araw.
"And besides, hindi rin ako komportable na naroon si Sir Dewei," Leigh said to me.
Mula sa tinitipa ko sa aking laptop ay kuryoso akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Bakit naman? Dewei is a nice man." Actually, I clearly see him as a soft and gentle guy hiding in his masculine and extremely toned body.
Kung anong ikinalamig at ikinabigat ng aura ni Aziel ay siya namang ikinagaan ng kay Wei.
"I-I saw them making out..." mahinang anas ng babae na siyang ikinagulat ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyong dumaang sakit at pighati sa kaniyang mga mata na agad din namang nawala.
Tumikhim siya't tipid na ngumiti. "Kaya mas mabuti nang dito muna ako sa opisina mo para hindi ko maabala si Sir Dewei at Chantal sa gusto nilang gawin."
I took a deep breath and massaged my temple. Si Ate Chantal talaga!
Sa huli ay wala na akong nagawa dahil pabor din naman sa akin.
Pinaalala sa akin ni Leigh ang susunod na meeting ko mamaya. Matapos n'on ay natahimik na kaming dalawa at bumalik na sa kani-kaniyang trabaho. Hindi pa man nagtatagal ay narinig na namin ang sunud-sunod na katok sa pinto.
Hindi ako nag-angat ng tingin doon. Sumulyap sa akin si Leigh bago tumayo at buksan iyon. May ilang saglit pa'y bumalik na rin siya at lumapit sa akin.
"Uh... Chantria, si Sir Aziel," nag-aalangang sabi niya at kumunot naman ang aking noo.
Akmang ibubuka ko pa lang ang labi para magsalita nang mas lumaki ang awang ng pinto at pumasok si Aziel na may nakaplaster na malawak na ngisi sa kaniyang labi.
"Good morning!" he greeted me with full energy.
Natutop naman ni Leigh ang kaniyang labi, tila nagpipigil ng kilig. Sumenyas siya sa akin na lalabas muna ng silid at hindi na hinintay pang tumugon ako.
"What are you doing here?" mahinahon kong tanong kay Aziel at nagpanggap akong abala sa ginagawa kahit medyo distracted na ako.
His strong scent immediately lingered the whole room. He still smells the same. Jubilation XXV Man by Amouage – one of the most expensive perfumes in the world.
He was also wearing a black v-neck basic tee paired with beige khaki shirts and summer sandals. His biceps were flexing as he moved. Medyo basa pa rin kaniyang magulong buhok, halatang kagagaling lang sa pagligo.
"I'm here to bring you snacks," he casually answered and went closer to my table.
Marahan niyang ipinatong ang paper bag sa aking lamesa. Tiningnan ko lamang iyong mabuti.
He then gave me a warm smile. "It's banana cake and sterilized milk, your favorite."
"Hindi ka na sana nag-abala pa." Pagod akong sumandal sa aking swivel chair at hinilot ang sentido.
Ngumuso siya at prenteng umupo sa silyang aking nasa harapan. "Gusto kong pagkaabalahan ka."
Napairap ako sa kaniyang turan.
"Wala ka bang ibang gagawin sa buhay mo? Marami kang activities na puwedeng i-try–"
"Ikaw lang ang gusto kong activity. Puwede ka bang i-try?" He then roared with laughter.
Umusad pa ang mga araw. Ang simpleng pagdadala ng meryenda sa aking opisina ay nasundan ng marami pa. Minsan, maaga siyang kumakatok sa aking cabin para lang dalhan ako ng almusal na siya mismo ang nagluluto at sa hapon naman ay hihintayin niyang matapos ang aking trabaho para ipaghanda ako ng hapunan.
Imbis na magliwaliw, wala siyang ibang ginawa kundi ang bumuntot nang bumuntot sa akin na parang aso. Hinahayaan ko lang siya. Hindi ko siya masiyadong pinapansin pero hindi ko rin naman pinagtatabuyan.
It was just one thing that I've noticed, ang outgoing na ng aura at attitude niya. Parang kagaya lang ng dating Aziel noong una ko siyang nakilala.
"Lunch?" maingat niyang alok pagkapasok na pagkapasok sa aking office.
Mula sa paglalagay ng light makeup ay bumaling ang aking tingin sa kaniya. "Kadadala mo lang ng snacks sa akin a while ago. Baka tumaba na ako niyan."
Ngumisi siya. Kinagat ang labi habang pinapasadahan ako ng mainit na tingin mula ulo hanggang paa. "I don't mind. Magandan ka pa rin naman."
I chuckled and raised my brows at him. "Kailan ka pa natutong mambola, Mr. Navarro?"
"I'm telling the truth!" depensa niya at parang batang ngumuso. "But anyway, I heard Chantal na may meeting ka raw?"
Tumingin ako sa wristwatch ko at tumango sa kaniya. "Yes, I have a lunch meeting with Mr. Saur," seryosong tugon ko.
Umawang ang kaniyang labi at dahan-dahang nagbaba ng tingin sa dala niyang lunch box. Nakuha ko agad ang nais niyang ipahiwatig. Umayos ako ng tindig at pinasadahan ng kamay ang suot kong beach dress.
"It's fine, Chantria. I understand if–"
"I'll be quick. Sabay na tayong kumain... kung mahihintay mo ako rito?" tanong ko at agad naman siyang sunud-sunod na tumango.
"Oo naman!" Nabuhay ang kaniyang dugo at sumilay ang malawak na ngisi sa labi.
Tipid akong ngumiti ako pabalik sa kaniya. Hindi na ako kumontra pa nang sabihin niyang ihahatid niya ako sa resto. Medyo sumama pa nga ang timpla ng kaniyang mukha nang matanaw mula sa glass door na halos kasing-ederan ko lang pala si Mr. Saur.
"Hintayin na lang kaya kita rito?" nakasimangot niyang aniya sa akin na siyang ikinatawa ko. "Samahan na lang kita sa meeting mo."
"You can't. It's confidential," I said to him, laughing.
"Gaano ka-confidential? Hindi naman ako marites, eh," asik pa niya.
Kumunot ang aking noo. Marites? What?
"Sige na, samahan na kita–"
"Hindi nga puwede. And I already told you, this will be quick." Inirapan ko siya at pumasok na sa loob ng resto.
Narinig ko pa ang matigas na pagtawag niya sa aking pangalan pero hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya. Pormal na ngiti ang ibinungad sa akin ng lalaki. Tumayo siya sa kinatatayuan at bahagyang yumuko para magbigay respeto.
I did the same too.
"Sorry for keeping you wait, Mr. Dino," mapagpaumanhing ani ko.
"No, it's okay. Hindi ka naman late. I'm just early." He showed me a smile and offered his hand. "And you can drop the Mr. No need for formalities."
I nodded my head and took a seat. "Okay."
Muli akong lumingon sa glass wall nitong resort. Pinigilan ko ang sariling matawa nang makitang nandoon pa rin si Aziel sa kinatatayuan niya. Masama ang tingin sa kasama kong lalaki o hindi ko alam... baka sa akin.
Umorder muna kami ng pagkain ni Mr. Dino at habang naghihintay, nagkaroon muna kami ng simpleng pagpapakilala sa sarili. Kailangan ko siyang pakisamahan nang mabuti. Ayon iyon sa bilin sa akin ni Ate.
Mr. Dino Saur was one of the prominent and powerful business tycoons here in Bohol. Kaliwa't kanan din ang kaniyang mga negosyo at nagsisimula nang umingay ang pangalan sa larangang ito.
"Chantal was my closest friend back then in highschool. Medyo nagulat nga ako na into business na pala siya. Dati kasi ay gusto niyang maging fashion designer," pagkwento niya.
"Ah, Ate is still into fashion designing pa rin naman. Kaya nga gusto niyang pag-aralan ko itong negosyo kasi after a year or two, magbubukas na rin siya ng sariling boutique."
His jaw dropped in amusement. "Wow! Good to hear that!"
I wouldn't deny that Mr. Dino Saur was such a good looking man. He was the same age as Aziel – twenty-four. With his green upturned eyes and hard features, alam kong marami na itong pinaiyak na mga babae.
Dumating na pagkain namin. Light meal lang ang napili ko dahil nga mayroon kaming usapan ni Aziel na sabay kaming kakain ng lunch.
Hbanag inilalapag ng waiter sa lamesa ang mga pagkain ay patuloy pa rin sa pagbabato ng tanong ang lalaki.
"You're just twenty-one, right?"
"Yes," I politely answered, not leaving a friendly grin from my face.
"So I assumed that you're single, Ms. Saavedra?"
Medyo nangilabot ako sa ngising ibinigay nito sa akin. May halo iyong landi pero pinilit ko pa ring maging pormal.
Tumikhim ako't nagsimula ng kumain. "N-No, I'm married."
Nawala ang kaniyang ngiti at napalitan iyon ng pagkadismaya. Ilang beses siyang napakurap-kurap bago muling umangat ang labi.
Peke siyang tumawa. "Is that a joke? I-I mean... you're too young to get tied." Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na para bang may hinahanap.
Hindi ako sumagot. Muli siyang nagsalita.
"Ikaw talaga, Ms. Chantria. Niloloko mo lang yata ako, eh. Nasaan ang singsing mo kung gan'on?" buong kompyansa niyang tanong ulit.
"It's a long story," sagot ko na lang.
Ayaw kong palalimin pa ang usapan dahil sa una sa lahat ay hindi naman kami close at nandito ako para sa negosyo. Kaya kung kasal man ako o hindi, ano naman ngayon, 'di ba?
Ilang sandali pa ay dumako na ako sa dapat naming pag-usapan kahit palagi niyang nililihis ang topic at tila ba interesadong-interesado siya sa buhay ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang matapos na kami sa pagnenegotiate. Hindi naman ako nahirapan dahil oo lang siya nang oo sa akin. Tinanong ko kung may concern siya o kung naguguluhan pa, wala at hindi naman daw.
It was quarter to two when our meeting adjourned. Medyo nagpapanic na rin ako dahil sinabi ko kay Aziel kanina na mabilis lang 'to. Well, totoo naman iyon. Hindi ko inexpect na aabutin kami ni Mr. Dino ng ganito katagal dahil na rin sa pagiging medyo unprofessional ng lalaki.
"Ms. Saavedra," Dino called me when I'm about to leave.
"Mrs. Navarro," pagtatama ko at kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko ang pagdaan ng dilim sa kaniyang mga mata.
"Oh, alright. Mrs. Navarro, if you wouldn't mind, can you tour me here in your resort?" Umarko ang kaniyang kilay at binasa pa ang pang-ibabang labi.
"I can give you someone to accomodate you–"
His jaw clenched and stopped me from talking. "No, I want it to be you. Mas okay iyon dahil ikaw ang may-ari nito."
Matagal akong nakipagtagisan ng tingin sa kaniya at kapagkuwan ay wala na akong nagawa kundi ang tumango at tumalima sa kaniyang gusto.
Inabot kami ng isang oras sa paglilibot. Kagaya ng sinabi ko, malaki at malawak ang resort namin dito sa Panglao kumpara sa Anda. Maghihiwalay na sana kami ng landas kung hindi lang namin nakasalubong si Ate Chantal at nag-ayang kumain ng snacks.
Hindi ako nakatanggi kay Ate. Mag-alas kwatro na ng hapon nang tuluyan na ako magpaalam sa kanilang dalawa at hinayaan naman na ako ng kapatid kong umalis na.
Abot-langit ang tahip ng aking dibdib habang malalaki ang hakbang pabalik sa office. Hindi naman ako umaasa na naroon pa rin siya dahil anong oras na. Hindi ko siya nagawang itext dahil huli na nang marealize ko na naiwan ko pala ang aking cellphone sa opisina.
Hinihingal kong binuksan ang pinto. Agad kong inilibot ang paningin sa buong paligid at natagpuan ko siyang natutulog na sa couch. Nakabaluktot at pilit na pinagkakasya ang sarili.
Kasunod na dumako ang tingin ko sa pagkaing nakaayos sa pabilog at maliit na lamesa.
It was still there, untouched.
Unti-unti akong lumapit sa kaniya upang gisingin. Tinapik-tapik ko ang matigas niyang braso. Umungol siya at hindi nagtagal ay dahan-dahang iminulat ang mga mata.
Nagtama ang aming paningin kaya agad siyang napabalikwas ng upo. Tila wala sa sarili siyang luminga-linga sa apat na sulok ng silid bago muling tumingala sa akin.
"Sorry, I fell asleep. I didn't know. What time is it?" namamaos niyang tanong at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.
"Mag-a-alas kwatro na," nahihiya kong sagot.
Bumagsak ang aking mga mata sa aking flip flops nang makita kung paano magsalubong ang makapal niyang kilay. Handa na akong sigawan niya. Handa na akong makarinig ng masasakit na salita... pero hindi iyon ang nangyari.
Bumuntonghininga siya at tumango-tango sa akin. "Have you eaten?"
Pakiramdam ko'y nanunuyo ang aking lalamunan. Sumisikip din ang aking dibdib at para bang mayroong kamay na bakal ang pilit na kumukuyumos sa aking puso.
"T-Tapos na."
Tumango siya ulit. "Meryenda?"
"Tapos na rin. Busog na ako." Sinulyapan ko siya.
"Buti naman. Akala ko nagpalipas ka," wika niya at bahagya pang natawa.
Pero alam ko. Wala siyang maloloko rito. Peke ang reaksyong iyon. Ibinaling niya ang tingin sa mga pagkaing nakahain.
"S-Sorry if I kept you waiting for nothing. Hindi rin kasi ako puwedeng umalis agad dahil he's our client–"
Tumayo siya sa inilapat ang hintuturo sa aking labi para pigilan ako sa pagsasalita. Umiling-iling siya sa akin at pinilit pang mas palawakin ang ngiti sa labi. Ang paraan ng kaniyang pagtitig ay tumatagos sa aking kaluluwa.
"You don't have to explain, Chan. I understand you." His hand travelled to my head and patted it lightly. "Always choose your top priority first. I don't mind waiting for you all day, baby."
Binigyan niya ako ng isang mabilis na nakaw na halik sa aking noo bago tumalikod at simulang ligpitin ang mga pagkain sa lamesa. Napabuntonghininga na lamang ako habang pinagmamasdan siya sa ginagawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro