Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Nilagok ko nang nilagok ang mga alak sa lamesa habang patuloy sa pagpe-perform sa unahan sina Aziel. May ilan pa akong nakitang mga babaeng palihim silang kinukuhanan ng video at kulang na lamang ay tumulo ang laway habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking nasa unahan.

Dahil doon ay mas lalong kumulo ang aking dugo. Padabog kong kinuha sa lamesa ang mismong bote ng alak at dire-diretsong ininom iyon. Naaligaga si Louie at mabilis na tumayo sa kinauupuan para agawin sana sa akin iyon pero bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin ay biglang sumuka si Ate Chantal sa kaniyang damit.

"Wow, fuck it!" he frustratedly cursed under his breath. Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago pinasadahan ng tingin ang sarili mula ulo hanggang paa. "Ano ba naman kayong magkapatid! Inom kayo nang inom pero mahihina naman pala kayo!" singhal niya sa amin.

Ate Chantal and I were both in a wasted state. Pareho na kaming lupaypay sa sofa habang si Louie ay aligaga kung sinong uunahan sa aming dalawa.

I groaned when I felt my head throb in extruding pain. Nanghihina at awang ang labi akong sumandal sa sandalan ng upuan nang maramdamang parang hinahalukay ang loob ng aking tiyan.

"Chantria, what's happening to you? Gusto mo tawagin ko na si Aziel?" Louie's concerned gaze darted at me.

I shook my hand to decline his suggestion but it was already too late. Nang ibalik ko ang tingin sa stage ay wala na r'on ang lalaki. Si Dewei na lang ang kumakanta habang ang asawa ko'y papalapit na sa akin. Nakaplaster ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

Nang muli kong maramdaman ang nagbabadyang pagsuka, buong pwersa akong tumayo kahit na umiikot ang paningin. Muntik na akong ma-out of balance ngunit may malalaking bisig ang umalalay sa akin.

"Chantria..." he growled in a low and husky voice.

Dumampi ang mainit niyang hininga sa aking tainga dahilan para manindig ang mga balahibo ko sa katawan. Ngunit dahil dala na rin ng labis na kalasingan, mabilis akong kumaripas ng takbo palabas ng bar. Sa may hindi mataong bahagi, doon ko inilabas ang kanina ko pang pinipigilan sa aking sikmura.

"You're really stubborn," he mouthed. Sinikop niya ang aking buhok para mas malaya kong mailabas lahat. Gamit din ang isang bakanteng kamay ay hinahog-hagod niya ang aking likod.

When I'm done, he helped me stand up and lent me a bottle of water. Hindi ko naman iyon tinanggihan dahil nanunuyo na rin ang aking lalamunan.

"I'll take you back in your cabin–"

I cut him off. "Kaya ko na ang sarili ko!" Agad akong kumalas sa hawak niya at pasuray-suray na naglakad.

"Chantria!" he called me using his warning tone.

Imbis na lingunin at matakot, pagak pa akong natawa. Kaya ko. Kaya ko ang sarili ko. Anong tingin mo sa akin, Aziel? Mahina? Hindi kayang tumayo sa sariling paa?

Nanlambot ang aking tuhod at bigla akong natumba sa buhanginan.

Sabi ko nga, hindi ko nga kaya.

"Ang pasaway mo talaga! Gusto mo bang itali kita sa kama, huh?" Tumakbo siya palapit sa akin at walang pagdadalawang-isip na binuhat ako na parang sako.

"Aziel, ibaba mo ako!" tili ko at pilit na kumawag-kawag para makalaya sa kapit niya.

He groaned as if he was losing his patience at me and spanked my butt harshly. "Stop wriggling, wife. Baka mahulog ka," he said irritatedly.

Marahan lamang ang lakad niya. Hindi nagmamadali at tila ba sinusulit lamang ang bawat segundo. Malakas ang pagtambol ng aking dibdib, hindi mawari kung dahil ba iyon sa kaba o mayroon pang iba.

"Ibaba mo na lang kasi, Aziel! Wala akong tiwala sa 'yo at baka mamaya ay kung ano pang kahalayan ang gawin mo sa akin!" anas ko at pinaghahampas ang kaniyang likod.

Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga bago sumagot. "I won't do things without your consent."

Natutop ko ang aking bibig at bahagyang natigilan sa sinabi niya. "As you should!" I spatted and he just playfully chuckled.

"Well then, would you let me?"

Alam kong nang-aasar lang siya pero as if na bibigay agad ako sa kaniya. Dahil na rin siguro sa kalasingan ay hindi ko na rin makontrol ang mga salitang lumalabas na bibig ko.

"Alam kong parehas na tayong tigang pero hindi ako marupok, okay? Papahirapan muna kita nang sobra bago mo matikman ulit ang aking precious pearl."

"Damn, crazy..." wika niya sa sarili bago tumawa nang malakas.

Kamuntikan pa nga niya akong mabitawan at kung hindi lang siguro niya ako buhat-buhat ngayon ay baka gumulong na siya riyan sa buhanginan. Ano bang nakakatawa? Hindi ba siya nacha-challenge?

Muli kong ipinikit ang aking mga mata kasabay ng unti-unting pagkalma ng aking sistema. Kung pagsisihan ko man bukas itong mga pinagsasabi at pinaggagawa ko, okay lang. Bukas pa naman 'yon.

Dala na rin ng labis na antok, naging malabo na ang mga sumunod na pangyayari sa akin. Hindi pa man tuluyang nakakarating sa cabin ay nakatulog na ako.

Tanghali na nang magising ako at ang unang bumungad sa akin ay ang matinding sakit ng ulo.

"You're awake." a familiar voice muttered in his rasping voice.

Agad akong napabalikwas sa kinahihigaan at nanlalaki ang mga matang inilibot sa buong paligid. At mula sa sofa ay nakita ko si Aziel na prenteng nakaupo roon at magdekwatro pa ang dalawang hita. May hawak siyang isang tasa ng kape na inilapag niya sa pabilog kong lamesa bago lumapit sa akin.

"A-Anong ginagawa mo rito?!" kinakabahan kong tanong na hindi niya pinansin.

Bagkus ay lumapit siya sa side table kung nasaan ang pagkain at gamot.

Nagbaba ako ng tingin sa aking katawan at mabilis kong hinablot ang kumot para takpan iyon. I'm just wearing a white silk nighties! Walang kahit anong undergarments!

"Y-You changed my clothes!" sigaw ko na siyang ikinakunot ng kaniyang noo sa akin.

"Yes, what's the matter?" he curiously asked while brows furrowed.

Binuhat niya ang tray at ipinatong sa dulo ng aking kama. Mas lalong dumilat ang aking mga mata dahil parang casual na casual lang ang lahat sa kaniya.

"S-Sana hindi mo na lang ginawa! Sana hinayaan mo na lang akong matulog nang nakaone piece–"

"Do you think I would let you sleep with your clothes that have vomit everywhere?" he cut me off and bit his lower lip. "And stop overreacting, I've already seen every inch of your body."

Uminit ang aking magkabilang pisngi sa dahil sa huling sinabi niya pero hindi ko na pinatulan pa iyon. May point naman kasi siya pero curious talaga ako kung anong sinasabi niya sa una.

May pagdududa at pagtataka akong nakipagtagisan ng tingin sa kaniya. "Wala akong maalala."

He then licked his lip and smirked arrogantly. He even tilted his head and narrowed his eyes at me. "Mas mabuti na iyon... baka mahiya ka sa akin kapag naalala mo iyong mga ginawa mo kagabi."

"Bakit? Ano bang ginawa ko kagabi?" Mas lalong dumoble ang kaba sa aking dibdib.

Imbis na sumagot ay itinulak lang niya palapit sa akin ang tray ng pagkain. "Kumain ka na para makainom ka na ng gamot. Pagkatapos niyan, puwede ka nang magpahinga ulit." Pag-iiba niya ng usapan.

"Aziel! Anong ginawa ko sa iyo kagabi?" Tumayo ako sa kama pero ang loko'y mas lalo lamang lumawak ang ngisi sa labi at naglakad na patungo sa pinto.

"Babalik na muna ako sa cabin ko. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako." He winked at me before shutting the door.

Hindi ako lumabas ng kwarto buong araw. Mas pinili ko ang manatili at magmukmok. Gustuhin ko mang matulog ulit ay hindi ko na rin magawa dahil bumabagabag sa akin sinabi ni Aziel. Kung totoo mang mayroon akong ginawang kahiya-hiya kagabi, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

Nang sumapit ang gabi ay kinatok ni Aziel sa aking kwarto. He wanted me to eat dinner with him, which I refused.

"Nagpahanda ako ng dinner para sa ating lahat, Chantria," pangungumbinsi pa niya.

"Ayaw ko ngang lumabas. Tinatamad ako. Makakakain ka naman siguro ng dinner na wala ako, 'di ba? Hindi ko naman dala ang pinggan," I sarcastically told him.

He heaved a sigh, as if he was giving up with this conversation. "Alright, if you stay here, then I'll stay here too. Dito na lang din ako sa cabin mo kakain ng dinner–"

"You don't have to, Azi!" I shouted at him and threw him a dagger look. "Puwede bang tigilan mo ako sa pangungulit mo? Humanap ka ng ibang pepestehin mo dahil wala akong panahon sa 'yo!"

Bahagya siyang napaatras dahil sa lakas ng boses ko. Maging ako rin ay nagulat pero huli na para bawiin ko pa iyon. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at agad nang pinagbagsakan siya ng pinto.

Narinig ko pa ang ilang beses niyang pagtawag sa aking pangalan pero hindi na ako nag-abala pang pagbuksan siya. Nanghihina akong umupo sa kama at sinabunutan ang sarili.

"Don't feel bad about what you said. You just did the right thing..." saad ko sa aking isipan.

Ewan ko ba. Noong magkahiwalay kaming dalawa, hinahanap-hanap ko siya. Nangungulila ako sa kaniya. Pero ngayong narito naman siya sa harapan ko, gustong-gusto kong lumayo.

Hindi ko alam kung ilang oras akong natulala. Bumalik lang ako sa reyalidad nang sunod-sunod na tumunog ang aking telepono.

I was bombarded with Ate Chantal's messages.

From: Ate kong demonyo

Bakla, nasaan ka?

Pumunta ka rito sa resto. Nandito si Larisa, nilalandi ang asawa mo. Huwag kang magpapatalo.

Tila nagpanting ang utak ko sa nabasa pero sa huli ay wala akong ibang ginawa kundi ang mapabuntonghininga. Bahala siya.

I typed my reply.

To: Ate kong demonyo

Hayaan mo siya, Ate. Kahit bigyan mo pa ng limang babae. Alam kong hindi iyan tatanggi.

May halong gigil kong pinindot ang send button. Wala pang ilang segundo ay nagreply na agad ang kapatid ko.

From: Ate kong demonyo

Wala na, umalis na.

Kumuha lang ng pagkain dito para sa inyo tapos iniwan na kami dahil ikaw lang naman ang gusto n'ong kasama.

Arte mo, pangit ka naman.

Kumunot ang aking noo sa labis na pagtataka. Kumuha lang siya ng pagkain para sa aming dalawa at umalis na? Eh wala naman siya rito ngayon sa cabin ko, ah!

Hindi na ako nagreply pa kay Ate. Ibinato ko ang cellphone ko sa may headboard at mabilis na lumapit sa rack kung nasaan nakasabit ang itim kong hoodie. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit at nakuntento na lang sa nighties ko.

Saan naman kaya pupunta ang ungas na iyon?! Ginawa pa akong dahilan!

Pinihit ko ang sedura ng pinto at dire-diretsong lumabas ng kwarto. Walang masiyadong tao sa bahagi rito. May ilang pamilya lang ang naglalangoy sa pool pero ang iba ay paniguaradong natipon sa resto o bar.

Sumilip ako sa katabing cabin kung nasaan ang tinutuluyan ni Aziel. Sinubukan ko pang kumatok ngunit walang tao. Bigla akong natauhan. Bakit ko ba ginagawa 'to? Malamang ay may kasama na iyong ibang babae at ginawa lang akong palusot para makatakas siya!

Akmang babalik na ako sa aking kwarto nang hindi sinasadyang mahagip ng aking tingin ang lalaking nakaupo sa may dalampasigan. Hindi naman iyon kalayuan sa kinatatayuan ko pero dahil madilim na ay kinailangan ko pang liitan ang mga mata ko.

Tanging ilaw na nagmumula sa buwan lamang ang nagsisilbing liwanag sa kaniya. Kahit nakatalikod sa direksyon ko, memoryado ko ang kaniyang bulto.

Huminga ako nang malalim at nagsimulang lumakad patungo sa kaniya. Buong ingat ang ginawa kong paghakbang at sinisigurong hindi gagawa ng kahit anong ingay. Batid ko namang hindi niya ako nakikita dahil masiyado siyang tulala habang nakatingin at para bang kinakausap ang mga bituin sa kalangitan.

Hindi ako tuluyang lumapit sa kaniya. May ilang hakbang layo pero sapat na upang marinig ko ang mga sinasabi niya. Mahirap na at baka mamaya ay ako na pala ang palihim niyang isinusumpa.

Pero natigilan ako sa kinatatayuan nang marinig ang basag niyang tinig habang nakikipag-usap sa langit. "I-I know I wasn't given a chance to hold the both of you... maybe you're mad and disappointed at me... but I'm sorry if right now, I'll choose what really makes me happy."

He was sobbing while talking to his unborn children in the stars above.

"I hope you forgive me and I hope if the time permits that I will be given a chance to prove myself and become a better husband, I'll make sure to be a best father too..."

I smiled painfully as I watched him pray and talk to his kids. He was not perfect. He was far from the ideal man I've watched from the movies and read in the books. But I trusted in his development as a person. No matter how hurt I was. No matter how painful our past... I still believed in him and it never failed.

"I know you will, Azi. You surely will," tugon ko sa aking isipan bago magpasyang tumalikod at iwan na siya r'on. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro