Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Kung alam lang ni Ate Chantal kung gaano ko siya gustong sabunutan sa labis na pagkairita. Halata namang sinadya niyang gawin ang lahat ng ito.

Sa harap pa talaga ni Aziel ako napiling paupuin. Simula nang dumating ako sa lamesang ito'y hindi na niya nilubayan ng tingin. Sa kanan niya ay si Louie at Dewei na pangisi-ngisi sa akin. Sa kaliwa naman ay iyong maganda at sexy'ng babae na nagngangalang Larisa na halatang-halatang interesado sa magaling kong asawa.

Maingay ang buong hapagkainan dahil na rin kay Ate Chantal na bangkang-bangka sa usapan. Nanatili lamang akong nakayuko at pinaglalaruan ang aking pagkain, ni hindi ko man lang magawang makitawa sa kanila.

To be honest, I still don't know what to feel. Nasa pagitan pa rin ako ng gulat at pangangarap na hindi ito totoo, na isa lamang panaginip.

Iyong taong halos buwan ko ring hindi nakita, iyong taong araw-araw kong iniisip at ipinagdarasal sa gabi ay narito na mismo sa harapan ko. Iisang hangin na lang ang nilalanghap namin at iilang dipa lang ang layo.

"Aziel, sumakit ba ang shoulders mo?" dinig kong malanding tanong ng babaeng nasa harapan niya.

Hindi ko tuloy naiwasan na lantarang pagtaasan siya ng kilay. Nakita iyon ni Azi kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya na sinamahan pa ng pamumula ng pisngi.

Hindi ko lang alam kung para kanino o para saan iyong reaksyon niya. Kung kinikilig siya dahil kay Larisa, bahala siya. Wala akong pakialam sa kanilang dalawa!

Tumikhim ang lalaki bago umiling sa katabi. "I'm fine, Lars. Don't mind me."

"Bakit naman sumakit ang balikat mo, Ziel?" usyoso pa nitong kapatid ko at sinulyapan ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain na para bang walang nakikita o naririnig sa paligid.

Sasagot pa lang sana si Aziel nang maunahan siya ng babae. "Hindi ko kasi sinasadyang makatulog sa balikat niya habang nasa private plane kami ni Wei."

Kumunot ang aking noo at tila nagpanting ang aking tainga. May panggigigil kong kinagat ang fish fillet at isinubo iyon.

"Aysus, kunwari ka pang walang alam. If I know sinadya mo..." mahinang saad ko sa sarili kaya naman sinipa ni Ate ang paa ko sa ilalim ng lamesa.

Inilapit niya ang tainga sa akin at bumulong. "Guest natin 'yan. Bobo ka," bulong niya sa akin.

Napasimangot naman ako r'on. Pakialam ko?

"Guest mo lang. Ikaw ang nag-imbita, eh," depensa ko sa kaniya.

Kanina pa talaga ako naiirita. Bakit ba kasi ang daming tanga sa mundo?!

"Akala ko nga noong una'y magkasintahan kayo. Grabe ka kasi kung kumapit sa kaniya," ani Karyle na sinegundahan naman ng boyfriend niya.

"I thought so, too. Buti na lang nabanggit ni Louie sa akin na may asawa na nga itong si Mr. Navarro." The guy showed his friendly smile at me that made his dimples very much visible.

Nahawa ako sa kaniyang ngiti na agad din namang napawi nang magsalita si Larisa.

"But they're going to be annulled soon, right? Eh 'di may chance pa rin na maging kaming dalawa?" Nilingon niya ang lahat ng nasa lamesa at nagawa pa akong pagtaasan ng kilay.

Punong-puno ng saya at pag-asa ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung seryoso ba siya r'on o nang-aasar lang, pero sabagay, kung makadikit at makalingkis nga siya kay Aziel ay para siyang linta.

Natahimik ang lahat sa tanong niya. Nananantiyang tingin ang ibinigay nilang lahat sa akin habang si Wei na nabulunan pa sa kinakain.

I acted cool and unaffected. Kahit na sa loob ko'y gusto ko siyang tawanan nang sobra. Kagaya nga ng sinabi ko ay wala na akong balak ituloy ang annulment pero siyempre. . . hindi ibig sabihin n'on ay pinapatawad ko na ang aking asawa.

"Sumagot ka. Ipahiya mo," mahinang sulsol sa akin ni Ate Chantal.

"Akala ko ba huwag patulan dahil guest?" pasimple kong tugon.

"Nagbago na isip ko."

Napangiwi ako't umiling. Sumimsim ako sa aking inumin at marahang ibinalik sa lamesa ang baso. Kahit na kumukulo ang dugo ko kay Larisa ay nagawa ko pa rin siyang ngitian na parang totoo. Hindi iyon nagtagal at sunod ko namang binalingan ng tingin ang aking asawa na matamang nakatitig pa rin sa akin.

"Of course, Larisa. Once we're annulled, you can have him all you want..." But I bet he wouldn't want you the way he wants me right now.

Muli kong ibinalik ang tingin sa babae. Kitang-kita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata, mas lalong napuno ng galak ang kaniyang mukha.

I must say that Larisa was like a goddess. She could line up with those gorgeous models I've seen in magazines... and she somehow reminded me of Anne.

It was just that Anne was more sophisticated and expensive than this woman in front of me. Just an honest judgment, though.

Kung sa kaniya lang din naman ako ipagpapalit ni Aziel, mao-offend talaga ako.

Napailing na lang ako ulit mabilis na tinapos ang pagkain. Ramdam ko pang nagbulungan ang magkasintahan habang si Louie at Wei naman ay tumatawa at tila ba inaasar pa ang kasama. Hindi na ako nag-abala pang tapunan ng tingin si Aziel na madilim at tumatagos ang titig hanggang sa aking kaluluwa.

And one more thing, I just found out earlier that Wei, Louie and Aziel were best buddies. Hindi lang sila gan'on kadalas magkakasamang tatlo dahil nasa probinsya si Dewei. Isa siyang vice mayor sa isang bayan sa Quezon.

Matapos ng tanghalian ay nauna na ring umalis si Ate dahil mayroon siyang mahalagang tawag na kailangan sagutin. Sa akin niya ibinigay ang pangangalaga ng mga guest.

"Enjoy your stay here." I gave them a warm smile before I bid my goodbyes. "Kung may kailangan kayo, huwag kayong mahiyang magsabi sa amin."

"Thank you, Mrs. Navarro. It's our pleasure to be here," malumanay na tugon sa akin ni Karyle, kasunod namang nagsalita ay si Wei.

"Please tell your sister that thank you for accommodating us. Hope we'll see each other around."

My face turned red as a tomato when he winked at me. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiti.

"Paktay kang bata ka. Bawal iyan!" Louie commented.

Inakbayan niya ang kaniyang kaibigan at sapilitang hinila palayo kasama ang dalawang staff na maghahatid sa kanila.

Nilingon ni Larisa si Aziel gamit ang malagkit na titig. Halos magdilim ang aking paningin nang walang pakundangan siyang tumingkayad at hinalikan sa pisngi ang asawa ko. Sa harapan ko pa mismo!

Agad na napaatras ang lalaki at itinulak palayo ang babae. "What the hella fuck, Larisa?!" protesta niya at parang nandidiring pinunasan ng palad ang parteng hinalikan.

Naalarma ang kaniyang mga mata at hinagilap agad ang aking paningin, ngunit umiwas ako.

Hindi ako affected 'no, kahit maglaplapan pa kayo.

Mas lalong dumilim ang aking mga mata at nagngitnngit ang ngipin ko dahil sa naisip.

"Go, get your ass out of here," iritang pagtataboy pa ni Aziel.

She then giggled. "Let's see each other na lang later, Azi, hmm? Or if you want, you can stay in my cabin since I'm alone there." Sinubukan pa niyang himasin ang dibdib ng aking asawa pero mabilis na nailayo ni Aziel ang kaniyang sarili.

"Ang sabi ko umalis ka na," nagtitimping sagot niya.

Akmang ibubuka pa lang ni Larisa ang kaniyang bibig para magsalita nang may malaking kamay na humawak sa kaniyang braso.

"Pasensya na kayo, ah. Naiwan ko pala itong aso ko!" sigaw ni Louie habang hila-hila niya palayo ang pilit na nagkukumawalang babae.

Naiwan kaming dalawa ni Aziel. Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa hindi na ako nakatiis at tila isang hangin ko siyang nilampasan. Walang pagdadalawang isip siyang sumunod sa akin.

"Chantria," he called me using his gentle tone.

Hindi ko siya pinansin at nagpanggap na walang naririnig. Dinig na dinig ko ang gulong ng kaniyang maleta pati na rin ang pagtama ng kaniyang paa sa semento na sahig.

"Hey..." He tried to hold my arm but I easily got away.

Hindi ko ininda ang mabilis na tibok ng aking puso pati na rin ang panghihina ng mga tuhod ko. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung bakit siya narito o kung ano ba ang pakay niya.

"What is it, Aziel? Ano bang ginagawa mo rito?" singhal ko sa kaniya na siyang labis niyang ikinagulat. "Nakipagsabwatan ka pa talaga sa kapatid ko? Ano, guguluhin mo na naman ako?"

Pagod niya akong tinitigan bago pinasadahan ng dila ang sariling labi. "Hindi ako manggugulo."

Pagak akong natawa. Pinagkrus ko ang aking mga braso sa ilalim ng dibdib at nanghahamon na tinitigan siya. "Kung hindi ka narito para guluhin ako, then tell me why you are here?"

Hindi nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Blangko lamang iyon at kahit anong gawin kong pagbasa, hindi ko magawa.

"Chantria, matagal na akong nandito," usal niya at nahihirapang lumunok. "It's just that... gusto ko lang na makita nang mas malapit pa dahil pagod na akong pagmasdan at panoorin ka mula sa malayo," pag-amin niya na siyang ikinagimbal ng aking mundo.

Sandaling nablangko ang aking isip. Ang kaninang malakas na tambol ng aking dibdib ay mas lalong naging marahas. Ngunit kalaunan ay tila agad din akong natauhan.

Umiling ako't mapait na ngumiti sa kaniya. Oo, mahal kita pero... "Pasensiya ka na pero hindi mo na ulit ako madadala sa mga salita mo."

Kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata bago ako nagpasyang tuluyan na siyang talikuran. Nagmamadali akong bumalik sa cabin at nanghihinang sumandal sa likod ng pinto. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro