Chapter 31
When our fourth anniversary came, I celebrated it alone. I prepared a simple dinner date for myself on the shore while watching the sunset. Ate Chantal made it just exclusive for me.
And I must tell you that it was such a bittersweet moment. Mukha akong tangang umiiyak habang inaalala ang tatlong taon naming pagsasama. Kahit hindi naging maayos ang takbo ng relasyon namin, hindi ko rin maitatangging naging masaya ako habang kapiling siya.
Naalala ko pa iyong halos isumpa niya ako dahil ayaw niyang matali sa akin pero wala pang dalawang buwan ng pagsasama ay dinala niya ako sa bagong bahay na ipinagawa niya na para sa aming dalawa talaga. Iyong mga panahong sinasabi kong gusto kong magpagupit ng buhok pero nagagalit siya sa akin dahil mas gusto niya raw itong mahaba.
The way he took me gently while we were having sex, consistently kissed my forehead and wearing my clothes back after the deed. Even the fact that he memorized the small details about what was my favorites and what's not.
Maybe for others it was too shallow and pathetic, but for me it was a big thing already.
I heaved a sigh and looked at the wedding ring like it was him I'm staring at. "Kung alam ko lang na ganito ang kahihitnan nating dalawa, sana'y hindi na lang kita pinakasalan pa. . ." bulong ko.
Kung alam ko lang may ibang taong masasaktan o madadamay, sana'y nakuntento na lang akong mahalin siya mula sa malayo. Sana'y hindi ko na lang ipinagsiksikan ang sarili ko. . . pero narito na ako sa sitwasyon kung saan alam kong wala na akong kawala. Nandito na kami sa sitwasyon na kahit anong pagsisisi, hindi na maaaring mabago pa.
Mariin kong ipinikit ang mga mata at kinuyom nang mahigpit ang singsing na nasa aking kamay. Hinayaan kong damhin ang malakas na hampas ng hangin na tumatama sa akin.
Nagmulat ako ng mga mata nang mayroong tumikhim mula sa aking likuran. Nilingon ko iyon at nginitian si Everleigh na may kakaibang ngisi sa labi.
"Chantria, sorry sa abala pero may nagpapaabot lang po nito. Para raw 'to sa iyo." Inilahad niya sa akin ang isang bouquet na juliet rose. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa pinakamahal na bulaklak sa buong mundo.
Nagtataka man ay kinuha ko iyon sa kaniya. Inabot niya rin sa akin ang dalawang mamahaling tsokolate at isang denim jacket.
"Ang dami naman. Sinong nagpapabigay?" I asked her with my brows furrowed.
Natutop niya ang kaniyang bibig bago sunod-sunod na umiling. "Ayaw magpasabi ng pangalan, eh. Kilala mo na raw siya."
"But–"
"Isuot mo na rin iyang jacket dahil malamig na rito sa labas. Una na ako." Bahagya siyang yumuko sa akin bilang paggalang. "Emote well, Chantria. Sabihan mo lang ako kung gusto mong background music. Kukuha ako ng malaking speaker with matching Paubaya ni Moira."
'Baliw!" I chuckled and hit her arm.
Tatawa-tawa siyang umalis. Nang tuluyan na siyang mawala sa aking paningin ay inilapag ko ang lahat sa pabilog na lamesang nasa harapan ko, maliban sa denim jacket na inamoy ko muna bago isuot.
At sa tapang pa lang ng pabango, alam ko na kaagad kung sino. Hindi ako maaaring magkamali. Dinampot ko ang bouquet at binasa ang nakasulat sa card.
"In the sea of people, my eyes will always search for you. Happy 4th anniversary." Iyon lang ang bukod tanging nakasulat.
Inilibot ko ang tingin sa buong paligid, umaasang narito siya at nagtatago lang. Pero kahit na hindi ko siya nakita, masaya akong malaman na hindi niya nakalimutan ang araw naming dalawa kahit na alam kong isa ito sa mga pinakamalungkot at nakakadurog na pangyayari sa kaniya.
This was also the day that he lost his unborn children.
"So wala ka nang balak makipag-annul kay Azi?" Ate Chantal asked.
I shook my head and sighed heavily. "Sa ngayon, wala na, pero kahit naman gan'on hindi ko pa rin sinasabi na babalik na ako sa kaniya."
Proud na proud siyang tumango sa akin na para bang isang napakagandang sagot ang narinig niya. "Tama 'yan, Chantria. Walang marupok sa pamilyang 'to. Hayaan mong lalaki ang maghabol sa atin at hindi tayo ang hahabol sa kanila!" she uttered with extreme conviction in her voice.
Natatawa na lamang akong umiling at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ewan ko ba sa babaeng ito. Umagang-umaga pa lang ay narito na agad sa aking opisina para manggulo. Medyo naibsan ang aking antok at sakit ng ulo dahil anong oras na rin ako nakauwi kagabi.
Ngayon naman ay gusto ko sanang magtrabaho nang mapayapa pero dahil nariyan siya, hindi ko magawa. Paano pa kaya kapag dumating din ang kaibigan kong si Everleigh? Palagi ring maraming tanong 'yon.
"So bago ko pala makalimutan kung bakit ako narito, gusto kong sabihin na mayroon tayong mahahalagang panauhin na dadating mamaya," she casually said and sipped on her coffee.
Nanlaki naman ang mga mata ko at halos mapatayo sa kinauupuan sa sobrang gulat. "What?! Why did you not tell me earlier para naman masabihan ko iyong mga empleyadong maghanda–"
She groaned and cut me off. "Can I send you a Chowking halo-halo para you can chill?" maarteng tanong nito sa akin na may kasama pang pag-irap.
"Ate naman. . ." I gasped tiredly.
Tamad niya akong tinapunan ng tingin. "Stop overreacting, girl. Okay na, settled na ang lahat. Hindi ko na ibinigay sa iyo ang gawaing iyon dahil alam kong marami ka nang ginagawa."
"Mabuti naman." Doon pa lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Hindi naman niya masisisi kung oa kung magreact. Kailangan kong gawin nang maayos ang trabaho dahil kung hindi ay kahindik-hindik na sermon ang aabutin ko kay Mommy.
"Bakit mo naisipang magpapunta ng mga kilalang bisita rito sa resort?"
"Just one of my strategies to promote our place." Malawak ang iginawad na ngiti niya sa akin kaya muli akong napairap.
"Sinu-sino sila?"
"Actually, anim lang sila. Three businessmen, one vice mayor and one celebrity couple that are celebrating their ten years of marriage," she simply told me.
"Ibang klase rin ang strategy mo, ah? Mga bigatin pa talaga?" Ngumisi ako kasabay ng pag-arko ng aking kilay.
She flipped her hair and stood up. "Of course! Hindi nga sila nagdalawang-isip sa offer ko, eh. Siyempre, 'di ba? Sino ba naman ang tatanggi sa ganda kong ito?" pagyayabang pa niya at ikinumpas ang kamay. "Oh siya! Aalis na ako. Ipapatawag na lang kita kapag nariyan na sila."
Ngumiti siya sa akin at lumabas na ng opisina. Nagawa pang kumanta-kanta ng loka, palibhasa'y nasa akin na ang lahat ng gawain niya at wala na lang siyang ibang inatupag kundi ang magpacute sa mga gwapong lalaking bakasyonista.
Ipinagpatuloy ko ang tambak na ginagawa nang tuluyan na nang makaalis si Ate. Hindi rin nagtagal ay nag-ayos na ako ng sarili. I applied light makeup, sinigurado ko ring mukha akong presentable tingnan. Nang sumapit ang tanghali ay ipinatawag na ako ni Ate. Ang namumutlang mukha ni Leigh ang bumungad sa akin.
"Okay ka lang ba? Parang nakakita ka ng multo?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Mukha siyang lutang at tila ba maraming iniisip.
Pilit siyang ngumiti sa akin. "O-Okay lang."
"Sigurado ka?
Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa. Sabay kaming naglakad papunta sa restaurant na narito lang din sa loob ng resort. Hindi naman iyon kalayuan sa cabin na tinutuluyan ko. Paulit-ulit na sulyap ang iginawad ko kay Leigh dahil hindi talaga ako kumbinsidong ayos lang siya. Para siyang hindi mapakali at pinagpapawisan pa nang malala.
Bago kami tuluyang makarating sa resto ay sinalat ko muna ang kaniyang noo.
"Wala ka namang lagnat, Leigh. Natatae ka ba?"
Naiirita niyang tinanggal ang aking palad. "Okay lang ako, Chantria. Oh sige, maiwan na kita riyan. Hindi na kita masasamahan sa loob dahil marami pang inuutos sa akin ang Ate Chantal mo."
Umawang ang aking labi at akmang sasagot pa ngunit binuksan na niya ang pinto at sapilitan akong itinulak papasok sa loob ng resto. Sa lakas nga ng kaniyang pwersa ay muntikan pa akong masubsob sa sahig. . . kung hindi lang may matikas na kamay ang humawak sa aking braso para mapigilan ang pagbagsak ko.
"Careful, Miss," a soft yet baritone voice spoke.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya at ang una kong napansin ang kaniyang asul na mga matang mapungay at tila nanghihinoptismo. Hanggang balikat ang kaniyang buhok, matangos ang ilong at hugis pusong mga labi. Pormal ang kaniyang suot, halatang karespe-respeto. Matipuno ang kaniyang katawan at higit sa lahat. . . maugat ang mga kamay at braso.
Natigil ako sa pagpapaulan ng papuri sa hindi pamilyar na lalaki nang makarinig ako ng isang malisyosang tikhim. Bumaling ang tingin ko kay Ate Chantal na may nakakalokong ngisi sa labi. Pinag-angata niya ako ng kilay.
Mabilis akong bumalik sa ulirat at umayos ng tindig. Inayos ko ang sarili kahit na nag-iinit ang aking pisngi dahil sa kahihiyan. Lintik na Everleigh! Nag-ayos pa ako nang matindi tapos mapapahiya lang ako sa harap ng mga bisita.
"Sorry, Vice Mayor. Medyo may pagkashunga ho talaga itong kapatid ko." My sister awkwardly laughed and pulled me closer to her.
Nagtama ang paningin namin ng lalaki kaya pakiramdam ko'y mas lalo akong kinain ng matinding hiya. Kung puwede lang magpalamon sa lupa, ginawa ko na! Vice Mayor! Vice Mayor itong kaharapn ko ngayon!
"No biggie, Chantal. I hope she's alright." He then gazed at me and gave me a friendly smile.
Sa kabila ng hiyang nararamdaman, nagawa ko pa ring ngumiti nang pilit at maging pormal. "I'm alright, Vice Mayor. Sorry if you have to witness that," I told him.
He nodded at me and extended his hand. "Please call me Wei. Dewei Thiago Brennon. . ."
"Nice meeting you, Wei." I accepted his hand and shook it. "I'm Chantria Saavedra."
"Chantria Saavedra-Navarro! She's married!" pagsingit ni Ate Chantal at nagawa pa akong pandilatan ng mga mata.
Wei laughed and bit his lower lip. "Oh, I see. I'm married, too." Itinaas niya ang kamay para ipakita ang singsing na suot.
Umasim ang mukha ni Ate Chantal at kung tama ba ang nakikita ko ay inirapan niya ang lalaki.
"He's one of our guests, Chantria. Ipapakilala ko pa sa iyo ang iba." Hinawakan niya ang aking likod.
Humarap ako sa mahabang lamesa kung nasaan ang mga bisita. Ang nakaplaster na ngiti sa aking labi ay unti-unting naglaho nang mapagtanto kung sino iyong mga nakaupo roon.
Madilim ang kaniyang mga mata at umiigting pa ang panga. Hindi ko alam kung para saan o para kanino ang galit na iyon dahil tumatagos naman sa akin ang titig niya. Wala rin namang ibang taong nasa likod namin ni Ate kundi si Wei lang.
Patuloy naman sa pagsasalita ang kapatid kong bruha. "This is Karyle and Jeofrey, the celebrity couple. Louie and Larisa, the businessmen. . ." she trailed off and then looked at me. "And of course, Aziel Navarro, your soon-to-be ex husband." May bahid ng pang-aasar sa kaniyang tinig, dahilan para magtawanan ang lahat ng nasa lamesa.
Nang lingunin ko si Aziel ay malambot na ang mga mata nito sa akin. Marahas ang tibok ng aking puso na para bang hinihingal ako. Hindi ako makapaniwalang narito na siya ngayon sa harapan ko.
"They will be our special guest for two weeks!" My demonic sister cheered and I even saw her winked at my husband.
I closed my eyes tightly as I massaged my temple. This will be the death of me...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro