Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Matapos ng ilang buwan kong pananatili ko sa Anda ay inilipat na ako ni Mommy sa malaking branch ng aming resort sa Panglao. At first, medyo natatakot at kinakabahan pa ako dahil mas malaking responsibilidad na ang nakapatong sa aking balikat na kalaunan ay nakasanayan ko na rin naman.

Dulot ng kaliwa't kanang trabaho ay wala na akong naiisip pa na kung ano. Minsan nga ay nakakalimutan ko na kung ano ang dahilan at bakit ako napadpad dito.

Ang panandaliang paglayo sa aking asawa ay nagdulot naman ng magandang resulta. Tila isa akong ibon na nakawala sa hawla. Gumaan ang bawat paghinga at ang takbo ng aking utak ay naging mapayapa, kahit na minsan ay may mga pagkakataong binibisita pa rin ako ng pagkabahala.

Natuto akong maging bukas sa ibang tao. Natuto akong manindigan sa pinaniniwalaan ko at pagdating sa pagdedesisyon ay hindi na ako padalos-dalos. Lahat ng ideya at maaaring maging epekto nito'y talagang pinag-iisipan ko.

Mas naging malalim din ang pagkakakilala naming magkapatid pati na rin ni Mommy. Humingi sila ng tawad sa lahat ng nagawa at nasabi nila sa akin na masasakit noon. Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ko ang hinihingi nilang iyon na hindi ko naman pinagsisihan dahil masaya ako sa kung ano mang estado ng relasyon namin ngayon.

"Tria, nililigawan ka pa ba ni Sir Jonathan?"

Natigil ako sa pagtitipa sa aking laptop at nag-angat ng tingin kay Everleigh na kumakain ng lunch sa harapan ko. Matagal akong natahimik bago nagkibit balikat sa kaniya.

"Matagal na siyang huminto. Bakit?" I raised my brows at her.

"Ay weh? Bet na bet ka n'on, ah?" asik niya.

Bumuntonghininga ako at pagod na sumandal na sa aking swivel chair. Inunat ko muna ang aking mga brasong kanina pa nangangalay sa dami ng ginagawa at pinipermahang dokumento.

"I just don't know, Leigh. Basta isang araw ay iniwasan na lang niya ako," saad ko, dahilan para umingos siya sa pagkadisgusto.

"Eh, si Kieljohn? Iyong chef? Nanliligaw din ba? At saka si Amadeo at Cronus? Hindi ba't nagsuntukan pa 'yang dalawa dahil pinag-aagawan ka?" sunod-sunod na bato niya ng tanong.

Napailing na lamang ako sa pagiging chismosa niya. Sabagay, kahit kaibigan ko siya ay marami pa rin siyang hindi alam na mga bagay tungkol sa akin. Bukod sa wala akong panahong magkwento, palagay ko'y hindi tamang sabihin ko pa sa iba ang mga pinagdaanan ko noon.

Aziel was still my husband after all. Ang kasiraan niya'y kasiraan din ng relasyon naming dalawa sa mata ng iba.

"Wala na. They all stopped pursuing me." I gently smiled at her.

Halos mag-isang linya na ang kaniyang kilay dahil sa labis na pagtataka. Naguguluhan siya at talagang napapaisip pa nang malala. Lahat ng mga pangalang binanggit niya ay ang mga lalaking naglakas loob para magpahayag ng nararamdaman para sa akin.

Kahit na hindi naman ako interesado sa muling pagpasok sa pag-ibig, hindi ko tinutulan ang gusto nilang pagpapakitang gilas. Iyon nga lang, ang siyang ipinagtataka ko ay hindi man lang sila inaabot ng linggo o buwan at agad na lang akong iniiwasan.

Katulad na lang nitong si Cronus na isa sa mga pinakamahusay na supervisor at pinakakasundo ko talaga sa lahat...

Matapos ng trabaho ko sa opisina ay umiikot ako sa lahat ng bahagi ng resort. Nakasanayan ko na ito noong nasa Anda pa man ako dahil gusto kong personal na makita at malaman ang kalagayan ng bawat empleyado at maging na rin ng mga bisita.

Habang naglalakad sa may dalampasigan ay naaninag ko si Cronus na papunta rin sa may direksyon ko, ngunit nang makita niya ako ay naging aligaga siya at agad na umiba ng direksyon.

"Wait lang, Cronus!" Itinaas ko ang aking isang kamay para pahintuin siya pero hindi siya nakinig.

Kahit nahihirapan sa pagtakbo sa buhanginan ay pinilit ko pa rin siyang maabutan. Hindi naman ako nabigo. Hinawakan ko ang isa niyang braso para pigilan siya sa paglalakad ngunit mabilis siyang nagpumiglas.

"Ma'am, ano ho bang kailangan nyo?!" he shouted at me annoyingly. "Kung hindi naman po iyan mahalaga, mauuna ako. Marami pa ho akong trabaho na dapat tapusin–"

"Cronus, iniiwasan mo ba ako?" I cut him off.

Hindi ko pinansin ang reklamo niya sa akin kahit na sa parte ko'y medyo nakakabastos iyon bilang nakakataas sa kaniya.

He mockingly laughed and pushed his tongue against his cheeks. "Mawalang galang na, Ma'am Chantria, pero bakit naman kita iiwasan? Marami lang ho talaga akong trabahong ginagawa. . ." Cronus shook his head arrogantly. "If you're being clingy like that dahil sinabi ko noong nakaraang liligawan kita, hindi na po. Nagbago na ang isip ko. I already lost my interest in you."

Yumuko siya sa akin at tumalikod na. Umawang ang aking labi at bahagyang napalunok dahil sa sinabi niya. Saan naman kayang imahinasyon niya hinugot na nagpapaclingy ako sa kaniya? Eh wala nga siya ni isang katiting na pag-asa akin at pinagbigyan ko lang dahil ayaw kong mapahiya siya sa mga kaibigan niya.

I just want to approach him since I don't want to have any misunderstanding with my employees. I would call Ate Chantal later and tell her she disrespected me. That prick! Maybe that was a valid reason to fire him.

"Tanginang 'yon. Napaka-feelingero." Ikinalma ko ang aking sarili. Ilang beses akong bumuga ng hangin bago nagpatuloy sa pag-iikot sa buong resort.

Panay ang bati at ngiti ko sa ilang empleyado at bakasyonistang nakakasalubong ko pero habang naglalakad ay nararamdaman ko na namang tila mayroong nagmamasid sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at buong ingat na sinuyod ang paningin sa paligid ngunit wala naman akong nakitang misteryoso o kahina-hinalang tao.

Pero isang tao ang siyang pumukaw ng aking atensyon. Isang pamilyar na bultong naglalakad palayo sa kinatatayuan ko. Nakasuot ang lalaki ng hoodie at sunglasses. Medyo natatamaan din ng araw ang kaniyang mukha kaya hindi ko siya maaninag nang mabuti. Hindi ko alam kung epekto lang ba 'to ng pagod o guni-guni ko lang ba iyon pero alam ko. . . at hindi ako maaaring magkamali.

"A-Aziel?" I murmured to myself.

"Aziel!" This time, it was more loud and clear that made it echo with the whole place.

Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa para habulin siya, ngunit bago ko pam magawa iyon ay biglang sumulpot sa aking harapan.

"Chantria, pinapatawag ka ng Ate mo. Dumating na raw iyong mga panauhing hinihintay nyo," Everleigh told me.

Napapikit na lamang ako at inihimalos ang parehong palad sa aking mukha. Napansin niya iyon kaya dahan-dahang nawala ang malawak na ngiti sa kaniyang labi at napalitan ng labis na pag-aalala.

"Okay ka lang ba, Tria?" Akmang hahawakan niya ako sa braso para alalayaan pero agad akong umiling sa kaniya.

"I'm fine, Leigh. Medyo masakit lang ang ulo ko. Tara na?" I managed to plaster a smile at her.

Kahit bakas pa rin ang kaguluhan at pag-aalala ay wala na siyang nagawa kundi ang tumango at magpatianod sa akin. Muli kong sinulyapan ang direksyon kung saan ko nakita ang lalaki pero wala na ni isang bakas niya roon.

Laman iyon ng aking isip hanggang sa mga sumunod na araw. Sa sobrang kapraningan ko nga ay naisipan ko pang i-review ang mga CCTV pero wala rin akong napala.

Thinking about him made me feel so gloomy. It has been six months since I left. I couldn't help myself but to wonder what was going with him right now? Okay lang kaya siya? Hinahanap din kaya niya ako? O baka naman masaya na siya ngayon dahil wala nang makulit na Chantria'ng umaaligid palagi sa kaniya?

And without any inhibitions and for the first time after eternity, I searched his name on the internet. Maraming latest articles at pictures agad niya ang lumabas. Una na sa magandang balita ay nagsisimula na ulit siya ng panibagong pangalan sa pagnenegosyo at isinasabay rin niya ang pag-aaral ng Architecture. Paminsan-minsan ay umaalis siya ng bansa para makapag-negotiate sa iba't ibang potential inventors.

He was doing good with the path that he was taking right now and I felt relieved knowing that. At least, he was now pursuing the dreams he really wanted to be. But what made me sad the most was he was determined to cut his ties with his family – except with Aia, the new CEO of S&N Company.

Lahat ng artikulong lumalabas tungkol sa kaniya ay tungkol lamang sa negosyo, pwera na lang siguro sa isang balitang pumukaw ng aking atensyon.

'The young business tycoon, Aziel D. Navarro is undergoing psychological sessions.' That was what the headline said.

Binuksan ko ang video at ang bumungad sa akin ay ang interview niya mula sa isang sikat at tanyag na journalist. Pinanood ko iyong mabuti at wala akong pinalampas na kahit ilang segundo. At habang nasa pinakagitnang bahagi ng mga tanungan ay mas lalo akong naging interesado. . .

"What makes you pursue to undergo the psychological sessions, Mr. Navarro?" tanong ng host.

Aziel smiled at him before he answered, "I believe that this will help me to be a better person. For years, I've been blaming myself for what happened to my father and unborn children. It's hard to live with conscience and because of that, naapektuhan din relasyon ko sa aking asawa since I was blaming her too."

"I promised to my wife that I'll be the better version of myself and I want to prove that to her. Ayaw kong mapunta sa wala lahat ito, eh. . ." he added.

Tumango-tango ang kalbong host at muling nagbato ng tanong sa kaniya. "If there's one thing that you learned from your mistakes, what would it be?"

Bahagyang tumingala si Aziel para mag-isip saglit. Nang muli niyang ibinalik ang tingin sa kaniyang kausap ay mas lalong nagfocus sa kaniyang mukha ang camera. Masasabi kong sa loob ng anim na buwan ay may nangilan-ngilang nagbago sa kaniya.

He became more mature and his face grew stubbles, but it didn't make him less handsome.

"Siguro, if there's one lesson that I learned from it is if you are stuck in the past, you miss out the beauty of the present and may hurt other people in the future. I've realized that holding onto the past is like staying in a place where you no longer belong."

A tiny grin escaped from my lip as a tear fell in my eyes. I didn't continue to watch it anymore because what I've heard from him was enough proof that leaving for a while was the right choice to save the both of us. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro