Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

"Uminom ka muna ng tubig." Inilahad ni Ate Chantal ang isang basong tubig at agad ko namang tinanggap iyon.

At habang umiinom ay muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa mahabang sofa na katapat lang niyong sa akin. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso sa ilalim ng dibdib at nagdekwarto ang dalawang binti habang matamang nakatingin sa akin. Base sa suot niyang damit ay halatang kauuwi lamang niya galing sa trabaho. Medyo mapungay na rin ang kaniyang mga mata na para bang pagod na pagod na sa dami ng mga ginawa buong maghapon.

Nang maubos ko ang laman ng baso ay marahan ko iyong ipinatong sa babasaging lamesa. Tumikhim ako't umayos ng pagkakaupo. Hindi malaman kung saan ko ibabaling ang aking paningin. Ngayong nahimasmasan na ako ay ramdam ko na ang matinding awkwardness sa pagitan naming dalawa dahil paulit-ulit na nagre-replay sa aking utak ang mga katagang binitawan niya kanina.

"...Simula ngayon hindi ka na papabayaan ni Ate. Hindi ka na mag-isa, kasama mo na ako."

Every word she had said was still vivid in my mind. For past years, ako lang ang nag-iisang tumuturing sa kaniya bilang kapatid kahit na alam kong ayaw niya sa akin. Marami siyang nagawang kasalanan at nasabing panghuhusga, pero ewan ko kung bakit ang sarap pa rin sa damdamin na kahit sa unang beses ay kinonsedera niya ako bilang kapatid.

"Nasa kwarto pa si Mommy," wika niya kahit hindi ko naman tinatanong.

"G-Gan'on ba?" nag-aalangang tugon ko at tiningnan niya ako na para bang may hinihintay pa siyang sabihin ako. Pilit kong piniga ang utak at mas pinangunahan ako ng hiya. "Uhm, sleepwell?"

Her face went sour because of my answers. Imbis na kausapin pa ako ay mas binilisan na lamang niya ang paglalakad patungong dining table.

Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon para ilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Sobrang nakakagaan ng loob ang muling makatapak dito. Wala naman masiyadong nagbago bukod sa mas naging marangya ang mga kagamitan. Iyong malaking picture frame namin noon sa sala ay naroon pa rin. Nadagdagan pa nga ng larawan na kuha noong kasal namin ni Aziel.

Whatever happened, this was still my home. When was the last time I went here? Hindi ko na maalala.

"Kumain na ba si Mommy?" tanong ni Ate Chantal sa isa sa mga katulong.

Tumango ang babae. "Opo, Ma'am. Maaga po siyang kumain at nagpahinga dahil sumakit daw po ang katawan niya kanina dahil sa zumba kasama ang mga amiga niya."

Ate Chantal hissed and rolled her eyes heavenwards. "Si Mommy talaga. Feeling bumabata!"

Tipid akong ngumiti. "Is she always like that?"

Sinulyapan niya ako habang nagsasandok siya ng pagkain sa kaniyang pinggan. "Hindi naman araw-araw pero madalas. Iba-iba rin ang trip niyan sa buhay, eh. Minsan todo exercise pero minsan puro lamon lang din."

I smiled again as I remembered the old days. "Adik pa rin siya sa pagsho-shopping?"

"Yes, that's her habit that will never perish."

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging tunog ng kubyertos na tumatama sa babasaging pinggan ang nagbibigay ingay nang magsimula na kaming kumain. Ngunit ilang saglit lang ay muli na naman siyang nagsalita.

"So magkwento ka naman," aniya at pinagtaasan ako ng kilay.

Dagli akong natigilan bago tipid na natawa. "Ano namang ikwe-kwento ko sa 'yo?"

"Kung bakit bigla ka na lang sumulpot dito?" Umarko ang kaniyang kilay. "Siguro'y natauhan ka na sa mga pinaggagawa ng asawa mo 'no?"

Natutop ko ang aking bibig dahil sa walang prenong tanong niya. Now I'm wondering if she knew what happened to Anne and Aziel? Alam kaya niyang nawalan ng anak iyong dalawa? Aware kaya siya sa mga nangyayari noon o kagaya ko ring walang ideya?

"I just want to breathe for a while," tanging nagging sagot ko lang na siyang dahilan para mas lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo.

She scoffed at me. "Breathe lang? Hindi pa rin kayo maghihiwalay? Bilib din ako sa katangahan mo, ah!"

"Pinag-iisipan ko pa. Gusto ko munang pag-isipang mabuti ang mga desisyon ko dahil ayaw kong magsisi ulit sa huli."

I don't want to commit the same mistakes again. Iyon ang napagtanto ko nitong mga nagdaang araw. Ang isang desisyon ay hindi lamang maaaring makaapekto sa 'yo kundi pati na rin sa ibang tao. Na isang pagkakamali at bara-barang plano, hindi lamang ikaw ang maaaring magdusa.

Bumuntong hininga siya at dismayadong umiling. "What keeps you from holding on? What makes you think that your marriage is still worth it? Was the three years of pain and suffering wasn't enough for you to give up?"

"Hindi naman kasi madali, Ate. Kahit gaano na kabigat sa dibdib, hindi ko pa rin siya magawang bitawan nang tuluyan." Bumagsak ang aking tingin sa sariling pinggan. Marahas akong napalunok habang nag-iisip ng tamang dahilan. "Siguro dahil mahal ko siya at mas mabigat lang ang lahat kapag hindi ko na siya kasama."

Her nose wrinkled like she heard something allergenic. "Oh wow, that's cringe!" nandidiring asik niya kaya naman napasimangot ako.

Tumuwid siya ng pagkakaupo bago muling nagseryoso. "Ang lahat ng mabigat ay gumagaan kapag binibitawan, Chantria. But well, tama namang huwag ka munang magdesisyon hangga't magulo pa ang emosyon mo. At saka buhay mo naman 'yan. Ikaw naman ang masasaktan at iiyak, hindi ako."

She cooly sipped on her juice. Ikinumpas niya ang isang kamay sa akin bilang sensyales na magpatuloy na ako sa pagkain. Tinanong niya rin kung anong plano ko at sinabi kong balak kong maghanap ng trabaho. Maraming posisyon ang nakaabang sa akin sa S&N pero wala akong planong pumasok doon sa ngayon.

"Mayroon tayong resort sa Bohol. Base sa last will testament ni Daddy ay para talaga iyon sa ating dalawa, hindi sakop sa mga negosyong pinagmerge sa mga Navarro. Ako ang nagma-manage niyon sa ngayon pero hindi ko rin masiyadong natututukan nang mabuti. . ." she trailed off and stared at me. "Gusto mo roon ka muna?"

Napasinghap ako't parang tumalon ang aking puso sa galak. Nagustuhan ko agad ang alok niya. "P-Puwede naman."

"And maybe it'll help you to refresh your mind. Makihalubilo ka sa maraming tao at huwag mo munang isipin ang asawa mong walang bayag–"

"Ate, mayroon naman!" depensa ko, dahilan para umingos siya.

"Hindi mo sure," she snorted at me.

"Sure ako. Ako ang asawa kaya alam ko!" I gave her a deadly glare.

Nagpatuloy pa ang pagtatalong iyon kahit na alam ko namang inaasar lamang niya ako. Hindi rin nagtagal, matapos kumain ay inihatid na niya ako sa dati kong kwarto. Kahit na masaya ako sa kung ano man ang nangyari sa amin ngayon ni Ate Chantal, hindi ko pa rin maitatanggi ang matinding lungkot na bumabalot sa aking puso.

Pero bago tuluyang matapos ang pag-uusap naming dalawa, tumatak sa akin ang pinakahuling litanya niya.

"Hindi ako naniniwalang nasa huli ang pagsisisi, Chantria. Palagi iyong nasa gitna kasi sa huli matututo ka. Imposibleng matawag na pagsisisi kung hindi ka natuto mula sa pagkakamali mo. . ." she said in a perpetually tired voice before turning her back on me.

Habang nakahiga sa malambot na kama ay patuloy pa rin ang pagtakbo ng isipan ko. I was thinking about Aziel. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Kumain na kaya siya?

Bukas, sino na kaya ang mag-aasikaso sa kaniya? Ano kayang plano niya ngayong wala na siya sa pwesto? Ano na ang magiging trabaho niya? Hindi pa naman siya sanay na walang ginagawa. Would he be okay being alone? Kakayanin ba niyang mag-isa at wala ako?

I hope so. . .

Hindi ako nakatulog nang maayos noong gabing iyon. Gustuhin ko man, walang humpay pa rin sa pagtakbo ang aking utak. Kaya naman kahit hindi pa tuluyang sumisilip ang haring araw ay mulat na mulat na ang aking diwa.

Bumangon ako sa kama nang makarinig ng ingay mula sa baba na tila ba nagkakagulo. Nagmamadali akong bumaba at hindi na inintindi pa kung ano ang itsura ko.

"Sinabi ko na ngang umuwi ka na. Umagang-umaga nanggugulo ka!" dinig kong singhal ni Chantal mula sa labas.

Malaki ang bahay pero sa lakas ng boses niya ay talagang magigising ang lahat. Naroon din si Mommy sa may pinto, nakapamewang at tila aburido.

"Gusto ko lang sunduin ang asawa ko, Chantal!" I heard a familiar voice outside.

My sister laughed with mocking astonishment. "Lumayas nga sa bahay nyo kasi ayaw kang kasama tapos ngayon susunduin mo? Bangag ka ba?"

"Wala akong panahon para makipagbiruan sa 'yo. Ilabas mo ang asawa ko dahil uuwi na kami," Aziel muttered, almost losing his patience.

"At sino ka naman para biruin ng anak ko? Close ba kayo? Lumayas ka nga! Magsama-sama kayo ng magulang mong plastik!" pakikisali naman ni Mommy.

Pero sadyang matigas ang ulo ni Aziel at hindi siya matinag. Ilang beses niyang sinubukang pumasok sa loob ng mansion pero hindi niya magawa dahil sa mga bodyguard na nakaharang. Mula sa bintana ay tahimik ko lamang siyang tinatanaw. At kahit na dinudurog ang aking puso sa nakikita ko ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong gawin.

Magulo ang kaniyang buhok. Hindi maayos ang pagkakabutones ng kaniyang puting button down shirt at magkaiba pa ang suot na sapatos. Malalim ang itim na bilog sa ilalim ng kaniyang mga mata at pasuray-suray na rin ang lakad dahil sa matinding kalasingan. Paano ba kaya siya nakarating dito sa ganiyang klaseng estado niya?

"You can't just take my wife away from me, Chantal!" Aziel's raging voice thundered the whole place.

Muntik na akong mapatalon sa aking kinatatayuan samantalang hindi man lang nakitaan ng takot ang kapatid ko. Sa katunayan nga ay nagawa pa niyang tumawa. "I didn't take her away from you. Ikaw ang hindi nagpahalaga at nambalewala, tapos ngayon maghahabol ka?"

Mas lalong umigting ang galit sa mga mata ni Aziel. Nagtiim ang kaniyang bagang bago muling sumagot. "Shut the fuck up. Wala kang alam."

Chantal smirked and raised her both hands, as if she was surrendering. "Okay, fine."

Sinenyasan ni Mommy ang mga bodyguards na damputin at kaladkarin na palabas si Aziel pero ayaw magpaawat ng aking asawa.

"Please, Mrs. Saavedra," Aziel begged my Mom as his tears kept on rolling down on his cheeks. "Kahit ilang segundo o minuto lang. . . gusto ko lang pong makausap ang asawa ko."

Sinubukan niyang hawakan ang kamay ng matanda pero tinabig lang siya nito palayo. "Are you dumb? May mahirap bang intindihin sa sinabi namin, Aziel? Hindi nga puwede. Bawal. Kaya kahit lumuha ka riyan ng dugo, hinding-hindi ko hahayaang makalapit muli si Chantria sa iyo."

"Ma'am, please? Kahit saglit lang!" Pagpupumilit pa rin iya at sinubukan pang tingalain ang bintana ng aking kwarto. "Chantria! Chantria, halika na! Umuwi na tayo!" desperadong sigaw niya habang patuloy pa rin sa pagluha. Kahit na batid kong nasasaktan na siya sa tindi ng paghawak sa kaniya ng mga bodyguard ay hindi pa rin siya tumitigil.

And I'm aware that he won't stop.

Kaya naman bago pa tuluyang lumala ang sitwasyon ay napilitan na akong lumabas mula sa pinagtataguan ko. Napalingon silang lahat sa akin at maging si Azi ay natigil din sa pagwawala.

"Chantria!" iritang sigaw ni Mommy.

"Isa pa naman 'tong tanga. Bahala nga kayo riyan." Umikot ang mga mata ni Ate Chantal at nagmartsa na papasok sa bahay, pero bago kami tuluyang iwan doon ay pinagbantaan muna niya ako.

"Ayus-ayusin mo 'yang desisyon mo sa buhay, Chantria. Huwag kang bibigay. Pahirapan mo pa para mas exciting," she mumbled to me and I just shook my head with her silliness.

Hinarap niya si Mommy at inaya na rin papasok sa loob ng bahay. Masamang tingin ang ibinigay sa akin ng matanda at kumibot-kibot pa ang labi.

"Nasira ang beauty rest ko," reklamo niya sa sarili na narinig ko naman.

Bumuntonghininga ako muli bago humarap kay Aziel na ngayo'y natigil na ngunit hindi pa rin nilulubay ang tingin sa akin. Sinenyasan ko ang mga lalaking bitawan na siya at iwan na kaming dalawa na agad din naman silang tumalima.

Namayani ang katahimikan ang pagitan naming dalawa ng asawa ko. Kapagkuwan ay hindi na rin ako nakatiis at ako na ang naunang magsalita. For heaven's sake, I want this conversation to be done! Pagod na pagod na ako!

"Ano bang ginagawa mo rito, Aziel? Bakit ka nanggugulo? Hindi pa ba malinaw sa iyo ang mga gusto ko?" nagtitimping pagkompronta ko sa kaniya.

"What about me, Chantria?"

Namamangha ko siyang tinitigan, hindi makapaniwala. "What do you mean by that? For the past three years, it's all about you, Aziel. Ngayong ako naman ang humihiling, ipagdadamot mo?"

He shook his head aggressively and even tried to defend himself. "It's not what I mean–"

I cut him off. "Masama bang humiling ng ikabubuti para sa sarili ko? Sa iyo? Pati ba naman iyon ipagdadamot mo?"

"Hindi naman sa gan'on–"

"Then leave! Leave me alone! Kaunting panahon lang naman ang hinihingi ko kaya sana respetuhin mo iyon. Alam kong mayroon kang rason pero sana'y isipin mo rin na hindi madali ang mga pinagdaanan ko sa kamay mo!" Nagngitngit ang aking mga ngipin sa halo-halong emosyon.

Hindi siya nakasagot at tanging pagyuko lamang ang ginawa.

I laughed bitterly in my mind. "Ilang oras pa lang akong nawawala pero miserable ka na. Paano pa kaya kapag tuluyan na akong nakapagdesisyon para sa annulment, baka mabaliw ka na talaga?"

Hindi ko gusto ang mga salitang lumalabas sa bibig ko pero wala akong ibang maisip na ibang paraan para tuluyan na siyang lumayo.

Suminghap siya at sunod-sunod ang iginawad na iling sa akin. "I don't want an annulment anymore, Chantria. . ."

Imbis na pansinin ang sinabi niya ay muli kong nilingon ang mga bodyguard at inutusan na kahit isa lang sa kanila ay may maghatid pauwi si Aziel. Sa estado niya, baka mamaya'y kung ano pang mangyari sa kaniya. Laking pasasalamat ko nang akayin siya ng mga lalaki ay hindi na siya nagpumiglas pa at kusang loob nang sumama.

Hindi ko na sila pinanood pang umalis, bagkus ay nauna na akong pumasok sa loob ng mansion. Kung kagabi ay medyo nagdadalawang isip pa ako sa inalok na trabaho ni Ate Chantal, ngayon ay buo na ang aking desisyon.

Noong mismong araw din na iyon ay lumipad ako patungong Bohol kasama si Chantal at Mommy Calliana. Kahit na wala pa ring malinaw na pag-uusap sa pagitan naming pamilya, nagpapasalamat ako dahil ngayon ay nararamdaman ko ang suporta at pag-aaruga nila.

And I am praying that this decision would help me to finally find the peace and healing I've been craving for. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro