Chapter 26
"You don't have to protect me, Aziel. Hindi mo na dapat pang sinagot-sagot ng gan'on si Mommy Mel!" singhal ko sa kaniya habang nagmamaneho siya pabalik sa mansion.
Dagli niya akong sinulyapan bago ibinalik sa kalsada ang mga mata. "Ginawa ko lang kung anong dapat at tama."
"Na ano? Takutin na tatalikuran mo sila kapag sinaktan nila ako? Sa tingin mo ba tama iyon, huh?" sipat ko pa at walang kurap siyang tumango bilang tugon.
"Yes. . ."
Umawang ang aking labi at hindi makapaniwalang sumandal sa sandalan ng upuan ng front seat. "Paano kung totohanin nga nila? Paano kung tanggalin nga nila ang lahat sa 'yo pati na rin ang mana mo? Hindi ka ba natatakot?"
"I have nothing to be scared of, Chantria. Tanggalin na nila ang lahat, hindi na iyon mahalaga. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa."
Matagal akong tumitig sa kaniya bago dismayadong umiling. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman na akong sasabihin pa. Masiyado nang ubos ang enerhiya ko para sa araw na ito at ayaw ko nang makipagtalo sa kaniya.
Bumalik kami sa mansion. Tahimik na ang buong paligid at malinis na rin ang mga kalat. Madilim na ang loob at bukod tanging ilaw na nagmumula sa ilang parte ng bahay na lang ang nagbibigay gabay.
Habang umaakyat ay biglang nagsalita muli si Aziel. "Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka pero maaga tayong luluwas bukas pabalik ng Maynila."
I stopped on my track and gaze at him with so much confusion. "Uuwi na tayo? Paano si Daddy?"
Hindi niya sinagot ang tanong kong iyon, bagkus ay nagawa pang makipagsukatan ng pagod na tingin sa akin. Nang mapansin kong wala na talaga siyang balak tumugon ay muli akong nagsalita.
"Your Dad's on critical state. You can't just leave him like that, Azi. Puwede naman akong mauna na lang umuwi," suhestiyon ko pa.
Bumuga siya ng hangin at inihilamos ang parehong palad sa sariling mukha. "Kung saan ka, doon ako. Tapos ang usapan. Now, let's go to our room so we can rest."
Nauna na siyang maglakad papunta sa kaniyang kwarto. Napairap na lamang ako sa kawalan at padabog na tumungo sa guest room na siyang tinituluyan ko. Wala akong balak na matulog sa tabi niya, no.
"Chantria," may pagbabantang tawag niya nang mapansin niyang umiba ako ng direksyon.
Hindi ko siya pinansin. Nang makapasok sa silid ay agad na bumungad sa akin ang kadiliman ng paligid, bagama't batid kong kaunting minuto na lang ay malapit na muling sumikat ang araw.
Nanghihina akong umupo sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod at sakit ng ulo. Napatulala na lamang ako habang binabalikan ang napakaraming pangyayari at rebelasyong nalaman ko ngayong araw. Gustuhin ko mang matulog, hindi ko magawa. Everything was too excessive to take and I couldn't process my brain properly. Pakiramdam ko'y anumang oras ay sasabog na ang utak ko.
Gamit ang mga nanlalabong mata, unti-unting bumaba ang aking paningin sa daliri kung nasaan ang palasingsingan. After knowing the whole shooting match, I felt like I couldn't stand this marriage anymore. Staying beside him felt like an erroneous thing. Suminghap ako at marahang hinaplos ang suot kong singsing.
Singsing na naging saksi sa mga pangako't salitang isinumpa naming dalawa. Na bukod sa papel at batas, ito ang bagay na nagpapatibay na kasal siya sa akin at kahit anong mangyari ay hinding-hindi siya maaaring maagaw ng iba.
Pero paano nga naman siya maaagaw kung sa simula pa lang ay hindi na siya naging sa akin?
Mapait akong napangiti sa kawalan. Muli ko iyong pinasadahan pa ng isang haplos bago nagpasyang tanggalin ito mula sa aking daliri. Mariin kong ipinikit ang aking mata habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha. Damang-dama ko kung paano ang maliit na bagay na ito ay tila ba humihiwalay sa aking kaluluwa.
Nang maging matagumpay ay agad ko iyong inilagay sa loob ng aking bag. Hindi na muling nag-abalang tingnan o busisiin pa.
Maliwanag na ang langit nang makatulog ako. Hindi malinaw sa akin kung panaginip lang ba iyong naramdaman kong parang may sumusuklay sa aking buhok, pati na rin ang sunod-sunod na patak ng halik sa aking noo.
Nagising lang ako nang marinig ang maliliit na kaluskos mula sa loob ng aking kwarto. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at ang unang bumungad sa akin ang tirik na araw ma tumatama sa aking binti.
"You're awake," ani baritonong boses.
Siyempre, wala nang ibang magsasabi pa niyon. Kahit pupungas-pungas ay nilingon ko si Aziel na gayak na at katatapos lang din ilagay ang mga gamit ko sa maleta. He was just wearing casual attire that seemed unusual for me. His hair was a bit damp and messy.
Siguro kung maayos lang ang pagsasama naming dalawa at walang problemang iniisip, malamang ay kanina ko pa siya pinapaulanan ng papuri. . . kaso gustuhin ko man ngayon, pinipigilan ko ang aking sarili. Ayaw kong magmukhang marupok.
"A-Anong oras na?" namamaos kong tanong sa kaniya.
He glanced at his expensive wristwatch before turning his gaze at me. "It's past twelve in the afternoon already."
Agad akong naalarma roon. Namilog ang aking mga mata at sininghalan siya. "Bakit hindi mo ako ginising?! Akala ko ba maaga tayong aalis?"
Lumabi lamang siya at nagkibit balikat. "You looked so tired so I didn't bother to wake you up."
Napahilot ako sa aking sentido at mariing ipinikit ang mga mata. "Mag-aayos lang ako."
"Sure, you don't have to hurry. Just take your time and I'll wait for you downstairs," simpleng tugon niya, hindi pa rin inaalis ang matamang titig sa akin.
Bahagya akong naasiwa sa pagtrato niya sa akin. Naninibago ako dahil hindi ako sanay na ganito siya kakalmado at kaamo. Para bang hindi totoo at napakalayo niyon sa totoo niyang pagkatao.
O baka sadyang hindi lang talaga ako sanay dahil sa loob ng tatlong taon ay wala kaming ginawa kundi mag-away at magbatuhan ng maaanghang na salita.
Bumangon na ako at lumapit sa maleta upang kumuha ng damit nang pigilan niya ako. Kunot noo ko siyang nilingon at pinagtaasan ng kilay.
"What is it?" I asked.
He pointed to the bathroom hesitatingly. "I-I already prepare your clothes. It's inside the bathroom," wika niya at nahihiyang umiwas ng tingin.
Kahit na naguguluhan ay tumango ako at nagpasalamat. Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya. Agad na akong tumalikod at pumasok sa loob ng banyo. Medyo nagulat pa nga ako dahil bukod sa hinanda niyang damit ay nakahanda na rin ang tubig sa bathtub.
Binilisan ko ang pagligo at pag-aayos ng sarili. Paglabas ko ng kwarto ay wala na roon si Aziel at ang mga maleta ko. Dumiretso ako sa baba at naabutan siya sa sala. Naroon din si Louie at tila ba mayroon silang seryosong pinag-uusapan. Nagpasya akong dumiretso na lang muna sa kusina para kumuha ng tinapay. Tinanggihan ko na ang inalok sa aking pagkain ng katulong dahil wala akong gana.
Hindi nagtagal ay bumalik na ulit ako sa sala, hindi pa rin sila tapos mag-usap d'on.
"Tatapusin ko lang ang mga naiwan kong trabaho sa opisina. Pagkatapos n'on, ibibigay ko na ang lahat kay Aia," he uttered in a stern voice.
"Paano ka? Si Chantria?" tugon ni Louie na siyang dahilan upang magsalubong na naman ang kilay ko sa labis na kaguluhan.
Anong pinag-uusapan nila?
"Huwag mo na kaming isipin. Kaya kong magsimula ulit sa umpisa. Hindi ko rin papabayaan ang asawa ko," Aziel replied. "Just focus on my sister, Louie. Train her well and please, don't let somebody hurt her."
Tumang-tango si Louie. Dumako ang tingin niya sa akin nang mapansin ako sa likuran ni Aziel. Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi at kinawayan ako bilang pagbati.
I smiled back at him.
Lumingon sa akin si Aziel. "Let's go?"
Tumango ako sa kaniya at mas lumapit pa. Umayos na siya ng pagkakatindig at bumaling ulit sa kausap para pormal na magpaalam.
"We'll get going," ani Azi sa kaibigan. "Ikaw na ang bahala rito."
"Sige, maaasahan. Ingat kayo." Makahulugan siyang tumingin sa asawa ko na tila ba nagpapaalala at nagbabanta.
Ngumiwi lang ang lalaki at iginiya na ako palabas ng mansion. Ibinato ng valet ang susi kay Aziel na agad din naman niyang nasalo. Hindi ko na hinintay pa at pumasok na ako sa front seat. Pinanood ko lang siya mula rito sa loob habang nagbibilin sa iba pang mga tauhan at kasambahay.
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Malayo ang takbo ng aking isip at batid kong gan'on din si Aziel. Maraming desisyon ang nabuo sa aking utak. Desisyong alam kong tama at mas makakabuti sa aming dalawa.
Tumigil lang kami pansamantala sa isang restaurant upang lamnan ang tiyan. Kahit na hinihila ng antok ay pinanatili kong dilat ang aking mga mata, natatakot na muling maulit ang nangyari noong huling magbiyahe kaming dalawa. Ewan ko pero tila na-trauma na ako noong ginising niya ako at basta na lang iniwan kung saan para lang daluhan si Anne.
And speaking of that woman. . .
Napalingon ako sa dashboard nang marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono. Tumagal ang titig ko sa screen kung saan nagfla-flash ang pangalan ng babae. Inabot iyon ni Aziel gamit ang isang kamay at walang pag-aatubiling pinatay ang tawag.
Tumikhim ako at biglang napatuwid ang likod sa kinauupuan. Hindi nagtagal ay muli na naman tumunog ang cellphone niya. Medyo masakit na iyon sa tainga. Sasabihin ko na sanang sagutin niya iyong tawag dahil baka mahalaga, ngunit ang kasunod niyang ginawa ay siyang nagpalaglag ng aking panga.
Dinampot niyang muli ang cellphone at basta na lamang iyon itinapon sa labas ng bintana.
"Aziel!" gulantang kong sigaw at sinubukan pang lingunin ang pinagtapunan niya. "Bakit mo ginawa iyon? Nasisiraan ka na ba?! Hindi ka ba nanghihinayang?" pagbabato ko ng maraming tanong.
For heaven's sake, it was the latest brand of iPhone!
Tamad lang siyang bumaling sa akin bago ngumisi. "Kaya kong bumili ng bago, Chantria. Gusto mo buong store pa?"
Kayabangan ng hinayupak!
"Ewan ko sa 'yo." Napailing na lamang ako at hindi na dinugtungan pa ang pag-uusap.
Naningkit ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa aking isang kamay. Umigting ang kaniyang panga ngunit hindi naman nagsalita.
Nang tuluyan nang makabalik ng Maynila ay patuloy pa rin ako sa pakikipag-usap kay Aia o di kaya'y kay Louie. Araw-araw kong inaalam ang kalagayan ni Daddy Carl. Ilang araw na ang nakakalipas pero unconscious pa rin daw ang matanda. Sinubukan ko ring kausapin si Mommy Mel, ngunit matindi yata talaga ang galit niya sa akin.
Kahit nakakalungkot ay okay lang. Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan niya.
Sa kabilang banda ay abala si Aziel sa opisina. Kaliwa't kanan ang mga meetings niya pero ang nakakapanibago talaga ay naging maya't maya ang pangungumusta niya sa akin. Umuuwi na rin siya nang maaga at may mga pagkakataong siya ang nagluluto ng almusal o di kaya'y hapunan para sa aming dalawa. Maging si Manang Yeta nga ay hindi rin makapaniwala sa mga inaasta ng kaniyang alaga.
Aaminin kong natutuwa ako sa maliit na pagbabagong nangyayari pero kung ano man ang napagdesisyunan ko noon sa para sa relasyon na 'to, hindi iyon magbabago.
I would still persist with the annulment. I would still continue leaving this place. Masiyado nang magiging makapal ang mukha ko kung sa kabila ng lahat ng nasaktan, naagrabyado, at nahirapan ay ipagpapatuloy ko pa rin ang pagsasamang ito.
Masiyado nang malalim ang mga sugat na idinulot namin sa isa't isa at hindi iyon kayang bawiin ng isang simpleng sorry at pagbawi lang.
"Chantria! Chantria! Nasaan ka?!"
Mula sa pagkakatulala sa kawalan ay bumalik ako sa ulirat nang marinig ang sigaw ni Manang Yeta mula sa loob ng bahay. Binitawan ko ang hawak kong libro at binitbit iyon papasok.
"Bakit ka sumisigaw, Manang? May problema ba?" mahinahon, ngunit nakakunot noo kong tanong.
Agad siyang lumapit sa akin, hinawakan ako sa braso at kinaladkad patungong living room. "Si Aziel nasa TV! Manood ka!"
Napangiwi ako. "Manang, sanay na ako riyan. Palagi naman po siyang laman ng balita–"
"Hindi, iba ito! Ang sabi ay nagpatawag daw ng presscon dahil mayroon daw siyang mahalagang anunsyo," pinutol niya ang sinasabi ko.
Mas lalong lumalim ang gatla sa aking noo. Wala na akong nagawa nang itulak niya ako paupo sa sofa bago lakasan ang volume ng telebisyon. Mula sa malaking telebisyon ay mataimtim kong pinagmasdan si Aziel. Nakafocus lang sa kaniya ang camera na animo'y walang nais palampasin ang media sa lahat ng sasabihin niya. Katabi niya si Aia, Louie at iba pang board of directors na hindi ko kilala.
"Bakit sila nariyan, Manang? Anong mayroon?" tanong ko at sinaway niya ako.
"Hindi ko nga alam, Chantria. Kaya nga manood tayo."
Natigil kami pareho at sabay pang umayos ng pagkakaupo nang magsimula na ang presscon. Noong una'y puro tungkol lang negosyo ang itinatanong. . . hanggang sa dumako na iyon sa mga personal na bagay.
"Mr. Navarro, totoo bang namatayan ka ng anak? At totoo rin bang wala lang sa iyo ang lahat at hindi ka man lang nagluksa?" tanong ng isang reporter.
"Totoo rin ba na niloloko mo ang asawa mo at mayroon kang lihim na relasyon sa panganay na anak ng mga Del Mundo?" dagdag pa ng isa.
"Totoo rin bang simula ngayon ay aalisan ka na ng mana ng mga magulang mo?"
Hindi na ako napakali sa aking kinauupuan. Hinawakan ni Manang ang aking kamay na hindi ko namamalayang nanginginig na pala sa sobrang takot at kaba. What was it again this time, Aziel?
Nanatiling blangko ang kaniyang mukha sa kabila ng mga mararahas na tanong na ibinabato sa kaniya. Everyone was anticipating his answer and that also included me.
Aziel shifted his seat as he cleared his throat. "Sorry, but I couldn't answer all the questions. The main reason why I decided to have this presscon is to tell you that as of today, I'm no longer the Chief Executive Officer of the S&N Company and my younger sister, Aia Finley Navarro will take over the position."
Nalaglag ang aking panga kasabay ng pagbagal ng tibok ng aking puso. Anong sinabi niya? Tama ba ang narinig ko?
"This can't be. . ." hindi makapaniwalang bulong ko sa sarili habang tutok na tutok pa rin sa telebisyon.
Kitang-kita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Aziel dahil sa nagbabadyang luha ngunit pinipigilan niya iyon. Nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita.
"For the past three years, I have drowned myself in the things I really don't like. That I have to let go of my own plans because of the responsibilities put on my shoulders. I wasn't given a chance to grieve as a father. I wasn't given a chance to be a husband. However, at this time, I would choose what I think is the best for me and for my wife. At once, I would pursue the things I really want to do. . ."
He stopped talking when someone raised his hand.
"Mr. Navarro, mawalang galang na pero hindi ka ba natatakot na sa desisyon mong iyan ay mawala na lahat sa iyo? Lahat ng pinaghirapan mo?" he asked.
Mas lalong tumindi ang paninikip ng dibdib ko at humigpit din ang aking kapit sa kamay ni Manang Yeta. Matagal na katahimikan ang nanuot sa buong paligid, lahat ay naghihintay at nag-aabang sa isasagot ni Aziel.
A grin formed into his lips but it didn't reach his eyes. "Kung itatanong mo sa akin 'yan noon, isasagot ko ay oo, pero ngayong marami na akong napagtanto, balewala ang lahat ng pinaghirapan at mayroon ako kung hindi ko lang din naman kasama ang asawa ko."
Sa mga sinabi niya ay muli na namang bumuhos ang aking walang kapagurang luha. Hindi dahil masaya ako sa sinabi niya. Luha dahil nanghihinayang at nasasaktan ako kung bakit ngayon lamang niya naisip ang mga bagay na iyon kung kailan desidido na talaga akong bitawan at tuluyang palayain siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro