Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Aziel matapos niyon. Hindi ako pinatulog ng konsensya pero huli na para umatras pa. Nang sumapit kasi ang mga sumunod na araw ay mas naging abala ang lahat para sa gagawing engagement party na isasabay sa mismong kaarawan ko.

Sinubukan kong tawagan ang lalaki, ngunit nakapatay ang cellphone niya. Ang sabi ni Daddy ay habang papalapit nang papalapit ang naturang araw ay mas lalong humihigpit ang seguridad sa mansion ng mga Navarro.

"Are you ready? This is going to be a long night!" Ate Chantal giggled as she stared at me in front of the wide vanity mirror.

Matamlay lang akong ngumiti bilang tugon.

Sumapit na ang araw na mismong pinakahihintay ng marami. Bagama't nararamdaman ko ang saya, mas nangingibabaw pa rin sa akin ang takot at kaba. Naiisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Aziel kapag nagkita na kami ulit mamaya? Galit ba siya? O natanggap na niya ang kahihinatnan naming dalawa?

"Thirty minutes and the program will start!" Mommy Calliana informed all the makeup artists inside the room.

Sa isang five star hotel na isa sa pagmamay-ari ng pamilya namin gaganapin ang aking 18th birthday at ang pag-aanunsyo ng engagement party. Sabi ni Ate Chantal, marami na raw tao sa venue. Maraming mga kilalang personalidad, artista, mga respetado at tinitingalang negosyante. Napapalibutan din ng media kaya paniguradong pagkatapos nito ay laman na naman kami ng kabi-kabilang balita.

Kung tatanungin ako kung anong nararamdaman ko ngayon, isa lang ang isasagot ko, hindi ako alam kung dapat ba akong maging masaya. Lalo pa't pagkatapos ng gabing ito ay tutungo na kami sa Batangas dahil sa isang araw na rin gaganapin ang kasal namin ni Aziel.

"Daddy texted. Kung tapos na raw tayong ayusan, pumunta na raw tayo sa kabilang kwarto. Naroon na raw ang mga Navarro." Lumapit sa akin si Ate Chantal at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Tapos nang ayusin si Chantria, puwede mo nang isama. But ten minutes before the party start, kailangang i-retouch ang makeup niya," ani baklang makeup artist.

Ngumiti siya sa akin at mataman akong tinitigan. "Ang ganda ganda mo. Para kang diwata."

Nahihiya akong yumuko. "Salamat po."

Umingos si Ate Chantal at hinila ako sa braso. "Tara na! Daddy's waiting for us!"

Kinaladkad niya ako palabas ng kwarto. Medyo hirap pa ako sa paglalakad dahil mabigat ang suot kong red na gown. Idagdag pa na hindi rin ako sanay magsuot ng mataas na heels. Mabuti na lang ay sa kabilang kwarto lang ang pupuntahin namin.

Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob ng silid ay dinig na namin ang ingay na tila nagkakagulo mula sa loob. Nagkatinginan kami ni Ate Chantal at mabilis niyang pinihit ang sedura ng pinto.

"Call an ambulance now!" sigaw sa amin ni Mommy Calliana.

"A-Ano pong nangyayari?" naguguluhan kong tanong at pilit ko pang hinabaan ang leeg.

Kitang-kita ko kung paano palibutan ng mga bodyguards si Mr. Navarro. Nakahawak siya sa dibdib na tila kinakapos sa hininga, mariing nakapikit ang mga mata at awang ang labi. Sa kaniyang tabi ay ang asawang umiiyak at patuloy na isinisigaw sa kaniyang pangalan.

"Just call an ambulance first, Chantria! Kailangan nating madala sa hospital ang Tito Carl mo!" Daddy's raging voice echoed the whole room.

Kahit na naguguluhan ay agad na tumalima si Ate Chantal sa inuutos ni Daddy. Samantalang ako'y nanatiling nakatayo at naguguluhan sa mga nangyayari sa paligid. Hinanap ng mga mata ko si Aziel na naroon lang sa sulok at nakatulala. Sa kabila ng kaniyang pormal niyang ayos at suot, hindi nakaligtas sa aking mga mata ang sugat sa gilid ng kaniyang labi at maging ang pasa na rin sa kaniyang isang pisngi.

Siguro'y naramdaman niyang parang may nakatitig sa kaniya kaya inikot niya ang tingin sa apat na sulok ng kwarto. At nang magtama ang aming mga mata ay tila ba gusto ko na lang tumakbo palayo at magtago.

Umigting ang kaniyang panga at halos mag-apoy na ang paraan ng pagtingin sa akin. Ang lalaking natatanaw ko ngayon sa aking harapan ay malayong-malayo sa lalaking naging kaibigan at minahal ko.

"Hold on, Carlito! Nariyan na ang ambulansya!" Tita Mel uttered as she cried.

Naputol ang tinginan naming dalawa nang may pumasok na mga lalaking mayroong dalang stretcher at inihiga roon si Tito Carl. Walang salitang sumama sa kanila si Tita Mel at Aziel. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang medyo nabawasan ang dami ng tao sa loob ng silid. Nanghihinang napaupo si Daddy sa isang couch na malapit sa kaniya at inihilamos ang sariling palad sa kaniyang mukha.

"Daddy, anong nangyari kay Tito Carl?" Si Ate Chantal na ang nagtanong.

Since Dad was too stunned and preoccupied to speak, si Mommy na ang sumagot. "Nagkasagutan sila ni Aziel. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin pumayag ng bata sa pagpapakasal. Hanggang sa pareho na silang nagtaas ng boses, nagpalitan ng maanghang na mga salita hanggang sa inatake na sa puso si Carlito. . ." paliwanag niya bago lumingon sa akin. "Magbihis ka na, Chantria. The party was already canceled. I-a-anounce na lang ng Daddy mo sa presscon mamaya ang engagement nyo ni Aziel."

"Hindi ba puwedeng ipagpaliban muna 'yon, Mommy? I mean, puwede namang i-announce na lang kapag magaling na si Tito Carl?" suhestiyon ko na siyang ikinakunot ng noo nilang mag-asawa.

Nag-angat ng matalim na tingin sa akin si Daddy. "You know nothing about our plans, Chantria. Afterall, business is business. May araw na kailangang sundin at hindi puwedeng ipagpalipas."

Mommy Calliana groaned and gave me a death glare. "Mas mabuti pa kung magbihis ka na at sumunod ka roon sa hospital. Damayan mo si Azi," she told me.

Kahit na hindi ako sang-ayon sa gusto niyang mangyari ay tumango ako at agad na tumalima sa kaniyang gusto. Saglit akong bumalik sa aking kwarto upang magbihis. Hindi na ako nag-abalang tanggalin pa ang aking makeup dahil na rin sa pagmamadali. May mga bodyguard pang nakabantay sa magkabilang gilid ko dahil sa mga media na nagkakagulo at para bang uhaw na uhaw sa balita. Paniguradong magiging maingay na naman sa madla ang pangalan namin.

Agad akong sumakay sa kotseng nakaabang sa labas ng mismong hotel. Tulala lamang ako habang nasa biyahe kaya hindi ko na namalayan na mabilis lang pala kaming nakarating. Walang salita akong bumaba. Hindi na ako nagsama pa ng bodyguards at mag-isa kong tinahak ang tahimik na pasilyo. Nagtanong muna ako sa frontdesk kung saan matatagpuan ang mga Navarro at itinuro ng nurse ang direksyon patungo sa Emergency Room.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Pinagsalikop ko ang parehong palad upang pigilan ang labis na panginginig. Halos marinig ko na rin ang sariling tibok ng puso dahil sa matinding kaba. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa tamang silid ay mayroong malaking kamay ang humila sa akin nang buong pwersa.

"A-Aziel!" sigaw ko.

Walang pag-aatubili niya akong hinigit patungo sa bakanteng kwarto at padarag na isinarado ang pinto. Isinandal niya ako sa pader at itinuon ang isang kamay malapit sa aking ulo.

Mabilis ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib at mababakas ang matinding galit at lungkot ang mga mata nang titigan ako. At kahit napupuno ng labis na takot ang kalooban ko ay pinilit kong ibuka ang mga labi para magsalita.

"A-Aziel, bakit mo 'ko dinala rito? Anong–"

"Bakit mo ako ginaganito, Chantria? Pinagkatiwalaan kita!" putol niya sa akin sa isang matigas ngunit nagpipigil na tinig.

Umawang ang aking bibig, ngunit tila naubusan ako ng mga kataga. Mas lalong dumilim ang kaniyang mga mata kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga. Kumuyom din ang kaniyang kamao na siyang mas lalong ikinatakot ko.

"Kahit kailan hindi kita pinakitaan ng masama. Hindi kita itinuring na iba. Ni hindi ako nagdalawang isip na maging kaibigan ka, pero ano itong iginanti mo sa akin, Chantria?"

Natutop ko ang aking bibig na sinabayan pa ng mararahas na iling. "Hindi ako ang nagplano nito, Aziel. Si Daddy at Tito Carl ang mayroong kasunduan, hindi ako. . ." tugon ko na hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

Sarkastiko siyang tumawa at bahagya pang suminghap. "But you agreed! You agreed even if you know that I'm not into this kind of bullshit. I have my own life to live. I have my own plans for my life and I have a girlfriend. Ano bang hindi nyo maintindihan doon?" May diin ang bawat pagbigkas niya ng mga salita.

"H-Hindi nga kasi ako ang may kagustuhan n'on–"

"Tangina naman, Chantria! Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa 'yo? Matapos mong sabihin kay Daddy ang lahat ng mga plano ko? You betrayed me once and that's enough for me not to trust you again!" his voice cracked as he lowered down his head wearily. "Pero Chantria, muli akong makikiusap sa 'yo. Kahit galit na galit ako, kahit dismayado ako, handa akong lumuhod at magkaawa sa iyo."

And before I could react, he slowly kneeled in front of me.

"Nakikiusap ako. Tulungan mo akong huwag matuloy ang lahat. I have my own life to live, Chantria, and someone is waiting for me–"

"I can't do anything, Aziel. I-I'm sorry. Sumusunod lang din ako. . ." Sinubukan ko siyang itayo pero nagmamatigas siya.

Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling at ngayon ko lang malinaw na naririnig ang kaniyang masasakit na paghikbi.

"Please, Chantria. I'm begging you. Please? Just a little mercy on me. . ." he uttered between his sobs.

Mas lalo pa siyang lumuhod. Ang kaniyang mukha ay ngayo'y nakaharap na sa aking sapatos. Mas lalo kong idiniin ang pagkakasandal sa pader at mariing ipinikit ang mga mata. Hindi ko siya kayang tingnan sa ganitong sitwasyon. Gustuhin ko mang pagbigyan ang gusto niya, alam kong wala rin akong magagawa.

"I'm sorry, Aziel. I'm sorry." Gamit ang buong pwersa ay hinawakan ko ang kaniyang dalawang braso para sapilitan siyang itayo.

Nang mapagtanto niyang wala na talaga siyang magagawa upang mabago ang isip ko ay dahan-dahan siyang tumango sa kawalan. Pinunasan niya ang mga luha at walang kahit anong salitang lumabas ng silid. Agad akong sumunod sa kaniya at tahimik na naglakad patungo sa pinakadulong pasilyo kung nasaan ang emergency room. Hindi na ako lumapit pa nang sobra at nakuntento na lamang sa kaniyang likuran.

Natanaw ko si Mommy Mel na nakaupo sa mahabang bleachers. Nakayuko, magkasalikop ang mga palad at walang humpay sa paghagulhol. Sa kaniyang tabi ay isang lalaking hindi pamilyar at batid kong kasing-edad lamang ni Aziel.

"Mommy. . ." Aziel called her.

Mabilis na nag-angat ng tingin si Tita Mel kay Aziel. Agad na dumilim ang kaniyang mga mata at bumalatay din ang galit doon. Natigil sa paglalakad si Aziel at bago ko pa tuluyang maproseso ang nangyari ay nagulat na lamang ako sa biglaang pagtayo at pagsugod ni Tita sa kaniyang anak. Sinalubong niya ang lalaki ng isang tumataginting na sampal na siyang nakapagpapigil ng aking hininga.

"This is all your fault! Kapag may nangyaring masama sa Daddy mo, ikaw at ikaw lang ang bukod tanging sisisihin ko!" singhal niya sa kaniyang anak na may kasama pang panduduro.

And now, three years later, it was happening again. Here in the same hospital, with a different scenario yet with the same words I've heard.

Muli na namang nabuntong kay Aziel ang sisi na dapat ay para sa akin. Pero ang kaibahan lang, ngayon ay hindi na ako basta tatayo lang at manonood. Hindi ko na itatanggi ang mga pagkakamali. Gagawin ko kung anong nararapat at tama. Haharapin ko ang lahat ng pagdurusang idinulot at nagsimula sa aking pamilya.

I stepped closer at her. "Mommy, don't blame Aziel for this–"

She then pointed her fingers at me as she cut me off. "Isa ka pa, Chantria! Napakagaling mong magpaikot! No wonder, manang-mana ka nga sa mga Saavedra!" Akmang susugurin niya ako pero agad na iniharang ni Azi ang sarili niya sa akin.

"Not my wife, Mom!" may pagbabantang saad nito. "I understand your hatred, but spare my wife with this. She had enough already!"

Hindi makapaniwalang suminghap si Mommy Mel. "Sige lang, Aziel! Ipagtanggol mo lang 'yang iyong asawa, hinding-hindi talaga ako magdadalawang isip na alisin sa iyo ang lahat ng mana!"

Mas lalong lumakas ang iyak ni Aia. Sinubukan niyang hawakan ang ina, ngunit nagpumiglas ito at hindi nagpatinag sa marahas na pakikipagtitigan sa anak.

Kinagat ni Aziel ang pang-ibabang labi at nagawa pang tumawa. "Then go ahead. I've already lost everything since the day you decided on my life. Sa tingin mo ba natatakot pa ako?"

Mas lalong tumalim ang mata ng ina. "Aziel, hindi ako nagbibiro. Binabalaan kita."

"Hindi rin ako nagbibiro. Sa oras na pagbuhatan mo ng kamay o pagsalitaan mo ng hindi maganda ang asawa ko, hindi ako magdadalawang-isip na talikuran kayo. . ." walang kagatol-gatol na wika niya bago ako hinawakan sa braso at hilahin palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro