Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Gulong-gulo ang isipan ko matapos ng pag-uusap na iyon. Gusto kong tanggihan, ngunit hindi ako magpapakahipokrita para sabihing hindi ko iyon nagugustuhan. Lalo pa't simula nang bumalik si Aziel sa kanilang probinsya ay mas naging madalas ang pag-uusap naming dalawa. Palihim lamang iyon at iniingatan ko talagang hindi malaman ninuman.

Katulad ngayon, kalalabas ko lang school at pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay ay si Aziel na kaagad ang una kong tinawagan. I have nothing important to say, gusto ko lang ng makakausap. Gusto ko lang magkwento ng nangyari sa buong araw ko kahit wala namang espesyal doon.

Patalon akong umupo sa aking kama habang ang cellphone ay nakatapat sa aking tainga. Nakakailang ring pa lang iyon ay agad nang bumungad sa akin ang napapaos at bagong gising na boses ni Aziel.

"Hmm?" he murmured, "Good afternoon, Chantria. How's school?"

My smile grew bigger as I shifted my seat on the bed. "Okay lang naman. By the way, I got a perfect score on our exams."

"Really? Wow!" he exclaimed proudly, "Then? Ano pa? Come on, Chantria. Tell me more, huwag ka nang mahiya. I'm just here to listen," dagdag pa niya sa malambing na boses.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang mumunting tili. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi dahil sa kilig. Umayos na ako ng upo at nagsimulang magkwento sa kaniya kahit na pinakawalang kwentang bagay. . . and he was just there, listening and reacting attentively.

That was the reason why my feelings got deeper than it seems. He was gentle when it came to me. He was patient. He was willing to lend his ears and shoulders anytime. He was willing to protect me. He was the only person who cared for me genuinely.

"Let's just say that you're more like a sister for me, Chantria," he said on the other line. "And I'll protect you the way I protect Aia." Pagtukoy pa niya sa kaniyang bunsong kapatid na nag-aaral sa ibang bansa.

Hindi ko alam kung ano ba dapat kong ireact d'on. Gusto kong sabihin sa kaniya na ayaw kong gan'on ang maramdaman at maging pagtingin niya sa akin. I want him to see me as a woman. A special one!

But then, I realized that I'm just seventeen and he was twenty-one. Too young for her as of the moment. I still need to wait for a few months before I could finally reach and tell him what I feel.

"Ay, hindi pa pala kita natatanong! Ikaw, Aziel? Kumusta ka naman riyan sa probinsya? Naayos nyo na ba iyong problema nyo sa plantasyon?" tanong kong muli.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntonghininga na tila ba mayroon siyang mabigat na dinadala. "Inaayos naman na kahit medyo tagilid talaga ang ilang negosyo ngayon, Chantria. Idagdag pa na medyo nagtalo rin kami ni Daddy kagabi."

"Huh? Bakit naman?"

Suminghap siya at matagal bago nakasagot sa aking tanong. "Chantria, I can trust you, right?" paninigurado siya at walang pagdadalawang-isip akong tumango.

"Oo naman, Azi. Kahit ano pa 'yan. Mapagkakatiwalaan mo ako." I reassured him, smiling from ear to ear.

"So puwede kitang pagkatiwalaan sa sasabihin kong pagkatapos na pagkatapos ng 18th birthday mo, tatakas na ako papuntang USA?"

Nangunot ang aking noo. Labis akong naguluhan doon kaya mas minabuti kong ipaulit sa kaniya dahil baka mamaya ay mali lang ang pagkakaintindi ko sa narinig. Pero halos doon na gumuho ang aking mundo sa mga kasunod niyang sinabi.

"Please, don't tell everyone this plan. Ikaw lang ang sinabihan at nakakaalam nito. . ." dagdag pa niya.

"H-Hindi ko maintindihan, Aziel. Bakit ka tatakas? Bakit ka pupuntang USA?" sunod-sunod kong tanong.

He heaved a heavy sigh again before explaining everything to me. "Daddy and I had a fight. Gusto niya akong magshift sa kursong Business Management. Can you imagine that, Chantria? I'm already a third year college student. Hindi naman niya ako pinipilit noon. Hinahayaan niya ako sa kung anong gusto ko. But right now na lumalaki na ang negosyo, lumalaki na rin ang mga problemang dapat ayusin. He wanted me to help him, but I said nariyan naman si Louie. They're on the same field." He stopped and cleared his throat.

Nanatili akong tahimik at nakikinig lang sa lahat ng sinasabi niya.

"And he became really mad when I also told him that I will continue my study abroad. . . together with Anne–my girlfriend. Medyo nauna lang siya ng isang buwan doon pero susunod ako."

Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan kasabay ng paglalim ng gatla sa aking noo. "Wait! What? Ulitin mo nga kung anong sinabi mo?"

"Huh? Alin 'don, Chan? Ang dami ko nang sinabi." He chuckled.

"I-Iyong huli. . ."

"I will continue my study abroad with my girlfriend," Azi repeated. "Ba't gulat na gulat ka, Chantria? Parang hindi ka makapaniwala riyang may girlfriend ako, ah! Hindi naman ako pangit!" He roared with laughter.

Hindi ko nasuklian ang mga tawang ibinigay niya. Tulala lang ako sa kawalan habang prinoprose ang nalaman. Mayroon na pala siyang girlfriend! Iyong kauna-unahang lalaking nagustuhan at minahal ko ay hawak at pagmamay-ari na pala ng iba!

"Nandiyan ka pa ba, Chantria?" maingat at nag-aalalang tanong ni Azi nang mapansin niyang hindi na ako nagsasalita.

Itinikom ko ang labi at kumurap-kurap pa ang mga mata para itago ang nagbabadyang luha. "O-Oo, medyo nagulat lang ako na may girlfriend ka na pala. Never mo kasing sinabi sa akin iyon."

"I told you once, but you never believed me," depensa pa niya.

Napasimangot ako r'on. Bahagya pang nanginig ang aking boses. "Because I thought you were joking at that time. Ang sabi mo pa marami kang asawang fictional characters from wattpad books. Paano ko naman iyon seseryosohin?!" Hindi ko namalayang medyo tumaas na pala ang aking boses.

Muli siyang nagpakawala ng mababang tawa. "Sorry na. Galit ka ba? I really thought you knew about it."

Napangiwi lang ako at dismayadong umiling. Kahit na masakit ang puso ko sa nalaman at gustuhin kong magtampo, alam ko rin namang wala akong mapapala. Na hindi kailanman magiging pananagutan ni Aziel ang nararamdaman ko. Marahil ay sa akin lang talaga lahat mayroong ibig sabihin ang lahat ng ginagawa niya dahil gusto ko siya.

Lumipas pa ang mga araw na naging madalas na rin ang pagtatalo ni Daddy at Mommy Calliana. Ang balita ko kasi ay patuloy pa ring sinusuyo ng aking ama si Tito Carl sa inaalok nitong fixed marriage. I wonder, alam kaya ito ni Aziel?

Nanlaki ang aking mga mata at napatakip ang isang palad sa bibig nang may biglang napagtanto. "Hindi kami puwedeng ikasal. Mayroon siyang girlfriend!"

I couldn't marry someone who's already committed!

"Puwede pa namang agawin, Chantria. Girlfriend pa lang 'yon, hindi pa sila kasal," sabat ni Chantal na bigla-bigla na lang sumusulpot dito sa veranda.

Tamad siyang umupo sa aking harapan at walang paalam na sumimsim sa aking juice. Itinagilid ko ang aking ulo para pagmasdan siyang mabuti. Mugto ang kaniyang mga mata at malaki rin ang eyebags, halatang hindi nakatulog nang maayos.

"Umiyak ka?" nag-aalalang tanong ko.

Ibinaba niya ang baso bago ngumisi sa akin. "Obvious ba?"

Hindi ko pinansin ang pagiging sarkastiko niya. Sa halip ay mas nangibabaw ang pag-aalala sa akin. "Bakit? Anong nangyari?"

Matagal siyang tumitig sa akin bago nagkibit balikat. "Hindi ko lang matanggap na sa isang iglap lang ay naghihirap na tayo. My friends were slowly losing one by one and I'm scared na tuluyan nang mabulgar sa ibang tao na nababaon na tayo sa utang. . ." She heaved a sigh and massaged her forehead. "Iniisip ko pa lang, naiiyak na ako. Parang ayaw ko nang lumabas ng bahay!"

Natutop ko ang aking bibig kasabay ng pag-iwas ng tingin sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin na maliit lang problema niya, but then I've realized that whatever she feels right now were valid. Lumaki siya sa luho at marangyang pamumuhay kaya naiintindihan ko rin kung bakit ganito ang frustation niya ngayon.

"Sana ma-convince na ni Daddy si Tito Carl sa fixed marriage para matapos na 'to. Gusto ko nang bumalik sa dating buhay na hindi kailangang magtipid at ayos lang kahit magwaldas ng pera!" She groaned and her gaze met mine. "Gamitin mo ang pagmamahal mo kay Azi, Chantria. Huwag mong hayaang mapunta siya sa iba. Huwag mong isipin ang girlifriend niya. Hayaan mo nang ibang tao ang magdusa, huwag lang kami na mismong pamilya mo."

Nanatili lamang akong nakatitig sa kawalan. Hindi ako sumagot doon dahil hindi ko iyon maipapangako. Mabait sa akin si Aziel. Hindi niya ako itinuring na ibang tao at siya ko lamang bukid tanging naramdaman ang pakiramdam na mahalaga ako.

"Matututuhan ka ring mahalin ng lalaking iyon kapag mag-asawa na kayong dalawa." Tumayo na si Ate Chantal, pero bago siya tuluyang tumalikod at umalis ay mayroon pa siyang binitawang salita. "Think of that as your advantage. Isipin mo na lang na kapag ikinasal kayo, magkakaroon ka na ng sariling pamilya at hindi mo na kailangan manlimos pa ng atensyon at hindi mo na rin kailangang mainggit sa iba. Hindi ba't pangarap mo 'yon, Chantria? Hmm?"

She grinned wickedly at me. And maybe I was too imprudent to believe and trust her words.

Sinundan ko ng tingin ang kaniyang papalayong bulto. Mahirap mang aminin sa sarili pero dahil sa sinabi niya'y unti-unti na akong nakukumbinsi. Na-realize kong may punto siya. Hindi lamang sila ang makikinabang kundi ako rin pala. Hindi naman siguro masamang kahit minsan ay maging makasarili, 'di ba?

Kaya naman nang isang gabi'y umuwi si Daddy dala ang magandang balita, maging ako'y tumalon na rin ang puso sa saya.

"Sa wakas! Pumayag na ang mag-asawang Navarro sa alok ko, Calliana. Bukas na bukas din ay kakausapin na nila si Aziel. . ." nakangiting saad ni Daddy habang kumakain kami ng dinner. "Pero hindi dapat tayo makampante. Nakikita kong medyo nagdadalawang-isip pa rin ang dalawa kaya naman. . ." Pinutol niya ang kaniyang sinasabi at lumingon siya sa akin gamit ang naniningkit na mga mata.

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "P-Po?"

"Bukas na bukas din ay luluwas tayo ng probinsya. Ikaw na mismo ang kakausap sa mag-asawa kung bakit gusto mong pakasalan ang anak nila," ma-awtoridad niyang wika at walang pagdadalawang-isip akong tumango bilang pagtalima.

I'm sorry, Aziel. But for just this point, I'm going to be narcissistic. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro