Chapter 22
Wala na akong balak na bumalik pa sa party matapos ng nangyari. Masiyado nang pagod ang utak at katawan ko para makihalubilo pa sa ibang tao. At isa pa, sa sobrang bigat ng dinadala ko’y hindi ko alam kung kaya ko bang pekein ito.
Hindi na ako nagreklamo pa nang si Aziel na mismo ang nag-alis ng mga luhang natuyo na sa aking pisngi at pati na rin ang makeup na kumalat na sa aking mukha. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lamang ako sa baba, ni hindi ko na makaya siyang tingnan sa mata.
Nakakatawa nga dahil dati ay halos araw-araw kong ipinagdarasal na sana’y maging ganito kami kalapit dalawa. Gusto kong maranasan na maalagaan at asikasuhin niya. . . pero ngayong narito’t natutupad na, parang ang layo-layo pa rin namin sa isa’t isa.
“Stay in our room,” aniya habang inaalalayan niya akong maglakad palabas ng restroom. “I’ll prepare your bath and your clothes, too. Habang naliligo ka, bababa lang din ako saglit para kumuha ng pagkain mo. Magpapaalam na rin ako kina Mommy at Daddy–”
“You don’t have to do that, Aziel. Bumalik ka na lang sa party. I can handle myself,” pagtanggi ko kasabay ng pagkawala sa maingat niyang pagkakahawak sa aking braso.
“But–”
“Kuya! Chantria!”
Natigil kaming dalawa sa pag-uusap at sabay na lumingon sa harapan. Nakita namin si Aia na tumatakbo papunta sa direksyon namin. Bakas ang pag-aalala at pagkataranta sa kaniyang mukha. Tila anumang oras ay maiiyak na.
“Aia, what’s happening? Bakit ka tumatakbo?” Agad siyang sinalubong ni Aziel.
Kinagat ng babae ang kaniyang pang-ibabang labi habang papalit-palit ang tingin sa aming mag-asawa. Inilinga ko ang paningin sa kabuuan ng paligid. Ngayon ko lang napansin ang kakaibang katahimikan. Biglang nawala ang kaninang masigla at maingay na panauhin.
“K-Kuya, kanina ko pa kayo hinahanap!” Aia uttered and ran her fingers through her hair frustratedly. “Si Daddy isinugod ni Louie sa hospital!”
Nanlaki ang mga mata namin. “What?! Why?!” pareho naming sagot ni Aziel at bahagya pa kaming nagkatinginan.
“I-Inatake siya sa puso! Iyong Daddy ni Anne. . . si Mr. Alberto Del Mundo, nanggulo sa party. Kung anu-ano ang sinabi niyang kasiraan tungkol sa pamilya natin at kay Chantria. . . sa harap ng maraming tao.” Aia started to cry hard while explaining.
Lumipad ang aking palad sa sariling bibig. At kahit maraming tanong at labis pa akong naguguluhan sa sinabi ni Aia, isinantabi ko muna ang lahat ng iyon. Mabilis kaming tumungo palabas ng mansion. May mangilan-ngilan pang mga bisita ang naroon sa garden. Nang makita nila kami ay para silang mga tutubing nagkaroon ng kaniya-kaniyang bulungan.
“Sinasabi ko nga ba. Masama talaga ang kutob ko sa mga Saavedra noon pa man,” dining kong bulong ng isang matandang babaeng negosyante sa kasamahan niya.
“Pati rin naman ang mga Navarro. Carl and Ambrosio were both blinded by money and power. No wonder na namana iyon ng mga anak nila,” kumento pa ng isa.
“Anak sa labas lang iyang si Chantria.”
“Si Aziel, hindi naman ’yan magaling. Kung hindi lang din sa pangalan na mayroon sila, hindi ko sila pakikisamahan.”
“Wala pang pakialam sa dalawang anak niyang namatay. Well, anyway, what will you expect for a good-for-nothing son?” Someone in the crowd muttered before roaring with laughter.
Nilingon ko si Aziel at nakita ko ang pagtitiim bagang niya. Kumikirot ang puso ko sa mga salitang naririnig pero mas pinili kong magbingi-bingihan. Hindi ang mga panghuhusga ang kailangan naming marinig sa mga panahong ito.
Sumakay kami sa kotse ni Aziel. Ako’y nasa frontseat habang si Aia naman ay nasa likod at hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Halos paliparin na ng asawa ko ang kaniyang sasakyan para lang mabilis kaming makarating agad sa hospital kung nasaan si Daddy Carl. Nakailang beses na rin siyang nagmura nang malutong dahil sa muntikan na rin kaming mabangga.
Pagkarating na pagkarating namin sa hospital ay agad naming tinakbo ang pasilyo. Sa dulo niyon ay matatanaw ang Emergency Room. Naroon sa labas nakaupo si Mommy Mel na humahagulhol ng iyak at si Louie na nakatayo sa kaniyang tabi habang hinahagod ang likod niya.
“Mommy!” Tumakbo si Aziel papalapit sa kaniyang ina. Nag-angat ng tingin si Mommy Mel, ngunit ang siyang ikinagulat ko ay imbis na salubungin niya ito ng yakap ay isang tumataginting na sampal ang ibinigay niya sa kaniyang anak.
“This is all your fault, Aziel! Kapag may nangyaring masama ulit sa Daddy mo, hindi ko na alam kung kaya ba kitang patawarin pa!” umalingangaw sa kabuuan ng lugar ang sigaw niyang iyon.
Nahugot ko ang aking hininga kasabay ng matinding pagkahulog ng aking panga. Ang mga salitang binitawan ni Mommy Mel at ang galit na nanunuot sa kaniyang mga mata ay tila pamilyar na sa akin. Sa kaparehong hospital, sa mismong kinatatayuan, muling nanumbalik ang nakaraan at lahat ng kamalian na naging dulot upang kung bakit kami humantong sa ganitong kalagayan.
“Simula ngayong araw, hindi na muna kayo puwedeng makipagkita o makipag-usap sa mga Navarro.” Iginala ni Daddy ang paningin niya sa amin ni Chantal, ngunit mas nagtagal iyon sa akin. “Sa bawat galaw at lakad nyo, mayroon kayong bodyguards na makakasama. Kapag may lumapit na media para mag-interview, huwag kayong papayag. Huwag kayong magsasalita.”
“Narinig mo iyon, Chantria? Huwag daw munang makikipag-usap sa mga Navarro! Baka naman mamaya, iyong pinag-uusapan natin dito ay sinasabi mo sa kanila, ha!” bintang pa ni Mommy Calliana na agad ko ring itinanggi kasi hindi naman talaga.
Bakit ko naman naman gagawin iyon, eh, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit bigla na lamang silang nagkasira. Akala ko magkaibigan sila? Parang magkapatid na nga. Tapos biglang sa isang pitik lang, handa silang bitawan ang malalim nilang pinagsamahan.
Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Mommy at Ate Chantal kaya napayuko na lamang ako’t pinaglaruan ang mga daliri. Tumikhim si Daddy at muling nagpatuloy sa pagsasalita.
“Malaki ang utang natin sa kanila. Marami rin silang koneksyon kaya hangga’t maaari, kailangan nating mag-ingat. Alam ko ang likaw ng bituka niyang si Carlito. Kapag hindi ko siya nabayaran sa takdang panahon, kayang-kaya niyang ipapatay tayo. . .”
Palihim akong napahilot sa sentido dahil sa mga sinasabi ni Daddy. Ewan ko, ama ko siya pero hindi ko kayang paniwalaan ang mga lumalabas na salita sa bunganga niya. Sa maikling panahon, nakilala ko ang mga Navarro bilang mabubuti at hindi mapagmataas na tao. Wala sa hitsura nila ang gagawa ng masama para lamang sa kapangyarihan at pera.
“So how will you pay all the debts, Dad?” desperadang tanong ng kapatid ko. “Knowing that some of our businesses are struggling, too!”
Bumuntonghininga si Daddy at nagkibit balikat. “Cut our expenses. Kung kinakailangan nating ibenta ang mga kagamitan o itong mansion–”
“No way!” sabay na singhal ni Mommy at Ate Chantal.
Napalingon ako sa kanila. Gan’on din si Daddy na kunot na kunot ang noo, tila naiirita na.
“Anong no way? Sige nga, may naiisip pa ba kayong ibang paraan?” paghahamon nito.
Mula sa prenteng pagkakaupo sa mahabang sofa ay tumayo si Mommy Calliana at lumapit sa asawa. “Sinasabi ko naman sa iyo na alukin mo ng fixed marriage iyang Navarro! Merge our businesses! Siguradong hindi iyan tatanggihan ni Carlito dahil isang malaking karangalan ang mapadikit sa mga Saavedra. Mas lalong lalakas at dadami ang koneksyon nila. With that, nakabayad na tayo ng utang. Nagtulungan pa kayong mas lalong makilala sa loob at labas ng bansa. Makakabawi ang kompanya natin!”
Niluwagan ni Daddy ang necktie niya bago samaan ng tingin si Mommy. “Tanga ka ba? Nag-iisip ka bang mabuti, Calliana? Simula’t sapul ay alam mong hindi sang-ayon sa ganiyang paniniwala si Carl! All of his personal life should stay out of the business–”
“Madali lang utuin ’yang kaibigan mo, Ambrosio! Magkakilala kayo simula pagkabata at madali lang gamitin ang kahinaan niya laban sa kaniya! There’s no way we will sacrifice our whims because of your debts! Gumawa ka ng paraan! Huwag mong hayaan na maghirap kami!” muling litanya ni Mommy.
“At sino namang ipapakasal ko sa kaniya? Si Chantal?! There’s no way I’ll let my daughter marry someone she doesn’t love, Calliana!” Daddy fired back.
Pinanliitan siya ng tingin ni Mommy at sarkastikong tumawa. “At sino namang nagsabi na si Chantal ang ipapakasal natin sa mga Navarro’ng iyon?” Dahan-dahan ang gunawa niyang paglingon sa aking gawi at itinuro ako.
Nahigit ko ang aking hininga at sunod-sunod na umiling.
“Si Chantria!” she exclaimed.
Daddy’s piercing eyes went to me before shaking his head in disapproval. “Pero alam mong anak ko lang ’yan sa labas! Hindi ko siya itinuturing na Saavedra–”
“Exactly!” Mommy snapped her fingers. “That’s my point, Ambrosio! Si Chantria ang ipambabayad natin sa kanila. It’s a win-win situation for the both of you, don’t you think? Nakabayad na tayo ng utang, makakaahon na rin ang kompanya at mas lalo rin silang makikilala sa industriya.”
“Mawawalan pa ng sampid sa pamamahay na ito,” dagdag pa ni Ate Chantal, sang-ayon na sang-ayon sa naiisip ni Mommy.
Mariin kong kinagat ang labi at ipinikit ang mga mata. “Hindi ko po iyan kayang gawin–”
“Kaya mo, Chantria! Kakayanin mo! Isipin mo na lang na kailangan mong bayaran ang utang na loob mo sa amin sa ilang taong pananatili mo rito. Pinag-aral ka namin at binigyan ng magandang buhay tapos ngayong kami na ang nangangailan, tatanggihan mo kami? Anong klase ka? Wala kang utang na loob!”
Umiling-iling ako. Hindi ko nagugustuhan ang naiisip nila. But partly, somehow, it was tempting. Sinong tatangging matali kay Aziel, kung saka-sakali? I like him since the first moment I laid my eyes on him and became deeper now that I have a chance to finally get to know him. Kahit na hindi ako sigurado kung pareho ba kami ng nararamdaman o sa aming dalawa’y ako lang ang nagmamahal.
Kakayanin ko ba? Handa ba akong magpatali nang ganito kaaga? Handa ba akong isakripisyo ang pagiging malaya para lamang isalba ang pamilya?
“Aziel trusts you so much, Chantria. Lahat ng nalalaman mo, you can use it against him. Isipin mo na lang na sa gagawin mong iyon, mayroong kang isasalbang pamilya. . .” Ate Chantal uttered and patted my head. “Pamilya na siyang bumuhay sa ’yo at nag-aruga.” That was her last words before finally turning her back at me.
Mommy Calliana mockingly smirked. “You still have a month to think thoroughly since Ambrosio still needs to convince the Navarro’s, too. But I’m telling you, once they agree, you have no other goddamn choice.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro