Chapter 18
"Why did you bring her here, Kuya? Tanga ka ba?" walang prenong tanong ni Aia sa kaniyang kapatid habang naglalakad kami papuntang dining area.
Sumunod din kasi sa amin si Aziel samantalang nasa likod namin si Mommy Mel, Daddy Carl at Anne na mabagal lamang ang paglalakad dahil masiyado pang libang sa muli nilang pagkikita.
Aziel glared at her sister. "Don't talk to me like that, Aia. Baka nakakalimutan mong kuya mo ako."
Tumigil sa paglalakad ang babae. Inilagay ang isang kamay sa dibdib na kunwari'y natatakot. "Ah talaga ba? Oo, alam kong kuya kita pero hindi ko pa rin babawiin iyong sinabi ko na tanga ka." Umirap siya at kumapit sa braso ko.
Tumingin sa akin si Aziel pero umiwas ako ng tingin. As much as possible, ayaw ko na lang munang maging malapit sa kaniya ngayon. Parang anumang oras kasi ay bibigay na ang puso ko at lahat-lahat sa akin. At natatakot akong makapagbitiw ng salitang kahit kailan ay hindi ko na puwedeng bawiin. Baka makagawa na naman ng desisyong padalos-dalos at hindi pinag-iisipan tapos sa huli ay ako rin naman ang magdudusa.
"I didn't invite her to come over here. Siya ang nagpumilit na makisakay muna sa kotse natin. Si Mommy at Daddy ang tumawag sa kaniya at nakiusap lang din sa akin na isabay ko na. . ." malumanay na paliwanag sa akin ni Aziel pagkaupong-pagkaupo namin sa hapag.
Sa harapan namin ay si Aia na masamang-masama ang timpla habang si Louie ay nagpaalam na magbabanyo lang.
Natutop ko ang aking labi bago pagod na sumulyap sa kaniya. "Bakit ka nagpapaliwanag?"
Hindi naman kasi niya madalas na ginagawa iyon o sabihin na nating noong simula pa lang ay hindi naman siya gan'on sa akin. Ako palagi iyong nagtatanong. Ako palagi ang naghahanap ng paliwanag at sagot na paulit-ulit din naman niyang ipinagdadamot.
Umawang ang kaniyang labi at kumurap-kurap. "Because I don't want you to overthink these things, Chantria. Ayaw kong isipin mo na paulit-ulit kong sinasadyang saktan ka."
Pagak akong natawa at napailing sa sinabi niya. "Bakit, Aziel? Hindi ba? Kung hindi naman pala sinasadya, anong tawag sa mga palagi mong ginagawa sa akin?"
Hindi siya nakasagot kaya nagpatuloy ako. "Hindi ako tanga, Azi. If I know, baka pumapalakpak na kayong dalawa ni Anne ngayon dahil hindi nyo na kailangang magtago."
Hindi ko na napigilan ang sariling maglabas ng hinanakit kahit nasa harapan kami ng mga pagkain. Ni sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, nakalimutan kong nasa harapan nga lang pala namin si Aia na nakikinig at nagmamasid sa amin. Nang magtama ang aming paningin ay kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Tila kaunting kalabit na lang ay tutulo na ang mga luha.
Bumuntonghininga ako at napahilot sa tungki ng aking ilong. Ngayon, iisipin ko pa kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya iyong mga narinig niya. Paniguradong naguguluhan siya at maraming tanong na gumugulo sa isip dahil wala naman siyang alam sa kung anong tunay na estado ng samahan naming mag-asawa.
Bahagyang humilig sa akin si Aziel para bumulong. "Chantria, can we talk later?"
Mabilis ang ginawa kong pagtanggi. "Pagod ka. Magpahinga ka na lang."
"But-"
"Come on, let's eat!"
Saved by the bell, dumating na sina Mommy Mel. Bumalik na rin si Louie kaya nagsimula nang kumain ang lahat. Thaimik lamang ako habang kumakain. Gan'on din si Aia kaya marahil ay naninibago ang lalaking katabi niya kaya panay ang sulyap nito sa kaniya. Maging si Aziel ay hindi rin nagsasalita at sumasagot lang kapag tinatanong ng ama tungkol sa kanilang negosyo. Si Anne ang bangkang-bangka sa usapan at tawanan kaya nakakawalang ganang kumain.
Kung ikukumpara, ibang-iba ang pagkislap ng mga mata ng dalawang matanda kay Anne. Hindi maitatanggi roon ang paghanga, pagmamahal at lalim ng pinagsamahan nila. Though, mabait at maayos din naman ang pakikitungo nila sa akin. Wala akong masasabi. Pero dahil sa nakikita ko ngayon, hindi ko tuloy mapigilan ang sariling isipin na baka kaya gan'on ang pakikisama nila sa akin ay dahil asawa ako ni Aziel. Kailangan lang nilang maging mabuti. Kailangan lang nila akong tanggapin dahil anak ako ng matalik nilang kaibigan.
"Eat more, Chantria." Azi heaved a sigh.
Kanina pa niya nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Ni sasabog na nga ang tiyan ko sa sobrang kabusugan pero ayaw pa ring magpaawat nitong lalaki sa aking tabi. Dinagdagan niya ng kanin ang aking pinggan at pagkatapos n'on, walang tanong-tanong na sinandukan ako ng paborito kong kare-kare.
"Ayaw ko na, Aziel. Tama na 'yan." Hinawakan ko na siya sa braso para pigilan pero inirapan lang niya ako.
"You need to eat more. Dagdagan mo pa ang pagkain mo kahit kaunti lang," balik niyang tugon habang nagbabalat ng paborito kong hipon.
Gusto ko rin sana niyon kaso nakakatamad magbalat kaya huwag na lang. Napatulala ako sa aking pinggan habang iniisip kung paano uubusin ang ga-bundok na pagkaing nakalagay doon. Umawang ang aking labi nang mapagtantong ang lahat ng hipon na binabalatan niya ay inilalagay niya sa aking pinggan.
Kasunod niyang inilagay sa aking pinggan ay ang chopsuey. Medyo nataranta ako r'on sa ginagawa niya dahil hindi lahat ng gulay roon ay kinakain ko. Pinipili ko lang. "Ako na ang kukuha. Hindi ako kumakain ng-"
"Carrots," pagtutuloy niya sa aking sinasabi.
At habang nilalagyan niya ang aking pinggan ay buong ingat niyang sinisiguro na hindi mapapasama ang gulay na iyon sa kakainin ko. Kumunot ang aking noo, hindi makapaniwala. Sa kabila ng mga sama ng loob ko sa kaniya, hindi ko maiwasan ang mamangha.
Sa tatlong taong pagsasama, ni kahit minsan ay hindi siya nagtanong kung anong gusto at ayaw ko. Ni hindi siya nag-abalang alamin ni katiting na detalye mula sa akin.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagtama ang mga mata namin ni Anne. Kitang-kita ko kung paano mag-apoy ang kaloob-looban niya sa galit at inggit habang pinapanood ang pag-aasikasong ginagawa ni Aziel sa akin na asawa niya.
"Malapit na kaming magtampo rito kay Aziel. Kung hindi pa namin kukulitin umuwi rito, hindi rin talaga niya maiisipan." Mahihimigan ang tampo sa boses ni Mommy Mel.
Ngumuso ang ginang at sinamaan ng tingin si Aziel. Si Daddy Carl naman ay nakasimangot na rin sa anak.
Aziel shook his head. "Hindi gan'on, Mom. Masiyado lang akong lunod sa trabaho."
"Baka naman napapabayaan mo na si Chantria niyan. . ." tugon ng ina.
Madrama akong humawak sa aking dibidib. Ay, nakakatouch naman. Naaalala pa pala nila ako.
Nagkatinginan kaming muli ni Aziel pero ako rin ang naunang magbawi. Bahala ka riyang lusutan iyan. Oo nga't sinabi ko noon na hindi ko sasabihin sa magulang niya ang lahat ng pinaggagawa niya sa akin pero hindi ko rin sinabing kakampihan ko siya kapag tuluyan na siyang nabuking.
"I always ensure that she's well taken care of. Mas kampante ako ngayong kasama niya si Manang Yeta habang nasa trabaho ako." He glanced at Louie.
"You know, magaling mag-alaga si Mama. For sure, hindi niya pinapabayaan si Chantria." Ngumiti si Louie kay Mommy Mel.
"Pero huwag ka rin naman masiyadong magpakatutok sa trabaho, Aziel. Masama iyan sa kalusugan mo. . ." si Daddy Carl.
Anne let out a hearty laugh. "Oh, don't worry, Tito. Palagi ko naman pong tinutulungan si Ziel. Hindi ko po siya pinapabayaang mag-isa sa mga ginagawa niya." Her gaze went to my husband and raised her brows to get validation. "Right, Ziel?"
Hindi sumagot ang asawa ko. Dumilim ang mga mata nito kasabay ng pagtitiim bagang sa babae, tila hindi natutuwa. Napansin iyon ni Anne kaya napawi ang ngiti sa kaniyang labi at agarang ibinalik ang tingin kay Mommy Mel na para bang walang nangyari.
"Nakakatuwa naman na kahit hiwalay na kayo ay hindi pa rin nagbabago ang samahan ninyong dalawa," Mommy Mel dramatically commented. Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.
Narinig ko ang hindi makapaniwalang tawa ni Aia. Namumula na ang kaniyang mukha at para bang anumang oras ay sasabog at mauubusan na ng pasensiya.
"I can't believe this. . . so insensitive," bulong niya sa sarili at dismayadong umiling.
"Sayang nga po, Tita, eh. Kung kami sana ang nagkatuluyan ni Ziel, eh sana'y hindi siya mahihirapan at mapapagod sa pangangalaga ng maraming negosyo kasi marami akong alam at karanasan sa ganiyan. Matutulungan ko siya. Hindi kagaya ng ibang babae na nasa bahay lang at nagsisilbi sa asawa." Makahulugan siyang sumulyap sa akin at ngumisi.
Hindi rin iyon nakaligtas kay Aziel. "Anne!" may pagbabantang tawag nito.
Medyo kumunot na rin ang noo ng dalawang matanda, marahil ay nakakahalata na sa tensyong namumuo sa gitna. Imbis na makinig si Anne ay nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.
"What? I'm just telling the truth." Anne shrugged her shoulders as she acted like an innocent woman. Lumingon pa ito sa akin at ikinumpas pa ang kamay. "No offensement, Chantria, pero alam mo kasi hindi na uso iyong ganiyan, eh. Iyong mga babaeng walang ibang ginagawa kundi magluto, maglaba at maghintay kung kailan uuwi ang asawa? I mean, that's too old-fashioned! Parang losyang!"
Mommy Mel nodded slowly. "Hm, I get your point, Anne. Sabagay kasi ay ganiyan din ako noon. Hindi ako umaasa sa pera ni Carl. Nagtratrabaho rin ako."
Yumuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi, sarkastikong natawa. Sa ilalim ng lamesa ay kitang-kita ko ang panginginig ng parehong nakakuyom na kamao ng aking asawa sa pagpipigil ng galit. Hindi ko alam kung para kanino iyon, pero isa lang ang sigurado, pinipigilan niya ang magsalita dahil baka kung anong mangyari kay Daddy Carl.
Nang mag-angat ako ng tingin kay Anne ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa aking mukha. Naroon pa rin ang pang-uuyam sa aking ngiti nang sumimsim ako sa aking inumin.
"I'm not offended, Anne." I grinned devilishly. "Ayaw ni Aziel na nagtratrabaho ako kasi he sees me as a housewife material, hindi katrabaho o business partner lang. Right, Azi?" Nilingon ko ang aking asawa.
Pinagtaasan niya ako ng kilay bago tumango-tango sa akin. "Yes, Chantria." At kung hindi man ako nagkakamali ay nakita ko ang pagdaan ng multo ng ngiti sa kaniyang labi.
Hindi ko iyon pinansin at muling humarap kay Anne na wala nang bahid ng emosyon ang pagmumukha. Matipid akong ngumiti sa kaniya.
"Isa pa, kagaya mo'y may pinag-aralan din naman ako at may alam sa negosyo. Pero ang kaibahan lang natin, hindi ako pumapayag na maging pangalawa." Tumayo na ako at nagpaalam na tapos nang kumain.
Hindi nakagalaw si Anne sa kinauupuan at tila natigilan pa sa paghinga. Isang kalabit na lang ay tutulo na ang kaniyang luha. Pero mas lalo pa siyang nabigo nang kahit hindi pa tapos kumain ay tumayo na rin si Aziel at sumunod sa akin.
They said if respect is no longer served, you must have the courage to leave. But for me, before you took your heels, you must let them taste the medicine they deserve.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro