Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"Cancel all my appointments for the next three days," usal ni Aziel habang nakikipag-usap sa sekretarya niya sa kabilang linya. Ang buong atensyon ay naroon pa rin sa pagmamaneho. "And to those papers who needed my signatures, just put them in my office. Ako na ang bahala roon pagbalik ko."

Nanatili lamang akong nakatingin sa bintana habang pinakikinggan ang usapan nila. Sa totoo lamang ay kanina pa talaga ako hindi mapakali sa kinauupuan. Noong sinabi pa lang ni Aziel na uuwi kami sa probinsya nila ay grabe na ang pananabik na nararamdaman ko. Sa picture ko pa lang nakikita iyong mansion at hacienda nila roon. Sa tuwing umuuwi kasi siya ay siya lamang mag-isa o kung minsan naman ay ang mga magulang at kapatid na niya mismo ang lumuluwas dito sa Maynila.

Muli kong sinulyapan si Aziel na ang kausap na ngayo'y ang kaibigan at kanang-kamay niyang si Louie. Nagkasalubong ang mga tingin namin kaya pinagtaasan niya ako ng kilay habang abala pa rin sa pakikinig sa kabilang linya.

"Are you hungry?" he mouthed and I immediately shook my head.

Bumaling ako ulit sa bintana at nilibang na lang ang sarili sa mga matataas na gusaling natatanaw. Bumuntonghininga ako't bahagyang napanguso. Minsan talaga'y naguguluhan ako sa paraan ng pakikitungo sa akin ni Aziel. May mga panahong mabait siya pero mas lamang pa rin ang pagsusungit at pagiging malamig niya kaya palagi akong nangangapa kung paano ba dapat siya pakibagayan.

Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan habang patuloy ang maayos na daloy ng biyahe. Unti-unti na ring nawawala ang mga sasakyan at gusali, hudya't na papalabas na kami ng Maynila. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbagsak ng talukap pero pinipigilan ko ang sariling makatulog. Mukhang napansin iyon ni Aziel.

"The trip would take three to four hours, depending on the traffic. Kung inaantok ka, puwede ka namang matulog muna."

Umayos ako ng pagkakaupo bago sunod-sunod na tumango. "S-Sige. . . uhm pero paano ka? Kaya mo bang magdrive nang gan'on katagal kasi siguradong pagod–"

"Don't mind me," putol niya sa sinasabi ko kaya natutop ko na lang ang aking bibig.

Ipinikit ko ang aking mga mata at bago pa man tuluyang lunurin ng antok, naramdaman ko ang sandaling pagtigil ng kotse at ang maingat na paglalagay niya ng unan sa ilalim ng aking ulo. Nagising lamang ako nang sandali kaming tumigil sa isang fast food chain para kumain ng lunch.

Labis-labis ang aking pagtitimpi sa sarili na irapan anng lahat ng mga kababaihang lantarang tinitingnan nang buong pagnanasa ang asawa ko. Si Aziel na kasi ang pumila para sa aming dalawa habang ako naman ay dumiretso na sa pabilog na table. Sa totoo lang ay hindi na naman niya talaga kinakailangan pang tumayo roon at personal na umorder dahil pag-aari niya ang restaurant na ito, pero Aziel was being Aziel. He just want to be lowkey person, ayaw ng special treatment.

"Aziel, puwedeng magtanong?" maingat kong saad sa gitna ng katahimikan naming dalawa.

Dagli siyang natigilan sa pagnguya, nag-angat ng tingin sa akin at kapagkuwan ay tumango. "Hm? What is it?"

I wet my lower lip and slowly uttered, "Huwag mo sanang masamain, ha? Curious lang talaga ako."

Nagsalubong ang kilay niya, nawawalan na naman ng pasensya. "Ano nga iyon?"

Itinaas ko ang aking dalawang kamay sa harapan niya. "Oh, chill, chill. Nagagalit ka naman kaagad. Gusto ko lang malaman kung bakit all of the sudden ay isasama mo ako sa probinsya ninyo? I-I mean, hindi naman sa ayaw ko pero hindi ba't busy ka sa Baguio?"

Tumuwid siya ng pagkakaupo at marahang dinampot ang tissue bago punasan ang gilid ng kaniyang labi. Tumikhim siya. "I have an important matter to discuss with Dad personally, and also he requested us to be there on his 57th birthday."

My mouth formed into a circle as I nodded my head repeatedly. "I forgot! Malapit na nga pala ang birthday ni Tito Carl!"

His face remained stoic as he gave me a tiny grin. "Yeah."

"Ilang araw tayo roon?" tanong ko ulit.

He shrugged his shoulders. "Not sure yet. Maybe three or four days, but if you want to extend then we'll make it one week."

"Eh 'di sige. One week na lang. Puwede ba?"

Tumango siyang muli. "Just behave and we'll see," maikli niyang tugon kaya umarko ang aking kilay.

"I'm always behaving, Azi. Sa ating dalawa ay ikaw lang ang sakit ng ulo!" depensa ko pa.

Umirap siya at sinabayan pa ng ismid. Kapagkuwa'y ikinumpas niya ang isang kamay. "Finish your food, Chantria. You talk too much."

Nagpatuloy ang biyahe pagkatapos naming kumain. Wala na akong ideya kung anong nangyayari sa paligid dahil pagkaupo na pagkaupo ko pa lamang sa front seat ay muli na akong dinalaw ng antok.

"Chantria, wake up!"

Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na tapik sa aking pisngi. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ang gwapong pagmumukha ni Aziel. Umikot ang aking tingin sa labas ng bintana. Nakatigil ang kotse sa gilid ng kalsada at wala ni isang kabahayan. Tanging puro mga puno at palayan lamang ang makikita pati na rin ang isang lumang waiting shed sa tapat.

Kumunot ang aking noo at nagtatakang bumaling kay Aziel na abala sa pagpipindot sa cellphone at tila problemado. Agad binundol ng kaba ang puso ko. Anong nangyayari?

"B-Bakit tayo nandito? Malayo pa ba?" namamaos kong tanong at muling pinasadahan ng tingin ang labas.

Hindi sumagot si Aziel. Paulit-ulit ang marahas na pagtipa niya sa kaniyang cellphone na para bang may pilit na tinatawagan. Mabilis din ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib habang ang mga mata'y nagliliyab sa pinaghalong galit, pag-aalala at iba pang emosyon na hindi ko mapangalanan.

"Fuck! Damn it!" Ibinalibag niya ang cellphone at sinuntok ang manibela.

Nataranta ako at agad na napabalikwas sa kinauupuan. Sinubukan ko siyang hawakan ngunit hindi ko na itinuloy nang makita kung gaano nag-aapoy ang kaniyang mga mata sa galit. Anong nangyayari? Wala akong maintindihan!

Yumuko siya at pilit na kinalma ang sarili. Mabilis pa rin ang bawat paghinga niya at lumalabas ang mga ugat niya sa kamay sa higpit ng pagkakahawak niya sa manibela.

"A-Aziel, what's happening?" kinakabahan kong tanong.

Gamit ang nagsusumamong mga mata ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Hinagilap niya ang aking dalawang kamay at hinawakan iyon nang mahigpit. Kahit nahihirapan, pilit niyang ibinuka ang mga labi para magsalita. "C-Chantria, I'm sorry but I think hindi na tayo matutuloy. . ."

Kunot na kunot ang aking noo habang umiiling. "Hindi kita maintindihan."

Bumagsak ang paningin niya sa aking mga palad bago lumunok na tila ba nahihirapan. "I-I need to go back to Baguio. It's an emergency. Something happened to Anne and. . ." Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago suminghap.

"Pero, Aziel–"

"Listen to me first, Chan," he cut me off, "Ayaw ko sanang gawin ito but I have no other choice. Kailangan kong bumalik ng Baguio ngayon din kaya hindi na kita maihahatid pa pabalik sa Manila."

Nanlaki ang mga mata ko. "H-Huh?! Eh 'di paano ako, Aziel? Hindi ba puwedeng tumuloy na lang tayo? Hindi ka naman siguro kailangan doon! For sure, Anne's family will take care of her–"

"Stop being selfish, Chantria!" His voice thundered which made me jump from my seat. "If for you it isn't important, well for me, it is! It's Anne we're talking about!"

"Paano naman ako, Aziel?!" sigaw ko pabalik. "Ano? Gan'on-gan'on na lang? Handa ka talagang iwan ako rito sa hindi pamilyar na lugar na 'to dahil lang sa kailangan ka ng babae mo?! Ganiyan ka ba talaga kawalang kwenta?!"

"Sa babae mo, nag-aalala ka pero sa akin hindi?! Tanginang pag-iisip 'yan!" dugsong na bulyaw ko pa.

Ginawa ko ang lahat para hindi tuluyang bumagsak ang aking mga luha. Ang sakit-sakit sa puso pero hindi dapat ako umiiyak. Ang hirap tanggapin ng mga dahilan niya. Matagal kong tiniis at isinantabi ang lahat dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kaniya pero ngayon ay hindi ko na alam. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang galit, pagkadismaya at sakit. Lahat-lahat na!

He frustratedly ran his fingers through his hair before looking at me again. "Look, Chan. Hindi naman kita papabayaan. I already called Louie to fetch you here and he's on his way. Wala kang ibang gagawin dito kundi ang hintayin ang pagdating niya. Promise, I'll make up to you. Right now, I just have to leave because Anne needs me. . . she needs me more than you do."

Mapakla akong ngumiti habang tumango-tango sa kaniya. May isang butil na luhang pumatak sa aking mga mata at mabilis ko iyong pinunasan. Pagak akong natawa sa kawalan at kinalas ang seatbelt.

Pero bago ako tuluyang bumaba ng kaniyang kotse, mayroong isang katanungan na sumagi sa aking isipan. Gamit ang malulungkot na mga mata ay binalingan ko siya.

"Kung ako ba 'yong nasa sitwasyon ni Anne, k-kung dumating ang araw na ako naman ang mangailangan, handa mo bang iwan ang babaeng kasama mo para lamang puntahan ako? Handa bang mong takbuhin ang kilo-kilometrong layo para sa akin na mismong asawa mo?"

Nalaglag ang kaniyang panga at hindi magawang makapagsalita. Ilang beses niyang sinubukang ibuka ang bibig ngunit mga kataga na mismo ang bumigo sa kaniya. Bumakas din ang kalituhan sa kaniyang mukha, hindi dahil naguguluhan siya sa isasagot niya sa akin. Kalituhan kung dapat ba niyang sabihin ang totoong sagot o dapat ba siyang magsinungaling.

At doon pa lang, alam ko na. Sapat na ang katahimikan niya bilang sagot. Sabagay, sino ba naman ako sa buhay niya, 'di ba? Kahit na ako ang asawa, ano ba naman ang laban ko sa babaeng tunay na mahal niya?

Sandaling bumagsak ang aking ulo bago mapait na ngumisi. Walang lingon-lingon akong bumaba ng kaniyang sasakyan.

"Chantria, I'll make up to you–"

Pabagsak kong sinarado ang pinto ng kotse. Hindi na pinansin pa ang mga walang kwentang paliwanag niya. Dumiretso ako sa waiting shed at naupo roon. Hindi rin naman nagtagal ay humarurot na paalis ang sasakyan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang mahihinang paghikbi ngunit bigo ako.

Nang muli kong pasadahan ang kabuuan at hindi pamilyar na paligid, nanuot ang takot hanggang sa aking buto. Doon na tuluyang bumagsak ang mga talunang luhang kahit anong pigil ay hindi na magawang huminto. Umiyak ako nang umiyak pero naroon pa rin ang pag-asang babalikan niya ako anumang minuto pero sino ba namang niloko ko?

Ang mga pasakit, pagdurusa at masasakit na salitang aking natamo, maaring lahat iyon ay mapalampas ko, maliban lamang sa pangyayaring ito. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro