Chapter 13
Itinagilid ko ang aking ulo, hindi makapaniwala. Buong akala ko'y may katandaan na ang itinutukoy na anak ni Manang Yeta. Ang nasa isip ko pa naman ay isa iyong mataba, malaki ang tiyan at medyo may pagka-aroganteng lalaki pero mali pala ako.
Nalaman ko rin na kasing edad lamang pala niya ang asawa ko. He was twenty-four years old already yet still can be defined as one of the most drop-dead gorgeous men I've ever seen in my whole existence. . . pero siyempre wala pa ring tatalo sa mala-adonis na kagwapuhan ni Aziel.
Kung ikukumpara silang dalawa, I must say that Aziel has these stoic, ruthless and intimidating personality, while Louie has these friendly and easy to go with aura. Palagi kasi siyang nakangiti kaya mas lalo siyang nagmumukhang bata.
Medyo may katangkaran din siya kagaya ni Aziel, siguro ay mga nasa 6'2. Malaki rin ang kaniyang katawan na para bang alagang-alaga iyon sa gym. Bahagyang magulo ang kaniyang buhok kahit na side parted short ang haircut. Nakadagdag pa sa kaniyang charisma ang maliit na taling sa gilid ng kaniyang kanang mata.
All in all, gwapo. Halatang matinik sa mga babae. Kung hindi nga lang ako tanga, martyr at patay na patay sa asawa ko, malamang ay nagustuhan ko na rin siya.
"Manang Yeta, walang malisya pero ang gwapo po ng anak nyo," nangingisi kong papuri habang pareho naming pinagmamasdan ang papalayong kotse ng kaniyang anak.
Lumingon siya sa akin, bahagyang natawa. "Gan'on talaga, Chantria. Magaling kaming gumawa ng asawa ko, eh."
"Position reveal naman dyan, Manang Yeta! Pahingi na rin ng tips!" pagbibiro ko pa kaya naman mahina niya akong pinalo sa braso bago nagkibit balikat.
"Hay naku, matagal na panahon na mula noong huli akong madiligan! Basta ang alam ko lang ay tumuwad ako tapos ayon, nakabuo na ako ng gwapong supling!"
Seryoso akong tumango-tango habang taimtim na itinatatak ang lahat sa isipan. "Iyon lang ba, Manang?"
Tumingala siya. Naniningkit ang mga matang inilagay ang hintuturo sa baba na animo'y nag-iisip. "Hmm, siyempre gagalingan mo rin ang paggiling. Gagalaw ka rin at hindi puwedeng para ka lang tuod na nakahiga-"
"Wait lang po!" Pinigilan ko siya sa pagsasalita at dali-daling kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Agad ko roong tinipa ang mga sinasabi ni Manang Yeta.
Tips para magkaroon ng guwapong anak by Manang Yeta:
Tumuwad
Galingan ang paggiling
Gumalaw din at huwag parang tuod na nakahiga
Ilang beses ko pa iyong paulit-ulit na binasa bago tinantanan. Wala naman sigurong masama kung manghingi ako ng mga tips sa matatanda, 'no? Maraming beses na kaming nagjujugjugan ni Aziel pero hindi pa rin kami nakakabuo. At least next time na mangalabit siya sa akin ay alam ko na rin ang dapat gawin.
Hindi ko sinasadyang mapalingon sa direksyon ng mga bodyguard at naabutan ko silang nakikinig sa amin habang nagpipigil ng tawa. Umirap na lamang ako at hindi na sila pinansin pa.
Kagaya ng napagkasunduan ay rito sa bahay nagpalipas ng gabi si Manang Yeta. Sa isang guest room siya nagpahinga. Bago tuluyang matulog ay sinubukan kong tawagan si Aziel pero kumustahin at tanungin kung tapos na ba ang ang business convention nila para sa araw na ito. . . na sana ay hindi ko na lamang ginawa.
"Uhm, hello? Who's this?" A fine and recognizable voice of a woman filled my ears on the other line.
Natameme ako at hindi kaagad nakasagot.
"Hi? I said who's this? Bakit ka tumatawag sa boyfriend ko nang ganitong oras? Is that something very important?" masungit na untag pa ni Anne.
Tumingin ako sa orasan. Mag-a-ala una na nang madaling araw pero bakit magkasama pa sila? Are they sharing rooms? At ano namang ginagawa nila?
At bakit niya rin tinatanong kung sino ako, eh sa pagkakaalam ko'y naka-save naman ang numero ko sa cellphone ni Aziel?
I heaved a sigh.
Gathering all the courage I have, I replied, "This is Chantria. Aziel's wife." Umarko ang aking isang kilay nang sadyain kong bigyang-diin ang huling salita.
Siya naman ngayon ang nanahimik at hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagtikhim niya. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para magpatuloy. "Gusto ko lang sanang malaman kung ano na ang ginagawa ni Aziel at kung bakit ikaw ang sumagot ng tawag ko."
She mockingly laughed. "Oh, iyong asawa mo ba? Kanina pa siya tulog. Masiyado yatang napagod sa ginawa naming dalawa. . ."
I gritted my teeth as I angrily clenched my fists.
Akmang ibubuka ko ang labi para sumagot pero agad ko ring naitikom iyon nang muli siyang magsalita. "Mas mabuti pa tumawag ka na lang bukas or maybe hintayin mo na lang siyang umuwi riyan. You know naman na Aziel is a busy person kaya paniguradong wala siyang oras para sa mga kagaya mo. Bye, Mrs. Navarro." And before I could even utter a word, she ended the call.
Dala-dala ko ang pagngingitngit at sama ng loob hanggang kinabukasan. Hindi ako nakatulog nang maayos at kulang na lamang ay mabaliw sa dami ng gumugulo sa aking utak. Kumikirot ang dibdib ko sa tuwing sumasagi sa utak ang mga sinabi ni Anne, idagdag pa na kung ano-anong bagay na posibilidad na ginagawa nila ang pumapasok sa aking isipan.
Aziel was with his mistress. They probably fucked all night. Siguro'y masayang-masaya sila dahil sarili nila ang mundo. Walang gumagambala o sino mang gumugulo. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis sa naglalaro sa aking isip. Well, I just thought that in the end of the day, hindi ko kailangang mangamba dahil sa huli ay sa akin pa rin siya uuwi. Sa mata ng Diyos at sa batas, sa akin pa rin siya nakatali. Ako ang una. Ako ang asawa. . . habang si Anne ay habambuhay mananatiling pangalawa.
Mariin kong ipinikit ang mga mata. Gustong-gusto kong sampalin ang sarili. Ano na, Chantria? Ganiyan ka ba katanga? Ganiyan ka ba ka-martyr that you were even willing to settle for less?!
After breakfast, I decided to kill my time in the pool area since the weather was shining with bright sunlight, yet it was not that hot and just perfectly suitable for the mood to swim. I wrapped myself with white robe as I was wearing my solid high waisted bikini inside of it. Holding a romance book in my right hand and a glass of orange juice on the left, I comfortably sit on the wooden-made sun lounger.
Matagal akong nanatili roon dahil nalibang ako sa pagbabasa ng libro. Nagpasya lang akong lumangoy nang maramdaman ang unting-unting paghapdi ng balat ko sa pagtindi ng init. Mahigit trenta minutos din akong nagbabad sa pool bago umahon. Naging malaking tulong iyon para bahagyang makapagpahinga ang isip. Agad kong dinampot ang puting roba at pinulupot sa aking katawan. Yumuko ako upang itali 'yon nang maayos.
Habang abala at seryosong-seryoso sa aking ginagawa ay nakaramdam ako ng presensya mula sa hindi kalayuan. Nag-angat ako ng tingin at hinagilap kung sino man iyon.
And there, from afar, I met my husband's gaze. His eyes were dangerously dark as his jaw was clenching. Malayang lumalabas ang mga ugat niya sa braso habang magkakrus iyon. Nakasandal siya sa glass door ng kitchen habang tila mala-ibong nagmamatyag sa bawat kilos at galaw ko.
Umawang ang aking labi sa gulat. Matagal kaming nagtitigan. Ilang beses ko ring kinusot ang aking mga mata dahil baka mamaya'y namamalikmata lamang ako. Pero ang mga pagtatakang iyo'y naglaho nang tumuwid siya ng tayo at marahang humakbang patungo sa aking direksyon. Hindi pa rin nagbabago ang kaniyang ekspresyon, mas lalo pa ngang nabakas ang pagkairita habang unti-unting nauubos ang distansya sa pagitan naming dalawa.
"W-What are you doing here?" nanginginig ang boses na tanong ko nang tuluyan na siyang nakalapit.
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, naroon pa rin ang pagdududa kung totoo ba siya o hindi. Marahan akong tumingkayad at itinaas ang isang daliri upang tusukin ang kaniyang pisngi para manigurado.
"Hala, legit nga!" Napatakip ako sa aking bibig.
Natutop niya ang kaniyang labi. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako na nakita ko siyang ngumiti. Inagaw niya ang kamay ko at hinila papalapit sa kaniya. Marahas niyang kinalas ang pagkakabuhol ng aking roba na siyang ikinataranta ko.
"W-Wait lang, Aziel, huwag dito! Nakakahiya! Baka makita tayo ni Manang Yeta-"
His brows furrowed and glanced at me curiously. "What the fuck are you talking about, Chantria?"
My mouth went agape as my eyes blinked slowly. Unti-unting bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang ekspertong ibinubuhol nang mas mahigpit pa ang aking roba. Uminit ang magkabilang pisngi ko habang siya nama'y naiiling na ngumisi.
"What are you doing here, Aziel?" muling pag-uulit ko, dahilan para pagtaasan niya 'ko ng kilay.
"What kind of question is that? This is our house, Chan. Malamang puwede akong umuwi ano mang oras ko gustuhin-"
"Pero ba't ka nga umuwi? I thought you're in Baguio!" asik ko pa.
Hindi naman sa hindi ko gustong umuwi siya, 'no. Siyempre masaya ako pero ayaw kong ipahalata. Ngayong harap-harapan ko siyang nakikita ay mas lalong nananariwa sa isipan ko ang mga sinabi ni Anne kagabi.
He shrugged his shoulders as he was busy scanning from head to foot. "Naroon na si Louie. He'll substitute me,"
Muli niyang hinawakan ang aking palad at walang salitang hinila ako pabalik sa loob ng bahay. Naabutan pa namin ang mga bodyguard na sina Alberto, Bogart at Carding na nagkakasiyahan habang kumakain ng meryenda. Nang makita nila kaming padaan sa harapan nila ay agad silang nagkaniya-kaniyang iwas ng tingin.
"Ready the car. We'll leave in a few minutes," seryoso at istriktong utos ni Aziel sa kanila, hindi man lang tinatapunan ng tingin.
"Yes, Sir!" agad na pagtalima ng tatlo.
Sinundan ko sila ng naguguluhang tingin habang nagkukumahog silang lumabas ng bahay. Muli kong tiningala si Aziel upang magtanong. "Saan kayo pupunta?"
Saglit niya akong sinulyapan habang kasalukuyan na kaming umaakyat sa hagdan. "Huwag ka munang magtanong nang magtanong sa akin, Chantria. Sa mga baitang ka tumingin at baka madapa ka. . ." parang tatay na utos niya.
Kumibot-kibot ang aking bibig pero sumunod pa rin. Nang makarating na kami sa pasilyo ay muli kong inulit ang tanong. Huminga siya nang malalim bago sumagot.
"We'll go home to my province," simpleng tugon niya na siyang ikinagulat ko naman.
Nanlalaki ang mga mata kong itinuro ang sarili gamit ang hintuturo. "Kasama ako? Isasama mo ako, Aziel?"
Hindi maipaliwanag ang sayang bumalot sa aking puso sa narinig. Kulang na lang ay mapatalon ako sa tuwa at yakapin siya nang sobrang higpit. Sa totoo lang ay buryong-buryo na talaga ako rito sa bahay at ito rin ang unang beses na isasama niya ako na hindi kailangang pilitin o magmakaawa.
May dumaang sakit at tuwang emosyong sa kaniyang mga mata na agad din namang nawala. Nagpakawala siya nang buntonghininga bago matipid na ngumiti at tumango sa akin.
"Yes, Chantria. Get dressed up and pack your important things because we'll leave in a few minutes," aniya bago ako igiya papasok sa aking silid.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro