Chapter 49
Chapter 49
Hindi na ako nagulat nang sandamakmak na messages ang natanggap ko kina Mill at Kat noong sumunod na linggo. Karsen obviously spilled the beans and told them Leon and I were seeing each other again! Hinding-hindi ko maiintindihan ang pang-uusisa nila gayong masikreto rin naman sila sa mga relasyon nila! Lalo si Mill!
"Wala kang balak sabihin sa 'min?" tanong ni Mill sa akin, magkasalubong ang kilay at halos nanlilisik ang mga mata.
Nakatambay sila ngayon ni Karsen sa pad ko kasama si Gayle na nagkukulay lang sa isang tabi. Ang laptop ko ay nakapatong sa center table kung saan ka-video call namin si Kat na mukhang nagulat din sa nalaman.
I looked at Karsen and saw that she had a proud look on her face. Parang ipinagyayabang na nagsumbong siya!
"Meron, syempre. Hindi naman namin itinatago, eh."
"Sinabi mo na kina Shaira, 'no? Nauna nilang malaman, 'no?" untag ni Mill. "Kaibigan mo ba kami, ha? Kami 'yong kasama mo simula no'ng bata ka pa, Amari. Sabay tayong niregla! Ako ang sumusuntok sa mga umaaway sa 'yo! Sa akin ka pa unang nag-practice ng make-up mo!" panunumbat niya.
Narinig ko ang pagtawa nina Kat at Karsen kaya napasimangot ako.
"Napakaarte mo!" bulyaw ko kay Mill. "Wala pa akong pinagsasabihan! Gusto ko lang naman ng alone time muna kasama ang boyfriend ko! Eh, gano'n ka rin naman! Kung hindi pa nagkanda-letche letche, hindi namin malalaman na nililigawan ka ulit ng ex mo!"
She frowned. "Hindi siya nanliligaw sa 'kin at hindi ko siya ex! Saan mo nasimot 'yan?!"
"Eh, ba't magkasama kayo?" Pinandilatan ko siya.
"Trabaho ko siya, eh. Tanga ka?"
"Mill, ang bibig mo. May bata kayong kasama d'yan . . ." suway ni Kat.
Mill and I were in a staring contest. Both of us were mad at each other . . . for no reason at all. Hindi ko tuloy alam kung paano kami naging magkaibigan gayong salungat na salungat ang ugali namin.
"Ang iisip-bata . . ." bulong ni Karsen na pareho naman naming narinig.
"'Yang si Millicent ang pagsabihan n'yo. Sinampal nga n'yan si Leon!"
"Mill?" tanong ni Kat.
Tumango ako. "Oo, Kat!"
"Aba, edi 'wag kang iiyak-iyak sa 'kin kapag sinaktan ka ulit n'yan!" depensa niya sa sarili.
I glared at her. "Bakit ba galit na galit ka kay Leon?"
"Hindi ako galit kay Leon. Mas gusto ko nga 'yan kaysa kay Kobe."
"Hoy!" agad na reklamo ni Karsen. "Bakit n'yo idinadamay ang asawa ko?!"
"Didi?" sabi pa ni Gayle.
Hindi sila pinansin ni Mill. Ang mata niya ay nanatiling nakatutok sa akin.
"Naiinis ako kasi hindi ka na naman nagsasabi sa 'min. Tingnan mo no'ng college, imbes na sama-sama tayong namroblema, sinarili mo lang."
"Ikaw rin naman . . ." pagdadahilan ko. "Hindi naman lahat sinasabi mo, ah?"
"Kasi kaya ko pa."
"Eh, kaya ko rin!"
"Wala talagang magpapatalo sa inyo?" striktang suway ni Kat sa amin.
I sulked as I leaned against the couch. Ganoon din naman ang ginawa ni Mill.
"Mill, sinabi naman na ni Mari na wala siyang balak isikreto 'yon, 'di ba? Saka, labas naman tayo sa relasyon nila. There isn't much we can do if they like to keep it private for the time being. Hindi ka ba masaya na masaya ang kaibigan mo?"
I lifted my chin. Right! Her blabbing was really unnecessary! Para namang end of the world na kung masumbatan ako sa hindi agad pagsasabi sa kanila!
"Ikaw naman, Mari . . ."
Agad akong napatingin sa screen ng laptop. May mali ako?
"Walang mali sa pakikipagbalikan mo kay Leon kasi totoo namang mahal ka no'ng tao. Nakita naming lahat 'yon," paninimula niya. "Pero kailangan mo ring intindihin si Mill. Nagtatampo 'yan kasi kayo ang magkakasama d'yan pero hindi ka nakakapagsabi kapag may nangyayari sa buhay mo. Worried lang din 'yan sa 'yo. Alam mo namang ayaw niyang nasasaktan ka, 'di ba?"
Bumaling ako kay Mill na ngayon ay may maliit nang ngisi sa labi.
"Ayaw sila, mimi?" rinig kong tanong ni Gayle kay Karsen pero hindi ko inalis ang tingin kay Mill.
"Away, Gayle. Say it. A . . . way," pagtatama ni Karsen.
"A . . . yaw."
Nagbuntong-hininga ako at napanguso na lang. Lahat naman kami ay . . . masikreto. Marahil ay nakatanim na sa amin iyon noon pa man. We all grew up in the same shelter, and although we could have talked about our problems, sometimes . . . we chose not to.
Kahit si Karsen na pinakabibo at masiyahin sa amin ay itinago ang pinagdaanan niya sa pamilya ni Kobe, at hanggang ngayon, hindi niya pa rin detelyadong ikinukwento sa amin ang tungkol doon. Alam kong ganoon din sina Kat at Mill. May mga laban silang sinasarili at problemang dinadala nang mag-isa. It was something that everyone who didn't grow up depending on others had in common.
Or . . . maybe all humans have inner struggles that they don't share with anyone, not even their closest friends. Maaaring dahil ayaw natin silang abalahin o iniisip natin na hindi ito ganoon kahalaga. Maaari ding may pinoprotektahan tayong tao na ayaw nating masira sa kanila o natatakot tayong ipayo nila ang taliwas sa gusto nating mangyari.
But among the four of us, Kat said that I was the most discreet and the hardest to read. Kasi kahit achievements, itinatago ko raw. Pakiramdam ko tuloy ay mali ang naging propesyon ko. I mean, I was a psychologist and a counselor. I talked to people about their problems and how important it was to share them with someone they trusted . . . pero madalas ay hindi ko rin ginagawa.
"Marami tayong hindi sinasabi sa isa't isa. Ako, aaminin ko, may mga pinagdadaanan akong hindi ko naikukwento sa inyo dahil kaya ko namang dalhin," saad pa ni Kat. "Alam kong ganoon din kayo. Ang importante naman, alam dapat natin kung kailan tayo hihingi ng tulong o kailan tayo magsasabi."
"Tama . . ." maliit ang boses na sabi ni Karsen.
"Tama," panggagaya ni Gayle sa kanya.
"Fine, may mga sinisikreto rin ako, okay?" nakangusong saad ni Mill bago ako nilingon. "Pero sana naman, sa susunod, i-share mo sa 'min kahit 'yong happy moments mo. Mas gusto mo siguro 'yong mga kaibigan mo no'ng college, 'no?"
Binatukan ko siya. Napakaselosa!
"Ang arte mo! Pare-parehas ko naman kayong kaibigan!"
"Kahit na. Lamang dapat kami."
"Grade 2 ka ba?"
She chuckled sarcastically. "Bakit hindi mo masagot? Totoong mas gusto mo sila kaysa sa 'min? Sige . . . sino'ng sumusundo sa 'yo dati kapag ginagabi ka? Sino'ng naglalaba ng mga damit mo kapag pagod ka sa trabaho? Sino'ng nakikipagsuntukan sa mga kaklase mo noon kapag may tumatawag sa 'yong maarte?"
Napairap ako. "Gusto mo talaga 'yan? Okay!" I sat up straight. "Sino'ng nagre-review ng articles mo noon para i-check ang syntax kasi hindi ka pa confident mag-english? Sino'ng kinokopyahan mo no'ng high school kaya ka naka-graduate? Sino'ng gumagawa ng papers mo noon kapag absent ka kasi napaaway ka na naman?"
"Babye na. Marami pa akong gagawin. Wala akong oras para pakinggan ang pagtatalo n'yo," sabi ni Kat. "Ang tatanda n'yo na para sa gan'yan."
"Si Mill!"
"Ako?! Ikaw!"
"Isip bata ka!" bulyaw ko pa.
"Edi ikaw na ang mature! Ano'ng gusto mo? Medal?"
"Gusto ko? Ang manahimik ka!"
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagtalo. Kahit nang magkulong na sina Gayle at Karsen sa kwarto ko ay nag-aasaran pa rin kami. Akala mo naman ay hindi siya nagmakaawang manatili ako rito sa Pilipinas dahil ayaw niyang mag-isa! Akala mo ay hindi niya ako iniyakan!
"Tara kain," yaya niya sa akin na parang walang nangyari.
"Okay," sagot ko naman.
Namalengke muna kami ng ingredients para sa iluluto namin sa pad. We didn't bother inviting Gayle and Karsen because they were resting in my room. Nang makapagluto ay saka lang namin sila tinawag.
"Nasaan si Leon ngayon?" tanong ni Karsen.
"Trabaho."
Tumango-tango siya. "Dadalaw ka sa ospital ngayon, 'di ba? Sumabay ka na sa 'min. Susunduin kami ni Kuya Enzo," tukoy niya sa driver nila.
I just nodded. Pupuntahan ko si Psyche ngayon dahil matagal-tagal na rin noong huli akong nakabisita sa kanya. I was wondering how she was doing. Hindi pa rin siya nagigising at tuwing lumilipas ang araw ay mas lalong bumababa ang tyansa na magkamalay pa siya.
"Gagabihin ka sa ospital? Sino'ng kasama mo pabalik dito?" Mill asked.
"Sa bahay ni Leon ako matutulog."
Ngumisi siya. "Virgin pa rin? Hindi ako naniniwala."
"Seryoso?" usisa ni Karsen.
I rolled my eyes in response. Hindi ko kasalanang masyadong maginoo si Leon!
"Kapag daw ikinasal na lang kami . . ." sagot ko.
"Sus!" tawa ni Mill. "Parang hindi ka naman gan'yan!"
"'Yon ang gusto ni Leon, Millicent," giit ko.
Mas lalo siyang tumawa. "So, ayaw mo?"
I just scoffed, sending her into another fit of laughter. Kita ko rin ang ngisi ni Karsen na para bang malaking kahibangan ang hindi namin pagse-sex ni Leon!
I mean . . . ano'ng masama ro'n?! Kahit pa matagal kaming tumira sa iisang bahay at nagtabi sa iisang kama, hindi naman kakulangan ang hindi pagtatalik sa relasyon namin! Of course, I mean, there were days when I wished he wasn't such a gentleman, but every time I thought about it, I fell in love with him even more because I knew that my body wasn't the only thing he wanted!
"Nirerespeto ka raw?" pang-aasar ni Mill. "Hindi kaya hindi ka lang maganda?"
Pinanlisikan ko siya ng mata. "Alam mo, kung wala lang si Gayle sa harap natin, babaon 'tong tinidor ko d'yan sa leeg mo."
Tumawa siya. "Kaya pala madalas kang badtrip. Wala palang nagpapasaya sa 'yo kapag gabi."
"Masaya ako kahit walang nangyayari sa 'min!"
"And all the lies you tell yourself . . ."
Alam kong inaasar niya lang ako, pero hindi ko alam kung bakit nanggagalaiti ako sa galit.
"Hindi 'yon ang habol sa 'kin ni Leon," pamimilit ko.
"Sure. Gentleman, eh." She had that smug grin on her face I wanted to wipe off. "Pero kung ako 'yon, magdududa na 'ko. Baka sa iba ginagawa, eh . . ."
"Millicent Rae!" I yelled.
Lalo siyang tumawa. "Joke lang! Inaasar lang, eh. Masyadong pikon."
"Kanina mo pa 'ko binubwisit, ha!"
"That's my golden goal, Amari Sloane."
"Galing ni Leon. To think na ang tagal n'yo na rin . . ." singit ni Karsen. "Gan'yan din si Kobe."
My brows furrowed. "Ano'ng sinasabi mo? Ayan at kumakain sa tabi mo ang pruweba na hindi ganoon ang asawa mo."
"Pero hindi halata kay Leon na gano'n siya. Mukhang agresibo, eh."
Mariin kong kinurot si Mill sa tagiliran kaya napaigik siya.
"Proud na proud kang may experience ka. Hindi ka naman pinili!"
That was the most chaotic lunch I've had in ages. Even though I knew my friends were just making fun of me, the thought that Leon wouldn't want to have sex with me rang in my head like a bell the whole time. Laging siya ang nagsasabi kung kailan kami titigil . . . o kapag masyado na kaming nagiging . . . marubdob. Alam ko namang kinokontrol niya lang ang sarili niya kaya ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako.
Isinantabi ko ang nararamdaman nang makarating ako sa ospital. I walked directly to Psyche's room and found her still laying on her bed, eyes closed and clueless as to what was going on around her.
It had been months since she fell into a coma, and up until now, she was still unresponsive. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip kung ano ba ang panaginip niya na hindi na niya magawang gumising.
Mr. Alvarado told me that she once raised a finger when he asked if she could hear him. Akala namin noon ay tuloy-tuloy na ang paggaling niya at nalalapit na ang tuluyang paggising.
However, days turned into weeks, and she never woke up.
"Hey."
I put my hand on hers as I sat on the chair next to her bed.
"You're resting too much." I cracked a smile. "Hindi ba nananakit ang likod mo?"
There was no response from her . . . as expected. Hindi ko alam kung gaano pa siya katagal na ganito. Pero kahit gaano kaliit ang tyansa ay aasa akong magigising ulit siya. She was a strong woman who endured a lot of painful things in her life. Hindi ito ang tatalo sa kanya.
"You need to wake up, Psyche. Hindi puwedeng hindi maganda ang mga alaalang babaunin mo . . ." bulong ko. "We're gonna fight for you, okay? I'll be waiting. Be strong."
Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili roon. Alam ko lang na matagal dahil nagulat pa si Mr. Alvarado na naabutan niya ako roon.
I just smiled at him. Hindi ko rin kasi namalayan ang oras. I just told Psyche everything that was going on with me. I told her that Leon and I had gotten back together and that I was studying for my doctorate. I also told her that her father was holding out for her. I talked to her as if she would respond at any moment.
Nang mapagsawa ang sarili sa pagkukwento sa nakaratay na kaibigan ay saka lang ako nag-text kay Leon na papunta na ako sa treehouse niya. Isang beses pa akong nagpaalam kay Psyche at sa tatay niya bago tuluyang umalis ng ospital.
Wala si Leon sa treehouse nang makarating ako, pero dahil sinabi niyang ang birthday ko ang passcode niya ay nakapasok naman ako. Agad akong nagluto ng hapunan para handa na ang lahat pagdating niya. Nagsalin na rin ako noon sa food container para maibigay sa kambal. Siguradong pagod ang dalawa. Mas mabuting huwag na silang magluto.
"Where are you?" I asked Leon over a phone call. Nandito na kasi dapat siya nang ganitong oras lalo at alam naman niyang darating ako.
"On my way," he replied. "May inasikaso lang."
"Okay." I put the food containers in a paper bag. "Pupunta muna ako sa kambal."
"Why?"
"Naparami ang luto ko ng dinner," pagpapalusot ko.
"Really?" I could hear him crack a smile.
I pursed my lips. Ayokong isipin niya na . . . malapit nga sa loob ko ang mga kapatid niya. I mean, I hated them before! Napakatatamad at lahat ng bagay ay iniasa na sa kanya at kay Tita Leah! Mabuti nga at natuto na siyang hindi sila i-pamper nang sobra. They wouldn't learn if they were cradled all the time.
"Nand'yan na kaya sila? I can't reach Nathaniel so I'm thinking they're home. Wala lang signal."
"Oo, nasa bahay na 'yong mga 'yon. Nash texted me earlier that they had already closed the store."
Lumabas ako ng treehouse at nagsimula nang maglakad. Hindi naman sobrang dilim dahil sa mga poste ng ilaw na lumiliwanag sa paligid. I stayed on the phone with Leon until it ended on its own because I had already arrived at his siblings' place. Nawalan ng signal.
Nasa pinto ako at naghahanda nang buksan iyon nang mapansin ko ang hindi pamilyar na sapatos. Lalapitan ko na sana iyon para i-check nang marinig ko ang boses ni Nash.
"Umuwi ka na, tay."
Agad na dinaga ang dibdib ko.
"Nangungumusta lang naman," baritonong sagot ng lalaki.
Parang napako ang paa ko sa semento dahil hindi ako makagalaw. I just stood there helplessly, unsure of what to do. Pakiramdam ko ay mali ang oras ng pagpunta ko lalo at hindi ko kailanman nakita ang . . . tatay nila.
"Maayos ho kami. Makakaalis na kayo," sabi ulit ni Nash.
Alam kong dapat ay umalis na ako rito . . . pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.
I only knew a few things about their father. Leon told me that he abandoned them when they were young and that Tita Leah was forced to work tirelessly because her husband was a gambler and couldn't help the family financially.
Batang-bata pa raw noon ang kambal kaya marahil ay hindi pa nila iyon natatandaan, pero madalas umuwi ang tatay nila para lang kupitin ang perang pinagtrabahuhan ni Tita.
Leon did not hold a grudge against his father. However, he didn't care about him either. Parang walang importansya sa kanya kung buhay o patay ito. I couldn't blame him, especially since he saw how hard his mother worked to support him and his siblings. For him, the fact that their parents had separated was a blessing in disguise because their father was nothing but a burden.
"'Wag ka nang manggulo, tay."
"Hindi ako nanggugulo, Nash. Bumisita lang ako dahil gusto ko kayong makita."
"Eh, kami ho ba? Tinanong n'yo ba kami kung gusto namin kayong makita?"
Natutop ko ang bibig sa unang beses na naging sagot ni Nathaniel. Naghari ang katahimikan sa kanila kaya mas lalo kong narinig ang tibok ng puso ko.
"Paprangkahin ko na ho kayo . . . wala po kayong uuwiang mga anak dito," dagdag pa niya. "Hindi ko alam kung kailangan n'yo ng pera pero wala po kayong mapapala sa amin."
"Nag-aalala lang naman ako sa inyo dahil wala na ang nanay n'yo . . ." mahinang sagot ng tatay nila.
"Nahuli na ho ang pag-aalala n'yo. Hindi na kami mga bata," mariing saad ni Nash. "Kaya hangga't may natitira pa ho kaming respeto sa inyo, umalis na lang po kayo."
Napakurap ako nang marinig ang sarkastikong tawa ni Nathaniel. He was starting to sound . . . scary. Kanina ay si Nash lang ang umiimik, pero noong siya na ang nagsalita ay ramdam ko ang poot niya sa ama.
"Ni hindi ka nga nakabisita no'ng namatay si Nanay . . ." I could sense mockery in his tone. "Kung wala kang narinig kay Kuya, ibahin mo kami. Natutunan naming makipag-agaw buhay sa mga kriminal . . . hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit 'yon sa isang taong wala namang ambag sa buhay namin."
"Nathaniel . . ."
Muling tumawa ang huli. "Totoo naman, Nash, 'di ba? Sino ba 'yan?"
Hindi sumasagot ang tatay nila. Gustuhin ko mang umalis ay lalo lang akong napako sa kinatatayuan ako. I was afraid they'd fight, especially since Nathaniel sounded furious . . . taliwas sa karakter niyang tumanim sa akin.
"Umalis ka na. Ayokong maabutan ka rito ni Kuya. Ang dami nang pinagdaanan no'ng isa para makita pa 'yang pagmumukha mo."
"That's enough, Nathaniel."
"Natatakot ka rito, Nash?" He scoffed. "Tanda mo no'ng na-late ng uwi si Kuya kasi naglako siya ng mga kakanin tapos binugbog lang ng gagong 'yan kasi ayaw ibigay ni Kuya 'yong napagbentahan?"
A searing anguish pierced my heart. Hindi iyon nabanggit ni Leon.
"I'm sorry, mga anak . . ."
"Umuwi na lang ho kayo, tay. Maayos na kaming tatlo rito. Hindi namin kailangan ng pangungumusta n'yo," ani Nash.
"Hihintayin ko lang si Mael. Aalis din ako agad."
Hindi ako makasabay sa usapan nila. I could imagine the young Leon being beaten up by his father after working . . . at a very young age. Hinigpitan ko na lang ang kapit sa paper bag para kahit paano ay manumbalik sa akin na maaayos ang naging pagpapalaki ni Tita Leah sa kanya at sa mga kapatid niya.
"Amari."
Dinaga ang dibdib ko nang marinig ang pagtawag ni Leon sa akin. I looked at him and saw him opening the fences with a small smile on his lips.
"Ba't hindi ka pumapasok?" tanong niya pa.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung pipigilan ko ba siyang pumasok sa loob o hahayaang magkaharap silang apat. I felt like it was a family matter and I had nothing to do with it.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay binuksan na niya ang pinto ng bahay, at doon ay tumambad sa amin ang nakatayong sina Nash at Nathaniel habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa sofa sa sala.
Agad itong naalarma nang makita si Leon at pansin na pansin ko ang pagdaplis ng mga mata nito sa akin. He rose from his seat, looking a little stiff.
He stood at a good height, but I knew Leon and the twins would tower over him. Malaki ang pangangatawan niya ngunit bahagyang hupyak ang mukha . . . marahil ay dala na rin ng edad.
I felt like I was staring at the old version of Leon because he looked exactly like him. The dark, hooked eyes that seemed to peer right into your being, and the sharp nose that was clutching his glasses so firmly.
"Mael . . ."
I couldn't take my eyes off him. Akala ko noon ay kahawig ni Leon si Tita Leah sa mata. Both of their eyes were black yet gentle . . . but now that I'd seen his father, I realized I was mistaken.
Sa kanilang tatlong magkakapatid ay si Leon ang pinakakawangis nito. The twins inherited some of Tita Leah's softer features, but Leon took after his father in every way.
"Nathaniel, Nash . . . samahan n'yo ang Ate Amari n'yo sa kusina. Ipinagluto niya kayo ng hapunan," matigas na utos ni Leon sa dalawa. Gone was the ghost of a smile that he had given me just a few seconds ago.
I clutched the paper bag and walked over to the twins, who motioned me to follow them. Hindi ko alam kung bakit dinadaga ang dibdib ko gayong sigurado naman akong walang mangyayaring hindi maganda.
Tahimik lang ang dalawa nang makarating kami sa kusina. I took the food containers out of the paper bag and put them all on the table. Binuksan ko ang kaldero ng kanin at napahinga ako nang malalim nang makitang wala silang sinaing. Mabuti na lang at nagdala ako ng extra . . . iniisip ko ay pang-umagahan na sana nila bukas.
"Maghahain na 'ko. Gutom na kayo?" tanong ko.
Hindi sila sumagot kaya bumaling ako sa kanila. Their faces remained stoic, and they seemed upset about the situation. Siguradong kung wala ako rito ay pupuntahan nila ang dalawa . . . kahit pa rinig naman namin ang pupwede nilang pag-usapan dahil hindi naman kalakihan ang bahay.
I pursed my lips. "Kauuwi n'yo lang ba? Magsasaing ako bago umalis para hindi na kayo mag-aabala bukas ng umaga."
Tumingin sa akin si Nash. "Kami na, ate. Salamat."
Isang beses lang akong tumango. Kumuha ako ng mga pagkakainan nila at isinalin na rin sa mangkok ang ulam at kanin. I washed the food containers myself and put them back in the paper bag.
"Girlfriend mo?"
I stopped a little when I heard their father talk.
"Opo," sagot ni Leon.
"Mabait sa inyo?"
Sarkastikong napatawa si Nathaniel.
"Opo," saad ulit ni Leon.
"Mukhang ka-close ng kambal. Lagi bang nandito?" pangungusisa pa ng lalaki. "'Wag mong mamasamain ang tanong ko, ha? Masaya akong malaman na may nakakasama kayong babae rit—"
"Mawalang-galang na po, pero puwede po bang umalis na lang kayo?" Leon cut him off. "Estranghero po kayo sa bahay na 'to at hangga't maaari, ayaw naming magpatuloy ng mga hindi namin kakilala."
"Mael . . ."
"Sa oras na manggulo ulit kayo sa mga kapatid ko, hindi po ako magdadalawang-isip na ipa-blotter kayo." I bit my lower lip when I realized that he and his brothers were the same when they were talking to him.
"Pasensya na, anak. Gusto ko lang talagang makita kay—"
"Bukas po ang pinto. Umalis na lang kayo kung anong oras n'yo gusto," muling putol niya sa lalaki. "Kahapon ko pa po hindi nakikita si Amari. Ayokong mag-aksaya ng oras dito para lang makipag-usap sa inyo."
Pinanlamigan ako nang marinig ang mabibigat na paa ni Leon papunta sa kusina. I waited until he moved in our direction, and when he did, I just felt him walk toward me and kiss the side of my head.
"What did you cook?" malambing na tanong niya na parang walang nangyari.
I gulped as I pointed at the dish. "Uhm . . . may mga . . . gulay sa ref mo kaya nag-pinakbet ako. May pinrito rin akong isda para ka-partner . . ."
Kumuha siya ng kutsara na nasa mesa lang din bago tinikman ang niluto ko.
"Sarap. Uwi na tayo. Doon ko gustong kumain," aniya pa.
Hindi pa ako nakakapag-react ay bumaling na siya kay Nathaniel.
"Silipin mo nga kung nasa sala pa si Tatay."
Tumalima naman ang lalaki.
"Wala na, kuya."
Leon nodded. "Labasin mo, Nash. Ihatid mo ng tingin. Maraming kagalit 'yon sa kanto. Baka mapaaway."
"Sige, kuya." Tumayo si Nash. "Samahan mo 'ko," sabi pa nito sa kakambal.
"Eh," masungit na pagtanggi ni Nathaniel.
Hinampas ni Nash ang braso nito. "Bilis na."
Sasagot pa sana si Nathaniel nang tanguan siya ni Leon. Kakamot-kamot sa batok naman itong tumayo para samahan si Nash.
In that short time, I realized how good of people the three of them were. Alam kong hindi maipipilit ang pagpapatawad at hindi naman lahat ng tao ay karapat-dapat na patawarin . . . pero hindi lingid sa kaalaman ko na busilak ang puso nila kahit pa galit sila sa ama.
Hindi na namin pinag-usapan ang tungkol doon kahit na nakauwi na kami sa treehouse. Inobserbahan ko siya kung may nagbago ba sa kanya matapos ang pakikipag-usap sa ama . . . pero wala naman. He seemed glad to be with me and went on telling me about his day as if nothing had happened.
"Are you okay?" paniniguro ko.
"I don't care about him, Amari. Walang galit o ano sa puso ko." He chuckled. "So, yeah. I am okay."
Later that evening, I got texts from Nash and Nathaniel saying they were sorry for what had occurred. Hindi naman na iyon kailangan pero pakiramdam ko ay nahiya sila sa akin kaya biniro ko na lang sila na kaya pala nilang magsungit at . . . mga devoted pala silang kuya's boys.
I made a pact with myself that night that the three of them would never again have to endure a string of abandonments. . . dahil kahit anong mangyari, hinding-hindi ako gagaya sa ama nila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro