Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48


Chapter 48

Nagpatuloy ang ganoong set-up namin ni Leon. Minsan ay sa treehouse kami nagpapahinga at minsan naman ay sa pad ko. We could live separately, of course, but we couldn't get enough of each other and we'd been apart for so long that I wanted to keep him as close to me as possible. Tuwing Saturday, Sunday, at Monday lang kami naghihiwalay para solong gawin ang mga trabaho.

"May grand reunion daw tayo, ah? Pupunta kayo?" tanong ni Meg habang nagvi-video call kaming apat nina Shaira at Zoey.

"Ako, baka hindi. Dami kong work." Humikab si Zoey. "Kayo ba, Mari? Shai?"

Nakita ko ang pagngisi ni Shaira sa akin. "Pupunta ako. Si Mari ang hindi ko alam. Nando'n si Leon, eh. Ang awkward nila last time." Tumawa pa ito.

Pinigilan ko ang mapahalakhak. No one knew that Leon and I started dating again, aside from Nash and Nathaniel. Kahit kina Mill, Karsen, at Kat ay hindi ko pa binabanggit. We just wanted to enjoy our time alone first before telling our friends about it.

"Ano'ng meron?" usisa ni Meg. "Hindi pa ba kayo nagkakabalikan?"

Zoey pouted cutely. "Oo nga . . . akala ko okay kayo."

"Hay nako! Magkakasama lang kami no'ng celebration ni Nathaniel, 'di ba? Hindi nag-uusap 'yong dalawa!" sagot ni Shaira. "Taka nga si Thaddeus na hindi pa sila nagkaayos samantalang nauna naman kaming umuwi raw kay Mari. Siguradong hinatid 'yan ni Leon sa tinitirahan niya ngayon at gabing-gabi na kami natapos!"

I rolled my eyes jokingly to suppress my laughter. "Lagi n'yo na lang kaming pinagchi-chismisan."

Meg chuckled. "Aba, Mari, kilos-kilos. Kung gusto mo pa si Leon, akitin mo na! Patay na patay pa rin naman 'yon sa 'yo."

"Si Leon dapat ang lumapit kay Mari," saad ni Zoey. "Hindi na natuto 'yon. Ang torpe pa rin."

"Zoey, sino bang hindi matotorpe kay Mari? Nakakatakot tumingin, eh. Parang lalabanan ka lagi!" agad na sagot ni Meg.

Shaira laughed. "Korek! Mata palang, basted ka na agad! Hindi mo rin talaga masisisi si Leon."

My laptop was just on my bedside table and the camera was pointed at me, but I ignored my friends' banter . . . kahit pa kita nila ang ginagawa ko. Sumandal na lang ako sa headboard ng kama at itinuon ang atensyon sa cellphone ko. Ka-text ko rin kasi si Leon.

"Tingnan mo 'tong gagang 'to!"

I heard Zoey laugh. "Sawa na 'yan sa 'yo, Shai."

"Umay na sa topic. Puro tayo Leon, eh!" sabi pa ni Meg.

Hinayaan ko lang silang mag-usap doon. Ganoon yata talaga ka-bored si Shaira at wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang mangusisa sa estado namin ni Leon. Pikon na pikon siya na hindi pa kami nagkakabalikan. May parte tuloy sa akin ang gustong sabihin sa kanya na maayos na kami. Kaya lang, mas masarap siyang panoorin na ma-stress sa amin.

From: Zamora

What do you want for dinner? Mag-grocery ako pagkatapos ng class ko.

To: Zamora

Hindi naman tayo magkikita ngayon, ah? You should rest. I'll just re-heat the food I cooked earlier.

From: Zamora

D'yan ako magpapahinga. May ginagawa ka ba?

To: Zamora

Wala naman. Ayoko lang na mag-drive ka pa papunta rito. Puwede namang ipahinga mo na lang 'yan sa treehouse. Magkikita rin naman tayo sa Tuesday.

From: Zamora

:(

Napatawa ako sa reply niya. I pinched my lower lip to keep it from protruding too much.

"Kinikilig ka ba, queen?! Sino 'yan? Si Leon?!" narinig kong bulaslas ni Shaira.

Napatingin ako sa laptop ko, ang ngiti ay hindi naalis sa labi.

"Chismosa . . ." saad ko. "Babye na. Masyado na kayong maingay."

Namilog ang mga mata ni Zoey. "Si Leon 'yon?"

"Isa ka pa. Nahawa ka na kay Shai." Umirap ako.

"A-attend ka ba ng reunion, Mari?" untag ni Meg.

I shrugged. Hindi pa namin napag-uusapan ni Leon ang tungkol doon kahit na noong isang linggo pa iyon ini-announce ng dating president ng department namin.

"Balitaan ko na lang kayo. Baka naman hindi marami ang dumalo d'yan. Busy na ang mga ka-batch natin," saad ko.

"Huy, marami kaya! Active ang Psychology Society sa mga ganito! Talagang hindi ka lang nakakapunta at ilang taon ka rin sa Italy!"

"Ah, basta. Bahala na. Wala naman akong masyadong ka-close sa department natin," pangangatuwiran ko. "D'yan na muna kayo."

"Teka lang! Si Leon ba 'yang ka-text mo?"

Pinandilatan ko si Shaira. "Tigilan mo 'ko! Bye!"

Isang beses pa akong nagpaalam sa kanila bago tuluyang ibinaba ang tawag. Dire-diretso agad ang chat nila para mangusisa kung sino ang ka-text ko pero hindi ko na sila pinansin. I turned off my laptop and lay down completely in bed so I could focus on talking to Leon.

To: Zamora

We'll see each other soon. 'Wag mo 'kong artehan.

Huminga ako nang malalim bago hinigit ang kumot ko. Wala akong gagawin buong araw dahil natapos ko na lahat ng kailangan kong tapusin kahapon.

From: Zamora

May hindi pala ako naintindihan sa lesson namin last meeting.

Kumunot ang noo ko. He was so random.

To: Zamora

And? As if naman magiging problema mo 'yan.

Isang minuto ang lumipas bago siya makapag-reply.

From: Zamora

Can I go there so I can ask you about it? Tapos mo naman na ang lesson na 'to. You can explain it to me in more detail.

Napakurap ako sa nabasa. Sigurado akong dahilan niya lang 'yan! Eh, halos degree na lang talaga ang kinukuha niya dahil basic na basic sa kanya ang mga itinuturo!

From: Zamora

Also, what dinner do you want?

I pursed my lips at the confirmation. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging teenager sa mga patutsada niya! Hindi pa rin talaga siya nagbabago ng istilo ng panlalandi. Ginagamit niya ang lesson, ang mga libro, at ang mga interest ko para makuha ang atensyon ko! And he was doing it well!

To: Zamora

You are so silly, Leon Ysmael.

From: Zamora

:)

From: Zamora

I love you.

My heart thumped in joy. Gusto ko rin namang kasama siya lagi. Ayoko lang talagang nagpapagod siya para lang makita ako. Hindi ko rin naman para iwan ang pad ko dahil gustong-gusto ko ang tumambay rito kapag wala akong masyadong ginagawa.

To: Zamora

Ako na ang magluluto ng dinner natin. Ingat ka sa pagmamaneho.

From: Zamora

Yes, ma'am.

To: Zamora

Okay, see you later, love.

Hindi na siya nag-reply kaya napasimangot na lang ako kahit pa wala naman nang dapat isagot sa text ko.

Buong araw ay ang pagdating niya lang ang ni-look forward ko. I cleaned my whole pad even though it was already spotless because I wanted him to get the rest he needed. Namili na rin ako ng groceries para maipagluto siya ng chop suey at garlic parmesan-flavored fried chicken. Nang matapos ang iniluluto ay nag-ayos na rin ako ng sarili.

It was 7 in the evening when he arrived. Pagkabukas ko palang ng pinto ay sinalubong niya ako ng maliit na ngiti habang hawak ang isang long-stemmed red rose at may kakapalang libro mula sa paborito kong Filipino psychologist.

"Nakita ko sa prof ko," sabi niya pa. "Tinanong ko kung saan niya nabili kaya dumaan muna ako sa bookstore na sinabi niya."

Nangingiting ngumuso ako. "Para sa 'kin?"

He chuckled. "Bawal hiramin?"

Pinapasok ko muna siya sa loob bago sinimangutan.

"Nasa bahay mo pa ang tatlong libro ko. Ang tagal mong magbasa." Bumaba ang tingin ko sa bulaklak. "May pa-rose pa . . ."

Muli siyang humalakhak. He put the book and the flower on the table before walking over to me.

"You're complaining about your three books when you have half of my collections," he muttered.

Napanguso ako. Syempre! Ang dami niyang libro na hindi ko pa nababasa! Kaya ayokong tumatambay masyado sa treehouse niya, eh! Gusto kong kunin lahat 'yon at iuwi! Mabuti nga at hinayaan niya akong hiramin ang annotated books niya.

Yumuko siya at mabilis na hinalikan ang labi ko.

"As for the rose, I just bought it because it reminded me of your lips."

Nag-init ang mukha ko. Aliw na aliw naman siya habang nakatingin sa akin.

"And what did you call me? Love?" panunudyo niya pa.

I glared at him. "Ang daldal mo."

He stood up straight, a gleam of happiness still showing in his eyes. Magaan ang awra niya at parang hindi napagod sa maghapon gayong nagtrabaho siya kaninang umaga at pumasok sa graduate school noong hapon.

"I wonder how I'll feel when I hear you say that to my face."

Pabirong umirap na lang ako sa kanya. Wala naman kasing nagbago sa relasyon namin. He was still sweeter, clingier, and more expressive. Bago kami matulog ay hindi siya nakakalimot magsabing mahal niya ako at tuwing maghihiwalay kami ay humihingi siya ng halik. Kahit pa sumasagot o pumapayag naman ako lagi, hindi pa rin ako ang madalas na mag-initiate ng lambing. Hindi ko alam. Hindi ako masanay-sanay.

I walked up to the book and flower so I could take them into my room. Inilagay ko ang rosas sa flower vase sa gilid ng kama ko bago ipinatong ang libro sa tabi ng picture frame kung saan nakalagay ang larawan namin ni Leon.

"I ironed your clothes kanina," saad ko sa kanya habang kumakain kami. "Bakit ang unti? Iniuwi mo ba 'yong iba?"

He nodded as he watched me put more chop suey on his plate.

"Nilabhan ko lang. Ibabalik ko naman next week." Ngumiti siya nang matapos ako. "Thank you."

Napansin kong paubos na ang cucumber juice sa pitsel kaya tumayo ako para kumuha naman ng tubig.

"Iwan mo na lang dito next time. Ako na ang maglalaba," sabi ko sa kanya habang inilalapag ang pitsel ng tubig. "'Wag mo na ring balaking magpa-laundry. Bukod sa sayang ang pera, may instances na nagkakaroon ng damage ang mga damit. Marami naman akong oras kapag umaga. Kakamayin ko ang t-shirts at mga polo mo. 'Yong mga denim lang ang ilalagay ko sa washing machine."

Pinanood niya ako hanggang sa makaupo ako ulit sa tapat niya.

"Nagsisimula na rin pala akong maghanap ng university para kay Nathaniel. Kung balak niyang magtuloy sa med school, kailangan niya ng matibay na backbone sa pre-med niya. At saka, si Nash ang kumakausap sa buyers minsan, 'di ba? Ayaw mo bang mag-focus na lang muna siya d'yan at isarado muna ang tindahan? Para hindi rin pagod na pagod ang katawan niya," litanya ko. "Kung hindi naman kaya, mag-hire kayo ng nakakatulong niya. Kapag nag-college si Nathaniel, mas magiging busy 'yon. Mas hindi na siya makakatulong sa pagtitinda."

His eyes were focused on me as I talked.

"Aasikasuhin ko na rin ba ang insurance nila? Ano sa palagay mo?" tanong ko pa. "Mas maaga kasing kumuha, mas maganda. Tapos hangga't wala pa silang stable na source of income, tayong dalawa muna ang magbayad. Puwede namang magbayad online. Hindi na natin kailangang pumila nang mahaba kapag nagkataon."

Napansin kong nakatingin lang siya sa akin at hindi na ginagalaw ang pagkain niya. I sighed heavily, realizing that I was talking too much.

"Kumain ka pala muna . . ." maliit ang boses na sabi ko.

He bowed his head, smiling. Nag-init naman ang mukha ko roon. Baka sabihin niya ay masyado ko silang pinapakialamanan.

"Keep going, please," he said.

I pursed my lips. "Ayoko. Pinagtatawanan mo ako."

Umiling siya bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Hindi kita pinagtatawanan."

"You're smiling!" I insisted.

Muli siyang umiling.

"Masaya lang ako na naiisip mo ako at ang mga kapatid ko, Amari," pahayag niya. "Masaya ako na mahal mo rin sila . . ."

Isang beses niyang hinaplos ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa bago nagpatuloy sa pagkain. Nahihiyang ibinaba ko naman ang tingin sa pinggan ko at napansing hindi pa rin nangangalahati ang kanin ko. I was really talking too much.

Nag-volunteer siyang maghugas ng pinagkainan namin dahil ako na raw ang nagluto. Gusto ko nga sanang makipagtalo lalo at wala akong ibang hiling kung hindi ang makapagpahinga siya kapag nasa pad ko. Kapag kasi ako ang nasa treehouse niya ay mata lang talaga ang gumagalaw sa akin. Kung hindi pa ako magpupumilit ay hindi niya ako papayagang kumilos sa bahay. Kaya lang, ayoko namang pagalitan siya sa maliit na bagay. Mas hindi siya makakapagpahinga kapag inaway ko pa siya.

"Ihahanda ko na lang ang panligo mo," anunsiyo ko.

Narinig ko ang malalim ngunit marahang pagtawa niya. "Kulit. Ayaw maupo na lang."

Hindi ko siya pinakinggan. I prepared his towel and clothes. I even set up the heater.

"Bathtub?!" sigaw ko mula sa banyo.

"Hindi po. Shower lang."

Napanguso ako. Mas masarap kayang magbabad sa tubig kapag pagod.

"Magbabasa ka ba ng buhok?! Ihahanda ko na rin ang blower para makahiga ka agad?" tanong ko ulit.

Narinig ko ang ingay sa pinto ng banyo kaya napalingon ako roon. He was already standing there, watching me arrange all the things he would use.

"Cleanser, toner, moisturizer . . ." I enumerated as I returned my gaze to the sink. "Gusto mong mag-facial mask? May nabili ako kanina no'ng nag-grocery ako."

Humilig siya sa hamba ng pinto at pinakatitigan ako. Amusement was all over his face. Pakiramdam ko tuloy ay may mali na naman akong nagawa.

"OA ako?" I asked. "Sorry. Gusto ko lang talagang makapagpahinga ka. Wala ka kasing tigil simula kaninang umaga . . ."

My heart hammered when he approached me. Sa harap ng salamin ay pinanood ko kung paano siya pumunta sa likuran ko at niyakap ako mula roon.

"Sarap mong uwian," bulong niya.

Nakita ko ang pamumula ng pisngi ko sa repleksyon ko sa salamin.

"Ang ganda mo pa."

"Leon!" reklamo ko nang lalo akong mamula.

He chuckled. "Labas ka na. Maliligo na muna ako saglit."

"Sure? Wala ka nang kailangan?"

Huminga siya nang malalim bago ako pinakawalan. Nakita ko ang pagdaan ng ngisi sa mukha niya kaya alam kong may naiisip na naman siyang hindi maganda.

Inis ko siyang inirapan bago nagmartsa palabas ng banyo. Narinig ko naman ang paghalakhak niya kaya lalo akong napikon. He wasn't taking me seriously! Ang landi-landi!

Pumasok ako sa kwarto at sumandal sa headboard ng kama para simulang basahin ang librong dinala niya. I scanned a few paragraphs and I knew it would be a good read. Kung nga hindi lang ako pagagalitan ni Leon ay baka basahin ko pa iyon hanggang mamaya. Nagkasundo kasi kami na ang oras ng pagbabasa ay tuwing umaga hanggang hapon lang.

I was contemplating whether I'd continue reading or not when my cellphone beeped. Sinilip ko naman iyon at agad ang pagtaas ng dalawang sulok ng labi ko nang makitang si Karsen 'yon.

From: Karsen

Hello, ninang ganda. May gagawin ka ba ngayong gabi?

Hindi ko pinansin ang tanong niya. I closed the book and put it back on the bedside table.

To: Karsen

Where's my Gayle?

From: Karsen

Yehey. Wala kang gagawin?

Nagsalubong ang kilay ko. Yehey?

To: Karsen

Wala. Nasa pad lang ako. Bakit ba?

To: Karsen

And show me Gayle.

I was expecting she'd send me a picture, so I was kind of surprised when she requested a video call. Walang pagdadalawang-isip ko namang sinagot ang tawag at hindi ko naman pinagsisihan iyon dahil ang bilugang mukha ni Gayle ang bumungad sa akin.

"Hi, big girl!" I greeted her. "Did you miss me?"

"Sagot, baby. Si ninang Mari 'yan . . ." bulong ni Karsen sa bata na nakatitig lang sa camera, para bang minumukhaan pa ako.

"Nangnang?" tanong niya sa ina.

Karsen chuckled. "Oo, ah?"

"Gayle, bakit hindi mo 'ko tanda?" kunwaring pagtatampo ko. "Ang ganda-ganda ng mga braid ko sa 'yo."

"Anong hindi tanda? Hinahanap nga kayo lagi nito!" natatawang sabi ni Karsen. "Hindi ka lang yata nakilala at nakasalamin ka."

I instantly removed my eyeglasses.

"Gayle?" I tested.

Lumiwanag ang mukha niya at bahagyang bumuka pa ang bibig sa pagngiti nang malapad.

"Nangnang!" she squealed.

I chuckled at her cuteness. "Big girl na ang baby namin . . . saan ang punta mo at bihis na bihis ka?"

Ibinalik ko muna ang salamin ko bago muling ibinalik ang atensyon kay Gayle.

She looked at her mother, her tongue sticking out a bit. Nakita ko namang marahang ipinasok iyon ni Karsen pabalik sa loob ng bibig niya kaya muling napangiti ang bata. Hindi ko naman maiwasang hindi maalala sa kanya ang batang Karsen dahil habang lumalaki ay mas nagiging kahawig niya ito. Even the way she dressed was the same as her mom's.

"May event ang YN Organization bukas ng madaling araw. Isasama ko sana si Gayle dahil may buddy walk din naman . . ." It was a walk to establish relationships, inclusion, and compassion for people with Down syndrome. "Kaya lang, na-extend hanggang hapon 'yong convention. Ayoko namang isama 'to ro'n kasi tatamarin lang at magliligalig."

Tumango ako. "Oo nga. Ano'ng sabi ni Kobe?"

"Isama na raw namin at maghi-hire na lang muna ng taga-bantay. Mag-s-speak kasi kami ro'n." She pouted. "Eh, alam mo namang ayokong ipaalaga sa iba si Gayle, 'di ba? As much as possible, gusto ko ay kami lang ni Kobe ang hands-on sa kanya. No'ng unang beses na kumuha kami ng taga-bantay kasi wala kaming choice, nagsumbong lang si Gayle na inaway raw siya . . ."

Kumunot ang noo ko. "Did you file a complaint?"

"Oo naman," aniya. "Ayun . . . suspended yata. Hindi ko alam."

I sighed heavily. "Stop beating around the bush. You want me to look after her muna?"

She smiled awkwardly as she nodded.

"Ngayong gabi na sana. Maaga kasi ang alis namin ni Kobe bukas. Ayoko namang abalahin ka ng madaling araw." Muli niyang itinapat kay Gayle ang camera na ngayon ay bitbit na ang maliit na kulay rosas na backpack niya. "Actually, kanina pa kami ready. Hinihintay na lang namin na pumayag ka."

Papayag na sana ako nang pumasok si Leon sa kwarto namin. The sweatpants were firmly clinging to his torso, and he was freaking topless! Tinutuyo niya ang buhok gamit ang tuwalya at bahagya pang nakaawang ang namumulang labi.

Goodness! I had always known that he was well-built, but seeing his body without a shirt on was always a surprise to me!

"Mari?"

I cleared my throat before putting my attention back on Karsen.

"Yeah, sure. Ihahatid n'yo ba rito o ako na ang susundo d'yan?"

Nagsalubong ang kilay niya. "May kasama ka?"

"Oo . . ." Dahan-dahan akong tumango. I couldn't lie to her!

"Sino?"

I pinched my lower lip, feeling a bit embarrassed. Mag-iisip 'yon panigurado kung bakit magkasama kami nang ganitong oras!

"Si Leon," mahinang sagot ko. "Pero . . . puwede naman siyang matulog sa sofa bed ko sa sala! Or sa guest room ko . . . lalagyan ko lang ng bedsheet 'yong kama! Kami pa rin ni Gayle ang magtatabi kapag nagkataon!"

Pinanliitan niya ako ng mata. "At kung hindi ko dadalhin d'yan ang anak ko? Saan siya matutulog?"

Gumalaw ang kama at mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakaupo na roon si Leon. Wala pa rin siyang suot na pang-itaas.

"K-Kahit saan, Karsen . . ." I bit my lower lip.

"Nagkabalikan ba kayo?"

Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan. "Dalhin mo na lang dito si Gayle! Bakit ba ang dami mong tanong?!"

Her lips parted a bit. "Nagkabalikan nga kayo?"

My cheeks heated up when I felt Leon's eyes on me.

"Malamang . . ." I admitted. "Patutulugin ko ba rito kung hindi?"

Kitang-kita ko kung paanong namilog ang mga mata ni Karsen. Ibinuka niya ang bibig na parang may gusto siyang sabihin ngunit wala namang salitang lumabas doon.

"Isusumbong kita kay Ate Kat," pananakot niya.

Napairap ako. "I'm not 16."

"Kahit na! Hindi ka nagsasabing nagkabalikan na kayo! Wala na ba kami sa buhay mo, ha, Amari Sloane?!"

Mahaba-habang paliwanagan pa bago ko siya napakalma. Even Leon talked to her, apologizing for not saying anything. Nagkakilala naman na sila noong na-ospital ako. Ngayon lang talaga sila nagkaroon ng tyansa na makapag-usap ng tungkol sa akin.

"Bilisan mo na. Mahaba-haba ang byahe papunta rito. Dalhin mo na si Gayle . . ." were my last words before dropping the call.

Naramdaman ko agad ang paglapit sa akin ang tuluyang paglapit ni Leon.

"Dito matutulog si Hikari?" tanong niya.

"Yup," I replied. "Kaya magdamit ka na. Nakakahiya na nga kay Karsen at paniguradong nahalata no'n na wala kang pang-itaas!"

He laughed. "Bakit nakakahiya?"

"Ikaw, papayag ka bang maka-video call ko si Thaddeus na wala akong suot kahit bra manlang?"

Bahagya siyang napasimangot. Hindi na siya sumagot at dinampot na lang ang puting t-shirt na katabi bago iyon isinuot. He then went to our dresser, sprayed perfume on himself, and put lotion on his arms.

"What are you doing?"

Tumikhim siya. "Pupunta si Hikari. "I don't want her to think her nongnong stinks."

"Nongnong?"

"Nangnang ka raw niya, eh . . ."

Hindi ko maiwasang mapangisi. "You want to impress the kid?"

"Hindi, Amari," masungit na sagot niya. "Ayoko lang na ayawan niya ako para sa 'yo."

"You'll impress her nga." I chuckled.

"Hindi nga," giit niya.

Umiling ako, natatawa pa rin. "And since when did you become her nongnong? Wala ka naman no'ng bininyagan siya."

Tuluyang nagsalubong ang kilay niya. "Are you teasing me?"

"Are you teased?"

He walked over to the bed and lay down next to me. Napatili ako nang higitin niya rin ako pahiga para ikulong sa braso niya.

"Leon!" I yelled when he started showering kisses all over my face. "Baka mabasag ang salamin natin!"

Walang pag-aatubiling tinanggal niya naman ang mga iyon at mabilis na ipinatong sa bedside table. He then went back to me and buried his face on my neck, breathing lightly against my skin. Ang braso niya ay pumaikot sa baywang ko at hinigit pa ako lalo palapit sa kanya.

Wala naman siyang ibang sinabi kaya nanahimik na lang din ako. He just cuddled me, planting soft kisses on my neck and jaw from time to time.

At that very moment, I didn't know what had gotten into me, but I started praying that we would stay this way. Araw-araw kasi naming ipinararamdam na mahal namin ang isa't isa. We missed each other so much that just a few days apart felt like a lifetime. I knew we'd have disagreements and days when neither of us felt like ourselves, but I hoped that we could still find a way to work things out.

"I miss you," he whispered.

"You're hugging me, Leon . . ."

"I don't know." His chest heaved. "Even though you're right here in front of me, I still miss you."

Warmth filled my heart. Sumiksik pa ako lalo sa kanya para maramdaman niya ang pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

"I'd give anything to have my days end like this . . ."

I smiled. "Me, too."

We continued cuddling and talking about random things while we waited for Gayle. He told me about his day, and all I did was listen and ask a few questions. Napagkasunduan din naming dumalo sa grand reunion para makumusta na rin ang ilang instructor. Sinabihan din daw kasi siya ni Ms. Lubrica na magpunta.

Bumangon lang kami nang marinig na naming tumunog ang doorbell. I peeped to check who was outside and was delighted to see the whole Gallardo family. Buhat ni Kobe si Gayle habang nakatayo naman sa gilid niya si Karsen na bitbit ang mga gamit ng anak. They were even wearing face masks.

Pinagbuksan namin sila ni Leon at kitang-kita ko kung paanong lumipad agad ang tingin ng kaibigan ko sa lalaki.

"Nangnang!"

Nagpumiglas si Gayle kaya walang nagawa si Kobe para ibaba siya. She then rushed to me and gave me a hug. Lumalaki na talaga siya. Bago ako tumulak papuntang Italy dati ay ni hindi pa siya marunong maglakad.

"Thank you," Kobe said in a formal tone.

Tumango ako. "Just inform me an hour before you pick her up."

Lumipat ang tingin ko sa katabi niya na ngayon ay ibinaba na ang suot na mask.

"Mag-uusap pa tayo nina Ate Kat at Mill, Mari . . ." nakangusong sabi ni Karsen. "At pakiingatan ang anak ko. 'Wag mong gagawing maldita kagaya mo."

Kobe and Leon chuckled. Sinamaan ko naman ng tingin ang huli dahil nakitawa pa siya.

"Ikaw na nga ang humingi ng pabor, ikaw pa ang matapang . . ." I muttered. "Sige na. Umalis na kayo. Maaga pa ang alis n'yo bukas."

Hindi na rin naman sila nagtagal. Nakaakbay si Kobe sa asawa at pinanood ko lang sila hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

"Nangnang . . ."

I looked over at Gayle, who was hiding behind me. Her eyes were locked on Leon, and she seemed . . . scared of him.

Napatawa ako.

I stooped a bit to meet her eyes. "Boyfriend 'yan ni ninang . . . si ninong Leon."

I was taken aback when she shook her head. Ang isang kamay ay kumapit sa damit ko at ang isa ay sa braso ko.

"Akin nangnang!" sigaw niya kay Leon.

Magsasalita na sana ako nang ikulong ni Gayle ang mukha ko sa maliliit niyang kamay.

"Nangnang . . . 'wag." Umiling siya. "Tayo po play . . . pahilam ko sa 'yo peybolit ko na doll."

Hindi ko maiwasang matawa sa asta niya. I carried her in my arms despite her weight and let her nuzzle my chest.

"Love ka pa rin naman ni ninang kahit na may boyfriend ako," I told her. "Ayaw mo ba no'n? May isa pa tayong kasama mag-play."

"Akin po nangnang, ih . . ." she whispered.

Tumingin ako kay Leon na ngayon ay tulala lang sa bata, parang hindi alam ang dapat sabihin.

"Kay Gayle daw ako," natatawang sabi ko.

Dahan-dahan siyang tumango. "Sure . . ."

"Baby, sure daw," sabi ko naman kay Gayle.

She lifted her head and looked at Leon.

"Pamis?" maliit ang boses na tanong niya.

"Yes, Hikari."

Muntik na akong mapatawa sa kung gaano kapormal si Leon pero pinigilan ko ang sarili ko. God, he was so stiff!

Dahil malalim na rin ang gabi ay sinabihan ko ang bata na bukas ng umaga na kami maglalaro. Mabuti nga at wala akong masyadong gagawin. I could fit in some playtime with her while still getting my work done.

Magkatabi kami sa kwarto kong natulog. Si Leon naman ay nagboluntaryong sa sofa bed na lang siya para hindi na ako mag-abalang ayusin pa ang guest room. I just put Gayle to sleep and gave Leon one last kiss before going to bed myself.

Tanda kong ayaw ni Gayle kay Leon bago kami matulog kaya ganoon na lang ang gulat ko nang makita silang magkasama pagkagising ko. Nakatirintas na ang buhok ng bata habang nakadapa ito sa carpeted floor at nagkukulay ng coloring book na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo niya nakuha. Si Leon naman ay nagmistulang personal assistant niya dahil naging taga-abot ang lalaki ng color na hinihingi niya.

"Bulu po," sabi ni Gayle at agad namang ibinigay ni Leon ang blue rito.

They were so engrossed in their tiny little time alone that they didn't notice I was already watching them from the door of my room.

"Led po . . ."

Sinilip ni Leon ang kinukulayan ng bata bago inabot ang pangkulay na pula rito.

"Kamukha nangnang po 'yong peybolit ko na doll," Gayle said.

"Really? Nasaan?"

"Bag po."

Kinuha ni Leon ang maliit na backpack ni Gayle.

"Puwedeng buksan?" he asked.

Isang beses lang na tumango ang bata. He took that as a cue to open the bag and take out the curly-haired doll. Kitang-kita ko ang aliw sa mata niya habang tinitingnan ang manika.

"Hindi na ganito ang buhok ng ninang mo, Hikari . . ." sabi pa niya. "But, I agree. They have the same lips," dagdag niya na parang sa sarili niya lang iyon sinabi.

"Danda nangnang po, 'no?"

Humilig ako sa pintuan at pinagpatuloy ang panonood sa kanila. I couldn't figure out how Leon was so easy to win over my goddaughter's heart after being so stiff and awkward to her last night!

"Oo naman . . ." malambing na sagot ni Leon.

Umupo si Gayle at tiningnan ang lalaki.

"Yab mo po nangnang ko?"

Ngumiti si Leon at hinaplos ang ulo nito.

"Opo." Pumungay ang mga mata niya. "Mahal na mahal po."

Hindi na ako nakapagpigil na lapitan sila. Leon's gaze darted to me in an instant, slightly taken aback by my presence. May kakaibang ningning doon na para bang magandang-maganda ang umaga niya.

Tumayo siya at naglakad palapit sa 'kin. He gave me a smile and a kiss on the side of my head.

Hindi pa man siya nakakapagsalita ay naramdaman na namin ang pagsingit ni Gayle sa gitna namin na parang pinaghihiwalay kami. Napatawa naman si Leon bago walang kahirap-hirap na binuhat ang bata.

"She's possessive of you," he told me.

I just chuckled in response. Paano ay hawak na ni Gayle ang mukha ko at pinapatakan na ako ng halik sa ilong.

"Pishtail po ako nongnong!" pagyayabang niya pa.

"Nongnong?"

She nodded. "Bili niya po ako cololing book, nangnang! Luto din po ng bekpast. Hindi pa po kami kumakain kasi po wait ka po namin . . ."

Gayle did all the talking that morning. Kahit medyo bulol pa siya ay kita ko ang seryosong pakikinig sa kanya ni Leon na para bang kasamahan niya sa trabaho ang kausap niya. Pagkapaligo ay nagpatuloy pa sila sa paglalaro. Hindi na rin nakaalis si Leon para i-check ang plantation dahil ayaw siyang paalisin ni Gayle.

I realized that day how good of a father Leon would be. Every time Gayle would throw a tantrum, he would tell her exactly what she did wrong and how to do it correctly the next time. Pagkatapos noon ay tatango lang ang bata at tatahan, marahil ay napagtatantong mali nga ang ginagawa niya.

I was reminded of his dream of becoming a family or developmental psychologist. Bagay na bagay iyon sa kanya. He worked well with people of all ages.

"Can we tell her parents she'll be staying here for another day?" tanong niya sa akin habang pinapanood namin ang natutulog na bata. Napagod yata kalalaro maghapon.

I chuckled. "Ang lambing niya, 'no?"

"Yeah . . ." There was a ghost of a smile on his lips. "Does she have ASD?"

Tumango ako. "Mabuti at maagang na-diagnose. Maaga ring naha-handle."

He put his arm around my shoulder and planted a kiss on the side of my lips.

"Tara na. Let her sleep."

Kumunot ang noo ko. "Anong tara? Saan tayo pupunta?"

"Anywhere but here."

Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumawa lang siya. "Come on. I can't kiss you here."

I didn't say anything. He just led me out of the room, and while Gayle was sound asleep, we talked about building our own family soon . . . and almost did the first part of it.

"We can't go on," he panted as we stopped making out.

I just giggled. Goodness, I really fell in love with a traditional man.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro