Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46


Chapter 46

After everything that happened, I was at a loss for action.

Dr. Talavera came forward as a witness, too. He said he wanted to tell the truth because the guilt was eating him up. He also admitted to writing a book about it, that book of confessions about confidential scientific methods that I'd been reading in the library.

Miski ang pamilya ng mga pasyenteng nadamay ay nagsampa ng kaso laban sa firm. Percy and Valeen tried to use an insanity plea, but that wouldn't work because the public wanted them to be held accountable and because they knew exactly what they did. Kahit pa may medical record na ipinakita si Percy, nag-testify ang mga scientists na wala namang episode si Percy nang isagawa ang krimen.

Alam kong matatagalan ang proseso ng paghuhukom sa kanila pero wala na akong pakialam. I was happy enough that they were in jail and that, with all the evidence gathered, they would stay there until they were convicted along with all their accomplices.

I was so dumb for thinking so highly of them. Akala ko ay matalino sila at mababasa nila ang mga galaw ko. Valeen could see right through me, but she was so full of herself, and from what I saw while working for them, she didn't really care about the firm. Lagi siyang wala, at kung nandoon man, tagapakinig lang siya ng proposal ideas. She seemed to be there purely for show. Hindi na rin nakapagtatakang galit sa kanya si Percy lalo at hindi naman talaga siya tumutulong kapag may problema roon.

All the things fell into place, yet I still didn't want to celebrate my life because there was someone who should have been celebrating with me but . . . couldn't.

"Psyche, gising na . . ." bulong ko habang hawak-hawak ang kamay niya. "Everything is okay now. Natapos na natin. You don't have to live in fear anymore."

I looked at her calm, sleeping face. The marks from being punched and beaten were less visible, but the bruises on her jaw and cheeks were still there. She reportedly suffered four stab wounds, the one to the lungs being the most serious.

"I stood in court . . . you should too. You should see their funny faces." I tried to chuckle. "Marami na tayong kakampi. Hindi na lang tayong dalawa ang lumalaban."

Her odds of waking up were slim. She was unresponsive and making no progress. Maraming tubo ang nakakabit sa katawan niya at hindi ko kayang panooring ganito siya. Her body had been through a lot already. She didn't deserve this.

Iniisip ko na lang . . . baka nagpapahinga siya. Baka ito 'yong paraan ng mundo para makatulog siya nang walang takot at pangamba. In this room, she was calm and at peace. She could sleep as much as she wanted without worrying about being beaten up or being seen as less important than others. Hindi niya kailangang magpanggap. Hindi niya kailangang magsungit para ipakita sa lahat na wala siyang kinatatakutan.

She said we weren't sisters . . . but in my heart, we were.

"I'm very, very, very proud of you, Psyche. Your younger self must be too."

Kinausap ko ang tatay niya. He was so hands-on, and he regretted being so blind to Psyche's suffering. Wala ako sa lugar para ikwento sa kanya ang pinagdaanan ni Psyche sa kamay ni Valeen, pero alam kong sapat na ang mga sugat at peklat ng babae para ipakita sa kanyang naabuso ang anak niya.

"Bakit hindi niya sinabi sa 'kin?"

Hindi ko masagot ang tanong niyang iyon. Maybe Psyche did . . . maybe she didn't. Nanirahan sa takot si Psyche. Having the courage to tell someone about her abuse experiences must be a horrifying thought for her. She might have had signs of being beaten up, but people were too busy with their own lives to dig deeper.

Basta ang alam ko . . . nagpapahinga si Psyche. Sa takot. Sa pag-iyak. Sa problema.

And without lying, I knew I needed it for myself, too.

That being said, I enrolled at a university for my doctorate. I also started working online for the Psychological Alliance of Italy – Ferrara. Work from home iyon at sa akin unang nag-offer si Ma'am Anne dahil nalaman niya ang nangyari sa akin dito. The PAI wanted to launch a company here in the Philippines, and I would have to look into it while also working with international clients who preferred online counseling.

Slowly, after months of fighting for others, I felt like the holes in my heart were starting to close up. Para akong nagpaalam sa isang mahaba at masakit na kabanata sa buhay ko. Kumuha rin ako ng sarili kong pad dalawang oras ang layo mula sa dating apartment dahil maayos naman na ang mga kaibigan ko. I stepped away from everyone for a moment. I detached myself. Gusto kong huminga muna at mabawi ang sarili ko nang mag-isa.

"How short, ma'am?"

I pointed at my neck. "Bob cut."

Ngumiti ang babae. "Ang ganda ng kulot mo, ma'am. Hindi masyadong textured pero bagay na bagay sa inyo. Sigurado po ba kayong gusto n'yong i-rebond natin 'to?"

Dahan-dahan akong tumango. "Yeah."

She started to do my hair, and I just watched as each strand fell to the floor, taking at least a little bit of my mother with it. I also started using skin whitening products, and I didn't know if I should be thankful for the slight blurring of my vision because I was able to get glasses . . . covering the eyes my father had given me.

I wanted to be done with them. I wanted to see myself in the mirror, not their reflection.

I took my time regaining myself. Wala na akong pakialam sa magiging resulta ng paglayo ko sa lahat. I had not completely cut off communication with my friends, and I knew they would understand my need for a break. I went to a lot of bookstores and bought a lot of books. I danced alone to music in my pad, smelled my morning coffee, and breathed the mist of my healing.

Hindi ko inaasahan na magagawa ko ang lahat ng 'to. I'd done so well . . . so fucking well that I couldn't help but be proud of myself.

Nakabili na ako ng sarili kong pad, samantalang dati, kailangan pang manginig ng kamay ko sa ngalay mula sa pagmamake-up sa mga kliyente ko para lang makapagbayad ng renta. Nabibili ko na ang mga gusto kong libro, samantalang dati, ni wala akong pambili ng chuckie. Nakakatulog na ako ngayon nang hindi nag-iisip kung ano ang kakainin ko bukas o kung magkano ang ibabaon ko.

I had made so much progress. I walked so far away from my miserable life.

Hindi muna ako nakibalita kay Leon. Sa dami ng nangyari sa buhay ko, sa kanya lang ako hindi nagpaalam na lalayo ako saglit. Hindi ko alam. Mas lamang sa akin ang hiya. Pakiramdam ko, hindi ko siya kayang harapin nang hindi umiiyak . . . nang hindi nagsusumbong. Baka kung kinausap ko siya bago ako lumayo, baka hindi na ako tumuloy. Baka isinama ko pa siya sa pagpapahinga ko.

The road ahead of us was unknown to me. I wasn't sure what our future held. Puwedeng kami sa dulo . . . puwedeng hindi.

Regardless . . . I knew that he would always be my greatest love, and if I had the chance to make three wishes, all three would be for a life spent with him.

Hindi na ako nakipagkita sa kanya nang makalaya siya. I was worried at first that something bad would happen to him at the prison, but thankfully, he was safe. Dalawang araw lang din naman kasi siyang nagtagal doon lalo at naisapubliko agad ang krimen ni Percy. Nahihiya ako sa kanya. Even while resting, he cared about me. Kailangan kong lumayo sa kanya. From there, he would realize that the world wasn't all about me.

I did it for six months and a half after standing in the witness stand. Psyche was showing signs now, as per Mill. Mabagal ang paggaling niya at habang patagal nang patagal ay mas bumababa ang tyansa na magigising siya, pero wala sa isip namin ang pagsuko.

I celebrated the holidays alone. Monthly rin ang pagpapa-trim ko ng buhok, at kapag umaalis ng bahay ay natatagalan ako sa pag-aayos noon. I started wearing glasses, which made me look more mature and professional. Somehow, I felt like a new person, one with a stronger backbone and a bolder heart.

Nathaniel Zamora: Hi, ate! Thank you sa pag-accept. Kumusta ka?

I received that chat one morning while I was preparing for my class. Hindi muna ako nag-reply dahil ayoko namang ma-late. I knew I needed time to reply to him because I didn't want to give him divided attention. Nang makauwi naman galing school ay nag-reply rin ako.

Amari Sloane Mendoza: Hi, Nathaniel. I'm good. Currently taking my doctorate. How 'bout you?

Nathaniel Zamora: Tagal mag-reply, ate! Hahaha. Okay lang din ako rito. Pang-umaga ako kaya si Nash muna ang tumatao sa tindahan, tapos pinapalitan ko na lang siya kapag hapon para makapagpahinga siya. Ngayong tapos na ang klase, tandem kami. Mas dumami na ang tinitinda namin. Mas malaki na rin ang puwesto.

Napangiti ako. I could hear his voice through his chat.

Amari Sloane Mendoza: Mabuti naman. Kumusta ang pag-aaral mo?

Nathaniel Zamora: Top 1 ako sa klase, ate. Kinausap ako ng instructor namin. I-maintain ko raw ang performance ko hanggang next school year kasi may chance na maging valedictorian ako ng batch namin.

Warmth and pride filled my heart. Pakiramdam ko ay ako ang nagpapaaral sa kanya.

Amari Sloane Mendoza: I'm happy for you, Nathaniel. Nag-e-enjoy ka ba? Saang subjects ka pa nahihirapan?

Nathaniel Zamora: Sobra, ate. Ang babait ng mga kaklase ko, tapos nakasama rin ako sa fieldtrip namin gamit ang sarili kong pera. In-e-encourage ko nga si Nash na mag-aral din pero saka na raw siya kapag nakatapos na ako. Hindi raw kami puwedeng magsabay kasi baka mahirapan si kuya.

Bahagya akong napanguso sa nabasa. Sabi na at mame-mention niya si Leon.

Nathaniel Zamora: Ikaw, ate? Kailan ka ulit bibisita? Tagal mong MIA. Hahahaha.

Amari Sloane Mendoza: MIA?

Nathaniel Zamora: Missing in action po.

Amari Sloane Mendoza: Ah, right. Hahaha. I don't know. I'm working and studying, eh. Although, marami naman akong course na online ko lang inaaral at ganoon din naman ang trabaho ko. I'm just resting. Why?

I saw that he was typing, so I didn't leave our chat box.

Nathaniel Zamora: May kaunting celebration kasi ako next month. Gold medalist ako ngayong school year, eh. Kaya mong pumunta?

Napakurap ako sa nabasa. I was happy for his achievement . . . but being invited to his celebration? Nakakahiya.

Nathaniel Zamora: Just trying my luck, ate. Hahaha. Basta kung pupunta ka, ikalawang Sabado next month, ha? 5 pm. Dinner lang. Out na 'ko. Ingat ka lagi!

It made me a little nervous. I wanted to go and give him my personal greetings, but I was flustered knowing that Leon would be there, too. Hindi niya naman ako kino-contact kaya alam kong naiintindihan niya ang ginagawa ko. We haven't really talked for months . . . and I wasn't sure how to approach him again after everything. Masyado na siyang maraming naisakrispisyo sa akin. Parang . . . nakakahiya.

Naging laman iyon ng isipan ko hanggang sa mga sumunod na araw. Marami akong imbitasyon na natanggihan, pero itong kay Nathaniel . . . hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin na humindi. Saka wala naman sigurong mali, hindi ba? Hapunan lang naman. It wasn't like I would stay there for hours. Uuwi rin naman ako. Okay lang naman siguro kay Leon 'yon.

Nagsisisi tuloy akong hindi ko nakumusta ang lalaki sa kapatid. In fact, there were times when I walked to bookstores hoping, perhaps naively, that I would run into him again, like I did in Benguet. Tuwing may nakikita akong nakasalamin, naiisip ko agad siya. Kahit sa pakete ng yosi, siya ang naaalala ko. He was the anchor of my memories. And up until now, I still thought that no distance could ever separate my love from him.

"Bahala na . . ." I whispered to myself as I typed the message I'd been dying to send.

Amari Sloane Mendoza: I'll be there, Nathaniel.

Kabadong-kabado ako nang dumating ang araw ng selebrasyon ni Nathaniel.

I did my hair and makeup longer and with more care than usual. Along with these, I also dressed as nicely as I could, donning a beige crocheted halter top tucked into dark brown wide-leg trousers. Nagdala rin ako ng blazer na kakulay ng trouser ko kung sakali mang lamigin ako sa byahe. My outfit was then finished off with an ivory Rapsly Cameron designer wedge, a Cali Osio-Martinez pearl jewelry collection, and a Clifford Barrera shoulder bag.

Kahit hanggang leeg na lang ang buhok ko ay mas hirap akong ayusin ito. It wasn't naturally straight, so I had to use argan oil and sometimes a straightening iron to tame the freshly-grown hairs. Mabuti at maayos ang pagkaka-rebond sa akin dahil papasok ang dulo ng buhok ko at hindi ko kailanman naranasang tumikwas 'to.

Habang naglalakad papasok sa kanto ng bahay ng mga Zamora ay dinadaga ang dibdib ko. There was a part of me that wanted to retreat, but I had already spent too much time buying a present and traveling to be here. Binisita ko rin muna si Psyche kanina bago ako pumunta rito. Akala ko ay maiibsan noon ang kaba ko.

"Queen?"

Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Shaira sa likuran ko. I looked behind me and saw that her eyes were wide in shock. Nakasakay siya sa isang kotse at kita ko sa driver's seat si Thaddeus.

"Oh my god, queen!" tili niya pa.

Agad niyang tinanggal ang seatbelt at binuksan ang pinto sa gilid niya. I gave Thaddeus a nod as she did that. Nang makababa ang kaibigan ay napatawa na lang ako sa higpit ng yakap niya sa akin.

"Alam kong maganda ka na no'ng college, pero grabe naman yata ang paghahasik mo ngayon?!" mangiyak-ngiyak na saad niya habang mahigpit akong ikinukulong sa bisig niya. "Na-miss kita, punyeta! Ang tagal mong hindi nagpakita!"

I could only chuckle. Sunod-sunod ang pagsasalita niya na hindi ako makasingit. She then grabbed me by the shoulders and examined me with her mouth slightly ajar. Halata rin sa mukha niya ang gulat at saya.

"You're still weird, Shai," I commented.

Her face soured, parang maiiyak. Narinig ko ang pagtawa ni Thaddeus sa loob kaya lumawak ang ngiti ko. Hindi na rin ako nagulat nang yakapin ulit ako ng babae. This time, she was really crying. Humihikbi pa.

"Na-miss talaga kita!" iyak niya. "Proud na proud kaming lahat sa 'yo rito! Kung alam mo lang!"

Nag-init ang puso ko. I hugged her and tapped her back. Nasa gilid lang kami ng daan dahil ayaw naman naming makaabala sa ibang residente. May ilang napapatingin sa amin dahil sa pag-iyak ni Shaira pero wala naman akong pakialam. I missed being hugged by a friend.

Pinasakay na nila ako sa sasakyan. Iisa rin naman kasi ang pupuntahan namin. Shaira was babbling on and on, telling me how fortunate I was that she had left their son with his lola and that she could go out for drinks with me tonight. Hindi ko naman alam kung dapat ko bang tanggihan 'yon. Ngayon ko na lang din kasi siya nakita.

"Bakit . . ." nanghina ang boses ko nang lampasan namin ang bahay ng mga Zamora.

"Ah, sa tree house tayo ni Leon! Hindi mo ba alam?"

My heart pounded against my chest at the mention of his name. Pakiramdam ko ay nataranta ang buong sistema ko kahit na alam ko namang makikita ko talaga siya ngayong gabi.

Tumikhim ako. "Hindi nabanggit ni Nathaniel."

Thaddeus laughed, making my heart race even more. Sumilip siya sa akin sa rearview mirror, bahagyang nakangisi pa rin.

"What?" pagsusungit ko.

God, I could feel my cheeks heating up!

"Hindi yata alam ni Leon na pupunta ka." Rinig ko ang panunukso sa tono ng pananalita nito.

I pursed my lips, tightening my hold on my bag and the gift I bought. "Ano naman? Si . . . Nathaniel naman ang ipinunta ko. I want to congratulate him."

"Close pala kayo?" tanong ni Shaira.

I nodded. "Tinulungan ko siyang mag-enroll . . ."

"Saka pumupunta siya dati sa bahay. Tinulungan niyang magluto 'yong kambal," pagpapatuloy ni Thaddeus.

Napanguso ako nang magtawanan sila. I looked out the window, trying to calm my heart. Para nila akong tinutukso . . . at sa pag-iinit ng mukha ko, alam kong nahahalata nila sa akin na apektado pa rin ako.

It wasn't so long until we reached the tree house. Buhay na buhay ang mga pananim ni Tita Leah at hitik din sa bunga ang mga puno sa paligid. A lit lamppost gleamed through the plantation, showcasing the beauty of some parts of the property. Sa dulo ay ang tree house ni Leon at sa tapat nito ay ang kotse niya. Hindi pa naman sobrang dilim dahil hindi pa tuluyang lumulubog ang araw. It was almost 6 o'clock, and the sky was still drenched in orange, violet, and pink hues as the night and day fought for control.

Kahit nasa sasakyan pa kami ay rinig ko na ang ingay ng party. There was some loud, soothing music playing, and you could hear people laughing in the distance.

Lalong dinaga ang dibdib ko. Alam kong hindi iyon dahil sa posibleng dami ng tao kung hindi dahil sa katotohanang makikita ko si Leon. I wonder how he would react if he saw me. Especially now that I look and dress a little differently. Baka tama pa ang sinabi ni Thaddeus na hindi niya alam na pupunta ako. Hindi naman kasi niya ako personal na inimbita.

Kung alam ko nga lang na sa tree house niya pala gaganapin ang celebration . . . sana nakapagpaalam ako kung puwede akong dumalo.

I put the blazer on my shoulder without actually wearing it when I got out of the car. The cold breeze of the sunset blew into my nape.

"Sa likod yata gaganapin," saad ni Shaira. "Nag-extend si Leon, 'di ba? Binili niya rin 'yong katabing property?"

Tumango lang si Thaddeus bago inakbayan ang babae. Napanguso lang ako sa nakita. They started walking, and I just followed them as quietly as I could. Parang may karerang nangyayari sa dibdib ko at kinakailangan ko pang huminga nang malalim para kalmahin ito.

Nilagpasan namin ang tree house at dumiretso nga sa lupang sinasabi ni Shaira. I was taken aback by the arrangement of the entire event. May mga mesa at upuan na nakabalot sa pulang tela habang nasa gilid naman ang mga unipormadong caterer. The celebration was simply a weekend getaway in the backyard, and its simplicity blew me off. May videoke sa gilid at rinig ang tawanan ng mga bisita na sa palagay ko ay kaklase ni Nathaniel.

I bumped up the bridge of my glasses when I noticed that some of the guests were already looking at me. Kita ko ang pagsisikuhan ng ilan at ang bahagyang pagtigil ng mga babae para tingnan ako . . . o kami nina Shaira at Thaddeus. I just lifted my chin, trying to look confident.

"Ate Amari!"

Sa pagsigaw ng kambal ay lalo kong nakuha ang atensyon ng mga bisita. Pakiramdam ko tuloy ay overdressed ako. Paano ay simleng T-shirt at pantalon lang ang suot ng karamihan. Ang ilang babae ay nakabestida . . . pero ako lang yata ang mukhang a-attend ng thesis defense.

I smiled at the twins when they neared me. Iniabot ko sa kanila ang regalong dala ko. Hindi lang kasi si Nathaniel ang binilihan ko ng sapatos. I wanted Nash to have new kicks, too. I figured they would be about one size smaller than Leon.

They led us to a vacant table and even told us to just sit down because they would serve us meals. Hindi naman ako makatanggi lalo at marami pa rin ang nakatingin sa akin.

I made the headlines a few months back. Malaking gulat siguro sa kanila na nandito ako.

I consciously removed the blazer and put it on my lap. Dahil naka-halter top lang ay agad na dumampi sa balat ko ang lamig ng hangin. There were trees and plants all over the place. Of course, it would be a little cold.

"Ang ganda niya . . ." rinig kong bulungan ng ilang bisita.

I bit my lower lip, not assuming it was me. Naiilang ako sa atensyon dahil . . . come on! Hindi naman ako ang bida sa okasyon na 'to! Saka, bakit ba sila nakatingin?! Alam ba nilang kinakabahan ako ngayon?!

"Pumapatol kaya 'yan sa mas bata?"

Napalingon ako sa nagsabi noon, at agad na nagtawanan ang grupo ng mga binatilyo. Inasar nila ang lalaki kaya nahihiyang nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Ganda problems?" nangingiting sabi ni Shaira. "Blooming ka kasi, queen. Actually, sa sobrang ganda mo ngayon, pumapangalawa ka na sa 'kin."

Sabay kaming napatawa ni Thaddeus. I could see amusement and love in his eyes as he looked at Shaira. It was the kind of look I knew would last forever. Halata ring magkahawak ang kamay nila sa ilalim ng mesa, at alam 'yon dahil ganoong-ganoon kami noon ni . . . Leon.

Sumandal ako sa upuan at lumingon sa paligid. Siya ang unang hinanap ng mata ko sa dagat ng mga tao . . . pero mukhang wala siya rito sa labas. I was thinking he was still at the tree house. Baka wala siyang balak makihalubilo sa mga bisita dahil halos lahat naman ng nandito ay mga kaibigan ni Nathaniel. Wala si Zoey dahil nasa probinsya siya at nagtatrabaho. Ganoon din si Meg na nasa ibang bansa na.

Leon had a lot of friends when we were in college. Siya ang tipo ng taong kakaibiganin mo kahit na madalas ay tahimik lang siya at nakikinig sa grupo. He used to have circles of friends from different departments and programs, but as we got older . . . si Thaddeus na lang ang nakikita kong kasama niya.

I readjusted the bridge of my glasses when I sensed someone giving me a long, intense look. Lumingon ako sa pakiramdam ko ay pinagmumulan noon . . . sa taas . . . sa balcony ng tree house, at doon ay napagtanto ko kung bakit ako ilang na ilang.

Leaning against the railings with a wine glass in his hand, Leon stood there, dark eyes set on me. He was clad in a pair of faded blue trousers and a black collared shirt that complemented his toned arms, chiseled chest, and broad shoulders.

Umawang ang labi ko nang ayusin niya ang salamin, ang mata ay nakatutok pa rin sa akin. It was as if he'd been watching me for a while.

A pang of yearning and love, along with a bittersweet mix of happiness and pain, arose in me. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa mesa, hindi kayang tagalan ang titig niya. My heart was bursting with a lot of emotions, and I didn't think I could handle them well.

Patuloy ang kwentuhan ng mga tao sa paligid ko. The twins had already served us, but I was too stunned to react.

"Akala ko hindi ka na bababa."

Pakiramdam ko ay mawawalan ng hangin ang baga ko nang sabihin iyon ni Thaddeus. His eyes were behind me, and I wasn't dumb enough to know that Leon was already there.

Hinigit niya ang upuan sa tabi ko dahil iyon na lang naman ang bakante sa mesa. I tried not to seem awkward as he sat down next to me, his familiar manly scent reaching my nose in an instant.

"Akala ko rin."

I must've missed him so much that even hearing his baritone made me nervous. Sinimulan ko ang pagkain kahit na nanginginig ang kalamnan ko. I felt like I was seeing Leon for the first time, but my strong attraction to him hadn't changed at all.

"Kumusta kayo ng nililigawan mo?"

Nagpantig ang tainga ko sa tanong ni Shaira. I immediately looked at her, brows furrowed.

Nanliligaw na si . . . Leon? Kanino?

I mean . . . of course. It was normal. Nagulat lang ako. Hindi naman ako nakibalita sa kanya kaya hindi ko inasahang maririnig ko 'yon. Hindi naman puwedeng umasa akong hihintayin niya ako. Isa pa, ako rin naman ang nagsabing magmahal siya ulit. Tama lang naman 'yon. Hindi ko lang talaga siguro inaasahan na ganoon . . . kabilis.

"Wala naman akong nililigawan, Shaira."

I breathed deeply, feeling a sense of relief in my system. Kung manliligaw man siya, ayoko na sanang makarating 'yon sa akin.

"Ay, wala ba?" tawa ng babae. "Pero, soon, 'no?"

Thaddeus chuckled, too. "Stop playing cupid, babe."

Kinagat ko lang ang pang-ibabang labi. Pansin ko pa rin ang tingin sa amin ng mga bisita, at kung kanina ay nasa akin lang ang atensyon nila . . . ngayon ay nahahati iyon sa amin ng katabi ko.

I blinked a couple of times to pacify the fast beating of my heart. Alam kong masaya ako sa buhay ko ngayon nang mag-isa . . . but at this moment, with Leon seated beside me, I felt alive.

It was like how I had stumbled onto a bookstore filled to the brim with books I had been looking for . . . like how I was waking up in the early morning and the first thing I could see was the sun streaming softly through my sheer curtain . . . like how I imagined I was cradled in the midst of my breakdowns . . . like how I was drinking my coffee and its aroma soothed my wounds.

Katabi ko lang si Leon . . . pero ramdam ko lahat 'yon. The shattered pieces of my heart finally felt like they belonged together.

Alam kong kaya ko nang mag-isa. Alam kong hindi sinuman ang makakapaghilom ng sugat sa puso ko.

But it was just funny to feel everything in the form of a person. Na kahit wala ako sa pad ko, pakiramdam ko . . . kumpleto ako.

Tapos na, eh. I had everything I wanted in life — a place I could call home, a private room with its own little library where I could curl up with a book, a dressing table with a mirror where I could do my makeup, an impartial punishment for my parents' misdeeds, and a life where I didn't have to worry about money because I was earning euros every month while I was studying for my highest degree.

Masaya na rin ang mga kaibigan ko. I couldn't ask for anything more.

"May boyfriend ka ngayon, Mari?" biglang tanong ni Shaira.

I put down my spoon and fork before shaking my head.

"Ayos, ah? Imposibleng walang nanliligaw sa 'yo." Tumawa pa siya.

I pursed my lips. "Wala naman akong in-e-entertain . . ."

"Si Paolo? Nagchachat pa sa 'yo?"

I fought the urge to glare at her. Talagang ngayon siya nangungusisa!

"Nangumusta lang. Wala namang . . . something." I shrugged.

"Eh, 'yong ex mo?! Sabi mo, in-add ka!"

I exhaled harshly. Read the room, Shaira Ylane!

"Oo . . ." I replied under my breath. Totoong in-add ako ni Jin matapos ang trial noon. He asked me for a coffee date, but I declined because I couldn't find a reason to be with him.

"Pero wala naman 'yon. Hindi naman ako interesado," pahabol ko.

Shaira chuckled. "The years are treating you well, Mari. You're getting better with age."

I reached for a tissue and wiped it across my lips. Tahimik lang ang mga lalaking kasama namin sa mesa kaya lalo akong nahihiya sa pambobola ng kaibigan.

"Kaya kung ako lang ang tatanungin, dahil mataas ang competition sa market, kumilos na ang mga dapat kumilos. Hindi na uso ang maginoo ngayon!"

I rolled my eyes. "Shut up, Shai. You know I'm not on the market for sale."

Tumayo si Leon kaya naputol ang usapan namin.

"Iinom ba kayo?" tanong niya sa . . . akin? Sa akin siya nakatingin, eh.

"Oo!" sagot ni Shaira.

Umiling naman ako. "Uuwi pa 'ko."

"Puwede namang ihatid!" pangungulit pa ng babae.

I looked at her. "I'll stay, but I won't drink. May aaralin ako bukas. Ayoko ng hangover."

Umasim ang mukha niya. "Puta. Aral na naman?! Jusko, 'te! Ayan ka na naman! Pinapa-realize mo na naman sa 'kin na bobo ako!"

"I'm studying for my doctorate," nakangusong sagot ko.

Tumikhim si Leon kaya naibalik ko ang tingin sa kanya.

"Kung iinom kayo, sa taas na lang tayo. Mas tahimik do'n."

Ganoon nga ang napagkasunduan namin. Nagpaalam lang kami sa kambal na sa tree house kami mag-s-stay. Pumayag naman sila dahil marami-rami pa silang bisita na kailangang asikasuhin.

Kami lang ni Shaira ang dumiretso sa tree house dahil bibili raw ng alak sina Thaddeus at Leon. My friend couldn't stop gushing about her son and how quickly he changed over time. Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga kwento niya dahil nanay na nanay na talaga siya. Na-i-imagine ko rin ang saya ni Thaddeus kapag nakikita ang mag-ina niya. Kay Shaira pa nga lang, halata nang aliw na aliw siya. Ano pa kaya kapag kasama na nito si Austin.

Wala namang nagbago sa loob ng tree house. Malinis ang mga gamit at halata mong alagang-alaga ang mga muwebles. It wasn't new to me. Pareho naman kasi kaming malinis ni Leon sa bahay.

"May itatanong ako," biglang sabi ni Shaira.

Nakaupo lang kami sa couch, hinihintay na dumating sina Leon at Thaddeus. May mga inayos na kaming pagkain sa center table para sa pulutan.

Sumandal ako sa couch at binalingan ang kaibigan. "Ano 'yon?"

"Akala ko nagkakamabutihan na kayo ulit ni Leon . . ." she trailed off. "Bakit hindi na naman kayo natuloy?"

I took a deep breath and shrugged. "Timing."

"Huh?"

I smiled at her. "Timing . . . laging mali 'yong timing namin. Kapag ayoko pa, gusto naman niya. Kapag ako naman 'yong may gusto, ayaw niya na. Basta. Not the exact thing . . . but same context."

"Si Leon? Aayaw?" Nanlaki ang mga mata niya. "Sayo?!"

"Ano'ng tingin mo sa 'kin? Perfect?" Pabiro ko siyang inirapan. "Syempre, may limit din 'yong tao. Nagsasawa . . . napapagod. Ewan ko. Baka hindi kami para sa isa't isa." Tumawa ako para ibsan ang kaunting kirot sa dibdib. "Ang tagal na, eh . . . pero hindi lagi tumutuloy. I feel like every time we try, we just end up making a mistake. Nagkakasakitan lang kami."

"Sinabi ni Leon sa 'yo 'yon? Na napapagod na siya at nagsasawa?"

I chuckled. "Chismosa mo."

Pinanliitan niya ako ng mata. "Sinabi nga?"

"Oo!" I said jokingly. "Nakakapagod daw akong mahalin."

Hindi siya agad nakasagot.

"Kaya, sa totoo lang, Shai . . ." I sighed, still keeping a faint smile on my lips. "Kahit gusto ko pa, nahihiya na 'ko. Nakita mo naman 'yon, 'di ba? Ang bait no'n sa 'kin. Ang tiyaga. Pero . . . wala. Napagod din."

Agad kong pinalis ang luhang biglang tumulo sa pisngi ko.

"Ano ba 'yan!" tawa ko. "Okay na 'ko, eh. Kainis ka."

"Mari . . ."

Umiling ako. "Don't worry about me. I love Leon . . . and I think I forever will . . . but I already accepted our fate. Our love was doomed to be a mistake from the start. Masyado siyang maayos para sa 'kin. Alam ko naman na 'yon noon. Ewan ko kung bakit hinayaan ko pa rin."

"Ang galing mong magtago ng nararamdaman. Akala ko, wala ka nang pakialam kay Leon. O kung meron man . . . at least, hindi na pagmamahal."

Nagbuntong-hininga ako. "Mahal ko si Leon, Shai. If I could choose one person to spend the rest of my life with, it would be him. Sinubok na kami ng panahon. My love for him was already rooted in my soul. Kaya sarado rin ako sa pagmamahal ng iba . . . kasi si Leon lang ang gusto ko. I made a bargain with God. Kung hindi si Leon ang para sa 'kin, ipinagdasal kong huwag na Niya akong bigyan ng iba."

Nagtagal ang titig niya sa akin, para bang binabasa ako.

"What?" I joked.

"Wala lang. Queen things," sagot niya naman na nakapagpatawa sa akin.

Sandali kaming natahimik.

"Pero alam mo, Mari, normal naman ang mapagod sa relasyon. Nakakapagod 'yong away, 'yong maliliit na bagay na pinapalaki, 'yong selosan . . . lahat," litanya niya. "We're humans. Our energy will be used up one way or another. So, when people say that the right person will never get tired of you, they are lying. Mapapagod at mapapagod ka, kahit ano pang gawin mo."

"Napagod ka na rin kay Thaddeus?"

"Aba, oo naman!" sagot niya. "Ang immature kaya namin dati! Kaunting away lang, break. Kaunting lambing, balikan. Cycle 'yon. Nakakasawa."

"Eh, bakit kayo pa rin?"

She laughed. "Mahal namin ang isa't isa, eh. Lalo ngayon." Her eyes glowed. "I tried to picture my life without him, but every time I did, I burst into tears. Tinitimbang ko lagi. Kaya ko bang mahalin siya kahit nakakapagod na minsan o mas kaya kong mabuhay nang wala siya pero masakit? I tried the latter, but I failed. Masaya ako nang mag-isa, pero alam ko sa sarili kong mas masaya ako kapag kasama ko si Deus."

"You're dependent on him . . .?"

"'Yan! 'Yang pride mo! Wala namang masama kung dumepende tayo minsan sa iba, 'no!" Sinamaan niya ako ng tingin. "Deus is not the only thing that makes me happy, but he's a big part of it! At ngayon, kapag napapagod kami, inaalala namin lahat ng nalagpasan namin. Mararamdaman ko na lang na nililigawan niya ulit ako . . . nilalandi. Parang ibinabalik niya lahat sa dati. Doon ko marerealize na . . . shet . . . this is the only person I want to tire me out."

Her words somehow spoke to me. Gusto ko rin 'yon. Gusto ko ring si Leon lang ang papagod sa 'kin kasi alam kong irerespeto niya ang pagpapahinga ko. Gusto kong siya lang ang makakaaway ko sa maliliit na bagay . . . at ang makasama ko sa malalaki. He was the only person I didn't mind getting hurt by . . . because I knew he wouldn't do something like that on purpose. He was the only one I wanted to receive cold shoulder from . . . because I knew he would still sleep at night, hugging me.

Sasagot pa sana ako kay Shaira nang dumating sina Leon at Thaddeus. Agad na napako ang tingin sa akin ni Leon at ganoon din ako sa kanya. My heart was pounding because I wanted him all to myself, but I was afraid he would push me away again. Ayoko nang maramdaman ang pag-alis niya sa kamay ko kapag hawak ko siya. Ang pagtanggal niya sa braso kong nakayakap sa kanya.

Nagsimula ang inuman nila at hindi naman sila nagpumilit na painumin ako. I noticed that Leon was just taking his time drinking a can of root beer . . . na kinainisan naman ni Shaira dahil nakaubos na silang dalawa ni Thaddeus ng isang bote ng Jack Daniel's.

"Daya ni Leon!"

"Ihahatid ko pa kayo," sagot naman nito.

'Yong root beer nga lang ang inubos niya. Ni hindi niya na hinatian ang dalawa sa ilan pang bote ng alak. Malakas mag-inom si Shaira, pero dahil si Thaddeus lang ang katulong niya ay nalasing siya. She fell asleep on her partner's shoulder, and Thaddeus was just hugging her, his face all red from cracking up with Leon.

Kwento lang ang ambag ko roon. Ilang na ilang pa ako dahil nahuhuli ko minsan ang titig sa akin ni Leon. Halos alas dose na nang matapos sa pag-inom ang dalawa kaya tinulungan ko na si Leon sa pag-aasikaso sa kanila. Wala na ang mga bisita at tanging ang caterers na lang ang natira sa buong lugar. Naghahanda na rin ang mga ito sa pag-alis.

"Hintayin mo na 'ko. Ihahatid ko lang sila," sabi ni Leon sa akin nang akmang dadamputin ko na ang bag ko.

"H-Hindi na . . ." natatarantang sagot ko. "May masasakyan pa naman . . . okay lang."

Umiling siya. "D'yan ka lang. Mabilis lang 'to."

Hindi pa ako nakakasagot ay tumalikod na siya. Napanguso tuloy ako. Parang hindi niya na ako binigyan ng tyansa na makapili, ah!

Ginamit niya ang sasakyan ni Thaddeus at pinasunod naman niya si Nash gamit ang sasakyan niya. Dahil ayokong matengga, tumulong na lang ako kay Nathaniel sa paglilinis ng paligid. Hindi naman naging mahirap iyon dahil sa mga kasama naming caterers.

Nang matanaw ko ang sasakyan ni Leon ay saka ko lang binitawan ang walis. Kukunin ko na sana ulit sa tree house ang bag ko nang inilingan ako ni Leon . . . para bang pinipigilan akong umakyat doon. Pumirmi na lang ako at sinamahan siyang magpaalam at magpasalamat sa caterers.

"Uwi na rin kami, kuya, ate," sabi ni Nash. "Baka hindi na kami magbukas ng tindahan bukas. May tama si Nathaniel, eh. Pahinga muna kami."

"Magdadala ako bukas ng corn soup sa inyo," saad ni Leon.

Umiling naman si Nash. "Hindi na, kuya. Ako na ang bahala ro'n," sabay tingin kay Nathaniel. "Hoy! Tara na! 'Wag kang matulog d'yan!"

Pahirapan pa bago nakauwi ang kambal. Kahit malapit lang ay napilitan si Leon na ihatid sila kaya naiwan akong mag-isa sa tree house. Umakyat ako roon dahil hindi naman naka-lock ang pinto, at naupo sa couch habang hinihintay siya, takang-taka sa sarili kung paanong ako na lang ang natira sa mga bisita.

It wasn't long until I heard the door open. Iniluwa noon si Leon na medyo magulo ang buhok. Tumayo naman ako agad bitbit ang bag ko, bahagyang natataranta sa presensya niya.

"Coffee?" he asked.

My lips parted a bit. "Hindi pa ako . . . uuwi?"

Hindi siya sumagot. I moved the bridge of my glasses, and he did, too . . . making my heart beat aggressively again. For fuck's sake! Nagkasabay lang kami! Calm the hell down!

"Napagod ako sa paghahatid . . ." sagot niya bago dumiretso sa kusina. "Maya-maya."

"Ahh, okay," maliit ang boses na saad ko naman.

Naamoy ko ang kapeng tinitimpla niya. I just stood there in the middle of the living room, staring at his back and carrying my bag on my shoulder. Nilingon niya ako at bumaba ang tingin niya sa bag ko kaya dahan-dahan kong ibinaba iyon sa couch. Baka isipin kasi niyang minamadali ko siya.

"Mainit d'yan. Tara dito . . ."

Naglakad siya papunta sa balcony, at hindi ko malaman kung dapat ko ba siyang sundan o hindi. We didn't really talk much when Shaira and Thaddeus were here, so I didn't know what to do now that he was talking to me. Actually, we didn't talk earlier. At all.

Huminga ako nang malalim bago siya sundan sa balcony. He leaned against the railing, so I did, too. He then handed me the cup of coffee, and I just gently reached for it. Tahimik kong sinimsim iyon habang pinakikiramdaman ang banayad na paghaplos ng hangin sa balat ko.

I never knew that happiness could be this quiet.

Tuloy ay hindi ko maiwasang hindi maalala ang pangako sa sarili na kapag natapos na ang lahat . . . yayakapin ko siya. Walang pakialam sa puwede niyang isipin, basta yayakapin ko siya.

I wasn't able to bear that promise. Sa dulo, nanaig pa rin ang hiya at takot sa dibdib ko sa magiging reaksyon niya.

For as long as I could remember, Leon was like coming . . . home. Being with him felt like slipping into the worn leather of my favorite pair of old shoes, reading the most comforting part of the book, or wrapping myself in a thin blanket on a cold night.

Ibinaba ko ang tasa sa coffee table na naroon at muling bumalik sa paghawak sa railings. It was a beautiful, silent night. Bonus pa na kasama ko siya.

From my peripheral vision, I saw him putting his mug on the coffee table, too. Napangiti lang ako dahil napagbigyan ko ang sarili na makita at makasama ulit siya.

"Bagay sa 'yo ang buhok mo."

I tightened my grip on the railings when he said that.

"T-Talaga?" Halos mamura ko ang sarili nang mautal ako. "Ano . . . medyo mahirap ngang i-maintain."

Muli kaming natahimik at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko. It was beating so fast and hard that I thought I would pass out.

"You should take vitamin A for your eyes, though. Mahirap ang malabo ang mata . . ."

Tumango ako. "I'm taking multivitamins."

Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin at mula sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko ang maliit na ngiti sa labi niya.

"Your figure is nice, too . . ." he commented. "Looks like you're taking care of yourself now."

Parang may bumikig sa lalamunan ko sa narinig. I felt his concern and worry just by saying that.

"Nagwo-workout ako. May gym sa taas ng condo," mahinang sabi ko bago mabilis na sumulyap sa kanya. "Ikaw rin. You look better and healthier now."

Pinaglaruan ko ang kamay ko sa railings. The sky was brimming with stars, and the moon was at its fullest. Kung bibigyan lang ako ng tapang ng buwan, hihingi ako ng yakap kay Leon. I just felt like I needed his warmth and comfort . . . kahit pa okay naman na ako.

"I overheard your conversation with Shaira . . ."

Namilog ang mga mata ko. Why did I forget about his habit of unintentional eavesdropping?!

"Uuwi na ako," saad ko, hindi gustong ipagpatuloy ang pag-uusap. "Malalim na ang gabi. Malayo pa 'ko."

Humarap ako sa kanya at halos mahigit ko ang hininga nang mahuli siyang nakatingin na sa akin. His lips no longer bore the little smile he had previously held, and his eyes had taken on a sterner expression.

"Hindi ka dapat nakikinig sa mga ganoong usapan," suway ko.

He chuckled sarcastically. "I'll apologize if I regret it, but I don't."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang lalong nagwala ang dibdib ko. Isang beses kong inayos ang salamin at matalim siyang tiningnan.

"Aalis na 'ko," matigas na saad ko.

I turned my back on him, overwhelmed by my feelings.

"Amari."

Napapikit ako nang marinig iyon sa kanya. It sounded like an order for me to stop walking right away.

"Bakit kasi nakikinig ka sa usapan nang may usapan?!" Nanginig ang boses ko. "Lagi mo na lang ugali 'yan! Wala akong pakialam kung sinasadya mo o hindi!"

"Hindi ko sinasady—"

"Ewan ko sa 'yo, Zamora!" I bit my lower lip again, wanting so badly to fight my tears from falling.

Hiyang-hiya ako. Narinig niya ang mga sinabi ko kay Shaira . . . I poured my heart and soul into answering my friend's question, and he heard all that!

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin, at hindi na ako nagulat nang makita siya sa tapat ko. I was being dramatic, wanting to yell out of fury because I didn't want to tell him how I felt about him in that way. Ni hindi ko nga siya nayakap noong panahon na kailangang-kailangan ko 'yon, tapos sa ganoong paraan niya lang pala malalaman ang nararamdaman ko sa kanya.

He bent down a little to meet my gaze at eye level.

Nang magtama ang mga mata namin ay sunod-sunod na nagbagsakan ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Hiya, takot, sakit . . . halo-halo lahat.

"A-Ano?" pagsusungit ko nang hawakan niya ang pisngi ko.

He wiped my tears away gently, his eyes locked on me as if he could see everything in me.

"Mahal mo 'ko?" puno ng lambing na tanong niya.

Another wave of tears stung my eyes, and my searing glare softened toward him.

"Amari . . ."

Pinalis ko ang sariling luha. I rubbed my eyes so that I could see him better. Mapungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at bahagyang nakaawang ang mapupulang labi.

"Sumagot ka . . . mahal mo 'ko?"

Dahan-dahan akong tumango dahil alam ko sa sarili kong hindi ko na kayang magsalita. There was a lump in my throat, and I knew I could only get rid of it if I cried more.

A tear dropped from his eye as a small smile flashed across his lips.

Tuluyan lang akong napahikbi nang hinigit niya ako para yakapin.

"Mahal din kita." I could tell from his voice that he was crying, too. "Amari, mahal na mahal na mahal kita . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro