Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Chapter 26

It was hard. I could feel him slowly drifting away from my grip. I could feel him getting farther and farther away from me. Kahit anong higpit ng kapit, parang gumagawa ng rason ang tadhana para paglayuin kami.

"Madami ka pa bang pending work?" I asked as I stood beside him in front of the mirror. "Tinapos ko kahapon 'yong akin at kung may madadagdag ngayon, konti lang siguro 'yon. Do you want me to help you?"

I was trying. We've been through a lot together, and I don't want this to be the cause of our breakup. Masyado ko siyang mahal. Hindi ko kakayanin kapag umalis siya. He has been my rock of strength for many years, and now that he is weak, I want to be his strength as well.

Kasi ganoon ang isang relasyon. Ganoon ang itinuro niya sa akin. Na kapag mahina ang isa, puwede mong ibigay ang balikat mo para may masandalan siya. Na kapag lumuluwag ang hawak ng isa, puwede mong higpitan ang kamay mo para hindi siya tuluyang makabitaw.

"No, I can manage," he said as he glanced at our reflection. "Thank you."

Humarap ako sa kanya at tumingkayad para mapatakan ng halik ang pisngi niya.

He stiffened but didn't say anything.

"I love you," bulong ko sa kanya.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa labis na pagmamahal at pag-aalala sa kanya. I want him back . . . every waking day. Umaasa akong balang-araw ay gigising ako na nakayakap ulit siya sa akin . . . na nakangiti na ulit siya sa akin.

Yumuko siya. "I-I . . . love—"

Umiling ako at sumandal sa braso niya. "Don't force yourself, Leon. Alam kong mahal mo 'ko. You don't have to say it out loud."

He kissed the top of my head, taking away all the pain I was feeling.

"I'm sorry," bulong niya. "Babawi ako sa 'yo, ha?"

Sapat na sa akin 'yon. At least, mayroong kumpirmasyon na kasama pa rin ako sa plano niya. Gaya ko, alam kong sinusubukan niya rin. Masyado lang talaga siyang inuubos ng mundo.

His brothers were drug dealers and users. Kung hindi ko pa nakausap si Tita Leah ay hindi ko malalamang nagawa iyon ng kambal dahil gusto nilang tumulong sa pagbabayad ng mga gastusin sa bahay. Kahit iyong pang-check-up sana noon ni Tita ay ginawa nilang puhunan para makabili ng droga.

"Wala na akong puwesto sa palengke, Mari," sabi ng ginang. "Nahihirapan kasi akong magbayad ng renta buwan-buwan tapos pinagchi-chismisan pa ang kambal . . ." Umiling siya. "Hindi ko kayang marinig."

I may never understand how much a mother loves her children because I've never experienced it, but as she narrates the things that have been going wrong for her, her eyes are brimming with pain, and her face is worn down.

"Lagi namang nagpapadala si Leon kaya kahit papaano ay may nagagastos ako. Hindi ko na rin kasi maalagaan 'yong mga tanim ko sa bukid." She breathed deeply. "Pasensya na, anak, ha? Imbes na nakakapag-ipon na kayo para sa kinabukasan n'yo, ako pa ang iniisip n'yo."

Umiling ako at ngumiti sa kanya. Lunch break namin ngayon at hindi kumain si Leon dahil sa dami ng kailangan niyang tapusin.

"'Wag n'yo pong isipin 'yon, tita. Maayos po kami rito. 'Yong pag-iipon naman po ay kaya naming gawin sa mga susunod pang taon," I assured her. "Kapag po may sobra ako . . . magpapadala rin po ako sa inyo. Kailangan n'yo pa pong magpa-check-up. Iyon po ang unahin n'yo."

Kahit sa cellphone lang kami magkausap ay nakita ko ang panunubig ng mga mata niya.

"Nag-iipon na ako . . ." Her voice cracked. "Tinitipid ko 'yong padala ni Leon kasi pinapagalitan na rin ako no'n. Saka . . . 'wag mo 'kong isipin! May sinusuportahan ka rin dito, 'di ba?"

We talked a bit more. Paubo-ubo siya habang nakikipag-usap sa akin kaya sinabihan ko siyang magpahinga na lang. Now that I know what was going on with Leon's family, I could see why he was so stressed out. Siya na lang pala talaga ang inaasahan sa kanila. Masyado pa siyang maraming iniisip lalo at nasa malayong lugar siya.

"Nay, sinabi ko namang magpatingin na kayo. Bakit ba ayaw mong makinig sa 'kin? Ang tagal na ng ubo mo," narinig kong saad ni Leon sa ina ilang oras lang nang makauwi kami.

"Anak, ibinili ko ng tsinelas at mga gamit ang kambal. May kumuha kasi. Ang hirap pa naman do'n. Kapag hindi sila sumunod sa sinasabi ng matatandang preso, baka mapaaway sila," sagot ni Tita. "Tapos alam mo ba? Nakaupo lang sila matulog. Masyadong masikip at mabaho . . . baka magkasakit sila."

Lumapit ako sa likuran ni Leon at niyakap iyon. Gusto kong iparamdam sa kanya na magiging maayos din ang lahat . . . kahit parang ang hirap-hirap.

"Eh, ikaw? Hihintayin mo pa bang lumala ang sakit mo?" nagtatampong sabi ni Leon.

"Kapag nga nakaipon."

"Nay naman . . ."

"Ako na ang bahala sa sarili ko, Leon."

Tinanggal niya ang braso ko na nasa baywang niya.

"Teka lang," sabi pa niya bago tumayo at lumabas ng kwarto.

Ganoon lagi ang nangyayari. Hindi ko alam kung ayaw niyang iparinig sa akin ang pagtatalo nilang mag-ina o ayaw niya lang sa pakiramdam na nakadikit ako sa kanya.

Pero hindi ko na para isipin pa 'yon. Sapat na sa aking kasama ko pa rin siya. Kahit parang nagbago, alam ko namang babalik din ang lahat sa dati.

I lay down in bed and picked up my phone to take my mind off things. Nakita kong may chat si Karsen kaya binuksan ko iyon.

Dawn Karsen Navarro: Still up? – Kat

Napanguso ako. Bakit wala siya sa probinsya?

Amari Sloane Mendoza: Bakit ka nand'yan at bakit account ni Karsen ang gamit mo?

Dawn Karsen Navarro: China-charge ko ang cellphone ko.

Dawn Karsen Navarro: And I'm here because I want to.

I chuckled. She must probably miss them.

Amari Sloane Mendoza: Okay. What do you need from me? Miss mo 'ko?

Dawn Karsen Navarro: Nah. Just checking on you because Mill mentioned you've lost weight. Part ba 'yan ng diet mo o may problema ka?

Warmth immediately filled my heart. Kahit chat lang, naririnig ko sa utak ko ang boses niya. It was full of concern and worry.

Amari Sloane Mendoza: I'm with Leon, so I'm pretty sure I'm okay.

Dawn Karsen Navarro: Sure na sure?

Amari Sloane Mendoza: Yup. Ikaw? What's going on there?

She told me that Mill was so busy at work and that Karsen was the same as always. Lumalaki na rin si Gayle kaya alam naming kailangan na rin ni Karsen maghanap ng mas stable na trabaho. Naaawa na nga siya sa babae dahil nahihiya na itong manghingi sa amin.

Dawn Karsen Navarro: I'm practicing some songs for my gig. Cover lang. Gusto mong marinig? Hindi ako confident, eh.

Amari Sloane Mendoza: You still do gigs?

Dawn Karsen Navarro: Kapag free.

Amari Sloane Mendoza: Okay, let me hear it.

Ilang minuto lang ang hinintay ko hanggang sa nag-send siya ng isang black screen na video. Akala ko pa naman ay makikipag-video call siya.

Dawn Karsen Navarro: Just this song. Tell me your thoughts after.

Kinuha ko ang earphones ko sa bedside table. I've always liked Kat's voice, so I knew this would be good.

Sa umpisa ng video ay narinig ko agad ang pag-pluck niya sa gitara. It was a familiar song. Intro pa lang ay alam ko na agad kung ano ang kantang iyon.

Pumasok sa kwarto si Leon, kunot ang noo at mukhang malalim ang iniisip.

He didn't even throw me a glance. Tinanggal lang niya ang salamin at patalikod na humiga sa tabi ko.

I sighed. Nakakasanay nang ganito siya.

"When I look into your eyes, it's like watching the night sky . . . or a beautiful sunrise. Well, there's so much they hold."

Kat's soothing voice and the comforting melody directly struck a chord in my heart. Hindi ko alam kung masyado lang akong nag-iisip pero nang mga oras na 'yon ay nanumbalik sa akin ang paraan ng pagtingin sa akin noon ni Leon.

That even behind his glasses, I was sure he had always been looking out for me. That even behind his glasses, I could see the love he had for me.

"And just like them old stars, I see that you've come so far, to be right where you are. How old is your soul?"

Pumikit ako at tumalikod din sa kanya. Ang dami na naming napagdaanan para bumitaw pa ngayon. From those heated debates, secret glances, packed lunches, library escapades, treehouse and work dates, littlest and biggest accomplishments, to being here . . . living in the same apartment, trying our best to survive.

It's been a long road. Not sleeping with our backs against each other could make me love him less.

"I won't give up on us . . . even if the skies get rough. I'm giving you all my love. I'm still looking up." Kat's voice clenched my heart. Parang nangungusap ito sa akin. "And when you're needing your space to do some navigating, I'll be here patiently waiting to see what you find . . ."

Umiling ako. I can't give Leon space. Magsusumiksik ako sa buhay niya. Kahit maliit na puwang lang. Kahit masikip na espasyo. I'll be with him.

At kung aalis man siya . . . I'm sure . . . I'm sure I'll wait for him. Kasi ayoko ng iba. Kasi hindi ko nakikita ang sarili kong nagmamahal ulit nang ganito katindi.

He could be wherever he wanted to be, and I'd be at the sidelines, waiting for him to look at me. He could shut his doors and let me get drenched in the rain and burned in the sun while I waited for him to open them back up again.

"'Cause even the stars they burn. Some even fall to the earth. We've got a lot to learn. God knows we're worth it. No, I won't give up." A tear escaped my eye because the lyrics were speaking right through my soul. "I don't wanna be someone who walks away so easily. I'm here to stay and make the difference that I can make . . ."

Our love is worth it . . . even the heavens know that. Ang pinagdadaanan namin ngayon ay pagsubok lang para sukatin ang pagmamahalan namin.

I was sure to pass this test . . . like all the other tests we've aced.

Huminga ako nang malalim at pumihit paharap sa kanya.

To my shock, he was also there, looking at me. Hindi ko naramdaman ang paggalaw niya dahil ang atensyon ko ay nasa kanta.

My lips quivered as he extended his right arm, as if asking me to move closer to him.

With the earphones still in my ears, I let myself find the comfort I needed in his chest. Paulit-ulit niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko habang ang kamay ay humahagod sa likuran ko.

No words were said. Just the right amount of heat in his body, and all my pain was soothed.

"I won't give up on us even if the skies get rough. I'm giving you all my love. I'm still looking up."

Nang matapos ang kanta ay saka ko narinig ang tahimik na pag-iyak niya. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya at ipinalibot ang isang kamay sa baywang niya.

My baby is having a hard time, too . . . ano'ng gagawin ko? I'm pouring everything I have in my cup, and I'm more than willing to even give him my cup. Basta tumahan lang siya. Basta maging maayos lang siya.

"Kahit anong mangyari, mahal na mahal kita, Mari . . ."

I didn't know what he meant by that back then, but it gave me more reasons to hold on to him.

I was content. Kahit unti-unti, alam kong sinusubukan niya. He started telling me about his day again and we often slept hugging each other . . . or at least, he was letting me.

"Nice work, Mr. Zamora," sabi ng professor namin.

Hindi ko alam na sa apat na salitang iyon ay magiging puno ng kasiyahan ang puso ko. I felt like he was coming back and regaining himself.

Kahit na madalas kaming ikumpara sa isa't isa ay nagagawa ko pa ring ngumiti. Mas gusto ko 'yon kaysa ang marinig na pinapagalitan siya dahil mali ang ginawa niya. It was better, right? I'm used to being compared to him, but I'll never get used to people looking down on him.

ABC model of psychology. Right now, his antecedent is the problem of his family, and his behavior toward that dilemma is reasonable. Syempre uunahin niya sila. So, as a consequence, he's disregarding me and his other responsibilities. Natural lang 'yon. If I were in his shoes, I would probably be the same.

I thought things were looking up. I thought we would get through it like we did with all the many problems we had.

Mahal niya ako at mahal ko rin siya. Our love could endure anything. Hangga't kayang magtiis at umunawa. Hangga't kayang manatili at maniwala. Basta may isang nakakapit, malalagpasan namin 'yon.

"Mari, I have to go home."

It was like a bomb to me . . . but I foresaw it happening. Wala rito ang utak niya. At ang tanging paraan para maging maayos siya ay ang pisikal na makita ang kalagayan ng pamilya niya.

Hindi ko siya para ikulong at pagbawalan. Gaya ng sabi ko, hindi ko siya preso. His family would always be his home.

"May . . . pneumonia si nanay." Nabasag ang boses niya. "Kailangan niya ako ro'n."

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya kasabay ng paninikip ng dibdib ko. His hair was a mess, and he had two dark circles under his eyes. He was in deep pain . . . and at that time, all I wanted was to carry his burden for him.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya.

"It was long overdue, Leon. Umuwi ka na muna sa pamilya mo."

Everything was a blur after that. I gave him all my savings so that he could buy a plane ticket. Nag-cash advance din ako sa kumpanya para may maiabot kay Tita. Itinakbo kasi ito sa ospital ng mga kapitbahay niya. She had a high fever and her body was shaking non-stop. May mga pagkakataon ding nagha-hallucinate ito dahil sa taas ng lagnat.

Ilang beses kong naabutan si Leon na umiiyak nang mag-isa sa mesa. I knew he wanted some time alone, so I didn't bother him. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera dahil said na said na rin ako, pero ang importante ngayon ay ang makaalis siya. Naghahanap-hanap na ako ng malilipatang apartment. 'Yong mas maliit at mas mura.

Leon fell apart . . . and I had to watch that.

Wala akong alam sa bigat na nararamdaman niya pero ang makita siya sa ganoong estado ay sapat na para malaman kong hindi na niya kaya.

His brothers were imprisoned, and their reputations had been tarnished. Their means of financial support were no longer being provided. They spent every last penny of their savings. And now his mother . . . his dear mother . . . was in the hospital, alone.

Utang ang uuwian niya roon. Sigurado ako. Sa private hospital naka-confine si Tita at hindi biro ang gastos doon. He wasn't telling me his plans, but I was certain he'd figure it out.

Kaya ko naman. I just needed to be strong for him. Everything would fall into places . . . but when it did, I knew sure this wasn't the place I was pertaining to.

Dahil isang araw bago siya umalis ay nagising ako sa pagri-ring ng cellphone niya.

"Leon, may tumatawag sa 'yo," saad ko habang tinatapik siya.

"Hmm?"

"Cellphone mo . . ."

Hindi siya kumibo kaya ako na ang kumuha noon. Madaling araw iyon at pareho kaming pagod. Ako sa trabaho at siya sa pag-aasikaso ng mga dokumento niya.

I looked to see who was calling, and my drowsiness vanished when I realized it was . . . Psyche.

"Leon," sabi ko.

"Mamaya na 'yan, Mari. Matulog muna tayo."

I shook my head. "Look who's calling."

"Sino?" His voice was slurred.

Sinubukan kong huwag pangunahan ng selos at galit. Huminga ako nang malalim at paulit-ulit na ipinaalala sa sarili na wala sa lugar ang nararamdaman ko.

Nagbuntong-hininga si Leon nang umupo ako sa kama. Hawak ko pa rin ang cellphone niya at nang tumabi siya sa akin ay nakita ko ang bahagyang pamimilog ng mga mata niya.

His reaction hurt me.

What? Ayaw niya bang malaman ko na may komunikasyon sila ng babae?

"Dito mo sagutin 'yan," utos ko. "Loudspeaker."

He nodded. Kinuha niya ang cellphone sa kamay ko at sinagot ang tawag.

"God, you took so long to answer," sabi ni Psyche.

I heaved a sigh as the stirrings of jealousy emerged in my chest. Kailan pa sila nag-uusap? At . . . bakit hindi ko alam?

"Natutulog ako, Psyche. What do you need?" diretsong tanong ni Leon.

"Ah, right! Madaling araw na d'yan." Tumawa ang babae. "Kailan ka uuwi?"

Naramdaman ko ang pagbaling sa akin ni Leon pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. My eyes were focused on his cellphone.

"Why do you need to ask? It's none of your business."

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakumbinsi sa sagot niya.

"Sungit!"

"Look, I'll just get in touch once I'm there, Psyche. No need to call me."

"Okay, then. I'll see you soon."

The call had ended almost immediately, but my jealousy continued to linger in my core. Why did he have to get in touch with her? Tapos na ang kontrata nila. There's no reason for them to talk to each other.

"Are you cheating on me, Leon?" I asked, not prolonging my thoughts.

"No," he replied. "Kinuha lang niya akong tutor dahil nag-aaral siya ulit ngayon ng psychology. The amount was good . . . and I needed money to pay the hospital bills."

Humarap ako sa kanya. "Ba't hindi mo sinabi sa 'kin?"

"No'ng isang araw niya lang ako tinanong . . ."

"At sa loob ng dalawang araw, hindi ka nakahanap ng oras para sabihin sa 'kin?!" I clenched my fist on the blanket. "Gaano kahirap sabihin sa akin na, Mari, tuturuan ko 'yong pinagseselosan mong kapatid kasi may pera 'yon at kailangan ko ng pera?"

Pain passed across his eyes. "Mari . . . hindi naman ako gano'n. Kailangan lang talaga ni nanay."

"Oo nga! Nando'n na 'ko! Ang tinatanong ko, bakit hindi mo nasabi sa 'kin? Eh, kung hindi ko pa nakitang tumatawag 'yan sa 'yo, baka nakauwi ka na't lahat, hindi ko pa rin alam!" sigaw ko. "Hindi naman kita pipigilan! Syempre, pera 'yan, eh! Ang sa 'kin lang, i-update mo naman ako sa buhay mo! Hindi ko na alam kung kanino pa ako makikibalita!"

I yanked off the blanket that was covering my legs with force and stood up. I could feel tears coming to my eyes.

I looked at him and my heart hurt when I saw how scared and nervous he was.

"Mari, sorry . . ." nakayukong aniya.

Naghintay ako ng paliwanag . . . pero wala.

I bit my lower lip. "'Yon na 'yon?"

Umiling siya. Mabigat ang mga paghinga niya at mahigpit ang hawak sa kumot na parang doon siya humihingi ng lakas.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan habang nakatingin sa kanya. He looked extremely and unusually . . . apologetic.

"M-Marami akong ginawa, Mari . . ." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Magagalit ka sa 'kin . . ."

Lalong dinaga ang dibdib ko sa sinabi niya. Parehong may luha ang mga mata namin ngunit nanaig ang takot sa puso ko.

"Ano'ng nangyayari, Leon?" Pinatatag ko ang boses.

Nakaupo siya sa kama, puno ng pangamba ang mukha, habang nakatingin sa akin. Now I'm sure it's not only about Psyche and that phone call. He was this scared because he knew our relationship would be at risk.

I swallowed hard. "Tell me . . . hangga't nandito ka pa."

"Magagalit ka sa 'kin," nanginig ang boses na aniya. "H-Hihiwalayan mo 'ko."

"Ano nga 'yon?!" I shouted as anticipation ate my system.

Tumayo siya at lumapit sa akin. His hands were trembling as he got down on his knees. Parang sinasakal ang puso ko habang pinapanood siya. Gumagalaw ang balikat niya sa labis na paghikbi at doon pa lang, alam ko na may ginawa siyang tuluyang wawasak sa akin.

"Forget it. Ayoko palang marinig," sabi ko. "Tumayo ka d'yan. Kalimutan mo nang nagtanong ako."

I grabbed his arms and forced him to stand, but he only took my hand and kissed it.

Lalo akong napaiyak. "T-Tama na, Leon. Aalis ka na bukas. Sigurado akong hindi mo sinabi 'yan sa 'kin kasi ayaw mong masaktan ako. Let's leave it that way, okay? Hindi mo kailangang sabihin lahat sa 'kin. I'm sorry for shouting."

Umiling siya. "Tinanggap ko ang offer ni Mr. Mendoza . . ."

"Hindi ko nga gustong marinig, Leon! Isikreto mo na lang 'yan sa 'kin!"

My chest was getting tighter as more tears ran down my face.

"M-Mari, ano'ng gagawin ko? Kapag daw doon ako nagtrabaho, mapapalabas niya ang mga kapatid ko," pagpapatuloy niya.

Binawi ko ang kamay sa kanya at mabilis na itinakip iyon sa tainga ko. No, I don't want to hear it. I don't want to hear my boyfriend work for the person who abused me.

"And your mother . . ."

"Stop fucking talking!" sigaw ko.

"B-Babayaran niya raw ang hospital bills basta i-tutor ko si Psyche." Humikbi siya. "Tinanggap ko pareho, Mari. K-Kahit alam kong masasaktan ka, tinanggap ko . . ."

It was like a trigger to me.

"Sorry ngayon ko lang sinabi. A-Ayokong gawin 'to . . . pero kailangan ng pamilya ko. I have no reason, Mari. I have no reason. Alam kong masasaktan kita kaya hindi ko sinasabi, but I just can't keep lying to you."

Bigla ay nawalan ako ng pakialam. Ang paninikip ng dibdib ko ay sapat na para isampal sa akin ang katotohanan na walang hindi nabibili ang pera.

Kailangan kong intindihin . . . pero napapagod na akong umintindi.

At that point, all I think about is that, maybe this is the world's way of telling me that our time together is over. Na ipinahiram lang nila sa akin si Leon para maranasan ko ang mahalin at magmahal.

It may be shallow, but I know deep down in my heart that I can't be with someone who will work with the people who abused me, the people who made me suffer, and the people who hurt me to the point where I'm not even close to recovering from the trauma they caused me.

Ayoko siyang bitawan. Mahal na mahal ko si Leon . . . pero magiging alaala lang siya ng mga magulang ko sa akin.

That with money, they bought my greatest love. That with money, they sent me back to the mud where I belonged.

"Pati ikaw nakuha nila sa 'kin . . ." bulong ko.

"Mahal kita, Mari." He sobbed. "Marami akong naging pagkukulang sa 'yo . . . pero mahal na mahal na mahal kita."

I shook my head. "Tama na. Ang mahalaga, sinubukan natin."

Tumayo siya at agad na yumakap sa akin. "Baby, please . . . no. Don't say that."

Hinayaan ko lang siya. It would be the last time we'd be this close. It would be the last time I'd hugged him. Susulitin ko na. Kahit parang wala nang init ang yakap niya. Kahit parang wala na sa akin ang pagtangis niya.

"'Wag mo kong iwan, Mari. Please. Hindi ko kaya." Nabasa ng luha niya ang damit ko. "Babawi lang ako . . . hindi naman ako magtatagal sa pagtatrabaho ro'n. 'Wag namang ganito. H-Hindi ko kaya, Mari. Parang awa mo na."

My lips trembled. "Nakakapagod kalaban ang mundo, Leon."

Mas sumiksik siya sa akin na para bang anumang oras ay mawawala ako.

"I know I need to understand. I know that my pain is your least priority now." Parang may tanikalang sumakal sa puso ko. "'Yong panlalamig at pagbabago mo, kaya kong tiisin. Kasi alam kong babalik ka naman sa dati. Kasi alam kong may dinadala ka lang pero mahal mo pa rin ako."

I was trying my best to strengthen my voice. This isn't the end I envisioned . . . but this is the end the world has in store for us.

"L-Leon, hindi ko kayang mahalin ka habang iniisip na nakikipagtrabaho ka sa mga taong nanakit sa 'kin," I muttered. "You know my pain. You know what I've been through . . . and you still get in touch with them."

"Please . . . kailangan ko lang. Konti lang. M-Mailabas ko lang ng ospital si nanay. Makalaya lang ang mga kapatid ko."

Hinang-hina ako. Gusto ko siyang itulak pero mas gusto ko siyang higitin palapit sa 'kin. Maybe I'm being unreasonable. Hindi naman kasalanan ni Leon na sinaktan ako ng mga magulang ko. Labas na dapat siya roon. Wala rin naman akong pera para maitulong sa kanya . . . para hindi niya na kailangang tumanaw ng utang na loob sa kanila.

Love isn't supposed to be like this. Love shouldn't make you choose between your family and your partner. Love shouldn't wear you out because you'll feel at peace when you're with each other.

But right now, all I can see is the reason why I should let go. Ubos na kami pareho para bigyan pa ang isa't isa.

"Umalis ka na," saad ko.

Umiling siya.

"Leon, umalis ka na."

"Ayoko, Mari. Iiwan mo 'ko . . . ayoko."

I clenched my fists and used every ounce of strength that was left in me to push him.

"Umalis ka na!" My voice broke. "Wala na tayong magagawa, Leon! Sirang-sira na tayo pareho!"

"Magalit ka na lang . . . basta 'wag mo 'kong hiwalayan, Mari. P-Parang awa mo na."

Sinubukan niyang hawakan ulit ako ngunit tinabig ko lang ang kamay niya.

"Magsimula ka ng bagong buhay sa Pilipinas nang wala ako."

Lumatay ang matinding sakit sa mukha niya.

"Kung kanino ka makikipagtrabaho, wala na akong pakialam." I shook my head. "Take care of Tita Leah. You are so . . . so blessed to have her."

"M-Mari . . ."

"Masyado nang masakit, Leon. Ikaw na lang 'yong meron ako tapos nakuha ka rin nila. . . at hindi kita masisisi kasi alam kong kailangan mo 'yon." Humikbi ako. "Kaya umalis ka na. Let's start unlearning the love we have for each other."

Yumuko siya, tila sumuko na rin sa pagmamakaawa sa akin. "Kaunting pag-intindi lang ang hinihingi ko, Mari. Why are you being so selfish?"

Parang nagpantig ang tainga ko. "Ano'ng sinabi mo?"

He looked up at me, and fear passed through his eyes again.

"Selfish ako?" tanong ko. "Tangina, ilang buwan na ako ang nagbayad ng renta! Ilang buwan kong tiniis na lumalayo ka! Ilang buwan kong tiniis ang panoorin lang ang likod mo kapag natutulog ka!" I panted. "Kaunting pag-intindi?! Leon, ubos na ubos na ako kakaintindi!"

"Kailangan ko lang," hinang-hinang sabi niya.

"Alam ko! Hindi naman kita pinipigilan, ah?!"

"Pero makikipaghiwalay ka sa 'kin . . ."

"Dahil hindi ko kayang mahalin ang taong kayang harapin ang mga taong nanakit sa 'kin!" buong lakas na sigaw ko. "Kaya kung makasarili ako dahil nakikipaghiwalay ako sa 'yo, mas makasarili ka kasi hindi mo iniisip ang mararamdaman ko kapag hindi ko gagawin 'to!"

He didn't move an inch as he watched me sob right in front of him while I tried to catch my breath. Nanaig sa amin ang katahimikan at ang tanging maririnig lang sa loob ng apat na sulok ng kwarto namin ay ang pigil na paghikbi niya at ang sunod-sunod na paghinga ko.

"Ba't kaya mo nang wala ako?" tanong niya. "Bakit ako . . . hindi ko kaya?"

Umiling ako at dumiretso sa mga maleta niya. Hingit ko iyon palabas ng kwarto at naramdaman ko lang ang pagsunod niya habang tinatawag ako.

Itinapon ko ang maleta niya sa sahig.

"Umalis ka na!" sigaw ko. "Bago pa tayo lalong magkasakitan, umalis ka na!"

Kasabay ng pagdampot niya sa mga gamit ay ang pagpasok ko sa kwarto para kunin ang nakahandang jacket niya. I was heavily panting, but all I wanted was for him to leave. Hindi ko na kayang makita siyang umiiyak habang nagmamakaawa sa akin.

Baka . . . pumayag ako. Baka pilitin kong kumbinsihin ang sarili na intindihin siya kahit ang kapalit noon ay ang pagpikit ko sa mga makakatrabaho niya.

Ibinato ko sa maleta niya ang jacket at buong tapang na hinarap siya.

"I love you," buong lambing na sabi niya bago pa ako makapagsalita.

Muling nalaglag ang luha ko. "Tama na!"

Dahan-dahan siyang tumango. "I promised myself that between the two of us, if there's someone who'll walk away, it wouldn't be me . . . but I guess, I couldn't fulfill even that. Sinabi ko ngang hindi kita sasaktan, eh . . . pero pinapaiyak kita ngayon."

He picked up his things. Nabitawan niya pa ang jacket niya kaya sinimot niya ulit iyon.

"Sige na. Aalis na 'ko," sabi niya. "Tumalikod ka na kasi hindi ito ang alaalang gusto kong iwan sa 'yo."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. A part of me wanted to stop him, but a bigger part of me knew that being together wouldn't be good for us. I can't trick myself into thinking that his relationship with my parents won't affect me, and I can't force him to decline the offer because I know how much he needs money.

Unti-unti akong tumalikod sa kanya at nang marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto ay tuluyan akong napaupo.

No, I didn't make the mistake of letting him go.

I made the mistake of loving him . . . because I knew I damaged him as much as he damaged me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro