Chapter 25
Chapter 25
Magkatalikod kaming natulog nang gabing iyon.
I had to cover my mouth as I cried because I was scared I would wake him up. Iyon ang unang beses na hinayaan niyang matapos ang araw na may tampuhan kami . . . at iyon rin ang unang beses na nasabi niyang nahihirapan siyang kapain ako.
Those were just simple words, but they pierced right through my heart.
Pakiramdam ko ay dumadating na ang puntong napapagod ko siya. I had too much going on in my head, and my feelings were all over the place. Ang tapang kong magyaya ng hiwalayan gayong alam kong hindi ko naman kakayanin kapag wala siya.
I really should stop talking when my emotions are bursting at the seams. Wala akong magandang nasasabi. If I want Leon to be patient with me, I shouldn't give him any more reasons to leave.
Maaayos namin 'to. Sigurado ako. We've lived through a lot of hurricanes already. With our love, there's nothing we couldn't conquer.
"What?!"
Ang malakas na sigaw ni Leon ang nakapagpagising sa akin. Pupungas-pungas akong sumandal sa headboard ng kama at tiningnan siya.
Alas kwatro pa lang ng madaling araw iyon. He had his back turned to me and was sitting on the edge of the bed while holding his cellphone up to his ears.
"Nay naman! Ano'ng gagawin ko?" he asked, frustration dripping from his voice. "Kaka-18 lang nila. Puwede na talaga silang makulong!"
Nawala ang antok ko sa narinig.
"Anak, hindi ko nga alam na ganoon ang mga kapatid mo," naiiyak na sagot ni Tita.
Leon brushed his hair angrily, and although I wanted to ask what was going on . . . I felt like I wouldn't be much of a help. Isa pa ay kausap niya si Tita. I don't want to interrupt them.
He took a deep breath. "Nasaan sila? Kakausapin ko."
Hikbi lang ang naisagot ni Tita.
"Nay . . . nasaan sila?" mas madiing tanong niya.
"G-Gusto ko silang itakas, Leon!" tumatangis pa ring sabi ni Tita.
Umiling ang lalaki. "Kapag napatunayang nagdo-droga nga sila, kailangan nilang managot sa batas, nay."
I gasped, drawing Leon's attention to me.
"Kapatid mo sila! Paano mo nasasabi 'yan?!" sigaw ni Tita. "Eighteen lang sila, Leon! Hindi mo ba naiisip kung ano ang mangyayari kapag nakulong sila?! Mawawalan sila ng kinabukasan!"
Huminga siya nang malalim bago tumayo at lumabas ng kwarto. I was left alone there, surprised by what had happened.
Nash and Nathaniel were involved in drugs, and it was possible that they would go to jail.
Dati pa man ay sakit na ng ulo ni Tita Leah ang kambal . . . pero hindi naabot ng isip kong ma-i-involve sila sa droga. Ngayong hindi na sila mga menor de edad ay malaki ang tyansang makulong sila, lalo kung may witnesses.
Hindi na ako nakatulog. I was worried. I waited for Leon to come back so I could ask him what happened, but he never did. Nang mag-alas sais ay saka ako bumangon at naaabutan ko siyang nakasubsob sa mesa, mahigpit ang hawak sa cellphone.
My heart clenched at the sight. He looked . . . helpless.
Lumapit ako sa kanya at humigit ng upuan. Ang pag-ingit noon ang nakapagpaangat ng ulo niya.
His eyes were almost bloodshot, probably because he was crying. There were tears in his cheeks and his lips were quivering.
Hindi ako sanay na makita siyang ganoon. I could feel my heart sinking into my stomach because I knew how much he loved his family.
"M-Mari . . ."
Wala na siyang ibang kailangan pang sabihin. I opened my arms wide and moved closer to him so that I could give him a hug. Mabilis niyang isinubsob ang mukha sa leeg ko at parang bata na tumangis doon.
His cries felt like a chain that was tightening around my throat. Ito ang unang beses na nakita kong umiyak siya. I've seen him in pain, but I've never seen him shed a tear.
Leon has always been a family-oriented man. Si Tita Leah at ang mga kapatid niya ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap. His family was his driving force. Dala na rin ng kahirapan ay nagsipag siya sa layuning matulungan sila.
"Gusto mo bang mag-day off tayo?" mahinang tanong ko habang tinatapik ang likod niya. "Pag-usapan natin tapos mag-isip tayo ng puwedeng solusyon. Gusto mo?"
I was never good with words. I'm not a sweet talker. But at that moment, I meant it. I wanted him to stop crying. I wanted him to be the Leon that I knew — fearless and always logical.
Naramdaman ko ang pagtango niya kaya hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
Wala kaming ibang masasandalan kung hindi ang isa't isa. We were in a foreign country without our friends or family. He was the only person I could talk to about my pain, and I was the only person he could talk to about his.
That day, I made us instant noodles because it was the only thing we had in our apartment, and I didn't want to go get groceries because I didn't want to leave him. Nag-email din ako sa trabaho namin na hindi kami makakapasok.
"Gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kanya.
He didn't eat. Lumamig lang ang noodles dahil wala siyang gana.
"Hinahanap na ng mga pulis ang kambal," hinang-hinang aniya. "May mga nakapagturo sa kanila . . ." His voice trembled as he looked at me. "Mari, ano'ng gagawin ko? Ang bata-bata pa nila . . ."
I didn't know what to say. All I could offer him was my ears.
Hindi ko maintindihan. Here we are, clinging to life by the skin of our teeth, and the money that he sent them was only used to buy illegal drugs? Hindi ba nila naisip na matinding pagpupuyat at pagpapagod ang ginagawa ng kuya nila para lang makapagpadala sa kanila?
"Nakausap mo na ba?" I asked instead.
Dahan-dahan siyang tumango. "Umamin sila sa 'kin."
We fell silent again. What should I tell him? Comforting words or the painful truth? I don't know.
Hindi ako umalis sa tabi niya. He spent that day reading about the law and other related cases. Nakatulog na ako at lahat, nandoon pa rin siya sa gilid, nagbabasa. Magkasalubong ang kilay at malalim ang kunot sa noo.
However, in the days that followed, he burst into tears again because his siblings were sent to prison.
It was the most painful thing to see. Wala akong magawa kung hindi ang yakapin siya at sabihing nandoon ako para makinig sa kanya.
I felt useless. Noong mga panahong ako ang may dinadala ay binuhat niya ang kalahati ng pasanin ko . . . pero ako ay walang maitulong sa kanya. He spent days and weeks talking to his mother and lawyer, but nothing seemed to work out.
Hindi na namin napag-usapan ang napagtalunan dahil naging abala siya sa kaso ng mga kapatid. There were times when I woke up in the middle of the night only to find him smoking in our small kitchen. Titingin lang siya sa akin pero hindi naman siya titigil.
"Mr. Zamora, this is not the way a case analysis should be done! Are you sure you've read this thoroughly?!" our professor shouted.
"Sir, I think mine is worse," I said as I stood up.
"I'm not asking you, Ms. Mendoza!"
He looked at Leon, who seemed out of it as he was just staring at the blank white board.
"Mr. Zamora, are you even paying attention?!"
I wanted to cry. Leon . . . was out of focus. Para siyang walang buhay. Kung hindi ko lang siya naririnig na kausap si Tita Leah ay hindi ko na maririnig ang boses niya.
He doesn't feel like Leon, but I know I have to understand because he is going through hard times.
Para akong may inaalagaang bata. I prepared meals for him. I reminded him that we needed to work or study. I did his assignments because he sometimes forgot to do them. I even did his work in secret because he was so disconnected from reality.
Parang nandito siya . . . pero hindi ko siya kasama.
Hindi niya ako kinakausap. Alam kong hindi niya iyon sinasadya, pero tuwing tinatanong ko siya ay isang tango o iling lang ang isinasagot niya sa akin. Ako rin muna ang nagbayad ng renta namin dahil buo niyang ipinapadala ang sweldo niya sa pamilya.
It was hard. I was barely surviving, too. Pero wala akong dahilan para magreklamo. Leon did this for me when we were in college. Hindi ko siya para pagdamutan.
"I'm glad you turned down the offer because you don't deserve it!" our supervisor yelled at him. "These were due last week, and you were there on your phone?"
It was the lowest point of his life. Siguro ay gusto niyang makasama ang pamilya pero ni wala kaming pambili ng ticket pauwi sa Pilipinas.
In just a snap, my Leon felt different. Lagi siyang tulala, parang walang pake sa lahat. Sa trabaho, sa pag-aaral, sa sarili . . . at sa akin. Para akong hangin na dinadaan-daanan niya lang.
"Happy monthsary," I greeted him first thing in the morning. "I love you. Ano'ng gusto mong iluto ko?"
He stood up, and my arms that were around his body fell to the bed.
"Ikaw ang bahala. Pupunta ako sa bangko ngayon."
Mapait akong napangiti.
"No . . . baby time?" tanong ko.
Napabuga siya ng hangin. "I hope you understand, Mari. My brothers are in jail, and my mom hasn't been taking her medicine because she's so stressed out. No one is looking out for them."
I felt a pang in my chest. I should understand. May pinagdadaanan siya . . . at hindi dapat ako nanggugulo. The last thing I want him to think is that I've made him even more tired.
Pero sa loob ng dalawampu't apat na oras sa isang araw, gaano ba kahirap bigyan ako ng kahit isang minuto lang?
Gaano ba kahirap batiin ako? Sabihing mahal niya rin ako?
Tinutulungan ko naman siya. Ginagawa ko naman ang lahat para gumaan ang mga responsibilidad niya. Bakit naman parang hindi niya na ako nakikita?
It went on for weeks. Siguro nga ay makasarili ako dahil noong mga panahong 'yon, ang nakikita ko lang ay ang paghihirap ko.
Leon and I became so detached from each other that I couldn't remember the last time we slept hugging each other. Parang magkasama lang kami sa iisang bubong dahil kailangan. He felt so distant . . . parang hindi niya na ako mahal.
"Mari, ang payat mo na!" nanlalaki ang mga matang sabi ni Mill nang makita ako sa video chat.
I miss home . . . I miss them. Naging madalang ang pagpapadala ko kay Karsen dahil ubos na ubos din ako rito. All we ate here were frozen food and instant noodles.
"Nasaan si Leon? Aba! Parang hindi ka pinapakain d'yan, ah?!" dagdag pa ni Mill.
Wala sina Karsen at Kat sa tawag na 'yon. Karsen said that she was putting Gayle to sleep while Kat was busy with something.
I tried my best to smile. I'm living my dream . . . right? Amari in a European country working for a well-known company.
"Nagpapahinga sa kwarto," sagot ko sa kaibigan.
Kumunot ang noo niya. "Maputla ka ba o filter 'yan? Sure ka bang wala kang sakit?"
I pouted. "Baka namumuti. Remember . . . nasa Italy ako."
"Ayoko. Ang pangit mo. Mukha kang pagod." Umiling siya. "Magpahinga-pahinga ka d'yan, Amari Sloane. Gisingin mo si Leon at kakausapin ko."
I took a deep breath. I don't want to talk about him.
"Eh, ikaw? Bakit maga ang mata mo?" pag-iiba ko ng topic.
Mukha siyang nagulat sa tanong ko. Napahawak siya sa mata at marahas na kinusot iyon.
"Halata?!" bulaslas niya.
I laughed. "Interesting."
"Gago, wala akong iniyakan! Kadiri!" sigaw niya. "Tagal-tagal na no'n, eh!"
I leaned back in my chair and stared at her. I'm pretty sure she was hiding something. She was talking too quickly and saying things she shouldn't have. In psychology, the Freudian slip.
Kinakabahang tumawa siya. "Saka, jusko! Puyat lang ako, 'no! Pinangarap ko dating maging chinita at ngayon ay mukhang na-a-achieve ko na! Puyat lang pala ang kailangan!"
I squinted. "May boyfriend ka ba, Mill?"
"Wala! Hindi ko naging boyfriend 'yon!"
I crossed my arms. "MU?"
"Hindi rin!" She was panicking.
"Are you okay?" tanong ko.
Her lips quivered. "Sino bang tinutukoy mo?! Wala akong kilalang lalaki! Wala akong kilalang gago at tarantado na sasama sa ibang babae matapos akong putukan ng semilya niya!"
I talked to her about it . . . and surprisingly, she gave me all the details. She even cried while screaming and cursing the guy's name.
Talking to a home friend distracted me for a while. Sa dalawang oras na 'yon, nalimutan ko ang mga responsibilidad ko at ang pagiging hangin sa mga mata ni Leon. I was thinking about doing makeup commissions again to get my finances in order. Baka makapagpadala rin ako kay Tita Leah kung magkakataon.
Kaya lang ay hindi ko alam kung saan ko pa iyon isisingit. Punong-puno na ako ng gawain at kapag nadagdagan pa ay baka dito na ako mamatay.
"Leon . . . may 150-euro ka ba?" tanong ko sa kasintahan nang dumating ang bills namin. "Na-short kasi ako, eh. Kukulangin 'tong pambayad natin sa renta. Nagpadala kasi ako kay Mill. May butas kasi 'yong bubong sa apartment nila, eh, mahirap kapag umuulan. May bata pa naman do'n."
He didn't look at me. Pinanatili niya ang mga mata sa binabasa.
"Sa wallet ko," aniya.
I swallowed hard as I walked over to his wallet on the bed. Binuksan ko iyon at pinigilan ko ang umiyak nang makitang larawan naming dalawa ang nandoon. It was taken during our graduation. Pareho kaming naka-toga at nakangiti na parang walang dinibdib na problema.
I miss him so much that it hurts. Miss ko na 'yong Leon na lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin. 'Yong Leon na mapapansin ang malalaki hanggang pinakamaliliit na pagbabago sa akin. 'Yong Leon na madaldal at malambing. 'Yong Leon na mahal ako.
I know. I know I have to understand him more. Masyado siyang maraming iniisip para problemahin pa ang nararamdaman ko.
I just . . . miss him. Tuwing sinusubukan ko kasing lumapit sa kanya ay natatakot ako. He might turn me down. He might scold me for being so clingy.
Tumikhim ako. "Fifty-euro lang ang nandito . . ."
"Then that's the only money I have, Mari." Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. "Lumalala ang ubo ni nanay. Hindi pa rin tapos ang hinuhulugan ko sa abogado ng kambal."
I nodded. "Okay na 'to!"
Hindi siya sumagot. Ako naman ang nag-volunteer na bayaran muna ang renta. Hindi ako dapat magreklamo. Isa pa, may rason naman siya.
Muli akong tumikhim. "Uhm . . . kumusta si Tita? Ano raw resulta ng check-up niya?"
"Hindi siya nakapagpa-check-up. Kinuha ni Nash ang pera pambili ng drugs," diretsong sagot niya.
"Ahh . . ." Napalunok ako. "Dapat ngayong month, 'yon ang i-prioritize mo. Hindi na bumabata si Tita. Tapos madumi pa sa palengke, 'di ba? Dapat everyday siyang may vitamins."
He nodded, not taking his eyes off the book.
"Eh, ikaw? Kumusta?" pagtatanong ko ulit. "Nahihirapan ka ba sa trabaho? Pinapahirapan ka ba ng bisor natin? Nako! Hayaan mo! May attitude lang talaga 'yon! Mahirap silang i-please . . . matataas ang standards!"
I chuckled, but I felt pathetic afterwards because he didn't even react.
"'Y-Yong prof natin . . . may ipinapagawa, 'di ba? Natapos mo na ba? Gusto mo bang tulungan ki—"
"Nag-aaral ako, Mari. Matagal pa ba 'yan?" pagputol niya sa akin.
My chest tightened. I felt rejected. Pinigilan ko ang mapahawak sa dibdib nang maramdaman ang matinding pagkirot nito.
"A-Ano'ng inaaral mo?" I still asked. "Hindi ba ako puwedeng makisabay? Like the old times?"
I was so stupid. Miss na miss ko na si Leon. He just changed. Hindi ko alam . . . pero hindi ko gusto ang pagbabago niyang 'to. He was so busy with his problems that he forgot about me.
Alam kong maling isipin 'to . . . pero paano ako? Kailan niya ulit ako titingnan? Kailan niya ulit ako ituturing na girlfriend niya?
"Please, I have a lot of things in mind. 'Wag ngayon, Mari."
At that time, I was just thankful that he couldn't hear my selfish thoughts. I'm sure my complaints were the last thing he wanted to think about.
Hindi rin kita susukuan, Leon . . . gaya ng hindi mo pagsuko sa akin.
Mabigat ang loob kong lumabas ng kwarto at pumunta sa maliit naming banyo.
There, I cried like a loser.
Wala pa man ay iniiyakan ko na ang pagkawala ni Leon sa buhay ko. Nakikita ko pa siya, pero hindi na siya maabot ng kamay ko. Para kaming nagkapalit ng posisyon. Ang sabi niya sa akin ay lumalayo ako sa kanya, pero ngayon namang lumapit ako ay tumalikod na siya.
Problems . . . They could really cloud people's minds. Minsan, nakakagawa tayo ng masama kapag marami tayong iniisip. We want an immediate solution, even if that means hurting and disregarding others. Nalilimutan ang prinsipyo at minsan . . . ang pinagsamahan.
Inutang ko kay Shaira ang kulang na pera. She didn't ask much about it . . . kahit pa sinabi kong pambayad lang ng renta. Hindi ko alam kung kailan ko mababayaran sa kanya 'yon. My life here was far from what I imagined.
"Leon, hindi ba puwedeng idagdag na lang natin sa pambayad 'tong ibinibili mo ng yosi?" hindi napigilang tanong ko nang makita ang isang kaha ng sigarilyo sa mesa. "Nagkakaubo na nga si Tita tapos bili ka pa nang bili nito. Hindi mo na inisip na masama rin 'yan sa baga mo."
"Bigay lang 'yan sa 'kin ng katrabaho natin, Mari."
"At tinanggap mo naman? Ilang buwan ka nang walang palya sa paggamit n'yan, ah? Alam ko namang marami kang iniisip pero alagaan mo naman ang sarili mo, Leon."
Tumalikod ako sa kanya, takot na mabasa niya ang sakit sa mata ko.
"Please . . . this is my only way to relieve my stress. Hayaan mo na ako."
Napakasimpleng salita pero para akong nadurog.
"Your only way?" tanong ko, unti-unti nang nanunubig ang mata.
"Mari . . . please."
"M-Mas madalas mo pang makasama 'yang yosi mo kaysa sa 'kin." I took a deep, long breath. "Your only way? Ano palang silbi ko rito? Taga-dagdag ng stress mo?"
"Pagod tayo sa trabaho. Let's not argue about this."
Yumuko ako at hinayaan ang luha na tuluyang bumagsak. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanya. Hindi niya makikita kung gaano ako kahina.
I felt like I was a cloud, just waiting for all of my raindrops to fall to the ground. Punong-puno na ako. Gusto kong iiyak na lahat sa kanya. Gusto kong sampalin siya pabalik sa realidad dahil pakiramdam ko ay nawawala siya sa wisyo. This isn't him. His problems turned him into this . . . but he's not my Leon.
Parang nagpatong-patong ang problema namin. Ni hindi namin napag-usapan ang unang napag-awayan. We didn't have a chance to say sorry to each other for the hurtful things we said. Tapos ngayon, dumagdag pa 'to.
Nandito naman ako, ah? Bakit niya isinasarado ang pinto niya sa 'kin? Sinabi ko namang makikinig ako. Isang daing niya lang, dudulog agad ako. Yayakapin ko rin naman siya kapag hindi niya na kaya. Pero bakit? Bakit parang pawala na?
He taught me to communicate my problems to him, but he couldn't do it himself.
"What's happening to us, Leon?" My voice broke. "A-Akala ko ba mag-uusap kapag may problema?"
"We're too tired, Mari."
"And we can't be each other's rest?" I whispered.
There was a long silence between us. Ang tanging maririnig ay ang mabibigat naming paghinga.
"I'm sorry." Nabasag din ang tinig niya. "Pero sa ngayon . . . hindi tayo ang prioridad ko."
I bit my lower lip to stop a sob from coming out. Fuck! Fuck! I wasn't even asking to be his priority! Tangina! Kahit pangalawa . . . pangatlo . . . o kahit panghuli! Basta isipin niya lang din ako! Kasi napapagod na rin ako! Kasi kaunti na lang, bibitaw na rin ako!
I . . . laughed.
My utmost mask of pain. My ultimate concealer.
"Okay, Leon. Do what you need to do." I smiled despite the tears. "Ako naman ang maghihintay sa 'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro