Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20


Chapter 20

Dedicating this chapter to Chaela, Glaiza, my dINKScord family, Mafel, Winter, Liane, Inksteady Merch, and of course, the rest of my inks, all of whom wished me a happy birthday, sent me letters and gifts, and shared their talents. You made my day extra special. Very much appreciated! Mahal ko kayong lahat!

***

Christmas and the New Year came and went, and I greeted Leon over the phone on both occasions. Naging abala kasi siya sa pagtao sa palengke dahil sa pagdagsa ng mga mamimili kaya hindi na kami nagkaroon ng tyansa na magkita ulit.

He was announced the top 1 of our batch, and it didn't surprise me because I knew he deserved it. I came second. Kinapa ko sa puso ang dating inggit at selos pero wala akong ibang naramdaman kung hindi pagmamalaki para sa kanya.

I felt myself changing . . . or reverting back to my old self. 'Yong Amari na kayang maging masaya sa achievement ng iba. 'Yong Amari na hindi iniisip ang makalamang sa kapwa niya.

I wouldn't lie. The rental payments were still behind me. I know I need to at least find another job. Siguro ay mag-a-apply na lang ako bilang service crew sa isang fast food restaurant o mag-a-apply na canteener sa school namin para kapag wala akong ginagawa ay doon na ang diretso ko.

I got everything ready. My resume and the requirements needed. Hindi ko alam kung paano ko pagsasabayin ang thesis writing namin at pagtatrabaho. Sooner or later, Leon needs to know what's going on. Nahihiya lang ako sa ngayon na magsabi.

"This semester will be the most crucial one for you. Bukod sa thesis ay puro major courses na rin ang i-ta-take n'yo so, mag-expect kayo ng mas mabigat na project. Magkakaroon din kayo ng tri-sem for your clinical internship," saad ni Ms. Lubrica sa klase. "And guys, what you need now is to help each other. Hindi na kayo bata para isumbong pa ng mga ka-partner n'yo na hindi tumutulong. Compromise and work harmoniously. Okay?"

We agreed in chorus. Wala pa man ay kinakabahan na ako sa mga posibleng mangyari. Exams, projects, thesis, reports, and my part-time job . . . how could I do all that?

"Ma'am, kinakabahan si Mari! Naluluha na tuloy agad ako!" pagbasag ni Shaira sa iniisip ko.

I glared at her. "Ako na naman ang nakita mo."

"Kasi naman! Ikaw na 'yan, 'te! Paano pa akong normal na tao lang?!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko at awtomatikong lumipad ang mga mata ko kay Leon. May maliit na ngisi sa labi niya habang pinapanood kami. Nang makitang nakatingin ako ay lumaki ang ngisi niya, dahilan para lalo akong mapasimangot.

"Ma'am, puwede po bang magpapalit ng thesis partner?" tanong naman ni Zoey.

Nanlalaki ang mga matang napatingin si Shaira sa ka-partner.

"Grabe ka manakit, ah!"

Naiiling na lang ako sa kalokohan nila. It was no question. Sila talaga ang pinakamaingay sa classroom. Lalo si Shaira. Unti-unti na ngang nahahawa sa kanya si Zoey.

Nothing much happened the following days except that we were so busy with our thesis that it was difficult for me to take clients. Sa library kami ni Leon madalas gumawa ng thesis pagkatapos ng klase at napagkasunduan naming hanggang alas sinco lang kami lagi ng hapon.

"Bakit ba mag-a-apply ka pa sa canteen? Baka naman mapagod ka nang sobra d'yan," sabi niya, isang hapon habang nagta-tally kami ng scores ng respondents namin.

I pursed my lips and nodded. "Kulang ang kinikita ko lalo ngayong nagthe-thesis tayo. Kakaunti ang kliyenteng natatanggap ko. Eh, kapag naging canteener ako . . . puwedeng kapag walang tao sa canteen, doon ko gagawin 'yong part ko sa thesis natin."

He exhaled. "Hindi ka na nga nakakatulog nang maayos, eh."

"Madaling ibawi ang tulog, Mr. Zamora," nangingiting sabi ko sa kanya. "Pero 'yong pera? Saan ko sisimutin 'yon? Hindi ako puwedeng mag-petiks."

He reached out for my hand and looked at it sadly.

"Kapag nakatapos tayo . . . bumawi ka sa date sa 'kin, ha?" marahang saad niya. "I don't want us to celebrate another monthsary just by greeting each other over a phone call."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi siya demanding. Bilang na bilang sa daliri ang mga lakad namin at kadalasan pa noon ay dito lang din sa school. The best date we had was the one at Benguet. Hindi na iyon nasundan.

"I-plano na natin 'yong susunod nating monthsary. Saan mo gusto?" tanong ko.

Ibinaba niya ang magkahugpong na naming kamay sa ilalim ng mesa kung saan kami gumagawa ng thesis.

"Really? You'll make time?"

I nodded. "Oo naman. Kaya ko na siguro 'yon. Kahit gabi. What do you think?"

Napangiti siya. "Gusto kitang ipakilala kay nanay, eh. Naikukwento naman kita . . . pero syempre, iba pa rin 'yong magkakaharap kayo."

I was surprised for a moment. Gusto niya akong ipakilala sa nanay niya? Sa babaeng mahal na mahal niya? That's . . . heartwarming. Ni hindi ko pa siya nababanggit kina Mill, Kat, at Karsen. Maybe I should start by telling them that I'm in a relationship.

"Uhm . . . masungit ba siya?"

Umiling siya. "Mas masungit ka."

"Whatever, Leon Ysmael," saad ko bago siya pabirong inirapan.

He chuckled as he pressed my hand. "She wants to meet you, too. Sana sa susunod na monthsary natin . . ."

Tumango ako. "I'll surely make time for that."

Ganoon lang lagi ang laman ng pag-uusap namin. Sometimes, I would get comfortable ranting to him about my clients and he would only watch me as if I was saying something really important. Minsan naman ay siya ang magkukwento tungkol sa nanay niya at sa mga kapatid niyang lagi na lang laman ng guidance office. He never told me anything specific about his father, but he did hint that his family fell apart when his siblings turned 5.

Leon had more to him than just a pretty face. Para ngang imposibleng may isang kagaya niya pa. Family oriented, smart, and full of values. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa akin at nagustuhan niya ako. He could have any woman he wanted . . . pero heto at nagtitiis siya sa akin.

To: Mr. Mendoza

Puwede po bang ma-late ng ilang araw ang bayad sa rent? Kahit 3 days lang. Maghihintay lang po ako ng ibang clients na magbabayad sa 'kin.

I texted my father the night before the due. My message was a lie. Wala akong hinihintay na bayad. Kulang lang talaga ang perang pambigay ko. What else could I do? Hindi ko puwedeng sagarin ang sarili dahil magbabayad pa kami ni Leon sa isang statistician.

From: Mr. Mendoza

Give it a day later and you will be taken out of there immediately. Suwerte mo nga at 8k lang. Some people would pay me 10k for it.

Parang pumitik ang sintido ko sa naging reply niya. Gusto kong magalit, pero mas lamang ang pagod na nararamdaman ko na inisip kong huwag na lang pumatol.

From: Mr. Mendoza

And I saw the Dean's list. Second ka ulit? Nagpapabaya ka na talaga.

I closed my phone and went to sit on the sofa to think about what I could do. Ang tanging solusyon ko lang ay mangutang. Kaya lang . . . kanino naman?

My friends have their own expenses, too. Nag-iipon na para sa thesis si Mill ngayon. Si Kat naman, dahil graduating, ay marami ring bayarin. At si Karsen, hindi masyadong malaki ang kita niya sa pagiging tutor at part-time model. May pinagdadaanan pa siya ngayon kaya lalong hindi ko siya maaabala.

Sighing, I went back to our room and picked up my jacket. It was past 12, but money wouldn't just fall from the sky. Hindi puwedeng maghintay na lang ako rito at tumunganga.

"Kat, aalis lang ako saglit," pagpapaalam ko sa kaibigan. Tinapik-tapik ko pa siya para gisingin.

Pumupungas siyang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?"

"May client ako ngayon," pagsisinungaling ko. "Sagot niya na lahat ng gamit kaya hindi na rin naman ako mahihirapan pagdadala."

Umupo siya sa kama at kinusot ang mata. "Gigisingin ko si Mill. Ipapahatid kita."

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. "Hindi na! Puyat din 'yon . . . okay lang. Sanay naman na akong mag-isa sa ganito, 'di ba? May load naman ako. Ite-text ko na lang kayo if ever."

"Sigurado ka ba?" Tumingin siya sa orasan sa cellphone niya. "Hindi ba puwedeng bukas 'yan? Sino bang magpapa-makeup ng ganitong oras? Hindi man lang nila naisip na nagpapahinga ka rin."

Pinabalik ko siya sa paghiga, bahagyang natataranta sa baka hindi niya pagpayag.

"Babalik din ako agad. Promise," sabi ko pa. "Ilang beses nang nangyari 'to, worried ka pa rin."

Kumunot ang noo niya pero dahil marahil sa antok ay hindi na nakipagtalo sa akin. Dinampot ko ang cellphone ko at lumabas ng apartment na tanging 200 pesos lang ang laman ng wallet.

I was planning to borrow money from Zoey, Shaira, or Meg. Kahit tig-iisang libo. Para lang mabayaran ko 'yong renta. Tutubuan ko na lang kung papayag sila. I don't know where I'll get the money, but that's not my priority now. Magsisipag na lang ako lalo. Kukulitin ko ang canteen na tanggapin ang application ko.

I texted Zoey first saying that I'd go to her place right now. Luckily, she was still up. Hindi ko agad sinabi ang rason ko dahil gusto kong sa personal na mangutang. Nahihiya kasi akong sabihin sa text.

Medyo malayo ang kanila kaya may kamahalan din ang pamasahe. Nang matanaw ko ang bahay nila ay nasa labas na siya at tila hinihintay ako.

"Girl, ano'ng problema? Madaling araw na!" nag-aalalang saad niya nang makita ako.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano bubwelo. Hindi ako sanay mangutang dahil kahit kapos ako sa buhay ay pinipilit kong pagkasyahin ang pera ko. Mas sanay pa nga akong magbigay kahit walang-wala na rin. Kaya ngayong ako ang nangangailangan . . . parang ang hirap.

"Zoey kasi . . . ang daming bayarin, 'di ba?" I bit my lower lip as shame flooded my system. "Medyo na-short ako. Baka may ano . . . extra ka. Kahit magkano lang. Tutubuan ko na lang sa 'yo hangga't hindi ako nakakapagbayad."

Mabilis na dumaan ang gulat sa mukha niya. "Bakit? Ang mahal ba ng thesis n'yo?"

"Oo, eh," sabi ko na lang kahit hindi naman iyon ang pangunahing problema ko. "Magbabayad din kasi para sa panel members, 'di ba? Ang hirap i-budget . . ."

Napaisip siya saglit bago dahan-dahang tumango. "Paano kaya, girl? Five hundred lang ang extra ko. Hindi pa naibibigay ang allowance ko for next month, eh."

"Okay na 'yon!" I said eagerly. "Malaking tulong na 'yon!"

"Oh, sige. Hintayin mo 'ko. Kukunin ko lang sa loob."

Hindi rin naman siya nagtagal. Iniabot niya sa akin ang limang daang piso at halos mayakap ko siya sa pasasalamat. Sinabihan niya naman akong mag-ingat sa daan dahil madilim pa ang langit.

Sunod kong pinuntahan si Meg na kasalukuyang gising pa rin dahil nag-e-edit pa siya ng questionnaires para sa thesis nila. Sinabi ko sa kanya ang sinabi ko kay Zoey, pero sa kasamaang-palad ay wala raw siyang maipahihiram sa akin dahil kalalabas lang ng kapatid niya sa ospital.

My last resort now was Shaira. Hindi gaya no'ng dalawa na personal kong pinutahan sa mga bahay nila ay itinext lang ako ni Shaira na magkita kami sa labas ng isang motel. Malapit lang naman iyon sa apartment namin kaya puwedeng maglakad na lang ako pauwi mamaya.

"Queen, dito!" tawag niya sa akin sabay kaway.

Naglakad ako papunta sa puwesto niya, bahagyang natatakot na baka wala rin siyang maipahiram sa akin. Higit dalawang libo pa ang kailangan ko. Kung sakaling hindi ako makapangutang ay wala akong choice kung hindi ang magmakaawa kay Mr. Mendoza. Kung kinakailangang lumuhod sa harapan niya ay gagawin ko. It's easier to do that than to make my friends go through homelessness again.

"Shaira . . . ano'ng ginagawa mo d'yan?" tanong ko nang tuluyang makalapit sa babae.

Kinakabahang tumawa siya. "Sleepover!"

Napangiti lang ako at hindi na siya inusisa.

"Bakit pala?" she asked.

I took a deep breath. Bahala na.

"Manghihiram sana ako . . . kung may extra money ka. Ang daming gastusin ngayon, eh."

Gaya ni Zoey ay mukha rin siyang nagulat.

"Urgent lang talaga. Tutubuan ko na lang kapag hindi ko agad nabayaran."

Umiling siya. "Hindi na! Magkano pa ba ang kailangan mo?"

I made a fist to tell myself I would have to swallow my pride.

"2,500 . . ." Napalunok ako. "Pero kahit magkano lang ang extra mo."

Ngumuso siya. "May 2,500 naman ako, pero nasa bahay. Kailangang-kailangan mo ba ngayon? As in now na? Hindi puwedeng sa Monday para iaabot ko sa 'yo sa klase?"

Umiling ako. "M-May due ako ngayon . . ."

"Ano?" pagtatanong niya.

I chuckled awkwardly. "Ah, sa apartment lang."

"Siya, uuwi muna ako ngayon. Hintayin mo na lang ako rito. Keri ba?"

Nakahinga ako nang maluwag. At least, it was all settled now. Kahit hanggang alas siete ng umaga ako maghintay rito ay walang problema. Basta ba, makapagbayad ako ng renta ngayong araw.

"Salamat, Shai," saad ko. "Wala na lang talaga akong ibang malalapitan."

Tumawa siya. "Okay lang 'yon, ano ka ba! Ano pa at may maganda kang kaibigan, 'di ba?"

With warmth filling my heart, I took a step closer to her and pulled her into a hug. Naramdaman ko ang paninigas niya, marahil ay hindi sanay na ganito ako. Wala . . . I just feel grateful that I have them. They made my college life tolerable. Na kahit hindi ako pinagpala sa pagkakaroon ng pamilya ay nakakita naman ako ng tahanan sa katauhan nila.

Si Kat, Mill, Karsen, Zoey, Meg, at sa kanya. They believed in me when I couldn't even believe in myself. They were there for me when I felt the world was against me.

Pakiramdam ko tuloy, mali ang naging pananaw ko buong buhay ko. I was so busy looking for something that wasn't there and searching for people who were never going to be in my line of sight. Hindi ko man lang napagtanto na maraming taong naniniwala sa akin . . . sa iba lang talaga ako nakatingin.

"Okay ka lang ba?" tanong niya habang tinatapik ang balikat ko. "Hindi ako sanay na may problema ang queen."

My eyes started welling up with tears, but I quickly blinked them away.

"Basta thank you, ha? Babayaran ko rin kapag nakaluwag-luwag na," bulong ko.

Lalayo na sana ako sa pagkakayakap sa kanya nang matanaw ko ang pamilyar na bulto ng lalaki na papalapit sa amin. Mukha rin naman siyang nagulat nang makita ako dahil napatigil ito sa paglalakad.

"Si Thaddeus ba 'yon?" tanong ko sa kaibigan. "Magkasama kayo?"

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin kasabay ng kabado niyang pagtawa. "Hindi kita pauutangin kapag inasar mo 'ko."

Umawang ang bibig ko. "Ba't kayo magkasama sa motel?"

"Kwentuhan lang!" sabay tawa. "Tangina naman kasi. Sinabing 'wag nang lalabas . . ."

Humiwalay siya sa akin at inis na nilingon ang lalaki. Nakanguso namang lumapit ang huli, walang nang nagawa dahil nakita ko na rin naman.

"May 2,500 ka ba d'yan?" tanong ni Shaira kay Thaddeus. "Akin na nga muna. Babayaran ko mamaya pag inihatid mo na 'ko pauwi."

"Nasa kwarto . . ." Namula ang tainga niya nang mapalingon sa akin ngunit agad ding inilipat ang tingin sa babae. "Shai naman. Hindi mo sinabing kasama mo si Mari."

"'Yong 2,500," giit ni Shaira.

"Nasa kwarto nga. Para saan ba?" tanong ni Thaddeus.

Tumikhim ako. "Ah . . . nanghihiram ako."

He nodded and didn't ask any more questions. Bumalik siya sa motel at limang minuto lang ay dala niya na ang perang kailangan ko. I thanked both of them as I bid them goodbye. Hindi na rin ako nag-usisa pa kung ano ang namamagitan sa kanila dahil magsasabi naman si Shaira sa amin kapag gusto niya.

Because of the money I borrowed, I was able to pay our rent.

Gusto kong umiyak dahil ito na ang pinakasukdulan ng paghihirap ko sa pera. Hindi ko na alam ang gagawin ko para makahanap pa ng mga kliyente. Kung puwede lang umabsent ng isang buong linggo para makapag-apply sa mga fast food restaurants ay ginawa ko na. Kaya lang, miski roon ay wala akong oras. Tanging ang application ko lang bilang canteener sa school namin ang naka-prenda.

Kaya naman nang mag-Lunes ay bumisita ako sa canteen para magtanong. Dahil tatao lang naman ako at hindi magluluto, ang alam ko ay 37 pesos per hour ang rate dito . . . likas na mas mababa kumpara sa fast food restaurants. Dito naman kasi ay taga-kuha lang ako ng orders ng bibili. Hindi ako para kumilos sa kitchen.

"Hindi naman kami opening ngayon, Ms. Mendoza," sabi sa akin ng head ng canteen. "Ang dami pa naming service crew tapos inuulan din kami ng scholars. Kung mag-a-apply ka ro'n, aabutin ka ng siyam-siyam bago matanggap."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "Kahit po taga-hugas, ma'am . . ."

"Naku, pasensya na, hija. Hindi talaga namin kayang magdagdag ngayon. Next school year pa ang tapos ng kontrata ng mga trabahante namin. 'Yon, do'n ka namin puwedeng ma-consider lang."

"Wala po?" Dismayadong umiling ako. "Kahit anong posisyon?"

"Wala, eh. Pasensya na talaga. Tawagan ka na lang namin kung meron na."

Bigong-bigo akong umalis sa canteen. Nauna na sa library si Leon pero sinabi ko sa kanyang may bibilhin lang ako sa canteen kahit ang totoo ay kaninang umaga ko pa naiisip ang magtanong tungkol sa trabaho. Ang kaya lang, wala. Hindi para sa 'kin.

Papunta sa library ay lumilipad ang utak ko. Kailangan ko na ulit magsimulang mag-ipon para sa pambayad sa renta tapos babayaran ko pa ang mga kaibigan ko. Kailangan ko rin ng panggastos sa thesis at pang-ambag sa groceries namin. Paubos na ang ipon ko. Kapag sinagad ko ang sarili ay walang matitira sa emergency savings ko.

My body was tired. Matagal ko nang iniinda ang sakit ng likuran ko na kailanman ay hindi ko naipahinga nang maayos. Ang bigat kasi lagi ng mga dala kong gamit kapag may makeup session ako. Bukod pa roon ay hindi naman ako nakakatulog nang maayos kaiisip kung saan ako kukuha ng pera.

Being poor is hard, but that statement is often taken too lightly. Kasi gamit na gamit na. Kasi parang lahat ng tao ngayon, kapos na. Parang wala nang bigat ang pagiging mahirap.

But then, people won't understand how much poverty can change a person's life until they have to count every peso to make sure they have enough for a fare, until they are willing to choke down their pride just to get by . . . until they have to work nonstop and still don't make enough money.

I couldn't even say I was still lucky to have enough food to eat because, for fuck's sake, that was a basic necessity that no one should be deprived of!

"May problema ba?" tanong ni Leon sa akin matapos naming ipasa sa statistician ang data namin.

I forced a smile as I shook my head. "Wala . . . bakit mo naman iisipin 'yan?"

"Ilang araw ka nang tahimik, eh. Pagod ka? You want to rest?" He patted my head softly. "Sabihin mo lang sa 'kin kapag may problema, ha? I'll help you in the best way I can."

"Bakit mo ba laging iniisip na pagod ako? Haggard ba 'ko?" pagbibiro ko.

From my head, his hand went down to my cheek and poked it. "You will never look haggard in my eyes."

I pouted. "Eh, sa mata ng iba?"

"Who cares about them?" He chuckled. "Tara, iuuwi na kita. May client ka ngayong hapon, 'di ba? Debutant?"

I felt tired just thinking about it, but I nodded. Magkahawak-kamay kaming umalis ng school. Isang oras lang akong gumawa ng mga assignment ko bago naghanda sa pagpunta sa kliyente ko.

Pakiramdam ko ay susukuan na ako ng katawan ko. Some days, I'd feel like throwing up, but nothing would come out. Kapag ganoon ay umiinom lang ako ng tubig at gamot dahil hindi ko naman puwedeng ipahinga agad ang pagod. Ipinagpasalamat ko na lang na madaling pakisamahan ang kliyente ko ngayon. Nagbigay pa siya ng 200 pesos na pamasahe ko kaya tuwang-tuwa ako.

Mas mapapadali sana ang trabaho ko kung may locker ako sa school. Puwedeng doon ko itambak ang mga gamit ko para hindi na ako pabalik-balik sa apartment kapag may kliyente ako.

I forced myself to work too hard, even if I often felt that I was going to collapse.

So, on Leon and I's monthsary, I wasn't too surprised when I woke up with a high fever.

Naka-attend pa rin naman ako sa klase. Nag-jacket lang ako at nag-face mask para walang makapansin ng pamumutla ko. Maya't maya ang pagbaling sa akin ni Leon, pero itinext ko lang siya na saka na kami mag-usap kapag nasa bahay na nila kami. Ayoko namang i-delay pa 'to dahil nangako ako sa kanya.

Gusto kong iiyak ang pagod at sakit ng katawan . . . pero wala akong magawa. Laging gusto ko lang, pero hindi naman ako makahanap ng oras para gawin 'yon.

They said time is a concept and that 24 hours is long enough to make a day, but not for me.

Dahil ayokong ipaalam kay Leon na nilalagnat ako ay hindi ako nagpahawak sa kanya. Ni hindi ko hinayaang magdikit ang balat namin. On the way to their house, the cold was getting to me so much that my hands were shaking. Hindi ko tuloy alam kung mabuti bang pa-gabi na. Lalo kasi akong nanlalamig.

"You're avoiding me all day long, Amari," puna ni Leon habang naglalakad kami papunta sa kanila. "May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?"

Umiling ako. "Wala, Leon . . . kinakabahan lang ako kasi makikilala ko na ang nanay mo."

"Why do you sound different? Okay ka lang ba?"

Akmang ilalapat niya ang kamay sa noo ko nang umilag ako.

"May sipon lang, pero okay ako," sagot ko.

He seemed disappointed that I avoided his touch, but he only sighed and nodded.

"Ayaw mong magpahawak?"

"Hindi naman sa gano'n. Mamaya na lang kapag tayo na lang dalawa, hmm?"

Muli siyang nagbuntong-hininga. "Kung saan ka komportable."

Pakiramdam ko ay nagtampo siya dahil doon. Nahiya tuloy ako. Monthsary namin tapos baka iniisip niyang ginagalit ko siya. Wala na nga akong regalo tapos hindi ko pa siya mapahawak sa 'kin. Ayoko lang namang pauwiin niya ako kapag nalaman niyang may lagnat ako.

When we reached their home, I was greeted by his mom. Pasasalamat kong hindi bumeso o yumakap sa akin ang ginang dahil siguradong mararamdaman niya ang init ng katawan ko. She only smiled at me and tapped my shoulder gently.

"Ikaw si Mendoza, 'di ba?" malambing na tanong nito. "Ang tagal ka nang naikukwento ni Leon. Mabuti na lang at pumasa na sa 'yo ang anak ko."

"Nay . . ." suway ng lalaki.

Sa likod ng face mask ay napangiti ako. "Madalas din po kayong ma-kwento ni Leon."

Kumunot ang noo niya. "May sipon ka? Sakto at may herbal tea ako d'yan. Paiinumin kita mamaya."

Tumango ako. "Salamat po, ma'am."

"Tita na lang. Tita Leah." She gave me a warm smile. "Wala 'yong kambal. Pinatao ko saglit sa palengke. Nakilala mo naman sila, 'di ba?"

"Opo," sagot ko.

"O siya, kumain na tayo. Hindi ko na kayo aabalahin nang husto dahil isasara ko pa ang palengke at alam kong magce-celebrate din kayo ng anniversary n'yo . . ."

"Monthsary pa lang, nay," natatawang sabi ni Leon bago hinalikan ang tuktok ng ulo ng ina. "Hindi ko pa kayo naipapakilala, ang dami mo na agad nasabi sa girlfriend ko."

"Ano ka ba! Ang tagal kong hinintay na magpakilala ka ng babae, 'no!" rinig kong sagot nito. "Bukambibig mo na 'yang si Mendoza simula first year ka. Hindi mo na kailangang ipakilala sa 'kin."

Muli akong napangiti sa lambingan ng mag-ina. Hawig siya ni Leon sa mata. Parehas itim at mapungay. Kung totoong ikinukwento na ako ni Leon sa kanya simula first year . . . ano naman kayang madalas sabihin niya? Hindi naman siguro inis dahil lagi ko siyang nilalabanan sa debates?

I tried to chuckle at my own thoughts, but my temples throbbed in pain.

"Halika na . . ." yaya ni Leon, bahid pa rin ang pagtatampo sa mukha.

"Susunod ako," sagot ko.

Tumango lang siya.

Nang mawala siya sa paningin ko ay agad kong tinanggal ang face mask at nag-apply ng pulang liptint para hindi ako magmukhang maputla. Naglagay na rin ako ng pressed powder para umayos ang itsura ko. When I was done, I followed them to the dining room.

Dalawang putahe ang nandoon — pakbet at kare-kare. Personal daw iyong hiniling ni Leon dahil alam niyang gusto ko.

"Sayang at hindi ako makakapagtagal. Sana kapag may oras ay makabisita ka ulit dito sa amin," sabi ng ginang habang ipinaglalagay kami ni Leon ng pagkain sa pinggan.

I couldn't focus. Hindi ko alam kung paano ako kakain gayong wala akong kagana-gana.

"Susubukan ko po, tita," mahinang sagot ko. "Nagthe-thesis naman po kami ni Leon. Mapapadalas po ang pagsasama namin . . ."

She smiled. "Naku, mabuti talaga at naging boyfriend mo na ang anak ko. Akala ko ay busted na. Ang tagal kong inaasar."

Pinilit kong makatawa. "Wala naman pong bubusted kay Leon."

"Nakakatuwa. Nabanggit niyang lagi ka rin daw top 1? Mukhang maraming matututunan ang batang 'to sa 'yo," sabay gulo sa buhok ng anak.

It was just an ordinary meal . . . only that I had a hard time eating.

Unlike Leon, his mom was talkative and full of energy given her age and despite being busy. She looked simple. Naka-maong na tokong at t-shirt lang. Sa baywang naman ay nakatali ang apron na nakatupi. Kung ibang araw lang ay nakadaldal din ako nang husto. Kaya lang, pinanlalabanan ko nang husto ang sakit ng ulo at katawan ko.

Even though I wanted to throw up all the food I had eaten, I still smiled as Leon and I took Tita Leah to the tricycle stop. Wala ulit kaming imikan pabalik sa bahay nila kaya alam kong nagtatampo talaga siya sa akin.

We still proceeded to his treehouse. Ibinalik ko ang face mask ko at pasasalamat ko na lang na makapal ang jacket na suot ko. I would just greet Leon a heartful happy monthsary and I'd be okay.

Nauna siyang umakyat sa treehouse. Inilahad naman niya ang kamay para alalayan ako at hindi ako nagdalawang isip na kunin iyon. Nang tuluyang makaakyat ay sinubukan kong bawiin ang kamay sa kanya pero hindi niya iyon pinakawalan.

When I looked at his face, I realized that he probably had noticed that my hand was hot. I tried again to take it away from him, but he held on to it even tighter.

"Leon . . ." kinakabahang tawag ko sa kanya.

Hindi niya pinansin ang pagdaing ko. Instead, he pulled me toward him and put his hand on my forehead.

"Nilalagnat ka!" rinig ko ang pagpipigil niya.

I attempted to get away from him, but he reached out and put his hand on my neck. He muttered curses as he set me down to sit. Dali-dali niyang kinuha ang kumot niya at binalot iyon sa akin.

"Amari, ang init mo . . ." Halo-halong emosyon sa tinig niya. "Ba't hindi mo naman sinabi?"

Hindi pa ako nakakasagot ay pumunta na siya sa bintana at pumindot sa cellphone niya.

"Nay, nasa palengke ka na ba? Pauwiin mo nga rito si Nash. Pabilhin mo ng gamot . . . ang taas ng lagnat ni Amari, eh," mabilis na sabi niya. "Kumuha pati ng towel at tubig para mapunasan ko. Sabi na, eh. Maputla, eh!"

A tear rolled down my cheek when I heard how worried he was. At that time, I felt so worthless for being so sick on our special day. Wala na nga akong naibigay sa kanya, magpapaalaga pa ako.

"Bilisan, please . . ." puno ng pag-aalalang sabi niya. "Pati kutson. Pag-usungan nila ni Nathaniel. Hindi ko maiiwan si Amari dito."

I covered my face when I couldn't stop crying. Iyong iyak ng pagod, sakit ng ulo at katawan, at takot na hindi ko mapasaya si Leon, pakiramdam ko ay iniiyak kong lahat. I could feel my shoulders moving because I had been crying so much. I felt so bad that Leon had to deal with all my bullshit.

"Ano'ng masakit?" pagdalo naman niya sa akin.

Lumuhod siya sa harap ko at pinalis ang luha ko.

"I-I'm sorry, ngayon pa talaga ako nagkasakit," hikbi ko, ang mga kamay ay nakatakip pa rin sa mukha. "H-Hindi ko sinasadyang magkasakit ngayon, Leon . . . S-Sorry."

I was bracing myself for an outburst, but instead, I felt his arms wrapping around my body, sharing some of his warmth with me and soothing the center of my being.

"Sorry pinaglakad pa kita . . ." mahinang sabi niya. "I should have listened to my instincts that you were pale. I'm sorry for being insensitive, baby. Please stop crying. Hindi mo kasalanan 'to . . ."

Umiling ako. "M-Monthsary natin ngayon. Dapat masaya tayo . . ."

"As long as you're healthy . . ." he muttered. "Why do you need to overwork yourself? Hmm?"

His voice was comforting me, relieving my every nerve.

"Kailangan, eh . . ." paghikbi ko pa. "A-Ang dami kong bayarin, Leon."

"Bakit hindi ka nagsasabi sa 'kin?" malambing pa rin na tanong niya, para bang takot na lalo akong umiyak. "Lagi mong sinasabing okay ka. Paano kita matutulungan?"

Umiling ako. "This is my problem, Leon. May sarili ka ring dinadala. Hindi tamang ipabuhat ko sa 'yo 'to."

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko at maya maya'y pagpatak ng halik sa noo ko. He cupped my face and removed my face mask. Pinalis niya ang mga natitirang luha sa mukha ko at nginitian ako.

"Hindi ko naman bubuhatin lahat . . . tutulungan lang kitang magdala para hindi sobrang mabigat," aniya. "I'm your partner. Hindi lang sa saya. I'm with you even on your most painful days."

Muling naglaglagan ang mga luha ko. "H-Hirap na hirap na ako, Leon . . . hirap na hirap na ako."

Hinahabol ng mga daliri niya ang pumapatak na luha ko kaya lalo akong naging emosyonal.

"T-Tinakwil na ako ni M-Mr. Mendoza . . ." mahinang sabi ko, hindi sigurado kung naiintindihan niya pa ako. "Leon, wala na akong tatay . . . wala na akong aasahang maging tatay."

My vision was growing hazy, but I could still see him gazing down at me while gently caressing my cheeks.

"Kanya 'yong apartment na tinutuluyan namin . . . at kapalit ng pagtira do'n, Leon, kailangan kong maging top student," I confessed, my voice breaking. "T-Tuwing mas mataas ang score mo sa 'kin, tuwing mas magaling ka sa 'kin . . . sinasabi niyang nagpapabaya ako. Sinasabi niyang hindi ako nag-aaral nang mabuti."

He pressed my head against his chest and embraced me.

"L-Leon, I'm sorry . . . ikaw ang naghirap sa kagustuhan kong maabot ang kondisyon ng tatay ko . . . sorry. H-Hindi valid reason, at wala akong excuse para do'n . . . kaya sorry. You don't deserve my hatred and petty arguments."

Hinaplos niya nang paulit-ulit ang likuran ko.

"Ako na ang nagbabayad ng renta namin ngayon . . . kasi pinapabayaran ni Mr. Mendoza. K-Kaya ako kumakayod nang doble . . . kasi ambigat-bigat ng walong libo kada buwan. May utang pa ako sa mga kaibigan ko." Patuloy ang paghikbi ko. "I'm overworking myself not because I want to . . . but because I have no other choice, Leon. Sana pinilit kong hindi magkasakit ngayon. P-Pasensya na."

"Shh . . ." he hushed me. "We'll talk after you take your meds, hmm? Baka mapagod ang boses ng mahal ko. Please don't cry too much . . ."

Pinatahan niya lang ako hanggang sa dumating ang mga kapatid niya. Naging mabilis ang mga pangyayari dahil natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahiga sa malambot na kutson.

Leon told me to drink the medicine before I closed my eyes to rest. Before I fell asleep completely, I felt a damp cloth wiping across my face and neck.

Hindi ko alam kung gaano katagal pero nang magising ako ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Leon had his arms around me, and my face was against his chest. Ito ang unang beses na nagtabi kami sa kama . . . at hindi ko inaasahang kaya ko palang gumising nang maluwag ang dibdib kahit na kumikirot ang ilang parte ng katawan ko.

Naramdaman niya sigurong nagising ako dahil hinaplos niya ang likuran ko.

"Tutulungan kita sa bayarin mo, ha?" panimula niya.

"Leo—"

"Shh . . . kaya ko naman, eh. Ako na ang magluluto lagi ng lunch natin para hindi ka na gumagastos, tapos ako na rin muna ang magbabayad sa statistician para mabayaran mo 'yong utang mo, okay?"

I knew I was starting to get emotional again because I could feel another batch of tears forming in my eyes.

"Kaya kong mag-ambag ng dalawa hanggang tatlong libo buwan-buwan. Tapos puwede nating ipagbenta 'yong mga libro ko para may ipon tayo . . . ano sa tingin mo?"

"Leon naman, eh . . ." My voice cracked. "K-Kailangan mo rin 'yon dito sa inyo . . ."

"We can still manage our finances. Hindi malaki ang kuryente namin dahil dalawang electric fan lang naman ang gumagana, isang TV, isang ref, at iilang ilaw," aniya. "Hindi rin malaki ang bill namin ng tubig . . . at kayang-kaya 'yon ng kinikita ni nanay. May naiipon naman ako buwan-buwan. Hangga't nand'yan kayo sa apartment, tutulong akong magbigay sa 'yo."

Lalo kong inilapit ang mukha ko sa dibdib niya at doon tuluyang napahikbi. How can he be so selfless? I'm not the easiest person to love . . . to be with. I'd shown him my bad sides. I'd handed him the possible mistakes I could still make in the future.

Still, he stayed. Still, he held my hand and continued to build his world with me.

"Kapag naibenta na natin 'yong mga libro ko, mag-avail tayo ng locker, gusto mo? Para doon mo na lang iiwan ang gamit mo." He exhaled deeply. "I noticed that you have a few muscle cramps on your back. Nakapa ko kanina. Hindi magandang ipilit mo sa katawan mo ang bigat ng mga binibitbit mo, Amari. Baka lalo kang magkasakit."

"S-Sorry, Leon . . ."

"Magpapagaling ka, ha? And how many times do I need to tell you? I'm here. Kahit kaunting sakit, sabihin mo sa 'kin. You don't have to go through much because you can always share your pain with me."

Tumango ako. "A-Ayokong umuwi. Mag-aalala lang sila sa 'kin. Ayokong makaabala, Leon . . ."

"Tell me who to text and what to say. I'll do it for you. You can stay the night. Aalagaan kita para makapagpahinga ka."

"Gamitin mo ang cellphone ko. I-text mo si Kat na hindi ako makakauwi dahil gagawa tayo ng thesis," bulong ko. "I-I'm sorry, Leon. Monthsary natin tapos ganito ako . . ."

Inilayo niya ako sa kanya at nang bumaba ang mukha niya sa akin ay awtomatikong pumikit ako. He gave my lips a peck and looked at me with so much adoration in his eyes.

"I love you," he said.

My lips quivered.

"Don't feel guilty just because I'm taking care of you." Hinaplos niya ang pisngi ko at marahang ngumiti sa akin. "Natural 'to kapag nagmamahal ka."

Nanubig muli ang mga mata ko. Sa harapan niya lang ako umiyak nang ganito. No embarrassment. No pretensions. Just me, showing him my vulnerable side, and him, giving it a shelter.

And so, with my remaining strength, I said it back.

"Mahal din kita, Leon. Mahal na mahal . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro