Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19


Chapter 19

Dedicating this chapter to my angel baby, Dei (@deilydose). Thank you for always being so patient with me. I really appreciate how you worked everything out for me. I love you!

***

We wouldn't have stopped kissing if I hadn't realized that we were in a public place. Dahan-dahan kong tinulak ang mga balikat niya at sinalubong ang namumungay niyang mata.

"B-Baka hinahanap na tayo . . ." I said, still intoxicated with the kisses he gave me.

Isang beses pa niyang inilagay ang mga hibla ng buhok ko sa likuran ng tainga ko bago ako pinatayo. Isinuot niya ang salamin at walang kahirap-hirap na tumayo rin. Parang hindi man lang nangalay sa pag-upo ko sa hita niya.

"Magbibihis muna ako," marahang sabi niya.

Tumikhim ako. "Ano ba kasing nangyari d'yan sa sugat mo?"

My heart was pounding in my chest but I made my voice sound like I wasn't nervous at all. Ang mata ko ay nakatutok lang sa dulo ng sando niya, hindi magawang makapag-angat ng tingin sa mukha niya.

I'm afraid he'd make fun of me. Ako ang naunang humalik sa kanya. He must be thinking that I kiss people whenever I feel like it!

"Bumigay 'yong bolster ng kutsilyo. Humiwalay 'yong handle sa blade mismo . . ." sagot niya habang humahakbang palapit sa akin.

He lifted my chin and made our eyes come into contact.

"Selos na selos ako sa inyo ni Paolo na hindi ko napansing may nakaangat na sanga sa pinuputol kong kahoy," aniya. "Ewan. May it be the knife or the wood, I don't know. Hindi ako sigurado kung ano ang eksaktong nangyari dahil nagseselos ako . . ."

I felt my blood rushing through my veins when his eyes grew darker.

"Balik na tayo. We'll talk after we get our heads straight, hmm?" he asked gently, contrasting his look.

Lumunok ako. "Why . . . not now?"

He shook his head as he let out a chuckle.

"Your lips are all I could think of. Baka hindi ako tumigil sa paghalik sa 'yo."

"Leon!" nag-iinit ang mukhang suway ko sa kanya.

Muli siyang tumawa. "Sige na. Pumunta ka na sa mga kagrupo natin. I'll change."

After that, everything was a blur.

Hindi ko alam kung paano kami nakabalik sa mga kagrupo namin. Hindi ko rin alam kung paano ako nakipagsabayan sa tawanan nila na parang hindi ko iniisip ang mga salitang nasabi at halik na napagsaluhan namin.

I'm not sure if anyone noticed us. Buong gabi, kasabay ng pagkanta at palitan ng kwentuhan ay nakatago ang magkahugpong na kamay namin ni Leon. Sa ilalim ng kinuha niyang hoodie nang pabilog nang nakaupo ang lahat, sa ilalim ng mesa kung saan kami naghapunan, at minsan, kapag nakatayo kami, ay sa likuran namin.

Ang grupo pa rin namin ang tinanghal na panalo kahit na may minus points kami dahil sa paggamit ng kutsilyo. It was owned by our game master, who placed it near the lake as a mark in one of our earlier games. Palatandaan daw iyon ng mga facilitator para malaman kung doon ba ang tamang puwesto para sa team building.

"Hindi ka inaantok?" mahinang tanong niya.

Sakay na kami ng bus pabalik sa school. Aside from Leon tailing me around like a puppy, I don't remember anything related to the camp. Hindi rin kasi maalis sa utak ko ang halikan namin. I felt like I would lose my mind any minute.

Nag-request din si Leon kay Ms. Lubrica na sa tabi ng bintana ako paupuin. Siya pa rin naman ang katabi ko. 'Yon nga lang, wala na sa paligid namin si Paolo.

I shook my head in response to his question.

"Ikaw?" I asked back. "Malayo pa tayo. Matulog ka muna."

Umiling din siya habang dahan-dahang dumudulas ang kamay sa tuhod ko. Thank goodness I'm wearing jeans. Kung hindi ay siguradong mawawala ako sa wisyo. The warmth of his palm could easily penetrate into my being. Paano pa kung exposed ang hita ko?

"Hindi naman ako makakatulog, eh," sagot niya.

"Bakit naman?"

He took a few deep breaths and leaned back in his chair. Ipinikit niya ang mga mata bago umalpas ang maliit na ngiti sa labi.

"I'm too happy."

Warmth illuminated my heart right away. Matapos ang maikling pag-uusap namin kahapon ay napansin ko ang gaan ng awra niya. He seemed . . . carefree. Hindi ko naman masabing dahil iyon sa akin dahil ayokong isiping may ganoong akong epekto sa kanya.

We have a lot to talk about. My insecurities about him, my father's conditions on me, and our . . . label? Kung ano kami talaga? Hindi ko alam. For me, after the kiss, I think we're together. Pero syempre, hindi ko naman puwedeng asahang ganoon din ang tingin niya.

I cleared my throat, drawing his attention to me.

"Nauuhaw ka?" he asked, his eyes fixed on me.

Umiling ako. "I'm . . . thinking."

"Of?"

Huminga ako nang malalim at ibinaling ang katawan sa kanya.

"Us," sagot ko. "I'm thinking of us, Leon," pagkaklaro ko pa.

Fear flashed across his eyes for a split second. Unti-unti niyang tinanggal ang kamay niya sa tuhod ko at umayos ng upo.

"Let's hear it," he managed to say.

Ikinunot ko ang noo. "Ba't mo inalis ang kamay mo?"

He looked surprised but slowly put his hand back on my knee.

"Akala ko lang ayaw mo," sagot niya. "Saka para makapag-concentrate ka."

Mahina ang boses naming dalawa, takot na marinig kami ng mga kasama namin sa bus.

"Sinabi ko bang tanggalin mo?" pagtataray ko.

Nangingiting umiling siya.

"And what? Para makapa-concentrate? Kahit saang parte ng katawan ko nakalagay ang kamay mo, kaya kong mag-focus."

Lalong lumawak ang ngiti niya na para bang aliw na aliw siya sa nangyayari.

"Looks like I'll need to have a lot of patience in this relationship," he joked.

Umirap ako at bumalik na lang sa pagsandal. Gusto ko pa naman sanang itanong sa kanya kung ano ang label namin! Kaso, mukhang malayo naman siya sa pagseseryoso.

I heard him chuckle. "Shut up, Leon."

"Make me."

I groaned in frustration.

Natatawang sumiksik siya sa leeg ko at marahang hinalikan ang panga ko.

"Sungit ng girlfriend ko."

Natigilan ako.

"Girlfriend?" I asked, heart was pounding heavily against my chest.

He nodded with his face still on my neck. "Kung gusto mo lang syempre. I can still wait."

"Hindi ka ba nabibilisan?" mahinang tanong ko.

His warm breath was hitting the sensitive spot in my neck, but that was the least of my concern now!

"I've liked you since the first day you walked into our class," bulong niya. "Mabagal pa lahat ng 'to sa 'kin."

I was so happy that my heart hurt from all the happiness.

"Really? Gusto mo na 'ko simula first year?"

Muli siyang tumango. Inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko at inilipat ang kamay niya sa kamay ko.

"Sinong hindi?"

"Marami," sagot ko. "Saka, hindi mo naman ako pinapansin. How would I know you like me?"

He heaved a sigh. "You're so clueless."

"Totoo naman," giit ko.

"Ikaw ang hindi pumapansin sa 'kin." May bahid ng pagtatampo ang boses niya. "If I didn't recite in class, you wouldn't even know I was existing."

Listening to him, I realized that nobody has ever made me feel this way before — visible and valued. Nang mga oras na 'yon, ni hindi ko na naisip na baka mapalingon sa amin ang mga kaklase naming nakaupo lang sa kabilang seat.

Buong buhay ko, paulit-ulit akong akong kumatok sa maling bahay, umaasang may magbubukas ng pinto para sa 'kin.

If it rained, I'd be soaked, and if it were sunny, I'd get too hot.

Sometimes, people would look at me strangely because I was still waiting like a fool, yearning to be embraced and held on the roof. They'd find me weird for wanting my father's recognition and staying with my ex-boyfriend for quite a while.

"November 18 . . ." bulong ko.

"Hmm?"

"That's our anniversary, Zamora."

Kay Leon, napagtanto kong hindi ko naman pala kailangang kumatok. Hindi ko kailangang maghintay na pagbuksan. Hindi ko kailangang mabasa at maarawan.

Kasi may susi ako. I would walk in the door, be myself, and he would immediately greet me with a hug.

That's how he makes me feel — secure and at home.

"Congrats sa successful na title defense! See you next semester!" pagbati ni Ms. Lubrica sa amin matapos ang grade giving sa title defense.

I smiled to myself.

Totoo talaga 'yong sinasabi nilang kapag nagsasaya ka, ang mga linggo at araw ay parang lumilipad lang. Matapos ang camp namin ay nagbago ang lahat sa pagitan namin ni Leon. We didn't keep our relationship a secret, but we did make efforts to protect our privacy.

Hatid-sundo niya ulit ako. Sa school at sa trabaho. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang pagbabayad ko ng renta at ang kondisyon sa akin ng tatay ko dahil ayokong ulanin agad siya ng problema ko.

We had just started dating, and I really wanted this to be one of the most memorable times in both of our lives.

Lagi rin siyang nagdadala ng packed lunch para sa amin. Minsan ay sumasabay siya sa pagkain namin nina Shaira dahil kasama niya rin naman si Thaddeus. Minsan naman ay kaming dalawa lang. I'm sure that our friends have an idea that we're together. Hindi lang talaga sila nagtatanong.

"May gagawin ka bukas?" he asked over a phone call.

It was late at night, and he was in his treehouse while I was standing outside our apartment. Nang makita kong tumatawag siya kanina ay lumabas talaga ako dahil mahimbing na ang tulog ni Kat sa kwarto namin.

My first and second rent payments went through fine, but I needed to buy some new cosmetics soon. Paubos na kasi ang mga ginagamit ko.

"Isang client lang. 2 a.m.," sagot ko kay Leon. "Tumal ngayon, eh. Wala masyadong events. 'Yong mamake-upan ko, may sunrise photoshoot lang."

"Puwedeng sumama?"

I pouted. "Akala ko ba ay paakyat ka ng Benguet? Hindi ka tuloy?"

"Tuloy. Pero mamaya 4 a.m. pa naman ang alis ko."

"Mapupuyat ka lang."

I heard him sigh. "Ang tagal na nating hindi nagkikita, Mendoza."

Sumimangot ako. "Dalawang linggo pa lang ang sembreak!"

"Exactly," he insisted. "We haven't seen each other for two weeks, and I miss you."

Nag-init ang mukha ko. Araw-araw kaming magkausap. Gusto ko rin siyang makita pero natatakot akong baka magsawa siya sa akin. Sembreaks were the only time we couldn't see each other. Kahit noong mga nagdaang taon.

"Plus, I want to see how my girl does her work," aniya pa. "Bawal?"

"Mapupuyat ka nga."

"Mapupuyat din naman ako kakaisip sa 'yo. What's the difference?"

I bit my lower lip to stop a smile. "Napakaharot mo!"

He chuckled. "See you later. I'll pick you up, hmm?"

"Oo na," kunwaring pagsuko ko.

There was a moment of silence before he spoke again.

"I'm not lying. I really miss you."

Between the two of us, Leon was more vocal and expressive. He was clingy, and I often caught him looking out for me. Kapag alam niyang wala akong tulog ay hinihiram niya ang neck pillow ni Ms. Lubrica sa faculty room. Lagi niya rin akong pinagbubuhat ng bag dahil alam niya raw na masakit ang likuran ko. He was thoughtful and considerate. Parang ang hirap laging tumbasan.

I'm doing my best to keep up with him. Kasagsagan ng practice namin sa title defense ay naging abala siya sa commissions niya kaya iginawa ko siya ng outline ng manuscript namin. Minsan, nag-vo-volunteer akong magluto para sa amin dahil hindi naman puwedeng siya na lang nang siya ang gumagastos. We're both working students. We have bills to pay.

Sa kanto ko siya naabutan, ala una y media ng madaling araw. Naka-gray na T-shirt at itim na pantalon. Nakasandal siya sa poste ng ilaw, nakayuko, at nilalaro ang luma na ring puting rubber shoes.

Gusto pa akong samahan ni Mill kanina pero tumanggi ako dahil may kasama naman ako. Only that I didn't say that to her. Pinayuhan ko lang siyang magpahinga. Mabuti at hindi naman siya nagpumilit.

"Hi," I greeted him.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at lumapat ang ngiti sa labi niya nang tuluyang makita ako. He stood up straight, moved toward me, and kissed the top of my head.

"Okay na 'ko," sabi niya,

Tumawa ako. "Kanina ka pa?"

Kinuha niya ang mga gamit sa kamay ko pero nagpumilit akong bitbitin ang ring light dahil magaan lang naman 'yon. I didn't know how strong his left hand was because he was still managed hold my hand in his right.

"Ten minutes," sagot niya.

I narrowed my eyes on him. "Talaga?"

Nagbuntong-hininga siya. "Thirty, actually."

Nginusuan ko lang siya. He said he was excited to see me, but I don't know why he had to wait that long! May pinag-usapan naman kaming oras!

Mabuti at mabilis kaming nakasakay ng jeep kahit madaling araw pa lang. Kami lang ang laman noon kaya nagawa niya pang itali ang buhok ko para hindi raw liparin ng hangin. I just let him. Nasasanay naman na ang katawan ko sa kanya.

"Patulungin mo kasi ang mga kapatid mo," sabi ko nang maikwento niya ang pag-ubo-ubo ng nanay niya. "At that age, dapat hindi na nila iniaasa sa inyo ang paglilinis ng bahay. Hindi naman pabata ang nanay mo. She shouldn't worry about the household chores."

"I know," he said. "Pinagsasabihan ko naman sila minsan. Matigas lang talaga ang ulo nila kaya ako na ang gumagawa." Umiling siya. "I don't have enough time to keep bugging them. Inililinis ko na lang 'yong oras."

I pursed my lips. Kaya hindi natututo, eh. Kasi masyadong bina-baby.

"Pero, turuan mo pa rin, ha?" tanging nasabi ko. "Hindi puwedeng laging kayo. Mahirap tumanda nang walang alam, Leon."

We kept talking about them, so I made a mental note to make his mother some ginger soup for her cough. Madalas iyong ipainom sa amin sa shelter noon dahil hindi naman kami para ibili ng gamot. It was effective, though. Ipapadala ko na lang siguro kay Leon dahil baka gaya ng mga kaibigan ko ay hindi pa rin alam sa kanila na may kasintahan siya.

"Yeah . . . ikaw naman," aniya. "How are you the past two weeks?"

Detelyado ko namang ikinuwento sa kanya ang pag-a-advance reading ko at paghahanap ng possible respondents para sa thesis namin.

I was okay. Surprisingly. There were no traces of my father, and although my body was tired, I knew my heart was at peace.

Pagkarating namin sa bahay ng kliyente ko ay tinulungan ako ni Leon. He quickly understood the purpose of each thing I had and assisted me with their setup. Matapos 'yon ay pinaupo ko na siya sa gilid para panoorin ako.

"Ayang brand ang gamit mo?" tanong sa akin ng kliyente ko nang makita ang mga dala ko.

I nodded. "Yes, ma'am."

Kita ko ang pagdaan ng disgusto sa mukha niya. "Ang sabi sa review sa page mo ay gumagamit ka ng Alya Foster cosmetics. Bakit ito?"

"Isa lang po ang AF ko, ma'am." Kinuha ko ang paubos nang liquid foundation para ipakita sa kanya. "Hindi n'yo po ka-shade. Mangingitim po kayo kapag ito ang ginamit ko."

Umupo siya sa tapat ng salamin kaya napahinga ako nang maluwag. Sana naman ay hindi niya ako ipahiya sa harap ni Leon.

"Sure ka bang kaya mo? Hindi ba nakaka-pimples 'yang mga 'yan?" panunuri niya pa. "'Yong brushes, nalilinis mo ba?"

Lumunok ako bago tumango. "Opo naman, ma'am. I sanitized everything after I use them."

"Siguraduhin mo, ha? Pag ako nagkaroon ng breakout, I'll contact you."

I bit the inside of my lower lip so I wouldn't lash out at her.

"Nakalagay naman po sa Facebook page ko na hindi high-end ang cosmetics na gamit ko."

She shrugged.

"Oo na. Bilis na. Baka ma-late pa 'ko," utos niya. "I sent you the look I was trying to achieve. Sana naman ay tama ang nasa reviews na magaling ka."

Hindi na lang ako nagsalita. Sinulyapan ko si Leon na ngayon ay malalim na ang kunot sa noo at masamang nakatingin sa babae. Kung hindi ko pa siya inilingan ay hindi siya mag-iiwas ng tingin.

As I did the makeup of my client, I realized that I was used to meeting clients like her. Some were worse. Kapag nalaman ni Leon ang mga pinagdaanan ko sa ibang kliyente ay baka isa-isahin niya ang mga ito. They would often compare me to other makeup artists, at kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako para magtiis.

"Sure ka bang isang libo na ang rate mo? Hindi naman mga branded ang gamit mo," sabi ng kliyente ko habang nilalagyan ko siya ng blush on.

Tinaasan ko ang rate ko tatlong linggo na ang nakakalipas dahil nang tingnan ko ang presyo ng mga ginagamit ko ay nagulat ako sa pagtaas nila. I announced the changes on my Facebook page and no one really complained about it.

Nagmamahal naman na ang lahat. Bakit kwestyon para sa iba kapag nagtaas din kami ng serbisyo? Wala naman kaming boses para magmakaawa sa mga korporasyon na huwag taasan ang bilihin.

"Sure po, ma'am," magalang pa ring sagot ko. "Ayun na po ang pinakamura n'yong mahahanap ngayon . . . at kung gusto n'yo po ng makeup artist na branded ang mga gamit, kailangan n'yo pong magbayad nang mas mahal."

She scoffed. "Ikaw lang ang malapit kaya ikaw ang kinuha ko."

I didn't answer. Hahaba ang pagtatalo kapag sumagot pa ako. Mabilis kong tinapos ang makeup niya at natuwa ako dahil kahit masama ang ugali niya ay nagawa ko naman siyang pagandahin.

She didn't say anything, so I assumed that she liked what I did as well. Cash niya naman akong binayaran kaya nang makaalis kami sa bahay niya ay malaki ang ngiti ko. May pambayad na ako sa grocery this month.

"'Wag kang sumimangot, Zamora. Kumita ang girlfriend mo, oh." Itinaas ko ang isang libo. "Hindi ka ba masaya?"

He clenched his jaw. "Inaaway ka."

"Inaaway?" I echoed. "Sanayan lang 'yan. Alam ko namang naiintindihan mo dahil may siguradong may clients ka rin na mahirap pakisamahan."

"Hindi ako sanay kapag ikaw . . ." He exhaled. "Ayokong ginagano'n ka."

"Tingin mo ba gusto ko 'yon?" tanong ko. "Kapag hindi ka mayaman, kailangan mong lunukin 'yang pride mo kasi hindi ka mapapakain n'yan."

"Alam ko naman . . ."

I chuckled. "'Wag mo nang isipin 'yon. I'm used to it."

Pinisil niya lang ang kamay ko. Madilim pa rin ang langit dahil isang oras lang naman ang itinagal ng session ko. Ngayon ay nakaupo lang kami ni Leon sa gilid ng daan habang nagkakape. Siya ang bumili noon sa coffee vending machine na tig-sasampung piso. May mga poste naman ng ilaw kaya hindi rin sobrang dilim.

"Kapag madaling araw ang session mo, puwede ba akong sumama?"

Umiling ako. "That's impractical. Parehas tayong may trabaho."

"Or any time of the day . . ."

"Zamora, 'wag kang makulit," saad ko. "Kita mo ngang lagi akong nakakatulog sa room. Kapag sumama ka sa 'kin, paano ang lessons? Paano ang grades mo? Baka hindi mo maalagaan."

Nagbuntong-hinga siya "Paano ka naman? Sinong kasama mo? Ang bibigat ng dala mo tapos ganoon pa ang kliyente."

"Tatagal ba 'ko sa trabahong 'to kung hindi ko kaya?"

His expression didn't change, so I thought of something to cheer him up to lift his mood.

I smiled at him. "Uhm . . . wala na akong gagawin buong araw."

"You should get as much sleep."

I shook my head. "Hihintayin kitang makauwi. Tapos . . . date tayo? Do'n sa treehouse mo? Magluluto ako ng dinner?"

I saw how he stiffened up. Maya maya'y ngumuso siya na parang nagpipigil ng ngiti.

"Or gusto mo samahan na lang din kita? Para may idea rin ako kung paano ka magtrabaho . . ." I suggested. "Hindi pa ako nakakarating do'n, pero para hindi ka rin mag-isa . . . sasama ako."

Napayuko siya at napansin ko ang tuluyang pagngiti niya.

"Sige na. Kaysa naman nag-iinarte ka d'yan tungkol sa trabaho ko," natatawang sabi ko. "Mag-date na lang tayo."

"Nag-iisip ako, eh." Umiling siya. "Now, I don't know what I'm mad about anymore."

Inubos namin ang kape at nagkwentuhan pa. We've decided to go to Benguet together because we could do the treehouse date anytime but not the first one. Inihatid niya lang din ako sa kanto namin para mabilis kong maibaba ang mga gamit namin.

May nirenta siyang pickup truck para mahakot ang anumang mabibili roon. Sa norte kasi mas mura ang gulay at mga pananim kaya doon talaga sila namimili. Aside from that, they were a known buyer there.

"Bakit pala kailangan mong pumunta ro'n? Nasira ba ang mga pananim n'yo?" tanong ko habang nasa daan kami.

Nakabukas ang bintana ng sasakyan dahil sira ang aircon. Maaga pa naman kaya hindi rin mainit ang tumatamang hangin sa balat namin.

"Hindi. Nasabi lang no'ng binibilhan namin na bagsak presyo ngayon. Dahil bakasyon naman, mas magandang hindi lang sa pananim ni nanay kami aasa. Kapag kasi naibaba sa syudad ang mga gulay, nagdodoble ang presyo."

Tumango-tango ako.

"Farmer compensation is the problem. Sila ang nagtanim at nag-ani, pero ang baba ng bayad sa kanila."

Mabilis siyang lumingon sa akin at napansin ko ang pagsulyap niya sa kamay ko.

"I wish I could be romantic right now, but I can't. I have to keep my hands on the gears," sabi niya. "Manual, eh."

That made me laugh. I wasn't really lying when I said he was clingy. Pakiramdam ko tuloy ay nahahahawa na ako.

Nag-umagahan lang kami sa nadaanan naming carinderia. Medyo mahaba ang byahe pero kahit isang minuto ay hindi ako tinamad.

Sometimes, we'd crank up the radio and sing along when the mood struck us. Sometimes, we'd make fun of our past debates and the pettiest mistakes we made in some tests. And at other times, we'd talk about our hopes and aspirations, the things that our hearts really desired.

"Gusto kong maging counseling psychologist sa ibang bansa," pag-amin ko. "Europe! Anywhere in Europe."

"Bakit sa ibang bansa?"

"Kasi ayokong makasalamuha ang tatay ko rito sa Pilipinas." I chuckled. "Saka maganda ang bayaran do'n. I can work at a research firm, discovering and validating additional mental health problems, or . . . sa clinic! I can assess psychological difficulties and behavioral dysfunctions."

He nodded, his eyes on the road. "I'm excited to witness all that . . ."

Ngumiti ako. "Ikaw? Ano'ng gusto mo?"

"Psychologist din . . . kahit saan," sagot niya. "My focal interests are in family or developmental psychology."

"Counseling psychologist and developmental psychologist," bulong ko. "That will make a nice couple."

He chuckled. "I think so, too."

"So, we shouldn't break up, okay?" saad ko. "Even if it will take many more years to achieve our goals . . . dapat magkasama tayong aabutin lahat ng 'yon, ha?"

He didn't answer. Instead, he stopped at a stoplight and leaned to give me a swift kiss.

"Hindi kita iiwan," puno ng sinseridad na sabi niya. "I know we can't foresee the future, but I will always . . . always be there, Amari. I'm your biggest fan, and I'll root for you no matter what you do."

The tall pine trees, the bumpy and steep roads, and the gradual color change of the sky assured me that I wouldn't live this lifetime alone because I have Leon.

Alam kong nagsisimula pa lang kami at marami pang puwedeng mangyari, pero sa ngayon, pakiramdam ko ay hindi ko na kayang magmahal nang ganito katindi ulit. My love for him was growing stronger each day, and because of this, I started to wonder whether or not the feelings I had for Jin were genuine.

Nang makarating kami sa Benguet ay nagsimula kaming mamakyaw ng mga gulay sa talipapa. Most of them were eggplants, potatoes, broccoli, cauliflower, onions, and garlic. Sa dulo kami nagsimula dahil doon daw may kakilala si Leon.

"Singkwenta na lang ang kilo, manang," narinig kong pagtawad ni Leon. "Dalawampu naman ang bibilhin ko."

Tumawa ang matanda. "Hay naku, Mael! Napakakuripot mo talaga! Siyang-siya ka ni Leah!" she added, referring to Leon's mom.

"O, siya! Pumili ka na ng dadalhin mo at kukuwentahin ko na!" pagpayag din naman nito. "Lakay! Isupot mo ang bibilhin ni Mael!" tawag pa niya sa asawa.

Lumapit ang matandang lalaki kay Leon at tinulungan ito. I neared them and helped as well. Ayoko namang tumunganga lang habang abalang-abala ang lahat.

"Girlpren mo, Mael?" matigas ang Tagalog na tanong ng lalaki.

Tumawa si Leon. "Opo, manong. Maganda ba?"

I smiled when he looked at me.

"Kagandang bata! Mukhang artista!" may puntong sabi niya.

"Salamat po . . ." nahihiyang saad ko.

Umakbay sa akin si Leon. "Bagay ho ba kami?"

Napapalakpak ang lalaki. "Bagay na bagay! Pers time mong magdala dito ng babai, ha?"

The morning was loud as people were busy trading products with each other. Miski ako ay nagulat sa mura ng mga panindang gulay rito kaya kahit padala-dalawang kilo ay bumili ako. Iuuwi ko sa apartment. Masarap din kasing mag-gulay minsan.

One thing I noticed about Leon was his passion for everything he does. He had a knack for interacting with others and making deals. Magaling siyang makisalamuha at minsan ay naririnig ko pa siyang nagsasalita sa dialect nila. He told me he only knew a few simple words, but I was glad he could get by. Halos lahat tuloy ng pinuntahan naming tindera ay mas mura ang benta sa kanya.

"May paborito akong kinakainan dito. You'll like the view for sure," sabi niya nang maiakyat namin ang lahat sa pickup.

Nasa labas pa rin kami at tinitingnan ang mga napamili.

I looked at my boyfriend and noticed that there were beads of sweat on the sides of his head, so I took my handkerchief and wiped them away for him. Ang guwapo-guwapo niya pa ring tingnan. Hindi ko tuloy alam kung may filter lang ang mga mata ko o maganda talaga ang lahi niya.

I mean, he looked hotter now that he was sweating. Posible ba' yon?

I removed his glasses and wiped his nose. Tahimik lang siyang pinanood ako, parang naputol na ang gustong sabihin.

"Ganda mo," kumento niya na labis na nakapagpainit ng mukha ko.

Pilit kong ikinunot ang noo nang isinuot ko muli ang salamin niya.

"Nahihiya ka?" he taunted.

Ngumuso ako. "Bwisit ka talaga!"

Tumawa lang siya bago ako pinasakay sa pickup. Tumutulas na ang araw pero hindi ito mainit sa balat. Siguro dahil magpapasko na rin.

He took me to a restaurant from which I could have a good view of the beautiful mountains in Benguet. In contrast to the mountains I am used to seeing, these were covered in trees. Hindi pa kalbo . . . at sana ay mapanatili nilang ganoon 'yon.

Our early lunch was served after a few minutes. Pinilit ko siyang mag-KKB kami dahil ayokong siya lang nang siya ang gagatos. Mabuti sana kung milyonaryo siya at maraming pera. Sa sitwasyon naming dalawa, siguradong kailangan naming magtulungan sa gastusin kapag mag-da-date kami.

While eating, I realized that our relationship was simple. Both working students, both have responsibilities to take care of . . . but both trying to make it a worthwhile. Nagsisimula pa lang kami, pero siya na ang nakikita kong makakasama ko sa huli.

Someone responsible, upholds their morals, pursues their dreams, and shares their plans with me.

For the first time, I agreed with what Shaira said a long time ago.

Bagay nga kami ni Leon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro