Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17


Chapter 17

That mindset was a game-changer.

In the days that followed, I got so busy with my work that I would often fall asleep in class.

May mga pagkakataong madaling araw ako kailangan ng kliyente at tumatagal ako minsan hanggang umaga kaya wala na akong pagkakataong matulog. I'd go straight to school afterwards and would only sleep when the instructor couldn't see me or when we had a break. Kadalasan ay pumupunta ako sa puwesto ni Meg at siya ang pinapaupo ko sa upuan ko para doon ako makapagpahinga.

"Hindi ko pa rin gusto ang kulay ng eyeshadow," my client complained. "Ulitin mo 'yan."

"Ma'am, ang sabi n'yo po ay soft gray at deep purple," I said calmly as I picked up my makeup remover. "Ikatlong ulit na po natin 'yan. Ginagaya ko naman po ang mga ipinapakita n'yong eye look."

She frowned. "Paanong hindi uulit? My lipstick doesn't match my eyes."

"We can change your lipstick po."

Umiling siya. "I like my lips pink all the time."

"Mas ma-a-achieve po ang look na gusto n'yo kung may mas emphasized na eyeliner at glamour na fake lashes," sabi ko habang tinatanggal ang eyeshadow niya.

"No."

I sighed. "Ma'am, kung gusto n'yo ng fierce look . . . we have fundamentals, and your requests kinda don't match. Ayaw n'yo pong magpalagay ng falsies at eyeliner. Ayaw n'yo rin ng mas matingkad na lipstick. Ang magiging resulta po talaga ay natural look."

She shook her head again. "Just do what I told you to do."

Napatingin ako sa relo ko at pilit na itinago ang dismaya nang makitang isang oras na lang ay kailangan ko nang tumulak papunta sa school. We have our camp today and our instructors specifically told us not to be late. Hindi ko pa rin dala ang mga gamit ko. Iuuwi ko rin kasi ang makeup trolley at ring light ko.

"Ma'am, pack up na po tayo after thirty minutes," hindi napigilang saad ko sa kliyente.

She raised her eyebrows. "What?"

"May camp po ako, sinabi ko naman po sa inyo bago tayo mag-start. Three hours na po ang session natin at kapag po hindi n'yo pa rin nagustuhan ang gawa ko, 'wag n'yo na lang po akong bayaran."

She made a face, but she didn't say anything.

I did everything she asked, even though it wouldn't give her the look she wanted. Mas bagay sa mukha niya ang light makeup, pero dahil sinabi niyang fierce look ang gusto niya ay iyon ang hinahabol ko. Kaya lang ay masyadong magulo ang instructions niya.

It wasn't new to me. I have worked with a few clients like her. May mga pagkakataon pa ngang tumatagal ako ng apat na oras sa isang kliyente pero hindi man lang dinadagdagan ang rate ko.

Hindi naman ako makapagreklamo dahil wala iyon sa terms and agreements ko. I know I have to do something about it by now, lalo at malaki na ang mga bayarin ko. Hindi ko lang magawang taasan ang rate ko dahil naririnig ko minsan sa ibang kliyente na hindi high-end ang cosmetics na gamit ko.

I mean . . . they are paying me less than a thousand for a hair and makeup service, and they expect that the cosmetics I used were from luxurious brands?

Mabuti nga at kapag ka-shade ko ang kliyente ay inuunti-unti ko sa kanila ang ibinigay na Alya Foster foundation sa akin ni Shaira!

"Curl my hair before you go and I'll double your rate," nakangiting saad sa akin ng kliyente, mukhang nagustuhan ang ginawa kong "no makeup" look, taliwas sa request niya.

Pinigilan ko ang mainis. She said she wanted her hair straight!

"Hindi na po. Kailangan ko na talagang umalis, ma'am."

That was the last thing I could say before hurriedly packing up my things. Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos dahil kinailangan kong magmadali pauwi para ibaba ang gamit ko at para kunin ang backpack na inihanda ko kagabi para sa camp.

Tumahip ang puso ko sa kaba nang makita ang napakaraming missed calls mula kay Zoey. I was already thirty minutes late, and I wasn't even there yet! Nang makarating ay tumakbo na ako mula sa gate hanggang sa tapat ng department namin kung saan naghihintay ang lahat ng third year psychology students.

Nakita ko si Ma'am Abulencia na umikot ang mata nang mapansin ako.

"You're late again, Ms. Mendoza," suway niya sa akin na alam kong narinig ng mga estudyante.

I wiped away the sweat that was trickling down the sides of my face, embarrassed that everyone could see how haggard I looked in the morning and that I had kept them waiting!

"I'm sorry po, ma'am," sabi ko.

Umiling siya na para bang dismayado sa akin. Hindi na siya nagsalita kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yon para makapaglalakad papunta sa pila ng mga kaklase ko.

Nararamdaman ko ang mga mata ng lahat sa akin, at ang ilan pa sa mga estudyante ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya. Hindi ko naman sila masisisi dahil nakakairita naman talaga kapag may late comer.

I went to the end of the line, but my friends couldn't come to me because Ma'am Abulencia had already begun giving instructions in the front. Nagparinig pa siya tungkol sa punctuality at nilunok ko ang hiya dahil totoo namang late ako.

I looked at the line for my male classmates. Dahil iilan lang sila, kitang kita ko ang likod ni Leon lalo at nasa dulo din siya ng linya. Kapantay niya sina Zoey na nasa bandang unahan.

He stood the tallest in the psychology department, and with his muscular, lean body, physical attractiveness, and intellect, I'm sure no one from our department hadn't noticed him.

Kung hindi lang siya mukhang masungit, siguradong maraming magfi-first move sa kanya. I wonder what will happen if people find out that he's actually kind and family-oriented. He has everything a person could want, and I'm glad I once experienced being liked by him.

Titig na titig ako sa likuran niya nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. The lens of his eyeglasses gleamed over the sun rays that were hitting its frame, and as our gazes connected, I felt my heart fluttering in a mixture of surprise and yearning.

Bago pa man niya mapagtantong pinapanood ko ang likuran niya ay nag-iwas na ako ng tingin.

The scene was so familiar that I was slowly getting used to it. Sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataon na titigan siya ay ginagawa ko, pero sa sandaling naramdaman kong papalingon na siya sa akin ay mabilis akong umiwas ng tingin dahil ayokong maweirduhan siya sa akin.

I heaved a sigh.

May mga araw na ipinagpapasalamat kong naging abala ako sa maraming bagay dahil naging daan iyon para hindi ako makalapit at makapagpapansin sa kanya.

After we got the results of our final exams, the fact that he got the highest scores wasn't a big surprise to me. Kaunti lang ang lamang niya sa akin, pero hindi ko na labis na pinagnilayan iyon. It still made me sad, but not to the point that I punished myself for it. Bawas na rin kasi ang oras ng pag-aaral ko dahil mas maraming oras na akong inilalaan sa pagtatrabaho. Mabuti nga at maaga ang uwian namin.

I wouldn't lie. I still miss him. I still look at his Facebook account and read our old text messages and chats. I still find myself wondering late at night if he still had feelings for me, but I always end up thinking that he may have realized that he was better off without me.

He deserves better . . . and I'm far from being one. Kahit anong gawin kong pagbabago. Hinding-hindi ako magiging karapat-dapat para kay Leon.

Nakukuntento na ako kapag minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Minsan, kapag gigising ako mula sa mahimbing na tulog habang nagkaklase. Minsan naman ay kapag nag-s-swatch ako ng lipstick at eyeshadow sa kamay ko.

Masaya na ako sa mabibilis na pagtatama ng mga mata namin. Ilang gabi ko na agad iisipin 'yon. I would make up stories in my head and smile as I went to sleep, thinking they were true.

"I'll assign the seats," sabi ni Ma'am Abulencia. "Jumbled 'to, ha? I'll mix all the sections so that you'll get acquainted with your batchmates."

I kept my mouth shut while everyone complained. Sa ngayon ay gusto ko na lang mapatapat sa upuan sa tabi ng bintana para may sandalan ako sa pagtulog. The camp would be held at a campsite in Tagaytay, which is a few hours' drive from here, so I would have the chance to catch some sleep on the way.

"Seats 4 and 5 in bus A, Ms. Alfaro and Mr. Palacpac . . ." pagsisimula ni Ma'am. "Mr. Lupena, Ms. Umali, Ms. Bueno, and Ms. Casino, respectively, will occupy seats 6, 7, 8, and 9."

Ma'am Abulencia has a thing for arranging and matching things. Siya lang ang guro namin na nausuhan ng seating arrangement at pairing. Kadalasan kasi ay hinahayaan na kaming mamili kung sino ang gusto naming makatabi o makagrupo.

"Mari."

Napatingin ako kay Ms. Lubrica nang bigla siyang lumapit sa akin.

"Nag-work ka?" tanong niya.

I smiled as I nodded. "Ang daming request ng client ko kanina, ma'am."

"Mahaba naman ang byahe, makakapagpahinga ka." She tapped my shoulders. "Kung saan kang bus mapapatapat, do'n ako magfa-facilitate. May dala rin kasi akong neck pillow."

It warmed my heart. "Salamat po, ma'am."

Tumango siya bago ako muling tinapik sa balikat. Simula noong nalaman niya ang tungkol sa amin ni Leon ay hindi siya nangahas na magtanong. Sa mga klase niya ako madalas makatulog pero kahit isang beses ay hindi niya ako pinagalitan. Hindi ko alam kung hindi niya ako nakikita o hinahayaan niya lang talaga ako.

I looked at the bus and saw that most of the students had already gotten on it. Miski ang mga kaibigan ko ay hindi ko man lang namalayang natawag na.

The bus only had 45 seats, so we had to rent three of them to accommodate all the students and faculty. Pinagbayad lang kami ng anim na daang piso para dito.

Team building at group dynamics ang gagawin namin dahil parte ng industrial psychology ang human resource and management. It was a good strategy for cultivating our leadership and engagement skills, both of which would come in handy for those who planned to work in HR in the future.

"The last five seats at the back will be occupied by Mr. Calong-calong, Mr. Ramos, Ms. Mendoza, Mr. Zamora, and Ms. Gatchalian . . ."

Kasabay ng pagtahip ng dibdib ko ay ang kaunting asaran mula sa kabilang section. Napatingin ako kay Leon na parang walang pakialam na ako ang tatabi sa kanya, tapos kay Paolo na inaasar na ng mga kaklase niya.

I grunted. Sa gitna pa talaga nila?

I kept a straight face to hide the growing tension in my chest. Nakakahiya! Baka mabahuan si Leon sa akin! I was literally sweating earlier!

"Sino'ng pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?" pagkanta ni Shaira nang makitang papasok kaming limang tinawag sa bus.

Katabi niya ang pinakatahimik naming kaklase pero ang ingay niya pa rin! Nakangising-aso pa siya sa akin na parang tuwang-tuwa siya sa nangyayari. Paano ba naman kasi ay matagal niya na siyang nagtatanong kung magkagalit kami ni Leon. Hindi na raw kasi kami nagpapansinan.

"Leon, palit tayong puwesto!" narinig kong sigaw niya. "Gusto kong katabi si queen!"

"Bawal daw," maikling sagot ng lalaki.

Huminga ako nang malalim bago naglakad papunta sa pinakadulong upuan. I sat down in the middle of the five seats and grimaced a little because I knew it would be hard for me to sleep in this situation. Bukod sa walang bintanang puwedeng sandalan ay katabi ko pa sina Leon at Paolo.

"Late ka, ah?" saad ni Paolo nang makaupo siya sa kanan ko.

Tipid akong ngumiti. Matapos ang chat ko sa kanya noon ay hindi na kami nagkaroon ng tyansa na makapag-usap ulit. Good thing he understood what I said right away. Hindi naman siya nangulit . . . at sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin ngayon, mukhang hindi rin naman masama ang loob niya sa akin.

"Oo, sorry . . . may ginawa lang," sagot ko.

"Wala 'yon!" tawa niya. "Imposible namang umalis din tayo on time. Nauna ka pa nga kay Dean."

"Wala pa rin hanggang ngayon?"

"Kararating lang."

Tumango ako at pilit na pinigilan ang sariling mapatingin kay Leon . . . pero agad din namang nabigo. Inilagay niya ang backpack niya sa head compartment, katabi lang ng gamit ko. His gaze met mine briefly before he sat to my left.

As soon as I smelled his familiar scent, it brought back so many fond memories of him that I couldn't help but feel a pang of longing.

Sabagay . . . sino ba naman kasing hindi makakamiss sa kanya?

He touched the deepest part of me, and for a short time, I knew I was the lucky one.

Masarap magmahal si Leon . . . o magkagusto. Mararamdaman mo talagang aalagaan at pagsisilbihan ka niya.

However, I'm not sure if I can hope for him to find someone deserving of his love yet. Hindi ko pa kayang magsinungaling sa sarili ko ngayon, at kung sakali mang makahanap siya, sana ay hindi ko na lang malaman.

Not sending the message was a smart move. At least, even after we slowly went our own ways, he wouldn't know that he had a meaningful place in my heart. He wouldn't feel guilty for not wanting me anymore. Malaya akong susulyap sa kanya nang hindi niya iniisip na nanghihinayang ako sa aming dalawa.

"Gusto mo?" tanong ni Paolo habang inilalahad ang sandwich sa harap ko.

I hadn't eaten anything yet, but I shook my head.

"Thank you."

Wala akong dalang kahit anong pagkain dahil hindi naman ako nakabili. Nag-grocery kahapon sina Shaira at Meg pero hindi ako nakasama. Bukod kasi sa may kliyente ako ay matindi rin ang ginagawa kong pagtitipid. My first rent payment was approaching, but I still had a lot to earn. Paano pa kaya next sem kapag nag-conduct na kami ng thesis talaga?

"Kunin mo na," Paolo insisted. "Late ka. Siguradong hindi ka na nakapag-umagahan."

I smiled. "Oo nga, eh. Pero hindi pa naman ako nagugutom. Mamaya na lang."

"Sige, ha? Ire-reserve ko na," natatawang sabi niya.

I heard Leon sigh deeply, which took my mind off of Paolo. Nilingon ko siya at napansin kong nagsisimula nang magsalubong ang mga kilay na parang naiinis siya sa nangyayari.

Pasimple kong inamoy ang sarili sa takot na baka hindi niya nagustuhan ang amoy ko. I don't smell weird, but I did feel a little self-conscious. Umisod ako palayo sa kanya at bahagya akong kinabahan nang pairap siyang tumingin sa akin, lalong lumalim ang kunot sa noo.

"All right, psychology students, I'll be your facilitating instructor, and if you need anything, I'll be here at the front," saad ni Ms. Lubrica na pumutol sa tinginan namin ni Leon.

I settled my head on the backrest of the chair and took a few slow, deep breaths. Gumawa ako ng maliit na agwat sa pagitan namin ni Leon, dahilan kung bakit tumama ang balikat ko sa balikat ni Paolo.

Nang umandar ang bus ay saka ko ipinikit ang mata. My position was uncomfortable and awkward, but I knew I needed to close my eyes if I wanted to keep my sanity.

Hinihigit ni Leon ang atensyon ko at kapag hindi ako nakapagpigil ay baka panoorin ko lang siya buong byahe.

"Mari—"

"Shhh . . ." suway ni Leon kay Paolo.

My lips twitched. Pakiramdam ko ay inis na inis si Leon sa akin. Hindi naman ako ang pinatahimik niya, pero hindi ko maiwasang mag-isip lalo at nitong mga nagdaang linggo ay halata ko ang pag-iwas niya. His text messages were dismissive, and if it weren't for our paper, I knew he wouldn't talk to me.

With those thoughts in my head, I bowed as I allowed myself to fall into a deep slumber.

Hindi ko alam kung gaano katagal ngunit nang buksan ko ang mata ay alam kong may mali akong nagawa.

"Asus!" sabi ni Shaira nang magtama ang tingin namin. She was standing in the center of the bus, and of course she could see me because I was sitting at the middle end!

Agad akong napabalikwas nang mapagtanto ang posisyon ko. Paano ay nakapatong na ang ulo ko sa balikat ni Leon, at ang mga kamay ko ay nakakapit pa sa kanang braso niya!

"Sana hindi na lang tayo nag-restroom break! Edi sana hindi ko nakita ang showbiz happenings sa likuran!" pang-aasar pa ni Shaira, dahilan para maglingunan sa amin ang ilang estudyante.

I could feel my cheeks heating up as I turned to look at Leon. Mukhang nagulat siya sa pagbaling ko dahil bahagyang lumaki ang mga mata niya kasabay ng pag-aayos niya ng salamin.

"Sorry!" I said defensively as I wiped some invisible dirt from his shoulder. "Hindi ko sinasadya! Nako . . . sa susunod, itulak o gisingin mo na lang ako. Kanina pa ba?" I panicked. "Sorry . . . nangalay ka? May dala naman akong first aid kit. Gusto mo ng salonpa—"

My voice trailed off as he held my wrist and put it away, causing another wave of panic and pain to wash over me.

"Sorry . . ." mas mahina nang sabi ko nang mapagtanto ang ginawa.

Bakit ba kasi hinayaan niyang makatulog ako sa balikat niya? Puwede niya naman akong gisingin o itulak. Maiintindihan ko naman.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Sigurado akong naiinis ko siya. Pinagpagan ko pa ang balikat niya kahit na wala naman akong nakikitang dumi.

God, Amari, what have you been doing?

"It's okay," he said coldly.

Umiling ako. "Hindi na mauulit . . . sorry."

He exhaled. "Para saan ba?"

Napakurap ako. "Huh?"

Blangko siyang tumitig sa akin.

"Para saan ka nagso-sorry?"

Natahimik ako. I wasn't too ignorant to understand what he was implying, but before I could even process my words, he went back to leaning on his chair as if he was done with me.

Hindi na ako nakabalik sa pagtulog matapos iyon. Paolo kept me entertained, but I couldn't help but think about Leon and when I would get the chance to apologize to him, especially because it looked like he was still mad at me . . . which was something really understandable.

My apology was long overdue, and I couldn't think of ways to do it properly without telling him everything.

Kung sakaling magkakaroon ako ng pagkakataon, mas mainam sigurong aminin ko na lang sa kanyang nagkamali ako, taliwas sa una kong planong sabihin ang lahat sa kanya. I'm sure he wouldn't be interested in my father's mandates or . . . how I feel about him. Wala naman kasi iyong koneksyon sa pagkakamali ko.

When we finally arrived at the campsite, the first thing we did was unload all of the supplies that we would need. I did all in my power to pull my thoughts away from Leon because I didn't want to carry a sense of guilt with me throughout the day.

"Mari, kunin mo na 'to," muling saad ni Paolo bago iniabot sa akin ang sandwich na kanina niya pa ibinibigay. "Ayokong magkasakit ang happy crush ko," pambobola niya pa.

I chuckled at his humor as I accepted it. "Salamat dito, Paolo. Sakto, nagugutom na rin ako."

Tumingin ako sa paligid at gaya ng laging nangyayari ay nahigit na naman ni Leon ang atensyon ko. May dala siyang tent bags ngunit ang ulo niya ay nakapaling sa direksyon namin, magkasalubong ang kilay at bahagyang nakaawang ang namumulang labi.

Pinanood ko kung paanong lumapit siya sa isang facilitator at parang may sinabing importante rito. Maya maya pa ay lumingon ang kausap niya sa puwesto namin at tinawag si Paolo para tumulong sa pagbubuhat ng iba pang gamit.

I took a deep breath and just surveyed the surroundings.

Nakahanda na ang obstacles para sa team building namin dahil may nauna nang facilitators dito. The area was studded with towering trees, and the landscapes were neatly tended all around. Mayroon ding maliliit ngunit wala pang sinding mga poste para magsilbing ilaw namin mamaya. Towards the end of the trail, I could see a little, still lake bordered by a few more bushes.

It wasn't long before the tents were set up and we were called to prepare for our first activity. Pabilog kaming umupo sa damuhan at dahil marami kami ay malaking bilog ang nagawa namin. A facilitator and a game master were stationed in our center, explaining what would be our activities.

"First of all, since this is a supposed part of your group dynamics subject, all the activities will be in groups or pairs," saad ng game master. "Nasa one hundred plus kayo, so we'll have to create at least 10 groups with 10-11 members each. You can expect that we'll mix up the sections so that everyone can get to know their fellow students."

Pinigilan ko ang mapasimangot. Ayan na naman sa ibang section. Nakakaconscious!

Bitbit ang isang box ng mga papel ay lumapit sa amin ang facilitator. We were told to pull out a piece of paper with a number on it, and I ended up with number 4.

Pinagsama-sama ang magkakagrupo at hindi ko alam kung anong sumpa ang ipinatong sa akin ng mundo dahil kagrupo ko sina Leon at Paolo! I mean, the latter would be okay as a groupmate . . . but Leon?!

"Shet, secured!" sigaw ni Shaira nang makitang magkagrupo kami. Lumingon siya sa mga kasama pa namin at napangisi. "Maricar, sinuwerte ka rin, ah?"

Tumawa ang babae. "Kung quiz bee 'to, oo."

"Lipat ka ng ibang group. Baka matalo kami," pang-aasar pa ni Shaira na tinawanan ng iba naming kagrupo.

Nanatili akong tahimik. Aside from Maricar, Shaira, Paolo, and Leon, I know no one from our group. Puro sa section C at B na kasi sila. Anim na lalaki at apat na babae kami. Sina Zoey at Meg ay mukhang sinuwerte rin dahil magkagrupo sila.

"Okay, for the first activity, you'll have to create a flag with your group name on it.," paliwanag ng game master habang nag-iikot na ang facilitator para ibigay ang mahabang stick, katsa, at acrylic paint kung saan namin gagawin ang flag. "Hindi n'yo 'yan puwedeng iwan kahit saan or else, the other group will get it and you'll immediately lose 20 points in your overall score."

"Uunahan ko na kayo, hindi ako magaling mag-drawing," sabi ni Shaira nang maiabot sa amin ang gamit. "Magaling lang akong magmahal ng bestfriend ng isa d'yan!"

I threw her a disgusted look as she chuckled. Hindi ko tuloy alam kung dapat kong ipagpasalamat na kagrupo ko siya o ano.

"Ikaw, Leon? Magaling ka bang magmahal ng bestfriend ko?"

I grunted.

"Luh, queen! Feeling ka." Tumawa siya. "Si Meg ang bff ko!"

"Shut up, Shai. Magsimula na tayo."

Ngumisi si Paolo. "Medyo maalam ako . . . ano bang concept ang gusto n'yo?"

"I can draw and paint, too," Leon said as he picked up the brush.

"Ay, oo! Magaling 'yan!"

Pinag-usapan namin kung ano ang gusto naming nakalagay sa flag. Paolo and Leon were in charge of it, and the rest of us just gave ideas.

"Dark blue yata ang magandang color para sa background . . ." I suggested.

Napatigil si Paolo bago nag-angat ng tingin sa 'kin. "Baka hindi bagay sa yellow."

"Oo nga, dapat light colors lang para di masakit sa mata," saad naman ng isa naming kagrupo.

Tumango-tango ako. "Okay . . ."

Leon put down his paintbrush and looked up at me.

"Blue and yellow go together."

Napakurap ako. Ako ba ang sinasabihan niya?

"'Wag na, mag-beige na lang tayo," sabi ulit ni Paolo.

Leon shook his head. "We need contrasting colors to make our flag stand out. Yellow for warm tones, tapos blue for cool and deep tones."

I bit my lower lip to suppress a smile when I realized that we had the same opinion . . . and that he was agreeing with me.

"Landi," bulong ni Shaira sa akin na hindi ko na pinansin.

We ended up with a deep blue background and yellow, and a few warm colors for our emblem, with the group name "Skinner's Boxers" suggested by, of course, Shaira.

"Pick a leader," said the game master after seeing that all the groups were done.

"Si Leon na," agad na saad ng mga kagrupo namin.

Napatingin ako sa lalaki na ngayon ay mariing nakatitig sa akin. The intensity of his eyes made me shiver.

I gulped as I looked away. "Oo nga . . . si Leon na."

He must have assumed that my competitive ass would want to take the lead and that I would lose my mind if I was not selected to do so.

"Or si Paolo!" sabi ni Shaira.

I nodded slowly. "P-Puwede rin."

"Kahit sino basta 'wag si Maricar."

"At ikaw, gaga!"

"Si Leon na lang." Tumawa si Paolo. "Basta kapag pairing, baka puwede n'yo kong pagbigyan kay Mari."

My cheeks warmed. "Sira."

"Minsan lang, eh," natatawa pa ring saad ni Paolo.

"Punyeta, team building 'to, huy!" reklamo ni Maricar.

Nagtawanan ang mga kagrupo namin. I just smiled. Alam ko namang nagbibiro lang si Paolo . . . at kung sakali mang tototohanin niya ay alam naman niyang walang posibleng mamagitan sa amin.

Amidst the laughter of our group, Leon, with furrowed brows and tightened jaws, snatched our flag harshly and shoved himself in between Paolo and me.

"You chose me as your leader, and I'll decide who pairs up with who," he said firmly, lowering his eyes to mine.

Shaira laughed hilariously. "Shet, exciting 'to!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro