Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nineteen

Chapter Nineteen

Banana

Nakahiga akong nakaunan sa dibdib ni Aaron. Pareho kaming tahimik sa kama ko pero alam kong pareho kaming hindi pa tulog. Until he spoke. "Aren't you uncomfortable in this position?" he asked.

Nag-angat ako ng ulo at tingin sa kaniya. "I'm fine." Nakatagilid kasi ako ng higa pero komportable naman ako sa ayos namin.

Aaron gently reached for my protruding belly. "Have you thought of a name yet?"

Nanatili akong nakaunan sa dibdib niya. My face touching his chest as I listened to his heartbeat and breathing that seemed at peace at the moment. "Hmm... Ikaw may naiisip ka na bang pangalan para sa anak natin?" Magaan ko lang din na tanong sa kaniya.

"I've been thinking of Arabella. I think it's a beautiful name for our child."

Napangiti ako at unti-unti na rin bumibigat ang talukap ng mga mata ko. I was getting sleepy because of the comfort. "Yeah. I think it's a pretty name."

Alam kong nakangiti ako bago ako nakatulog kagabi. And when I woke up napangiti lang din muli ako nang makita si Aaron na natutulog pa sa tabi ko. Tiningnan ko ang oras at nakitang maaga pa. I woke up early.

Marahan akong bumangon at umalis sa kama para hindi magising si Aaron. Gigisingin ko naman siya mamaya pero maaga pa naman. He should rest more.

Pumunta muna ako sa bathroom para maghilamos at toothbrush. After that I went downstairs to the kitchen to ask Manang to cook us breakfast. Kung nakauwi kagabi sina Mommy at Daddy from the hospital siguradong natutulog pa sila ngayon. May pasok sa school si Lance kaya siguro makakasabay namin siya ni Aaron sa breakfast.

"Usual breakfast lang po, Manang." sabi ko. Para mabilis lang din at baka bumaba na mayamaya si Aaron. "Tuyo na po ba ang mga damit ni Aaron na pinalabhan ko kagabi?"

"Oo, na plantsa na rin iyon."

"Salamat, po. Sina Mommy at Daddy po nakauwi kagabi?" I asked.

Busy na sina Mommy at Daddy sa hospital. Unlike noong mga bata pa kami ni Lance mas marami silang oras para sa amin. But it's okay now. Alam din naman namin ng kapatid ko na passionate din ang parents namin sa trabaho nila bilang doctors. Noong mga bata naman kami ng kapatid ko ay kami ang priority nina Mommy at Daddy. And this time siguro panahon na rin para sa parents namin na mag-focus naman din sila sa ginagawa nila aside sa pag-alaga ng mga anak. Hindi na rin naman kami ganoon kabata pa ngayon ng kapatid ko. So I think it's all right.

"Oo. Nagpapahinga pa ang Mommy at Daddy mo sa kwarto nila."

Tumango ako kay Manang.

Hindi pa bumababa si Aaron at ready na ang breakfast kaya inakyat ko na muna siya at binalikan sa kwarto ko. Napangiti nalang ako nang makitang natutulog pa rin siya. He must be really tired from working so hard. Kawawa naman ang baby daddy ko. I smirked and went to him in bed.

"Aaron..." I whispered in his ear.

"Hmm..."

I smiled. "Gising na. Magtatrabaho ka pa, 'di ba?"

His eyes opened and he turned his body to my side. Bahagya kasi siyang nakadapa sa kama ko kanina. "What time is it?" His voice was raspy and was still sleepy.

"Hindi ka pa naman mali-late. Bumaba na tayo at mag-breakfast ka muna."

"Can I shower first?"

I nodded. "Okay. I'll prepare your things."

Hinayaan ko muna siyang pumasok sa bathroom ng kwarto ko para makaligo. Aaron took a bath and I waited for him as I prepare his change of clothes. Nang lumabas siya ng banyo ay isang puting towel lang ang nakapalibot sa baywang niya, covering his lower body. Nag-angat ako ng tingin at nagkatinginan kami.

Tumayo ako mula sa kama. "Here's your clothes."

Tinanggap naman ni Aaron ang mga damit niya. "Thank you."

I even helped him getting dressed. I buttoned his dress shirt and then I helped him with his necktie, too. I smiled after we were finished. "Kain na tayo sa baba?" Nang mag-angat ako ng tingin kay Aaron ay nakita kong nakatingin na siya sa akin at parang natutulala pa sa mukha ko.

"Uh, yeah." agad din naman niyang sagot sa akin nang makabawi.

I just smiled. And then we went downstairs for breakfast.

"Oh. Gising na po pala kayo, Mommy, Daddy." I went to my parents to greet them and kissed their cheeks. "Good morning, po."

"Good morning, sweetheart." Daddy greeted, too.

I smiled and turned my attention back to Aaron na binati na rin ng magandang umaga ang parents ko.

"Good morning, po. Tita, tito."

"Good morning, Aaron." Mommy gave him a smile. "Nalaman nga namin kay Manang na dito ka na raw natulog kagabi."

"Uh, opo..." sagot naman ni Aaron kay Mommy.

"It was already late, Mommy. Kaya ako ang nagsabi kay Aaron na dito na siya matulog kagabi."

Daddy was quiet and just said, "Take your seats now and eat."

Pinaghila naman ako ni Aaron ng mauupuan at unang pinaupo doon bago rin siya umupo sa tabi ko.

Mommy just smiled. "How's your family, hijo?" Mommy asked worriedly.

"Ayos naman po, tita. Nagkaroon lang ng problema sa company last time but it's all right now." Aaron assured my mom.

Mommy nodded. "Mabuti naman, hijo." She smiled. Pagkatapos ay bumaling sa akin si Mommy at ngumiti rin.

Ngumiti lang din ako kay Mommy.

While my brother also greeted us a good morning and continued eating.

After breakfast ay nauna na rin umalis si Aaron para magtrabaho. But during lunch hours he called me and told me that he'll visit me again later after his work. "May gusto ka bang dalhin ko sa 'yo mamaya?" he asked through phone call.

I wanted to tell him na wala naman at sapat nang siya lang ang pumunta sa akin. But it may sound weird so. Kaya nag-isip nalang ako ng gusto kong kainin. "Hmm. Banana?"

"Oh... Is that all?"

Tumango pa ako kahit hindi naman niya nakikita. "Yeah."

"All right."

"Thank you!"

"No worries. I'll see you later."

"See you."

And then we ended the call after.

I even anticipated Aaron's visit that day. And when he arrived I was really happy. But my smile disappeared when I saw the banana he brought me.

"Hindi 'yan..." matamlay kong sinabi.

"Uh... hindi ba 'to?"

"Hindi..." I sighed.

May ibang saging talaga ako na gustong kainin.

"May iba pang klase ng saging, hijo. Señorita yata 'yang dala mo." sabat naman ni Manang na nakikinig lang sa amin. She's always by my side since I got pregnant. Para bang anumang oras ay pwede akong matumba nalang bigla. Si Daddy naman kasi napaka-overprotective.

"I didn't know..." Tumingin sa akin si Aaron. 'Tapos ay kay Manang. "All right, I'll find you other bananas, okay?"

Tumango ako na nakanguso. "Okay..."

I knew that he must still be tired from working whole day but I really wanted him to get me a banana.

I think after almost an hour nakabalik na si Aaron with the bananas. "The vendors told me that this is Latundan...and this one Lakatan...this saba... What else, oh, I think this is called Bulkan banana... I'm not sure... I'm sorry, I think I forgot..." Halos mapakamot na sa ulo niya si Aaron habang iniisa-isa ang mga saging na binili niya.

"Hmm..." Lumapit naman ako sa mga saging. "I think it's this one...but..." I pouted and felt sad.

"Ito ba? Gusto mo ba 'tong ipaluto, Tristeen? Baka naman nilagang saba ang gusto mong kainin?"

Tumingin ako kay Manang. "Nilaga..?" Parang may umilaw naman sa utak ko. I remember now! Iyon nga ang kinain ko noon kanila Ate Marie sa probinsya. I grinned. "Opo!"

Both Manang and Aaron smilingly sighed looking at me. I just smiled widely to them.

Niluto nga nina Manang ang saging na saba. The other saba bananas were already ripe kaya matamis na nang maluto pa sa pinakulong tubig. I smiled when it was served in front of me.

Nang tumingin ako kay Aaron ay nakita kong nakatingin din siya sa akin at nakangiti. I smiled to him, too. And then we ate the nilagang saging na saba.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro