Chapter Forty
Hi! This is the last chapter before the Epilogue. Thank you for reading until here. And thank you for your patience in waiting for the updates. Enjoy reading!
Chapter Forty
Wedding
"OMG! Congratulations, Ate Marie!" I got so excited when she just told me that she's getting married! Wow!
"Salamat, Teen. Sana makapunta kayo..."
"Oo naman, ate! Sasabihin ko kina Mommy at Daddy."
"Sige, Teen. Salamat!"
"Okay po, ate. See you soon!"
After the call, sina mommy naman ang tinawagan ko to let them know also. Pero aattend nga pala sa isang medical event abroad sila ni daddy. Nagsabi na lang na tatawagan na lang daw nila si Ate Marie at magpapadala na rin ng wedding gift.
Ate Marie was my nanny since I was a baby. Malaki na rin ako nang tumigil na siya sa pagtatrabaho sa amin at umuwi na ng probinsya nila kung nasaan noon ang boyfriend niya na ngayon ay pakakasalan na nga niya. And I'm just so happy for her! She deserves her family, and happiness, too!
"Will you be busy next week, Aaron?" I asked him.
Kakauwi niya lang galing trabaho at maaga siya ngayon. Nag-volunteer pa nga na magluto rin ng dinner namin ngayon. Biniro ko pa nga siya na baka nagsasawa na siya sa luto ko. But he shook his head and said that he just wanted to cook dinner for me and Bella tonight. Hindi rin naman ako palaging nagluluto kasi minsan takeout lang din kami sa restaurants, or we order our food on the apps.
He turned to me after getting the meat out of the fridge. He's making steak. "We can check my schedules later. Why?"
"Kasal kasi ni Ate Marie..." sabi ko.
"Oh. She's getting married?"
I smilingly nodded to him. "Yes. At pupunta sana tayo...kung hindi ka busy..."
Aaron immediately nodded. "Sure. I'll call Dad later, magpapaalam na ako. Gagawin ko na rin ang mga trabaho ko bukas, and will talk to my secretary about my schedules. Para may free time tayo next week for your ate's wedding."
I smiled excitedly to Aaron. And then I went to hug his neck and kissed his lips. I am excited. Bukod sa makakadalo na kami sa wedding ni Ate Marie, time na rin namin ito ni Aaron para makapagbakasyon din kami ng anak namin. "Thanks!" Pagkatapos ay muli ko pa siyang hinalikan sa labi niya.
And then we heard our daughter already calling for us. Biro akong sumimangot. Dahil naglalambingan pa kami ni Aaron dito sa kusina 'tapos may bata nang tumatawag sa amin. Aaron chuckled. "Puntahan mo na. Ako na muna dito sa kusina, to cook out dinner." he said.
Tumango na lang ako at bumitiw na rin sa kaniya.
"Daddy? Mommy!" Bella kept on calling us.
"Coming! What is it?" Pagkatapos ay pinuntahan ko na siya.
She's already waiting standing in the living room. Papaliguan ko pa nga pala siya.
"Are you hungry now? Daddy's still cooking our food."
She shook her head.
Kinuha ko na ang kamay niya at hinawakan. Pagkatapos ay dinala na siya sa kwarto niya para mapaliguan sa banyo doon.
So Aaron and I with our daughter went to the province to attend Ate Marie's wedding. May anak na rin sila pero ngayon pa lang magpapakasal dahil nag-iipon pa raw noon. Simple lang ang buhay nina Ate Marie dito sa probinsya pero mukhang masaya naman siya. At iyon ang mahalaga.
"Tristeen!" Tumatakbo na agad papunta sa akin si Ate Marie pagkalabas ko pa lang ng sasakyan ni Aaron.
I smiled. "Ate Marie!" Sinalubong ko rin siya ng yakap. I missed her! It's been so long already since we last saw each other! Buntis pa ako noon kay Bella at ang dami rin nangyari sa mga nakalipas na taon.
"Naku! Kumusta ka na? Nasaan na ang anak mo?" si ate.
Ngumiti ako at tumingin kay Aaron na kakakuha lang din kay Bella sa backseat. He carried our daughter to where Ate Marie and I stood.
"Hala! Ang laki na pala niya, Teen! Ilang taon na siya?"
"Five po, ate." ngiti ko.
"Ang tangkad naman na bata!" Sabi ni ate nang ibaba rin ni Aaron si Bella at tumayo doon ang anak ko.
Nakangiti akong tumango. Mukhang matangkad nga rin na bata si Bella kahit five pa lang siya. Matangkad din kasi kami pareho ni Aaron kaya siguro ganoon. Mommy and Daddy were both tall, too. I remember mommy saying na binalak pa nga raw niyang maging model noon, kung hindi lang dahil sa isang hindi niya magandang karanasan noong una pa lang sana siyang sumubok sa modeling. And daddy was even mad at it kahit matagal na rin naman iyong nangyari at hindi pa nga sila noon ni mommy... Si daddy talaga. And maybe Bella could pass as a fashion model in the future, too... Pero depende iyon sa anak ko.
Bella can become a doctor like me, or a business woman like her dad. Whatever my daughter wants. Aaron and I will just support her. Basta lang din hindi naman makakasama sa kaniya ang daan na gusto niyang tahakin.
Tumuloy kami sa bahay nina Ate Marie. Hindi malaki pero hindi rin naman ganoon kaliit ang concrete din nilang bahay dito sa province. Dito rin nakatira ang iba pang kamag-anak nina ate. Ang parents niya at ilang kapatid. Pati kapatid din ng asawa niya. Medyo marami rin silang nakatira rito pero mukhang nagkakasundo naman ang lahat at tulong-tulong sa bahay.
Ngumiti at bumati rin kami ni Aaron sa mag-anak. And we stayed in their house for a while and had some snacks. Kumain kami ng turon at soft drinks. Nakipagkuwentuhan at biruan din at tumawa kasama ang pamilya ni Ate Marie. Kilala na rin nila ako at ang mommy at daddy ko simula noong bata pa man ako. Matagal din kasing nagtrabaho si Ate Marie sa amin noon.
Pagkatapos ay nagpaalam na rin kami kanila Ate Marie. "Sige na, Tristeen. Para makapagpahinga na rin kayo galing pa sa biyahe. Dito pa kayo dumeretso." ani ate.
Sa kanila kasi kami umuna bago pupunta na ngayon sa tutuluyan naman naming resort ni Aaron dito. "Sige po, ate. Kita na lang po uli tayo bukas!" I said, smiling.
Bukas pa kasi ang kasal nina ate. We also met her daughter na mas matanda lang ang anak ko ng isang taon. And Bella played with Ate Marie's daughter. Nakipaglaro din ang anak ko sa iba pang mga bata rito kanila ate. And she's happy. I smiled.
Pagkatapos ay pumasok na rin ako sasakyan ni Aaron. And then Aaron closed the door beside me. At umikot na siya papasok sa driver seat. Binaba pa namin ang bintana ng sasakyan at kumaway pa ako kay ate.
Pagkatapos tumuloy na kami ni Aaron sa villa na rerentahan namin. Yes, the same vacation villa where I stayed before when I was still running away from Aaron... Buntis pa lang ako noon kay Bella. At nakilala ko rito si Chester.
He smiled as he welcomed us. Pinaalam na rin sa kaniya ni Ate Marie. Sinalubong ko rin siya ng ngiti. "Chester,"
He just nodded at me and turned his eyes to Aaron and my daughter. "Your daughter," he said.
I nodded and smiled. "Thank you for letting us stay again here."
"No, no. Nagpa-reserve naman kayo." Chester smiled. "And thank you for coming back here."
Nakangiti akong tumango sa kaniya. "I told you before. I have come to love this place already. Kaya nakabalik ako ngayon." I said.
"Papa!"
I turned to a child and a woman who looked like the boy's mother following him who's coming to us, or Chester. Chester turned to them too and I saw him smiled. Mukhang may pamilya na rin pala siya. Napangiti ako at bumaling kay Aaron. I smiled meaningfully to him. He only sighed that made me laugh a little.
Pagkatapos ay sinabihan na rin kami ni Chester na handa na ang villa namin. Pinakilala niya rin sa amin ang mag-ina niya at mas bata lang din ng 2 years kay Tristeen ang anak niyang lalaki. Tristeen smiled, at nakahanap na naman siya ng makakalaro pa niya habang nandito kami. Ngumiti na lang din ako.
"Aaron, are you tired?" I asked him. Nilapitan ko na rin siya at naupo doon sa tabi niya sa sofa ng villa.
"No. Shall we order some food?"
I just nodded while my head was resting on his shoulder. Pagkatapos ay nakangisi ko siyang hinarap. "Magseselos ka pa rin ba? May pamilya na rin iyong tao." tukoy ko kay Chester.
Bahagya pang kumunot ang noo niya. Sus! "I'm not jealous..." tanggi pa niya.
I smilingly rolled my eyes at Aaron. Bahagya ko pang tinampal ang dibdib niya habang nakadikit ako sa katawan niya. "Hindi ba kaya nga parang ayaw mo pang dito tayo noong una dahil iniisip mo si Chester?" I teased him.
"It's not like that." He still denied it.
Tinawanan ko na lang siya. And then he pulled me to his chest and wrapped his arms around me, and he kissed my forehead. And then Bella who was jumping up and down the bed ran to us for a group family hug.
We attended Ate Marie's wedding the next day. Simple lang ang kasal nina ate at mga kamag-anak at kami lang din ang dumalo. Nasa loob na kami ng simbahan nang may sabihin sa akin si Aaron. Nakaupo na kami doon habang nakikinig na lang sa ceremony ng kasal.
"When do you want to get wed, Teen?" Aaron asked.
Napatingin ako sa kaniya. Tumingin din siya sa akin at nagkatinginan kami. Bella was sleeping on his shoulder.
"I just want to know, kung kailan mo gusto na magpakasal na tayo..." he added.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng puso ko sa tanong ni Aaron sa akin ngayon. Is he proposing to me? He is. And in this quiet setting. Habang kinakasal sina ate at nasa loob kami nitong simbahan.
"Ikaw..." I said quietly.
Nanatili ang tingin ni Aaron sa akin. "Kung kailan mo gusto..." sabi naman niya.
I shook my head. I can marry him even tomorrow! Ayaw ko nang matulad dati na ang dami kong gusto sa kasal namin hanggang sa hindi na lang natuloy... "Let's get married as soon as possible, Aaron." I said to him.
He nodded his head and smiled to me genuinely. Napangiti rin ako. Pagkatapos ay niyakap ko ang braso niya sa tabi ko at umunan muli ako sa balikat niya. Naramdaman ko naman ang halik niya sa ulo ko. Sandali pa akong napapikit.
I'm more than contented now. Maayos na kami ni Aaron at magpapakasal na lang para ayos na talaga ang lahat... Para sa anak namin, at para rin sa aming dalawa ni Aaron. I smiled peacefully.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro