Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA V: Okay Bride

KABANATA V: Okay Bride

Naka- dating ako sa company at agad- agad pinark ko na ang kotse ko. Sa pagpasok ko sa loob ng company, marami na ang bumati saakin. Tanghali ako pumapasok sa trabaho kaya marami na ang mga empleyado kasi umaga ang pasok nila.

Naging mahimbing ang tulog ko. Hindi man lang ako nanaginip o umiyak. Nakakapag- panibago dahil gabi- gabi lang ako umiiyak.

"Mr. Villanueva, good morning po." Bati saakin ni Sec. Alfonso. "Good morning."

"Mr. Villanueva, pinapatawag po kayo ni President. Nasa office niyo po siya, nandoon din po si Mr. Tulio." Ha? Anong nangyayari? Bakit nandito si dad at Mr. Tulio? Tungkol saan naman kaya ang pag- uusapan namin?

"Let's go." Tumungo si Sec. Alfonso sa salita ko. Sumakay na kami sa elevator at bumaba sa floor ng office ko.

"Mr. Villanueva, may aasikasuhin pa po ako regarding sa convention this year. Mauna na po ako." Tumungo ako. Hindi pa rin mawala saakin ang kaba dahil malakas pa rin ang epekto saakin ni dad. Parang nanliliit ako kasama siya. Mas gusto ko pang hindi siya makita.

"Galit ba siya?" Tanong ko kay Sec. Alfonso. "Me- medyo." Hinayaan ko ng umalis si Sec. Alfonso.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan. Nakita kong nag- uusap si Mr. Tulio at si dad.

"I'm just dissapointed Paul." Rinig kong sabi ni Mr. Tulio.

"I heard na pinapatawag niyo po ako." Singit ko. Tumingin sila saakin. I can see the sadness in Mr. Tulio's eyes.

"I'll let you guys talk. Excuse me." Pag- papaalam ni Mr. Tulio. Tinapik niya ang aking likod at umalis.

"So, anong pag- uusapan natin dad?"

"Well, let's talk about your behaviour, Jiro." He remarked. I gulped. Halatang galit ito sa tono ng kanyang boses.

"Mr. Tulio is deeply dissapointed with you actions. Leaving a weak and mere lady alone in a rainy dark night? Oh come on, Jiro. I should've known." May nangyari kay Salmara? Sadyang naguguluhan lang ako.

"What do you mean?"

"May lagnat si Salmara ngayon. Nag- commute siya papunta sa restaurant at naglakad siya pauwi dahil wala ng sasakyan na dumadaan. Add to that na umuulan pa at wala siyang payong na dala."

May lagnat siya? Naglakad lang siya pauwi? Bumigat ang pakiramdam ko at parang hindi ako makahinga. Naguguilty ako ng sobra.

"Pupuntahan ko siya." Sabi ko. Ayaw ko ng ganito ang nararamdaman ko. I am regretting everything. Dapat hindi ko siya iwanan ng ganoon.

"Then go. Make up." Walang emosyon na sabi ni dad. "I'm going." Pagpapaalam ni dad at umalis na ito.

Hinablit ko ang telepono at tinawagan si Sec. Alfonso.

"Hello Mr. Villanueva, ano pong kailangan niyo?"

"Cancel all my meetings for this day. I- reschedule mo next week."

"Sige po pero bakit po?"

"May emergency ako. And one more thing..."

"Yes sir?"

"I- message mo saakin kung saan nakatira si Salmara Tulio, now."

"Okay lang ako pa... 38.5 po... Huwag na pa, mamaya mawawala na... *coughs* Hi- hindi po... Sige po bye pa... I love you too..."

Rinig ko ang boses ni Ms. Tulio. Kausap niya siguro ang papa niya. Huminga ako ng malalim at hinigpitan ko ang hawak ko sa dala kong bulaklak at pagkain. Bumili na ako ng bouquet ng yellow tulips at cup noodles. Sobra- sobra kasi ang pagka- guilty ko. Kumatok ako sa pintuan ng tatlong beses.

"Sino yun?"

Bumukas na ang pinto at sumalubong saakin si Ms. Tulio. Mas maamo ang kanyang mukha kaysa kagabi. Suot niya ang isang malaking pink na t- shirt. Umabot ang dulo nito sa kanyang tuhod. Naka- medyas lang siya na puti. Mayroong naka- dikit sa noo niya para sakanyang lagnat. Naka- pusod ang kanyang buhok pero mayroon iilang buhok ang hindi naka- pusod. Mapupula ang kanyang labi pero mas natural ang kulay nito samantala ang kanyang pisngi ay namumula din dahil siguro sa init ng kanyang katawan.

"Ji--- Mr. Villanueva?" Halata ang pagkagulat sakanyang mukha. Nakanguso siya saakin. "Bakit po kayo nandito?" Pagpapatuloy niya

"I heard na may lagnat ka kaya naman agad akong pumunta dito." Nakatitig lang siya saakin o mas puwede nating sabihin na nakatulala siya saakin.

"Uhm." Umubo ako.

"Ay, pasok po kayo." Nahimasmasana siya at p
Pinapasok niya ako sa condo niya. Malaki ito at malinis rin dito. "Gusto niyo po ba ng juice, kape, o tubig?" Tanong niya.

"Huwag na. Ikaw na nga dito yung may sakit." Pumunta siya sa kusina at sinundan ko naman siya.

"Bumili ako ng cup noodles." Sabi ko sakanya. Binigay ko sakanya ito at kinuha niya naman. "Sorry kung 'yan lang mabibigay ko. Biglaan kasi." Dugtong ko.

Tinignan niya ang loob at tumingin saakin. Ngumiti siya saakin. "Bakit ang hilig mong ngumiti?" Narinig ko ulit ang boses ko. Galing 'toh sa mga panaginip ko. Bakit parang minumulto ako ng sarili ko?

"Nag- abala ka pa Mr. Villanueva." Hawak- hawak ko pa pala ang bouquet ng yellow tulips.

"Ms. Tulio." Tawag ko sakanya. Inaayos niya na kasi ang refrigerator. Tumingin siya saakin. "Hmm?"

Inabot ko sakanya 'yung yellow tulips. Kumunot ang kanyang noo at kinuha ang bouquet. "Para saan 'toh?" Tanong niya.

"Para sayo 'yan." Natulala ulit siya habang pinagmamasdan ang bouquet. "Saakin?" Tanong niya ulit. Tumungo naman ako bilang sagot. "Salamat Jiro." Ngumiti ulit siya. I was caught off guard kasi bigla niya akong tinawag bilang Jiro. Pamilyar talaga ang boses niya saakin. Parang narinig ko na ito dati.

"Get well soon Salmara."

Kasalukuyan nasa salas ako habang hinihinatay si Ms. Tulio lumabas ng rest room.

"Oh, Mr. Villanueva. Nandito pa kayo." Nagulat ako dahil bigla lang siyang sumulpot sa likod ko. Humarap ako sakanya.

"Oo, hinihintay kita."

"Po? Bakit?" Oo nga, bakit nga ba? Masyado yata akong nagpadala sa guilt ko.

"Wala po ba kayong meetings? Baka malate ka naka suit ko pa naman."

"Meron pero pina- cancel ko sa secretary ko. Huwag kang mag- alala"

"Bakit?" Tanong niya pero mataas ang tono nito.

"Para sayo." Tumahimik bigla ang paligid sabay sa pagkatulala ni Ms. Tulio. "May iba pa po ba tayong gagawin?

"Sorry Ms. Tulio. Nag- alala lang kasi talaga ako para sayo kanina. Na- guguilty ako." Ano pa nga ba ang gagawin ko dito? Awkward naman yata kapag mag- statay ako dito.

Tinignan ko ang mukha ni Ms. Tulio at namumula ito. "Ah, inom lang po ako ng gamot." Tumakbo siya sa kusina at sinundan ko lang siya ng tingin.

Nag- buntong hininga siya habang tinitignan ang cupboard. "Ubos na pala ang gamot ko." Bulong niya. Sapat na ang lakas ng kanyang bulong para marinig ko.

"Wala ka na bang gamot? Ibibili kita." Tumayo ako at akmang aalis ng condo. "Paracetamol lang naman diba?" Tanong ko.

"Ay, Mr. Villanueva! Huwag na po! Ako na lang po ang bibili!" Tumakbo siya papalapit saakin at hinawakan ang braso ko. Akmang hahawakan niya na ang door knob pero hinawakan ko ang kamay niya.

zzt

Ramdam ko ang pag- kuryente sa kamay ko pero hinayaan ko na lang ito. Tumingin siya saakin at namumula siya. "Baliw ka ba? May sakit ka. Ako na lang at magpahinga ka. Get some rest, I'll handle it. Don't worry." Sabi ko habang nakakunot ang noo ko. Mahirap kung siya ang bibili, baka mas lalong tumaas ang lagnat niya.

"Sa... Sasama ako." Sabi nito at naka- nguso. Tinanggal ko ang aking kamay at kinuha ang door knob. Binuksan ko abg pinto. Umiling ako sakanya bilang sagot. Hinawakan niya ang pintuan. "Kapag hindi mo ako pinasama, hindi ko din iinomin 'yung gamot, sige ka." Panakot niya saakin habang naka- chin up.

Napa- smirk at iling na lamang ako. Makulit din pala itong si Ms. Tulio. "Fine."

Bumaba kami sa kotse ko at pumasok na sa pharmacy. "Umupo ka muna dito." sabi ko sakanya habang tinapik ang upuan. Tumungo na lamang ito at umupo.

Pumunta muna ako doon sa counter kung saan kukunin 'yung gamot. Habang hinihintay ko ang isang clerk na dumating, tinignan ko si Ms. Tulio.

Nanginginig siya at hinihimas ang kamay at braso niya. Nilalamig siya. "Good Afternoon Sir, what can I help you?"

"Hold that thought." Dali- dali akong pumunta kay Ms. Tulio. Hinubad ko ang coat na suot- suot ko at nilagay ito sakanya. Pagkatapos kong gawin iyon bumalik ako sa counter.

"Paracetamol for her please, the most effective one if possible. Give me ten of it."

"Okay sir."

Hinintay ko ang clerk sa paghahanap ng gamot. Kailangan niyang gumaling ng mabilis para hindi na mag- alala si Mr. Tulio.

"Bakit mo ginawa 'yun?" Nagulat ang biglang nakita si Ms. Tulio na nasa tabi ko kanina. Naka- simangot siya. "Ang alin?" Tanong ko.

"Ito oh." Sabi niya habang tinuturo ang coat ko.

"Don't tell me na hindi ka nilalamig." Tinaas ko ang isa kong kilay. Inilipat niya na lamang ang kanyang tingin sa kung saan. That's what I thought, heh.

"Ito na po sir." Dumating na ang clerk at agad plinastik ito. "How much?"

"310 pesos po sir."

"Ano?!" Nagulat nanaman ako sa biglang pag- sigaw ni Ms. Tulio. "So- sorry." Dugtong pa nito habang tinakpan ang bibig niya. Halos lahat ng tao kasi dito sa pharmacy nakatingin na sakanya.

Inilabas ko na ang wallet ko at kumuha ng pera. "A- ako na ang magbabayad." Sabi ni Ms. Tulio. Pinandilatan ko na lamang siya. "Oo, sabi ko nga eh, ikaw na magbabayad." Tumingin ito sa sahig.

Binayaran ko na 'yung gamot at kinuha ito. Lumabas na kami ng pharmacy pero naka- tungo pa rin ito habang naglalakad kaya naman pumunta ako sa harapan nito. Agad namang nauntog si Ms. Tulio sa dibdib ko.

"Aray." Tinaas na ni Ms. Tulio ang kanyang ulo at hinimas ang ulo niya. Nanlaki ang mata nito ng makita ako. "Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo sa susunod."

"Eh kasi---"

"Kasi ano? Huwag ka ng mahiya kung binili ko 'tong gamot. Take it as a peace offering from what happened last night." Tumungo na lang ito.

Sumakay na kami sa sasakyan ko. Pinaandar ko na ang kotse ko. "Kumain ka na ba Ms. Tulio?"

Umiling ito. "Kumain muna tayo pagkatapis noon, iinumin mo na 'yung gamot mo."

"Isang bulalo nga po!" Sigaw ni Ms. Tulio. Kasalukuyan nasa isang bulalo house kami. "Good for two po!" Dugtong pa nito.

Dumating na ang mainit na bulalo at nag- dasal. Naki- sabay na rin ako. Pagkatapos naming mag- dasal ay nagsimulang kumain si Ms. Tulio. Tuwang- tuwa siya habang kumakain. Kadalasan ay ngumingiti siya saakin pagkatapos sumubo.

"Hindi ka ba kakain?"

"Kakain." Nagsimula na akong kumain. Konti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako masyadong gutom. Kailangan ko lang pakainin si Ms. Tulio para maka- inom na siya ng gamot.

Tumingin ako sa bintana at malapit na palang gumabi. Kailangan maka- uwi na si Ms. Tulio. Malamig na kasi ang panahon ngayon.

"Tapos ka na agad?" Tanong nito. Tumungo ako bilang sagot. Ang gana niyag kumain.

May lagnat pa ba siya. "May lagnat ka pa ba?" Hinawakan ko ang pisngi niya---

zzt

I flinched. "Sobrang init ko ba?" Tanong nito. Idinampi ko ulit ang kamay ko sa pisngi niya. Mainit pa rin siya. Idinampi ko ang kamay ko sa noo at leeg niya.

"Mainit ka pa rin pero baba na rin 'yan kapag ininom mo na ang gamot mo Ms. Tulio." Tumungo ito. Ininom niya na ang gamot niya.

"By the way, call me Salmara. Naiilang ako pagtinatawag mo akong Ms. Tulio." Tumungo ako. Salmara.

"Then, call me Jiro instead of Mr. Villanueva."

"Jiro, ako naman ang magbabayad." Ngiti nito. Tumungo na lang ako.

Nakadating kami sa parking lot ng building ni Salmara pero mukhang nakatulog na si Salmara. Wala akong planong gisingin pa si Salmara dahil alam kong pagod na ito. Bubuhatin ko nalang siya.

Lumabas na ako ng kotse at binuhat na si Salmara. Umaambon kaya may hawak- hawak din akong payong dahil ayaw kong mas lumalala ang lagnat ni Salmara.

Naririnig ko ang hilik ni Salmara habang naglalakad ako. Napa- sarap siguro ang tulog niya. Naka- ngiti lang ako ng parang timang.

Hindi siya mabigat. Sa katanuyan, magaan siya kaya naman hindi ako masyadong nahirapan.

Nakadating kami sa harap ng condo ni Salmara at binuksan ko na ang pinto gamit ang susi na hiningi ko kay Salamara bago kami umalis.

Inilapag ko siya sa higaan niya. Stinirech ko naman ang braso at likod ko.agaan siya pero ilang minuto ko din siyang pasan.

"Ji- jiro?" She got up ang rubbed her eyes. "Paano ako nakadating dito?"

"Binuhat kita. I don't want to interrupt your sleep."

"A- ano? Binuhat mo ako?!" Tumungo ako. "Hala, eh ang bigat ko pa naman!"

"Hindi ka mabigat kaya wag kang mag- alala."

Naka- nguso lang ito. "Na- aawa ako sa likod mo." Ngumiti na lang ako. "Don't."

Humiga ulit ito at binalutan ang sarili niya ng kumot. "Nasa kusina 'yung gamot mo ah." Pag- papaalala ko. Tumungo na lang ito at ngumiti.

I must make up my mind right now. Ayoko ko ng magpakasarili, 'yan ang sabi ko sa sarili ko kagabi and I will start with step one. Kung iisa lang ang pagpipilian ko, then so be it. Kailangan ko itong harapin bilang isang lalaki; bilang isang tao. Diba ganoon naman talaga ang buhay, unpredictable. I nust make my choice. Kailangan ko ding isipin ang kondisyong ni Mr. Tulio. At idagdag mo na ang feeling kong gusto ko siyang alagaan at protektahan. She seemed to be so fragile na puwede na lang siya masira sa segundong mawala ako. At last, gusto kong makita araw- araw ang ngiti niyang nakakahawa. Ang komportable niya kasing kasama.

"Salmara, can I say something?"

"Hmm? Sige."

"Nakapag- desisyon na ako." Huminga na ako ng malalim. "I will marry you, Salmara Tulio. Be my bride and wife."

Halata sakanya ang pagkagulat. "Sigurado ka ba dyan Jiro? Baka napipili---"

"No, I'm sure. Huwag ka ng nagtanong kung bakit." Tumungo ito at ngumiti.

"Umuwi ka na, Jiro."

"Okay Bride." Ngiti ko.

Doon na nagtapos ang araw ko. Humiga ako sa kama ko at natulog. Umuulan nanaman.

[][][][][][][][][][][][]

Napapadalas yata ang ulan ah? Ano kaya ang nangyayari kay Nabi? Tsk tsk. Masyado naman yatang iniisip ang lalaking yun. Baka siya na rin ang dahilan ng pagbagyo. Hayst.

Bibisitahin ko ba siya? O wag na? Siguro sa susunod na mga araw na lang. Tinatamad pa ako. Kinakailangan pa yata ang hotness ko dito sa Boracay.

Ano pa nga ba ang masasabi ko? I'm hot at hindi na magbabago 'yun.

KABANATA VI: You!

Here's an update as promised! I- tried my best na mag- update ngayong birthday ng asawa ko, si Choi Seunghyun also known as T.O.P

Magkakaroon na ng nga delay sa UDs kasi may pasok na ako sa Lunes kaya please guys wag kayong maubusan ng pasensya. :*

Happy Birthday My Husband, Choi Seung Hyun! Magparamdam ka na, miss ka na namin! LALO NA AKO BEH. KAHIT SIMPLENG PAINTING SAPAT NA

paipai

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro