KABANATA I: Si Jiro Villanueva
KABANATA I: Jiro Villanueva
"Mr. Villanueva, eto na po 'yung reports ng sales natin this month. Kasama na rin po diyan ang suggested budget ng every department para sa development ng company." Inabot ni Secretary Alfonso saakin ang isang makapal na folder na punong- puno ng papel. "Thank you, you may leave."
"And one more thing Mr. Villanueva, pinapaalala ko lang po na mayroon po kayong interview mamayang 5 o' clock sa ***** Network."
"Don't worry, hindi naman ako susulpot." I said bluntly. "I'm sorry Mr. Villanueva, hindi niyo 'yang puwedeng gawin dahil ineexpect ng dad niyo na pumunta kayo."
At kailan pa nagkaroon ng interes saakin si Dad? "Fine, pupunta na ako. Again, thank you." Tuluyan ng lumabas si Secretary Alfonso sa opisina ko.
Kahit sa anong interview, hindi ako sumulpot. Tatanungin lang naman nila ang tungkol sa personal kong buhay. Mga mukhang tsismis ang mga tao ngayon. Kaya naman hindi umaasenso ang mga tao.
Patuloy lang ang pagbabasa ko sa nakatambak na papeles sa desk ko. Sales for this month... 2 billion budget for company development... 1. 84 million budget for company development...
"Jiro, pansinin mo naman ako." Isang babaeng boses ang aking narinig. Malambing ang kanyang boses pero kinamumuhian ko ang nagmamayari nito. "Naghanda ako ng lunch para saatin oh!" sabi niya habang tinuturo ang isang paper bag.
"Natasha, may ginagawa pa ako. Please do leave my office." Masyado akong naka- focus sa ginagawa ko ng hindi ko namalayan na pumasok pala si Natasha sa office ko. I would not like distractions in my life.
"Oh come on, sabi ng Dad mo kailangan makuha ko ang puso mo. Can't you see that I'm trying so hard to get you?" Lumapit siya saakin at itinabi ang mga papeles sa desk ko. Ako naman ay sumimangot. Ang dami ko pang gagawin, sisingit pa siya. Sakit lang siya sa ulo.
"Hindi mo ba ako tipo?" Nilapit niya ang kanyang mukha saaking mukha. Umiling ako sa kanya. Nag- buntong hininga siya at tsaka nagsalita, "Oh sige, anong gusto mo sa babae?"
"Kahit ano, kahit sino, basta hindi ikaw o katulad mo." Sagot ko. Nandito lang si Natasha dahil sa itsura ko, estado ko sa buhay at sa utos ng tatay ko. Anong klaseng babae siya para magpa- kontrol sa iba? At isa pa, wala akong interes sa romansa.
"Ang sakit mo naman magsalita Jiro. Magiging asawa din kita, tandaan mo 'yan!" sabi niya na may mga ngiti sa kanyang labi. "You're dreaming Natasha Isles." Diin ko. "Teka lang, bakla ka ba para hindi mo ako magustuhan?" Biro niyang tanong.
"Just accept the fact na hindi kita gusto. Don't make silly delusions miss." Nanlisik ang aking mata at sabay sa pagtitig sakanya. Sana naman maintindihan niya ang gusto kong sabihin.
"Okay then, suit yourself. Mark my words Jiro okay?" Maloko niyang ngiti. "Oh eto lunch. Alam kong hindi ka pa kumakain, finish it babe." Kindat niya at tuluyang lumabas ng office ko.
Puwede na ba akong sumuka ngayon? Ano ba ang nakita ni Dad sa babaeng ito? Akala niya ba magugustuhan ko ang babaeng ganyan? He must be crazy. He better put his standards high if he wants me to get married.
Kinuha ko naman ang paper bag na binigay ni Natasha. Binasa ko ang note ang nakasulat doon.
Looking forward to make more meals for us! Love, Natasha xoxo
Tinawagan ko ang isang intern ng company namin. "Hello Mr. Villanueva?"
"Have you eaten lunch?"
"Uhm... No sir."
"I have food for you. Pick it up."
"Tha- thank you sir. Pero bakit po?"
"Wala akong gana. Bilisan mo na at pumunta ka na dito."
I hate how she cooks. It doesn't suit my taste.
Malapit na mag- 5 'o clock ng matapos ako sa mga afternoon meetings ko. Medyo pagod na rin ako kasi nakaka- stress ang mga stock holders namin. Ang tataas ng demand.
"Secretary Alfonso, nasaan na ang kotse ko, anong oras na?" Tanong ko. Nasa labas kami ngayong building at naghihintay sa kotse. Pupunta na ako doon sa interview ko and of course, hindi ako sincere sa gagawin ko.
"Ayan na po." Turo ni Sec. Alfonso sa kotse ko. Sumakay kaming dalawa sa kotse at agad- agad pumunta sa network building.
Medyo na traffic kami pero nakarating kami on time. Pagkapasok ng set agad naman akong nilagyan ng make up at inayos ang buhok ko. Pagkatapos noon, nakipag- usap ako doon sa host para daw hindi awkward mamayang rolling.
"Ako nga pala si Patricia, ang host."
"I'm Jiro Villanueva, so tungkol saan ang topic?" Straight forward kong tanong. Para mamaya, handa ako sa mga magiging tanong niya. "How to be a sucessfull man and others." Biro niyang sagot. Medyo pabulong ang pagkasabi niya ng 'others'. Tumungo naman ako dahil ineexpect ko naman na may halong personal ang interview.
"Medyo mababaw lang naman ang mga tanong. Hindi naman kita i- hohotseat." She giggled. Pumilit ako ng isang maliit na ngiti. "Halika na? Rolling na tayo in 5 minutes." Ngiti niya.
Sinundan ko lang siya papaunta sa set. Umupo kami sa mga upuan at nagsimulang mag- recording. Patuloy lang sa pagsasalita si Patricia tungkol sa topic at sa introduction ko. Inilibot ko ang aking paningin and I saw two familiar figures.
Kumunot ang aking noo sa pagkakita sakanila. Ngumiti saakin si Natasha at pumapalakpak kasabay ng audience. Meanwhile, Dad was just sitting there with a smirk. "Please welcome our guest Jiro Villanueva!"
Nagsimula na ang interview. Parulot lang ako sa pagsasagor sa mga tanong ni Patricia. Hanggang sa tumuntong ang mga tanong sa personal kong buhay.
"Are you single?"
"Yes." Marami ang na- shock sa sinabi ko. Akala kasi ng lahat may girlfriend ako, kumalat kasi ang issue na kasama ko si Natasha. If they only know I was only forced to be with her.
Tumingin ako kay Natasha at kay dad. A dissapointed face was plastered in Natasha's face. Si dad naman, nakatingin lang siya saaking ng walang emosyon.
"Really? You have it all and wala kang girlfriend? Siguro may nililigawan ka man lang atleast diba?"
"I may have it all but love isn't easy to find. I'm not interested in romance, yet."
Natapos ang interview at pumunta na kami ni Sec. Alfonso sa kotse ko. "Nag- meet ba kayo ni dad?" tanong ko ka sakanya.
"Opo. He told me na may dinner kayo mamaya. Magkita na lang daw kayo sa company. Mayroon lang daw po siyang emergency meeting." Sabi niya.
Nag- drive na ako papunta sa company at pinark ang sasakyan. Lumabas na kaming dalawa ni Sec. Alfonso. "Mauna na po ako Mr. Villanueva." Pag- papaalam ni Sec. Alfonso. Medyo gabi na rin ng makapunta kami dito.
"Okay. Travel safely." Umalis na ng tuluyan si Sec. Alfonso. Dumiretso ako sa entrance ng building namin at hinintay si dad.
Beep beep
Binuksan ko ang phone ko at tinignan ang nareceive kong text.
From: Dad
Jiro, I'm nearly done with my meeting. I'll be there.
Nakatayo lang ako sa labas. Maraming employees din ang bumati saakin. Medyo natagalan din si Dad. Ano kaya 'yung 'emergency' meeting niya? Tungkol saan naman 'yun at hindi ako nabigyan ng notice?
"Goodevening Mr. Tulio." Rinig kong bati ng guard kay Mr. Tulio, ang ka- partner ng company namin. Akmang pupuntahan ko na sana siya at ang kanyang kasama para batiin pero bigla akong nahilo. Umalis na rin ang mga ito.
"Sir okay lang po kayo?" Biglang umikot ang paningin ko at sumandal sa poste habang hinihimas ko ang noo ko. Tumungo ako sa security guard. "Don't mind me." Sa pagsalita ko, kumirot ang puso ko. Patuloy lang ito sa pagkirot hanggang sa maka- dama ang lungkot at poot. Ano ba talaga ang nangyayari saakin?
Tumakbo ako sa restroom at kinulong ang sarili ko. Patuloy lang sa pagkirot ang puso ko hanggang sa pumatak ang mga luha ko. Walang gabing hindi nangyari saakin 'toh pero nagyayari lang ito sa condo o sa bahay ko. Bakit 'toh nangyari in public?
Hindi ko na namalayan na nasuntok ko na ang salamin ng restroom. Tinignan ko lang ang duguan kong kamay. Bakit hindi masakit? Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko. Kinuha ang phone ko at tinawag ang building maintenance para ayusin at linisin ang kalat.
Pumunta naman ako sa medicine room at nilinis at binendahan ang kamay ko. Minadali ko na ang pagpunta sa lobby para mapuntahan si dad. Sa aking pagpunta sa lobby nakita kong nakangiti saakin ang tatay ko. Tinignan niya ang kamay kong may benda. "What happened, son?" Tanong niya.
"It's nothing. Let's go."
KABANATA II: The Wedding
Jiro Villanueva's introduction video at the media!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro