
39
"Mhmm, March 7 na mga mare, may naamoy akong kakaiba..." ako at maski ang ibang doctor na kasama namin ay napatingin sa gawi ni Addi at napakunot ang noo.
"Ano?" tanong ng isa namin na kasamahan, kabigan pa ito ni Addi kaya naman close ito sa impaktang kung ano-ano na ang sinasabi.
Napangisi si Addi, "Naamoy ko na ang isa natin na kasamahan dito ay may nalalapit na diligan na magaganap." ani niya at ako itong utay-utay nang nakukuha kung ano ang nais niyang iparating ay napatawa at napa-iling bago nagbalik ng attensyon sa mga papeles na inaasikaso ko.
"Hoy, sinets? Grabe kayo ha! May diligan na magaganap! Spill naman ng tsaa mare!" ani ng katrabaho namin na bakla. Parehas kaming close dito ni Addi, actually, close naman ako sa mga katrabaho ko, nakikipagbiruan ako at kulitan, pero hindi kagaya nila Addi na all out kulitan talaga. Awan ko ba, naubos na yata ang energy ko sa UP at kaka-aral, kaya naubusan na ako ng energy na makipagkulitan.
"Tanungin niyo ang kumare natin na nagpapakabusy sa mga papeles sa tabi." Narinig kong turan ni Addi, napahagikhik ako dahil alam ko na ako lang naman ang nagpapaka busy dito kahit walang pasyente sa ospital. Wala lang, gusto ko lang ng may ginagawa.
"Ayy! Doktora Alvarez! Ikaw ha! May diligan pala na magaganap! Malaki ba?" Napahagalpak ng tawa ang iba habang ako itong napapikit lang habang nagpipigil din ng tawa.
"Naku mamma! Oo! Award winning ang jowa ni Xavi!" ani ni Addi, jusko Lord! Ano ba naman iyang kaibigan ko na 'yan?! Alas diyes ng umaga at ang kalat-kalat.
Huminga ako ng malalim bago hinarap ang mga ito, "Diligan na magaganap ba? Sira, walang ganon, unfertilized sunflower seed pa ako dahil hindi pa nadidiligan." ani ko at ang mga ito ay natigilan sa pagtawa at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Ilang taon kana ba doktora?" tanong ng isa.
"26, young na young." ani ko bago napangisi.
"Pwede na..." ani ni mamma, katrabaho namin na bakla, mamma ang tawag namin doon, daig pa kasi minsan ang nanay namin kapag nasermunan kami.
Napakunot ang noo ko, "Pwedeng ano?" Nagtataka kong tanong.
"Makipag chukchakan." ani nito, ako na walang iniinom ay nasamid sa sarili ko na laway, paano pa kaya ang nurse na malapit sa amin na kumakain.
"Mamma naman!! Huwag ganon! Ang kalat!" Turan ko bago napahawak sa aking ulo, hindi ko kinakaya ang mga sinasabi ni mamma! Masyadong SPG!
"Linisin ko lang ha! Sandali lang po." Pagbibiro ni Addi habang hawak-hawak ang walis na nasa tabi lang.
Napatawa ulit si mamma, "Totoo naman Xav, ako na ang nagsasabi sa iyo, masaya, masarap-"
"Mamma, stop na! HUHUHUH!! Hindi kinakaya ng utak ko ang kalat ng 10am. Try mo ulit mamayang alas tres." ani ko at muli napapkit habang sapo-sapo ang ulo ko at umiiling-iling pa.
"Ganiyan din 'yan mamma kapag pinag-uusapan namin 'yan sa apartment, Masyadong hindi ready na usapan na ganon. Parang walang jowa eh." ani ni Addi at napamulat ako bago napasimangot.
"Eh kasi paano ba naman namin gagawin 'yon eh kasama ko nga kayo sa apartment, may kasama rin siya sa apartment nia, diba?" ani ko at napatawa ng pagak si Addi.
"Wow ha, parang kasalanan pa namin." Sarkastikong sagot nito,
Napa-iling ako, "Hindi naman, ang akin lang, wala pa nga kaming sariling tirahan mag s-sex agad kami?" ani ko, diba? May point naman ako?
"Wait nga lang mamshie, sex lang pinag-uusapan dito, bakit parang bata agad ang gusto mo?" ani ni mamma, doon ay natigilan ako habang ang iba namin na mga katrabaho ay tiningnan ako ng nakakaloko.
"Xavi ha! Masyado ka naman family oriented! Have fun naman, uso condoms at pills, OB ka! Alam mo 'yan." Dagdag ni mamma, naka-ani ako ng kantyaw mula sa iba namin na mga katrabaho. Mabuti nalang talaga at walang masyadong pasyente dito, kung hindi ay baka naririnig na ang mga kalokohan na pinagsasabi namin.
"Wait lang mamash, kailan ba iyang diligan na iyan?" tanong ng isa at muli akong napatawa ng pagak.
"Anniversary lang, March 9." Pagtatama ko sa kaniya at tumango ito.
"Diba may dalaw ka?" tanong ni mamma, umiling ako, "Tapos na, kahapon lang." ani ko at nanlaki ang mata nito.
"Mhmm!! Pefect! Pwedeng-pwede na! Try mo lang, isa lang." ani nito at muli akong naka-ani ng mga kantyaw sa kanila, maski ang guard na malapit-lapit sa amin ay napapatawa at napapa-iling na rin. Hindi ko nmana sila masisi at tatawagin na mga chismosa. Kung ipag sigawan ba naman nila halos ang mga sinasabi nila ay kahit sino talaga na ansa paligid ay makikinig ito.
Natahimik ako ng ilang segundo, sila ay may mga kung ano-ano na sinasabi habang ako itong nakatayo sa gilid at nakasandal sa isang lamesa habang may iniisip.
"Mga mamsh, kapag ba uminom ako ng pills starting today, okay lang diba?" Naagaw ko ang attensyon ng lahat, napakunot ang kanilang mga noo habang nakatingin sa akin.
"Xav, ikaw ang OB sa atin dito, malay ko sa pills kung mga bata ang nakakasama ko." ani ni Addi at doon ay tinamaan ako ng realisasyon.
"Ay... oo nga 'no." ani ko bago napatawa nang bahagya.
"Hoy! Xavi ha! Nagbabalak! Condoms nalang muna. Next month kana magsimula ng pills. Sinasabi ko talaga sa'yo, once na naka-isa ka, hahanaphanapin mo na." Napa-irit kami sa sinabi ni mamma, napatakip ako sa aking tainga bago muling hinarap ang mga papel na inaasikaso ko kanina. Trabaho, lapitan mo ako, please! Ilayo mo ako sa mga tao na ito, hindi kinakaya ng utak ko ang ganitong kalat.
Parang sira, hanggang ala-una may trabaho ako. Nag assist kasi ako sa isang mommy na kailangan ng caesarean birth at medyo natagalan kami. Tapos pagkatapos naman doon ay may mga kailangan akong icheck-up. Kaya ang ending, malapit na mag 2PM nang makapag lunch ako, sila Addi at iba kong kasamahan ay nasa trabaho na ng mga oras na ito. Tinamad na akong lumabas ng ospital kaya no choice kundi sa cafeteria na ako bumili ng pagkain. Kaya namna sa clinic ko na dinala ang pagkain ko. Wala naman akong makaka-kwentuhan sa quarters, kaya dito nalang.
Habang kumakain ay naisipan ko na tawagan si Bright, baka lang naman, baka lang hindi siya busy.
Ilang ring ay sinagot na niya ang tawag, [Hello? Xav? Kamusta?] He asked in a soft voice, boses palang niya ay nakakatanggal na ng kaunti ko na pagod.
"Okay lang, busy ba kayo diyan?" tanong ko habang hinahalo-halo ang kanin na nasa isang container.
[Hindi naman, we can talk if you want and if you need something to rant.] ani niya at napatango ako.
"Well, kanina, napaka... chaotic namin na magkakatrabaho, sinasabi kasi ni Addi na anniversary natin in two days, and you know where the topic leads?" tanong ko dito bago sumubo ng pagkain ko.
[Where?]
"Sex..."
[Xavi naman! Seryoso ka ba?] tanong nito sa kabilang linya, napatawa ako bago tumango.
"Yes, I'm serious, I told them we haven't done that yet, then one of our co-doctors told me we should try, at least once." ani ko at narinig ko itong napahagalpak ng tawa.
[Well... if you want to and if you're ready-]
"I always wanted to." Putol ko dito sa nakaka-akit na boses.
[Oh? Oh~] Mukhang nakuha agad niya ang nais ko na iparating.
[Well... we can, tonight?~] Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at tinigasan ang kapit sa aking kutsara. Jusko, ang hot at ang sexy ng boses niya.
"Well... ahm...-"
[Okay, Xavi stop, I know you're joking, and we are both at work.] Putol niya sa akin at napahagalpak ako ng tawa.
"Okay okay, I'll hang up now, I'm eating lunch." ani ko at nag hum ito.
[Sure sure, bye, eat well, love you!] ani niya at napangiti ako.
"Love you too, bye!" sagot ko sa kaniya bago pinatay ang tawag at ibinaba na ang cellphone ko bago nagpatuloy sa pagkain.
Halos 6PM na nang maka-uwi ako, si Addi at Ayen ay naghahanda na ng hapunan habang ako itong bagsak sa sofa at nakatulala sa TV na nagbabalita na hindi ko naman pinapakinggan pero pampaingay lang sa apartment.
"Ayen, HAHAHA!! Si Xavi kanina, tampulam ng kantyaw, virgin pa kasi." Napalingon ako kila Addi na ako nanaman ang bukang bibig.
Napabuntong hininga ako, "Wow ha, kung makapag salita ka parang hindi ka na virgin." ani ko at napahagalpak ng tawa si Addi.
"Hindi mo sure..." ani nito na may nakakalokong ngiti sa kaniyang mukha. Napabuntong hininga ako bago ipinatong ang aking braso sa aking noo.
"Ipapakilala ko na si Bright kila mama sa Sabado, kabado ako." ani ko habang nakatingin sa kisame.
"Ay weh? Goodluck! I'm sure hindi naman sila magagalit, 26 kana 'no, malapit ka nang mag 27, sa April na, baka nga matuwa pa sila eh." ani ni Ayen at muli akong napabuntong hininga.
"Sana nga." sagot ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay inakit na ako nitong maghapunan. Nakahain na rin ang dala ko na isang bucket ng manok na binili ko on the way pauwi. Si Ayen naman ay nagluto ng sopas habang si Addi ay bumili ng Spanish bread pauwi. Para lang kaming naghahapunan noong college pa kami. Kung ano-ano na lang din ang kinakain. Yung pagkain na pang-almusal ay nagiging pang hapunan. Minsan nga ay nagluto sila ng fried chicken kahit umaga.
Nang matapos ay ako na ang naghugas ng pinggan habang silang dalawa ay nag linis na ng kanilang mga katawan. Pagod sa trabaho at siyempre nasa ospital kami buong araw.
Nang matapos ako sa aking ginagawa ay hinintay ko an mabakante ang banyo bago ako naman ang nag body wash. Mabilisan lang iyon dahil gusto ko nang mahiga. Pero nang pumaosk ako ng kwarto at matutulog na sana ay may bigla akong na-alala.
"Sandali lang, tatawagan lang ako kila mama." ani ko bago lumabas ng kwarto at dala-dala ang cellphone ko.
Binuhay ko ang ilaw sa sala at naupo sa sofa bago tinawagan ang number ni mama. Hindi pa naman siguro sila tulog, alas nuebe palang.
[Hello? Anak, kamusta?] Huminga ako ng malalim nang marinig ang boses ni mama.
"Hello ma, busy kayo sa Sabado?" tanong ko,
[Hindi naman, bakit?] tanong nito, bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Katabi mo si papa?" tanong ko,
[Oo, nakikinig, bakit?] tanong ni mama,
"Wala naman, pumunta kayo dito sa Sabado, may ipapakilala ako." ani ko, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi, yung puso ko tatalon na palabas.
[Oh sige, diyan ba kami sa apartment niyo didiretso?] tanong nito.
"Yes po, dito na kayo dumiretso." sagot ko,
[Sige, pupunta kami diyan ng papa mo. Okay ka lang ba?] Bakas sa boses ni mama ang pag-aalala, jusko ma, sa mga oras na ito, siguro hindi na.
"Opo ma, okay lang ako. See you sa Saturday, ingay sa biyahe, bye! Love you!" ani ko at nag 'I love you' din sila mama bago ko pinatay ang tawag.
Nakahinga ako ng maluwag bago tumayo at pinatay na ang ilaw sa sala at humaripas ng takbo papasok ng kwarto.
"Ano daw sabi?" tanong ni Ayen,
Nakahinga ako ng maluwag, "Ayon, pupunta sila dito sa apartment ng Saturday, sabihin ko kay Bri na mag reserve na ng table for 4 sa isang restaurant at doon na niya kami hintayin." sagot ko at tumango si Ayen. Nahiga na ako sa aking kama at nakatulog.
Kinabukasan ay tinrabaho ko lahat ng pwede kong matrabaho na gawain. Para naman sa Sabado ay wala akong aalalahanin. Day-off ko rin kasi iyon kaya napaka perfect na araw. Hindi ko pa natatawagan si Bright pero balak ko siyang puntahan sa trabaho niya mamaya.
Pakiramdam ko kasi ay pwede akong umuwi ng maagap mamaya, na stress na ko buong umaga, panigurado na mamayang hapon ay okay na.
So sobrang hectic ng araw na 'to ay sandwich nalang ang nakain ko for lunch. May ginagawa pa nga ako habang kumakain. Deserbe ko talaga ang day-off ko bukas.
3:30 nang magsimulang lumuwag ang trabaho ko. Pinapakiramdam ko rin ang buong ospital. Ang tahimik, makaka-alis ako maya-maya lang.
Natapos akong mag-ayos ng gamit ko pero tinawagan ko muna si Tera para tanungin kung busy ba sila sa trabaho nila.
[Hindi naman, pauwi na nga ako eh, why?] tanong nito,
"Ah, pupuntahan ko kasi si Bright, mag-aaya akong kumain sa labas. Tsaka may sasabihin na rin ako. Pero huwag mong sabihin na papunta ako ha! Surprise lang." ani ko at narinig ko itong humagikhik sa kabilang linya.
[Sure, sure, I wont. Ingat sa pagpunta dito.] ani nito at nag-hum nalang ako bago pinatay ng tawag.
Saktong alas kwatro ay nakalabas na ako ng ospital. Sana naman ay walang problema an mangyari.
Sumakay ako ng Grab papuntang kumpanya nila Bright, pag dating ko doon ay pinagtitinginan ako ng ibang empleyado. Hindi ito ang unang beses ko dito, alam ko kung saan ang department nila Bright kaya dire-diretso lang ako ng lakad.
"Good afternoon po..." bati ng isang empleyado, bumati ako pabalik at nginitian ito.
Pagdating ko sa department nila Bright at una ako nakita ni Tera, sinenyasan ko ito na huwag maingay bago ako dahan-dahan na naglakad sa likod ni Bright na nag-aayos na ng gamit niya. Maski ang iba nilang katrabaho ay nakangisi na nakatingin sa akin.
"Uuwi kana?" Napa-igtad si Bright nang magsalita ako sa likod nito, agad niya akong niyakap at napatawa.
"Magkakasakit ako sa puso ng dahil sayo." Bulong niya habang nakayakap sa akin, niyakap ko ito pabalik at sininghap ang mabango niyang amoy.
"Done na ang work?" tanong ko dito, kumalas ito sa yakap at tumango.
"Yes? May gusto ka ba na puntahan?" tanong ito at tumango ako.
"Nagugutom na ako." ani ko at napahagikhik siya bago tumango.
"Let's go then." ani niya bago dinampot ang kaniyang bag, hinawakan ako nito sa kamay bago naglakad sa may biometrics nila at nag sign-out kagaya ng ginagawa namin.
Paglabas namin ng kumpanya nila ay tumawag agad siya ng taxi.
"Bri, Bri, gusto ko sa isang Korean restaurant, I'm craving Korean foods." Nakanguso kong turan, tumango ito bago ako pinagbuksan ang pinto ng taxi at pumasok na ako. Umikot siya sa kabila at pumasok na rin. Alam na niya kung saan na Korean restaurant ang gusto ko kaya sinabi na niya ito sa driver.
"Ang aga mo natapos sa work?" tanong nito habang nasa biyahe kami.
"Tumakas lang ako, tahimik naman sa ospital eh. Tsaka Friday naman, okay lang yun, matagal na akong hindi tumatakas, masyado akong mabait na doktor." ani ko at napatawa ito bago inayos ang buhok ko na bahagyang magulo.
Maya-maya lang din ay nakarating na kami sa Korean restaurant, iniisip ko palang yung mga pagkain, natatakam na ako.
"Samgy ba?" tanong niya at umiling ako.
"No, I want..." tiningnan ko muna an menu, kahit naka-ilang punta na kami dito ay wala akong favorite dahil lahat naman masarap dito eh.
"Okay, dahil sandwich lang ang lunch ko kanina, I want Black bean noodles, cheesy rice cakes, barbecue chicken wings, corndogs, and cheesy gimbap." ani ko dito, tumango ang waitress at isinulat ito. Nilingon ko si Bri, "Ikaw?" tanong ko dito, napangiti ito bago tumingin sa menu.
"Samgeyopsal miss, for us two." ani niya at bahagyang nahulog ang panga ko habang nagbabalik ng tingin kay Bright at sa waitress.
"Will be serves in 15 minutes po sir, ma'am." ani nito at tumango lang kami.
"Ang dami natin kakainin, hati tayo sa bill." ani ko at tumango ito.
"I'm craving for beef and pork kaya naman I ordered us samgy." ani niya at tumango ito.
Tumunog ang cellphone niya at kinuha niya ito, habang busy siya sa kaniyang cellphone ay nagpaka busy rin ako sa akin. Wala naman akong gagawin doon kaya nag laro-laro nalang ako hanggang sa i-serve na ang mga order namin. Punong-puno ang lamesa.
"Hey, may sasabihin nga pala ako." ani ko habang ngumunguya at siya naman itong nagluluto.
"Sure, what is it?" sagot nito,
"Pupunta sila mama at papa sa aprtment bukas, diba sabi ko gusto na kitang ipakilala sa kanila? I'm planning na mag pa reserve tayo ng table for 4 sa isang restaurat, doon mo na kami hintayin bukas." ani ko at tumango naman siya.
"Sure, doon tayo sa restuarat nila Luke." ani niya at tumango ako.
"It's our 8th anniversary tomorrow, I'm excited and nervous on meeting your parents." ani niya at parehas kaming napatawa.
"Kahit ako kabado, pero it'll be fine." ani ko at tumago siya bago ako bigyan ng baka sa pinggan ko.
"About the condo unit, ipapakita ko nalang sayo yung mga options, sa apat na 'yon alam ko na agad ang magugustuhan mo, I know your style, Xav." ani niya at napangisi ako.
"After our anniversary we will check on that. Pero for now, don't forget na mag pa reserve and text me the location." ani ko at tumango siya.
"After mo ako ipakilala sa parents ko, and of course ipapakilala kita kay dad at lola ko, what's next?" tanong niya, napanguso ako ng bahagya habang ngumunguya.
"Well... ahm... we can go to the-"
"Kasal na ba ang kasunod?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro